PDA

View Full Version : What do you play?


aRJedi
03.03.06, 06:59 AM
Hello fellow instrumentalists! Naisip ko lang 'tong thread idea na 'to while asking Bro. Lionel the following questions:

- What instrument/s do you play?
- Were you formally/classically trained in your instrument?
- If so, sa'n? by whom?
- If no, how or who taught you?

Feel free to add more related questions kung may maisip pa kayo pero I'll start it off for now:

- Guitar. Acoustic/Electric Classical
- No. Tinuruan lang ako nung uncle ko (RIP) nung Good Friday back in 1990. He gave me 10 basic chord shapes and the rest, ako na lang nag-discover

Next!

soul guardian
03.03.06, 11:03 AM
good topic Arjay! I'll go next...

I play the piano, pero I'm not the virtuoso type ;D. I had formal lessons on organ first, then I went to piano lessons, then I decided to stop kasi I felt the pacing rather slow. :-\

So now I just study on my own.

I also play the guitar, I taught myself. I wanted to get used to chords kasi e, more of ear training. I play the flute din, pero yung bamboo lang. ;D

Ok, who's next?!

Alexander
03.03.06, 10:56 PM
When I started in the music ministry, I played the guitar, walang nagturo sa akin kasi gusto ng dad ko na matutunan ko on my own, pero he's there para pagtanungan ko kung tama ung daliri ko or not. Kakatawa nga dahil ang una kong pinag-aralanng kanta ay "Dust in the Wind". Imagine nag-i-strum ako when in fact ay plucking ang kanta. ;D

Before ako mag gitara, I studied Piano noon pero Primer lang, then I stopped, I went back to Piano nang may interest na ako sa music and note reading sa choir (grade 1 naman). Doon ko napakinabangan ng husto ang note reading, sa pagtuturo sa choir, kaya lang, di ko naipagpatuloy kaya Widow ang method ko ng pag keyboards.

I was playing the xylophone also at banduria, pero hindi nagtagal, sunod ko siguro pag-aaralan, God willing, ay ang flute or violin.

Cheers...... ;D Who's Next

J O J I T
03.03.10, 12:50 PM
ako naman po, hindi ako marunong mag-guitar kasi yung isang finger ko tabingi. mahirap. ;D piano naman, konti lang alam ko, yung simple chords lang ng A, B, C, D, E, F, G, Am, Dm, etc. :) pero marunong po ako mag-drums and bass. way back kasi in high school, laging rock mass parang born again. ganun po kasi sa Don Bosco. so pag medyo kailangan ng drums, ako tumutugtog sa mass. up to now drums pa din ako kahit sa church or sa office. gusto ko nga mag-aral ng piano kaya lang talagang walang time. late na uwi, aga pa gising, pregnant pa si misis, meron pang makulit na baby. pero impisahan ko na. mahirap na kasi, baka umalis pianista namin, wala ng ibang tutugtog. :)

btw, naranasan nyo na bang iwanan ang choir nyo ng intrumentalist? ano gagawin nyo kung walang ibang marunong tumugtog? paano kung meron commitment? paano kakanta? madali lang po sabihin na acapella pero mahirap minsan kumuha ng tamang pitch bawat isa. baka iba-ibang pitch kantahin. :) thanks

Alexander
03.03.11, 04:00 PM
btw, naranasan nyo na bang iwanan ang choir nyo ng intrumentalist? ano gagawin nyo kung walang ibang marunong tumugtog? paano kung meron commitment? paano kakanta? madali lang po sabihin na acapella pero mahirap minsan kumuha ng tamang pitch bawat isa. baka iba-ibang pitch kantahin. :) thanks


Honestly hindi pa, kasi ako yung tumutugtog, pero if I am in you shoe, dapat nga matuto ka rin kahit magbigay lang ng pitch kung marunong kayong mag acapella. Pero the best thing is dapat mag-recruit ka ng maraming marunong tumugtog para umalis man (for any reason) merong ibang tutugtog. Lalo na kung maging busy or may sakit or nangibang-bansa dapat mayroon talagang alternate plans.
:D

hashpipe
03.03.14, 04:07 PM
What instrument/s do you play?

I play the guitar (unfortunately, not Mr. Lionel's caliber) and the piano (not a virtuoso like Mr. Palan). ;D

Were you formally/classically trained in your instrument?

I enrolled in a piano course back when I was in Grade 3. My teacher was also the LPBC's assistant choir instructor which I was once a part of. I quit the course when she started to slap my hands with a ruler and started to pinch my ears. I never reached "Grade 1." :p

And so, I honed my skill on my own. I can read notes but it takes a a bit of a time for me to actually play it. I'm more of a "widow-er" (if there's such a word).

I taught myself to play the guitar when I was in 2nd year. Since I already have a bit of knowledge in music, it just took me a short span of time to know the chords. After a year, I'm already playing in a band. 8)

DiViDe^
03.04.21, 10:02 AM
ganda ng topic na 'to ah... ;D

i play the guitar, pinag-aralan ko na lang mag-isa kasi walang gustong magbigay ng oras para turuan ako...
so i decided to learn on my own... sabi ko pa sa sarili ko nun... "gagaling din ako, ang dadamot nyo"... ang bad ko noh?...

i started playing guitar nung 4th year hayskul ako... hehehe
D-A-G-A <--- unang chord pattern na nalaman ko... daming kanta nun na nigagamit yung pattern na yan... tapo minsan lumapit yung priest namin... nag offer... pagaaralin daw ako ng organ, sabi ko sa sarili ko nun masaya na ako sa gitara... (ayun) nagsisisi ako ngayon kung bakit d ko nitanggap yung offer na yun... kaya gitara lang hawak ko ngayon... kung minsan tambourine (tama ba spelling?) anyway... mahina ako pagdating sa mga notes... pero may computer naman... hihihi...

pero gusto ko talagang matuto ng piano... as in... hanggang ngayon gusto ko pa rin... kahit matigas na ulo ko, hehehe sabi nga nung isang instructor na nikausap ko... "may tenga ka na eh, matigas na ulo mo, hirap ka ng turuan"... kainis talaga... gusto kong mag aral ng pianoooooo!!!!! (yun nga lang wala akong pera) :P

Alexander
03.04.21, 12:04 PM
marunong ka mnaman mag-gitara diba? madali ng mag widow sa Piano, lalo na kung alam mo ang equivalent ng tinitipa mo sa gitara, matitipa mo rin sa Piano un.

Sa gnun lang ako nagsimul, though me kaunting aral ng Piano, ngayon puro widow na lang ;D

lionel
03.04.23, 12:08 AM
mga kapatid sa pananampalataya,

ok ang mga kwento niyo. talagang walang matututo kung pinipilit lang, di ba?

btw, "ouido" is learning music by ear.
yung "widow" ay yung namatayan ng asawa.... :D
just thought i'd let you know.

ipagpatuloy!

lionel

Alexander
03.04.23, 12:52 AM
Lionel,
thanks for the correction... hihihi, palibhasa wala talagang formal training kaya wrong choice of words.

BTW, nandito ka pa ba o nasa US na? What about your EDSA Shrine assignment?

Tagal mong nawala a.... Cheers... ;D

J O J I T
03.04.23, 08:32 AM
sir alex, mukhang late na tulog natin. ;D

sir drinie este sir lionel ano po yung ouidoer? :D

basta ako nangangarap pa rin ako magkaroon ng sapat ng oras para makapag-aral ng piano. gusto ko talaga matuto nun.

sarap pala mabalik sa makati, dami ko nakikitang bukas palad members. last monday and this morning nakita ko si candice. yesterday lunch nakita ko naman si sir tonet and ma'am laine lunch date sila. ;)

pinwheel
03.04.23, 07:26 PM
ouido din ako, guitar & piano. pero drums talaga ang hawak ko. session player ako dati ng mga bands diyan sa Pilipinas...

kurapica
03.04.28, 02:15 PM
hello, bago ako d2.......i'm playing keyboard!!!! actually some of the tinapay ng buhay songs na turo ko na sa choir ko!!!

kuya jojit, you can learn how play piano as long as you have time and willingness.

jeromz
03.04.28, 02:58 PM
ako organ kaso wala kami sa church non, kaya piano. di ako magaling. i play only when our pianist is not available.
i learned to play organ when i was 10 years old. ouido lang din po. puro liturgical songs lang ang natutugtog ko. :)

kurapica
03.04.28, 03:11 PM
It doesn't matter kung magaling ka o hindi as long as galing sa puso mo ang pagtugtog....

J O J I T
03.04.29, 02:38 PM
willingness, madami. time, wala. piano, wala din ako. :(

basta, baka sa next life ko matuto din ako piano. ;)

jeromz
03.05.07, 05:58 PM
It doesn't matter kung magaling ka o hindi as long as galing sa puso mo ang pagtugtog....




sana nga makapag-aral pa ako ng piano kasi dream ko na yun bata pa lang ako. gusto ko talaga sa chuhrch ako tumugtog. :)

Punzi
03.05.29, 11:57 PM
Back to the topic ulit! :)

Ako piano and flute.

Sa piano, nag-aral ako sa isang tutor every week from grade 1 to 4th year HS. May natutunan ba ako sa kanya? WALA! Hindi siya marunong mag motivate.

Mas may natutunan pa ako sa music teacher ko nung 3rd year HS ako nang nagturo siya ng chord construction. Mabagal pa rin ako magbasa ng nota.

Flute, kapa-kapa lang hanggang natuto. Nag-start ako ng HS nang may nahiram na flute. Tapos kaunti noong college kasi wala akong mahiraman. Nung law school bumili na ako ng flute at doon na akong natuto mangapa ng husto.

regards to all

norman
03.05.30, 05:29 PM
Ako keyboards lang. Lahat sana ng instrumento gusto kong matutunan pero mahirap ata yon.

So ang ginagawa ko na lang, pinakikinggan ko nang husto ang bawat instrumento sa isang recording. For example, kung orchestra ang pinakikinggan ko, I try to understand the role of each instrument in producing the orchestral sound. Ganon din sa pop recording.

Tapos pilit kong ginagaya sa synthesizer yung mga instruments in terms of range, feel, touch, etc. to approximate the natural sound.

Hay naku, mas madali siguro kung nag-aral na lang ako sa conservatory!

