PDA

View Full Version : BP Online Community Choir


Pages : [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10

hashpipe
03.05.21, 11:36 AM
Feasible ba 'to? Since halos lahat naman tayo eh may choir, I'm assuming kumakanta kayo and/or tumutugtog kayo. ;D Wala lang...naisip ko lang. Baka pwede tayo mag-"jamming" one time. ;D

Tenor ako. ;D

Venue: Immaculate Conception Church (Lantana Street - Near New York Street, Cubao, QC)
Time of Mass: 9 AM (Dapat 8AM Nandun na kayo)
Date: 28 August 2003 - Thursday

bhoyet
03.05.21, 11:44 AM
hi, ako Tenor din. MTBLP (Maramihang Tinig ng Birhen ng Lourdes Parish) ang name ng choir namin. ano nga no parang isang group/choir tapos jamming ang saya siguro :D

jeromz
03.05.21, 03:20 PM
mukhang maganda po yan. bass po ako at nakakatugtog ng organ. :)

J O J I T
03.05.21, 07:56 PM
ako po bass or tenor kung ano kulang pero tenor talaga pero feeling ko malapit na ako mag-bass. magulo ba? am a member of the bagong awit music ministry, actually am the founder of the group. alam nyo ba na nasubukan na namin mag jamming nung workshop. hehehe ang galing. lahat magaling kumanta. ;D

bajo
03.05.21, 08:44 PM
Gud Idea....

Pwede siguro mangyari yan. Magset ng EB tapos Jammin'

Bass din po ako. Pwede rin Baritone.

hashpipe
03.05.22, 12:48 AM
Hehe...as of now, ALL-MALE CHOIR pa lang tayo (actually, quartet pa lang)! Puro tayo bass and tenor! May organista na rin, YAY! ;D

Kung magpapatuloy 'to, ang first na malamang na kakantahin eh...YOU ARE NEAR (A capella by Hangad)! Puro lalake lang yung arrangement na yun eh (except for the intro and the outro part)! Hehehehehe! Tenor 1 ako dun (if ever)! ;D

Ang saya naman! ;D

J O J I T
03.05.22, 06:55 AM
kahit walang babae sa yahweh ok na yun. nakita ko once sa S4S kinanta nila. alam ko na tenor 1 part dun. ;D marunong din po ako mag drums and percussions. ;)

bhoyet
03.05.22, 08:04 AM
o tara na jamming na... :D o kailangan pa ng babae ??? I also play guitar. ::)

Koenji
03.05.22, 08:52 AM
Mga pards sali ako d'yan http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif

Guitarist ako dito sa choir namin (HImig Koenji). Paminsan-minsan kumakanta ako ng tenor kapag alam ko lang naman. I can also play some percussions.

Sana nga makakanta tayo sa Mass d'yan.Timing natin pag na nan'dyan ako. I'm there during Christmas. No members na babae? Leave it to me magre-recruit ako, magaling ako d'yan hehehe http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

OK din kantahin 'yung all male versions ng kantang "One More Gift". O di kaya naman lahat ng songs ng Himig Heswita.


http://home.hpo.net/christmas/koenji/band.gif

bhoyet
03.05.22, 09:04 AM
O yan di na problema ang pag rerecruit ng girl member kaya na ni Koenji ;)

bajo
03.05.22, 09:09 AM
Tanong lang .... Wala ba mga ladies dito sa message board? Alam ko meron naman.

Koenji
03.05.22, 09:25 AM
O yan di na problema ang pag rerecruit ng girl member kaya na ni Koenji ;)


Naku bhoyet joke lang 'yon ha? Baka magselos si misis at ma-outside-the-kulambo ako! http://home.hpo.net/christmas/koenji/laughing.gif

Kung wala talagang girl members, OK lang siguro.
Mag-isip na tayo kung anong magandang pangalan.
Ano kaya? "Himig Heswita Pirated Version Choir" hehehe. http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

http://home.hpo.net/christmas/koenji/band.gif

bhoyet
03.05.22, 09:45 AM
marami naman sigurong ladies dito sa board sila na lang invite natin. tapos pag na form na iaannounce sa board " and here are the Himig Heswita Pirated Version Choir" ;D ang saya ;)

bajo
03.05.22, 09:56 AM
Kapag may ladies na tayo, Hindi na Himig Heswita ...
"Bukas Palad Pirated Version" na. ;D

bhoyet
03.05.22, 09:59 AM
oo nga pala may babae :P "Bukas Palad pirated Version" na ;D

Koenji
03.05.22, 10:03 AM
http://home.hpo.net/christmas/koenji/band.gif

OK 'no? Hindi pa man eh ang saya na. Lalo na siguro kapag natuloy. Sana matuloy na nga!
http://home.hpo.net/christmas/koenji/guitar.gif

hashpipe
03.05.22, 10:15 AM
Saan na ba sina rinoah, june ann at yung iba pang girls? Sana gusto nila. :)

Kapag marami-rami na tayo, EB tayo! ;D

bhoyet
03.05.22, 10:16 AM
Ano sa palagay nyo magkaroon kaya ng isang parang salo salo parang grand eye ball ng mga kasama dito sa board tapos may mga activities rin syempre. ;) o di ba ::)

nargalzius
03.05.22, 10:23 AM
Grabe tong topic na to, kaninang umaga lang nagsimula to at ngayon kasing haba na niya yung mga week old topics ;D

bhoyet
03.05.22, 10:33 AM
Sir Carlo sama kayo (incase na matuloy) para masaya ;D

june ann
03.05.22, 12:36 PM
hi guys! thanks at naalala nyo din kaming mga girls hehe...kala ko kasi para lang sa inyo ang jamming na yan ... :) im here lang po at sana libre ako kung kelan nyo man gusto mag EB...can't wait to see you all! kayo na lang bahala magplan...sama na lang ako :)

bhoyet
03.05.22, 01:16 PM
yan may kasama ng lady, hi june ann. ;) sana maraming girl para masaya ;D

bajo
03.05.22, 01:29 PM
alam ko marami pang ladies dito sa forum. Sana sali sila, mas maganda pagbuo ang boses, may soprano at alto

bhoyet
03.05.22, 01:35 PM
tama Jo.... June Ann Alto ka ba o Soprano ??? si Rinoah kaya?

Koenji
03.05.22, 03:16 PM
May isa pa tayong girl na member ng Forum - si jan :)

Hello Jan . . nand'yan ka ba? Sali ka na para madagdagan ang girl natin. http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

bajo
03.05.22, 03:21 PM
sabi ko na marami silang ladies d2 sa forum. Ayan dumadami na tayo.

Ilan na ba tayo?

bhoyet
03.05.22, 03:55 PM
oo nga dumadami na. ;D si Rinoah pa..... ;)

bhoyet
03.05.22, 03:59 PM
Meron pang isa si Anika..... ;) baka pwede sya? di ba Jojit?

hashpipe
03.05.22, 04:03 PM
Soprano/Alto

june ann
jan (organist)

Tenors

hashpipe (guitarist)
bhoyet
Jojit (percussion)
Koenji (guitarist/percussion)

Basses

jeromz (organist)
j()J0

8 na tayo! Hehehehe! ;D

bajo
03.05.22, 04:09 PM
Ano na ang pangalan ng grupo? Yung Seryoso naman.

Idag-dag natin sa Subject na ito.

Isip, isip, isip.

Hashpipe,

ok yung avatar mo. akala ko wala.

J O J I T
03.05.22, 04:19 PM
Bukas Palad Online Choir. hehehe yung mga girls dyan, baka gusto nyo sumali. ;D wala pang alto. pag kulang ang bass pwede din ako dun.

bajo
03.05.22, 04:21 PM
Bukas Palad Online Community Forum Choir

ang haba...

BPonliners Choir?

soul guardian
03.05.22, 04:23 PM
May isa pa tayong girl na member ng Forum - si jan :)


:-[ Kahiya naman ata yon, talagang na-mention pa ko explicitly... ::)

Actually kanina ko pa sinusubaybayan itong thread, hiya lang ako mag-signify na sumali kasi nga puro lalaki yung mga members...

Anway, you can count me in! I'm an alto ;) I can also play the keyboards, although marami na tayong instrumentalist dito...

bhoyet
03.05.22, 04:30 PM
Ang haba nga Jo pero ok ang name ng group. magdagdag na lang ng members. :D

bhoyet
03.05.22, 04:44 PM
hashpipe... cute ng avatar mo ;)

Koenji
03.05.22, 05:06 PM
Ang haba nga Jo pero ok ang name ng group. magdagdag na lang ng members. :D


Suggestment ko:bukaspalad online forum choir (BOFC) - medyo maiksi di ba?. ;)

hashpipe
03.05.22, 07:20 PM
Are you sure na gusto n'yong i-append yung "online/forum/community" na words sa pangalan ng group na mabubuo naten? Baka pwede naman tayong gumawa ng bago tulad ng Taos Puso or Taas Noo or Abot Kamay (hehe...wala akong maisip na parang "Bukas Palad" ang dating! ;D ).

