PDA

View Full Version : Choir Uniform


bajo
03.05.26, 12:35 PM
Ano ang magandang uniform for choirs? Any suggestions?

bhoyet
03.05.26, 12:41 PM
kami jo ang uniform namin sa choir eh yung uniform namin noong kumanta kami ng quadricentenial mass last world youth day binago lang namin yung parang lace ginawa naming blue color ng lourdes. ganon pwede..... :-\

jeromz
03.05.26, 08:26 PM
kami may 3 uniforn. polo for the guys tapos blouse for the girls. simple lang uniform namin. tapos kapag may special na mass naka barong kami ang naka-poncho ang girls. pero mukhang mas maganda kung naka choir gown po kayo. :) :D

bhoyet
03.06.02, 04:53 PM
meron nga pala kaming bagong uniform kaya lang unofficial palang kasi yung mga nag wowork palang ang meron, barong sa lalaki na mayshade ng blue (color ng lourdes ofcourse) at sa girls naman parang filipiniana ang style pero hindi (di ko madiscribe pero maganda) ::)....

J O J I T
03.06.02, 07:37 PM
kami pang bata uniform namin. off white na pants, parang katcha tapos orange na polo. girls naman orange na skirt (parang BP sa TNB album) tapos offwhite na blouse. baligtad. tapos kanta kami sa wedding pinagawan kami ng polo shirt nung kakasal. dagdag uniform na yun. ;D

bhoyet
03.06.03, 08:27 AM
pinaka simple jojo yung choir gown tapos lagyan na lang ng shade like sa lourdes color blue.. ;)

kurapica
03.06.03, 09:57 AM
Kami for regular mass, meron kaming isinusuot, either white shirt and pans or blue shirt for the boys and gold shirt for the girls with printed parish logo, color sya ng parish namin...and for especial ocassion we wear barong for the boys and black gown with kimona for the girls....

then last week meron naman kaming bagong uniform...masyado kasing ang support ng parish priest namin...

Ali
03.06.04, 08:25 AM
Sa Bukas Palad, marami na kaming pinagdaanang 'uniform'. I can remember at least 12 sets of clothes we've worn over the past 8 years. Actually, costume na talaga yung sa amin, kasi madalas, sa concert ginagamit. Ako yung nag-design sa ilang costume namin, at marami na rin akong natutuhan tungkol sa paggawa ng damit para sa choir over the years.

Here are some considerations you should think about when making choral costumes:

1. Maganda kung mukhang 'pasadya'. Kung mukhang pang-araw-araw na damit lang ang uniform, may ilang problema. Una, baka gamitin ng member na pamasyal/pang-party, at maluma agad ang damit. (Nangyari na ito sa ilang costume ng BP. :D) Ikalawa, ang silbi ng uniporme, hindi lang para pare-pareho ang suot, kundi para bigyang pansin ang papel ng koro sa Misa, sa concert, et cetera. So dapat, medyo kakaiba at angat sa karaniwan ang disenyo at kulay.

2. Pagpili ng tela/design, siguraduhin, matibay, hindi madaling maluma, at madaling alagaan ang costume. OK ang costume na hindi dumihin, madaling labahan, mabilis matuyo, at hindi na kailangang plantsahin masyado.

3. Dapat medyo generic. Iba-iba ang pangangatawan ng magsusuot. Dapat pumili ng style na bagay sa lahat. At dapat, pumili ng style na hindi mawawala sa uso. Classic dapat. At pagbili ng tela, dapat, yung hindi mahirap hanapin. Kasi, kung kailangan ninyo ng bagong uniporme, baka hindi na ninyo mahanapan ng tela kung masyadong exotic.

4. Dapat komportable at madaling gumalaw. Kasi, kahit super ganda ng costume, pag hindi komportable, makakasagabal lang sa pagkanta/pagsayaw.

5. Mix and match. Matagal ko nang gustong gawin ito sa BP, pero hindi pa natutuloy. Magandang uniporme yung puwedeng iba-iba ang kombinasyon ng pagsuot. Example: May 2 pantalon, 2 polo, pero puwedeng iba-ibahin ang terno. O di kaya, may accessory tulad ng vest na puwedeng isuot o tanggalin.

