PDA

View Full Version : Sino-sino ba ang mga kuya at mga ate ko dito?


bajo
03.05.26, 11:11 AM
Alam nyo ba yung PREX? (Parish Renewal Experience)

Gusto ko lang malaman kung sino sino yung mga nagseminar na sa PREX dito sa BP online.

Para sa mga hindi pa nakakapg-prex ... Attend kayo sa Parish ninyo kung mayroon PREX. Ito ay isang formation seminar for all Parishioners. Dami ka matutunan dito. Lahat ng choir members ko required ko mag-PREX.

from KUYA JOJO

Alexander
03.05.27, 12:05 PM
Ako kuya J()jo, PREX graduate din ako sa Parish namin, kaya lang since we had a change in Parish Priest, nahinto na din, we have it for five (5) years at naka 65 batches yata kami and I belong to batch 5 sa amin.

bajo
03.05.27, 03:40 PM
Sa wakas meron pala.

Kuya Alex sayang naman at nahinto yung PREX sa inyo. Depende rin kase sa parish priest kung ok sa kanya yun. Dito sa amin nahinto rin ng 1 year pero napalitan din yung pari kaya ok na ulit. Head din ako ng Music ministry ng PREX dito.


Ako kuya J()jo, PREX graduate din ako sa Parish namin, kaya lang since we had a change in Parish Priest, nahinto na din, we have it for five (5) years at naka 65 batches yata kami and I belong to batch 5 sa amin.

bhoyet
03.05.28, 09:03 AM
Jo meron ding PREX doon sa parish ng byanan ko sa Bag Bag lahat nga sila nakapag PREX na nayaya rin kami kaya lang di kami taga roon :( wala kasi sa parish namin.

Punzi
03.05.28, 01:25 PM
Sa amin merong PREX sa Christ the King Parish. Mga ilang yaya na sa akin ng mga yon kaso wala akong buong weekend to spare. Puro may lakad. Baka magka-oras.

Maganda ba talaga yon?

regards

yuri
03.05.28, 01:38 PM
Alam ninyo, maganda ang sumali sa PREX marami kang matutunan tunkol sa kung papaano ka marerenyu sa inyo parokya. Kung tutuusin matagal na rin akong iniimbitahan sumali doon pero tulad ng iba ay masyado akong abala sa ibang bagay. Ngunit natutuwa ako dahil marami rin sa inyo ang kasali na doon. Sana ay lumago ang pananampalataya ninyo sa Panginoon sa pamamagitan ng inyong paglilingkod sa PREX.
Ay oo nga pala kung gusto nyo ng kausap o dili kaya ay mahingan ng payo lagi lang ako nakahandang tumulong. Mag eamil lang kayo sa cesar_amoranto@hotmail.com. Baka makatulong ako kasi Guidance Councillor ako sa aming school. :) ;) :D 8) :-*

yuri
03.05.28, 01:43 PM
Bhoyet. Masaya ang PREX sabi ng iba. Bakit di mo subukan ang mag join sa kanila. Kung ako may time dadalo ako doon at makikisaya. Kaya nga laang ay marami akong ginagawa dito sa amin. :) :aktion031:

bhoyet
03.05.28, 03:24 PM
salamat Yuri malay mo pag nagkaroon akong ng pagkakataon baka makadalo ako sa PREX.

bajo
03.05.29, 10:13 PM
Bhoyet, punzi, yuri,

Mga future Kuya... Hindi nyo pagsisisihan ang pagsali sa PREX. Napakarami mangyayari sa inyo sa loob ng 3 araw nyo dun. Hindi Ko sasabihin dahil Secret yun!

Kahit wala sa Parish nyo, pwede kayo attend ng PREX sa iba. pag-graduate nyo, kayo magdadala ng PREX sa Parish nyo. kayo ang tinatawag na SEED. Kayo ang magsisimula ng PREX sa inyo. Kagaya dito sa Parish namin. Wala rin PREX noon, dahil sa mga SEED, na nagtapos ng PREX sa ibang parish, sila ang nagsimula.

Requirement sa lahat ng parishioner ang prex. Maniwala kayo sa akin.

PREX the Lord!

