PDA

View Full Version : Saan nakapuwesto ang choir ninyo, sa mezzanine ba o sa gilid ng pari?


simpatico
07.11.20, 10:08 AM
Hi onliners. Tingin ko magkakainteres kayo dito. Saan ba nakapwesto ang choir niyo? sa mezzanine ba o sa gilid ng pari? sa amin kasi advantage na nasa mezzanine kami kasi kahit hindi kami gumamit ng mic, klarong-klaro yung mga boses namin. sa inyo?

titopao
07.11.20, 11:26 AM
Sa aming bisita, by necessity, sa gilid ng pari kasi mga bata yung mga singers ko, hindi pa nila kayang mag-amplify ng boses na kasinglakas ng sa mga adults na. But the various chapels in our parish have different setups, so in some cases the choir's position is dictated by the architecture of the church/chapel.

Sa parish church naman namin, nasa gilid ng pari ang choir. There are many good reasons for this other than the fact that the choir needs to be visually present near the priest: sa buong diocese of Malolos (Bulacan), ang simbahan namin ang may pinakamahabang distansya mula sa main door hanggang sa altar (which is why marami sa mga ka-parokya ko ang pinipiling magpakasal doon dahil sinusulit nila ang haba ng lalakarin :) ). Sa sobrang haba nito, hindi maaabot ng kahit gaanong kahabang mic wire ang mezzanine/choir loft na nasa harap ng simbahan. Obviously, unamplified a cappella singing from the choir loft is out of the question (or else hindi tatagal ng after one mass lang ang mga choir sa amin LOL ).

In other words, sa parokya namin, kadalasang ang architecture ng simbahan (at hindi ang dikta ng Diocese o ng Parish) ang naddidikta ng kung saan pumupwesto ang choir :)

ncaguioa
07.11.20, 03:08 PM
Most parishes with new structures dont have the mezzanine type sa taas ng main door ng church, kaya normally sa right side ng altar, bandang ibaba or near the commentator. although mas prefer ng parish priests nga dito since choir use to lead the worship kaya talagang nasa harap daw dapat, sa right side. saka mas madali mag coordination sa choir ng commentator kung may mga immediate reply that needs to be sung. di na siya sesenyas or uutos pa ng aakyat sa choir.
But those classic people would still prefer the choir dun sa likod sa taas lalo na pag wedding. kung maganda ang dome ng church maganda nga ang boses dun sa mezzanine, buo. yun nga lang baka sumakit ang leeg ng mga parishioners kakatingin ng choir sa taas, dahil hinahanap kung saan yung umaawit.:)

titopao
07.11.20, 03:12 PM
Most parishes with new structures dont have the mezzanine type sa taas ng main door ng church, kaya normally sa right side ng altar, bandang ibaba or near the commentator....

But those classic people would still prefer the choir dun sa likod sa taas lalo na pag wedding. kung maganda ang dome ng church maganda nga ang boses dun sa mezzanine, buo. yun nga lang baka sumakit ang leeg ng mga parishioners kakatingin ng choir sa taas, dahil hinahanap kung saan yung umaawit.:)

Yeah, that is true. I almost forgot...our parish was established in 1570-something, and our current church's structure was created just before the year 1800. Yup, it's that old :)

bouie
07.11.21, 02:51 AM
Currently, we sing at the mezzanine where the risers are situated.

Before kasi we sing right beside the commentator facing the altar unlike some parishes where choirs are obliged to face the people. ^_^

divine14
07.11.21, 02:57 AM
Dito sa italy sa left side kasi ang commentator namin, pero kaming choir, sa may right side kami ng pari, pero facing the altar din..

Alexander
07.11.21, 05:16 AM
Yung ibang Parish naman, they want to distinguish the choir as part of the congregation kaya they occupy the seats in front of the congregation, symbolic of the choir leading the congregation in singing

titopao
07.11.21, 08:03 AM
For the sake of completion, since someone mentioned "Italy" :)

In the late Luciano Pavarotti's diocese, the choir is positioned in the mezzanine---behind the altar. If you watch the YouTube videos of the late maestro's funeral mass, you'll notice that the choir is, indeed, just above and behind the main altar :)

-gerald-
07.11.22, 05:19 PM
ung dating choir ko sa right side nung pari and we were facing the priest kasi T-shaped yung structure ng church..pero ngayon yung bagong choir ko, sa mezzanine kame..i think it helps din somehow kung mahina yung mic..mas naririnig yung kanta..tsaka on a lighter note, minsan di natin maiwasan magkuwentuhan during mass..hehehe..mas safe pag sa mezzanine kasi di kita ng tao =)

unbreakable
07.11.23, 12:27 AM
sa amin dalawa ang puwesto namin... don't get me wrong.

tuwing 4th Sunday of every month at tuwing special occassion like we say National Youth Day Celebration ng parish namin , nasa may bandang harapin kami ng Church. malapit sa altar.

then pag hindi 4th Sunday of the month at may schedule ang choir namin sa may mezzanine kami... Kung minsan mas gusto namin ang nasa mezzanine since di nga maiiwasan ng members na mag-usap (halos mas bata lahat kesa sa akin eh kaya medyo immature pa sila)...

Ana Maria Licup
07.11.23, 08:44 AM
If you face the altar, nasa right side kami near the commentator. We occupy the pews diagonally facing the altar. We can also use the risers behind the pews. :)

marv
07.11.23, 11:53 AM
sa mezzanine kame, sa likod (at itaas) ng mga tao...
sa 'choir loft', as we fondly call it.
mejo mahirap dun, dahil our chapel does not have good acoustics and we really need a decent sound system (w/c we lack :( ) para maging maganda yung tunog namin sa baba.


pEacE, l0vE, Empathy...
=p marv

musiktenor
07.11.24, 10:37 AM
sa side malapit sa altar. mas maganda pag harap ng mga tao ang choir

yuanbautista
07.11.24, 10:52 AM
Sa left side ng altar kami nakapuwesto. Kailangan walang masyadong galaw kasi madi-distract daw ang mga tao sa amin sabi ng aming directress. :) Minsan di maiwasan, nagiging pasaway. :D

let2m26
07.11.24, 11:26 AM
sa amin sa side ng altar kaya nga di pwede magkwentuhan kasi kitang kita kaya focus ka dapat sa misa...

klybrielle
07.11.24, 03:13 PM
maganda ngang topic ito ah... dalawa ang pwede naming pwestuhan. dpende sa misa. kumakanta kami sa choir loft at sa tinatawag naming choirbench. choirloft nga namin ay sa taas sa likod. kumakanta lang kami dun pag highmass(tama ba ung tawag ko dun o ung spelling ganun nga ba ung highmass na tinutukoy ko??) pagkelangan ang grandchoir. pag naman sunday mass or novena mass or wedding dun lang kami sa choirbench. diba ay left and right side ang church na pinepwestuhan ng mga people? nakajoin kami sa knila, siyempre reservedseats ung samen. dun kami sa kanang bahagi ng simbahan at siguro 10seats from the altar ang seat namin.... ganyun po... mejo pasaway din minsan ang members. d maiwasan kasi magkakachokaran talaga...

thenonhacker
07.11.26, 09:20 PM
Kami sa Choir Loft.