Pwede rin na Bukas Palad Wannabe Choir! ;D

Sorry, wala ako maisip! ;D

YAY, jan! 2 na kayo! Ie-edit ko yung list sa baba. :)

Alexander
03.05.22, 11:39 PM
Sali ako, BASS, TENOR pwede ring Soprano (hehehe) I play guitar and keyboard

jeromz
03.05.22, 11:52 PM
Ang haba nga Jo pero ok ang name ng group. magdagdag na lang ng members. :D


Suggestment ko:bukaspalad online forum choir (BOFC) - medyo maiksi di ba?. ;)



mukhang maganda.
count uli tayo.

THE BUKAS PALAD ONLINE FORUM CHOIR
Soprano/Alto

june ann
jan (organist)

Tenors

hashpipe (guitarist)
bhoyet
Jojit (percussion)
Koenji (guitarist/percussion)

Basses

jeromz (organist)
j()J0
Alexander (keyboards and guitar)

ganda! sana matuloy to! sana makakanta tayo kasama ang BP. :)

Koenji
03.05.23, 12:52 AM
Hi jeromz :)

Ang galing din ng Avatar mo! Dynamic talaga. Inggit naman ako. Siguro gagawin ko ring animated 'yun sa akin.

Ooops, off-topic ako... http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif

Anyway, thanks for backing-up my suggestment. Siguro paniningdigan ko na ang suggestion ko.

I think the name The Bukas Palad Online Forum Choir will greatly represent the group since the choir's characteristics (what, who, & how) are clearly embeded on it na.

Hence,
Bukas Palad is a "common denominator" sa lahat ng members.
Online - nabuo ang group online. Perhaps the very first choir (sa buong mundo?) na na-formed Online.
Forum so far ang members are also member ng Bukas Palad Online Forum.
Choir is of course self-explanatory.

What do you think,guys? ;)

http://home.hpo.net/christmas/koenji/band.gif

bhoyet
03.05.23, 08:07 AM
Good Morning all

Well explained Koenji maganda yung suggestion mo at isa pang maganda dalawa na yung girl... Hi Jan ;) Hi June ann :D

Bakit ang gaganda ng Avatar nyo? kainggit..... :P

jeromz
03.05.23, 08:43 AM
sa akin ok yung Bukas Palad Online Forum Choir. suggestion. why not chorale? para hindi naman masyado common o kaya singers para ala madrigal. (bigat!)

THE BUKAS PALAD ONLINE FORUM CHORALE?

THE BUKAS PALAD ONLINE FORUM SINGERS?

:) :D ;)

J O J I T
03.05.23, 09:03 AM
sobrang haba naman. bakit hindi nalang BP jr. choir? hehehe

pero maganda nga yung suggestment ni sir koenji. serious pero may dating. ;D pwede ba nating tanggalin na yung word na choir or choral? ;)

Koenji
03.05.23, 09:06 AM
THE BUKAS PALAD ONLINE FORUM CHORALE?
THE BUKAS PALAD ONLINE FORUM SINGERS?


Good Morning din (eto na naman tayo hehehe) http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif

For me OK lang ang Chorale. H'wag lang siguro 'yung Singers, dahil parang nababawasan ang personality ng group being "church-based".

Pero wala namang tayong church o parish . . . "a choir without a parish?". Nangyari 'yan sa choir namin dito - pero that's another story. ;)

Serving God through Music http://home.hpo.net/christmas/koenji/harp.gif

bhoyet
03.05.23, 09:12 AM
Para sa akin OK yung chorale or choir kasi nga lahat naman tayo may kanya kanyang pinaglilingkurang parokya di ba? so church- based pa rin ang dating. ;)

J O J I T
03.05.23, 09:19 AM
ok whatever. ;D masyado lang kasi formal yung word na chorale or choir. parang bukas palad hindi naman sila bukas palad choir or ang hangad hindi naman hangad choir. parang pag choir kasi hindi pwede sumayaw habang kumakanta. parang dapat nakatayo lang. hindi ko naman po sinasabing ganun nga parang ganun lang impression sa choir. parang magulo na ako?! ah basta, am sure maganda ito pag natuloy? san tayo kakanta? sa gesu? hehehe ;D

bhoyet
03.05.23, 09:22 AM
sabagay may punto ka rin doon...anyway pag nabalik sa ere yung S4S doon tayo kumanta...ok diba? ( sana maka ere ulit ) ???

soul guardian
03.05.23, 09:27 AM
I think more than the name, we should devote more time thinking about the purpose of the choir we're forming. We should stand for something so that we won't fall for anything, diba? ;)

J O J I T
03.05.23, 09:27 AM
PWEDE!!! ;D

bhoyet
03.05.23, 09:31 AM
oo nga no...... ;)

Koenji
03.05.23, 09:36 AM
Para sa akin OK yung chorale or choir kasi nga lahat naman tayo may kanya kanyang pinaglilingkurang parokya di ba? so church- based pa rin ang dating. ;)


Very good insight bhoyet!

Oo nga pala nakalimutan ko na we're representing din pala ang mga parishes where we serve. And to think na ang lawak pala ng parish natin hanggang dito sa Tokyo umabot 'di ba?. Ano kaya 'yung mga Forum members na taga-US, sana join din sila para hanggang US na ang parish natin. ;)

Tapos mag-launching concert tayo Online kahit isa o dalawa kanta lang - again another first by a choir!http://home.hpo.net/christmas/koenji/guitar.gif
Kaya lang dapat lahat tayo may webcam at 'yung software na pwedeng multi-screen ang labas sa PC monitor (meron ba nun?).

Teka mag-break muna ako nagiging wild na 'ata ang imagination ko hehehe http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

Koenji
03.05.23, 11:19 AM
I think more than the name, we should devote more time thinking about the purpose of the choir we're forming. We should stand for something so that we won't fall for anything, diba? ;)




Nice Jan . . . :)

A very profound reminder. OK talaga kung may girl sa group dahil minsan tayong mga boys ay nagiging too excited na that we forgot what is basically important. Thanks for stepping on the brake! http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif

Anyway suggestion ko, maybe, aside from other objectices of a regular choir, we can embrace the mission of ministering on the internet - sort of an "Online Music Ministry". We can share our songs, reflections, prayers, and especially our experiences on how God works in our lives as Ministers of His Music and hope that we can touch hearts and lives of people who are at the end of the line of the cyberspace. ;)

Serving God through Music http://home.hpo.net/christmas/koenji/harp.gif

bhoyet
03.05.23, 11:29 AM
I agree with you koenji through this we can reach out and touch the heart of so many people sa mundo ng internet :'(
serious ba ? ;)

bajo
03.05.23, 11:51 AM
Grabe na talaga nag thread na 'to. Ito na yata ang pinakamaraming replies in just two days of posting. (Sabi nga ni Sir Carlo).

Seryoso na lahat ng tao dito ah. Unang suggestion lang ay jamming, ngayon performance na pinag-uusapan.

Launch kaya tayo ng Album? hehehe ;D :D

bhoyet
03.05.23, 01:31 PM
Jo ganyan kaseryoso na talaga malay mo one of these day eh mag launch ng album kaya lang baka di rin makantana mg ibang parishes kasi mahigpit ang guidelines ( grabe na to....) ;D

soul guardian
03.05.23, 01:35 PM
Nice Jan . . . :) Thanks for stepping on the brake!


Thanks Koenji.. ::)

I like that idea, yung Online Music Ministry. Suggestion ko, let's start inviting other choir members na kilala natin to join BP Online para makapag-share tayo ng songs, ideas, news, and other stuff. Tapos pag may na-invite kayo, ipakilala nyo na rin sa lahat.

And to make this more exciting, paramihan tayo ng ma-iinvite! ;D

Teka-teka, ako naman ngayon ang naging excited :D Na-offtopic na nga ata ko. Basta ayusin muna natin yung purpose, and I'm sure everything else will follow...

aRJedi
03.05.24, 06:25 AM
Oy oy oy! Kelan pa 'to? Grabe tagal ko na nga palang di nagpo-post. Syempre sali ako! US Chapter...hehehe. Gitarista rin ako at "medyo" tenor. I say "medyo" kasi mas marami akong experience tumugtog kesa kumanta kaya pedeng dun na lang ako sa pagtugtog? Hehe.

Uwi ako ng August dyan sa'tin. Sana may ma-setup tayo. pati gf ko na nandyan, sali ko na rin (kahit without her consent pa ;) ). Yun, matinding Soprano 1 yun.

Additional: Not to be a spoilsport or anything pero may confirmation/permission(?) na ba tayo na pedeng gamitin yung "Bukas Palad" na name?

J O J I T
03.05.24, 07:34 PM
bakit naman hindi pwede arjay? mahirap kung gamitin nating name bukas bahay. :wiggle2:

ok, dapat may goal tayo. kailan ba? baka drawing lang yan? dapat ipaalam na rin natin ang gesu para sa launch. :cheeky:

Koenji
03.05.24, 09:21 PM
Hi Jojit :smiley5:

Siguro out of courtesy we need to ask permission from them muna. Nand'yan lang naman sila sa kabilang window,eh sa "Ask Bukas Palad" forum. ;)

So h'wag muna nating ipagpaalam ang "guess who", este, Gesu pala. http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif Eto munang "Bukas Palad" name.