Punzi
03.05.29, 11:11 PM
Sige. Hahanap ako ng oras para dyan. Marami nang nag-iimbita sa akin pumasok.

regards :)

bhoyet
03.06.02, 08:55 AM
cge jo try ko pag nadalaw kami sa in laws ko... ;)

candice
03.07.01, 11:19 PM
Kuya Jojo,
ako ay ate mo rin! nag-attend na rin ako ng PREX. Batch 17 ako sa amin, at ngayon yata mga pang-80th na yung PREX sa parish namin. in fact, yung parents ko, mga speakers sila sa mga modules ng PREX.
di ka nag-iisa. :)

candice

bajo
03.07.02, 08:07 AM
Hi Ate candice,

May Ate pala ako mula sa BP. Dito sa Parish namin Mom and Dad ko ang Chaircouple, Kuya ko speaker din. Ako naman Head ng Music Ministry. Kaya pag may PREX sa amin, nandun kami lahat.

God Bless.

bajo
04.10.07, 05:23 PM
Sa lahat ng mga kuya at ate dito, register po dito... iangat k lang tong thread, na off topic na kase yung isang thread hehehe

bhoyet
04.10.07, 05:28 PM
Jo mukhang di na ko makaka attend ng PREX wala ng oras eh.. :(

herald
04.10.07, 05:50 PM
i'll try to join this one... basta may mag-iisponsor.. he he he.. sabi ni Niknok, i-sponsor nya raw ako.. paging Niknok

bajo
04.10.08, 12:14 AM
Kung taga dito ka sa Parish namin, sponsor kita.

herald
04.10.08, 11:41 AM
lipat ako sa parish nyo... NPA ako eh, no permanent parish... anyway pag mayroon sa Parish namin.. attend ako

Alexander: hehehe...akala ko NORANIAN PO AKO.... Un Pala NPP...

napansin mo rin kuya alex.. mali ng initials eh.. he he he

NikNoK
04.10.08, 02:05 PM
Oh, meron palang thread para sa PREX.. paumanhin po.. di ko po napansin ito.. Salamat Kuya j()JO at inangat mo ito para mapansin.. sana dumami ang mga kuya ate ate ng board...

Bhoyet and Herald.. "in His Time..." we would be glad to have you as our KUYA when you finally decided to attend Prex as God will fix your schedules..

I joined PREX 1998 batch 12 sa Sto. Rosario Parish pero ngayon na nahiwalay at nagkaroon kami ng sariling parokya ay dito na ako sa St. Jude Thaddeus Parish..... Highly recommended if not required ang pag attend dito sa PREX.. Hindi ito isang organization o community, isa itong formation... the best ito kapag yung mga neighborhood parishioners natin na hindi active sa simbahan ang nayaya natin na umattend ng formation na ito.

Hmmmmmm.. kuya j()JO, pwede bang sabihin d2 sa board yung expectations after the PREX o yung expected outcome sa mga graduates? O secret din.. heheh!

herald
04.10.08, 02:13 PM
dapat po sabihin nyo expectations doon.. para maconvince nyo ako...or even the outline of the formation....

I think target nito talaga yung mga parishioners na di pa nagse-serve sa parish... pero ni-require na rin sa mga dati nang may ministry...

NikNoK
04.10.08, 02:21 PM
Ganyan nga Herald.. magpagka-curious ka... hahaha!
Makulit ka ha?... ito lang ang masasabi ko... SECRET!!!

Yung OUTLINE tinatanong mo?...... NO WAY... :P
sensya na.. mawawala ang element of surprise eh..

Instead of us convincing you, I suggest attend ka ng formation para masatisfy ang iyong curiosity.. heheh!

Promise.. hindi mo pagsisisihan..

Go, Kuya HERALD!

herald
04.10.08, 02:31 PM
i know naman na di ako magsisisi eh... kaya lang nga baka kasi pareho ito sa mga seminars and formations na na-atend-an ko na... and may nakapagsabi sa kin noon na halos pattern daw sa LSS.... sige na sabihin nyo na.. pleeeeeease!!!

jeffoy
04.10.08, 02:37 PM
tita ko um-attend na rin ng Prex dati sa sta. mesa, inaaya nya nga ako.. parang ngang interesting yun? sayang kung may time nga lang ako, gusto ko ring sumali.:)

bajo
04.10.08, 04:15 PM
isa lang masasabi ko....IBA ito! Naka-attend na ako ng LSS many times, hindi ito pwede i-compare doon. Kahit sa Curcillo, iba rin ito.

