PDA

View Full Version : Ang Pinaka Maikling Papuri sa Diyos

SaTrIaNi
03.07.16, 04:37 PM
Magtatanong lang po ako kung ano po ang pinaka maikling Papuri/Luwalhati sa Diyos na pedeng kantahin sa mass sino na rin po ang composer, pede na rin po pahingi ng kopya ;D eto po ang email ko necroma0281@yahoo.com salamat po in advance ;D

jeromz
03.07.16, 05:28 PM
sa amin yung kinakanta ay Luwalhati sa Diyos by SVD. hindi ko lang alam kung sino yung composer talaga. alam ko nasa MISA Collection Volume 1 yon.

bajo
03.07.16, 10:01 PM
Dito sa parish namin, yung Papuri ay isang Diretso lang, walang inuulit na chorus. Mas Maikli sa ibang Papuri versions. Compose ito ng isang pari dito.

SaTrIaNi
03.07.17, 09:34 AM
salamat po mga kuya susubukan ko po yung sa misa collection, kuya jojo me pyesa ka po ba ng papuri sa parish ninyo?

bhoyet
03.07.17, 02:56 PM
sa amin rin isang diretso lang ang papuri kaya di ko lang alam kung sino ang composer tanong ko muna siguro tapos email ko sa yo.

apiOng-YPG
03.07.17, 04:49 PM
Sa'min English "Glory to God"
D ko alam kung kanino galing...

Basta ending nun... sagutan ng lalake at babae...

A-men, Alleluia! Amen, Alleluia!
Alleluia A-men.
(Amen) Alleluia A-men (3x)

DiViDe^
03.07.17, 05:20 PM
yung "Luwalhati sa Diyos" by Ryan Cayabyab (Mass for Peace) maikli din... kaisa kay francisco...

archer2422
03.07.17, 05:23 PM
The Misa Collection version of Papuri was done by Nicolas Sengson. Talagang maigsi ito.

Misa Collection is available at some branches of St. Paul's. Para sure, sa Catholic Trade ka pumunta, SVD kasi yun.

Minus 1 is also available, though I am not very satisfied with the orchestration and over-all sound. Parang tunog cowboy kasi, opinion ko lang naman. But the song itself is nicely harmonized.

Kaya lang, the lyrics are not exactly the same as the wordings in the Roman Missal, the reason why some liturgists do not recommend it. Ok sana kung konting words lang ang nabago, masyado kasing nareword yung dasal. Alam mo naman sa liturgy, some authorities can be really strict to the letter.

Maganda rin at fast-paced ang version ni Ryan Cayabyab in his Mass for Peace.

Alexander
03.07.18, 02:51 PM
Pipol,

It's okay to discuss this topic wag lang sanang humantong na parang one song is better than the other, of course every liturgical musician has to use 3 judgements in selecting the right song.

One may be longer than the other because its composer was inspired to do that work or the other way around. so sa palagay ko (my personal POV) it doesn't matter kung mahaba, maiksi , mabilis o mabagal, basta ang mahalaga, maging instrumento ang ting music ministry pra makapagpuri nang mga tao sa Diyos.

allen lucas
04.03.29, 05:57 PM
i have a suggestion may papuri kaming ginagamit dito sa parish namen sa sta. maria bulacan its from sa songbook title "anamnesis" galing ito sa immaculate concepcion major seminary kindly ask kuya jojo kung meron syang scanned piece nito if someone is interested wala kaseng akong scanner sayang

Alexander
04.03.30, 09:35 AM
Paki upload naman sa bponliners briefcase. Thanks

bajo
04.03.30, 09:45 AM
Yup, I have that Songbuk and ALBUM.

Pero hindi namin ginagamit yun. May ruling kase sa Diocese na Ang pagkanta ng Papuri ay dapat isang diretso lang at walang paulit-ulit na chorus.

Ang ginagamit namin ay yung kay Fr. Gboi. I think isa sa pinaka-maikli yun. sang pasada lang.

i have a suggestion may papuri kaming ginagamit dito sa parish namen sa sta. maria bulacan its from sa songbook title "anamnesis" galing ito sa immaculate concepcion major seminary kindly ask kuya jojo kung meron syang scanned piece nito if someone is interested wala kaseng akong scanner sayang

allen lucas
04.04.01, 01:28 PM
kuya jojo,

pki load naman sa briefcase yung papuri ni fr.gboi favor naman kung sakaling naka out na yung books ni fr.gboi na "umasa ka sa diyos" inform mo ako i nid to buy dat book ang tagal ko ng hinahanap yun sbi kase ni fr.gboi sa printing pa lang nung last kameng magkausap

bajo
04.04.01, 02:01 PM
Kaillan mo siya nakausap. Matagal na kse release yung album at songbuk nun "Umasa ka Sa Diyos". Wala na mabibili nun. Meron ako nun, xerox lang, kase ala na ako mabili. May bago sya ilalabas na album, with songbuk. on the process pa lang ng recording. 2 songs pa lang ang tapos.