Anyway, kung 'di pwede, eh isip na lang tayo ng iba.
Siguro pwede Kapos Palad?, Bukas Pala?, o kaya May Bukas Pa?.
hehehe http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

hashpipe
03.05.25, 08:12 AM
Tama si jan...we should establish the purpose first before anything else. The name of the group would come later on. :)

Maganda siguro kung magkaroon muna ng meeting at pag-usapan ang feasibility ng pagbuo ng isang choir, kung ano ba ang gagawin ng choir na ito, kung posible bang makakanta tayo sa isang simbahan bilang isang "guest" choir, kung sasali ba ang grupo sa mga patimpalak, atbp.

Maganda ang suggestion ni Koenji na magiging "Online Music Ministry" ang grupong ito...ngunit mangyayari lang ito kung established na ang members at kung napagkasunduan na kung paano gagalaw ang grupo. :)

Alexander
03.05.25, 10:40 AM
Nakakatawa naman kung saan saan na napunta itong thread na ito at meron pang Album Launching (hahaha). Sino ang trainor natin si Palan o si Norman.

Why dont we request to audience in their practice or join their practice.

Natatawa kasi ako sa isang suggestion na name e yung BP wannabe's (hahaha)

Di naman kaya out of frustration sa guidelines kaya humaba agad to.

;D

aRJedi
03.05.25, 01:08 PM
Maganda siguro kung magkaroon muna ng meeting at pag-usapan ang feasibility ng pagbuo ng isang choir, kung ano ba ang gagawin ng choir na ito, kung posible bang makakanta tayo sa isang simbahan bilang isang "guest" choir, kung sasali ba ang grupo sa mga patimpalak, atbp.


Agree ako sa suggestion na 'to. I think kailangan nga muna mag-meeting tayo/kayo in person if possible. I see great promise dun sa idea pero syempre, iba pa rin yung usapan online sa usapang harap-harapan. Baka mamaya, clashing pala mga personalities natin di ba? Pero sana nga matuloy 'to. Kahit na semi-regular lang yung maging status nung group, ayos yun.

hashpipe
03.05.25, 05:40 PM
Nakakatawa naman kung saan saan na napunta itong thread na ito at meron pang Album Launching (hahaha). Sino ang trainor natin si Palan o si Norman.

It's still under the topic. Besides, they are just telling the possibilities of this. Everybody is free to dream.

Why dont we request to audience in their practice or join their practice.

There's no need. I believe in the capacity of this group. We just need to set a meeting in order for it to be justified. Kaya ba naten?

Natatawa kasi ako sa isang suggestion na name e yung BP wannabe's (hahaha)

That was obviously a joke. If it works out, the only way Bukas Palad would be connected with the group is that their website served as the medium for the members to be acquainted with each other.

Di naman kaya out of frustration sa guidelines kaya humaba agad to.

I don't think so. I think people here are just interested on the idea of forming a choir with people they feel they have commonality with.

TONET
03.05.26, 07:47 AM
Id just like to commend you guys and girls (may girls nga ba sa thread na to?) for your enthusiasm.

i think forming a choir is a great idea.... i think all of you would appreciate being with a group of people who share the same vision and passion for what you do.

of course we would be more than willing to be involved in this "project" of yours.....just tell us how we can help and we'll see if we can handle it...

Keep on singing and LET YOUR PRAISES BE HEARD!

TONET

hashpipe
03.05.26, 08:12 AM
Thanks for the support, TONET!

of course we would be more than willing to be involved in this "project" of yours.....just tell us how we can help and we'll see if we can handle it...

Promise yan ha?! Hehe! Thanks! ;D

bhoyet
03.05.26, 08:51 AM
Good Morning,

Yan may support na tayo coming from BP... :D

Thanks din po, TONET.... ;D

Alexander
03.05.28, 02:57 PM
O kelan ba ang una nating pagkikita-kita? any developments? :walksmil:

bhoyet
03.05.28, 03:13 PM
oo nga kailan yung unang pagkikita? :D at saan? ;)

Punzi
03.05.28, 08:30 PM
Uy! EB na 'to! :)

Sige lang. Kung malapit at may oras bakit hindi. :D

regards

J O J I T
03.05.29, 08:31 AM
sige at sabihan nyo lang ako. ;D ayus 'to. matindi ang group na 'to. parang selection sa basketball. hehe

bhoyet
03.05.29, 08:44 AM
Uy.. saya to ;D

Ilan na nga pala tayo.....? ;)

bajo
03.05.29, 10:07 PM
H'wag nyo kalimutan, nandito pa ako...

n8s
03.05.30, 12:43 PM
Don't foret me. I'm a natural bass. Sali akoha? :walksmil:

J O J I T
03.06.01, 09:30 AM
Just tell me when and where, i'll be there. ;)

rainiermarquez
03.06.01, 10:31 AM
Pwedeng sumali? Naku, sori, ha, ang tagal ko nang di nagpo-post d2 sa online community. Kababalik ko lang kasi sa apos2l8 ko. Wow :o, grabe, ha!!! Kamusta na pala kayo, guys and gals? Hope your fine!!!

Basta, keep the online community informed about this, ha? :) I give my full support! ;D

hashpipe
03.06.01, 01:36 PM
Malamang eh kapag merong happening sa JMM like concert ng Bukas Palad, etc... eh doon tayo makakapag-set ng EB para madiscuss 'to. :)

bhoyet
03.06.02, 08:21 AM
How about sa June 21 di ba may concert ang BP sa Antipolo? anong oras ng pala yon...? ;)

Alexander
03.06.02, 01:09 PM
Sabi ni Tonet, 8PM daw sa Holy Family Parish sa Antipolo

bhoyet
03.06.02, 01:21 PM
ok thanks alex... :)

so what do you think punta ba kayo..? magkano nga pala ang ticket..?

musta nga pala lex kanta nyo sa antipolo? di ako nakarating... ::)

Alexander
03.06.02, 01:29 PM
Di sinabi yung price ng ticket e.
Yung kanta namin sa Antipolo? Well sabi nung Parish Priest namin okey daw, pero nainis ako sa tunog ng keyboard dun dahil yung isang tiklado minsan tatlo ang tunog, pag naka chord ka, iba ang tunog, yung iba namang tiklado, walang tunog.

I'm a bit dissapointed dahil pag pangit tunog ng keyboard, nahahatak pati performance ng choir diba? Sana nagdala na lang kami ng keyboard. (hayyyy...)

bhoyet
03.06.02, 01:49 PM
ok lang yon charge to experience na lang.... ;D
as long as you did your best di ba..... ;)

J O J I T
03.06.02, 02:56 PM
parang ayaw nyo ako isali. >:( ang layo naman ng antipolo. :-\ di ba pwede sa isang lugar lang na malapit sa lahat? ;D

bhoyet
03.06.02, 04:22 PM
sabagay tama ka nga medyo malayo.... :-\
any suggetion..... ???

Punzi
03.06.02, 04:36 PM
Eh kung sa Gesu na lang? Attend ng mass tapos take it from there. :)

Hindi ko lang alam kung ano ang schedule doon. Medyo malapit ako doon pero never been inside the church itself.

regards to all :D

bhoyet
03.06.02, 04:57 PM
saan ba ang Gesu? saka ano yung Gesu? (sensya na di ko kasi alam eh) ??? thanks ;)

J O J I T
03.06.02, 07:32 PM
ang Gesu po ay church sa ateneo. tignan nyo sa gallery. nandun ang gesu. gate 3 sa ateneo. ;D

di ba pwedeng sa sept 6 nalang? i've heard na merong isang malaking concert sa ateneo. hangad, bukas palad, & ateneo chamber choir (yata) plus Fr. Manoling will be there and an orchestra. ang galing nun. siguro sa umaga meet tayo tapos sama-sama na tayo manood. :)

bhoyet
03.06.03, 08:31 AM
thanx jojit di pa kasi ako nakakapunta sa Gesu sana one of this day makapagsimba ako... :D

pwede........ ;) malaking concert yon... ;D

What do you think guys...? ::)

Punzi
03.06.03, 10:33 AM
PWEDE!!!!!!!

soul guardian
03.06.03, 12:07 PM
Anong concert kaya yun? I mean, ano kayang theme? Ang ganda siguradong concert nun! ::)

Jojit, post ka lang kung may makuhang kang additional info about that concert like the exact date, time, ticket price, reservations, etc. Thanks! :)

hashpipe
03.06.03, 05:39 PM
If there's indeed a concert on September 6, that would be great. I'll have my graduation march on June 21...so the Antipolo meeting would be an impossible event for me. :)

J O J I T
03.06.04, 06:52 AM
no problem. meron lang nakapagsabi sa akin from hangad pero di sya sure about the exact date pero most probably nga sept 6 kasi saturday yun. ;)

Punzi
03.06.04, 09:47 AM
Teka teka... :)

Kung magkikita nga tayo at magiging choir rin, saan tayo tutugtog?

Nagtatanong lang...


regards to all

Alexander
03.06.04, 12:54 PM
Punzi,
Di ba sumasakit ang ulo mo sa kakauntog sa mesa (hehehehe).