Sabi nga sa amin... Kung gusto nyo malaman... Attend ka.

This is open for all parishioners, active or not. 18yrs old and obove, can read and write.

NikNoK
04.10.08, 04:29 PM
Hehehe... KOREKAJAN, kuya j()JO!!!
Cursillo ka rin pala ha?
Decuria ko ni San Juan, ikaw?
[hr]
Kaya mga mga kuya at mga ate, magpa-register na kayo sa inyong parokya.... :D

And just in case your planning to do so, please inform the board in advance.. malay mo we can visit you on your graduation, with BUKASPALAD.. hehe!!! wish, wish, wish!

herald
04.10.08, 04:33 PM
sige na nga, secret kung secret... a-attend na ko... tugnan ko sked sa parish namin.. every month alam ko meron dun....

NikNoK
04.10.08, 04:38 PM
Ayan... ganyan nga! good boy, kuya herald! :D
hindi ka naman napipilitan niyan ha? ;D
baka naman isumbong mo kami sa parish priest niyo? hehhe!

kuya j()JO... EFFECTIVE! nyahahah!
1 down.... ;)
next please??? 8)
[hr]
Jeffoy, attend ka ng Prex sa Sta. Mesa, may mga ka-officemates ako na nag PREX na rin dun.. MASAYA.. PROMISE!!!

herald
04.10.08, 04:50 PM
sige.. dala kayo regalo ha???.. he he he!!!.. na-dala nyo ako sa pa secret secret nyo eh...!!!

allen lucas
04.10.08, 05:18 PM
kuya jojo ako prex grad batch 12 ako alomost 1 yr. na rin akng member ng prex sa january nga may diocese assembly sa angat bulacan may tugtog yng music ministry namen pag nakasama ako sa mga praktis bka sumama sa performance hope 2 c u there pag pumunta ka

NikNoK
04.10.08, 05:24 PM
Uy, kUYA Allen.. ang galing naman! dami na pala tayong mga kuya d2!

Diocesan assembly ng PREX? talaga meron pala nun? Sa amin kasi eh... hanggang parish pa lang...Katatapos nga lang ng parish level ng prex assembly namin eh last 2 weeks eh.. sa bagay bago lang ang diocese namin sa pasig. pero kahit nung nasa diocese ako ng antipolo wala akong narining na ganun? anyway, sana magkaroon din kami ng ganun.

allen lucas
04.10.08, 05:39 PM
yup 2nd diocese assembly na yta ngyn last asembly tmgtog din kme ang saya nga at ang daming mga cute na ate

bajo
04.10.08, 11:27 PM
Ha? nandun ako last Diocesan Assembly sa Bocaue. Sino ka dun hehehe. Taga Pulong Buhangin ka ba? Sana meet tayo sa January.


yup 2nd diocese assembly na yta ngyn last asembly tmgtog din kme ang saya nga at ang daming mga cute na ate

bajo
04.10.08, 11:30 PM
Yap, meron sa Diocese namin nun... active nga sila, at may regular meeting.

Nakaattend ba kayo sa mga National Convention ng PREX. Kami hindi nakasama huhuhu.


Diocesan assembly ng PREX? talaga meron pala nun?

NikNoK
04.10.09, 11:56 PM
Nakaattend ba kayo sa mga National Convention ng PREX..

What?? Meron ding National Convetion ang PREX? Eh, diocese nga hindi ko alam na meron pala.. kasi hanggang parish lang ako eh.. heheh! Its nice to know na meron palang ganun.. sige sana magkitakita tayo dun..

Teka, baka naman ang susunod na mabasa kong post eh.. PREX goes international na rin ha? magugulat na talaga ako nito.. hehehe! Sa Pilipinas lang naman ito, right?

prinze
04.10.10, 12:11 AM
speaking of convention
Pumunta ba kayo sa convention (convention nga ba yun ??? ) ng Prex kast vacation sa Baguio?
alam niyo ba yun. sa gym yun ginawa eh.
d ko maalala kung saang lugar.
basta daming tao eh... invite lang ako para
2mgtog sa isang speaker (fr. alloy).

masaya ang prex. :)

bajo
04.10.10, 06:25 AM
Yap sa Baguio yun ginawa, nakalimutan ko saan Private School. Magkasunod na Convention na sa Baguio ginawa.

