PDA

View Full Version : Common Misconceptions in Singing Liturgical Songs During the Mass


BatusaiX
07.10.06, 08:54 PM
Hi all!

I need your opinion about the "Penitential Rite". OK lang po bang kantahin lagi yung Lord, Have Mercy/Panginoon, Maawa Ka every Sunday or meron instances/situation na dapat kinakanta or hindi ito kinakanta?

sjclc
07.10.07, 09:41 AM
I don't see why hindi siya dapat kantahin. Kung gusto niyo kantahin, ok lang siya. If you don't, ok pa rin. The only comment I've heard about the Kyrie is that it is a litany. Meaning the priest begins by singing "Panginoon, Maawa Ka" then the congregation responds "Panginoon, Maawa Ka" the the priest again sings "Kristo, Maawa Ka" and the congregation responds, and so on. An example of a priest-people response Kyrie can be found in TnB (Vol. 1 tagalog, Vol. 2 english)

BatusaiX
07.10.07, 03:55 PM
May nagsabi sa 'kin na kapag ni-recite yung I confess to Almighty God, then after, dun lang kakantahin ang Lord, have mercy. Kapag may available prayers sa misallete, 'di na dapat kantahin yung Lord, have mercy. Mas maganda raw kasi yun... i-recite na lang dahil may kasamang prayers which is very related to the topic/occasion.

chitto
07.10.08, 11:11 AM
parang redundant naman kasi pagni-recite na ung Lord, have mercy tapos kakantahin pa...un lang naman siguro dahilan dun. Depende din kasi sa pari, merong nagmamadali kung minsan :)

Bonnie
07.10.08, 05:52 PM
Mas gusto ko paring kinakanta yong Lord have mercy, saking opinion kasi, parang minamadali ang mass pag ni re recite na lang yong lord have mercy, ang kilalalabasan kung minsan kahit ibang part ng mass e puro recite na lang, minsan nga 30 minutes lang tapos na ang mass....

jon2406
07.10.08, 06:42 PM
Hi Bonnie,

I also agree with you, that the penitential rite should be sang during masses However we must also consider the fact that maybe one of the reason that some priest might not sing this part is that they have still other masses to attend to on Sundays.

This could also be true during weekdays that the masses are shortened to allow people to attend mass before going to work.:)

Alexander
07.10.08, 07:51 PM
I move this thread here kase the thread did not qualify in the guidelines set on that forum. UNLESS you want to rename the thread to a SPECIFIC song not a GENERAL"Kyrie" or "Penitential Rite"

guitargirl
07.10.09, 09:16 AM
Our priests simply recite this part. But, during Lent they process in while singing the penitential rite. It is our opening procession. Sometimes there are payers that accompany it, but mostly it is just recited in our parish.

Bonnie
07.10.14, 11:42 AM
Hi Bonnie,

I also agree with you, that the penitential rite should be sang during masses However we must also consider the fact that maybe one of the reason that some priest might not sing this part is that they have still other masses to attend to on Sundays.

This could also be true during weekdays that the masses are shortened to allow people to attend mass before going to work.:)

Pwedeng tama ang sabi mo jon2406 in some point, kaso iniisip ko kasi, para sa Dios itong mass, saking palagay, hindi pwedeng gawing reason ang pagmamadali o me susunod na engagement kaya nagmamadali, kung baga kung magbibigay tayo ng oras para sa Dios, e yong wala ng agam agam pang ibang bagay na pwedeng maka apekto para mas maging dedikado tayo sa paglingkod at pagpapasalamat sa kanya.

Yan e opinion ko lamang.

titopao
07.10.15, 04:47 AM
Sa parish naman namin, there's a good reason why masses have to strictly follow a one-hour limit. Every Sunday, we have six masses on mornings and three masses on afternoons/evenings. Yup, that's nine (9) masses in all. And most of these masses are fully packed :) In addition to the nine masses in the main parish church, the priests assigned to our parish also says masses for half of the 10 barrio chapels (the other half of the barrios usually have their masses as anticipated Saturday masses---and, yes, there's also a Saturday 6pm anticipated mass in the main parish church!!!) So you can only imagine how stressful Sundays are for our priests LOL

The thing is, hindi pa rin naman minamadali ang masses sa amin, but even so all masses still fit the one-hour limit (it's very rare for a choir to sing two or more communion songs on regular Sunday masses). Regarding the Kyrie, there's no universal rule in our parish as to whether the priest sings it or not, it depends more on the priest's preference (i.e. some priests are known to just recite it, others prefer to have all mass songs sung without exception).