Try ko i-upload yung pyesa sa briefcase.

kuya jojo,

pki load naman sa briefcase yung papuri ni fr.gboi favor naman kung sakaling naka out na yung books ni fr.gboi na "umasa ka sa diyos" inform mo ako i nid to buy dat book ang tagal ko ng hinahanap yun sbi kase ni fr.gboi sa printing pa lang nung last kameng magkausap

bajo
04.04.03, 06:23 AM
Allen,

Na-upload ko na yung papuri ni Fr. Gboi sa Yahoo briefcase natin.

psalm_choir
04.04.12, 04:59 PM
kuya jojo,

pki load naman sa briefcase yung papuri ni fr.gboi favor naman kung sakaling naka out na yung books ni fr.gboi na "umasa ka sa diyos" inform mo ako i nid to buy dat book ang tagal ko ng hinahanap yun sbi kase ni fr.gboi sa printing pa lang nung last kameng magkausap

Ako din bibili nun, saan po yun nabibili Kuya Jojo

(back to the topic)
Mas maikli ba ang papuri na ito dun sa MISA COLLECTION, yun din walang paulit-ulit e.

bajo
04.04.12, 05:28 PM
hindi na available yung songbook and album na "Umasa Ka sa Diyos" ni Fr. Gboi

Abangan na lang natin yung bagong album.

Ako din bibili nun, saan po yun nabibili Kuya Jojo

(back to the topic)
Mas maikli ba ang papuri na ito dun sa MISA COLLECTION, yun din walang paulit-ulit e.

psalm_choir
04.04.12, 05:34 PM
Pwede po ba humingi ng PHOTO COPY :D

bajo
04.04.13, 08:25 AM
yung Papuri sa Diyos ay nasa Yahoo briefcase na natin

Pwede po ba humingi ng PHOTO COPY :D

sjclc
08.02.02, 11:35 PM
Mas maikli kaya yung kay Ryan Cayabyab sa Mass for Peace?

Junilo
08.02.03, 01:14 PM
Yup, I have that Songbuk and ALBUM.

Pero hindi namin ginagamit yun. May ruling kase sa Diocese na Ang pagkanta ng Papuri ay dapat isang diretso lang at walang paulit-ulit na chorus.

Ang ginagamit namin ay yung kay Fr. Gboi. I think isa sa pinaka-maikli yun. sang pasada lang.

kami din sa aming parokya naghahanap ng maikli, masigla, mabilis at kaaya-ayang PAPURI SA DIYOS..Yung mahahabang PApuri ginagamit lang namin para sa mga special occasions. In ordinary mass , we are advised by our parish priest to sing the Short form of PApuri sa Dios or Luwalhati sa Diyos.

Junilo
08.02.03, 01:15 PM

domontes
08.02.03, 03:56 PM
sa amin din, as much as possible ung pinakamaikling papuri ung kinakanta. Bakit po ba nila pinagbawal ung mahaba?

Nikolo De Solo
08.02.04, 04:16 PM
Even here in Dubai, for the season of Lent yung maikling papuri ang advised na kantahin namin. It is entitled "Papuri/Luwalhati sa Diyos" arr. Nicolas M. Sengson, SVD.

Alexander
08.02.05, 08:53 AM
Even here in Dubai, for the season of Lent yung maikling papuri ang advised na kantahin namin. It is entitled "Papuri/Luwalhati sa Diyos" arr. Nicolas M. Sengson, SVD.

I quote here GIRM No 53

53. The Gloria is a very ancient and venerable hymn in which the Church, gathered together in the Holy Spirit, glorifies and entreats God the Father and the Lamb. The text of this hymn may not be replaced by any other text. The Gloria is intoned by the priest or, if appropriate, by a cantor or by the choir; but it is sung either by everyone together, or by the people alternately with the choir, or by the choir alone. If not sung, it is to be recited either by all together or by two parts of the congregation responding one to the other.

