PDA

View Full Version : Where were you last 16 July 1990?


Alexander
07.07.16, 09:22 AM
I vividly remember that I was at work.... one afternoon, it was raining too hard, when the rain stopped, it was very hot...
Suddenly, a very strong EARTHQUAKE

From USGS Site... (link below) Magnitude 7.7

At least 1,621 people killed, more than 3,000 people injured and severe damage, landslides, liquefaction, subsidence, and sandblows in the Baguio-Cabanatuan-Dagupan area. Damage also occurred in Bataan Province and at Manila. Large fissures were observed in the epicentral area. Surface faulting occurred along the Philippine and Digdig faults. Felt (VII RF) in the Manila area, (VI RF) at Santa, (V RF) at Cubi Point and (IV RF) at Callao Caves.


Let us remember the people who died on that day....



http://www.phivolcs.dost.gov.ph/Earthquake/1990LuzonEQ_Monograph/foreword.html
http://earthquake.usgs.gov/regional/world/world_deaths.php
http://en.wikipedia.org/wiki/1990_Luzon_earthquake

bajo
07.07.16, 09:43 AM
Feast of Our Lady of Mt. Carmel (today). Regular Holiday of Our School University of Regina Carmeli in Barasoain, Malolos, Bulacan

So walang pasok. Nasa bahay lang ako, sa second floor ng bahay namin, nanonood ng tv. Sa sobrang takot ko, nahakbang ko ng 3 hakbang yung 12 steps na hagdan ng bahay namin.

Yung mga drum namin na puno ng tubig ay kita kong lumalabas yung yung tubig sa lakas ng pagyanig.

jose
07.07.16, 11:30 AM
i was brushing my teeth. ako lang ang nasa bahay nun at kakatapos ko lang mag-lunch, babalik na ko sa school afterwards. nang yumanig yung paligid ko. napahawak ako sa sink. nahulog yung mga laman ng cupboards namin. sabay pasok ng erpats ko. at napaupo siya sa sofa. lumabas agad ko from the kitchen and naupo sa sofa namin habang hinihintay kong matapos yung aftershocks, with the toothbrush and toothpaste in my mouth!

yuanbautista
07.07.16, 08:04 PM
It was during our Trigonometry class nung magkaroon ng malakas na lindol. Akala ko nga nung una nahihilo lang ako. Bigla na lang may nag-iingay sa labas. Yun pala nag-aalisan na sa loob ng classrooms yung ibang estudyante. Habang bumababa kami ng stairs, halos sumalpok kami sa pader. Nakita ko rin ngang tumapon yung tubig galing sa tangke. Nung nasa basketball courts na kami, nagdasal kami ng rosary habang patuloy yung pagyanig. Nasa Pampanga ako nun.

Punzi
07.07.16, 09:11 PM
I was in this house typing something in the computer (our first x86 PC, an XT-286, 8Mb RAM with a 20Mb hard drive; at the time when hard disks were rare, but I digress) when that earthquake struck.

Books were falling from a top bookshelf and I chose, of all things, to shield the computer from all of these falling things.

Fortunately, the only casualty was an almost empty bottle of Johnny Walker Black. :p

A day after that earthquake I think there was a very long power outage (lasting days). So I did the right thing. I went to school to help in the relief efforts. Yes, I know part of the reason for joining the effort was to impress a certain girl (who was to become my first love), but hey at least I helped.

regards to all :)

kateri
07.07.16, 11:50 PM
it was around lunchtime right? i think i was playing tag with my classmates out our school's covered court...

Jon2
07.07.17, 12:45 AM
asa classroom then everything started shaking. we ran out and nakita ko yung walls and the grounds cracking. pinatigil kami ng teacher namin sa may playground near the fountain. medyo malayo sa buildings so safe ground daw yun. we held to our rosaries and prayed as the ground started moving again.

grabe yun.

hashpipe
07.07.17, 08:02 AM
I was in Grade 2. I was moving my stroller outside the classroom to get ready for dismissal. I thought I was just dizzy...then my other classmates and the other students from the other classes went out of their classrooms, crying and praying. Ayun, lindol na pala.

Kuya G.
07.07.17, 08:48 AM
I was in first year highschool. We're playing basketball outside the UPLB Baker Hall. Because we're playing basketball nun, d i namin alam na lumilindol na pala, until naglabasan na yung mga students from the hall and we realized na lumilindol nga dahil yung mga light post sa paligid ng court ay parang nagsasayawan sa paggalaw. 'Di namin alam that time na sobra sobra pala ang effect nito dun sa lugar ng sentro ng lindol which is baguio city. Nakita ko na lang sa TV news ang mga nangyari sa iba't ibang lugar.

