PDA

View Full Version : Sino po ang mga Pianist/Organist?


khuletz20
07.12.12, 05:24 PM
Sino po ang mga pianis/organist? Mas mainam po kung organist kayo.., gusto ko po kasi mag-aral tumugtug ng organ eh.. 3 lang po kasi ang organist sa parish namin, yung 1 po eh pupuntang abroad tas yung isa matanda na kaya bali 1 na lang ang matitirang organist sa parish namin, gusto ko po sana makatulong tumugtug eh... Mas mainam po ba kung magself study na lang ako, or what?

elbenson
07.12.17, 01:14 PM
hi khuletz20,,
Saang parish ka?? church organ ba tinutukoy mo?

coroangelicus15
07.12.17, 01:30 PM
ok lang din kung magseself study ka "PERO" mas mainam na may magtuturo sa iyo para talagang makapagconcentrate sa study kung talagang serious ka... alam mo marami na akong naturuan na ang sabi nila gusto nila matuto but in the end, nagsayang lang kami ng time kasi hindi sila pursigido... hindi kasi ako naniniwala sa kasabihang: "I love music but the music doesn't love me"

Kasi hindi naman in an instant matututo ka e... it takes time, patience and effort... I believe that talent is cultivated and not endowed. though, siguro sa ibang tao talagang inborn iyon... pero wala naman akong nakilala na nung isinilang siya e virtuoso pianist or organist na siya. Right??

Well, kung may basic knowledge ka na sa pagbasa ng notes at nakakaya mo na tumugtog ng organ with both hands and feet (I'm referring to the pedal, of course), pwedeng magself-study ka tapos refer ka na lang sa mga music teachers or instructors kapag may mga bagay ka pa na hindi nalalaman... ganun ako nagself study e... kasi ako nagkaroon lang ako ng basic knowledge in music through reading music books...tapos inapply ko ung mga nabasa ko... then practice and practice and then nung meron akong hindi maunawaan itinatanong ko iyon sa mga teachers o intructor ng piano/organ. ganun ako nagself study... never pa ako naka-experience ng talagang piano lesson as in... though talagang gusto kong mag-enroll sa ganun.. pero hindi ko talaga afford e...

well now, marunong na akong tumugtog ng piano, organ, and guitar... pero siyempre practice pa rin ako ng practice hanggang ngayon...

hope, naka-encourage yung mga sinabi ko sa iyo... ^_^ take care always

coroangelicus15

PS Why don't you try to pray about that? Ask God para matulungan ka Niya, di ba? Suggestion ko lang.

Tristan
08.01.21, 12:26 PM
Bago lang din ako sa pagtugtog ng organ. Tama ang sabi ni coroangelicus15, kailangan talaga pursigido. Napakahalagang factor ng interest. Kasi habang mas natututo ka mas nakikita na marami pang mas dapat aralin. Hay, muntik muntikAn na din akong sumuko dahil nakakadiscourage sa hirAp..
:)

gdtrinos
08.01.21, 05:58 PM
Sino po ang mga pianis/organist? Mas mainam po kung organist kayo.., gusto ko po kasi mag-aral tumugtug ng organ eh.. 3 lang po kasi ang organist sa parish namin, yung 1 po eh pupuntang abroad tas yung isa matanda na kaya bali 1 na lang ang matitirang organist sa parish namin, gusto ko po sana makatulong tumugtug eh... Mas mainam po ba kung magself study na lang ako, or what?

Ok din naman na mag self study ka pero I would suggest na dapat meron kang tutor for what ever lesson you what to learn. Iba din kasi yong may teacher diba?

Determine mo muna anong klase ang ginagamit na instrument sa church nyo. Kung organ, meron yong upper and lower keybord at pedal, kung clavinova parang piano ito pero electronic, keyboard naman mas lesser ang keys nya sa piano, and piano. Dun pala lang malalaman mo na kung anong klaseng lesson ang kailangan mong kunin.