Anyway, lately ang hilig ko naman ay hand percussions. Paano, di hamak mas magaling sa akin si Palan mag-piano! :clapper:

J O J I T
03.06.01, 09:36 AM
kaya nga idol kita sir norman sa lahat ng BP. kasi pareho lang tayo, pwedeng tenor and pwede ding bass. hindi nga lang ako marunong mag-piano at mag-arrange (pero minsan, kami gumagawa ng voicing sa tenor and bass pag walang piyesa.) tapos ako din hawak ng percussions. simula ng makita kita sa philamlife, naisip ko na pwede palang mag-percussion sa choir. ;)

bhoyet
03.06.02, 01:45 PM
ako I play guitar naturuan ako ng tatay ko bago sya sumakabilang buhay ( pati pag dadrive)

nag aral din akong mag keyboard kaya lang walang practice nag karoon kami ng parang workshop sa parish namin. gusto ko rin sanang mag tutoo ng piano kaya lang walaring oras saka baka mahirap..... ???

jojit makati ka ba nag wowork? saan? ako rin makati. ;)

J O J I T
03.06.02, 02:52 PM
di po. dito ako main office ng philam. dito sa UN. ;)

bajo
03.06.02, 03:27 PM
Ako naman Keyboard, organ ang kaya ko, pero hindi ako expert. Self-study lang at kapa-kapa lang. Medyo mabagal pa kase ako bumasa ng notes lalo na kapag madami na flat.

nargalzius
03.06.09, 06:18 PM
Interesting thread, makisali nga. Pero mahaba haba to . . . so skip nalang this post pag tinatamad magbasa.

What instrument/s do you play?
Guitar (pag sa computer naman kahit ano na hahaha. basta me soft-synth na katapat. but I particularly love programming basslines and drum tracks)

Were you formally/classically trained in your instrument?
nope

If no, how or who taught you?
Self, a bit tricky to explain this. I learn by ear, and remember more by "position" rather than "chord"

To expound. up until now, ang alam ko lang is the basic major and minor chords (so kunwari songbooks then masusundan ko as far as that goes)

But once "variation" na siya (9th, suspended, etc. etc.), then I rely on my vocal knowledge naman to derive it. Kse given any chord, if they say kunwari make it a "-5", then I know what note to put in terms of the sound. So ginagawa ko sa guitar yon: hanapin sa boses, kapain sa guitar, then incorporate it to the chord na pinakamadali na position . . . and usually ganon na rin yung itsura sa chordbook when I check hehehe.

Pero you can imagine how slow that is compared to just memorizing the blasted chords. So hindi ako maasahan as an instrumentalist UNLESS i know the song by heart hehehe.


We can even extend the discussion to how do you deal with / or learn / make "voicings" if you want kse malamang unique din yung paraan ko muwahahaha.

gregg
03.07.23, 04:14 PM
Hi to everyone! sali ako!

Ako nga pala si John Gregg. Tumutogtog ako ng organ at keyboard dito sa San Isidro Parish, Digos City, Davao del Sur (ang layo ano?). Tumutogtog din ako sa aming college chapel. Natuto ako tumugtog kahit wala kaming keyboard sa bahay. Last year 2000 lang ako natutong tumugtog. Kumakanta ako sa aming choir as tenor or bass, pero gusto ko talagang matutong tumugtog. Binasa ko at pinaktrisan ko ang mga basic chords para sa keyboard. Noong una inapply ko ang chords sa lyre lang, then sa maliit na keyboard ng aking pinsan, then after that hiniram ko talaga ang keyboard ng aming organist for 2 to 3 months sa bahay namin. vacation iyon. Tinuruan niya ako ng kaunti at self-practice nalang ako, hanggang sa medyo marunong na akong tumugtog. :) :D :D

archer2422
03.07.23, 09:03 PM
I started studying and playing the piano almost by myself (with a little help from my mom) when I was just five.

It was actually my two elder sisters who had regular piano lessons at home. Hirap nila turuan, lagi nga napapalo ng teacher ang kamay nila. Siguro kakaulit-ulit nila sa isang piyesa, namemorize ko ang tono at medyo nakapa ko mag-isa. ;)

Seeing I was interested, my mom labeled the note positions on the keyboard itself, at the same time patiently wrote every note value on the piano scores. Hanggang natuto na ako kahit papano.

Sadly, I lost interest when I began going to school. It was only when I joined the Parish Choir after college when my interest was renewed.

Now I play the keyboards live in church only ocassionaly, since most of the songs I have already done on MIDI. We only have few male members kay napilitan na rin akong kumanta, hirap kasi ako kumanta at tumugtog nang sabay.

kurapica
03.07.24, 07:35 AM
It will take time ang pagbabasa ng notes at practice lang nang practice, ika nga, "Practice makes everything Perfect" kaya Punzi, practice lang eventually reading notes are like eating peanuts.


Back to the topic ulit! :)

Ako piano and flute.

Sa piano, nag-aral ako sa isang tutor every week from grade 1 to 4th year HS. May natutunan ba ako sa kanya? WALA! Hindi siya marunong mag motivate.

Mas may natutunan pa ako sa music teacher ko nung 3rd year HS ako nang nagturo siya ng chord construction. Mabagal pa rin ako magbasa ng nota.

Flute, kapa-kapa lang hanggang natuto. Nag-start ako ng HS nang may nahiram na flute. Tapos kaunti noong college kasi wala akong mahiraman. Nung law school bumili na ako ng flute at doon na akong natuto mangapa ng husto.

regards to all

Jon2
03.07.30, 09:55 PM
ala...alam nyo ako, alang formal training....sa piano parang pustahan lang ng pinsan ko kasi me isang mabait dun sa group namin dati :ona akala nya sya lang me alam..so nag-aral ako..chords lang for a week..then i realized...mas maganda pala pag notes...so pinagaralan ko...ilang beses ngang namaluktot fingers ko sa piano but it all paid off...now, i know a little and it's almost two years now...di man magaling but at least, i can...
puro observations rin lang like yung note reading...i really don't get the beats and counts...heheheh..pero ngayon, parang medyo nakukuha ko na... ;)
ang trip ko talaga e violin, my first paycheck sa unang work ko e yun binili ko..kaso to my stupidity, i wasn't able to check if there were any books available. to my luck, ala...waaahh! online meron pero it'll cost me...that i cannot afford :-\...i have a teacher here pero nakalimutan na daw nya and he wants me to get a book....sigh...baka merong mabait na magpapahiram....salamat! ;D

cassiopeiavine
03.12.22, 07:05 PM
Guitar. Love it so much... jan ako napupuyat. minsan kahit walang particular song na kinakanta, basta progressions lng tsaka humming... and i discovered that u can create very good melodies doing that. unfortunately, madalas di ko matandaan, hehe... Formal training, wala. Keyboard, konti lng. piano, chords lang... basic talaga.

Ojen_G
04.02.02, 02:14 AM
Habol ako!!!
I play the piano/keyboard/organ. Sa piano ay di ko magawa na pagsabayin ang sustain pedal sa song. May alam din ako sa gitara kaya lang chords lang ang gawa ko at strumming lang nagagawa ko. Mas gusto ko pa rin ang organ kc di ako nagkakaroon ng kalyo sa kamay di tulad ng gitara.

Nagstart ako nung Grade 6 ako at ang ate ko ang nagturo sa akin ng chords pero at that time di ako nagtuloy sa pagtugtog sa simbahan sa ganung age. Pero sa bahay ay nagpapractice ako magisa since my knowledge na rin ako sa reading notes coz naituro na ng music teacher namin yun nung Grade 4 p ako. Nakatugtog ako sa simbahan for the first time nung ako ay 4th yr HS na. Still practicing myself in my own room where there are no distractions. Hanggang sa tuloy tuloy na at nadagdagan pa ng Si Bro. Arnel ay mag apostolate sa simbahan namin dito sa San Isidro Labrador (ngayon ay parish na). Specifically, ang place namin ay Bagong Silangan, Q. C.

Palagi akong nagpapaturo sa kanya ng mga intro ng songs sa simbahan tapos iba ay ipaparinig nya n sa akin at ako n ang bahalang mag laro base on the chords. Siya rin ang nagturo sa akin ng mga broken chords and also the chords like aug, dim, 13, 9 etc.

Pag bago ang kanta, pinapakinggan ko muna ang tune tapos saka ko isasabay na ang pagbasa sa notes habang tumutugtog pag inulit na ang song na iyon.
Nag-aral ako ng piano lessons nung ako ay nasa 4th HS, simula iyon sa level ng Kinder hanggang Garde 5. Sa bahay lang ng nagtuturo ang lesson namin at iyon ay sa Parang Marikina, di ko alam kung buahy pa ang teacher ko kc matanda na siya ng magturo sa akin. Ang naabot ko lang na level ay hanggang Grade 2 kc naggraduate na ko at malayo na ang skul ko sa college sa place ng piano lesson ko.

Nagagawa kong mag ouido kung inspired ako pero ang alam ko ay tiyagaan lang ang gagawin kung gusto maging ouido, di ba?

Dito na nagstart ang career ko sa pagtugtog sa simbahan ng liturgical songs hanggang ngayon.

Di pa ako magaling na tulad ni Sir Palan, masasabi kong magaling na ako kung kaya ko nang tugtugin ang isang piano score na binigay lang sa akin sa oras na iyon at matutugtog ko rin sa oras na iyon ng walang hinto. Alam kong sila Sir Palan at Rev. Arnel at Fr. Manoling ay kaya yon. :)

Das_Sein
04.02.25, 03:21 AM
gitara po, dulot ng katwiran sa magulang na mas madaling bitbitin ang gitara kaysa sa piano. sayang, handa pa naman silang bilhan ako ng piano kung magsusumigasig akong matuto nung nsa elem. pa ako; kaso kinulit ko na gitara na lang. ngayon, hinayang na hinayang ako't pinigilan ko sila. :P nevertheless, i know how to read notes, and so marunong akong tumipa sa keyboards, kaso isang kamay lang. ngayong may organ naman dito, problem naman panahon. nakuuu.. pag nakikinig ako ng lauds naaalala ko yung pagtanggi ko dati sa piano.
pero sa koro, boses lang po ang puhunan ko. never pa ako naisalang na tumugtog ng gitara para sa misa.

prinze
04.09.29, 05:41 PM
thanks tatay alex, kuya jon2 yuhooo....
nasaan ka? turuan mo ako mag violin..
pakakainin kita ng lumpia...hehehe

Punzi
08.06.25, 07:05 AM
Back to the topic ulit! :)

Ako piano and flute.