This date July 16 is very memorable to me aside from celebrating the Feast of Our Lady of Mt. Carmel, this my lola's birthday.

anya
07.07.17, 06:31 PM
Wow! Such deep thread. Congratulations kuya Alex!
Grade 3 po ko when this happened. Birthday po yan ng kapatid & pinsan ko:)Nasa Paranaque po kami, doon sa dati namin bahay, kumakain ako yan yung for sure ko po:)

mark_chua
07.07.17, 07:08 PM
I was in Grade six chinese class. I remember na we were taking exam sa math that time. Then after a heavy rain comes then it became hot. Our class was in the fourth floor and I was seated near the window side of the building so it was really really scary. I remember seeing the ceiling had their cracks and debris were falling to us especially my chinese teacher. The next thing I knew, we were at the quadrangle for safety.

That's why from then on I got paranoid if there will be a hot weather after a heavy rainfall.

Bonnie
07.07.17, 08:14 PM
di ko na masyadong ma recall kung ano ang ginagawa ko during that time, pero i know nasa school ako during that time....

bouie
07.07.17, 11:35 PM
Nasa prep school at walang kaalam-alam kung anong nangyayari, hehe ^_^

let2m26
07.07.18, 12:08 AM
ako nasa school sa kainitan ng araw nag-bubunot ng damo sa garden ng school ng biglang lumindol napa Hesusmaryosep ang Teacher ko at sumigaw ng Lumilindol dumapa daw kami sa damo...

jose
07.07.18, 11:50 AM
sus! nagkakaalaman ng mga edad, wehehe...

bingo
07.07.18, 12:49 PM
naka duty po ako noon at nagtakbuhan kaming lumabas sa hosp... naabutan namin ang ibang mga tao sa driveway karamihan mga pasyenteng sundalo... yung iba nag-iiyakan, yung iba nagdadasal, yung nagsisigawan humuhingi ng tawad sa kanilang mga kasalanan... mabuti pa kung may lindol, naaalala ng mga tao ang Diyos...

michaela
07.07.18, 06:55 PM
sus! nagkakaalaman ng mga edad, wehehe...

oo nga po sa tingin ko ako yung pinakabata sa mga nagparticipate on this thread.

ako naman 4 na taong gulang pa lang po nang mangyari iyan! Wala kami d2 ng family ko sa 'pinas nang, maganap eto.

bingo
07.07.18, 11:52 PM
matanda na pala ako...hahaha... sana di na maulit yung pangyayari noon...

jose
07.07.19, 10:23 AM
bingo nasa baguio ka ba nun?

michaela, 4 ka pa lang nun? edi hindi mo rin pala na-witness yung edsa revolution? sus! tumatanda na ba tayo bingo? wehehe...

let2m26
07.07.20, 12:37 AM
hehehe tahimik muna ako nahahalata na kasi edad bwahahaha
buti na lang di kumikibo si kuya bonnie & kuya gi :belat:

bingo
07.07.21, 02:51 AM
bingo nasa baguio ka ba nun?

michaela, 4 ka pa lang nun? edi hindi mo rin pala na-witness yung edsa revolution? sus! tumatanda na ba tayo bingo? wehehe...


weheheh diyan naman po tayo lahat papunta bro jose... nasa 5ID po ako noong 1990... yung edsa revolution e college pa lang po ako nun...

kenzoblue
07.08.09, 09:41 PM
this I can't forget..I was 5 then.. Just got home from kindrgarten class..was about to enter the gate when I felt dizzy.. tricycles and sum cars went loco..

herald
07.08.15, 12:25 PM
nasa house na ako, gumagawa ng project... 2nd year high school ako...

kala ko katapusan na ng mundo.... buti buhay pa ko.. salamat sa Diyos...

NikNoK
07.08.17, 12:27 PM
Nasa school ako nun.. along the corridor naglalakad nang biglang lumindol at nagkagulo na nga... Grade 5 ako nun.. Hindi naman ako natakot ng sobra.. pero salamat at ligtas naman. (-:

mondi2376
07.09.10, 10:19 PM
3rd Year High School ako nun... nasa 4th FL ang classroom namin sa isang old building... dahil nga catholic school sya... yung first na lindol ang mga classmates ko ay nag tayuan at akmang lalabas ng pinto to run downstairs pero I shouted "don't panic". Tapos yung teacher namin pinaluhod kaming lahat to pray Hail May. Nung matapos yung first wave. Saka kami lumikas. Naiwan lahat ng gamit ng classmates ko. Ako nagligpit muna ng school stuff saka ako lumikas...hehehe... ayun ganun din ang nangyari nagtakbuhan sila pababa ng ground floor habang tumitirada yung ikalawang wave nung lindol. Katakot yung experience na yun. Nagkaroon ng crack yung bldg na yun pero di sya bumigay. At hanggang ngayon ginagamit pa rin sya... hehehe.

unbreakable
07.09.23, 07:44 AM
i was along the way pauwi ng bahay galing ng school... grade palang ako noon walang kamuang-muang... nung tapos na yong lindol at kung anu-ano na ang narinig ko na baka kung ano ang mangyari dun lang ako natakot...

pat111
07.09.23, 12:54 PM
Where am I then? Wala pa ako; hindi pa ako pinapanganak. :D

thenonhacker
07.11.26, 09:40 PM
I was in our Science Laboratory class, at may nag-gagalaw ng seat bench namin sa likod. Kulit. Yun pala lumilindol! Tried my best not to panic.