Alamin mo din kung anong pag-aaralan mo. kung parang piano na note by note or diretsong chords na agad. Kung mag chords ka agad make sure may background ka na sa notes.

Its never too late to learn specially if the intention is good. Just dont forget to practice para mahasa ka pa lalo.

blueforgetmenot
08.01.21, 08:52 PM
tama sila, you must have someone na andiyan para magturo sayo, iba kasi yun eh kesa yung nanghuhula ka lang at nangangapa, tulad ni coroangelicus meron na rin ako mga naturuan, oo gusto nila kasi gusto lang nila, pero pag nahirapan na sila, di na sila nagpapakita, o kaya naman puro reklamo na mahirap, at naghahanap ng madali, nung ako bago nagsimula tumugtog sa church talagang nagpraktis ako about a year, kasi di lang gusto ko kasi pangarap ko talaga, tapos ng nag-aaral na ako ng organ di na sakin naging mahirap, praktis lang talaga, nakakatawa pa nga kasi nung una nagpaparaktis ako ng nakapaa pa.. pero sa bahay lang yun,

kung nakakatugtog ka na ng mga church songs, yung pedal nalang ang pag-aaralan mo, madali lang ang pedal, teka are you starting to learn playing notes palang ba with chords?



salie here

ryanestandarte
08.01.21, 11:50 PM
Ako e tumutugtog din ako ng piano sa simbahan namin. But not that much kasi medyo mabagal pa ang mga daliri ko. I do have interest din in playing and may teacher din naman ako. Kaya lang e hindi matuluy-tuloy e dahil sa mga activities ko and sa pera. Hehehe!!!

Gusto ko na bumalik!!! Waaaah!!! :(

Alexander
08.01.22, 05:55 AM
Sino po ang mga pianis/organist? Mas mainam po kung organist kayo.., gusto ko po kasi mag-aral tumugtug ng organ eh.. 3 lang po kasi ang organist sa parish namin, yung 1 po eh pupuntang abroad tas yung isa matanda na kaya bali 1 na lang ang matitirang organist sa parish namin, gusto ko po sana makatulong tumugtug eh... Mas mainam po ba kung magself study na lang ako, or what?

Medyo naguguluhan ako sa Thread Title at sa original post.... Kailangan sigurong baguhin natin ang title ng discussion... Di lang ako makasunod sa discussion nyo at di ko pa nababasa lahat ng post....

Any Suggestions....

But if you're looking for "Sino ang mga Pianist/Organists"... meron tayong thread dito
sa Accompanist Database ... http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?t=1368

ddnj2008
08.03.07, 03:10 PM
maganda rin magself study kasi bukod sa ala ng bayad, ala pang mag iinstruct sayo, un nga lang, ala ka masyado matutunan. pero maganda rin na ma-expose ka sa mga marunong tumugtog or magbasa ng mga playing organ/ piano article. Pero bro, tyaga lang tlga kasi lahat ng resources sayo manggagaling. pero kaya mo yan, kasi ako self study lang din pero madalas ko makasama yung mga marunong tumugtog kya marami din me ntutunan. tpos pag di ko talga kaya gawin yung suggest nila, ipapakita nila sa kin kung pano. tapos un, todo praktis na lang and then marunong ka na. (,")

blastedcleric
08.04.04, 12:56 PM
Keyboard lang gamit ko, do you know how I can sustain using keyboard?

Alexander
08.04.07, 08:51 AM
You'll be able to by using a sustain pedal on your keyboard. Most keyboards would have a provision for having one. Pero kung namamahalan ka sa sustain pedal, ako ang ginagamit ko lang dati ay "grounded jack" pero sa mga "piano" mo lang ito gagamitin and never in "organs" kasi magpapatong patong ang tunog nun at maririndi ka sa tunog :D

yukito1206
08.04.30, 03:01 AM
ako pianist at heart :) hehe mas ok kung self study ka muna para maexplore mo yung skills mo. manood ka ng mga nagpipiano tapos mangapa ka ng kanta kahit sa laruang keyboard lang, then familiarize yourself with chords na associated sa piano. Sa mga banda chords lang ang ginagamit nila, dun ako nag start, now I can read and develop scores, play my own style, and go with the flow ng song... sky is the limit.