Masaya talaga sa Convention kase lahat ng Ate at Kuya sa buong Pilipinas nanduon.

Kuya Nik,

hindi lang sa Pinas may PREX. Original ito sa abroad, dinala lang dito ng isang Heswitang Pari.

FYI: http://www.prex-napps.org ang website ng PREX NAPPS

bajo
04.10.10, 06:28 AM
FYI ulit:

may yahoo! group din ang PREX at free email address. check nalang po ang website

allen lucas
04.10.12, 06:56 PM
Ha? nandun ako last Diocesan Assembly sa Bocaue. Sino ka dun hehehe. Taga Pulong Buhangin ka ba? Sana meet tayo sa January.

if u still remember yng music ministry na tmgtog ng "rejoice at shine jesus shine" kme yun ako yng guitarist nla grabe d ko makalimutan yung reaction ng mga tao nung tmgtog kme ng shine memorable skn yunhope 2 c u on january

bajo
04.10.12, 11:46 PM
ganun ba? ang alam ko nga magaling ang music ministry ng sta maria kaya nagpatawag yata kayo ng practice o seminar noon ng music ministry sa ibat-ibang lugar. kaya lang hindi kami nakapunta

bouie
05.08.08, 10:36 AM
Ako po graduate na din ng PREX Seminar sa aming parokya. Batch 11 po ako. Currently, may Batch 15 na po sa amin. ^_^

bajo
05.08.08, 10:16 PM
uy, may isa na naman akong kuya dito.


Ako po graduate na din ng PREX Seminar sa aming parokya. Batch 11 po ako. Currently, may Batch 15 na po sa amin. ^_^

vannie
05.08.10, 09:05 AM
Ay may kuya rin pala ako dito. Ako po PREX 16.... Sweet 16 ang batch ko. Di ko na alam kung ilang batch na ang PREX dito sa amin. Pero ang PREX ay isang di malilimutang karanasan sa buhay Katoliko.

dukeEgay
05.08.10, 01:02 PM
speaking of convention
Pumunta ba kayo sa convention (convention nga ba yun ??? ) ng Prex kast vacation sa Baguio?
alam niyo ba yun. sa gym yun ginawa eh.
d ko maalala kung saang lugar.
basta daming tao eh... invite lang ako para
2mgtog sa isang speaker (fr. alloy).

masaya ang prex. :)



hello po! i remember nga po tumugtog sa isang speaker last day ba yun si fr. Alloy? kse kmi po yun nasa music ministry.

si Kuya Egay Prex 36 po sko samin (Our Father-Diocese of Novaliches), Easter College Gym po yung sa Baguio, member po kse ako ng NAPPS Music Ministry kmi po yung kumanta on the last day sa praise and worship & Mass ,
the next convention is being planned na,
kita kitz tayo ha... ;D

bouie
05.08.10, 05:21 PM
Hi Kuya Egay! ^_^ Sige, kitakits tayo sa PREX National Convention. Kailan ba yung susunod po? Wala kasi akong balita sa mga officers kasi ng aming parokya.

Hello po Kuya Jojo! ^_^ Kuya Vannie, I agree with you na talagang sobrang hindi malilimutan ang PREX Seminar sa buhay ng isang graduate nito at bilang isang Katoliko.

Sa ngayon, plano ng mga graduates ng village namin na isa-isa every family dito para po maibalik loob sila kay Lord at sa simbahan. Sa Saturday may thanksgiving yung bagong batch sa amin at may dulang isasagawa din ^_^ Can't wait for it kasi, hehe, aliw silang lahat sa batch ^_^

bajo
05.08.11, 12:26 AM
May news na kumalat na sa Araneta Colesium ang venue ng next Convention. Pero nakatanggap ako ng message sa Yahoo groups ng NAPPS na balik sa baguio ang Convention. Sana maka-attend kami this time. kita kits mga kuya at ate

dukeEgay
05.08.11, 12:55 PM
Hi Kuya Egay! ^_^ Sige, kitakits tayo sa PREX National Convention. Kailan ba yung susunod po? Wala kasi akong balita sa mga officers kasi ng aming parokya.


wala pang definite date and place, baka sa bagiuo parin kse ang mahal daw sa araneta, kita kits...post ko pag na inform na kmi for the sched...... ;D

bajo
05.08.12, 06:30 AM
Wait na lang tayo ng final announcement kung saan at kailan.