Me point ka dun, saan nga tayo tutugtog.
Suggestion ko, mag-guest tayo sa kanya-kanyang Parokya diba, para masaya. For a start, marami na rin yun diba?

hashpipe
03.06.04, 06:40 PM
Teka teka... :)

Kung magkikita nga tayo at magiging choir rin, saan tayo tutugtog?

Nagtatanong lang...


regards to all


That's why we need to meet...this is exactly one point that we need to discuss. Maganda ang suggestion ni Alexander..yun rin ang iniisip ko, ang mag-guest choir sa mga iba't-ibang parokya.

O di ba, para tayong the "ROLLING CHOIR..." hehe! ;D

Alexander
03.06.05, 04:18 PM
Not necessarily na ibang parokya but yung parokya where each of us belong lang muna diba ;D

J O J I T
03.06.05, 04:22 PM
tama si sir alex. maganda yun. kanya-kanyang parish. hehehe basta hindi tapat sa schedule ng iba. sa amin every 2nd and 3rd sunday lang kami kumakanta sa parish. :)

Punzi
03.06.06, 01:02 PM
Oo nga medyo sumasakit na ang ulo ko... ;D

Tama yun sa mga "bahay-bahay" muna natin tayo magsimula. Maganda rin siguro humila tayo ng BP member for guidance. :)

Pero yung "rolling choir" concept, problema ko lang, sa trabaho puro "rolling store" na ang inaatupag ko. Pag free time ko, "rolling choir" pa rin? (Joke joke joke...)

regards to all :D

jeromz
03.06.06, 08:05 PM
naku! sana hindi malayo dito sa amin. hindi ako papayagan. kapag malayo.

Alexander
03.06.07, 08:17 PM
O kelan talaga tayo magkikita-kits? Date Place and Time para naka calendar na?

Post Nyo rin mga place ng Parokya nyo para malaman natin.....ako sa Sta Cruz Parish sa Tanza Navotas, Metro Manila

J O J I T
03.06.08, 08:29 PM
ako po dito sa bulacan. baliuag po. :)

hashpipe
03.06.09, 08:46 AM
Oo naman...that's what I meant na iba't-ibang parokya...yung sa mga parokya natin. Doon kase tayo may access eh. :)

Ako po sa Las Pias. :)

bhoyet
03.06.09, 09:07 AM
Hi all....... ;D

Kumusta na medyo nawala ako eh... ;)

Maganda yung concept na mag guest choir muna sa mga parishes natin for a start ;) dito lang kami sa Bagong Barrio Kalookan...

jeromz
03.06.09, 10:01 AM
ako po dito sa paranaque. sir hashipe, we belong to the same diocese! saan ka sa las pinas?

n8s
03.06.09, 12:57 PM
Not a bad idea. Ako sa Malanday, Valenzuela City. Diocese of Malolos.

bhoyet
03.06.09, 01:19 PM
magka diocese tayo Alex di ba?

Punzi
03.06.09, 10:49 PM
Ako Christ the King Parish in the now-famous diocese of Novaliches with our dear Bishop's name splattered all over the headlines. :(

regards to all

hashpipe
03.06.09, 11:04 PM
ako po dito sa paranaque. sir hashipe, we belong to the same diocese! saan ka sa las pinas?


Sa Good Shepherd Parish po! Kumakanta kame doon every first Sunday of the month (as Koro San Lorenzo Ruiz). Then, sa Divine Mercy Chapel sa Mapayapa Village (where I live) every second (as Divine Mercy Choir) and third Sundays (as Koro San Lorenzo Ruiz).

Ka-diocese pala kita! Yay! ;D

Alexander
03.06.09, 11:58 PM
magka diocese tayo Alex di ba?


Magka-District pa lang (Ecclesiatical District of Kalookan-Malabon-Navotas) and soon to be a Diocese. Sana di na lang nilipat si Bishop Bacani sa Novaliches (no offense meant sa Diocese ng Nova) pero kasi ng dun pa sa Kalookan ang Bishop's Residence hindi kasi nagkaroon ng ganyang case e. Siguro what we can all do is AGREE in prayer na malagpasan ito ng Bishop Bacani and God will hear the prayers of His people....everybody say AMEN.

We know that the evil is doing everything sa kanyang kakayanan, kaya we need to be united in prayer cause the CHURCH once more is under attack.

aRJedi
03.06.10, 07:24 AM
Not to ruffle any feathers or something, pero did we ever get an answer dun sa question kung pede nga ba gamitin ung name na "Bukas Palad"? Nawala ung thread sa "Ask BP" forum eh.
Should we take that as a "No"? or am I missing something?

bhoyet
03.06.10, 08:28 AM
oo nga eh nawala pero ang alam ko ok na natanong na ni Alex ba o si Koenji ??? sino nga ba ?

Punzi
03.06.10, 11:23 AM
My two cents...

Since the only thing that links us to BP (well, this is so far as I am concerned) is that we met in this message board, we should make a sufficient distinction between us and BP so as not to confuse people.

I think (a dangerous pastime...) if we ever do use the name BP, even with permission, it should not be in front because there will still be a tendency to abbreviate this new choir's name to Bukas Palad. It will also be out of plain and simple respect for the group that we admire and has, in fact, drawn us together.

Of course we can discuss the matter when we meet.

regards to all :)

hashpipe
03.06.10, 12:08 PM
I agree, Punzi. You said it mouthful.

Alexander
03.06.10, 12:08 PM
I agree with Punzi, though I am not saying na di magiging magaling ang mabubuong grupo pero we may not be able to equal BP's quality. Let's discuss na lang the name when we meet.

O kelan ba? Tuloy ba yung 21 June sa concert ng BP? ???

hashpipe
03.06.10, 12:20 PM
Actually, in my opinion, it's not about being able to "equal BP's quality." Like what Punzi said, we should have a distinction. The use of "Bukas Palad" for the group, even if it's only partial, would defeat this distinction.

And it's also about respect. Willing or not, we should have the decency to not associate ourselves with Bukas Palad too much. I don't want them to have this sort of "responsibility" to us. Whatever we do is our own.

:)

Alexander
03.06.10, 12:27 PM
Got your point hashpipe, kaya ko lang naman nasabi na "quality" kasi if we use or associate ourselves with BP, kakahiya if somebody hear us sing tapos medyo di nagustuhan ng nakakarinig, kawawa naman ang BP dahil napagkamalan lang. So better nga na we use other name na lang.

Cheers ;D

Koenji
03.06.10, 12:47 PM
oo nga eh nawala pero ang alam ko ok na natanong na ni Alex ba o si Koenji ??? sino nga ba ?


Hi Guys :blushing:

Sorry for the confusion. Yes,I was the one who posted the question sa kabilang thread.

Pero, I decided to delete since it was just a "spur of the moment" decision on my part. Besides I took noticed from other posters the necessity of meeting each other in person and hoped other matters that were more important would be discussed.

Anyway, just to let you know guys that I'll be homed from July 12 - August 18, so if we planned to meet within that dates, then I can attend. Kung hindi pwede, OK lang. Just let us know lang kung ano ang mga napagpasyahan.

Again, so sorry. :-[

Agree din ako sa suggestion ni punzi regarding the "distinction".

Hey punzi magka-diocese pala tayo. :bounce:
Sa San Bartolome Parish kami. Saan ba 'yung Christ the King Parish? Malapit ba 'yun sa bayan? ;)

hashpipe
03.06.10, 03:50 PM
Then we should set a date that would complement Koenji's availability. The more, the merrier, the better. :)

Gotcha, Alex! ;)

jeromz
03.06.10, 06:10 PM
Sa Good Shepherd Parish po! Kumakanta kame doon every first Sunday of the month (as Koro San Lorenzo Ruiz). Then, sa Divine Mercy Chapel sa Mapayapa Village (where I live) every second (as Divine Mercy Choir) and third Sundays (as Koro San Lorenzo Ruiz).

Ka-diocese pala kita! Yay! ;D


dito kami sa cathedral. dun ba kayo sa may manuela subdivision? nakapanood ako ng concert ng A Capella Manila noong 1999.

hashpipe
03.06.11, 01:11 AM
[off-topic]

Yup. The Good Shepherd Parish is in Doa Manuela Subd. I don't know about the concert back in 1999 though. Sumali lang ako sa choir last year. :)

[/off-topic]

Punzi
03.06.11, 11:56 AM
Hey punzi magka-diocese pala tayo. :bounce:
Sa San Bartolome Parish kami. Saan ba 'yung Christ the King Parish? Malapit ba 'yun sa bayan? ;)



Sa may Batasan kami.

regards to all :)

bhoyet
03.06.12, 09:45 AM
Hi all... nakapag set na ba ng date and place? siguro doon na rin pag usapan kung ano ang right name na matatawag sa grupo.... ;)

Alexander
03.06.12, 12:07 PM
Anyway, just to let you know guys that I'll be homed from July 12 - August 18, so if we planned to meet within that dates, then I can attend.


Why dont we set it between these dates para nandito si Koenji. I suggest SATURDAY para di maka antala sa mga Sunday Skeds natin sa Church. (Mga Saturday - July 12, 19, 26, Aug 2, 9, 16) Pili na kayo. Suggestion kong Venue sa Mc Donalds Quezon Ave (Near MRT) para nakagitna sa lahat.