6. Dapat angkop sa choir. Use colors associated with your parish/school/patron. Use designs which will look good on you, and which are appropriate for your purpose. Hindi yata puwedeng maong kung formal ang uniform. Hindi rin yata angkop ang jusi barong sa casual...

Yun na lang muna. Sana nakatulong. :D

Oo nga pala. Tungkol sa choir gowns. Gusto ko yung hitsura ng choir gown, pero sa Pilipinas, parang hindi bagay, kasi ang init dito. Tapos, bihira ang gumagamit ng choir gown dito. So I'm not sure if it's appropriate.

Tapos, kung wala kayong uniform, o gusto lang ninyong maiba, pick certain colors, tapos yun ang ipasuot ninyo. Sa BP, favorite 'uniform' ko yung all-white namin. Actually, nagpagawa kami ng costume na all-white dati. Pero mas maganda yung kanya-kanyang pili at suot, basta all white. Gusto ko rin yung Yellow and White 'costume' ng Hangad. Kanya kanya lang sila ng suot, pero dilaw at puti lang ang puwede.

bajo
03.06.04, 09:26 AM
Salamat sa mga suggestions nyo, dami ko nakuha idea. Dito kase sa amin Parish, poor yung mga choir. mahirap din maghanap ng sponsor dito sa province. Yung choir namin, nag-ipon lang dun sa mga bayad sa kasal. Pero yung mga bago namin wala pa. Ipon ulit kami.

Pagwala pa uniform yung choir, policy namin yung mga guys ay mag-susuot ng t-shirt with colar, bawal ang, maong. sa mga ladies naman, bawal pantalon, dapat skirt.

Any more suggestions para sa mga choir na wala unifrom?

J O J I T
03.06.05, 04:29 PM
sa amin naman basta presentable ok lang. hindi naman bawal ang maong kasi un ang pinaka-comfortable sa lahat eh. sa girls naman ok lang din kahit naka-pants. i think my members are matured enough para mamili ng appropriate na damit sa church. :) pag walang uniform, pwedeng maging parepareho nalang color. parang nung concert ng hangad lahat sila merong touch of yellow (a capella concert) kami minsan pag sunday lahat kami naka-white na pang taas. :) mhirap talaga pag walang budget eh. lalo na pag wala ding pera members. sa amin mga students or wala pang work.

bhoyet
03.06.09, 09:53 AM
maganda yung suggestion ni sir ali marami rin akong natutunan..... ;) magagamit namin yon sa pagpili ng sususunod na uniform... ;D

archer2422
03.07.04, 03:13 PM
On special feasts and holydays, like Sundays of Advent, Christmas, New Year, solemnities, Lent, etc. we use choir gowns. Doing so, the "grandness" or importance of the event being celebrated is all the more highlighted. On "ordinary" Sunday celebrations, we prefer to wear whatever is comfortable, but acceptable.

Our gown looks more like a "sutana", over which we put a cope similar in cut to that being worn by lay ministers. The color of the cope depends on the liturgical color of the day. We also have a Marian 'stola' for feasts of the Blessed Virgin. The parishioners like it - para daw kaming mga pari. Minsan nga me mga batang nagkakamali at nagbebless sa akin. :)

For choir gown designs, just search the internet and I'm sure that with the variety of styles, you'll find one that suits your group.

Kung init ang pinaguusapan, pili na lang kayo ng telang malamig sa katawan.

apiOng-YPG
03.07.23, 11:03 AM
kurapica...

u said supportado kyo ng parish nyo...

does that mean na sila gastos sa uniform nyo?

kurapica
03.07.25, 04:21 PM
Apiong-YPG,

Yes, lahat ng uniform sagot ng parish namain......except yung barong type (lukot mayaman na uniform) 50/50 kami ng parish....ito conditional para dun sa may mga trabaho, at para naman dun sa walang trabaho libre sila.

Bukas, July 26, 2003, meron kaming mini concert sa Los Ba“os, ang gagamitin naming uniform, white polo and khaki pans. And sa October 17, 2003 meron kaming concert sa Saint John Parish, pa-unifrom nanaman kami.....masyadong suportado ang parish parish namin sa amin.

kurapica
03.07.28, 11:21 AM
Sir Ali,

What uniform do you suggest? We have marian songfest this coming October 17, 2003.