Nasa 2nd floor kami, at luma na ang building.
May isa kaming colleague na disabled.
Lahat takbuhan sa labas para pumunta sa Basketball and Volleyball court.
Yung disabled na colleague namin kitag-kita ko,
accurate bumaba ng stairs using crutches,
among the sea of students hurrying up to get to open land.

So we reached the sport courts and sat and waited.
Then the earthquake intensified, and water started pouring out
of the water reservoir! Is it going to flood on the school grounds?

Imagine a full glass of water tilted back and forth.
The water reservoir is like that, except it's
an enclosed room at the rooftop.
It spilled, and we got a bit dizzy with the violent earth movements.

Everyone's quiet, probably their hearts beating nervously,
and imagining a scenario where our old building might
suddenly collapse.

It was quiet and earth is shaking.
Someone started to lead to pray the rosary.
Everyone prayed, mala mabait man or salbahe,
lahat nagkaisa manalangin, magdasal.

Earthquake is long, and is slowing down a bit.

We later found out that the building was built by the Germans,
and designed to withstand earthquakes. There are giant bearings
below the building to absorb shock.

But still, we can't help to think the cracks on the corridors
of the 2nd floor will widen, and crumble.

Then, the earthquake stopped.

The End.

ana_hingpit
07.11.27, 02:35 PM
klase kami pre school...wala akong baon...iyak ako ng iyak dahil wala akong snacks..hehehe

-gerald-
07.11.29, 08:16 PM
...nasa school bus na ako kasi uwian na nun..nagulat nalang kame at umuga yung bus at yung buong building..good thing hindi ako cleaner nun..kundi iiyak ako nun kasi nasa 4th floor yung classroom namin...

Cinderella
07.11.30, 09:11 AM
Hhmmm di ko na po matandaan, i was kinder that time :)

klybrielle
07.12.01, 05:31 PM
afternoon???

nasa school po me noon. senior kinder one of the pm sections..

pinalabas kami ng room because of earthquake... grabe..
lahat kami nasa ground mga nakaupo... ung mga tables inilabas ng mga janitors at mga lalaking teachers para masilungan nmin mga bulilit... and i was so shock then... all i can do after those shakings were to sit (squat) waiting for my mother to fetch me... huhuhu... i was so scared...

gdtrinos
08.01.10, 01:21 PM
Nasa school ako nun sa 1st floor at the chapel. I was praying at the chapel then suddenly the earthquake happened. Everybody was running to get out of the building. After the quake everybody returned to the chapel and we prayed the rosary.

jvpl2000
08.01.10, 09:06 PM
Nasa school din ako. Sa library. Ang lakas ng pagyanig. Natumba ang sobrang bigat na aparador ng mga Index Medicus na naging sandi ng pagkasira ng ilang mesa sa library.

d0d0fer
08.01.10, 10:59 PM
I was at G.A. Yupangco main sales office on 339 Gil Puyat Ave., Makati. My co-manager Mr. George Canseco, Jr. and I ran to the building's back entrance where the parking lot is. All the parked vehicles were shaking violently so I didn't go out. I looked up and saw the power cables swinging wildly. I waited nervously for the earthquake to stop. When all is calm, I went up the stairs to the 3rd floor where my table is...

That's all I can remember.

Nikolo De Solo
08.01.15, 06:20 PM
I think I was grade 3 then and on my way home and then the earth shook, I saw that the electrical wires are swaying back and forth. The people on the street are already panicking, I was just stunned from what I saw, good thing nothing really bad happened.

batutz
08.01.16, 10:34 AM
i remember i juz got out of school, i was 1st year high school then..i was waiting for a jeepney and one of my teacher came and had a chitchat with me while waiting for a ride then suddenly theres the earthquake and the traffic lights are swaying like crazy..the funny thing is my teacher leaved me without saying goodbye! she just run and ride a jeepney! hahaha :D its still very vivid in my mind! :D

BP_fan23
08.01.16, 11:02 AM
nasa Classroom wjhen that happn im still Grade 1 or Kinfder II ba yun hehehe but sad to say sa batan dami [patay dahil sa Earthquake may there soul rest in peace