klasmeytmo
05.08.15, 11:27 AM
Hmmpp......???
nalilito ako tungkol sa PREX. wala akong idea doon. pwede bng malaman dahil talagang baby pa ako sa church activities???

bouie
05.08.15, 11:59 AM
It is a three-day seminar administered to those who they think needs more adherance to the real meaning of "church of Christ".

www.prex-napps.org - Visit mo na lang for more info regarding PREX Seminar. ^_^ Bawal kasi ipagkalat yung mga activities doon sa seminar, sop na dear. ^_^

bajo
05.08.18, 12:19 AM
iyon ang malaking sikreto.... attend na lang kayo sa parish nyo sa mga hindi pa nakakapasok sa PREX

Bawal kasi ipagkalat yung mga activities doon sa seminar, sop na dear. ^_^

bouie
05.08.23, 10:52 AM
Sa second week ng September ang paklase for the PREX Class 16 dito sa aming parokya. Sana marami kaming mahikayat bilang tulong sa sponsoring class ^_^

Rowee
05.08.24, 04:51 PM
Hayyyyy....... pAnO kAyA AkO mAkAkArELaTe Sa iNyO....hehehe
Di kO aLm kUnG AnO SasAbiHin kO.....

Alexander
05.08.25, 07:25 AM
makaka-relate ka rin Rowee, just attend the Parish Renewal Experience........ :)

bouie
05.08.26, 11:41 AM
Rowee, ask your parish priests and coordinators if there is a scheduled PREX Seminar for the coming months. Like dito sa amin, this September na ang susunod na paklase. We were even invited to become speakers for the talks given. Baka maassign ako sa Talk 9 ;D Kaya puspusan ang spiritual preparation and all ^_^

Sino dito po ang mga speakers din sa PREX Sem? Any tips po mga Ate at Kuya? ;)

spykejet
06.05.27, 01:44 PM
Prex National Convention 2006 held last May 13-14
Collegio de San Agustin
Biñan, Laguna

mayroon kayang member dito na um-attend?

bajo
06.05.28, 07:11 AM
got this from PREX yahoo group

To all Kuyas and Ates,

PREX THE LORD!

Let us all thank and praise the Lord for the very successful staging of our 9th PREX National Convention which ended yesterday.

More than 2,600 graduates from all over the country attended. Even Typhoon Caloy attended! This attendance was bigger by about 300 delegates than the last staging held in Easter College Gymnasium in Baguio City.

All were inspired by the talks of the different speakers (Bishop Cantillas, Bishop Bacani, Fr. Ramon Ramos and Fr. Memeng Salonga) and the testimonies of the Lay Sharers.

Presentations on the National Association of Parish PREX Secretariats (NAPPS) and the Diocesan Association of Parish PREX Secretariats (DAPPS) resulted in the consensus that Secretariats at the Diocesan Level is necessary for a more active, vibrant and responsive PREX community.

The presidency of the NAPPS was formerly turned over by the outgoing president-couple, Kuya Rene and Ate Imelda Isidoro to the incoming president couple, Kuya August and Ate Beth Perez.

Ending the convention was the staging of the first PREX Music Ministry and Animation contest. Emerging as winners are the following: NCR represented by the Diocese of Novaliches (champion), Reg. III represented by the Diocese of Malolos (1st runner-up) and Reg. IV represented by the Diocese of San Pablo (2nd runner-up).

Indeed, this year's convention was a huge success. Our heartfelt gratitude to the Convention Secretariat most especially the chaircouple, Kuya Domeng and Ate Mila Mendoza (si Kuya Domeng, madilim na ang Colegio San Agustin Gymnasium at naka-uwi na halos lahat, naglilinis pa rin ng Stage).

So, mga Kuya at mga Ate, we will all see you again two years from now for our 10th Convention with kuya Manny and Ate Abel Gaite as the Convention Cahaircouple.

Malaking BIYAYA ang natanggap nating lahat.. IT IS THE LORD!!!

kuya edgardo feliciano

bouie
07.01.04, 10:56 PM
Nagulat ako may PREX din pala ang ibang Filipino communities sa ibang bansa. My parents recently graduated dun sa seminar series.