Thanks in advance!!!


Sa Bukas Palad, marami na kaming pinagdaanang 'uniform'. . .

Ali
03.07.29, 02:32 AM
Some things to consider before deciding on a uniform: May budget ba kayo, o kanya-kanyang damit lang? Yun bang uniform para lang sa songfest, o pangmatagalan ang gamit?

Anyway, the colors of Our Lady are Blue and White. In a lot of religious art, the colors rose/pink and gold are associated with Mary as well.

Kung casual lang naman ang kailangan, baka puwedeng magsuot kayo ng kanya-kanyang damit, pero kailangan, puro blue and white lang. Baka mas maganda kung light blue and white lang. Puwede rin sigurong light blue, light pink, and white yung mga damit.

Nagsuot na ang BP ng kulay-maong at puti. (Puwedeng pantalon/palda na maong or puti, tapos, yung pantaas, puwedeng puti, maong, o chambray (manipis na maong).) Maganda naman tingnan. Very casual nga lang.

Kung magpapatahi kayo, ok siguro kung plain light blue polo sa lalaki, tapos blouse/kimona na plain sa babae. Magandang tela yung medyo magaspang, tulad ng ramie linen o santana. Maganda rin yung may pintucks ang pantaas. Sa pambaba, pantalon sa lalaki, ankle-length na pencil-cut skirt sa babae. Maganda ang white o light gray. Pero puwede rin sigurong khaki, or dark blue.

kurapica
03.07.29, 12:43 PM
Sir Ali,

What do you think sa khaki pans and white polo?

okay ba syang combination?

nargalzius
03.07.29, 01:16 PM
Makiki-comment ako sa khaki and white polo: Parang gradeschool uniform yon ;D

pag black pants and white top naman (na regular polo) parang highschool or waiter.

pag all white na pare pareho (na regular polo, which the group did ONCE and regretted), parang nasa hospital, or dentists, whatever hehehe.

Meorn nga kme na chinese looking na ok, pero sa ibang restaurants ganoon din yung suot ng mga staff ;) So medyo unavoidable na meron kapareho one way or the other. . . pero try avoiding yung sobrang common.

As Ali said, costume talaga dapat, kse kahit medyo out there yung dating, pag sa stage it looks decent, unlike regular "uniforms" na pede pang araw-araw.

Safest (if you paln to go "uniform") for me would be barong or filipinana/ethnic types. Or you can do what we've been doing recently. Fixed top and bottom colors pero kanya kanyang diskarte what top and bottom styles.

apiOng-YPG
03.07.29, 02:23 PM
Uniform Combination

Sa tingin ko... magandang inform combination ung dark and light.

(either dark top and white bottom, vice versa)

Kung naka-slacks and polo...

Ang dapat lang... maganda tignan sa malayo at malapit. Yung hindi masyadong striking sa Mata.

;D

kurapica
03.07.29, 04:21 PM
Sir Carlo,

Medyo cream naman yung kulay ng pans......di naman sya yung pang elementary uniform....

apiOng-YPG
03.07.30, 09:20 AM
Kung Cream ang pants nyo... try having a dark top... Blue Polo or any dark color (depending on ur church's Color)

bajo
03.08.25, 11:43 AM
Ok yung uniform ng BP sa back cover ng TNB Vol.2 Maganda idea yun, all white na iba-iba design. ang Linis at bango tingnan.

bhoyet
03.08.25, 12:46 PM
Sa akin parang mas ok yung filipiniana llike our new uniform pero may shade ng blue kasi nga blue ang color ng lourdes. ;)

nargalzius
03.08.25, 01:52 PM
Ok yung uniform ng BP sa back cover ng TNB Vol.2 Maganda idea yun, all white na iba-iba design.


Funny you should mention this. Me story behind that. Meron kme actually na all white na uniform/costume, ginamit namin sa Meralco Christmas concert namin (which is the single occasion I mentioned in my previous post). After that never again! kse nagmukha kaming mga dentist or med students.