Chengwich
08.01.16, 01:01 PM
nasa school lang yata ako....:)

teachertwish
08.01.25, 05:30 PM
1st year high school. Just got home from school, was on my bed resting, and suddenly I thought that there was someone shaking my bed from under, then I realized that everything in the room was shaking!

pj_mariano_RN
08.01.26, 04:55 PM
Is that the earthquake? i remember that im just a 4 year old then, i was watching tv then suddenly, something shook on underground.. I had no idea then that was an earthquake...

almonddgr8
08.02.07, 11:18 AM
That's the earthquake, dapat nasa school kami noon buti nalang nagkaroon ng faculty meeting lets just say it as a "Blessing in Disguise" na pinauwi na kami bago pa magkaroon ng quake.

ghetg
08.02.11, 10:23 AM
ako na sa school nung lumindol. isa lang ang sinigaw ko sa sobrang takot :( MAMA...........:)

stanleyejr_ph
08.03.09, 10:00 PM
nasa school, english period.. natatandaan ko pa yung masungit naming teacher na umiiyak habang nagdarasal.

redsuns25
08.03.10, 12:04 AM
nasa school after school tutoring na feel ko biglang lumindol tumakbo ako palabas ng school at yumuko sa gitna ng kalsada kasama ng classmates ko
Good thing there was no structural damage or no one was hurt in the incident

Sugarhigh
08.03.12, 01:15 PM
Nasa kotse - dahil gumagalaw yung kotse, di ko naramdaman yung earthquake!

cardinal_jaf
08.03.14, 10:11 PM
nasa school grounds, malapit sa church belfry. natandaan ko pa, parang umaalon yung lupa.

montaro
08.03.15, 02:13 PM
Hindi ko natatandaan. wala pa akong 1 year old noon-- which makes me wonder- alam ko na ba na delikado 'pag may shaking? umiiyak kaya ako? o baka naman natutulog? ano kayang ginawa ng mga tao sa bahay namin noon? Wala kasing nagkwekwento sa akin tungkol doon eh.

pyc
08.03.19, 03:49 PM
d pa po ako pinapanganak non.. hehe

yukito1206
08.04.30, 03:34 AM
Nasa open field, naglalaro ng piko with my kababata.

humay_ug_mais
08.05.07, 04:42 PM
i was in the womb of my mother. she was 7 months pregnant that time.

ernanibaetiong
08.05.27, 12:02 AM
Funny story...

We were in class nun last period Philippine History and I was in 1st year highschool. Nung lumindol nagsigawan na mga girls sa min tapos takbuhan na papunta sa field ung ibang klase, we were in the ground floor of a 3 storey bldg imagine that hehe. Nagalit teacher namin bakit daw kami nagtatayuan, sabi nya it was just a drill. nalalaglag na mga bato sa kisame drill pa daw yun hehehe. buti naman at lahat kami sumuway sa utos nyang maupo at nagsitakbo kami lahat sa field dhail alam namin na lindol yun. the next school year hindi na sya kinuha ng school namin to teach hehehe

anok17
08.06.09, 02:31 PM
'di ko na maalaala. hehehehehe.

i was 2 years old pa noon.
wala pa akong kamuwang-muwang.

J O J I T
08.06.10, 07:29 AM
ako nasa tryout ng football varsity tapos while drinking water bigla kami nakarinig ng bell...nung tinignan namin, wala naman me hawak ng tali ng bell tapos naramdaman namin gumagalaw ang lupa, building lahat....kaya pala nagbebell kasi gumagalaw na ang building kung saan nakalagay ang bell.. :) kakatakot..

allen lucas
08.06.10, 10:25 AM
nasa bahay kame sa proj.4 qc, natutulog ako that time tapos nung nagising ako para akong nahihilo yun pala lindol na iyo kaya lumabas kagad kme ng bahay. nakakatakot yung experience, let as just pray na d na maulit yung ganung lindol.

smeagol05
08.06.22, 12:21 AM
karga pa ko siguro ng nanay ko nun.. =p

Alexander
08.07.18, 08:24 AM
Nakalagpas pala ang petsang ito.... gunitain natin sa panalangin ang mga yumao sa trahedyang ito...

bluemurdock
08.07.18, 03:41 PM
nasa school.. tinatawanan yung teacher namin na nagtago sa ilalin mg mesa.. :D (eh bata pako nun.. ala pako muwang.. )

tmlagamon
08.07.20, 12:51 PM
ako nasa bahay with my mom and two brothers takbo kami sa labas tapos nagpanic nanay ko kasi poste pala ng kuryente katabi namin.