Bonnie
07.10.15, 10:39 AM
Atleast sana kahit hindi 1 hour ok lang, pero kung 30 minutes, e talagang, super bilis na non, Sa Manila, gustong gusto kong mag simba kasi it takes 1 hour talaga para matapos ang isang misa, minsan nga lumalampas pa, sa palagay ko kasi parang naghahabulan lagi pag ganyang ang bilis ng mass.

titopao
07.10.15, 11:06 AM
Atleast sana kahit hindi 1 hour ok lang, pero kung 30 minutes, e talagang, super bilis na non, Sa Manila, gustong gusto kong mag simba kasi it takes 1 hour talaga para matapos ang isang misa, minsan nga lumalampas pa, sa palagay ko kasi parang naghahabulan lagi pag ganyang ang bilis ng mass.

Ang naaalala ko sa amin, kapag yung ordinary day lang na masses sa mornings, missa resada lang naman ang masses. Konti lang ang songs and wala ring sermon. Konti rin lang naman ang nagsisimba, so malamang sa sandali lang natatapos ang communion. (And of course, since it's an ordinary weekday, there's only one reading before the Gospel.) So the Holy Mass is usually over within 30-45 minutes---pero in fairness, hindi pa nagmamadali ang mga pari noon, mabagal pa sila non :)

sjclc
07.10.15, 08:49 PM
Possible din pong umikli ang Mass kahit Sunday. Kapag ganito ang circumstances:

* There is no procession at the beginning of the Mass.

* The Homily is very very short. (Yes, I've seen a homily that lasted less than 1 minute, but everything is there.)

* There is nobody to sponsor the offertory procession.

* There are only very few people who go to communion.

* The readings/prayers are short. (Like in the Gospels, some readings are short, yet some are awfully long, like that reading regarding 3 parables)

It shouldn't take long.

herald
07.10.16, 09:34 AM
pero dapat yung homily hindi nawawala...

sa parish namin lahat kinakanta pag sunday but on weekdays... puro recite lang mga responses, ang kinakanta lang processional, recessional, our Father and commmunion

reason ng parist priest to distinguish daw sunday mass from ordinary mass...
pero sa akin, lahat ng mass special, right choices lang ng songs para pumasok sa 1 hour... buti na lang sa Parish namin hindi na kailangang magmadali, kasi may 30 min. gap between Masses...

Minsan humahaba rin ang Mass kasi, mahaba intro sa ibang song, tapos na preparation sa gift kumakanta pa ang choir and tapos na communion, hindi pa tapos song, yun ganong tipo, and its the responsibility ng Choir na maging sensitive. for example: WYD Amen (himig Heswita), imbis na buong intro eh, Gsus G na lang, etc...

basta ganun.. he he he.. parang nawawal na ako sa sinasabi ko eh...

shuttleSmasher
07.10.17, 03:31 PM
sa amin ganyan din ginagawa, and since adviser namin yung parish priest,
alam na namin pano ihahandle mga naka-lineup na songs para hindi masyado mahaba.

and pag minsan, nagkakaron ng time na hindi na namin tinatapos buong kanta
specially sa offertory pag tapos na yung offering ng gifts and tapos na din ng preparation
ang parish priest. :)

patrick
07.10.18, 03:20 PM
Sa amin may mga choir na ginagawang concert ang misa. Ang laging pinapaalala sa amin ng aming musical director is that the choir exists to sing and encourage the people to sing with them and not to just watch/listen to them.

recoletomusic
07.10.19, 01:25 AM
May naexperience kami one time nung kumanta kami sa kasal sa ibang parish. Hindi pa tapos kumanta ang choir namin ng offertory song eh nagsalita na agad yung pari right after the washing of the hands. So walang nagawa yung choir kundi tumigil at ako naman, finade-out ko na lang yung tugtog ko.

patrick
07.10.23, 04:51 PM
Sa amin naman, hindi nagsasalita yung pari hanggat di pa tapos yung choir.