Pero ok na yung all white na concept kse it's simple, it stands out sa stage without being loud, and looks very clean.
So we retained the idea pero kani-kanyang diskarte of what exactly each individual would wear.

bajo
03.08.25, 02:03 PM
Tama si sir carlo, kung pare-pareho ang suot na white, mukhang studyante ng ng medicine. hehehe

soul guardian
03.08.25, 02:06 PM
Funny you should mention this. Me story behind that. Meron kme actually na all white na uniform/costume, ginamit namin sa Meralco Christmas concert namin (which is the single occasion I mentioned in my previous post). After that never again! kse nagmukha kaming mga dentist or med students.



Hehe.. wala ba kayong pictures nung concert na yung? share naman! ;D

bajo
03.08.25, 02:12 PM
Sir Carlo, Yun bang suot ng mga ladies ng BP sa members link, yun din ba yung damit nila sa back cover ng TNB Vol. 2?


Pero ok na yung all white na concept kse it's simple, it stands out sa stage without being loud, and looks very clean.
So we retained the idea pero kani-kanyang diskarte of what exactly each individual would wear.

nargalzius
03.08.26, 04:55 PM
Jojo,

Most probably yes. I say probably kse yung nakikita mo sa TNB2 not neccessarily yon yung all white na ginagamit at any given time.

I for one have different white tops and different white pants. Minsan iniiba-iba ko para naman me onting variation every gig (regardless kung napapansin ng audience or hindi)

Pero mostly kse pag medyo magkalapit yung mga gigs tas same costume, hassle naman kung magmamadali sa paglaba para lang magamit ulit (at kung often nangyayari yon, mas mabilis mag-wear yung fabric).

bajo
03.11.04, 02:51 PM
Gusto ko lang buhayin itong thread na ito...
At magtanong na rin...

OK lang ba na T-shirt lang yung uniform ng choir pag kumakanta sa MASS? Balak ko kase sa Simbang gabi ay mag-t-shirt lang kami na plain colors of christmas.

Ano sa palagay nyo?

apiOng-YPG
03.11.04, 07:51 PM
Pwede naman siguro...

Basta "uniform" ang dating nyo...gets?!?!

panget kasi tignan kung naka-polo nga kyo... d nmn maganda blending ng colors nyo o kaya iba iba kulay ng shirt... based 'to on my own experience sa parish nmin kasi nakaharap kame sa tao pag kumakanta...kaya importante yung "overall look" ng choir. 8) 8) 8)

sadplbl
06.06.12, 10:23 AM
Magandang Araw po.

Gusto ko lang pong mag tanong sa ibang mga choir groups kung kailangan mag uniform or at least sundays best ang suot.

Dito po kasi sa amin, ang sabi ng kura kung wala kang uniform di ka pweding kumanta. Di ba ang pag kanta sa isang misa ay isang magandang paglingkod sa diyos.

Karamihan sa amim ay mga student and di pa kaya ang mga mamahaling damit na dapat isuot.

Lumalabas tuloy na pag walang uniform ang choir ay di ka na pweding kumanta sa isan misa.

Nagtatanong lang po sa inyong mga suhestiyon o magandang solusyon.

Maraming salamat po.

San Antonio de Padua, Los Baños, Laguna

Niyelskie
06.06.12, 09:55 PM
Di naman cguro importante kung kelangan pa na nakauniporme ang choir(although it would help sa physical image ng choir)lalo na kung di ka talaga makakapagbudget for that. An alternative for that is the proper church attire(the best descent casual wear you have)as in slacks, skirts(dapat below the knees)t-shirt and polo shirt(pwede ring polo) pero dapat neat tignan ah.

ovc
06.06.13, 07:57 AM
Di naman cguro importante kung kelangan pa na nakauniporme ang choir(although it would help sa physical image ng choir)lalo na kung di ka talaga makakapagbudget for that. An alternative for that is the proper church attire(the best descent casual wear you have)as in slacks, skirts(dapat below the knees)t-shirt and polo shirt(pwede ring polo) pero dapat neat tignan ah.

I agree with niyelskie, Hindi kailangan sa choir ang mag-uniform lalo pa't walang fund na pagkukunan ang choir group. A descent attire will do as long as hindi sya naka-mini skirt na above the knee & hindi naka-spagetti stripe kung sa babae. Kung sa lalaki naman eh hindi dapat naka-short or naka-puruntong ba tawag dun? hehehe... Hindi rin cyempre dapat naka-sando lang. Dapat talga desente ang soot natin dhil si Lord ang pinpuntahan natin at paglilingkuran.