Sa piano, nag-aral ako sa isang tutor every week from grade 1 to 4th year HS. May natutunan ba ako sa kanya? WALA! Hindi siya marunong mag motivate.

Mas may natutunan pa ako sa music teacher ko nung 3rd year HS ako nang nagturo siya ng chord construction. Mabagal pa rin ako magbasa ng nota.

Flute, kapa-kapa lang hanggang natuto. Nag-start ako ng HS nang may nahiram na flute. Tapos kaunti noong college kasi wala akong mahiraman. Nung law school bumili na ako ng flute at doon na akong natuto mangapa ng husto.

regards to all

Update lang... (at para maitaas ang topic kasi maganda ito)

Since my last post in this topic, magdadalawang taon na akong nangangapa ng saxophone (alto at soprano) at clarinet. Yung clarinet lang talaga ang pwede sa misa, unless may mag-drums don.

Thanks to an elderly and senior classically-trained violinist sa present choir ko, natutu-tuto na akong magbasa ng nota ng mas mabilis. Since ang galing nya at may tendency na hindi ko marinig ang sarili ko pag misa, napilitan rin akong mag step-up sa aking flute playing.

As of now, transitioning ako from a closed-hole to an open-hole flute. Hindi na naman siguro magtatagal, medyo nakukuha ko na surprisingly after only a few days.

regards to all :)

ednavaliente
08.06.25, 07:41 AM
ako, guitar... since grade IV yata, i started with three chords taught by my nanay (hindi n'ya alam ang name ng chords kasi she doesn't know how, she's one of those oldtime guitarists who calls chords in their spanish names i.e. sol mayor, fa minor, and the like). i didn't have the chance of a formal training, i learned to read the chord chart on my own and by observing other members of my family play the guitar. both my parents, all my brothers and sisters play the guitar...but not anyone ever nagtiyaga na turuan ako...papaano... lahat din sila natututo nang hindi tinuturuan.

ednavaliente
08.06.25, 07:43 AM
pinag-aralan ko rin ang keyboards, but hindi ko 'to namaster. ilang songs lang ang kaya kong tugtugin dito.

titopao
08.06.25, 07:43 AM
Uy, ba't di ko alam na may ganito palang thread :)

Here are the instruments I can play, in order of preference and of estimated mastery:

INSTRUMENTS I PLAY
1. Piano --- my first and my principal instrument. Preferred ko ang grand piano, but since there aren't that many opportunities to use one, a decent upright would do.
2. Organ (i.e. two-manual keyboard with pedals)---this is the one I use in my regular service. (Having said that, gusto kong i-try minsan yung organ sa EDSA Shrine, more than two octaves kasi ang pedal nun :P )
3. Bass guitar --- my first ensemble/band instrument
4. Guitar --- nylon, electric, steel-stringed acoustic. In that order of preference
5. Double bass, pizzicato only. Ang lalaki kasi ng intervals eh :P Pero hindi ako hirap hanapin yung tamang pitch :) One day, gusto ko i-try dagdagan ng may bow
6. Drum kit (i.e. the one used by rock/pop bands)
7. Bandurria --- haven't touched one for ages, but isn't that difficult to learn and play
8. Soprano recorder
9. Alto recorder --- am having some difficulty getting my intonation right, ang laki kasi nito! :P
10. Violin --- very basic, Grade One stuff, good enough to support the string ensemble in the parish

FORMALLY TRAINED?
No, I never spent a second in formal lessons. I learned everything by myself---including learning how to read and write music. This applies to all instruments.

allen lucas
08.06.25, 10:55 AM
ako i play nylon guitar sa church na pinalagyan ko ng fishman na pick up so far maganda naman ang performance niya consider na low end amp lang ang gamit namen sa church.

Yna Suello
08.06.25, 11:54 AM
Uy, ba't di ko alam na may ganito palang thread :)
...

FORMALLY TRAINED?
No, I never spent a second in formal lessons. I learned everything by myself---including learning how to read and write music. This applies to all instruments.

You're really quite gifted in music, titopao!

As for möi: I had primary lessons in piano back when I was 8 years old but I stopped at the end of Piano-Grade One. Tamad mag-practice e. Hehe. :D

In 2001, when I joined the choir, one of our keyboardists taught me the chords for keyboard; the common chords lang. Eventually I tried learning the other chords by myself. Pero the really tough ones hindi ko pa aral. ;)

^_^

reagan
08.06.25, 04:26 PM
Gitara, tsaka konting keyboards. :D

msselda
08.06.26, 06:45 AM
Gitara
Electronic organ - ito talaga ang pinagmulan ko sa teklado, yong chords ang kaliwa at nota ang kanan..matagal akong nangarap na style napiano ang pagtugtog at after ng maraming taon natuto rin ako.
Bandurria, Laud at Octavina- sakit sa kamay bago matuto dahil sa steel ang strings pero maganda lalo pa dito sa location ko, kapag may cultural presentation ang Philippines embassy tawag agad ang rondalla.

Ana Maria Licup
08.06.26, 09:00 AM
I play piano, electronic organ and guitar with nylon strings. Masakit kasi sa daliri yung steel strings e.

Niyelskie
08.06.26, 09:06 PM
I play the guitar. I started to be hooked on it way back 1994(graduating na ako nun ng secondary education) because of my fellow peers na ka miyembro ko rin sa isang BEC based choir. Self study na ko sa guitar when my dad bought me one of my own. For the next two choirs na sinalihan ko, naicocontribute ko yung humble skill ko pag wala ang aming Pianist or sa mga song na guitara ang the best instrument for that. Sa ngayon, di na ako tumutugtog madalas for Koinonia(Mother of the Redeemer Parish)kasi me organista na kami at nakatutok na lang ako sa iba pang important aspects ng aming choir.

ernanibaetiong
08.06.26, 11:20 PM
Wow gandang thread!:)

i play/ed the following (arranged according to my proficiency):

1. flute (though a little over 15 yrs na kong hindi nakahawak nito)

2. piano/organ/keyboard/xylophone/glockenspiel

3. guitar (nylon/string/electric/lead/rhythm/bass

4. piccolo (hindi po ito paputok ahehe)

5. drums/triangle/cajon/chimes/gong

6. recorder

7. tuba (dahil kulang ang tao)

8. tenor/alto/baritone sax (kasi pareho ang finger placement halos sa flute, mahirap lang sa mouthpiece dahil sa reeds)

9. timpani (ages ago......) di ko na nga alam pag-adjust ng pitch eh hehe

At dream ko din na pag may time makapag-aral ng violin, cello, french horn at oboe (wahhhh double reed!!!)

allen lucas
08.06.27, 01:34 AM
ernani dami mong alam tugtugin may mga instruments ka ba nung mga alam mo iplay? baka puwede kitang mainvite kita dito sa amin pag kulang yung chamber orchestra na kukunin ko para sa fiesta namen next month. pag d umabot yung mga piyesa baka magpatulong na lang ako sa iyo. puwede ba?

titopao
08.06.27, 07:58 AM
4. piccolo (hindi po ito paputok ahehe)

LOL I love that one LOL

joogoose
08.06.27, 08:25 AM
i play piano and electone..

titopao
08.06.27, 08:32 AM
fiesta namen next month.

Hmm...dahil malapit na pala ang fiesta ninyo, dapat magpa-cheeseburger ka! Burger! Burger! Burger! LOL

Seriously,though...interesado akong manood ng mga presentations sa inyo pag may time. May listahan ka na ba ng mga performers and also ng schedule? :)

allen lucas
08.06.27, 12:39 PM
titopao wala pa kameng schedule ng performance para sa fiesta namen next month, baka sa December yung mga series of concerts namen, mukha ngang d matutuloy yung grand choir namen magconcert sa December, nagkakaproblema kase sa mga members, puwde kayang BPOCC na lang ang magconcert? ako bahalang iwork out yun sa parish namen pag natuloy.

titopao
08.06.27, 12:44 PM
titopao wala pa kameng schedule ng performance para sa fiesta namen next month, baka sa December yung mga series of concerts namen, mukha ngang d matutuloy yung grand choir namen magconcert sa December, nagkakaproblema kase sa mga members, puwde kayang BPOCC na lang ang magconcert? ako bahalang iwork out yun sa parish namen pag natuloy.

Naku, hindi ko kayang sagutin yan ng ako lang. Mas magandang kausapin natin si Froilan para mapag-usapan ng masinsinan...though, kung sa December pa naman yan, marami pang time. We'll see how it goes :)

ernanibaetiong
08.06.27, 03:34 PM
ernani dami mong alam tugtugin may mga instruments ka ba nung mga alam mo iplay? baka puwede kitang mainvite kita dito sa amin pag kulang yung chamber orchestra na kukunin ko para sa fiesta namen next month. pag d umabot yung mga piyesa baka magpatulong na lang ako sa iyo. puwede ba?

naku allen sadly all these had been lost due to some unfortunate situations (read: nabenta ahehehe). hindi naman lahat dun sa akin, tulad yung timpani, ang yaman ko naman kung ganun hehehe. i was part kasi of the st. scholastica youth orchestra noong early 90's kaya marami akong nahawakan na mga instruments. we were handled by prof leopoldo lopez, now conductor of the up brass. teacher ko pa noon sa rudiments si sis. mary placid abejo, surely meron din syang mga wards dito hehe, alamat na kaya ang lola nyo ahehe.

what was mine ay yung flute (wala na), piccolo(wala na din, titopao pumutok na ahehehe), several guitars and keyboards. ngayon ang natitira na lang ay ang aking piano...piano roll sa midi editor ahehehe:)

sige allen kung san ako makakatulong go, if skeds allow ehdi ba sino ba naman tayo para hindi magtulungan ;)

allen lucas
08.06.27, 10:54 PM
salamat ernnai. kitakits bukas.

anok17
08.07.01, 12:09 AM
i can play guitar..i'm practicing na mag-organ ngayon..hehehehe..

buhaykanta
08.07.03, 08:25 PM
I used to play the guitar, And I was classically trained for around a year, pero nahirapan ako, kaya nagstop ako.

Right now, I play the piano. Dalawang taon na since bumalik ako sa lessons ko, under Ms. Pia Balasico in the College of Music extension program. So yes, classially trained ako ako. :)

But before that I had already trained under my grandmother who was a professor at the college of music. (Dr. Cora Dioquino). Then we just ran out of free time.