Karen
08.09.06, 06:02 PM
I was still in my mother's womb in that time so I never really experienced it.

czyre
08.09.24, 07:31 AM
I was still in my mother's womb in that time so I never really experienced it.

Ganun na pala ako katanda?:worried:

Grade 3 ako nun, nasa bahay nanonood ng sesame street. Kalakasan ng lindol dito sa Baguio noon (intensity 7.7) pero habang lumilindol nanonood pa rin kami ng kuya ko ng TV ahehe..

Isang hindi ko makalimutan noon e nasiraan ng bait yung katulong namin sa lakas ng lindol. Nasobrahan daw sa alog sabi :)

yenzephyr
08.09.26, 05:18 PM
nasa office ako ni mader, nakaupo ako sa floor nung biglang naramdaman kong parang nasa beach ako kase umaalon yung floor na kinauupuan ko...

casper89
09.06.10, 11:14 AM
di pa po ako pinanganak nun... pero ngayon ko lang nalaman na may nangyari palang ganung insidente...

rammstein
09.06.10, 11:36 AM
second year high school ako nun. pauwi na ako, nasa jeep, galing ako UST. nung nasa Sto. Domingo na, naglalabasan na yung mga tao sa tapat na building ng Sto. Domingo church. panic! i heard glass windows falling and breaking. akala ko may nag aaway lang, traffic kasi. nung sumilip ako sa labas, parang chinese garter yung electric power lines. di ramdam yung earthquake kasi nasa jeep, hehehe.

nOelDM
09.06.10, 08:17 PM
nasa 2nd floor ng office sa namin sa Makati. nung naramdam ko na malakas ang uga pasok agad ako sa ilalim ng mesa. hehehe

czyre
09.06.11, 06:27 AM
Malapit na uli ang July 16, palaging may special mass dito sa Baguio pag July 16 kasi madaming namatay dito noon.

Alexander
09.06.11, 11:47 AM
That's true, lalo na sa Hyatt.

czyre
09.06.11, 11:50 AM
tama kuya Alex, even sa mga schools... Bumagsak noon ang isang University at maraming students ang namatay. Maybe I can post some pictures here... may apat kaming photo album ng july 16 earthquake i'll post some later para makita ng mga "bata pa" kung ano ang nangyari noon.

Coolwaters
09.06.11, 12:07 PM
I was in elementary in Bacolod during that time... Sa tv na lang namin nalaman...

Hmmm... Hindi pala nagkakalayo ang edad ko sa iba rito... at meron pang mga nasa high school na at nagtatrabaho pa... :P

Nangbubuking na ang thread na ito... Hehehe...

@ czyre, sige nga pakipost naman... Naalala ko noon parang may isang teenager na babae na ilang araw nang natrap sa hyatt at ng makalabas siya ilang minuto lamang ay pumanaw na rin... Naalala ko kasi ang nanay at tita ko umiyak noong mapanood yun...

Kaya noong mapadpad ako diyan sa Baguio noong 2006 at napadaan sa Hyatt, I offered prayers...

czyre
09.06.12, 06:30 AM
Grade 3 ako non hehehe...

Share ko mga pictures taken after the intensity 7.7 earthquake noong July 16, 1990 dito sa Baguio

http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake10.png

http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake11.png

Here's a picture of miners searching for survivors
http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake12.png

Sa isang lugar lahat ng apartment gumuho, banyo lang at firewall lang ang natira.
http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake5.png

http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake6.png

http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake7.png

http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake8.png

http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquake9.png

Eto yung sinasabi ni Kuya Alex na Hyatt Hotel... Madaming namatay dito...
http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquakea.jpg

Bumagsak at nasunog noon ang University of Baguio
http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquakee.jpg

Maraming students ang namatay
http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquaked.jpg

Ito naman yung Nevada Hotel na gnawa ng Nevada Square ngayon
http://i728.photobucket.com/albums/ww282/czyre_czyre/earthquakeb.jpg

Alexander
09.06.12, 07:10 AM
Goosebumps....

Coolwaters
09.06.12, 06:29 PM
Nostalgic and sad Czyre.... :(

raiza
09.06.12, 08:03 PM
july 16 1990?.. 4 yrs old pa lang ako nun... ano nga ba meron nun? pero sa nabasa ko dito.. ayun nga.. nakakatakot naman yun.. haayyyy

czyre
09.06.12, 10:10 PM
Nakakatakot talaga. After nung earthquake marami pang after shock yun. Sa isang araw mga 2 times lumindol kaya lahat ng mga tao sa labas ng bahay natutulog. Kami noon gumawa kami ng tent sa labas ng bahay namin. 2 weeks kaming tumira sa tent. Pumapasok lang kami sa bahay para mag-CR at maligo. Mabuti nalang at bata pa ako nun, di ko pa masyado naiintindihan yung mga nangyayari. Madaming tao ang na-trauma kaya konting lindol lang nagpa-panic na sila.