J O J I T
07.10.24, 11:54 AM
sa amin din. minsan parang nagco-concert yung choir. pero actually kung titignan mo, parang nagcoconcert lang sila because of how they sing. as in todo bigay talaga parang concert kaya talagang naeengganyo ang mga tao na makikanta especially now at meron ng projector.

pero ito pinaka-malala sa amin. yung parish priest inaway yung choir during the mass at sumagot naman ang leader ng choir sa misa din. kaya ayun, parang tele nobela nanonood mga tao nagaaway ang pari at choir leader. hehe although mali yung choir leader for answering back to the priest, mali din naman kasi yung priest esp kung sasabihin nya na yung choir daw na yun ang reason kung bakit napako sa krus si Christ. haha grabe talaga.

bryce
07.10.25, 12:20 PM
ganyan din po problem sa parish namin, parang sinehan na. Every hour po kasi ang mass. Sana mabago na ang sistema sa parish namin..

Bonnie
07.10.27, 06:45 PM
sa amin din. minsan parang nagco-concert yung choir. pero actually kung titignan mo, parang nagcoconcert lang sila because of how they sing. as in todo bigay talaga parang concert kaya talagang naeengganyo ang mga tao na makikanta especially now at meron ng projector.

pero ito pinaka-malala sa amin. yung parish priest inaway yung choir during the mass at sumagot naman ang leader ng choir sa misa din. kaya ayun, parang tele nobela nanonood mga tao nagaaway ang pari at choir leader. hehe although mali yung choir leader for answering back to the priest, mali din naman kasi yung priest esp kung sasabihin nya na yung choir daw na yun ang reason kung bakit napako sa krus si Christ. haha grabe talaga.

hahahaha, grabe naman yan pag ganyan siguro ang pari, papahinga na muna akong kumanta sa mass, kesa makipagtalo, nakakahiya sa iba.

Actually, pag ang pari ay hindi ini-recite ang parte ng mass na " I CONFESS TO ALL MIGHTY GOD AND TO YOU MY BROTHERS AND SISTERS" o yung " NAGKUKUMPISAL AKO SA DIOS NA.... " Ibig sabihin e i re recite ng pari ang "Lord have mercy" pero pag narinig mo ang salitang yan na sinambit ng pari, obligado kang kumanta ng "Lord have mercy" unless ayaw mong kumanta ng lord have mercy o unahan ka ng paring i recite ulit ang Lord have mercy, pero very rare ang ocassion na ito kung me choir kasi usual practice kakantahin talaga ang Lord have mercy pag nag salita sya nito.

divine14
07.11.08, 12:48 AM
ang OA nmAn pOh niyan, bat nman nag away yan?? (never mind) why am i asking??hehe :-)

anyways, edi ms mgnda kung nka2sunod ung mga mass goers.. ehe..

dito po sa italy, knknta po lagi ung Lord have mercy..

titopao
07.11.08, 04:55 AM
pero ito pinaka-malala sa amin. yung parish priest inaway yung choir during the mass at sumagot naman ang leader ng choir sa misa din. kaya ayun, parang tele nobela nanonood mga tao nagaaway ang pari at choir leader. hehe although mali yung choir leader for answering back to the priest, mali din naman kasi yung priest esp kung sasabihin nya na yung choir daw na yun ang reason kung bakit napako sa krus si Christ. haha grabe talaga.

Ni-report nyo ba ang paring ito sa obispo or sa Vatican? Malinaw na abuso ng liturgy yung ginawa nya, he deserves a slap in the wrist ;)

For a priest to say that the choir is the reason why Christ was crucified is clearly out of bounds. Not only is it tactless and unethical, it also borders on sacrilege. Bakit naman---of all people---isang pari pa ang magbibitaw ng ganong uri ng pananalita? (tsk tsk tsk >:( )

Alexander
07.11.08, 06:07 AM
ang OA nmAn pOh niyan, bat nman nag away yan?? (never mind) why am i asking??hehe :-)

anyways, edi ms mgnda kung nka2sunod ung mga mass goers.. ehe..

dito po sa italy, knknta po lagi ung Lord have mercy..