Kung may rules naman dyan sa parish nyo na kung hindi naka-uniform eh hindi pwedeng kumanta, so dapat sila mismo (Parish) ang magbigay ng uniform sa mga gustong mag-choir member at kumanta dahil hindi naman lahat ng gustong sumali at mag-choir to serve the Lord eh may pera o may work diba lalo pa't sobrang tataas ng mga bilihin ngayon.

jose
06.06.13, 11:40 AM
tama ka dun kasamang ovc. lalo na dun sa kung mag-iimpose sila (parish) ng uniform, dapat magprovide sila ng uniform, hehe...

or kung kelangan talaga (marahil kasi strict si father) e pwede rin naman na magparepareho na lang ng suot like dun sa isang parish na nasimbahan ko sa qc, lahat sila naka blue maong and white shirt (lahat nga naman e may blue maong and may mura nga namang white shirt). kung may konteng budget pa pwedeng pareparehas ng shirt. yung simpleng tinatakan lang via silkscreen. maganda rin kasing tingnan. actually mas ok pa nga kung simpleng uniform lang kesa yung choirly (long gown), hehe...

pero syempre wala pa ring tatalo sa alaska! este sa decent attire kung talagang imposibleng mag-uniform. dito sa min, inabolish na namin yung uniform. pag nagrerecruit kasi kami ang sinasabi sa 'min nung potential recruitee, "ayoko mag-uniform sa mass e".

ang pinakamahalaga, it should all be about the service to our Lord.

sadplbl
06.06.14, 12:59 AM
salamat sa lahat ng mga opinyon na binigay nyo. Sa ngayon po ay ang gusto ni father ay talagang descent look. Previously ay nag kasundo na sa sundays best, kaso parang hindi daw parepareho kaya di matawag na choir uniform. Kaya napailitan kaming (mga choir) na mag solicit just to have a descent uniform. Yung bang naka barong or kamiso ang lalaki and sa babae ay ganun then.

kaya lang po ako nakapag tanong sa inyo ay, bakit kailangan na mataas ang standard ng isang namumuno sa isang parokya para lang makapag linkod kay Lord. Hindi naman sa ayaw namin., pero paano kung may gustong sumali and nagbigay ang parish ng uniform. sa mga dati. So, mapipilitan na magpatahi ng sarili ang mga bago. Diba po?

richard
06.06.14, 02:44 PM
ganyan talaga ang mga pari, may kanya-kanyang ideya. pero sana i-consider din nila yung kalagayan ng mga servants. baka pwede kalahati ng expenses sagutin ng simbahan at kalahati sa servants, o kaya abunohan muna nila tapos pahulugan nila sa servants para hindi naman masyadong burden.

bouie
06.06.16, 12:39 PM
Sa parish namin ni Niyelskie, there are these mini-posters that say, "Ang suot mo ba'y pang-swimming o pansimba?". This really helps with correcting the parishioners in their "Sunday best" clothes. It also helps din sa choir namin to remind us of the appropriate clothes to wear. Minsan nga, pinapauwi namin sila or nagdadala kami ng extra sweaters (kahit mainit, eh kasalanan naman nila eh) para lang matakpan ang mga parteng hindi dapat nakaexposed.

mayomee
06.06.16, 07:38 PM
buti pa kayo, bouie. :glare: may mga kasama kami sa choir na talagang walang kasing-tigas ang ulo about wearing the appropriate clothes in church. napagod na akong pagsabihan sila because they are over 21 already!!! and i have told them so many times, napaos na ako.

may mga signs na ganyan din sa church namin pero sad to say, di siya highly visible at di pinapansin ng mga tao.

:(

bouie
06.06.17, 12:25 PM
Sometimes, when we see a parishioner wearing clothes that are inappropriate, we do tell them that our parish priest might see them and reprimand them about it. Hindi naman sa panghihimasok, kasi we can see people who wear different clothes sa Baclaran church, but we do say that it is just a "fraternal" reminder from someone from the church.