kenmuyot
08.05.03, 11:37 AM
ako po organist... based on my experience ha, it's good to self study first the basics... ung tipong chords, time signatures, key signatures, rests, notes, triads.... kasi ung mga un, kapag may instructional manual ka, very self explanatory... saka ka ngayon magpaturo sa medyo advanced (kahit hindi formal like yamaha) para dun sa mga arpeggios, trills, other styles, etc. na mas advanced kung tutuusin...

but you know what? it really takes a great amount of perseverance and determination... mukhang determinadong determinado ka naman, so go! kaya mo yan... anyway, for the glory of God naman ang gagawin mo... if you feel like quitting, just say "kaya ko to!" and think of the things that inspired you at first...


wishing you goodluck in this endeavor of yours. =)

bobreyes
08.05.17, 12:38 PM
If your keyboard has a port to accommodate a damper pedal, then you can use one or even create your own damper pedal with the use of a doorbell switch.

Keyboard lang gamit ko, do you know how I can sustain using keyboard?

Alexander
08.05.19, 10:11 AM
bob,

ginawa ko na yan dati, parang ang hirap lang tapakan ang doorbell switch :)

vicMTBLP
10.11.13, 01:04 PM
ako pianist/ organist sa church namin sa Birhen ng lourdes parish self study lang din ako... nanunuod nuod lang para makapulot ng mga technique... then awa ng diyos natuto din ako sa kakatyaga, nakakatugtog na sa mass.. everysunday natuto na rin ako magbasa ng notes... tsaga lang talaga un ang sekreto para matuto........

laurence.garcia
10.11.15, 06:56 PM
Ako Keyboardist din. Self study lang din ako then later on, natutong magbasa ng notes. I would say importante pa rin ang tenga sa pagiging musician. Kasi kahit wala kang piyesa matutugtog mo ang isang song as long as you know how to listen. You can create your own style as you progress your skills in playing your instrument. The keyword: "PATIENCE".

reginacaelichoir
10.11.19, 01:39 PM
sa amin, I study the song, I teach the song, I play during singin, in guitar, piano or organ. May kahirapan. gusto kong turuan itong mga kasama ko kasu parang singing lang ang gusto nila....

rolandp43
10.11.20, 02:57 PM
ako keyboardist/organist, pero chords lang ang ginagamit ko.. natutunan ko lang ito dahil sa Choir Director namin... at nakabuo ng Senior Choir sa parish namin na kumakanta tuwing sponsored mass nila.. kapag wala naman director namin ako tumutugtog.. ayon sa style niya... kaya hindi din naliligaw yung ka-choir ko... ngayon kahit kaunti... natuto na din magbasa ng nota...

Emerald
10.11.20, 03:11 PM
ako nakakatawa nga dati po akong guitarista/bassist.. kaso parang na challenge ako dahil nung sinabihan yung choir namin na keyboardista nalang yung kulang so i decided to study how to play the board.. i converted my skill in bass and guitar and apllied it on keyboard.. natuwa naman ako binigay na naman ni Lord talent sa akin para mapa improve pa service ko sa kanya:)

vonloue10
10.11.28, 08:51 AM
ako nakakatawa nga dati po akong guitarista/bassist.. kaso parang na challenge ako dahil nung sinabihan yung choir namin na keyboardista nalang yung kulang so i decided to study how to play the board.. i converted my skill in bass and guitar and apllied it on keyboard.. natuwa naman ako binigay na naman ni Lord talent sa akin para mapa improve pa service ko sa kanya:)



Hi po!
I have the same experience as yours...
i just started to play and the keyboard constantly para sa aming choir for a month now...at inaapply ko lang din ung alam ko sa guitar

well napapansin ko naman ung changes...
mas natutuwa na akong tumugtog ng piano ngayon...
dati kasi laging guitar ang hawak ko.. inggit lang ako sa mga marurunong mgpiano...hehe

hope maimprove ko pa ung skill na ipinagkaloob sa akin ni Lord!