Paki iwasan po ang text lingo. Salamat :)

J O J I T
07.11.08, 03:34 PM
alin ba text lingo dun alex? yung "Poh"? :) joke lang divine14.

anyway, di na yata nireport ng mga tao yung pari kasi limipat na sila sa ibang parish. ayaw na magsimba dun. hehe saka yung pari na yun, napatanggal na before sa dati nyang parokya. imagine, while nagmimisa sya, merong mga tao sa labas ng church na me dalang placards. hehe kakalungkot lang kasi di pa sya natuto dun.

going back to the topic, pinaka-maganda talaga kung kakanta ang isang choir, kausapin ang pari para alam nya kung saan kayo kakanta at kung meron din sya habilin before the mass para aware din ang choir kung sakaling pahintuin ang pagkanta during for example presentation of the gifts.

titopao
07.11.08, 04:08 PM
going back to the topic, pinaka-maganda talaga kung kakanta ang isang choir, kausapin ang pari para alam nya kung saan kayo kakanta at kung meron din sya habilin before the mass para aware din ang choir kung sakaling pahintuin ang pagkanta during for example presentation of the gifts.

Pinakamagandang ginawa ng isang pari dito sa amin: although kilala sya sa pagiging sobrang higpit sa misa, ang gagawin lang niya ay uutusan ang isang sakristan (during the readings), na siyang magre-relay ng instructions nya sa kanta (which is always the songs that he prefers to be recited, nothing naman about specifying any song to be sung or not). At least, si Padre na ang gumagawa ng initiative para mas magkaintindihan sila ng choir.

How you wish many priests would be like that :)

itanyag
07.11.08, 05:24 PM
iba-iba talaga ang mga pari hehe.. kami din, may naexperience din kami noon, nag-iintro pa lang yung tumutugtog nmin ng Ama Namin, abay bigla ba naman nagalit yung pari at sinabing yung Ama Namin daw na luma ang kantahin hindi daw kung anu-anong tinutugtog..sinabi nya yan sa harap ng misa at nakasigaw pa, napahiya kami lahat, lalo na yung tumutugtog, mula nun di na sya tumugtog, mula rin nun, hanggang pinalitan yung pari ng ibang pari di namin binabago un Ama Namin...6 yrs ata namin di binago yung kanta..hehe.. di ba sana na lang tinapos na lang nya yung mass saka kami sinabihan.. hay... buti na lang di pa ako ang tumutugtog ng panahon na yon, kung nagkataon, di ko alam gagawin ko baka di na rin ako tumugtog muna. hehe

klybrielle
07.11.10, 12:58 PM
kami last 2 weeks lang nakakalipas nung napahiya kami dahil sa isang pari na ayaw ng malakonsyertong pag awit... pati Ama Namin pinadasal nya. parang walang choir... napahiya kami nung sabihin nya samen na kumanta nmn daw kami ng kantang nalalaman ng sambayanan... eh,, 2yrs na kaya naming kinakanta ang Papuri na un.... tas may projector pa kami...

minsan pa nakaattend din ako ng mass na ibang choir ang kumakanta.. sinabihan nmn nya na... "kumanta nmn kayo ng bago bagong kanta..." anu ba yun??? anu ba dapat ang gagawin ng choir???

sala sa init sala sa lamig.

naman...

simpatico
07.11.20, 09:55 AM
alam mo Klybrielle, tama naman yung pari eh. Siguro ganito. Puwedeng yung Entrance, Offertory, Communion at saka yung Recessional, ok lang yun na hindi alam ng mga tao pero yung Mass Responses(Kyrie, Gloria, Gospel Acclaim... Lord's Prayer, etc.) dapat may participation talaga yung mga tao hindi lang dapat sila nakatunganga kasi mass responses yun eh. Dati rin hindi ko natanggap yung ginawa ng pari sa amin na talagang pinagalitan kami in front of so many people at talagang nakakahiya! Talagang nagalsa-balutan kami noon. Akalain mo ba namang pahiyain ka sa harap ng maraming tao. Pero habang tumatagal, ngayon na isa na rin ako sa trainor, dun ko na realize na tama yung pari kasi nga naman, pangit rin naman kung nakatunganga lang yung mga tao na kahit mass response hindi sila makasali, di ba? ok lang yung Entrance, Offertory at communion na hindi sila kasali.

titopao
07.11.20, 10:23 AM
Mejo OT 'to, but I can't help comment on you two (simpthetico and klybrielle):

Sabi nga ni Kristo, kung nais mong ituwid ang pagkakamali ng isang tao, hindi mo ito gagawin sa harap ng ibang tao nang hindi siya mapahiya. Bagkus ay haharapin mo sya ng kayo lang ang magkausap at walang ibang makakaalam nito. Sa tingin ko, ang punto nito ay kung ano ang dapat ninyong pag-usapan ay para lang sa inyo, at hindi na dapat pinakikialaman pa ng ibang tao.