Regarding sa choir, naku, mamamaos ka talaga sa kasasaway sa mga members regarding their clothing behavior and decorum sa church as well. Kagabi nga, pasa-way talaga, walang alto, grabe, ako tuloy pinagdiskitahan ni Niyelskie na mag-alto for the new arrangement ng Anima Christi. Nyehehehe ;D Gusto ko naman.

jeffoy
07.01.22, 11:44 AM
Na try nyo na bang magpagawa ng uniform ng choir, magpapagawa kse kami ngayon . Eto po yung robes na sinusuot ng choir during mass.. wala kse akong idea kung san nagpapagawa nito.

Alexander
07.01.23, 04:18 AM
Kami dati nagpatahi lang sa ordinaryong mananahi pero simple lang ang design, parang Robe or Gown ng pang graduation (white) tapos merong pang patong even berofe the lay ministers wore that V-shaped thing... dependent sa church season.

jeffoy
07.01.23, 08:40 AM
Oo kami din meron na ganung uniform gown/robe na parang pang graduation, hanggang ngayon ginagamit pa rin namin yun. yung sa min naman pinapatungan ng shape na square (parang bib ). Pwede pa rin naman gamitin yung gown ang balak namin yung pampatong ang papalitan namin na maganda. Maganda sana yung may design o logo ng choir na pwede naming ipalagay dun sa pampatong. balak pa nga sana namin yung parang embroider.

tnx kuya alex

centrunion
08.03.06, 01:15 PM
Hi BPONLINERS!

Gusto ko marinig anything regarding your choir uniform lalo sa fashion side. Could you give me an idea or specific design of a uniform that is not too formal but not too casual. Yong astig tingnan.

-gerald-
08.03.06, 01:26 PM
ay ako din po...hingi din po sana ako ng idea..kasi common na ang filipiniana..mashadong simple naman kung polo lang or simple gown..baka mag mukhang cocktail party :) we are planning to have a christmas concert at magpapatahi kame ng uniform/ costume na rin..yung pasok sa budget sana, but then again, sabi nga ni centrunion, yung astig sana tingnan..:)

buhaykanta
08.03.06, 07:36 PM
it doesn't necessarily have to be completely uniform. sa choir namin. And it will all look the same naman kung ganun diba. What we usually do is slacks, plus really bright colored tops. it tends to look good naman din kasi eh, just make sure that the colors are bright.

Alexander
08.03.07, 11:48 AM
EHEM!!! ... di kayo nag search ng existing topic bago mag post ha... basahin nyo ang mga sagot ng mga kasama natin sa thread na ito. 3 pages na po....

bluemurdock
08.03.07, 10:04 PM
hmm.. if kaya naman ng members.. combine light brown (mocha, tan, light brown) and white.. basta anything goes sa damit.. as long as light brown yung isang garment tapos white yung isa.. (eg. khaki pants mocha tapos white na 3/4s.. or tan na pangitaas at white pants.. or white long sleeved dress shirt, then cardigan na mocha at white pants..) accessories.. wear them.. (careful choosing which..) Just help people who have trouble sa pagporma.. meron kasing medyo masyadong simple kung magdamit (baka magmukha siyang kaawa-awa sa ibang members..) or medyo flamboyant naman (baka naman sobrang agaw eksena naman ang porma). The key is.. making sure na pare-pareho yung level ng "porma" ng mga suot ninyo.. Walang nangingibabaw.. medyo subjective.. pero if executed properly, magandang tignan ang choir.. simple yet classy.. :) hope makatulong..

sasori16
08.03.17, 06:22 PM
Samin All black tapos parang red na collar yung choir gown tapos may barong din. Hehe.

centrunion
08.07.14, 10:52 PM
Kung sino man po ang may picture ng choir dress. Naghahanap po kami ng design for our concert. May naisip na kami pero hindi namin maipaliwanag sa manananahi. Gusto ko sana namain yong sa babae pang ilalim plain siya na ang korte gown tapos papatungan ng parang mahabang long sleeve na see through na dress. Actually, nakita ko siya na ginamit ng INC Sanctuary Choir sa kanilang Music Video. Dilaw ung pinaka main at ung parang kimona na mahaba white. Sana po may picture kayo para maintindihan ng sastre.

reagan
08.07.31, 08:28 PM
Eto po yung uniform ng choir namin.... Nung nag-concert, gamit din kung presentations and special occasions... :)

centrunion
08.07.31, 09:14 PM
Maganda po.