Coolwaters
09.06.13, 12:21 AM
at ang dami ring nakisakay sa issue nun... naglabasan ang iba't ibang prophets of doom... prediction ng lindol dito, lindol doon... hay....

reksuyah
09.07.16, 12:09 AM
july 16 na naman... feast of our lady of mt carmel

bata pa ko nun (at hindi ko sasabihin kung anong grade ako :P nabuking tuloy yung age nung iba)

... kagagaling ko lang sa school, naka uniform pa yata ako. nasa kwarto ako nakaupo sa floor, nagbabasa... naramdaman ko na lang na umaalon yung floor tapos yung bintana namin umaalog, nag brownout at nagsigawan na ang mga kapitbahay... takbo na ko palabas ng house. nagpanic na ang mga tao. many moms rushed to the nearby schools, nagiiyakan. nakakatakot talaga.

czyre
09.07.16, 05:41 AM
Hay... Natatakot ako, baka lumindol... Nasa basement pa naman ako.:worried:

http://www.bukaspalad.com/board/showpost.php?p=88217&postcount=70

NikNoK
09.07.16, 06:29 AM
19 years na pala... grabe talaga ito. so scary..

titopao
09.07.16, 08:40 AM
Since today ang anniversary ng July 16, 1990 earthquake, let's all pause and say a prayer for the souls of those who perished under the earthquake. Remember them in your prayers today :)

EDIT: Fixed typo. Thanks allen for the heads up :)

allen lucas
09.07.16, 11:45 AM
titopao paki edit po yung post nyo, July 19 po ang nakalagay

Alexander
09.07.16, 03:18 PM
Amen to that titopao.... many lives were lost and that was a very devastating day.

Interesting to note, there was also an earthquake kagabi sa NZ.... di mo ba naramdaman ito tita Tiger Shark? Magnitude 7.6 (http://earthquake.usgs.gov/eqcenter/eqinthenews/2009/us2009jcap/) din, kasing lakas ng sa Luzon nung 1990

Trivia... (from USGS Website) (http://earthquake.usgs.gov/learning/today/)

At least 1,621 people killed, more than 3,000 people injured and severe damage, landslides, liquefaction, subsidence, and sandblows in the Baguio-Cabanatuan-Dagupan area. Damage also occurred in Bataan Province and at Manila. Large fissures were observed in the epicentral area. Surface faulting occurred along the Philippine and Digdig faults. Felt (VII RF) in the Manila area, (VI RF) at Santa, (V RF) at Cubi Point and (IV RF) at Callao Caves.
One of the world's deadliest earthquakes (http://earthquake.usgs.gov/regional/world/world_deaths.php). July 16, 1990 Luzon Earthquake (http://earthquake.phivolcs.dost.gov.ph/update_SOEPD/Earthquake/1990LuzonEQ_Monograph/foreword.html)

The only thing that was not captured in this report and other internet database was how many earthquake happened (location and epicenter) during that day in the Philippines..... if you're thinking of Aftershocks, no it was not....

At least from what my former boss has reported to as a witness during the appointment hearing of Dr. Fiorello Estuar (as DPWH Secretary sa Commission on Appointments) on his professional capacity as the Structural Engineer of the Hyatt Terraces in Baguio; there were two consecutive earthquakes on 16 July 1990 and only seconds difference when it occured.

Hanap ako ng documentary.... no promises though :)
Edit ulit... nakita ko isang related news here
http://www.cityofpines.com/baguioquake/newsitems.html
(Two Quakes in 54 Seconds)

In a recent statement issued by PHILVOCS, the 45 seconds-long July 16 quake measuring 7.7 in the open-ended Richter scale was suspected to have been triggered off by two tectonic movements. The first temblor was plotted 120 degrees East and 15.6 degrees North, exactly located North of Cabanatuan City, at a strength of intensity 8.0 while the second was believed to have its epicenter in Benguet.



value

Edit... intersting link
http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html

Monching
09.07.16, 04:09 PM
I was in grade 3 at nasa school kami nung araw na iyon

tiger shark
09.07.16, 07:30 PM
Ngayon lang ako nadaan dito at ngayon ko lang nakita ang photos ng devastation. One of the victim was my cousin who filled-in for another seminar participant coz she can't make it for other reason. She was found a week after.

No wonder napanaginipan ko n namn siya the other night. Anniversary n namn pala.