And since I'm an Asian Music Major, I know how to play the Kulintang, and a few kalinga ensemble instruments (tongatong, patteteg)

ednavaliente
08.07.04, 07:39 AM
i can play guitar..i'm practicing na mag-organ ngayon..hehehehe..

anok,

uy...pa-humble effect, di ba ikaw talaga ang organist ng choir nyo? as far as i know ha...

yenzephyr
08.08.21, 01:02 PM
piano and organ.... but i am more attracted to the piano...

what is the because? (hehehe...)

i think you can express more with the piano....

tmlagamon
08.08.29, 10:13 PM
Sa ngayon po bassist ako, pero pag may pagkakataon i also play guitars & drums.

LMacaranas
08.08.30, 01:12 PM
According to my most favorite:

1. Piano - it's has a more personal touch especially when accompanying solo voices or accapella-like arrangements (para mas lumabas yung blend ng SATB):heart:

2. Organ - my Sunday buddy!8)

3. Bass guitar - most favorite instrument as a former rocker, hehehe, also the instrument i miss the most, kaya di ko to mabenta e :cry:

4. Drums - 2nd most favorite instrument as a former rocker, Yeah! >:(

5. Guitar (Electric/Acoustic) - 3rd most favorite as former rocker, hindi ko rin to mabenta, baka mamis ko din e..

6. Harmonica - Nakalimutan ko na yata tumugtog nito ??? Nagagamit ko rin to nung nagbabanda pa ko.

blazinghands
08.09.12, 12:12 AM
makisali nga... ;D


What instrument/s do you play?
not that good with western instruments.
1. recorder flute - basic lang. started with bamboo flute out of curiosity saka sikat kasi si cedie non [HAHAHA! yes, ang cheap ko no?] tapos progressed to yamaha alto recorder, altho di ko na napapraktis ngayon. dream ko makatugtog ng transverse flute :)
2. piano/keyboards - can play basic chords pero never tried accompanying yet (i.e., hanggang autistic playing lang). can read pieces pero super bagal. awa ng Diyos eh first few bars pa lang ng piano score ng et misericordia ni john rutter ang nasusubukan ko. sabi ko nga sa sarili ko eh kapag natugtog ko na yung buong piyesa eh pwede na akong mamatay :)

can play filipino ethnic percussion instruments with moderate ability. nakasali kasi ako noong college sa kontemporaryong gamelan pilipino (kontra-gapi), official ethnic music and dance ensemble ng up diliman college of arts and letters [yes, the title is that long. try nyo bigkasin with one breath lang hehehe].
in order of preference:
1. kulintang - can play and improvise on most basic and some complex melodic patterns. can understand number notation devised by prof aga mayo butocan for kulintang playing. love ko yung may mas malalaking gong kasi richer ang texture saka di masakit sa tenga.
2. sarunay (cute version ng kulintang)
3. agung (bossed gong) – can adequately play rhythmic patterns used in accompanying pangalay dances
4. gangsa - can perform the two styles: pallo-oc (with stick) or toppaya (bare hands)
5. gabbang (bamboo xylophone)
6. kubing (mouth harp)
7. various bamboo instruments (tongatong, patatag, bungkaka, etc.) - swerte nga akong nakasama sa mga naglapat ng tunog sa "bagong buwan" na pinagbidahan ni cesar montano, at ang mga ito ang ginamit namin
8. angklung - indonesian ito pero meron kami nito sa kontra. natutugtog ko ito minsan
9. tongali (nose flute) – can play this but never tried performing with it. nakatoka kasi ito sa member namin na flute major

Were you formally/classically trained in your instrument?
sa piano at recorder, sariling sikap lang.
sa ethnic instruments, naturuan ako ni sir edru abraham, katulong ang mga older batches, although di ko masasabing formal training siya kasi napaka-informal ng set-up ng kontra. mas angkop sigurong tawaging apprenticeship. actually, utang na loob ko sa kontra yung rhythmic skills ko. sa kontra-gapi kasi ay ang buhay ay ritmo (figuratively and literally) kaya kahit mahina ka rito pagsali mo eh kalaunan din ay mahahasa ka. puro beat patterns ba naman ang pinag-aaralan niyo every rehearsal kaya ewan ko na lang kung di ka pa matuto kahit konti.

caj1022
08.09.13, 12:58 AM
I play the keyboard but I also want to learn the piano :)

awithandog
08.09.28, 03:08 AM
ako.. rin nag karon din ako ng interest
sa guitar, pero hndi na ngayon msyado kasi mhirap ipitin lalong lalo na pag flat at sharp. pero may bago na akong hobbie ngaun, pag pi-play na nman ng organ at piano...:)

madali lang ba matuto ng pag pi-play ng guitar?:)

allen lucas
08.09.28, 10:48 AM
madali lang ba matuto ng pag pi-play ng guitar?:)

nasa discipline mo ang pag progress mo sa guitar kung gusto mo talagang matuto nito, maraming device at method ka na magagamit para maaral mo ito, cguro hindi pa ready ang kamay mo sa mga chords kase it will take time para makuha mo yung tamang pulso sa pag tugtog ng chords lalo na yung mga naka bar. take one at a time cguro aral ka muna kung pano magbasa ng musical notation sa guitar at least yun single string lang muna ang gagamitin mo, makakatulong din yun sa pagturo at pag aral mo ng kanta.

khuletz20
08.09.28, 06:06 PM
piano/keyboards pa lang po, beginner pa lang po ako... soon to be magiging organist ako ng simbahan namin "sana" hehehe

xavieristicology
08.10.14, 07:10 PM
guitar and organ, ayoko ng piano, ang tigas, sakit sa daliri, lalo na kapag may in-grown na kuko... sa guitar, gusto ko ay 'yung nylon ang strings, ayoko ng may kalawang, nakakairita...

drums, kaya ko rin, kapag practice lang, pero kapag performance na, kinukuha ko gitara.

yenzephyr
08.10.17, 02:17 PM
bukas sa kasal at sa misa (anticipated): organong kawayan ng las piñas

Bien
08.10.21, 12:23 PM
bukas sa kasal at sa misa (anticipated): organong kawayan ng las piñas

Yen, anong araw at oras ka nagse-serve sa misa sa las pinas? Pede ba kita puntahan dun?


Ako unang natuto sa guitar then self study sa keyboards and some percussions. i can read notes din...

:)

yenzephyr
08.10.21, 02:04 PM
Yen, anong araw at oras ka nagse-serve sa misa sa las pinas? Pede ba kita puntahan dun?


Ako unang natuto sa guitar then self study sa keyboards and some percussions. i can read notes din...

:)

sure, punta ka ng 6pm saturday anticipated mass.

chad9380
08.11.05, 05:23 AM
Gitara po....self study at organ. Buti may isang pari na nagmagandang loob na pag-aralin ako ng organ. Salamat sa kanya.

:)

eduserusan
08.11.13, 02:04 AM
guitar din po na self study.

eduserusan
08.11.13, 02:04 AM
and I'm also currently studying the piano.

jocheben
09.02.12, 01:26 PM
gitara ang tinugtog ko pero nung wala na kaming keybordista, pinagtyagaan ko na lang aralin ang keyboard.

maggi_dfiddler
09.02.16, 11:19 AM
i Play a little,

a little of piano
a little of guitar
and a little of violin.

hehe master of none...

czyre
09.02.17, 07:27 AM
i Play a little,

hehe master of none...

hahaha... ako din...

konting little piano/keyboard
konting guitar
konting drums

allen lucas
09.02.17, 10:07 AM
napansin ko lang karamihan sa inyo marunong ng konti sa guitar, eh kung turuan ko kaya kayo ng formal way ng pag play ng guitar gusto nyo? note reading at classical music ang magiging training nyo.

simpatico
09.02.17, 10:09 AM
Ako? I play...

...piano
...keyboard
...guitar and...

.. apoy! hhehehehe.

czyre
09.02.17, 11:49 AM
napansin ko lang karamihan sa inyo marunong ng konti sa guitar, eh kung turuan ko kaya kayo ng formal way ng pag play ng guitar gusto nyo? note reading at classical music ang magiging training nyo.

Kuya Allen gusto ko yan, pareho lang ba ang note reading sa piano and guitar? I have a little training in piano. Ang ayaw ko lang naman si guitar kalyo eh hehehe... Pero gusto ko talaga matutunan to kasi ito ang instrument na tinutugtog ng tatay ko.

titopao
09.02.17, 12:00 PM
Regarding sa music sheet ng guitar itself: mas simple sya compared sa piano kasi sheet music for guitars use only one clef: the octave-treble clef. This means that the notes sound one octave lower than written. So yung "middle C" na nakasanayan mo sa piano music should actually sound one octave lower, and yung sound ng totoong middle C ay nasa C on the second space from the first space on top.

Other than this consideration, kung gamay ninyong magbasa ng mga nota sa treble clef, madali lang magbasa ng sheetm music ng para sa guitar. Malaking advantage kungkayo ang pumipindot ng mga parts ng soprano and alto pag nagtuturo ng choir, that means sobrang pamilyar na kayo sa treble clef :)

That's the easy part...fingering the notes on the guitar is another matter :P And that part...ay inihahabilin ko na kay allen_lucas. (Your turn, pareng allen ;) ) Mag-try kayo ng nylon guitar instead of the steel-string guitar, para hindi kaagad masakit sa daliri yung pagtugtog ng gitara. Masakit talaga 'yan sa umpisa, pero eventually masasanay din kayo :)

czyre
09.02.17, 12:06 PM
About the nylon strings... Yung isang member namin ssa choir bumili ng guitar, Pinalitan niya yung nylon ng steel string. Pangit daw kasi ang nylon but I didn't ask why...

Wala lang, naalala ko lang...