Sir Reagan, meron po ba kayong picture noong back view noong upper garment.

reagan
08.08.01, 08:32 AM
Hehe... wala po.... :)

Yna Suello
08.08.01, 08:37 AM
Eto po yung uniform ng choir namin.... Nung nag-concert, gamit din kung presentations and special occasions... :)

Ang aliwalas naman tingnan. :)

Off-topic: Wow.. Ramasola.. Ang tibay pa rin ng photo studio na yan.. :D Hehe.

reagan
08.08.01, 03:08 PM
Off-topic: Wow.. Ramasola.. Ang tibay pa rin ng photo studio na yan.. :D Hehe.[/QUOTE]

OT: Oo nga, di pa ako pinanganak, andyan na yan... official photo studio basta graduation from kindergarten to college... hehe...

bhickoy
09.06.12, 07:30 PM
Mga ka BP Onliners post nyo naman po dito yung mga Magagandang Uniform ng Choir nyo po... ;D ;D ;D

bhickoy
09.06.12, 07:35 PM
eto po yung design ng bagong uniform po namin, any comments???

barrioj1
09.06.13, 10:14 PM
Hello bhikoy,

Ang ganda po ng t-shirt ninyo ah. Hmmmn, yung samin po kasi wala pa eh. Anu po kayang magandang kulay ang pwede namin gawing shirt? Any suggestions po kuya bhikoy and mga ka-BP Onliners? Salamat po. :):):)

cybernard
09.06.14, 05:23 AM
wow ganda tshirt nio. pede po ba bumili nian? kabalen. tagal na ako ndi nakapaxal jan pampanga.

bhickoy
09.06.15, 09:50 PM
Hello bhikoy,

Ang ganda po ng t-shirt ninyo ah. Hmmmn, yung samin po kasi wala pa eh. Anu po kayang magandang kulay ang pwede namin gawing shirt? Any suggestions po kuya bhikoy and mga ka-BP Onliners? Salamat po. :):):)

Black cguro, kasi formal ang dating nya... pero nasa inyo meron ba kayung official color ng choir nyo? kami kc yellow & blue ang color namin...

bhickoy
09.06.15, 09:51 PM
wow ganda tshirt nio. pede po ba bumili nian? kabalen. tagal na ako ndi nakapaxal jan pampanga.

kabalen, san ka sa pampanga? cge, 200php lang ang t-shirt. heheh

jhung
09.06.15, 11:28 PM
bhickoy ganda ng pagka design,mas mabuti kung puti o skyblue yong kulay ng tshirt,para di masyado mainit..hehehe..wala bang libre o kaya 50% discount sa mga BP members?!hehehe..:)

czyre
09.06.16, 05:37 AM
Pinag-uusapan na rin namin sa choir namin kung ano ang magandang kulay ng shirt or kung anong magandandang pwedeng gawing uniform. So far ang nagustuhan namin kulay for shirts e black. Yung design wala pa... Hirap kasi mag-isip!

Anyway, ang ganda ng uniform niyo Bhickoy,:) Sana pagpunta niyo uli dito may pasalubong akong t-shirt hehe...

bluemurdock
09.06.16, 08:38 AM
Pinag-uusapan na rin namin sa choir namin kung ano ang magandang kulay ng shirt or kung anong magandandang pwedeng gawing uniform. So far ang nagustuhan namin kulay for shirts e black. Yung design wala pa... Hirap kasi mag-isip!

Anyway, ang ganda ng uniform niyo Bhickoy,:) Sana pagpunta niyo uli dito may pasalubong akong t-shirt hehe...

hmm.. friend, meron ba kayong logo ng choir ninyo? kami, what we did.. we opted na mag-polo-shirt or colarred shirt para pwede rin namin magamit sa semi formal occassions.. tapos naka-khaki kami then brown snadals or shoes.. if meron nagco-computerized embroidery dyan, ipa-embroider niyo sa plain polo-shirt ang logo ninyo.. :)

czyre
09.06.16, 08:56 AM
Kapatid, malanding idea yan este... magandang idea yan.:P Gagawin ko yan sa choir ko, promise. Pero wala pa kaming logo. Okey na siguro yung pangalan ng choir namin ang ipalagay namin instead of logo. At ang suggestion naman ng nanay ko sa sleeves ng shirt namin ipalagay yung print para naman daw maiba.