It is sung or said on Sundays outside the Seasons of Advent and Lent, on solemnities and feasts, and at special celebrations of a more solemn character.

Meaning di po ito kinakanta pag Lent (and Advent), with the exemptions as stated, including Palm Sunday, Holy Thursday and Easter Vigil (on Black Saturday). Hope this helps

Nikolo De Solo
08.02.05, 04:02 PM
Medyo na-confused po ako. Kasi po starting this february ito na po ang instructed na kantahin namin in which ang start of Lent is tomorrow (Feb.6). Or is it that the Tagalog Mass here are considered "special celebrations of a more solemn character"? I guess I need to ask for the ideas of my superiors about this matter.

Alexander
08.02.05, 06:40 PM
OT:

There must be really a big confusion.... trust me (when I mean trust me, I really mean it)on this, there is no PAPURI or Gloria in Excelis Deo during LENT.... you even replace the Alleluia with a Lenten Acclamation for the Gospel.

Nikolo De Solo
08.02.06, 01:49 PM
Thanks kuya Alex. I stand corrected. My fault really; to pressume that this specific score was intended for this season for it was given to us almost before Lent. Thank you very much for the clarifications. :)

unbreakable
08.02.08, 01:54 PM
OT:

There must be really a big confusion.... trust me (when I mean trust me, I really mean it)on this, there is no PAPURI or Gloria in Excelis Deo during LENT.... you even replace the Alleluia with a Lenten Acclamation for the Gospel.

i agree with you kuya alex... he he he...

jeval
08.02.08, 08:13 PM
I agree po, walang papuri at alleluya sa lent and advent... Anyway nag upload po ako ng midi file ng luwalhati ni sengson, sana makatulong...

c0rix
08.02.10, 06:11 PM
pwede po bang makahingi ng pyesa at ng mp3/midi ng papuri ni mr. ryan cayabyab?

Alexander
08.02.10, 06:14 PM
Corix, sa request forum po tayo magpost... thanks

bluemurdock
08.02.21, 10:37 PM
pwede po bang makahingi ng pyesa at ng mp3/midi ng papuri ni mr. ryan cayabyab?

elow.. hmm.. if may napadpad na member ninyo sa may bandang Robinson's galleria.. bili kayo ng Mass for Peace songbook ni R. Cayabyab dun sa St. joseph's (nagbebenta ng mga images yun sa may tabi ng EDSA shrine)..
P60.00 - lang.. ahehe.. kumpleto na yun.. may lualhati, alleluya at kordero.. at marami pang-iba.. :):)

yukito1206
08.04.29, 04:23 AM
Hi newbee here. we use Glory to God by Hangad from The easter Journey album. Hindi nakakasawa ang ganda ng voicing.

holychef
08.06.25, 11:51 PM
Meron din po ako alam... Ang nakalagay po sa composer is L. San Pedro...I'm not sure kung si Maestro Lucio San Pedro yung San Pedro na nag-compose...around 3 minutes lang siya...Madalas siyang gamitin sa Bulacan pero as far as I can remember, wala pa akong naririnig here in Manila na kumanta nito...Maganda din yung Glory to God sa TNB 2 songbook

joogoose
08.06.26, 10:34 AM
kami din sa aming parokya naghahanap ng maikli, masigla, mabilis at kaaya-ayang PAPURI SA DIYOS..Yung mahahabang PApuri ginagamit lang namin para sa mga special occasions. In ordinary mass , we are advised by our parish priest to sing the Short form of PApuri sa Dios or Luwalhati sa Diyos.

masigla at saka maikli na Papuri/Luwalhati sa Diyos din ang hanap ng Parish namin..

markjeff
08.06.27, 03:08 PM
luwalhati ni sengson ata ang pinakamaikling alam ko

reksuyah
08.09.27, 12:26 AM
yung Papuri by sengson nga siguro ang pinakamaiksi.

maiksi din yung luwalhati sa diyos ni ryan cayabyab but people find it difficult to follow.

the franciscans have this short glory to god by fr. chito ranoa ofm, maganda din.

when it comes to tune, i find the glory to god and papuri sa diyos from the Tinapay ng Buhay songbook most beautiful. may kahabaan nga pero maganda at madaling sundan ng tao. some choirs have made a solution para mapaiksi yung glory to god... they dont go back to the refrain. kakantahin yung refrain sa una at sa huli. the 3 verses are sung continuously. mukhang ok naman.

dangpogi
09.03.01, 11:40 AM
tingin ko ung luwalhati sa diyos nakasama sa album ng 5th gospel..un maikli un... :)

blueforgetmenot
09.04.08, 10:09 PM
nakalimutan ko na kung kaninong papuri ito
this is how it goes...