Pag Holy Week either sa right side (facing the altar) or choir loft.
I prefer sa baba pag Holy Week, mainit kasi sa choir loft sa ganyang panahon.

Ang advantage sa Choir Loft, puwede kaming mag-practice sa labas (may pinto leading to the roof of the church lobby. Also, malayang mag-coordinate with the members and choir master, especially for parts with solo vocalists.

ana_hingpit
07.11.27, 03:27 PM
sa right side ng pari kasi pag sa lof kami kumakanta hindi na kami nakikinig sa homily...kaya pinagalitan na kami..

simpatico
07.11.27, 03:36 PM
sa right side ng pari kasi pag sa lof kami kumakanta hindi na kami nakikinig sa homily...kaya pinagalitan na kami..

Totoo yan ana. yun nga mga members ko ganon din. nagdadaldalan na dun sa itaas minsan, kahit mahina lang yung boses nila dahil sa sabay-sabay parang nag-uusap rin sila ng chorus. ano ba 'yan ako naman, hindi paawat sa kakasaway sa kanila. naiinis na nga ako minsan eh. Talagang sinusulat ko dun sa board yung malaking malaki talagang katagang SILENCE!!!! dun sa blackboard sa sobrang inis ko.

thenonhacker
07.11.27, 09:33 PM
sa right side ng pari kasi pag sa lof kami kumakanta hindi na kami nakikinig sa homily...kaya pinagalitan na kami..

Depende siguro sa language ng homily at sa pari.

Pag Kapampangan ang homily, di ko gaano ma-absorb. Preferred ko Tagalog or English.

Pag magaling sa public speaking and delivery ang pari makikinig naman lahat without even trying.

reagan
07.12.01, 08:36 PM
Kami, among the congregation.... ang choir stand kasi katabi ng mga nagsisimba...

Atom101
07.12.05, 07:51 AM
Kami sa likod-taas (choir loft) hehehe kaya ang dami pasaway...(myself included)

yung iba, pag homily, bumababa, at lumalabas para magyosi... hehehe (kala siguro nila, tambayan ang simbahan)

magulo, naghaharutan... pero dati yun... ngaun, di na pweds...

kase napagalitan na kami... (kaya sa gilid na lang ng choir loft nagyoyosi.... joke! :))

ano nga ba ang mas magandang pwesto? sa likod-taas or sa harap...???

kase ako, mas preferred ko pag kasama sa ibaba... mas malapit sa tao... sa taas, parang impersonal... tsaka prone sa kulitan... di ko naman pwede ihulog sa choir loft yung makukulit... kase baka me mabagsakan sa ibaba hehehe...

wala naman ako magawa... kse yung majority ng servant leaders ng mga choirs, gusto sa itaas... sana kung maganda ang sound system namin, kaso... teka-teka lang... isa pa, ang hina ng organ namin... hehehe 19-kopong kopong pa, kaya tuloy, nagdadala ng kanya-kanyang gamit yung mga choirs... (sariling organ, sariling mics, sariling merienda.. este di pala kasali yun...)

yun... yan ang pwesto namin, at ang present set-up namin sa church... magulo no? pero masaya... hehehe

bhongkee
07.12.15, 12:09 AM
nasa right ng pari ang aming choir..

bingo
07.12.15, 09:50 AM
dati sa right side malapit sa altar pero lumipat na kami sa choir loft kahapon...

coroangelicus15
07.12.15, 02:31 PM
sa tabi ng pari... para nagkakaroon kami ng communication habang sine-celebrate ang mass... para maganda ang flow ng Mass.

Dun kami sa right side ng altar... bale left ng pari kapag nakaharap siya sa mga tao...

Kailangan kasi na may eye-to-eye contact kami ng pari para tuloy-tuloy ang sequence ng Mass at para din mas nauunawaan ng lubos ng mga choir members ang Mass... sa ganoong paraan, naiiwasan ang mga pasaway habang nagmimisa...

Cinderella
07.12.27, 11:04 PM
Ours is sa gilid din ng pari...left side pag nakaharap sya sa mga tao :)

deathkill00008
07.12.28, 05:30 PM
prang kaparehas nung kay atom ung samin... un nga lang nkaharap kami sa altar... at xempre minsan daldalan din.

pero nagkakaroon aman ng oras pra mkpagpraktis..
haha

louie
07.12.29, 09:23 AM
...sa left side kami ng pari...:)

Nikolo De Solo
07.12.29, 03:55 PM
nasa side kami along with the congregation, nasa what I may call a "choir chamber" dahil wala namang choir loft ang church dito sa Dubai. Sa daldalan, wala kami problema tungkol dun since all of the members in our choir are professionals, matured and disciplined so we don't indulge in such things. Atsaka marami nakasabit na mic sa ceiling sa taas namin kaya ano mang usapan na mangyayari sa loob ng choir chamber ay maaaring marinig at makita ng congregation.

d0d0fer
08.01.01, 09:51 PM
Nakapwesto ang choir namin kasama ang congregation sa left transept ng cruciform church. That's the priest's right side from his point of view facing the congregation.

simpatico
08.01.02, 09:14 AM
nasa side kami along with the congregation, nasa what I may call a "choir chamber" dahil wala namang choir loft ang church dito sa Dubai. Sa daldalan, wala kami problema tungkol dun since all of the members in our choir are professionals, matured and disciplined so we don't indulge in such things. Atsaka marami nakasabit na mic sa ceiling sa taas namin kaya ano mang usapan na mangyayari sa loob ng choir chamber ay maaaring marinig at makita ng congregation.