We will wait for your answers till Monday okay. Sana may BP din na sumama para ADVISER natin. (hehehe)

Alexander
03.06.12, 12:15 PM
Gumawa ako ng POLLS sagot kayo dun para official ang tabulation

bajo
03.06.12, 04:02 PM
Ayan mukhang matutuloy na, may possible dates na. Basta Saturday ayus yun. Kahit saan place ang mahalaga mag-meet tayo somewher.

aRJedi
03.06.12, 11:24 PM
Sana pag-uwi ko sa August meron na kayong naka-slate na kakantahang parish para kahit di na ako makipag-meet, simba na lang ako kung sa'n kayo naka-toka.

Alexander
03.06.15, 01:06 AM
Anong concert kaya yun? I mean, ano kayang theme? Ang ganda siguradong concert nun! ::)

Jojit, post ka lang kung may makuhang kang additional info about that concert like the exact date, time, ticket price, reservations, etc. Thanks! :)


From what I gathered kay Tonet,
Venue: Holy Family Parish (near Concepcion Market in Marikina)
Date : 21 June 2003 - Saturday
Time : Parang 8:00PM yata (maybe Tonet can confirm this one)
Ticket Price: P 100.00 (on sale daw sa any Parish in Rizal)

Nood ba kayo? Kitakits tayo mga BP onliners doon to support our idols.

Punzi
03.06.15, 09:47 PM
Exactong choir practice namin yon.

Pero baka naman mahila ko ang mga myembro ko na manood...

regards to all :)

hashpipe
03.06.16, 01:05 AM
Graduation march ko naman yon! ;D

J O J I T
03.06.16, 04:44 PM
sure kayo dun? parang ang aga naman. dyan na ba si Fr. Mano? ito kaya yung kasama ang Hangad and Ateneo Chamber singers? kasi kung ito yun, dapat makakakanta pa si 2 member ng hangad na i think will be leaving for the states this july. kaya nga sabi niya hindi sila makakasali sa concert. ito kaya yun?

bhoyet
03.06.16, 04:54 PM
ako di ko lang sure ang dami kong out of town sked this july and august pero sana makasama ako.... :(

bajo
03.06.16, 05:12 PM
baka di rin ako sa July, BC kami dahil Feastday ng Patron namin. BC sa practice. :'(

norman
03.06.17, 12:15 PM
sure kayo dun? parang ang aga naman. dyan na ba si Fr. Mano? ito kaya yung kasama ang Hangad and Ateneo Chamber singers? kasi kung ito yun, dapat makakakanta pa si 2 member ng hangad na i think will be leaving for the states this july. kaya nga sabi niya hindi sila makakasali sa concert. ito kaya yun?


Hi, Jojit.

Yung concert namin this weekend is not yet the one with Hangad and Ateneo Chamber singers. Sa September pa yon. :) Pero, yes, nandito na si Fr. Manoling.

Punzi
03.06.17, 12:32 PM
From the way it is developing, it looks like September is our best bet. Unless we're all in a hurry.

Maybe we can narrow it down to that month? Tama rin na may BP concert para may mahila tayong (mga) BP member.

regards to all :)

bhoyet
03.06.17, 04:31 PM
malamang nga punzi since meron namang concert sa september.....unless nga kung nagmamadali..

J O J I T
03.06.18, 07:09 AM
thanks sir norman. tama pala chismis. hehehe ;D

meron nga pong concert. September 6, sa irwin theater with Fr. Mano. sure na daw ito. fund raising concert daw with hangad, BP and Ateneo Chamber Singers. merong 3pm show and 7pm show. ;) saan tayo dyan? 3pm? september nalang para magaling na wife ko. manganganak na kasi this coming friday eh. :)

Punzi
03.06.18, 02:23 PM
I therefore propose to meet before the 3pm concert on September 6 para pwede pa tayong mag-usap after the concert.

Also, regular choir practice namin 7pm tuwing Sabado kasi. :)

regards to all :)

bhoyet
03.06.18, 03:46 PM
ok ako before the 3pm show. ;) (sana wala akong out of town sked :( )

hashpipe
03.06.19, 09:16 AM
Hey, ayaw nyo ba samantalahin yung availability ni Koenji? Sayang naman...hanggang 2nd week of August lang sya nandito sa Pilipinas.

Besides, pwede pa naman rin tayo mag-meet na tayo-tayo na lang sa concert ng BP sa September.

Jon2
03.06.19, 10:43 AM
concert? meet up? san? kelan exact date? o man, out of place na naman ako....pero pwede sumama? i mean, i'm not from manila but i can go there...especially kung concert ng jmm artists. heheheh...
that is kung pwede ako....
salamat ulit and God bless..
(bye bye muna dahil maglilinis pa ako ng bahay at binaha na naman kami...waaaaaaahh! :-\)

june ann
03.06.19, 11:10 AM
ok ako september :D para may time pa ako mag-save for the ticket from iloilo to manila. sana mura lang ang ticket sa concert para di na mahirap baka kasi ala concert ni martin o regine ang ticket nila.u know...super galing din kasi ng BP! :)
wers irwin theater btw? sana nga matuloy ako. God will make a way...hope to see you all soon. :)

Punzi
03.06.19, 11:44 AM
Pwede rin tayong magkita before September 6 para makita natin si Koenji. Kung Sabado ng August yon ako personally pwede hanggang late afternoon lang. At pwede pa rin tayong magkita ng September 6 for the concert and then we talk again.

Hindi naman bawal ang dalawang EB di ba? :)

Oo nga pala. Kita lang ba tayo noon o may jamming na rin?

regards to all :)

n8s
03.06.19, 12:16 PM
Ako just say when and where basta saturday NO PROBLEM. :)

Jamming would also be nice. And it would be nice if we could bring some people who are also interested in joining di ba? ;)

Punzi
03.06.19, 02:28 PM
Oh yes! Oh yes n8s!

BTW, ganda ng avatar mo. :)

regards to all :)

Alexander
03.06.20, 03:24 AM
Oo nga, sana maka pag meet tayo ng nandito si Koenji. Sayang kasi para marami tayo.

Nagvote na ba kayo sa Polls para sa EB natin.?

SaTrIaNi
03.06.24, 12:17 AM
hello po nice to be in this forum, first time ko mag post dito, congrats sa bukas palad ang galing ninyo last saturday super bait talaga ng group nyo, kaka inspire

Alexander
03.06.24, 12:22 AM
SaTrIaNi,

Welcome sa board, isa na naman ang nadagdag sa board dahil sa inspiration bf BUKAS PALAD. Praise GOD. Its really very inspiring to Glorify God lalo na pag sinasaliwan ng musika and Bukas Palad is one of Gods Channel of Music.

KUDOS!!!!

bajo
03.06.24, 12:28 AM
SaTrIaNi,

Welcome! Sana lagi ka magpost dito. Sali ka rin sa binubuong choir dito sa board.

LouGrant
03.06.24, 09:34 AM
Hi to everyone posting on this string. Salamat Satriani sa pagnood mo sa concert nung Sabado.

We enjoyed singing in Marikina last Saturday because of the warm reception and inspiring response of the audience.

We started late sa concert, mga 8:30pm na siguro yun, and we ended past 11:00pm already. Pano ba naman, ang daming mga request ng mga tao. :)

I seldom post but seeing how the online community has grown into friendships and relationships among community members makes our ministry much more meaningful. We never even thought of a possible "online community choir", but from the looks of it, you are all on your way to creating one :)

Jon2
03.06.24, 10:51 AM
umm, sino po ba ang nag-oorganize nito? kung pwede sumama e sana give details..thanks...it's not that far naman kung mula dito pangasinan e punta ako dyan...heheheh...
hmm..ok a? jamming ba? di ko alam kung anong klaseng jamming pero I'm game....
Ingats lagi!
Godbless...

Jon2

J O J I T
03.06.24, 01:00 PM
oo nga naman. pwede nmang mag-meet ulit sa concert on sept 6. bakit hindi din mag-meet ng nandyan si koenji. sayang naman. baka may dalang lapad yun, tamang libre na yu. hehehe joke lang po koenji. samantalahin na nating nandyan sya. ;)

bhoyet
03.06.24, 01:46 PM
Welcome satriani enjoy posting.... ;)

Siguro maganda kung mag memeet tayo kasama natin si Koenji sayang naman yung kung mamiss nya. malay nyo malibre tayo di ba Jojit? ;D (kung ok lang kay Koenji :P ) hehehe

Alexander
03.06.24, 11:33 PM
O sige, mabuti pa lets FIX the date para matuloy na rin.

DATE: JULY 19, 2003 (SATURDAY)
TIME: 10:00 AM
MEETING PLACE: McDonalds (Quezon Ave)
Para Malapit sa MRT for the benefit of those comming from the SOUTH and NORTH kaya nasa middle.

I hope that time nandito na si Koenji diba (kayo talaga binibiro nyo si Koenji baka nga mag-libre yan). Sana makasama rin si LouGrant.

Sana you keep your calendar free for that date okay.