Alex,

Nasa lower tip ng South Island ang earthquake although naramdaman daw sa ibang parts ng Wellington (lower tip din ito ng North Island). But surprisingly enough walang damage.

familia singles
09.07.16, 07:40 PM
:( nsa school din kami that time at naghihintay ng teacher namin for our quiz... bigla na lang parang umaalon ang buong building... nasa 3rd floor pa naman kami... naiwan ko pa nga yung bag ko sa loob ng classroom namin dahil lahat kami pinababa ng building... buti na lang at may mabait kaming classmate na nagbitbit ng mga bag namin pagkatapos ng earthquake... hanggang sa bahay namin, may mga aftershocks pa din at ang balita pa noon ay baka magkaroon aftershocks na mas malakas pa sa original intensity ng earthquake kaya lahat ng tao sa street namin, nasa loob lang ng bahay... Praise God at nalampasan natin yun! :)

still
09.07.20, 06:31 PM
nasa bahay, watching cartoons with my baby brother, muntik na kaming mahulugan ng T.V, may sumalo sa T.V siya yung tumanggap ng paghulog di ko maalala kung si nanay o si tatay.... :(

maj
09.07.21, 01:30 AM
nasa uste ako noon, having our class with prof. dadap...forms and analysis ata ang subject namin that time, if im not mistaken...:(

tweetit_fs97
09.07.21, 11:55 AM
still elementary during that tym... that was really shocking... let's pray for the souls of the victims...

fhayeobra
10.04.06, 09:08 PM
ngayon ko lang din po nakita 'tong thread na'to.. at hindi pa po ako pinapanganak nito.. pero sa mga nabasa ko sa mga post ng iba.. bigla akong kinilabutan.. :( nakakalungkot.. isa palang trahedya ang bumalot sa araw na'to.. pagdadasal ko po ung mga kaluluwa ng nabiktima.. :(

shoma5531
10.04.07, 02:40 AM
i was at may crib drinking bottled milk

i was a year old this time:)(reminiscing)

felamsen
10.04.07, 11:17 AM
Parehas tayo pascuarc33, nasa school din ako that time and I was in 3rd grade as well

delrene
10.04.07, 02:21 PM
July 1990?? nasa bahay pa lang ako nun eh mahilig magcolor ng books at pader haha... 3years old pa lang kasi ako nun hehe

ilujian_20
10.04.07, 02:28 PM
Wala pa ako sa mundong ito ng ga panahong iyon. Nang mga panahong iyon, doon pa lang nagkakilala ang mga parents ko.:)

dhenzv
10.04.07, 05:05 PM
second year HS ako nito.. nasa school quadrangle kami..buti na lang uwian na.. kasi baka nagkatakbuhan pababa..

nlim
10.04.07, 08:26 PM
:):)I was at work doing overtime in the paper mills- yung very large tank ng clarifier where the water nakita ko na lang lumiligwak (spill) sa roadside which is very abnormal since the drive to agitate the water takes the whole rotation on the tank every 30 minutes.Nagkaingay ang mga tabing na GI sheet ng planta.
Next thing after that is the Mt Pinatubo erruption sunud sunod na disaster yun magkasunod na taon.:):)

rhuihanazawa05
10.04.07, 09:52 PM
hindi pa ko buhay nito.. katakot naman yung nangyari.. kakalungkot

Alexander
10.07.16, 06:54 AM
Let's pause to reflect and pray for those who have perished during the July 16 1990 earthquakes. Pray also for the families who lost their loved ones and still struggling for their lost.

rac.roldan
10.07.16, 11:06 AM
Upper Quezon Hill, Baguio City.

My twin and I were in Grade 1. My mom, siblings and I just got home from school, changing our school clothes.

It was such a dreadful experience. Good thing everybody was kept safe.

We are a family of grateful survivors.

munting koro
10.07.16, 01:23 PM
bumibili chichiria sa tindahan
galing school

happy fiesta pala sa beloved
Lady of Mt. Carmel sa aming parokya!

bajo
10.07.16, 05:49 PM
20 years na pala ito ... ang tanda ko na hahaha.

czyre
10.07.17, 12:44 AM
Remembering all those who passed away...

Oo nga noh, 20 years na... Yikes!

rolandp43
10.07.17, 01:33 PM
2nd year HS ako, tapos afternoon practical arts namin nun, nung nangyari ito, isang malakas na ulan, sabay biglang super init.. tapos maya-maya lumindol na... yung teacher namin bading.. hahaha sabi don't panic.. pero siya sumisigaw.. waahhah.. ayun, madami sa mga classmates ko, ninerbiyos...

aweljr
10.07.18, 02:08 PM
in SM West watching a movie - Pretty Woman! at mid-movie, there was this load roar and the movie house started to vibrate like you're riding a car on an unpaved road. everybody rushed out and I was the only one left and who went out through the fire exit.

rhuihanazawa05
10.07.18, 11:06 PM
waaah! mag bfgf palang mga magulang ko nyan! hahaha!

herald
10.07.19, 05:20 PM
20 years na pala ito, sa bahay lang, gumagawa ng project tapos ayaw ko umattend ng prayer meeting, tapos biglang lumindol...sa takot ko nasabi ko "Lord aattend naman ako eh, nagbibiro lang naman" :D

dhenzv
10.07.20, 11:13 AM
2nd year High School Nito, sakto uwian na, year after Binuhusan naman kami ng buhangin sa Olongapo (Mt. Pinatubo Eruption).. :(

Alexander
11.07.19, 04:37 PM
Nakalagpas ang araw na ito, subalit nagbigay saya naman ang mga kasamahan natin sa mga Lola sa Bahay ni Maria...