And btw, thanks for the info titopao...

allen lucas
09.02.17, 12:10 PM
tama si titopao isang clef lang ang ginagamit sa guitar and that is the G-clef, mas masakit sa daliri pag steel guitar ang gamit, ako personally ilang years na akong nag guguitar pero pag steel ang gamit ko feeling ko nag aaral pa lang ako ng guitar kse masakit siya sa daliri. kahit nylong ang gamit nyo magkakaron din kayo ng kalyo kase isa ito sa way para d kayo masaktan sa pagtugtog ng guitar.

czyre_czyre pwde kitang turuan ng guitar kaso ang problema nasa baguio ka at ako nasa bulacan, unless na lang kung marami kayong magpapaturo ng guitar dyan sa baguio eh pwde ko kayong puntahan mismo dyan. i can give free lessons na pili lang ang taong binibigyan ko, pero since pareho tayong nagseserve sa church ibibigay ko ito ng free ang magiging gastos nyo na lang ay yung module na gagamitin nyo sa lesson, may isa lang akong favor na hihingin pag naturuan ko kayo sana ishare nyo ito sa iba at gamitin nyo sa church yung training na ibibigay ko. ang problem ko na lang ay yung expenses sa board and lodging ko pagpunta ko dyan.

titopao
09.02.17, 12:13 PM
I think that's because mas matagal mag-resonate ang steel strings kesa sa guitar? (Paki-correct lang po ako, allen_lucas, in case mali ito.) Ang nylon strings ata kasi is less ang sustain time n'ya. I would hazard a bet that your friend frequently uses the guitar as a rhythm guitar---which means na mas importante sa kanya na gamitin ang gitara sa pamamagitan ng strumming ng chords. Hindi katulad ng sa totoo (at tamang) style ng pagtugtog ng gitara na classical, na syang inaaral ni allen_lucas ;) hehehe

Though, I think na dapat bumili na lang yung friend mo ng gitara na talagang designed for steel strings, kasi iba ata ang construction ng gitara na may nylon strings, sooner or later baka hindi kayanin ng body ng gitara yung tensile strength ("pulling" strength) ng steek strings. (It happened to me, bumigay yung gitara after a couple of months :P )

allen lucas
09.02.17, 12:23 PM
tama si titopao d advisable na palitan ng steel string ang guitar na ginagwa para sa nylon string, bibigay ang bridge section ng nylon guitar dahil d nya kakayanin ang tension ng steel string.

regarding sa pagresonate ng nylon guitar, yung mga nabibili sa mga music store d ganun katagal ang sustain nun kahit pa siya branded guitar kase lahat yun ay mas production. ok din ang tunog nila pero wala silang sinabi sa mga high end at concert guitar na ginagamit ng mga sikat na classicl guitarist like Julian bream, christopher parkening and John williams. for example ang guitar na ginagamit ni john williams ay Smallman guitar na made in Australia, grabe ang tunog nito at ang haba ng pagsustain niya, no wonder mahal din kase ang isang guitar na smallman to give you an estimate ang isang smallman guitar nagkakahalaga ng latest model ng honda car, just imagine ang ganung price para sa isang guitar.

allen lucas
09.02.17, 12:23 PM
tama si titopao d advisable na palitan ng steel string ang guitar na ginagwa para sa nylon string, bibigay ang bridge section ng nylon guitar dahil d nya kakayanin ang tension ng steel string.

regarding sa pagresonate ng nylon guitar, yung mga nabibili sa mga music store d ganun katagal ang sustain nun kahit pa siya branded guitar kase lahat yun ay mas production. ok din ang tunog nila pero wala silang sinabi sa mga high end at concert guitar na ginagamit ng mga sikat na classicl guitarist like Julian bream, christopher parkening and John williams. for example ang guitar na ginagamit ni john williams ay Smallman guitar na made in Australia, grabe ang tunog nito at ang haba ng pagsustain niya, no wonder mahal din kase ang isang guitar na smallman to give you an estimate ang isang smallman guitar ay nagkakahalaga ng isang latest model ng honda car, just imagine ang ganung price para sa isang guitar.

czyre
09.02.22, 04:34 PM
Kuya Allen, maganda ang idea mo. I'll send you po a PM about it. Thanks so much! :)

Paulus_Magnus
09.02.22, 08:01 PM
Piano and Organ

nlim
09.02.23, 07:34 AM
Started with the humble laud to banduria, then to guitar and self taught myself in organ. Still want to learn the violin too.

allen lucas
09.02.23, 12:46 PM
Kuya Allen, maganda ang idea mo. I'll send you po a PM about it. Thanks so much! :)

check your PM trina.

recoletomusic
09.02.24, 08:19 PM
What instrument/s do you play?
-organ and piano

Were you formally/classically trained in your instrument?
-formally trained ako sa organ (electone).. self-taught naman sa piano..

If so, sa'n? by whom?
-Paredes-Yamaha Music School, Cavite City
-Mrs. Doris Gueco (my personal instructor)
-the late Dr. Romeo Micael and his wife taught me more styles and techniques :)

nlim
09.02.24, 08:33 PM
MAganda talaga ang gawa ni Greg Smallman na Classical guitars. May mgazine na ipinakita na talagang napakanipis ng soundboard dahil nilagyan ng incandescent bulb sa loob - parang parol sa nipis ang soundboard dahil kita mo ang illumination sa loob at ang mga carbon braces niya. Pinasubukan lang niya minsan kay John Williams ang gawa nya at from then on yun na ang ginagamit lagi.
Probably siya ang stradivarius ng luthier ngayon.
Well sana lahat ng kabataan sa atin may alam tugtugin kahit isang musical instrument para naman mabaling ang sa musika instead sa masasamang bisyo ang frustrations nila.

allen lucas
09.02.25, 08:45 AM
tama ka nlim maganda talaga ang mga guitara ni smallman, pero pag nakita mo siya sa video d mo aakalaing siya ang gumagawa kase wala sa itsura niya, pero wag ka milyon ang halaga ng mga guitara niya, nagsimulang magmahal ang mga guitara niya ng gamitin ito ni John Williams sa mga concerts at recordings niya, marami ding magagandang guitar dito sa atin like Allegre Guitars form cebu, Derecho Guitars from manila at Apa Guitars na may meron ako.

nlim
09.02.26, 08:13 PM
Allen,

Saan naman gawa yung derecho at apa guitars, sa pampanga ba or ibang probinsya?
Nakapamili kasi ako minsan ng Acoustic Guitar Magazine at nakita ko nga ang mga advertisment at may portion na naka discuss ang Smallman. Hindi daw madamot si Smallman at tinuturo pa nga ang mga technique niya sa mga baguhang luthiers sa Australia, Kung malapit lang sana ako papasyalan ko ang shop nya, eh nasa West ako at sa East Australia ang region niya tipong titingin lang at wala akong pambili nyan.
Sana mapasikat nila ang mga gitara sa Pilipinas. Masyado na kasing commercial ang gawa ng mga Lumanog sa San Anton wala na akong makitang magagandang gawa nila, mula noong namatay yung matandang Angel Lumanog. Sana mapasikat nila ang langka as an international wood para makilala naman ang Pilipinas.:)

tristan_ramirez
09.03.01, 06:49 PM
@allen lucas

Ano po bang brand ng nylon strings ang masuggest nyo?? TY!

dangpogi
09.03.02, 06:49 PM
ako classical/steel guitar,organ,piano,drums,base guitar.. :)

czyre
09.03.06, 12:39 PM
czyre_czyre pwde kitang turuan ng guitar kaso ang problema nasa baguio ka at ako nasa bulacan, unless na lang kung marami kayong magpapaturo ng guitar dyan sa baguio eh pwde ko kayong puntahan mismo dyan. i can give free lessons na pili lang ang taong binibigyan ko, pero since pareho tayong nagseserve sa church ibibigay ko ito ng free ang magiging gastos nyo na lang ay yung module na gagamitin nyo sa lesson, may isa lang akong favor na hihingin pag naturuan ko kayo sana ishare nyo ito sa iba at gamitin nyo sa church yung training na ibibigay ko. ang problem ko na lang ay yung expenses sa board and lodging ko pagpunta ko dyan.

Hi Kuya, may problem po kami. Bakasyon na po kasi ng mga bata at magsisiuwian na po sila sa mga provinces. Mukhang hindi na nila mahihintay workshop natin. Postpone nalang po muna natin. Pero wala pong problem sa board and lodging. Kami po ang bahala doon.:) CHeers!

allen lucas
09.03.06, 11:05 PM
Allen,

Saan naman gawa yung derecho at apa guitars, sa pampanga ba or ibang probinsya?
Nakapamili kasi ako minsan ng Acoustic Guitar Magazine at nakita ko nga ang mga advertisment at may portion na naka discuss ang Smallman. Hindi daw madamot si Smallman at tinuturo pa nga ang mga technique niya sa mga baguhang luthiers sa Australia, Kung malapit lang sana ako papasyalan ko ang shop nya, eh nasa West ako at sa East Australia ang region niya tipong titingin lang at wala akong pambili nyan.
Sana mapasikat nila ang mga gitara sa Pilipinas. Masyado na kasing commercial ang gawa ng mga Lumanog sa San Anton wala na akong makitang magagandang gawa nila, mula noong namatay yung matandang Angel Lumanog. Sana mapasikat nila ang langka as an international wood para makilala naman ang Pilipinas.:)

gawa sa marikina ang APA guitar at yung derecho guitar d ako sure pero sa manila lang din yun, nakagamit na ako ng derecho guitar maganda ang tunog niya pero personally mas gusto ko ang apa guitar hindi sa yun ang gamit ko pero gusto ko yung pagkabilog ng tunog niya swak na swak lalo na sa kundiman. gumagamit din ng langka as back and side ang APA guitar ok din ang quality. sikat na din yun yung mga local guitar yun nga lang d kasing laki ng yamaha guitars na grabe ang advertisement.

regarding sa smallman ang alam ko 1year ang quing time kung magpapagawa ka na guitar sa kanya, sa dami siguro ng order niya.

@allen lucas

Ano po bang brand ng nylon strings ang masuggest nyo?? TY!

i suggest APA guitar o derecho guitar kung may budget ka, pero kung beginner ka pa lang pwde na yung SUZUKI guitar na available sa JB music. goodluck on your guitar playing.

Hi Kuya, may problem po kami. Bakasyon na po kasi ng mga bata at magsisiuwian na po sila sa mga provinces. Mukhang hindi na nila mahihintay workshop natin. Postpone nalang po muna natin. Pero wala pong problem sa board and lodging. Kami po ang bahala doon.:) CHeers!