Ang hirap lang dun kasi nasa Saudi sila at bawal magpractice ng faith ang mga Christians doon kundi patago. Bait ni Lord at pinagPREX na din ang parents ko, ngayon they understand why I am devoted sa pagseserve kasama ang koro ko :)

batongbuhay
07.07.31, 12:49 AM
Dito po sa Alkhobar, Saudi Arabia marami pong mga kuya at ate.

bouie
07.07.31, 01:42 AM
Batongbuhay, welcome dito sa board! Uy, we're based there din sa Al Khobar ^_^v Although I don't know exactly where sila mama't papa nag-seminar pero mukhang sa Aramco yata sila po. :)

let2m26
07.07.31, 06:11 PM
Uyy Hello mga ate at kuya ko meron palang thread na ito kuya bajo & kuya alex & kuya niknok & to the rest na di ko na mention...


Ate Let-Let here Prex 1 since 1997 ng St. Peter & st. Paul Parish Aplaya, Calamba City outreached kami ng Sto. Rosario Parish Pacita San Pedro Laguna c/o Ate Pat Luyun latest batch namin as of now is Prex 69 sad to say ng nagpalit ng pari way back 4yrs ago napatigil ang Prex dito but now change ulit ng pari ayun Prex pala siya and ongoing na ang aming seminar we have 4 outreached na bayan including Brgy.Lawa Calamba, Carmona Cavite, Camp Vicente Lim Canlubang & Looc & nahihiram ang group namin kahit saan specially the speakers. Isa ako sa Head ng Music & action ministry dito sa church namin and this coming friday may paklase kami batch 70 sa gusto mag attend just inform me lang hehehe yun nga lang Calamba City province of Laguna kami...


Prexlly yours,
Ate

bouie
07.07.31, 07:30 PM
Ate Let! Ate din pala kita sa PREX, hehe ^_^ That's nice to hear po.

Sino kaya sa mga BP members ang nag-PREX na rin? ???

allen lucas
07.08.07, 07:51 PM
sa mga ate at kuya po natin ito po yung website ng PREX http://www.prexnapps.org/ i hope magkita kita tayo sa bicol next year para sa 10th national convention. taga parish po namen ang chair couple sa upcoming national convention.

bajo
07.08.10, 08:30 AM
ngayon ko lang ulet nabuksan ang website ng napps, buhay na pala ulet. tagal din na offline ito.

bouie
07.08.10, 08:42 PM
Oo nga at ang ganda ng pagkaredesign ^_^

let2m26
07.08.11, 01:02 AM
yeah nag enjoy ako sa site nabanggit ko tuloy sa secretariat meeting ng PREX sa church namin na start na tayo mag-ipon and join tayo sa 10th convention ng Prex weeee again First time ko yon :)

batongbuhay
07.09.02, 02:13 PM
Dear Kuya Bouie,

Ano po bang batch ng parents nyo na nag PREX dito sa Alkhobar? Definitely kun dito sila sa Al Khobar na?g PREX, magkakagroup kami. We just finished another batch last 30-31 August Class 45. Imagine 78 sila! First time po nangyari but i know hindi po iyon ang ideal namin dito. But at least it was successful. God Bless!???

singkit
07.09.05, 05:35 PM
Hi mga ate at kuya! nakakatuwa naman, kaka-register ko lang ngayon and nabasa ko kagad na may mga ate at kuya na pala dito. I'm from San Pedro Laguna and masaya ako dahil naging active ako sa simbahan since nag-PREX ako, actually lahat kami sa bahay nakapag PREX seminar na.

I hope makasama ako sa Legaspi next year, pero may plans kasi ako to work abroad early next year e. =( I attended yung last convention sa Binan, sa San Agustin, sana pala nakilala ko kayo kung nandun kayo nun. =)

thanks din sa website, matutuwa mga kasama ko sa choir kasi nagpaplano rin sila umattend next year sa legaspi. thanks!

Kuya G.
07.09.05, 06:16 PM
Hi singkit, ako ang pinaka kuya dito ehehehe! "Kuya G." kasi ang ID ko dito bwahahaha!