Nikolo, taga dubai ka pala... akala ko muslim lang ang religion diyan...

titopao
08.01.02, 10:56 AM
Nikolo, taga dubai ka pala... akala ko muslim lang ang religion diyan...

While the United Arab Emirates is still a predominantly Islamic nation, it also has Christian churches and Hindu and Buddhist temples as well. Dubai (UAE) is one of the more liberal nations in the Arab peninsula.

Don't let biases and stereotypes get into you.

batutz
08.01.03, 08:59 AM
nakapwesto ang choir namin s mezanine s right side ng church nmin..pero under construction church namin kaya ililipat ata ang choir loft s mezanine parin pero facing the altar n..:)

simpatico
08.01.03, 10:57 AM
While the United Arab Emirates is still a predominantly Islamic nation, it also has Christian churches and Hindu and Buddhist temples as well. Dubai (UAE) is one of the more liberal nations in the Arab peninsula.

Don't let biases and stereotypes get into you.

ah.. kaya pala...

ronsanchez
08.01.04, 01:06 PM
Happily, our church/shrine was constructed fairly recently (1998 ). and the designers made sure there is a huge choir loft at the back which could easily sit 100 choir members (should there ever be one) with room to spare.

simpatico
08.01.04, 01:43 PM
Happily, our church/shrine was constructed fairly recently (1998 ). and the designers made sure there is a huge choir loft at the back which could easily sit 100 choir members (should there ever be one) with room to spare.

wow grabe pala 'yan.. 100?! ang saya naman...

Papeng
08.01.04, 02:08 PM
Gud day to everyone! I'm raphael, a chapel choir member in Las Pinyas City & a newbie in this online message board... :) Re: topic, our chapel can only cater 300+ people. Thus, chapel choirs are advised to situate at the left side of the priests in order to minimize space. Btw, we are still in the stage of determining its pros & cons... Haha! God bless! \m/

titopao
08.01.04, 02:43 PM
Gud day to everyone! I'm raphael, a chapel choir member in Las Pinyas City & a newbie in this online message board... :) Re: topic, our chapel can only cater 300+ people. Thus, chapel choirs are advised to situate at the left side of the priests in order to minimize space. Btw, we are still in the stage of determining its pros & cons... Haha! God bless! \m/

Hi Papeng! My regular choir service is in a chapel that can cater to a little less than the number of people as in your case, so I have an idea of how large (or small) your chapel is, more or less :)

May I know what is the layout of your chapel (and also, how long/wide)? So that I can help you look into the pros and cons that you need to determine. Just so you know...our chapel has two columns of pews, with an extra wing at the left side that originally houses the caros for processions. My choir is located on this extra left wing (no pun intended :) ).

titopao
08.01.04, 02:46 PM
Re ronsanchez: kung ganyan din lang kalaki ang choir loft nyo at kaya ng budget nyo, kaya nyo palang invite ang lahat ng JMM artists (including the mini-orchestra Musica Chiesa) para kumanta sa isang misa. And may space pa para makisali lahat ng members ng choir mo!!! LOL

punkprincez_muziklover
08.01.04, 05:08 PM
Sa mezzanine nakapwesto yung choir namin:)

korista22
08.01.21, 01:40 PM
kami sa gilid.. hehe pero pinapangarap namin magkaron na ng mezzanine ung simbahan namin, para masaya... hehe

Papeng
08.01.21, 03:01 PM
Thanks for asking titopao. Sorry for the very late reply. Our chapel also has 2 columns but each column has 2 sets of pews. Moreover, our chapel has significant amenities such as mini mortuary in the left side & a sacristy (beside the choir area) in the right side. Both are facing the altar. Can you now visualize the lay-out? Pardon for the not so clear explanation...Hehe. We just observe that it's quite difficult to sing whenever there's a big congregation given the fact that we only use a single microphone. We also believe that the greater echo, the greater the chance for better output... Can you give us some helpful tips? Thanks! God Bless!

Tristan
08.01.24, 11:48 AM
Kami sa gilid, left wing ng altar. Minsan sa mezanine kapag hindi marunong nga organ ang tutugtog. Pero mas masarap sa malpit sa harap, para hindi masyado distracted and mga choir members. Sa taas kasi kita lahat ng galaw ng nasa baba.

gdtrinos
08.01.24, 01:42 PM
Dati sa mezzanine pero medyo luma na yong mezzanine kaya pina lipat na lang kami sa left side malapit sa altar.

dhail reimantz
08.01.24, 10:30 PM
sa may left side baba ng altar. di kami masyado makita ng congregation kasi konti lang kami at marami ng nakaupo sa likuran namin kasi we are using the front pews. we are suggesting that we build a riser para medyo naka isolate kami sa ibang parishioners, nakaka distract din kasi.

per_2_cris
08.01.27, 07:27 AM
Sa Parish namin yung Simbahan (OMPH) meron choir loft kaya dun kami naka pwesto :)

centrunion
08.03.02, 01:44 PM
Sa amin sa gilid ng pari. Meron yatang directives from our diocese na ang choir part ng congregation. Yong simbahan namin malaki ang space sa mezzanine pero doon kami sa gilid ng pari sa may baba.

edmon
08.03.03, 09:35 AM
kami sa left side ng altar. me choir loft kami kaya lang ayaw na ipagamit kasi dapat daw ang choir ay kasama sa congregation.

kenmuyot
08.03.04, 08:09 PM
kami dati sa right side ng pari... pero last sunday lang biglang sa mezzanine na... kaso, ung mezzanine ay pwde ding simbahan ng tao kaya minsan nakadidistract din... :(

hmmm for me, cguro mas maganda sa mezzanine kung medyo madami ung members ng choir dahil parang umaapaw ung harapan ng simbahan kung sama sama ung choir at nagsisimba plus ung bulky pang organ... one more thing, mas mahangin sa mezzanine. :yes:

kenmuyot
08.03.04, 08:12 PM
kami dati sa right side ng pari... pero last sunday lang biglang sa mezzanine na... kaso, ung mezzanine ay pwde ding simbahan ng tao kaya minsan nakadidistract din... :( minsan nga nahugot pa nung isang manong na nagsisimba ung saksak ng organ eh. :glare:

hmmm for me, cguro mas maganda na din sa mezzanine kung medyo madami ung members ng choir dahil parang umaapaw ung harapan ng simbahan kung sama sama ung choir at nagsisimba plus ung bulky pang organ plus ung buhol buhol pang wire ng mic... one more thing, mas mahangin sa mezzanine. :yes:

bingo
08.03.04, 10:30 PM
sa choir loft kami nung advent pa, pero bababa kami malapit sa altar after easter

