PDA

View Full Version : Being A Musician

ka Paul
08.04.26, 01:31 PM
What it feels like being a musician?
How do you deal with your affiliation?
Musician and instrumentalist, share your thoughts here.
Comments and Replies are also welcome here.

ok i will start:
____________________________________________
First of all i would like to acknowledge God for bestowing me my talents as a pianist and organist.

At first, it is not quite easy to understand music and its elements. Marami rin akong pinagdaanang mga pagsubok to reach this certain goal. mahirap kung sa mahirap. but with perseverance and enthusiasm, i fin'lly achieved it. im not a professional as others think, i know myself and i know my limitations. Happy??? indeed, yes, im very happy. my music makes me feel better. in music, i can express my feelings. seriously, pagwala ako sa mood, name-mental block ako... Matrabaho??? hmmm, para sakin hindi... i enjoy it a lot! hindi ako nagrereklamo... basta music, always on the go ako... ahihihihhiiiiiiii

as a musician and being an instrumentalist, i don't considered it as an affiliation... i treat it as part of my life... MUSIC IS ME, I AM THE MUSIC.

kenmuyot
08.05.03, 12:19 PM
i strongly agree with you no... hindi madali sa umpisa ang mag aral ng pagtugtog ng kahit anong instrument... but after all, it's worth it... right?

well i think that's the important of all... know your capabilities and limitations... knowing them would give you a chance to somehow improve...

and i agree also dun sa sinabi mo na you can express your feelings through music... i remember tuloy one statement my music teacher told me when i was in fourth year...

"feel the music!"

kung ako naman ang tatanungin, hmmmmm.... masaya maging musician dahil nagkakaroon ka ng output ng mga problema at stress mo... ung may sense of fulfillment ba... music is a way of life.... since i'm doing music in a church setting, parang mas inspiring dahil naise-share mo ung talent mo sa ibang tao and that you are leading them to sing for the greater glory of God... ayun...

how do i deal with my affiliation? well, i do consider this an affiliation but different from others... since i'm just a new member of the music ministry in our parish, i don't give them headaches when it comes to punctuality, obedience in rules, something like that... i deal with this affiliation as a responsibility, that every action you make would greatly affect other people... kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko pagdating sa pagtugtog. =)

ednavaliente
08.06.02, 03:10 PM
being a musician? hm... masaya and very fulfilling. i think this is one of the ways where i can serve the Lord best. buong buhay ko na 'to ginawa, ginagawa, at patuloy na gagawin.

when i was in elementary hanggang nakagraduate ng college, i used to be a guitarist, after college nagtry ako ng keyboards, nahirapan ako dun. nang umalis ang trainor ng choir namin i was forced ng circumstance para punan ano ang kulang...hindi naman ako music major (math major po ako)pinag-aralan ko lang ang rudiments of music, hidi naman ako pinabayaan ni Lord.

now i concentrate sa choir training, i rarely do accompaniments anymore. sometimes, sumasakit din ang ulo sa mga pasaway na members, but tulad ni ka paul, buhay ko na rin ito.

robbiwan
08.06.02, 08:38 PM
I think it makes you a better person because you are able to express your emotions. It's very relaxing also.

deathkill00008
08.06.03, 11:38 AM
hmmm... bukod sa pagiging autobiographical... pwede ka ring makatakas sa problema mo through music...

i am the music?

God is with me

good music comes from God

^^
God bless you all musicians

doybins
08.08.28, 11:38 AM
pagiging musikero. isang link ko na para makipag isa ako sa Diyos aking tagapagligtas.

theusII
08.08.28, 08:52 PM
Hi,

Being a musician, late ko na ito naintindihan. I started piano around 5 years old then I took up Diploma in Piano Performance sa UP College of Music. I thought I have a career in music. Yap, I do have a career in music but nagkaroon ng turning point ang buhay ko ng pumasok ako sa ministry. Because of that, I took up things that I did not even dreamed of trying pero dapat kong gawin dahil call ng ministry.

Because of the ministry, I took up vocal pedagogy and even took up some psychology. Medyo madugo ang hiningi ng ministy kung saan ako nandun.

Right now, I am on my final year as a theory and composition major- another step to respond to the call of ministry. My compositions are all ready to be publish in the USA and lahat ng proceeds eh mapupunta sa scholarship ng mga poor members ng choir.

I think, as a music leader, our task goes beyond music training but to see the person behind the talent and not the other way around. I do have a career in music now, but I have found a life in music which I willingly share.

Cheers!!!

theusII

ednavaliente
08.08.29, 07:31 AM
Hi,

Right now, I am on my final year as a theory and composition major- another step to respond to the call of ministry. My compositions are all ready to be publish in the USA and lahat ng proceeds eh mapupunta sa scholarship ng mga poor members ng choir.

theusII

baka naman you can share some of your compositions dito sa boards, theusII... (lambing lang..:))

LMacaranas
08.08.29, 08:29 AM
being a musician? hm... masaya and very fulfilling. i think this is one of the ways where i can serve the Lord best. buong buhay ko na 'to ginawa, ginagawa, at patuloy na gagawin.

when i was in elementary hanggang nakagraduate ng college, i used to be a guitarist, after college nagtry ako ng keyboards, nahirapan ako dun. nang umalis ang trainor ng choir namin i was forced ng circumstance para punan ano ang kulang...hindi naman ako music major (math major po ako)pinag-aralan ko lang ang rudiments of music, hidi naman ako pinabayaan ni Lord.

now i concentrate sa choir training, i rarely do accompaniments anymore. sometimes, sumasakit din ang ulo sa mga pasaway na members, but tulad ni ka paul, buhay ko na rin ito.