Anyway, magkababayan tayo dito nila ate letlet (aplaya) mo at kuya vengie (sta. rosa) mo at ako los baños, mga taga-laguna din kami. :)

Pero take note si ate letlet mo at kuya vengie ang nakapag-PREX na, ako hindi pa hehehe!

vengie_vidal
07.09.05, 08:47 PM
helo mga ate at kuya dyan...prex na rin ako tulad ng sabi ni kuya g. ... ngaun nga sept 7,8.9 ang unang prex seminar sa parish namin... kaya nga pinagiisipan ko na magcommit ba ako sa prex music ministry o hindi kc loaded na ako eh... pero sa tingin ko kakayanin ko pa naman.. basta kay LORD .. give ko lahat...

hi ate let2, kuya G, Bonnie, bhickoy sa lahat ng nakaEB ko nung launching ng BP!!!

let2m26
07.09.05, 10:39 PM
same here sa Parokya namin kuya vengie may prex din this coming friday prex 71 na kami hehehe... haaayy para kay Lord go go go walang pagod ubusan na naman ng tinig ito (ako kasi lead vocal ng hataw & graduation) hehehe

bouie
07.09.08, 06:30 AM
Singkit, uy welcome sa board! Hope you enjoy posting as much as we do and more power sa PREX diyaan sa inyo. ^_^

Dear Kuya Bouie, Ano po bang batch ng parents nyo na nag PREX dito sa Alkhobar?

Batongbuhay, uh, that is the question, nyahaha :D I haven't asked my parents yet. Buenavista ang apelyido namin. Rudy and Babes naman ang names ng parents ko po. Baka ka-batch mo sila ^_^

singkit
07.09.12, 04:00 PM
Thanks Kuya Bouie! Yes, talagang nag-eenjoy ako dito, ang sarap ng feeling kasi pare-parehas tayong nagse-serve sa simbahan, and lahat tayo nagtutulungan para ma-improve pa ang pagse-serve natin.

Yung paklase ng prex samin wala muna this month kasi mag-outreach kami sa San Juan Batangas, sa San Juan Nepomuceno Parish, excited na nga ako kasi first time ko makakasama sa outreach, this coming saturday and sunday na yun, sept. 15-16, kaya kung sino man sa mga ate at kuya ang makakadaan dun, welcome kayo pumunta para makita ko rin kayo. =) paki dala lang ng id niyo para libre na sa food, hehehe! =) maririnig niyo rin yung choir namin na kakanta dun, medyo kinakabahan lang kami kasi halos kaka-start lang nung choir namin sa prex, pero medyo magaling naman, konting yabang, hehehe! =)

daveigh
08.01.21, 05:33 PM
hello, Prex batch #34 ako sa parish namin, parish of the holy cross ng valenzuela. going to 100's na kami ng prex batch... =)

naka-attend ako 2x consecutively ng national prex assembly (baguio & laguna), super enjoy!

last time, may contest para sa music ministry, naka-2nd pa kami, hahaha!

sana meron ulit sa Bicol, visit nyo lang yung website =)

fegutierrez
08.04.28, 04:44 PM
hello po sa lahat...newbie po ako! :)
PREX NO.3 ng SAINT AUGUSTINE PARISH...

allen lucas
08.04.28, 05:47 PM
sino po dito ang nakasama sa national convention sa bicol? share naman po kayo ng experience nyo sa convention,

daveigh sa valenzuela ba yung sinasabi mo na contest ng music ministry an nanalo kayo ng 2nd place? nandun din kase kame, im from Our Lady fo Mt.Carmel Parish, Pulong Buhangin, Sta.Maria, Bulacan.

Yna Suello
08.04.29, 10:40 AM
We'll be having our first ever PREX here in SJDC Parish on June. Exciting! I think our facilitators will be from Parish of the Holy Cross. If you're from Valenzuela and libre kayo on June 6-8, dalaw kayo rito. :)

GOD BLESS! :)

allen lucas
08.04.29, 07:18 PM
We'll be having our first ever PREX here in SJDC Parish on June. Exciting! I think our facilitators will be from Parish of the Holy Cross. If you're from Valenzuela and libre kayo on June 6-8, dalaw kayo rito. :)

GOD BLESS! :)

good luck sa unang paclase nyo ng PREX.

grace_delr@yahoo.com
09.05.31, 08:31 PM
Welcome to PREX Family

I found my second Familiy in PREX...

May mga ate AT kuya ba na taga Binangonan na online.....
ATE GRACE

Paulus_Magnus
09.06.01, 12:39 PM
Our Parish had its PREX about 3 years ago... Batch 1 po ako ng parish namen... hehehe! :D