Sayang:( pero d bale, basta balitaan mo ako kung kelan sila free, sa choir nyo pwde ko silang turuan ng rudiments in music para matuto silang magbasa ng notes. God bless

czyre
09.03.09, 05:48 AM
Sayang:( pero d bale, basta balitaan mo ako kung kelan sila free, sa choir nyo pwde ko silang turuan ng rudiments in music para matuto silang magbasa ng notes. God bless

Oo nga po eh, ako man sumama ang loob ko nung sabihin nilang wala sila ngayong summer. Pero gusto pa rin po nilang matuto... will keep you updated po. Thank you!

aligen2008
09.05.23, 09:36 AM
nagsimula ako bilang guitarist sa banda, then after I left phil. nagself-study nman ako ng piano at ibang instruments (bass, drums). We'll its much easier for you to learn kung hilig mo talaga ang pagtugtog!:)

raiza
09.05.24, 06:44 PM
gitara lang.. masaya na..

Berry
09.05.27, 02:06 PM
I play the piano and also badminton. Haha

nlim
09.05.27, 09:05 PM
MAy magandang labas ang ovation guitar ngayon. May pick-up sya na may kasamang tuner at pwede nang mag- Record - direct to mp3.
Sayang, pero ayoko ng plastic or Composite na mga guitar like Rainsong na mga gawa sa composites. Maganda pa rin ang aged na kahoy.
Sa organ when it comes to electronics mas gusto ko pa rin ang Hammond- though hindi na gawa sa USA dahil nabili na sila ng Suzuki at na digitize lang ang tunog- maraming gumaya sa drawbars kahit ang Roland at Korg naka pattern sa B3.
Sa hybrid (pipe combination electronics)- I have heard (di ko pa narinig) na mas maganda ang Rodgers kaysa sa Ahlborn Galanti or sa Johannus from Denmark.
Nagaral din ako ng banduria, in fact ito ang unang instrument ko at ang laud, natutu rin akong mag bajo hindi yung de arco. Tinuruan din ako sa solfegio kaya lang sa G Clef and from there tinuruan akong mag guitar starting on a nylon switching to steel. Self study ako sa organ start ako by chords then self study ak sa F Clef then sinabay kong basahin sa left and right hand- ang hirap at kailangan matyaga kang mag praktis. At the same time I begin listening t classics and choral works- where the Philippines has a one and only station until now- yung DZFE FM na hindi pa Catholic station. Buti ngayon pwede ka namg makinig sa internet kahit Christmas song all year round.
Gusto ko ring ma explore or ma feel ang pagtugtog sa violin at gusto kong umili ng mandolin.
Cheers.:)

Monching
09.05.28, 03:18 PM
Gamit ko KORG M1 workstation keyboard vintage keyboard na sya pero
ginagamit parin ito ng musician all over the world dahil maraming
sounds ang pwede mo madownload sa keyboard na ito.

jhung
09.06.02, 01:37 PM
i do love playing guitar and piano or keyboard..

casper89
09.06.03, 12:42 PM
I practice both guitar and keyboard. Sa keyboard or piano kasi maganda tunog atsaka ung pagnonota madali kesa sa guitar. Guitar naman pwede gamitin kahit wala kuryente.

maximilian03
09.06.03, 10:45 PM
keyboard and organ. :)

rammstein
09.06.04, 03:43 AM
Gamit ko KORG M1...

:wow:

that's cool! i've always been fascinated with 80's vintage keyboards. meron pa bang gumagamit ng DX7, D-50 or CZ dito? hehehe.

nOelDM
09.06.10, 07:36 PM
me, i"m using Godin Seagull S6 acoustic electric guitar..

lawyerkuno
09.06.16, 03:20 PM
gitara po ang tinutugtog ko pero medyo matagal na po akong hindi nakakahawak ulit.:)

bossbien
09.06.17, 08:24 PM
classical guitar ang gamit ko w/ pick up mahirap sa pagtuturo pero maganda sa accompaniment ehe

maj
09.06.20, 02:32 AM
i play the piano and guitar...mahirap pala kze pag pianist ka, automatic na naghahanap ang daliri mo ng range ng piano pag portable keyboard ang gamit mo...mabuti na lang at may 88-keys keyboard na kami...

junemyr11
09.06.29, 01:31 AM
nung choir pa ako

sinasalang na ko sa piano pero
limited songs pa lang po...

binigyan din nila ko ng childre's choir sa 2 chapel
dun buong mass propper tinugtugtog ko..

ngaun nakalimutan ko na po.:|

kasparov23
09.06.29, 02:11 PM
I am playing the guitar for my choir. Kahit anong brand kasi the instruments we have are available to any group that sings there. I also play a few percussion instruments (tambourine, conga, bongus, etc.). Piano.... kapag nagtuturo lang... Matigas na daw mga daliri ko when I tried to take piano lessons ahehehe...

:)

familia singles
09.07.16, 10:05 PM
I'm usually playing the keyboard during mass although I also know how to play the guitar... Piano talaga yung basic instrument na natutunan ko since childhood... Thanks Mom and Dad! Your the best! I love you! :)

czyre
09.07.21, 03:11 PM
Matigas na daw mga daliri ko when I tried to take piano lessons ahehehe...

Yung piano teacher ko may student na 70 years old. Nakaalala lang mag-aaral ng piano nung nag-retire na. Ang poblem naman sa kanya bukod sa matigas na ang daliri, kasing lapad daw ng daliri niya yung piano keys LOL

yenzephyr
09.07.21, 04:37 PM
OT: wala naman sa age yun as long as willing kang matuto...

Matigas na daw mga daliri ko when I tried to take piano lessons ahehehe...
:)

Yung piano teacher ko may student na 70 years old. Nakaalala lang mag-aaral ng piano nung nag-retire na. Ang poblem naman sa kanya bukod sa matigas na ang daliri, kasing lapad daw ng daliri niya yung piano keys LOL

nyahaha, ang oldest student ko sa piano was 50 years old. in fairness, at least siya nakakaintindi. hindi ko kasi alam kung ano ang mas okay dito;

50 years old na nirarayuma na pero nakakaintindi naman o

3 years old na malambot nga ang mga kamay pero hindi ko alam kung naiintindihan ako

problem ko with yamaha before was basta meron silang ayaw na estudyante, sa akin binibigay. hahaha... ampf.. pero isa lang ang bilin nila: bawal pagalitan ang estudyante. weee, ang saya-saya non. eh nung ako nung nag-aaral pa lang, naka-ilang palo ako sa kamay at hagis ng libro ang na-experience ko before.

tapos yung tipong umiiyak na ako, puro luha na mata ko. syempre hindi ko na mabasa yung piyesa natural lalo akong nagkakamali, lalo namang nagagalit sa'kin yung teacher ko. nginig. hahaha... those were the days...

at isa pang ayoko during my lessons was pag yung nauna sa akin, pinagalitan ng teacher! naku! kahit nagpractice ako, damay ako sa init ng ulo. yikes!

chelot
09.07.22, 08:40 PM
im playin' w/ my guitar....

allen lucas
09.07.22, 08:54 PM
yen pati naman sa college pag time ng lesson mo at yung nauna sa iyo eh nasabon ng prof mo asahan mo may hang over pa ito sa time ng lesson mo, lalo ka tuloy kakabahan.

hannie
09.07.29, 10:19 AM
Keyb0ard and organ.. Guitar? N0t so.. I wanna play flute dn sana.. Whew!

markusadrianus
09.08.09, 01:36 AM
piano and keyboard. pati drums, guitar and bass guitar. actually specialties ko silang lahat.:)

pero kelangan pa rin ng mga new lessons syempre. kulang pa ren ang kaalaman ko kahit papano.

prinze
09.08.14, 12:42 AM
wow, that's nice markusadrianus. one man band ka pala. :)

markusadrianus
09.08.14, 11:34 PM
@prinze

hehe oo. kung pwede nga lang ako tlga magisa gagawa ng banda eh. kaso imposible. haha. eto tala passion ko, music. hehe. alam ko karamihan naman dito ganun katulad ko.:)

_gitaraboy_
09.08.15, 04:00 PM
kung pwede nga lang ako tlga magisa gagawa ng banda eh. kaso imposible. haha. eto tala passion ko, music. hehe. alam ko karamihan naman dito ganun katulad ko.:)

parehas tayo.

i play drums,bass, guitars, konti lang sa keyboard.
kelangan lahat yun alam ko kasi sa church ako ang nagtuturo ng full band,ako nagseset ng beat kumbaga, parang eto gawin mo, ikaw ganito, :)

BENJIEDUCUT
09.09.04, 12:40 PM
I play guitar, bass guitar, drums, keyboard and kaunting organ..

haeroman
09.09.04, 09:34 PM
Ako guitar, at pinilit kong hiramin yung classical guitar lesson book ng highschool music teacher ko dati para i-photocopy ... hayun napagbigyan and that started my love for music :) After that book, I studied further even using songhits, chordcharts, tabs, etc. Kapag gusto mo talaga matuto, gagawin mo ang lahat :)

After the guitar, I tried to study how to play a Recorder (yun pala tawag dun, hindi flute, hehehe) pero parang limited. So ngayon, I'm trying to learn how to play a keyboard. It's always great trying to learn new things :)

prinze
09.09.08, 03:31 AM
Ako keyboards lang. Lahat sana ng instrumento gusto kong matutunan pero mahirap ata yon.

So ang ginagawa ko na lang, pinakikinggan ko nang husto ang bawat instrumento sa isang recording. For example, kung orchestra ang pinakikinggan ko, I try to understand the role of each instrument in producing the orchestral sound. Ganon din sa pop recording.

Tapos pilit kong ginagaya sa synthesizer yung mga instruments in terms of range, feel, touch, etc. to approximate the natural sound.

Hay naku, mas madali siguro kung nag-aral na lang ako sa conservatory!


Quoted from Sir Norman's post wayback year 2003. :)

Isang napakagandang motivation para sa atin galing kay sir Norman (isa sa founder ng BP). Hindi siya graduate ng music pero if you will listen sa mga arrangement niya, talaga namang mapapabilib ka sa kanya.

Thank you Sir Norman for inspiring us. :)

abc

I'm not sure kung nakapag post na ako dito. Natuwa lang ako sa post ni Sir Norman. :)
Anyway, I can play piano, organ and keyboard. Marunong din akong mag guitar, yun ang unang instrument na natutunan ko. Naka tutog na din ako once ng violin. Hindi pa nasundan. LOL

saxcruz
09.09.08, 07:42 AM
Nakakatugtog po ako ng piano, organ and keyboard. Yun po yung ginagamit ko pag mass. Favorite ko po sa lahat yung Alto saxophone ko na 18 years ko nang ginagamit. Nagfluflute din po ako pag may mga special occassions.