Carl(DM3)
08.03.05, 09:24 AM
Nakapwesto ang choir namin sa gilid ng pari.

ionolec
08.04.08, 05:29 PM
Sa amin, we prefer sa choir loft, para hindi ma-di-distract ang mga tao sa mass. Comfortable din ang choir with this arrangement para di naman sila tinitingnan ng mga tao.

chitto
08.04.08, 06:48 PM
mas pabor samin ang nasa side ng altar, mas madali kaming nakaka-interact sa pari, commentator and sa mga tao. isa pa ngang disadvantage para sa amin ng nasa choir loft e tempted ang members magdaldalan or hindi fully maibigay ung buong oras sa service.

yuweh
08.04.09, 10:10 AM
may choir loft po sa simbahan namin. we maximize the use of our facilities.

rhapsody888
08.04.09, 10:44 AM
Dito naman sa chapel namin, nakapwesto ang choir namin sa right side facing the altar...kaso lang, tuwing kumakanta kami every sunday, pagdating nang mga bandang alas syete (7:00am) ng umaga, masyado nang mainit sa pwesto namin, natatamaan kasi kami sa sinag nang araw. pero ok lang, sabi nga nung choir conductor namin, "it is a kiss from God"...under construction pa kasi yung chapel namin which is soon to be a parish..

recoletomusic
08.04.13, 01:11 AM
We have a choir loft in our chapel pero we don't use it. It's because hindi bagay sa architecture ng chapel namin ang pagkanta sa choir loft.

We sing down the sanctuary, together with the congretation, but placed in front of them. I proposed to the chaplaincy administration the conversion of the choir loft into a music commission office. Syempre, it will be covered for it not to desecrate the church.

empauls
08.04.14, 04:12 PM
sa amin sa gilid ng altar. dati sa choir loft sa taas e. kaso its more proper daw kung ang choir ay kasama ng congregation.

ernanibaetiong
08.04.14, 08:04 PM
kami po may choir loft sa parish, salamat at bin alik kami dun kasi dati binaba kami malapit sa sanctuary, hindi naman inayos yung mic placement to fit the new position, buti natauhan ang nakaisip at pinabalik kami sa loft

CaptainBarbel
08.04.15, 10:21 PM
sa palagay ko yung architecture nang parish namin ay naka base sa recommendation nand VaticanII(correct me if im wrong), which is yung altar nasa gitna, pati may baptismal font na kasama, then yung seat nung presider, and lector nasa gitna.
then yung pinakamaganda sa lahat yung choir loft, which is nasa right side nang priest, infront of the congregation and together with the commentator.
Kaya kitang kita nang lahat ang bawat kilos at bawat open nang bibig mo..hehe

sjclc
08.04.17, 10:52 AM
Dati ginagamit namin ang choir loft tuwing Simbang Gabi, dahil doon pinakamaraming nagsisimba, at nagiging crowded sa baba. Pero mostly ay malapit kami sa altar, hindi exactly next to the priest, medyo malapit lang, bandang harap. Hindi na kasi masyado namemaintain ang kalinisan nung loft eh. At since tapat sa stainglass yung choir loft, medyo mainit kapag maaraw.

cloud45
08.04.30, 10:58 PM
Kami s office nmin, s gilid lng kmi ng pari eh.Minsan s kaliwa minsan s kanan.ewan ko b...

meLanchoLic_
08.05.13, 08:04 PM
sa ngaun nasa choir loft kami
pero apg lipat namin sa new church baka sa gilid na kami
hndi kc cla nagpagawa ng choir loft dun???

ednavaliente
08.05.15, 05:58 PM
yung isang church na kanakantahan namin, nasa left side kami ng altar where the celebrant can easily give signals (kung wait sya ng intro for chanting, etc.) sa kabilang parish naman, doon kami sa choir loft.

allen lucas
08.05.15, 10:13 PM
Sa choir loft kami naka pwesto medyo mahirap mag accompanya pag may cantor na kumakanta ng salmo altar kase delay ang tunog.

d0d0fer
08.05.15, 11:50 PM
Sa choir loft kami naka pwesto medyo mahirap mag accompanya pag may cantor na kumakanta ng salmo altar kase delay ang tunog.

Kailangan mo at ang cantor ng monitor speakers sa tabi niyo o lumapit kayo sa loudspeaker. Dapat naka mic mabuti ang gitara mo para malinaw na naririnig ng cantor sa speaker niya. Mahirap talaga sabayan pag magkalayo kayo ng cantor.

allen lucas
08.05.16, 01:04 AM
Kailangan mo at ang cantor ng monitor speakers sa tabi niyo o lumapit kayo sa loudspeaker. Dapat naka mic mabuti ang gitara mo para malinaw na naririnig ng cantor sa speaker niya. Mahirap talaga sabayan pag magkalayo kayo ng cantor.

kulang talaga kame sa monitor sa church, ayaw kase maniwala ng parish priest namen na delay talaga kame sa harap, kaya minsan parusa pag nasa harap ang mga singers namen.

bobreyes
08.05.17, 11:16 AM
The Choir in our parish sits at the first five pews from the altar.

barrioj1
09.04.05, 03:16 AM
kami nsa right side kung nakahrap ka sa altar. katabi namin yung commentator. hehehe :)

robgreyes
09.04.05, 06:33 PM
sa right side ng altar din kame, katabi ng commentator. pero this holy week celebration, sa choir loft kakanta ung grand choir namin.

cardinal_jaf
09.04.05, 10:07 PM
most churches na kinakantahan namin, sa gilid ng altar. but meron din churches wherein sa choir loft yung pwesto.

jocheben
09.04.05, 11:04 PM
choir loft kami naka-pwesto..matagaltagal din namin 'to pinaglaban kasi dun kami dati sa may altar pero nung nabuo ang parish music ministry kinoconvince namin ang parish priest na gamitin ang choir loft..hayan, dun nga kami naka-pwesto ang problema naman ay ang init sa itaas..hindi kasya sa isang bentilador lamang..kailangan pa ng dalawa para maginhawa ang pagkanta sa itaas.

holychef
09.04.05, 11:51 PM
Kami sa tabi rin ng altar, both sa bisita pati sa parish. Pero pag nirenovate daw yung Parish, lalagyan daw ng choir loft.