Any objections or suggestions. Reply lang kayo. okay? ;D

bajo
03.06.24, 11:40 PM
PWede na rin. Saturday naman. Sana wala kami pasok nun. Ilagay ko na sa calendar ko.

bhoyet
03.06.25, 09:00 AM
Baka nasa Davao ako ng July 17,18, 19 pero baka makauwi rin ako ng ng 18 ng gabi para makasama ako. Ok, excited na ko..... ;)

bajo
03.06.25, 11:59 AM
Pagnakahabol ka, wag mo kalimutan pasalubong namin. :)

bhoyet
03.06.25, 05:13 PM
oo ba yun lang pala eh ;D

jowi
03.06.25, 07:37 PM
wow! mukhang exciting ang planong ito a.

salamat. salamat sa inyong patuloy na pagsuporta!

;D

J O J I T
03.06.25, 10:01 PM
sana makapunta mga BP members. ang saya nun am sure. sana din pwede ako ng date na yun. hirap talaga kakapanganak lang ni misis. di pa makagimik. ;D pero kasali pa din ako sa online choir hah. ;)

SaTrIaNi
03.06.25, 10:01 PM
maraming salamat po mga kuya at ate sa warm na pag welcome ninyo sa akin dito sa board, sana po makasama rin ako sa gagawin ninyong activity

God Bless!!

J O J I T
03.06.26, 06:20 AM
aba'y welcome nga satriani. nawa'y mag-enjoy ka sa board. :) sali ka na rin sa choir. ;D

hashpipe
03.06.26, 08:55 AM
YAY! We have a date! We have a date! ;D

bhoyet
03.06.26, 09:57 AM
So ok na yung date..... ;D

May sasama kayang BP members.... ???

bhoyet
03.06.26, 10:26 AM
Congrats nga pala kila Alex at Jojit Moderator na sila........ ;D

SaTrIaNi
03.06.26, 12:47 PM
aba'y welcome nga satriani. nawa'y mag-enjoy ka sa board. :) sali ka na rin sa choir. ;D


cge po, no prob. ok po iyan :D bigyan nyo lang po ako ng details

Punzi
03.06.26, 02:49 PM
O sige, mabuti pa lets FIX the date para matuloy na rin.

DATE: JULY 19, 2003 (SATURDAY)
TIME: 10:00 AM
MEETING PLACE: McDonalds (Quezon Ave)
Para Malapit sa MRT for the benefit of those comming from the SOUTH and NORTH kaya nasa middle.



Ok na tong date. Maybe coming from a meeting in the T. Morato area kaya tamang tama.

regards to all :)

J O J I T
03.06.26, 03:28 PM
maganda yan. sana lang talaga makasama ako. gusto ko pa naman ng big mac. hehe ;D pag hindi ako nakarating, ibig sabihin, naghuhugas pa ako ng bote or naglalaba ng lampin. :'(

thanks nga pala bhoyet. hindi ko alam kung bakit ako nakasama. pero ngayon, ingat na ako sa mga sulat ko. ;D

nargalzius
03.06.27, 01:17 AM
Sorry pala, I accidentally erased Alex's post anyways here's some of what it contained


E what happened to the other moderators like Pia, Jason, Ali, Palan and Norman? Pati sa "Ask Bukas Palad" kasama din kami ni Jojit


Well to put it simply, mas ok na moderator yung madalas online. Kse being a moderator is a lot of work . . . kelangan tingnan kung walang nagpopost ng inappropriate, or splitting, moving or merging topics to other boards (or topics).

To be able to do these things kelangan talaga mabusisi sa pagbasa sa lahat ng posts. Sa umpisa ok sina Pia kse madalas din sila online. . . pero recently di na so parang useless di ba?

Anyways the reason na halos lahat na ng board kayo mods, i will explain nalang sa IM to both of you (kasama na rin yung guidelines, or assignments if any) para di nakakagulo sa board, kse it only concerns moderators hehehe.

bhoyet
03.06.27, 12:11 PM
Na move yung trip ko sa Davao ng Aug 8. meaning pwede na akong makapunta.....yehey.... ;D


Baka nasa Davao ako ng July 17,18, 19 pero baka makauwi rin ako ng ng 18 ng gabi para makasama ako. Ok, excited na ko..... ;)

n8s
03.06.27, 12:53 PM
SAMA KO DYAN! see you then. marked na sa calendar ko yan.

Koenji
03.06.29, 10:33 AM
Hello sa lahat! :)

http://home.hpo.net/christmas/koenji/dancing.gif

Happy to be back!! (Obvious ba?)

Tagal kong absent no? Nasira kasi ang PC ko at almost 2 weeks s'ya sa repair shop. Hope di pa 'ko dropped hehehe. http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif

Anyway kung final na ang July 19, it's a date and we'll be there (sama ko na rin ang wife ko, BP onliner din s'ya. S'ya si "himig"). Tanong lang: Do we need to make a reservation sa McDo para hindi tayo magkakahiwalay ng upuan? Especially kung marami tayo at magme-meeting. Suggestion lang naman.

OK lang sa akin ang mag-treat sa McDo. Sanay ako d'yan. Basta lang mabuo ang choir at maging masaya ang first meeting natin. Parang welcome treat para sa lahat. Naalala ko tuloy ang dialogue ng mga choir members namin dito kapag may nagte-treat: "O sige, sagot ko lahat. Order lang kayo kahit ano ang gusto n'yo, basta ako kape lang!" hehehe. Nahihiya tuloy silang um-order ng mahal.

Pero sa totoo lang, walang problema sagot ko sa McDo. Next time sa "Barrio Fiesta" naman tayo. Sino naman kaya ang magte-treat? hehehe http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

Alexander
03.06.29, 04:15 PM
Hindi naman siguro, pero itatanong ko rin kung kailangan ng reservations :)

candice
03.06.29, 06:26 PM
ANG SAYA SAYA!!!!!!!!!

Jon2
03.06.29, 09:11 PM
SAMA AKO!

sino kokontakin?

me requirements ba?

sorry kung medyo makulit... i really am interested na maging member ng choir na ito...heheheh..syempre...


God bless!

hashpipe
03.06.30, 06:51 AM
ANG SAYA SAYA!!!!!!!!!


LOL! ;D Quoting Tita Glow, "ang saya saya, noh?!" Kaya sama na, Candice! ;D

YAY! It's Koenji's treat!!! Whoopeee! ;D

bhoyet
03.06.30, 08:57 AM
Yan ok na kita kits na lang tayo.....sama ka ba candice...? sama ka na... ;) magandang simula (libre eh.. ;D )

bajo
03.06.30, 09:09 AM
mukhang mapapasubo si Koenji.

bhoyet
03.06.30, 09:14 AM
oo nga di ba dyahe... ???

TONET
03.06.30, 09:29 AM
You picked an interesting date to hold your first meeting...

July 19 is our last recording day for our upcoming album, Let Your Praises Be Heard. :D

We will be recording ARMS OF LOVE that day. This song is an original song of Amy Grant and we got the international license to record it in our album. Bukas Palad has been singing this song for over 10 years now.....it has become a personal "theme song" for many BP members over the years.

Preview of the lyrics goes

"I have found a place where i can hide
It's safe inside Your arms of love
Like a child who's held throughout the storm
You keep me warm in Your arms of love"


Good luck with your first meeting.

Keep on singing.

TONET

Alexander
03.06.30, 12:20 PM
SAMA AKO!

sino kokontakin?

me requirements ba?

sorry kung medyo makulit... i really am interested na maging member ng choir na ito...heheheh..syempre...


God bless!


Sige, basta pumunta ka na lang doon sa McDo Quezon Ave. ;D

Alexander
03.06.30, 12:24 PM
ANG SAYA SAYA!!!!!!!!!


Paano mo malalaman Candice kung di ka sasama diba? ;D

bhoyet
03.06.30, 01:37 PM
Tama candice kaya sama ka na.... :clapper: :cwm39:

Punzi
03.06.30, 04:56 PM
Ok a libre pa tsibog!

Talagang sasama ako nyan! (Malalaman nyo na lang kung bakit pag nakita nyo na ako...)


regards to all :)

bajo
03.06.30, 05:28 PM
baka mapuno natin ang mcdo Quezon Ave. sa dami natin

hashpipe
03.06.30, 06:56 PM
Talagang sasama ako nyan! (Malalaman nyo na lang kung bakit pag nakita nyo na ako...)