Emerald
09.09.08, 09:16 AM
ako po keyboard at piano...bago ko pong acquired na talent heheh 5 2 months lang ako ng.aral mg.play nun heheh sinabihan nga ako abnormal daw hehe bastat mahawakan ko tas nagustuhan ko hindi ako titigil hanggat di ko matutunan heheh!! But i mas ng.sha.shine po ako sa guitar at bass guitar kasi yun ung una kong natutunan tsaka may banda rin ako kaya ako nahasa sa dalawa! hehehe THANKS kay Lord at binigyan niya ako nito kaya binabalik ko sa kanya ung talent ko...

john516
09.09.08, 10:57 AM
I can play guitar comfortably.
Currently struggling to play the piano. x_X
Wish I tried to learn when I was young I am sure it will be a lot easier.

fernansilva69
09.09.10, 05:57 PM
i can play guitar keyboard, piano, harmonica, drums but not that good....

ernanibaetiong
09.10.01, 04:34 PM
nadagdag sa lista ko ang ukelele, nyehehe :P

we have an american visitor sa bahay nagi-stay and he's teaching me, at may calming effect sa kin yung tunog ng ukelele ewan ko ba hehe :P

titopao
09.10.01, 04:51 PM
@ernani: kung ako 'yan, ang maiisip ko kapag tumutugtog ako ng ukulele (not that marunong ako) ay images ng beach sa Hawaii :P hehehe

ernanibaetiong
09.10.01, 05:05 PM
uu nga titopao, surfer dude kasi itong bisita ko at naku ipanema ba naman ang banatan sa harap ko, syempre images of coconut trees at white sand na yun hehe...kaso brown ang tubig...ay baha pala yun LOL

moments of zen talaga, kaka-adik yang ukelele ;)

Bien
09.10.02, 08:41 AM
Di ko sure kung nakapag-post na ko dito...
una akong natutong mag-guitar then na-inspired sa keyboard at piano. may alam din sa sa drums at percussion lalo nat pag magaling iyong nagpa-piano. :)

Bonnie
09.10.02, 09:02 AM
Im trying hard to learn piano hahaha, TH talaga, pero gitara talaga ang gamit ko sa pagtugtog. I stop playing siguro 2005 pa.

Maganda rin ang Ukelele. kaso di ako marunong magtono. ganda rin syang tugtugin.

ernanibaetiong
09.10.02, 03:37 PM
kuya bonnie eto yung key ng bawat string ayon sa aking surfer dude friend :P:

1-A
2-E
3-C
4-G

for some reason mas mataas yung tono ng no. 4 string kaya nalito ako nung una pero madali lang naman :)

Bonnie
09.10.02, 03:49 PM
Uy salamat Ernani, ganda pa namang pakingan ang Ukelele hahaha, cge, mahanap ko yong ukelele dito sa stockroom para me mapaglibangan ngayong maulan. Galing mo naman. salamat ulit.

Emerald
09.10.03, 06:17 PM
i try to learn flute sana sino po may alam na mura na flute for beginners

czyre
09.10.03, 08:04 PM
@emerald... di ba pwede yung kingflute na nabibili sa mall? hehehe... P150 lang ata yun eh..

Bonnie
09.10.03, 11:25 PM
Emerald, tama nga naman si Czyre beginner pa lang me murang mabibili dyan.

nikkie678
09.11.13, 09:54 PM
Flute. Gusto ko pang matuto ng iba pang instruments

seventh string
09.11.17, 10:24 PM
tapos na ako sa guitara, bass guitar, piano, keyboard, drums, flute, ukelele, and harmonica..gusto ko nman yung violin=)

bossbien
09.11.19, 02:08 PM
i play guitar and a little harmonica but i wish to learn the piano hehe

blazinghands
09.11.19, 03:06 PM
@emerald... di ba pwede yung kingflute na nabibili sa mall? hehehe... P150 lang ata yun eh..

chaka kaya ng tunog nung kingflute, czyre. emerald, try mo na lang yung recorder flutes ng yamaha. not sure kung magkano na ngayon pero parang less than 500 lang sya.

haaay... nami-miss ko nang tumugtog ng kulintang. kung di lang kasi mahal eh bumili na ako.

YuTA
09.11.20, 08:29 AM
Newbie here but I play guitar (lead, folk) and piano :)

fouriertransform
09.11.27, 04:10 PM
Piano. But I am not expert pianoist. I like to be better pianist :)

czyre
09.12.06, 10:32 AM
chaka kaya ng tunog nung kingflute, czyre.

well siyempre pagdating sa quality mas maganda pa rin talaga yung yamaha... hehe...

sa buong buhay ko, ngayon ko lang na-appreciate tunog ng violin when I heard John Lesaca play last night. Ang galing... Bigla akong nagka-interest sa violin.:)

james2009
09.12.09, 01:58 PM
When I was in high school, I play any rondalla instrument.

I play the piano. I also tried flute for 1 summer (yung silver, ano ba tawag doon??).
Then I tried violin for around 2 months, did not pursue, and it demands a lot of time,

My desire now is to learn how to play the sax.. It's so cool.

markusadrianus
09.12.24, 12:54 PM
i play guitar, bass guitar, drums, piano. at master ko silang lahat. :D ngayon. ang target ko namang instrument ay VIOLIN..:)

Shottichi
10.01.07, 11:23 PM
AKO I play the Piano , the violin, flute (wooden) , harmonica, guitar, drums, and im still learning a lot no one could master all instruments for a short period of time even liszt spent 8 hours practicing the piano just to master it. listen to his pieces you would be surprised on how he executes his techniques:)

felamsen
10.02.17, 05:52 PM
Guitar and piano, however, noon yun. Ngayon, minus one na lang gamit namin. How I wish merong sumunod na instrumentalist sa amin...

ronyu02
10.02.18, 09:46 AM
Just say no to Kingflute. I know dapat tangkilikin ang sariling atin and all that, but pass this one up and buy a proper recorder, which can actually be cheaper (try the Maped brand sa National) and sounds better. :)

Piano ang main instrument ko. Then guitar, ukulele, recorder, and a little violin. Natuto din mag-kulintang, dabakan, babandil, agong, at gandingan. Hehe.

Emerald
10.02.18, 12:56 PM
Guitar and piano, however, noon yun. Ngayon, minus one na lang gamit namin. How I wish merong sumunod na instrumentalist sa amin...

pwede bang mag apply as your instrumentalist?

felamsen
10.02.18, 05:54 PM
pwede bang mag apply as your instrumentalist?

Hello Emerald, pwedeng pwede po :yes: Kaya lang sa Pangasinan po ang lugar namin, mejo malayo sa inyo. hehehe

Anu-ano po tinutugtog mong instrument?

fernansilva69
10.02.20, 08:36 AM
guitar and piano.:)

guitarist
10.03.02, 11:10 PM
KEYBOARDIST FOR PANGASINAN
We are in immediate need of a Keyboardist in Pangasinan. I'm the lead guitarist/vocalist playing Steve Vai to acoustic and Ilocano, bassist PJ can rap and sing anything, Arjhun is a wide researcher and double-pedalist with pinpoint timing. The 3 of us are the best we (or even you) could find and we've decided to finally merge and leave our former groups. We have bookings under Hot Rods management and we will look for more managers and bars or possibly abroad. Contact me at 0918-626-2001 or watch my videos with my former group last year at http://www.youtube.com/user/benedictguerrero

delrene
10.03.10, 01:27 PM
piano.. hindi ko din alam yung reason bakit basta gustong gusto ko magpiano..siguro nakikita ko yung papa ko dati tumutugtog sa choir nila.. kaya ayun.. natutunan ko din magpiano although medyo kailangan ko na ulit ng praktis.. mtagal tagal din kasi akong nabakante gawa ng madami na naman akong paper works sa school..

dl_kenji21
10.03.12, 01:22 AM
~ako bass,lead,acoustic guitar tzaka drums and flute...

markjeff
10.03.17, 01:56 AM
wow! ang dami pala multi-instrument abled na onliners. ako nakakatuktok sa keyboard at nakaka tugtog ng basic chrods. haha tamad na mag practice kaya wala na improvement.

mike1314
10.03.17, 08:53 AM
Forte ko ang piano and violin. I also play guitar, flute and banduria. Naturuan din ako tumugtog ng drums, bass guitar and double bass pero di ko masyado nagagamit.

felamsen
10.03.22, 05:08 PM
Maganda na natuto ako tumugtog ng instrument, sana mahilig din ung anak ko sa musical instruments at gamitin din niya sa church :)

shoma5531
10.03.30, 02:34 AM
little keyboard, i am much focused on vocals than instruments:)

fhayeobra
10.03.30, 11:48 PM
ako din po.. konti sa keyboard.. ewan.. 'di ko na tinuloy.. haha! next time na lang ulit.. :P

aligen2008
10.04.01, 09:24 PM
guitar at konti sa keyboard!

rhuihanazawa05
10.04.05, 01:46 AM
guitar and now nag aaral ako mag keyboard.. hehe.. thanks sa isang onliner na nagtyatyagang magturo sakin..
itago natin sya sa pangalang NikNoK.. o secret ko yang onliner na yan. walang clue. hehe

ilujian_20
10.04.05, 10:26 AM
Hindi talaga regular na nagple-play ng instruments pero marunong lang akong tumugtog. Medyo marunong ako sa keyboard.