Okay sana sa chapel sa gilid kaso lang masikip. May pinto kasi sa may likuran namin at doon dumadaan ang pari sa recessional. I asked kung pwede sa kabilang door nalang dumaan, at the other side of the altar, kaso hindi raw pwede. So hirap tuloy ako sa seating arrangement, mic, OHP and keyboard placement, etc...

ryudo05
09.04.10, 03:35 PM
Kami near the altar sa chapel ng subparish. Sa main parish nasa side din near the altar.

There was a time na inilagay kami sa likod dahil sa laging late ang mga choir dumating every Sunday Mass sa dami ng services na ginagawa with other sub-parishes at para hindi nakaka-ilang sa mga parishioners ang pagdating ng mga choir members nilagay nila sa likod. Pero ang nangyari nakasanayan na ng lahat na ganoon kaya nagdecide sila na ibalik ulit sa side para ma-encourage every music ministry to arrive at least before the mass. (Meron ng parusa late or absence = no service in the main parish).:(

eduserusan
09.04.11, 10:38 AM
Kami po sa choir loft. Pero pag may mga special celebrations (e.g. Good Friday) dun kami sa may altar kumakanta.

qstorm
09.04.23, 11:41 AM
In our case walang maayos na pwesto ang choir, that is, kanya-kanyang pwesto. Meron namang choir loft kaya lang for certain reasons hindi ginagamit:


Structural- because the wooden frame is very old and has been weakened by termite infestation.


Logistical- there is no mic line available and much less, monitor speakers to overcome the sound delay from the altar/lectern to the choir loft and v.v. (the church's nave is quite long).


Coordination- at that distance, unexpected departures from the usual liturgical flow not discussed earlier would be difficult to coordinate by subtle facial or hand signals.


Kaya ganito ang mga pwesto ng choir sa nave:

http://img114.imageshack.us/img114/508/layout1x.jpg

Position "B" is located also between the same structural columns as Position "A", but the choir is facing away from the altar. Both positions also block the line of communicants going to the side altar.

Some years back we have come to the consensus of adopting Position "C", so that everyone faces the altar and the choir can participate more actively in the liturgy. Unfortunately, the other groups didn't bother honor the agreement. Aside from the children's choir, kami lang ang nagpursige na kumanta using Position "C", and successfully at that.

Kawawa naman tuloy si organ, laging kinakaladkad. If the layout of the church were cruciform, the choir location would not be a problem.

pinkhdxbchampange
09.04.23, 07:38 PM
nasa side kami along with the congregation, nasa what I may call a "choir chamber" dahil wala namang choir loft ang church dito sa Dubai. Sa daldalan, wala kami problema tungkol dun since all of the members in our choir are professionals, matured and disciplined so we don't indulge in such things. Atsaka marami nakasabit na mic sa ceiling sa taas namin kaya ano mang usapan na mangyayari sa loob ng choir chamber ay maaaring marinig at makita ng congregation.

No need to explain nasabi na lahat ni NIKOLO ang kaibahan nga lang mabungisngis ang choir namen ahhahaha...ang hirap pa nyan pag ako nagbigay ng instuction dapat marunong sila mag lip reading kasi lumalabas na litid ko sa kasisigaw ng walang sound eh di pa ren ako maintindihan ng iba...un nga lang minsan me topak ang mic na nakasabit sa ceiling as experienced den ng ibang choir...pag nagsimula na sa pambungad na awit an hinamukhang 2 ceiling mike lang ang gumagana instead of 8...tapos pag homily ayun bigla mo na lang maririnig ung nguynguyan...luk na lang ako sa sky pag masama na ang tingin nung commentator sa amin...dati un...ngayon alam nila na lahat ng mass eh naka videotaped at pinapanood nila kung ano and dapat i improve o ano ang dapat iwasan at ano ang dapat imaintain within the mass...

in my heart
09.04.30, 04:11 PM
meron kaming choir loop...buti nalang, kasi maingay ang mga choir lalo na yung mga matatagal...kung minsan tinitingnan kami ng pari sa taas kasi ang iingay nga mga choir members....:)

titopao
09.04.30, 04:14 PM
meron kaming choir loop...buti nalang, kasi maingay ang mga choir lalo na yung mga matatagal...kung minsan tinitingnan kami ng pari sa taas kasi ang iingay nga mga choir members....:)

It's "loft", not "loop". "Loop" connotes something else ;)

in my heart
09.04.30, 06:35 PM
thanks po! X-|

Ana Maria Licup
09.04.30, 11:24 PM
Before, we used the risers on the right side facing the altar. Now, we choose to stay in the pews still at the right side of the altar.

There's a plan by our parish priest to build a choir loft above the main door of the church. I hope the plan materializes. :)

rammstein
09.05.04, 03:38 AM
dun lang kami sa right side ng altar... :)

nmerencilla
09.05.06, 04:45 PM
Sa parokya po namin dati doon kami sa itaas pero nung naayos napo yung choir area lumipat po kami malapit sa altar. may reason po kasi yun paglipat namin sa baba, ang sabi ng aming pari the choir is also part of the community or the assembly attending the Holy Eucharist if you (the choir) will be up stairs you are isolating your self to the assembly. :)

prince_paolo
09.05.19, 05:01 AM
We never use the choir loft na. Kasi may ibang choir na matatanda na yung members, di makaakyat. Haha!Sa side kami ng church, malapit sa altar. May ginawang area sa may wall. Binutas yun, tapos gumawa ng parang room, na may stadium style seats.