I think I got the idea already. Hehe. ;D

Can't wait!

n8s
03.06.30, 08:35 PM
Hey Punzi! I think I share the same thought. ;)

SaTrIaNi
03.06.30, 11:14 PM
Sasama rin po ako ah :D nde po ako magsasawa iupdate ang details :D
God Bless sa lahat!!!

bhoyet
03.07.01, 10:40 AM
masaya to ang dami natin..... ;D kaya lang di kaya dyahe kay koenji... :-[ share kaya tayo.... :-\

bhoyet
03.07.01, 10:42 AM
Jo cute ng bago mong pix ah....palit nga rin ako hehehe :clapper:

Punzi
03.07.01, 01:01 PM
Hey Punzi! I think I share the same thought. ;)


Or the same weight? hehehe :)

Oo nga naman dyahe kina Koenji. E di makatulong kung kinakailangan!

regards to all :)

J O J I T
03.07.02, 07:39 AM
mukhang walang BP na pupunta at last recording day nila yun. :'( baka ako din di makapunta at baka hindi pa kaya ni misis magalaga ng baby. huhu

oo nga bhoyet palit ka ng pic. mukhang bad boy ka sa pic mo ngayon eh. ;D joke lang.

n8s
03.07.02, 12:54 PM
Or the same weight? hehehe :)

Oo nga naman dyahe kina Koenji. E di makatulong kung kinakailangan!

regards to all :)


:)

Alexander
03.07.02, 10:53 PM
Ilan na nga ba tayo lahat, sino ba ang tagalista? Diba me naglilista dati? Pakilista naman ulit lahat (big favor please) ;D

hokanu
03.07.02, 11:19 PM
Would like to meet and 'jam' with you guys and girls too. But I may have to leave around lunch time. May pupuntahan ako sa araw na 'yon.

But judging from your posts you seem to be in your teens or twenties. Anyway, the language of music and faith will transcend the generation gap. :P

PS
Koenji is a name I associate with a place in Tokyo Japan...Koenji are you still in Japan?? Studied there for about a year in '99-'00

Koenji
03.07.02, 11:48 PM
PS
Koenji is a name I associate with a place in Tokyo Japan...Koenji are you still in Japan?? Studied there for about a year in '99-'00


Hi hokano :smiley5:

Yes I am still here in Tokyo together with my wife. Koenji is the place where our choir sings for the Tagalog Mass once a month and the rest of the Sundays in Roponggi.

Nice to know that you can join us on July 19. We'll see you there. ;)

bhoyet
03.07.03, 08:47 AM
Hi Hokanu :clapper:

Welcome and hope you can come on july 19.... ;)
Happy posting.... :smiliedisco1:

bajo
03.07.03, 11:00 AM
Kainis, may activity kami sa Parish on July 19. General Assembly ng PREX. Kailangan ako dun. Saan kaya ako pupunta?

Final na ba yung Date?

Alexander
03.07.03, 12:17 PM
Baka pwede kang mag-excuse for this time lang naman, marami na siguro ang nag-calendar ng date e. Maliban na lang na merong 5-10 na hindi pwede sa 19 diba? Try mo mag-excuse siguro, maiintindihan ka nila, alam ko naman na di ka pala-absent sa PREX (ha kuya?) ;D

bhoyet
03.07.03, 12:25 PM
oo nga kuya jojo minsan lang naman yon eh... :-\

archer2422
03.07.04, 12:24 PM
Sama ko diyan!

christian_Villar
03.07.04, 08:05 PM
sama rin ako!!!

SaTrIaNi
03.07.04, 10:49 PM
ako rin po sama sa jamming!! bass po ako, kapatid ko ay tenor, si vannie. marunong din po ako tumugtog ng instrument :D

Punzi
03.07.05, 01:55 PM
Kung may jamming, obvious hindi naman pwede sa mcdo yon. May naisip na kayong place?

regards to all :)

Alexander
03.07.05, 03:56 PM
Di pa naman tayo magja-jamming diba? If I recall it right isa sa mga agenda yung magiging pangalan ng grupo, isa pa para makakila-kilala tayo then tsaka pag-usapan ang plano natin right?

Dun na lang natin pag-usapan yung Jamming ;D

jeromz
03.07.05, 07:51 PM
akala ko ngayon na yung EB. hehe. :Dbuti na lang hindi ako pumunta. ;D

bajo
03.07.05, 10:28 PM
Yaheeey!!! Postponed ang Gen Assembly ng PREX sa amin. Makakasama na ako. Yipey!

Kita Kits sa McDo!

J O J I T
03.07.06, 12:50 PM
ok, galingan nyo hah. :) sama pa din ako sa choir kahit wala ako sa mcdo. ;D

bajo
03.07.06, 12:55 PM
'wag ka mag-alala Jojit, EB palang yung sa 19, Sa jamming sana nandun ka na.


ok, galingan nyo hah. :) sama pa din ako sa choir kahit wala ako sa mcdo. ;D

J O J I T
03.07.06, 01:03 PM
sana nga. hirap talaga ng may bagong anak. masarap na mahirap. ;D

bajo
03.07.06, 01:05 PM
Ganun talaga, kaya nga ako, ayaw ko muna lumagay sa tahimik. (off tapoic)

Mabuti at patuloy ka pa rin sa pagiging active mo sa choir kahit may family ka na.

Punzi
03.07.06, 10:18 PM
sana nga. hirap talaga ng may bagong anak. masarap na mahirap. ;D


(Off-topic)
Ganyan talaga ang buhay, Jojit.

Ako non, 2-6 am ang "shift" ko tapos papasok pa ako sa office. You'll get the hang of it in about three months on... :)

My daughter is already five and studying. But just when you think I'm through along comes another round of fatherhood in October... ;) (Now you know the reason for my avatar...)

(Paki-delete na lang ito pagkatapos basahin...)

regards to all :)

n8s
03.07.07, 12:47 PM
hehehe. talagang mahirap na masarap. sayang you won't be there on the 19th i could give some good advice. anyway, just updating that i'm coming on the 19th. sana may konting jamming. Bass nga pala boses ko.

Koenji
03.07.07, 01:05 PM
. . . sana may konting jamming. Bass nga pala boses ko.


Parang exciting din kung meron kaunting jamming :bounce:. Pangpagana hehehe http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

Kung game kayo I can bring my laptop and the TNB album and we can use 'yung minus-ones d'un ("Tinapay ng Buhay" and WOW! "Humayo't Ihayag") ;)

http://home.hpo.net/christmas/koenji/band.gif

bajo
03.07.07, 03:57 PM
Hey guys, sino po ba sa inyo ang pwede kong pakisuyuan. Pwede po ba makibili ako ng Tinapay ng Buhay Vol.2 Songbook? Babayaran ko na lang sa 19 (EB). PhP150.00 di ba?

Anybody? Pwede po ba?

hashpipe
03.07.07, 04:32 PM
Jamming??? Hehe. Malamang mga common mass set ang makakanta natin like Aleluya, Wikain Mo, Ama Namin, etc... ;D

Can't wait na! :)

aRJedi
03.07.08, 02:15 AM
Meeting na lang muna. sa August na ang jamming pag-uwi ko. hehehe.

Alexander
03.07.08, 09:03 PM
Hey guys, sino po ba sa inyo ang pwede kong pakisuyuan. Pwede po ba makibili ako ng Tinapay ng Buhay Vol.2 Songbook? Babayaran ko na lang sa 19 (EB). PhP150.00 di ba?

Anybody? Pwede po ba?


Sayang, di ako nakapagbasa ng two (2) days, kasi galing ako last monday doon sa JMM to pick up some scores.

Kung mapadaan ako ulit doon, try ko. Pero notify me kaagad kung meron ng bumili.

bajo
03.07.09, 08:36 AM
Tnx Sir alex, di bale baka yung iba makakadaan ng JMM.

Baka po meron pa makakadaan sa JMM b4 July 19. Pwede po ba makibili ng TNB Songbuk Vol. 2? sa 19 ko na lang po babayaran. Tnx.

Alexander
03.07.12, 07:36 AM
Tanong lang: Do we need to make a reservation sa McDo para hindi tayo magkakahiwalay ng upuan? Especially kung marami tayo at magme-meeting. Suggestion lang naman.


Pipol,
Here's the latest. I inquired last night kung me reservation fee for meetings like ours. Sabi ng manager kagabi, "wala daw" and the food costs the same sa orders. Me function room kasi sa McDo e, we just need to make a phone call to confirm pero di daw exclusive yung function room, pero mahalaga nandun tayo at magkakasama diba. Nanghula lang kasi ako sabi ko mga 10-15 people lang e.(pero no problem sa venue malaki yun)

Paki count nyo nga lahat ng sasama and tatawag ako dun sa Wednesday.

Sige guys kitakits sa McDo July 19 10:00 AM

;D

DiViDe^
03.07.12, 09:00 AM
EB??? huh??? pede ba kong sumama dun?

Koenji
03.07.12, 09:56 PM
Hi Guys :smiley5:

Nandito na ako sa Philippines!
http://home.hpo.net/christmas/koenji/dancing.gif

Ang ganda pala ng Pilipinas hehehe http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

Kaya lang akala ko susunduin n'yo ko sa airport hehehe uli . . . . http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif

Dumaan pala kami sa McDO kanina pagsundo so medyo alam ko na s'yang puntahan. Dalawa pala kaming makakarating . . . sama 'yung MD namin . . . misis ko si "himig".

Thanks Alex sa reservation. Kita-kits na!! ;)

Alexander
03.07.12, 11:24 PM
EB??? huh??? pede ba kong sumama dun?


pwede why not?

hashpipe
03.07.13, 06:30 AM
As far as I can remember, eto ang mga pupunta:

1) hashpipe
2) Koenji
3) himig (sabi ni Koenji)
4) Alexander
5) j()J0
6) bhoyet
7) Punzi
8.) jeromz
9) n8s

Eto di ko sure but they showed interest:

1) SaTrIaNi
2) archer2422
3) christian_Villar
4) DiViDe^

bajo
03.07.13, 10:43 AM
Akala ko madami na tayo? Bakit kaunit lang pupunta? Mas masaya kung madami. Si Candice yata pupunta. Sana may pumunta na BP.