Gunitain natin ang mga nasawi sa araw ng malagim na lindol makalipas ang 21 years

ilujian_20
11.07.21, 06:04 PM
Sa pagkakatanda ko, ito ba iyong date na pumutok ang pinatubo? Am I right? Hindi pa ako buhay nito pero ang kwento ng tatay ko eh napuno daw ng abo ang mga kalsada at madami ang nagksakit dahil doon.

Alexander
11.07.22, 10:50 AM
Nandito po ang event na nangyari noong July 16 1990...

http://bukaspalad.com/board/showpost.php?p=26016&postcount=1

czyre
11.07.23, 07:20 AM
Sa pagkakatanda ko, ito ba iyong date na pumutok ang pinatubo? Am I right? Hindi pa ako buhay nito pero ang kwento ng tatay ko eh napuno daw ng abo ang mga kalsada at madami ang nagksakit dahil doon.

1994 or 1995 na yata pumutok ang pinatubo... Grade 4 or 5 ako noon. :)

knightdom
11.07.25, 02:49 PM
nasa school ako nun.

ilujian_20
11.08.05, 08:19 PM
Sana, buhay na ako noong pumutok ang bulkan. Para ng sa ganoon, masaksihan ko ang lahat at hindi iyong wala akong mangmang. Pero, blessed pa rin ako na ngayon ako pinanganak. maswerte na kung tutuusin.

bingo
11.08.05, 08:54 PM
naka duty ako noon... di namin alam kung paano namin nailabas ang mga pasyente...???

Alexander
12.07.16, 10:24 AM
Gunitain natin muli ang mga namatay sa sakunang ito....

loretoluis
12.07.24, 02:02 PM
Nasa bahay ako kasama ko ang asawa ko at wala pa kaming anak that time dahil newly wed kami. Grabe napakadilim ng paligid at umuulan ng abo.

marlo_27
12.07.24, 03:50 PM
*Ang natatandaan ko , elementary pa ako that year. hehe, but naalala ko ang event that day na grabe raw ang earhquake, sabi ng teacher namin sa Araling Panlipunan, kasi nasa manila sya that time. C:

Kuya G.
12.09.17, 03:03 PM
Nasa bahay ako kasama ko ang asawa ko at wala pa kaming anak that time dahil newly wed kami. Grabe napakadilim ng paligid at umuulan ng abo.

Medyo nalito na ako sa pangyayaring ito... Di po ba earthquake po ito? ??? Hindi po pagputok ng Mt. Pinatubo? Hehehe. :D

Anyway gaya ng dati kong post 1st year high school po ako that time kasama ko ang mga classmates ko na naglalaro ng basketball sa UPLB sa side ng Baker Memorial Hall.... :)

gerald0614
13.05.15, 07:07 PM
Hindi pa po ako buhay noong mga panahong iyon, pero pakiramdam ko, napakalaking paghihirap ang naranasan ng Pilipinas noon...

titopao
13.05.15, 11:40 PM
Hindi pa po ako buhay noong mga panahong iyon, pero pakiramdam ko, napakalaking paghihirap ang naranasan ng Pilipinas noon...

Ako, nag-aaral naman ako noong mga panahong iyon :P hehehe

Well...hindi naman buong Pilipinas, to begin with. I can tell you that the areas/regions that were hardest hit were in Northern Luzon and, in particular, Baguio and Nueva Ecija. Andun 'yung pinakamalalang damage: most fatalities, most buildings destroyed, most unpassable roads, etc.

The rest of Luzon, walang gaanong damage ang naranasan, even Manila. (Hindi ko na isasama ang Vis/Min for really obvious reasons :P ) Abala lang na kailangang mag-check din ng mga buildings dahil sa nakikita ng mga tao sa TV 'yung extent ng damage sa Baguio at Nueva Ecija, but otherwise hindi naman gaanong nadamay ang rest of Luzon. Tuloy lang ang buhay except for those hardest hit areas.

It took more than two, three years bago muling nakabangon ang Baguio...and nakabawi naman ang City of Pines kahit papaano :)