Berry
09.05.19, 09:32 AM
Sa left side sa ibaba ng altar where the commentator is.

ednavaliente
09.05.25, 12:14 PM
while sa left ng pari kami nakapwesto ngayon, the new parish priest is thinking na ibalik kami kasama ng congregation sa front ng altar...

kasparov23
09.06.05, 11:16 AM
Before we used to sing at the loft. I personally think its better there kasi we get to prepare songs beforehand with liberty nang wala kang iniisip na mga taong nakatingin sa'yo. However, a representative of a certain organization from our parish (composed of "experienced" ladies) suggested our parish priest to have all the choirs sing beside the altar para daw mas makapag-focus kami sa misa at hindi puro daldalan lang pag homily. We did not know how they got the info (pinapanuod ba nila kami?) or they're purpose for the matter. Finally, since institusyon ung organization nila, the parish priest decided to try it out for a few weeks and see if it will work... Kaya for now sa gilid kami ng altar. Ok lang naman sana to just ask us na kumanta sa baba, hindi yung ginawan pa kami ng isyu para lang mailipat kami ng puwesto.

Yung lang po. Godbless!!! :)

Monching
09.06.05, 12:16 PM
Kung sa chapel namin nakapwesto choir namin right side ng Altar mga 5 meters away from the altar.

Kung Sa parish naman nakapwesto choir namin left side ng Altar mga 12 meters away from the altar.

LMacaranas
09.06.05, 01:04 PM
Before, yung choir namin nakapuwesto sa itaas, para siyang terrace directly facing the altar, pero sa taas ito ng entrance door ng simbahan kaya medyo malayo sa altar.
Maraming problemang nangyayari. Unang-una, very prone ito sa pagdadal-dalan ng choir kasi di naman sila directly nakikita ng pari o ng mga nagsisimba. Secondly, ang hirap makipag-communicate sa pari o sa commentator kapag may instructions sila or vice versa. And lastly, nagiging tambayan siya ng mga choir. Minsan, nagiging "ligawan" area.
Buti na lang, naisipan talagang ibaba yung choir area malapit sa altar and kita ng mga tao. Atleast ngayon, lahat ng mga sinabi kong problema, namimitigate na.

saxcruz
09.06.06, 01:35 PM
Dito po sa amin sa Parish ni St. Monica sa Angat, Bulacan, ang choir loft po namin ay nasa mezzanine. Dun po kumakanta ang choir every saturday anticipated mass and sunday masses. pagnaman po weekday masses yung choir po at tumutugtog ay sa harap po kasama ng mga tao na nagmamass. Basically, dahil na rin po sa structure ng church kaya dun nakapwesto yung choir sa mezzanine pag saturday and sunday

bossbien
09.06.07, 11:54 PM
kami sa choir loft ang layo sa altar pero may sound system kami di naman namin prublema yung daldalan sa choir mas nakakakilos din ng maayos ang choir master kasi wala nakatingin pwede nya i remind ang choirs sa mga notes ng walang nakaka alam o nakakaistorbo sa mga nag sisismba

barrioj1
09.06.14, 11:54 PM
Hehehe. Nasa gilid pa din kami ng prish priest namin. Hindi pa din kami nalilipat ng pwesto. :):):)

lawyerkuno
09.06.21, 12:47 PM
Dati po para lang kaming mga ordinary parishioners na nakaharap sa pari pero po sinusubukan na namin ang humarap sa tao at katabi na kami ng pari ngayon.:)

jhung
09.06.21, 02:37 PM
nasa left side kami ng altar medyo ilang metros lang kalayuan namin ng pari..dati daw is nasa tabi ng pari naka pwesto yong choir.eh ngaun is malaki na yong simbahan so kahit saang sulok kami nakapwesto,makikita pa rin kami..hehehehe.:)

maj
09.06.23, 09:54 PM
nasa left side po, sa mezzanine, pero nakaharap kami sa tao...palapad nga po ang tayo ng choir..napakahirap i-conduct..huhuhu:cry:

barrioj1
09.06.23, 11:11 PM
Hayz, ngayon na madami na kaming mga new members. Naku, hindi na kami magkasya sa pwesto namin. Balak ko na ngang magkaron ng batches sa pagkanta eh. Hahahaha. Cheers :):):)

kasparov23
09.06.24, 07:33 AM
Naku, hindi na kami magkasya sa pwesto namin. Balak ko na ngang magkaron ng batches sa pagkanta eh.

Congrats bro. At least kayo hindi magkasya... Kami pag gusto ng pari sa gilid kumanta nakakahiya... di man lang mapuno yung isang bench... ahehehe...

casper89
09.06.24, 10:30 AM
Pare-pareho po pala halos yung puwesto ng mga choir natin, nasa rules ba yon na dapat kung saan nakapuwesto yung choir?

czyre
09.06.25, 09:39 AM
Dati po para lang kaming mga ordinary parishioners na nakaharap sa pari pero po sinusubukan na namin ang humarap sa tao at katabi na kami ng pari ngayon.:)

Kung saan comfortable ang choir doon sila umuupo. Hehe...

nlim
09.06.25, 08:23 PM
We have been in front like the congregation, on the left, sa chpir loft then ngayun sa right nave ng simbahan. Di pa rin tapus ang choir loft at mukhang mahirap pumanhik doon at spiral staircase yata ang illagay.:)

Alexander
09.07.01, 12:25 PM
Sa amin walang choir loft, kaya kasama ang organist at choir sa congregation

haeroman
09.07.01, 08:40 PM
Kami wala ring choir loft. Pero kahit siguro may choir loft kami, kasama pa rin kami ng congregation kasi we were advised na dapat hindi nakahiwalay ang choir. ??? Di rin daw dapat directly nakaharap sa tao kasi we should lead the singing and not have it like a concert. So we ended up facing them sidewards (wala kami sa harap kundi sa side nila) ... hmmm ... I hope I was clear.