LUWALHATI SA DIYOS SA KAITAASAN
KALOOB SA LUPA AY KAPAYAPAAN
PINUPURI KA'T IPINAGDARANGAL
SINASAMBA KA DAHIL SA DAKILA
MONG KALWALHATIAN
PANGINOON NAMING DIYOS HARI NG LANGIT
AMANG MAKAPANGYARIHAN....

wala pa ata one minute ito eh, o sende sa pagkakakanta kaya umaabot ng 1minute,
nung ito papuri namen, wala pang one month nakuha kaagad ng mga tao bukod sa maikli maganda ang tono hehehe
kasama sa album nito yung panalangin sa pagiging bukas palad, sa kabila ng lahat, isang munting panalangin.

adikted1208
10.06.25, 11:09 AM
@blueforgetmenot:

Alam mo ba kung anong album ng Papuri/Luwalhati na yan? Matagal na kasi akong naghahanap niyan e.

casper89
10.06.25, 11:36 AM
Kami never pa namin kinanta to, ewan kc talagang mas maganda pasa sa akin yung mga mahahabang papuri kc parang mga complete packages sila, nandun yung diwa, beauty tapos ang ikinaganda pa ng mga mahaba kumpleto sila may mabagal, katamtaman, biglang bilis, talagang kapanapanabik awitin.

adikted1208
10.06.25, 11:49 AM
Kami rin. Kaso may mga pari sa amin na itong version ang kantahin lalo na kapag nagmamadali sila. And madalas 3 na lang umaattend sa choir kaya medyo nahihirapan kantahin yung mga mahahaba na version.

eduserusan
10.06.25, 12:53 PM
Kami minsan kinakanta, minsan hindi...

Depende, pag nag-intone na yung pari ng papuring ito, no choice db? :)

markjeff
10.06.25, 11:17 PM
maikli din pala yung papuri sa trinity mass ni ryan c. wla pang 2 minutes. :)

sjclc
10.06.27, 11:15 AM
the franciscans have this short glory to god by fr. chito ranoa ofm, maganda din.

May sample ka po ba? Hehe. TNB din ung glory to god namin, then sengson nga ung luwalhati unless high mass, na kinakanta namin ung TNB din. pag pasko, bagong taon at easter sunday naman ung luwalhati ni francisco from BP's first album.

ecocampo
10.08.17, 11:03 PM
mayroon po ba kayong lyrics and chords nung papuri ni Mr Lucio San Pedro na ang simula ng awit ay "At sa lupa'y kapayapaan, sa mga taong kinalulugdan niya..."

dark_villegas
10.08.18, 11:31 PM
LUWALHATI SA DIYOS SA KAITAASAN
KALOOB SA LUPA AY KAPAYAPAAN
PINUPURI KA'T IPINAGDARANGAL
SINASAMBA KA DAHIL SA DAKILA
MONG KALWALHATIAN
PANGINOON NAMING DIYOS HARI NG LANGIT
AMANG MAKAPANGYARIHAN....

wala pa ata one minute ito eh, o sende sa pagkakakanta kaya umaabot ng 1minute,
nung ito papuri namen, wala pang one month nakuha kaagad ng mga tao bukod sa maikli maganda ang tono hehehe
kasama sa album nito yung panalangin sa pagiging bukas palad, sa kabila ng lahat, isang munting panalangin.

Dida ito po yung album ng 5th gospel na misa collection 1???

ecocampo
10.08.22, 08:55 AM
masigla at saka maikli na Papuri/Luwalhati sa Diyos din ang hanap ng Parish namin..

baka ang tinutukoy mo ay iyong papuri ni maestro lucio san pedro...eto ang link sa youtube...subukan mong pakinggan...at kung sakali makakuha kg na chords ay sana mabigyan mo rin ako...maraming salamat
http://www.youtube.com/watch?v=SvTRSaNbbBY:)

Ms.Jonalyn
11.04.26, 11:53 PM
yung "luwalhati sa diyos sa kaitaasan" yun ang aming kinakanta..maikli lang sya..

mike kiddie
11.04.27, 02:25 PM
yung kay sengson.. .. straight line kasi ito. walang inuulit....