God Bless the musicians who serve well!:)

Emerald
10.12.12, 10:07 AM
heheh! ganun.. cheers para sa atin!

tuningspork
11.01.29, 10:30 PM
Ako po, keyboardist.

Dati, nag-aral ng piano, pero eventually tinamad din.

Napaserve po ako sa simbahan na ang alam lang e yung classical style ng music. Naturuan gumamit ng chords, at ngayon, mixture na ng chord-playing at note-playing ang ginagawa ko. Hehe.

Ngayon, napapansin ko naglelevel-up ako sa pagtugtog ng keyboard, salamat kay Lord. Hehe. Siya na lang naman halos ang reason kung bakit ako nakakapagpatuloy sa pagtugtog ng keyboard. Feeling ko kung nagpi-piano lessons pa ako ngayon, magaling nga ako, pero buryong-buryo naman. :P

Sinusubukan ko mag-aral ng gitara, at applicable din naman yung theory sa piano (e.g. chording, scales) sa gitara. Medyo mas mag-eefort lang kasi iba yung tipa ng keyboard sa gitara e. Hehe.

kuyavic
11.03.03, 07:41 PM
Started playing the piano when i was in grade 5 (or grade 6) then i started serving in church when i was in 2nd year high school. stopped taking piano lessons in 3rd/4th year high school but still serving in church as organist for different choirs and most especially during special church activities and occasions :)

mar_fox1216
11.03.21, 01:44 PM
First, salamat sa ganitong site..this really helps sa mga choir dito sa pilipinas..I started playing the keyboard mga 2006 ata yun..nasayangan kasi ako sa keyboard sa bahay which was intented to my younger sister..on my own i tried playing chords..now i play for the Church have my choir here in school and outside..Thank you dear God for the opportunity to play for You.

xavieristicology
11.03.21, 05:20 PM
Guitarist ako dati, pero nung nagkaroon ng problema sa dating choir na kinabibilangan ko, nagkahiwa-hiwalay kami, kaya napilitan akong mag-aral ng organ... Binilhan ako ng mama ko ng 5 octave organ na YAMAHA at nag-self study ako, kaya ngayon, nakakatugtog na ako... pero balak ko pa ring mag-enroll sa Piano course dahil hindi proper yung pagtugtog ko... Iba ang chord pattern ko (same notes pero hindi kopya sa chordbook ng piano)... hindi rin ako marunong sa pedal. 2001 ako officially nagtugtog sa misa, pa-chord chord lang... pero ngaun, pa-chord chord pa rin, may improvement ng konti sa intro dahil sinusunod ko ung notes, 'yung melody lang ah, hindi ung buo...

Isang gift sa tao kung marunong kang tumugtog, kaya kung sa tingin niyo na ayaw ng music sa inyo, pero gustong-gusto niyong matuto, ipagdasal niyo lang at gawin ang lahat para matutunan niyo un... Balang araw, ibibigay din ni Lord yan sa inyo, lalo na kung ang intention niyo ay para sa Kanya, naku, walang mintis yan, matututunan niyo din yan...

mike kiddie
11.03.24, 07:29 AM
ako po ay organist. self study din ang ginawa ko. una kong inaral ay ang chord patterns at ang pedal. sumunod naman ay melody na. sa ngayon, ako ng ang resident organist ng aming parokya. :)

kazziiee
11.03.30, 09:34 PM
hi... i learned how to play keyboard when I was in grade 4... in a summer class. at first i really don't like to be a choir membrr but when my mom encouraged me deeply to join the choir and let me play and study the songs of Couples of Christ and Liturgical songs... since then, i love plying keyboard... then, when I was in highschool i was the keyboardist of our Chorale...now. im the keyboardist of two Choirs in our Parish Our Lady of Guadalupe Choir and in Holy Cross Parish (Benedictus Deus Choir)... today, im learning a lot...