Dati nasa right side kami ng congregation pero lumipat kami sa left side kasi nagdagdag ng speaker sa upper right ng simbahan, which caused feedback sa mga mic namin :blush:

Mahirap yung puwesto namin kasi dumadami yung members namin and we can only have 2 lines. So palapad ng palapad yung formation namin ... ang hirap tuloy din i-conduct :(

Alexander
09.07.02, 10:04 AM
Mahirap lang yung me choirloft na kasama ng congregation kasi matatakpan yung mga mass goers sa likod ninyo ;)

fhayeobra
10.02.23, 02:34 AM
kami po nasa front, right side ng church 'pag nakaharap sa altar.. gilid.. at 'di nakakaharang sa mass goers kasi malawak naman po ung space.. maganda rin po ung spot ng choir loft namin kasi kitang kita kami ng mga parokyano 'pag kumakanta kami.. :):):)

barrioj1
10.02.25, 12:37 PM
Naku, kami po nailipat na sa Choir Loft. Ayun, lumakas voice namin pakinggan sa buong church kahit walang mic. Kaya lang nsa likod kami at ang taas. Kung malabo mata mo, di mo na maaninag si father.

jeval
10.02.27, 06:30 PM
kami, sa right side ng pari pag nakaharap siya sa congregation (tama ba spelling ko hehehe) one way rin yun para coordinated ang actions namin... Yun nga lang maraming restrictions dahil unting galaw mo lang nakakatawag agad ng pansin ng mga tao...

adikted1208
10.03.02, 12:51 PM
dalawa po ung kinakantahan namin ngayon, pero parehong sa gilid kami. although nagpapagawa kami ng bagong simbahan sa village namin and kapag natapos na un, dun na kami sa mezzanine..

covenant
10.03.02, 01:28 PM
pag sa san felipe parish kami.. sa left side ng altar kami.. pag dito sa chapel sa amin mismo sa left side din pero sa lalagyan ng mga images hehe.. may loft sa chapel kaya lang masyadong malalaki yung amp at keyboard namin para iakyat pa run.. plus yung hagdan nya is pa spiral kaya mahirap mag akyat at baba ng gamit., pag kami duty sa misa 3 amp, 1 keyboard,plus yung PA system ang dala namin.. kaya sa baba lang kami!

Emerald
10.03.02, 05:50 PM
kami nasa back part narin sa wakas nakaka.ilang kasi pag nasa gilid ng mezzanine.. hehe kasi parang may nagmamasid lagi sayo hehe,,

Alexander
10.03.04, 08:55 AM
Kami kasama ng congregation sa pews and next to the organist.

fernansilva69
10.03.04, 07:58 PM
kami right side din katabi ng commentator

naz 08
10.03.07, 12:34 PM
kami dati sa ibaba sa gilid ng pari pero ngayon sa itaas na sa visible sa lector.

jhe_enriquez
10.07.07, 10:55 PM
kami poh s HJMP s gilid poh ng pari peroh pag marami pong taoh s mezzanine...

aweljr
10.07.18, 01:59 PM
whether on the side or in the choir loft at the rear side or upper side, it does not matter. What matter is if the choir distracts the faithful form prayer, e.g., chatting on the side or making lots of movements.

rac.roldan
10.07.18, 11:27 PM
mezzanine. the choir loft's at the back of the church (which does not have good acoustics, anyhow).

axlcat0203
10.07.27, 08:05 AM
kami sa left side ng altar. xnxa na po but the location of the choir matters. the choir is still part of the assembly kaya d pdeng kung san san lang. dapat po malapit p rin sa tao. un din kc gusto ng parish priest nmin, dti kc nasa taas kmi, tapos nilipat sa baba.

vicMTBLP
10.11.11, 10:29 AM
kami sa left side ng altar din....

reginacaelichoir
10.11.11, 02:42 PM
sa amin n man, facing d altar left side kami, dun sa parish namin 2...., natatandaan q nung nsa elementary p aq, bandang kanan but 8 was chnged wen i was n hyskul..., sa isang shrine n man, nung unang2, facing d altar ryt side kami, malapit lng kami sa presider's chair, inunahan qng umatras ng kaunti sumunod n man ung ibang grupo, umatras n nman aq ng kunti, sumunod n man cla hanggang sa malapit na malapit n kami sa upuan ng mga nagsisimba..., ung target q, dun kami uupo kasam ng mga ngsismba...,

reksuyah
10.11.23, 11:52 AM
by the December 15, dun na daw kami kakanta sa choir loft... ilang dekada rin na hindi nagamit ang choir loft.

Emerald
10.11.23, 02:45 PM
maalikabok na don kuya hehe! pero atleast pinagamit na sa inyo ulit congrats!

rhedzville
10.12.06, 11:01 AM
kmi poh right side ng pari...pero sbi pag tapos na ang loft don n kmi....hehehe...parang mp3 nlng kmi na tunog lata...

D'MECC
11.01.12, 04:36 PM
sa amin nasa kanang bahagi ng altar... pero suggest namin sa parish priest namin na balik kami sa mezzanine.... kai kumuntra yung vican priest namin kasi vatican I style pa daw yun

Ms.Jonalyn
11.04.27, 12:08 AM
sa amin sa right side of the altar pag nakaharap ka sa altar..

smooth
11.04.27, 10:03 AM
Kami sa likod ng congregation naka puwesto. At dahil medyo malaki laki ang simbahan ang hirap timplanhin ng sound system. Ung cantor at pari palaging na dedelay ang pasok sa pagkanta.

mike kiddie
11.04.27, 11:57 AM
sa right wing ng simbahan. malapit sa mga tao.....

hig32
11.04.27, 04:25 PM
2nd Floor right side ng mezzanine.. pero mas maganda sana kung sa center. :)

knightdom
11.10.19, 09:45 PM
kami nasa left. if sa church e nasa may altar ng Mother of Perpetual Help. If sa hall naman e nasa left side ng altar (halos katabi na namin si padre) madami kasi ang nagsisimba so kelangan kami magkasya.

clare_smiles
11.11.18, 04:01 PM
right side of the altar pag nakaharap ka sa altar... :)

pewee1993
11.12.17, 03:50 PM
sa taas po sa koro kaharap po ng altar

chrisjames
12.01.30, 01:37 PM
kami sa right wing ng simbahan,, sa baba lang ng altar,,, pero plano nang parish priest nami magpa construct ng choir loft para daw dun na kami,,, parang babalik ulit sa vatican 1

marlo_27
12.02.02, 09:57 AM
Sa amin sa right side ng simbahan, pagnakaharap ka sa altar, malapit sa congregation, dati sa taas. C:

Migs
12.03.17, 08:47 PM
Choir loft, located just above the entrance of our parish :)

View from the altar facing the congregation and the choirloft:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150469871107719&set=a.10150223520717719.336407.827267718&type=3

View from the choirloft:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150469871492719&set=a.10150223520717719.336407.827267718&type=3