Alexander
03.07.13, 05:31 PM
Dont worry kahit kaunti lang at least meron tayong maumpisahan. Magugulat ka na lang pag mas marami ang nakarating.

Regarding BP's going there, it will be a great pleasure pag pumunta sila, pero I think meron silang recording that day e.

Kit-kits pa rin at dont loose hope. :)

bhoyet
03.07.14, 10:19 AM
Hello kumusta na kayo one week rin akong di nakapag post ano ng balita? ;) mukhang marami na tayo sa july 19 ah..

DiViDe^
03.07.14, 01:04 PM
wla bang ibang time??? hehehe at saka saang McDo??? sa Banawe?

Jon2
03.07.15, 09:03 PM
sorry...di ako makakapunta.... :-\ dapat kasi e punta ako manila this week for a series of interviews sa mga inaaplyan ko pero kasi....kasi...basta...heheheh...exam ko rin sa inaapplyan ko dito sa amin saturday morning tapos me kakantahan pa kaming misa para sa patay that afternoon..maybe some other time...i'd love to go pero i can't....waaahhh!
di bale, penge na lang pics...sana post kayo kung ano mga gagawin nyo...ingats lagi and hello sa lahat!!!!!!!
Godbless...


(basta sama pa rin ako sa choir group...bass ako...bass!)

Jon2
03.07.15, 09:53 PM
pahabol! di nga kasi ako makakapunta sa saturday :-\ e pwde sama na lang ako sa inyo...those who're going to attend the concert on september 6...heheheh...thanks!
post sana kayo pics..salamat!
Godbless

Alexander
03.07.15, 11:34 PM
wla bang ibang time??? hehehe at saka saang McDo??? sa Banawe?


Malapit sa MRT Quezon Ave Station

J O J I T
03.07.16, 12:54 PM
hi guys, sa wakas naka-login ulit. sarap naman mga peeps. tuloy na tuloy na kayo. lapit na nun ah. sana pwede ako kaya lang 1month na baby ko nun and pcheckup ko pa sya. next time sigurado sasama na ako. :)

SaTrIaNi
03.07.16, 04:45 PM
ako rin po baka nde makasama kase me exam kame that time, sa mga susunod na EB na lang ulit kame sasama ni kuya jojit.

DiViDe^
03.07.17, 08:55 AM
sayang... bka d ako makasama... 1:00 pa ang labas ko eh... :'(

bhoyet
03.07.17, 09:39 AM
may iba pa namang araw para sa susunod na EB, siguro mas marami na tayo baka nga may kasama na tayong BP members di ba? ;D

Alexander
03.07.17, 11:13 AM
Tatawag na ako mamaya sa McDo to confirm na tuloy tayo. Dibale kahit sa next EB na lang yung iba basta ang mahalaga we do our first move and let God guide us, siya na ang magbe-bless ng mga next.

Punzi
03.07.17, 01:21 PM
Sorry ladies and gentlemen, sabi sa akin ng asawa ko check up raw niya sa OB nang Sabado.

Sa susunod pupunta ako...

regards to all :(

bajo
03.07.17, 03:02 PM
Pakaunti tayo ah. lungkot naman. :'(

bhoyet
03.07.17, 05:15 PM
oo nga, di bale sana sa susunod marami na.

Alexander
03.07.18, 04:39 PM
Pakaunti tayo ah. lungkot naman. :'(


Dont be sad, si Christ nga d nalungkot ng nag-umpisa sila sa 12 apostoles diba. Dont worry, bahala si Lord sa atin. I already confirmed the meeting sa Mc Donalds so cu ol der.

;D

SaTrIaNi
03.07.18, 11:18 PM
ingat po kayo bukas, next time po sasama kame, ipagbalot nyo kame ng burger ha

hashpipe
03.07.19, 05:20 PM
Ang saya ng EB!!! Binusog kami ni Koenji! ;D First of all, many thanks to these people:

Koenji and himig - for the chibog and for the take-home "chocolate!" Hehe! Salamat po ng marami! :)

Alexander - for the scores na ibinigay niya sa amin and for organizing the whole thing. Grabe, may attendance pa! Galeng-galeng! ;D

bhoyet - for attending the EB. It was nice meeting you. :)

Great people. It was so good to finally meet you guys and know the faces behind the usernames. Yung mga pics n'yo kase eh parang di n'yo kamukha (lalo na si Koenji...I was expecting you're a bald man.) Hehe! :)

Sana yung iba makapunta sa susunod na EB. Si Alexander naman ang magti-treat! ;D

Eto pics...

http://mywebpage.netscape.com/gcbatac/fuzzy_small.jpg
Nanginginig kase yung kamay ng kumukuha eh. Malabo tuloy.

http://mywebpage.netscape.com/gcbatac/eb071903_01small.jpg
Ang F4 at si San Cai! Hehehe! ;D

http://mywebpage.netscape.com/gcbatac/eb071903_02small.jpg

L: asungot lang (naka-maroon); bhoyet (naka-black)

R: Alexander (naka-white); Koenji (blue); himig

Eto link for bigger pictures at para mai-save n'yo. Disabled kase dito ang right-click.

Picture 1 (fuzzy) (http://mywebpage.netscape.com/gcbatac/eb071903_fuzzy.jpg)
Picture 2 (http://mywebpage.netscape.com/gcbatac/eb071903_01.jpg)
Picture 3 (http://mywebpage.netscape.com/gcbatac/eb071903_02.jpg)

:)

bajo
03.07.19, 09:49 PM
nalungkot naman ako... sorry guys hindi ako nakapunta. May emergency lang kasi sa parish namin. Kailangan nami magmeeting. 8pm na rin ako nakauwi sa bahay. next time ulit, sana makasama na ako. sana madami na rin makapunta

Koenji
03.07.19, 11:46 PM
Hi Guys :smiley5:

Here's another pic. :)

http://home.hpo.net/christmas/koenji/mcdo 1.jpg

Thanks din pala sa inyo Alexander,Bhoyet, and Hashpipe, talagang nag-enjoy kami kahit kaunti lang tayo. Siguro next time marami na. Sana sa December meron ulit. ;)

hashpipe
03.07.20, 02:45 PM
Kwento naman kayo kung ano pinagusapan nyo.


I'll give the floor to Alexander! ;D

Alexander
03.07.20, 04:01 PM
Proposal ni Koenji na ulitin natin sa December kasi babalik sila from Japan. Pero meron sana akong isang proposal na mas malapit na date, sigurado, maraming pipilit sumama kasi nadun ang BP.

Siyempre sa September 6, alangang mawala sila dun e meron silang Concert. ;D

Kitakita tayo siguro an hour or two before the concert para mainvite natin ang BP to join us diba?

What can you say guys.

Thanks nga pala k Koenji at Himig sa treat at sa chocolates.

J O J I T
03.07.21, 12:47 PM
kaka-inggit naman kayo. isa pa, isa pa ??? para mali yata. jollibee yata yun. basta, next time, kasama na ako dyan. ;D

Jon2
03.07.21, 02:46 PM
naks! ok kuya alexander...sama ako sa concert sa september....guess what? dyan na ako...nakahanap ako work sa makati e...yehey! secret nga lang...heheheh..mangungulit na lang ako pag lapit na concert...heheheh..salamat ulit!

Ali
03.07.21, 07:58 PM
Sayang walang nakapuntang BP sa EB. But it was an exceptionally busy weekend for us.

Saturday was recording day. Not our last day, as expecteed, though, as we still have to record "Arms of Love", an Amy Grant song we have been given permission to record.

Sunday naman, shooting ng music video namin ng "Let Your Praises Be Heard". Shooting began at 730 in the morning of Sunday and ended shortly before 5. 5 a.m. of monday, that is. Halos 24 hours! Pero tapos na. Lalabas daw sa TV yung video around first week of August, kaya exciting.

Regarding the next EB, I'm sure the members of BP would be glad to meet all of you. Kaso, hindi yata convenient mag-meet before the concert, as we're usually in the venue at least 4 hours before the concert, preparing. Kung after concert naman, baka masyadong gabi na, di ba?

Sige. Yun na lang muna. May meeting pa kami. :D

bhoyet
03.07.23, 11:38 AM
Hi kumusta na...... ;)

Salamat nga pala kay Koenji sa tsibug also sa wife nya..( sa uulitin ;D) nice meeting you all next time sana marami tayo...

sya nga pala salamat din sa chocolate...(tsalap)

Punzi
03.07.23, 11:48 AM
Sayang hindi ako nakapunta. Lalo na yung chocolates. :)

Next time...

Worth it naman ang hindi ko pagpunta kasi nalaman ko lalake yung anak ko.

regards to all... :)

bhoyet
03.07.23, 11:58 AM
pati kay alex pala thanx also sa pyesa (sana makahingi pa ako ng iba pang pyesa ;) )