In my experience, kung namamahiya ng choir ang pari sa harap ng mga tao and---of all occasions---sa oras ng Santa Misa, kadalasang nagba-backfire ito hindi sa choir kundi sa pari!

Para sa inyo na nakaranas nito, mararamdaman ninyo ang tensyon sa mga oras na pinapahiya kayo ng mga tao, at siguro nama'y sa isip-isip ng mga pari ninyo ay napapahalakhak siya sa tuwa. Pero sa karanasan ko, kadalasan, nagdudulot ito ng isang masamang larawan sa mata ng mga nakakasaksi nito...lalong lao na ng mga nagsisimba. Mayrong pari sa parokya namin dati na sobrang outspoken sa mga hindi nya gusto sa misa; nagkaroon ng time na umunti ang mga nagsisimba dahil dito.

Grace under pressure is truly a virtue of saints and the powerful, and losing your cool just for the sake of making a show of it---regardless of whether you're doing it for the sake of "morality---only exposes your greatest weakness: you are a slave to your tempers. Napoleon Bonaparte once lost his temper in front of his ministers and later lost his empire (and his power) after just a few months when people learned that he cannot control himself.

Bagama't tunay na mahirap itong gawin, mas makabubuting huwag na lang ninyong patulan ang init ng ulo ng inyong pari sa kanyang paglabas ng kung ano-anong saloobin sa loob pa man din ng Banal na Misa...dahil ang totoo non, mas nagmumukha syang tanga kaysa sa inyo. Hehehehe ;)

Alna_lou
07.11.20, 02:55 PM
grabeh naman 'yang mga experiences nyo...so far, hindi pa ako naka.experience ng ganyan sa misa...dahil 'pag nagkataon, magwa-walk.out talaga ako...

well, so far, mabait ung pari namin dito at siya pa nga yung nang-ii.ing.ganyo sa amin na kumanta naman ng mga bagong songs (i.e. Jesuit/Bukaspalad songs)...kasi wala naman daw problema yun sa kanya...

Dapat talaga ay magkasundo talaga ung choir at ung pari na nagmimisa....para walang "untoward incidents" na mangyayari within that highest form of worship - the Holy Mass....

P.S. Our parish priest before, is also a great fan of Jesuit Liturgical Songs . . halos yata lahat ng cd ng Jesuit Music Ministry ay nasa kanya na...sayang nga lang at na.transfer na siya to other parish...

ronsanchez
08.01.04, 11:14 PM
sadly, there are priests who are insensitive and tactless. but it would be better to talk with the priest about his issues with your choir and impress to him that, though he may have a point, your group does not take kindly to his action.

bhongkee
08.01.05, 11:49 PM
In my situation iba naman, habang kumakanta kami ng kantang mabagal ang tempo ay sinisingitan kami ng aming pari na parang gusto niyang pabilisin ang tempo, kaya natatawa na lang ako :) kasi yun talaga ang napag-ensayuhan naming tempo kaya habol nalang kami sa kanya para iwas hiya :rage:.
kaya ngayon pag siya ang nagmimisa yung mga kantang mabilis ang pakakantahin ko :). But sa kanyang attitude ok naman siya. as in alright na alright :yes:

pedovillalva
14.02.07, 09:34 AM
Hi iba naman po ang experience namin sa isang guest priest pag siya ang nagmimisa. Sobrang bagal po ng kanyang tempo at talagang napapahinto kami sa sobrang bagal hehe pero napansin namin na hindi na siya nakakasabay pag bukas palad or himig heswita songs na ang inaawit namin..

paulatun
14.02.08, 10:21 AM
napakalaking tulong ang pag backread sa thread na ito. madami ka talagang matututunan. Maraming salamat. :)