Paulus_Magnus
09.06.16, 10:20 AM
Pag solemnities and special occasions, our choir vestment looks like this"

http://www.vatican.va/news_services/liturgy/cap-mus-sistina/img/chorus.jpg
Pontifical Chorus of the Sistine Chapel

NB: hindi yung swiss guard ha. :P

czyre
09.06.16, 11:03 AM
PM, Ganyan na ganyan ang suot ng Knights of the Altar dito sa amin. Hindi rin yung sa Swiss guard ha? LOL

kasparov23
09.06.17, 07:53 AM
Pag solemnities and special occasions, our choir vestment looks like this"

http://www.vatican.va/news_services/liturgy/cap-mus-sistina/img/chorus.jpg
Pontifical Chorus of the Sistine Chapel

NB: hindi yung swiss guard ha. :P

Ganyan na ganyan din ang uniform namin pag High Mass. Yun nga lang nakabase ang kulay sa patron naming si St. Joseph. Yellow and Green.

:)

bhickoy
09.06.17, 08:43 PM
bhickoy ganda ng pagka design,mas mabuti kung puti o skyblue yong kulay ng tshirt,para di masyado mainit..hehehe..wala bang libre o kaya 50% discount sa mga BP members?!hehehe..:)

Actually po gusto kudin yung color skyblue.. hmn,, if ever bigyan kupo kayu ng 25% discount :P

bhickoy
09.06.17, 08:45 PM
Pinag-uusapan na rin namin sa choir namin kung ano ang magandang kulay ng shirt or kung anong magandandang pwedeng gawing uniform. So far ang nagustuhan namin kulay for shirts e black. Yung design wala pa... Hirap kasi mag-isip!

Anyway, ang ganda ng uniform niyo Bhickoy,:) Sana pagpunta niyo uli dito may pasalubong akong t-shirt hehe...

Thanks po Ate.... ay promise yan Ate......what pala size nyo po???

czyre
09.06.18, 09:13 AM
@Bhickoy, Extra small.::) Kaya lang baka masyadong baggy sa akin yun. ROFLMAO Text ko nalang sa'yo size ko, dito pa kasi talaga tanungin yung size, wag ganun!LOL

bhickoy
09.06.19, 10:50 PM
@Bhickoy, Extra small.::) Kaya lang baka masyadong baggy sa akin yun. ROFLMAO Text ko nalang sa'yo size ko, dito pa kasi talaga tanungin yung size, wag ganun!LOL

ok po. txt txt nalang po nun.. :surrender:

jhung
09.06.19, 11:21 PM
Actually po gusto kudin yung color skyblue.. hmn,, if ever bigyan kupo kayu ng 25% discount :P

for me its nice kasi yong skyblue at white..hmmm ganun bhickoy di pa rin pwede 50%? i`ll contact you if kukuha ako kasi baka mahal yong shipment patungo dito..hehehe:)

vouluge14
09.06.20, 12:12 PM
Good day...pls visit our website http://www.korodesanmiguel.weebly.com

nasa MULTIMEDIA YUNG PICTURES NG UNIFORM NAMIN

THANKS...:D:heart:8)

NikNoK
09.06.21, 03:21 PM
eto po yung design ng bagong uniform po namin, any comments???


Hi, Bhickoy! ang cute naman ng design... sana may members akong ganyan kagaling magdisenyo..

.... pero talagang black ang color ng tshirt? ito yung sinusuot niya sa mass service?


.... umh.. sama rin ako ha, 50% discount pwede? :)

bhickoy
09.06.21, 09:03 PM
Hi, Bhickoy! ang cute naman ng design... sana may members akong ganyan kagaling magdisenyo..

.... pero talagang black ang color ng tshirt? ito yung sinusuot niya sa mass service?


.... umh.. sama rin ako ha, 50% discount pwede? :)

No Problemo po, pag may one time big time na EB po tayo, may 30% discount po kayo. hehehe...