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150481170462719&set=a.10150223520717719.336407.827267718&type=3

sensen
12.04.25, 01:47 PM
Nasa mezzanine po kami kumakanta. Kaya nga minsan ang ibang members ng choir nakatsinelas at nakashorts lang pag nagseserve. Minsan yung iba dun natutulog pag hindi pa oras ng service. Ang pangit ngang tingnan. Yung mga nasa simbahan nagiging hindi magandang example sa mga ordinary lay.

cefelicitas
12.04.26, 12:36 PM
me choir loft iyong parish namin. dun din kami sa likod ng congregation nakapuwesto. i agree na sometimes, hindi na namin macontrol ang behavior ng mga members since malayo naman at hindi kita ng pari or ng congregation. though iyong dress code at pagiging late medyo nacocontain namin dahil kita ng pari iyong stairs going to the loft, so pag late ka, kita ka. or worse kung hindi ka nakaproper dress code, masisita din ang group. :)

MARC
12.05.06, 10:02 PM
Before, sa choir loft kami. Kaso hindi kasi maiwasan na may mga members na pasaway. Ayun, pinalipat kami sa right side ng altar. Tapos ngayon nasa mga pinakaunahang pews na kami, kasama ng buong congregation.

SCC_Minstrels
12.09.19, 01:44 PM
Sa church namin: Sa choir loft kumakanta mga choirs :)

Michael Jan
12.09.19, 10:00 PM
Dito sa St. Michael Parish, Tolosa, Leyte, depende lang sa choir kung saan sila kakanta: sa mezzanine o sa right side ng pari. Tatlo kasi ang choir dito: Choristers, El Shaddai Gospel, at Grand Choir. Pag mas bata pa ang members o kunti lang, sa choir loft sila kumakanta. Kahit sa choir loft man, o sa right side ng priest sila kumakanta, mayroong mga pasaway before na nagshoshorts, sneakers , at mga nalelate. Pero, buti nalang na disciplined na ngayon ang mga choirs. Thanks be to God. ;)

Jim Lopez
12.10.26, 01:35 AM
Kami sa first couple f rows kasama ang congregation sa left side ng pari.

MarkAlcazar
12.12.28, 01:04 PM
kami po ...sa left side ng
pari

AdamdelRosario
13.03.07, 10:39 AM
minsan po sa choir loft . . minsan po sa gilid malapit sa altar . . .
pag nasa choir loft po kc ung iba chismisan ng chismisan . . .kaya pag nasa gilid kmi malapit sa altar behave cla . . :)

cherrylyn_79
13.03.28, 02:26 AM
Yung choir po namin sa Choir Loft kumakanta since christmas of 2011 dahil every christmas po kasi ay nagdidisplay ng malaking christmas tree sa may pwesto ng choir kaya inililipat kami sa choir loft...since then, hindi na kami pinababa na aming parish priest. But as far as I can remember, may naattendan po akong Liturgical Music Seminar noon na nagsasabi na hindi dapat inihihiwalay ang choir sa mga tao..hindi sila dapat nasa choir loft or mezzanine.

barrioj1
13.04.08, 03:50 PM
Sa ngayon, we have been transferred near the alter as the boom mic were positioned there. haha :)

ThePianist03
13.04.08, 04:18 PM
Nakapwesto po kami sa choir loft. Kahit na alam mong di sila magbebehave. Haha. But we implement very STRICT rules. :)

aramis_215
13.04.19, 09:14 AM
Ang choi namin nakapwesto sa gilid ng pari. Need nyang makita kami para sa mga senyas kung kakanta na kami o huwag muna. Pero nagkakaintindihan na kami ng pari sa tingin lang.

MarkAlcazar
13.05.15, 01:31 PM
sa ngayon.. sa gilid kami ng pari nakapuwesto.... pero po hopefully next year sa mezzanine na kami...:)

gerald0614
13.05.15, 07:21 PM
Sa gilid po ng pari.... pero i think mas maganda kung sa mezzanine para mas maganda ang tunog... mas may reverberation.... :)

kevinsteph19
14.01.07, 09:23 PM
kakalipat lang namin sa gilig ng pari..sa case namin mas nkaganda siya ngayon.. kasi mas nagiging behave yung mga choir kasi nasa harap sila..at wala sila kundi wag magkulit sa misa!haha :)

ThePianist03
14.01.11, 07:38 PM
Nakapuwesto po kami sa Mezzanine, dito po sa aming Santuario.
Pero po sa mga chapels, sa gilid po ng pari. :)

knightdom
14.01.14, 02:54 PM
kami naman yung pwesto e depende sa venue kung saan gaganapin ang misa. Pag indoor mass e sa choir stand kami sa kaliwa (2 kasi choir stand pero yung nasa kaliwa nandun yung church organ/keyboard at mga mic at mas malawak yung space). Pag outdoor mass naman e nasa right side kami na kahilera ng stage/altar. Malimit kami outdoor lalo na pag Filipino Mass ng Sunday night kasi sobrang dami nagsisimba, hindi kami kasya sa loob.

iloghalwan
14.02.20, 02:50 PM
dito sa amin, Ang Choir na may sariling gamit, sa Choir Loop kakanta. Ung walang gamit, sa Left side ng Altar. Nasa Left side kasi ung mga gamit na galing sa Simbahan tulad ng Amplifier at Mixer at Mics na pwedeng gamitin ng mga Choir na walang mga sariling gamit. At ung mga Instrumentalist, kanya-kanya ng gamit na Gitara at Keyboard. Sira na kasi ung Dual Layer na Potatone ng Simbahan eh.

RUDOLF27
14.03.14, 03:30 PM
Kung may choir loft or mezzanine naman mas ok.. Samen ganun.. Dati kasi pag nasa harapan minsan kasi nagpapayabangan lang.. Akala mo concert.. Hehe..

Ang problema lang namin sa taas yung sound system..

nlim
14.04.05, 01:14 PM
Why call it mezanine? Choir loft siguro ibig sabihin.

regiegaller
14.05.08, 11:57 PM
Dati poh sa my choir loft pero simula nung inayos ung kisame ng simbahan namen sa my left side na ng simbahan sa harap :)

vicoy
14.06.18, 11:09 AM
sa may side ng altar or minsan sa balcony

YouthCouncil
14.07.10, 02:55 PM
[FONT="Courier New"]right side yung choir loft sa church namin...

xyfher
14.09.10, 03:12 PM
sa choir loft nmen