Xylophone, flute; iyon ang iba pa sa kaya kong tugtugin.:)

ilujian_20
10.04.05, 10:50 PM
Nagplaplano akong mag-take ng lessons for playing gutitar. Pero walang bayad kasi sariling sikap.:)

ilujian_20
10.04.06, 01:05 PM
I'm planning to play guitar.:)

fhayeobra
10.04.06, 07:09 PM
guitar and now nag aaral ako mag keyboard.. hehe.. thanks sa isang onliner na nagtyatyagang magturo sakin..
itago natin sya sa pangalang NikNoK.. o secret ko yang onliner na yan. walang clue. hehe

rhui, marunong ka pa lang tumugtog ng gitara.. hindi ko alam.. hehe.. minsan, tugtugan mo naman ako.. tugtugan mo kami.. :D
at secret na secret din kung sino ung propesor mo sa keyboard... hindi ata namin siya kilala.. haha! LOL

ilujian_20
10.04.07, 06:31 PM
Kailan kaya ako makakapag-start mag-aral ng guitar? Sino dito marunong mag-gitara? Paturo naman. PLEASE.???

czyre
10.04.12, 01:12 AM
@ilujian_20, Nago-offer ng guitar lessons si Allen Lucas... PM mo siya. :)

prinze
10.04.12, 03:16 AM
Si czyre voice lesson. LOL. d ba? Love you sis. Hahahaha.

sa keyboard naman pwede kayo tanong sa akin, kaya lang nde ako magaling ha. Magaling lang akong kumain ng spaghetti at palabok.LOL

czyre
10.04.12, 03:25 AM
Ampf... Ui, di ba usapan natin noon tuturuan mo ko? Lessons naman o... Tuturuan kitang kumanta. Wahehehe...

prinze
10.04.12, 03:57 AM
turuan mo ako sumayaw. LOL. Basta ang costume yung Bunny ha. LOL. OT na tayo. nyahahahaha...

basta ako marunong akong tumugtog ng guitar, piano, at konti sa violin.

Gusto kong matuto ng scale ng bass eh.. kze pag nag se sequence ako, bingi ako sa bass eh. LOL patulong. LOL

markjeff
10.04.12, 03:57 AM
trina,

kaka jamming ni prinze marunung na kumanta yan lolz

czyre
10.04.12, 04:18 AM
dude, bingi ka din sa cymbals... may proof ako. :)

prinze
10.04.12, 04:44 AM
oo nga, lol. cge. kailangan din pala ng percussionist. hahahaha. LOL

d0d0fer
10.04.12, 12:25 PM
Korg keyboard seminar repost ko lang galing sa "Playing The Keyboard (Chords): Styles And Tips (http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?p=123911#post123911)" thread. Maraming matututunan tungkol sa music. Pwede kayo pumunta kahit na portasound, electone o clavinova ang keyboard niyo. Libre lang ito!


Date: Thursday, April 22, 2010
Time: 4:00pm - 6:00pm
Location: Audiophile Components, 2nd Floor, Ali Mall Cubao QC

The country's first official artist endorser for KORG (http://korg.com.ph/korg/) shares his music, his inspiration, tips and techniques in his first ever keyboard clinic. Come and witness the genius of Nikko Rivera (http://korg.com.ph/korg/) as he bares his heart and shares his gift in an afternoon of invaluable insight and stirring music.

To register, send email addressed to info@korg.com.ph with "NIKKO Register" on the subject line and with this information:

1. Your full name
2. Your mobile number

You will receive a registration number via text message from 0917 3181313.

Save this message and show it at the clinic reception on April 22 for a chance to win great prizes at the raffle. Only 1 raffle entry per person.

cjatmond
10.04.12, 12:45 PM
KEYBOARD!! :) heheh

ilujian_20
10.04.13, 04:08 PM
Guitar. That's it.LOL

rodalyn
10.05.26, 01:06 PM
hmm, keyboard.haha minsan tumutugtog na din sa church (pro di po ako ganun kagaling.haha),
Medyo lang po sa guitar,
medyo din sa flute.=)
at basic sa drums.
Pero lahat po ng yan ay baka iwasan ko nalng daw po haha. Bawal daw mapagod ang aking kamay. huhu.

dark_villegas
10.05.27, 01:16 AM
Classical guitar.

ilujian_20
10.05.28, 12:42 PM
I practice to play keyboard and guitar. But I actually play lire(lyre) and flute.

d0d0fer
10.07.05, 01:01 PM
chaka kaya ng tunog nung kingflute, czyre. emerald, try mo na lang yung recorder flutes ng yamaha. not sure kung magkano na ngayon pero parang less than 500 lang sya.

Meron akong nakita mga recorder sa Japan Home Centre. Ang mura, PhP 66 lang!

:)

ilujian_20
10.07.05, 05:25 PM
Yahoo! Medyo marunong na akong tumugtog ng guitar. God bless us dahil dito!

bossbien
10.07.28, 09:02 AM
i want to learn the keyboard but i love the sound of my classical guitar hehe

d0d0fer
10.07.28, 11:48 AM
Meron akong nakita mga recorder sa Japan Home Centre. Ang mura, PhP 66 lang!

:)


May mas mura pa pala ako nakita sa 2nd floor ng Robinsons Otis, PhP 20 lang! Ang pangalan ng tindahan ay "Zulit".
:)

Berry
10.07.28, 01:03 PM
meron akong binili nung P20 kaso ang sagwa ng tunog. laruang pambata lang talaga.

rolandp43
10.07.28, 07:23 PM
na-play ko na yung yamaha recorder, pero nung hiniram sa akin at hindi na binalik, parang nawalan na ako ng gana...

basic lang ang alam ko, sa banduria, keyboard (chords), piano, at gitara... pero parang gusto ko lahat ng music instrument i-play at matutunan, ang problema lang ang sakit ko, katam... kapag alam ko na basic, tapos na.. hindi ko nakina-career... hehehe...

d0d0fer
10.07.28, 08:49 PM
I have a very good friend who is an expert in playing many traditional musical instruments such as bandurria, kulintang and bamboo flute. She is a long-time member of the Bayanihan National Folk Dance Company of the Philippines. Professional musicians and music students who are interested to take up private lessons may call her up directly. Contact numbers available from me upon request. Thank You!

yenzephyr
10.07.29, 09:55 AM
aside from piano and pipe organ, i studied and played orff instruments.

side kwento: nakakatuwa lang yung first presentation ko dun during elementary days ko. few minutes before the event, sabi nung teacher ko, inom daw muna kami tubig. hindi naman ako nauuhaw kaya hindi ako uminom. sabi nung teacher ko, hindi ka ba kinakabahan? after she said that, dun lang ako kinabahan. bigla kong naisip, paano kung ma-mental block ako? memorize ko ba talaga yung piyesa? paano kung magkamali ako? makakasabay kaya ako sa timing ng buong grupo? etc... hahaha... ka-stress :)

ilujian_20
10.08.07, 04:05 PM
Medyo nag low ang time ko sa pag-aaral ng guitar. Busy kasi sa thesis namin this 3rd year eh.

jayroll
10.08.11, 06:16 AM
Ako ongoing parin yung process ng pag-aaral playing the keyboard!Self-study lang pero enjoy and i am really learning.Nagbabasa nga pala ako ng mga ebook tungkol sa piano.

LemonAids
10.08.11, 03:03 PM
I like playing the piano better than a keyboard, better sound quality. I also play the guitar. (I used to play mafia wars too, just kidding) :)

pj_mariano_RN
10.12.14, 09:17 PM
guitars... that's the only instrument that God gave me talent to play with... :) i had tried piano, and others, kaso di ko talaga natutunan kahit gaano kaextensive training nakuha ko... :)

marlo_27
11.01.13, 11:15 PM
I played bamboo flute, guitar, organ, and keyboard but not really good as the very good musician, I just love to play this instrument even though I have not take studies about it because I do not know where to enrool and I have no enough money to pay. I played it because I love God.:)

emily
11.01.23, 10:08 PM
nakakatugtog po ako ng keyboard kaso ung mga madadaling pyesa lang. self study lang kasi ako eh. anyone who can teach me? yung libre po ah wala po kasi akong budget eh hehehe.

tuningspork
11.01.29, 05:16 PM
Piano po. Di lang kasinggaling ng mga hardcore pianists. Hehe. Mixture of both note-reading at chord-playing ang ginagawa ko. :D

Aside from that, medyo may alam po ako sa pagtugtog ng kakaunting ethnic instruments tulad ng kulintang, agong, gabbang (bamboo xylophone), saronay (baby kulintang), at kubing. Beginner lang po. Hehe. Medyo nag-aaral din po tumugtog ng djembe. ^^

ilujian_20
11.12.03, 02:41 PM
I play piano. Madali lang kasi.

trackmusicdevice
11.12.03, 09:13 PM
:):nice:
ang galing nu nmn....hehe..ako guitara lang tsaka kaunting knowledge bout piano nd wooden flute....ako rin, a mixture of note reading and chord playing....especially intrested on more plucks...un talaga bisyo ko..at higit sa lahat does singing for the glory of God....pwede po ba mag paturo ng piano?...pero alang bayad ah...hehehe..

ilujian_20
11.12.04, 08:38 PM
@track.m: Dapat may bayad kapag nagpaturo. Wala ng libre sa panahon ngayon. hehehe.joke. Iwasan mo iyong maraming elipsis or maraming period. Informal kasing tignan. Iyon lang naman.

-Hindi po ako magaling tumugtog ng piano or keyboard. May alam lang.:):):)

Monching
11.12.05, 10:25 AM
nakakatugtog po ako ng keyboard kaso ung mga madadaling pyesa lang. self study lang kasi ako eh. anyone who can teach me? yung libre po ah wala po kasi akong budget eh hehehe.


Emily Miano kaw ba ito? :)

trackmusicdevice
11.12.05, 06:01 PM
haha.
sori po ah.
xenxa..:)

mlltamayo
11.12.07, 04:05 PM
i used to play banduria. grade 2 ko pa lang un natutunan. then naging laud at octavina. nung grade 5, lyre naman kasi gustong kong sumali sa parada. hehehe... then guitar nung high school. ngayon, ang gusto ko talaga makasanayan ay keyboard. kaso nahihirapan akong mag-self study. di ko makuha ung technique para ma-exercise ung kamay at hindi manigas. kainis! makapag-search nga dito sa forum kung merong mga piano or keyboard playing 101....

ilujian_20
11.12.07, 09:13 PM
@mltamayo: Ikaw na maraming tinugtog. Ako, una, flute noong elem. Tapos noong grade six or five, lyre at napasama naman ako sa parada. guitar noong 1st to 2nd year.then, keyboard mula first year hanggang ngayon.

cefelicitas
12.06.28, 03:28 PM
childhood memory ko talaga ang pagtugtog ng piano or keyboard. grade6 na ako natuto ng pagtugtog ng guitar. pero sa keyboard na talaga ako nagfocus kasi until now, marami pa din akong hindi alam regarding sa pagbasa ng keyboard sheet music. pero pag nagkaroon ng time at resources, drums naman. :)

kevinsteph19
12.07.30, 02:20 AM
halos lht nmn smin sa conse inaaral lht pero guitar tlga...ang pnkamamahal ko.,hehehe:)