Parang ganito din yung istorya ko. Simula grade 6 hanggang makatapos ako ng college, BANDA ang naging buhay ko. Eto na rin yung naging pinaka-frustration ng buhay ko dahil we didn't make it in the mainstream. Puro gigs lang. Nagkachoir na din ako simula nung college. Yung nawala yung choirmaster namin, pinilit din ako nung choirhead na magaral mag-organ since may alam ako sa piano ng kaunti.

I can say, its God's calling for me. Kasi nung highschool pinilit kong matuto mag-organ pero ewan ko, hindi ko matutunan, nahihirapan ako sa bass pedal. Naging drummer ako sa banda pero ewan ko bakit hirap na hirap ako sa coordination ng hands and feet ko. Pero nung nawala na nga yung choirmaster namin, nagtaka din ako dahil for a span of 3mos nakakatugtog na ko ng buong misa! pero siyempre puro semplang pa. Buti na lang, napakasupportive sakin nung choir ko.

Kaya ngayon, all my talents I give back to the Lord as a heart's response to His calling.

doybins
08.09.02, 09:51 AM
baka naman you can share some of your compositions dito sa boards, theusII... (lambing lang..:))

sis edna. simulan mo na. :)

pochong
08.09.07, 04:42 PM
being a musician is one of the best ways to give God what's truly his...

eduserusan
08.11.13, 03:20 PM
Like parents being part of God's mission of procreation, we as musicians can become part of God's propethic ministry. O db sosyal!

samaritan2001
08.11.24, 08:12 AM
Musician makes the life of people more colorful. It gives meaning to our life. His music soothes to our soul... It makes our hearts grow fonder

saxcruz
08.11.24, 09:46 AM
The role of a musician is very vital not just only on the choir that your handling but also on the community and parish that your serving. You make the lyrics of the song that the choir sings more meaningful and melodic and with that the community remembers the song as a prayer and sings with the choir during masses and liturgical gatherings

simpatico
08.11.24, 10:52 AM
hmm.. para sa akin, being a musician is not just knowing what music is.. most of all the ethics.. yun ang pinaka importante sa lahat.. kailangan marunong kang mag handle kung anumang meron ka..

princejaxen
08.11.24, 07:44 PM
being a musician is hard but fun

im a certified musician.

ka Paul
08.12.05, 05:01 AM
music is art, we, musicians are the so-called artist...
para sa mga engineer, ang "good enough" ay perfect na...
pero sa 'tin as an artist, there no such thing as perfect...

naituro na natin ung song, natugtog na natin ng maayus ung music, pero laging parang may kulang...

nakakabaliw ang pagiging artist...

haayy buhay musikero nga naman...

simpatico
08.12.12, 10:51 AM

Sang-ayon ako sa'yo Ka Paul. Iba talaga ang music. sabi pa nga.. "There are no mistakes in music" parang ganon di ba? ano nga ba mistakes sa music? hindi ko rin ma gets basta ang alam ko, nanggagaling ang musika sa puso na may pag-ibig.. umaawit.. ewan.. di ko talaga alam..

titopao
08.12.12, 11:02 AM
ano nga ba mistakes sa music? hindi ko rin ma gets

Well, for one, pag mali ang tono or ang pindot sa keyboard. Prof. Mark Anthony Carpio did make a mistake while playing "Kumukutikutitap"---in the middle of a concert---and at the CCP Main Theater pa. Nagkamali say ng napindot sa keyboard, and for a moment natawa sya sa sarili nya when he realized his mistake. (I'll never forget that look on his face...hehehehehe :P )

bammuzk
08.12.13, 06:46 PM
Sang-ayon ako sa'yo Ka Paul. Iba talaga ang music. sabi pa nga.. "There are no mistakes in music" parang ganon di ba? ano nga ba mistakes sa music? hindi ko rin ma gets basta ang alam ko, nanggagaling ang musika sa puso na may pag-ibig.. umaawit.. ewan.. di ko talaga alam..

talaga... ano kaya kalalabasan ng songs kung hindi dibdiban ang pagkanta mo....? sana makita yan ng mga member di ba...:)

one_new_light
08.12.18, 11:56 PM
ang hirap maging pianist ng choir namin...
since our choirmaster-founder resigned from the school, i was assigned to be the accompanist... PRESSURE! grabe...

but yeah, its worth bearing the name "pianist" aafter all :)

considering every mass a 'concert' for His glory; realizing that every sound of the pitch of the organ is a prayer of praise for God (and i've got how many octaves?) , i ask no more ^^

And one more thing, as my super duper mega GREAT filipino slash music teacher Sir Ideh said, "A Good Choirmaster is the one who can make another Choirmaster out of the Choir."

I believe it's the same way with the pianists and the musicians :)

God bless everyone ^^

jocheben
09.01.24, 09:37 AM
as a musician needs lots of patience and sacrifices to succeed in leading a music ministry..always remember that it's all for the glory of God that you are serving.

nel
09.01.28, 07:39 PM
as a musician needs lots of patience and sacrifices to succeed in leading a music ministry..always remember that it's all for the glory of God that you are serving.

yap... totoo yan...
displina din sa sarili kailangan.....

msselda
09.01.29, 12:11 AM
It's a gift from God...Bihira lang ang may gift na ito...If it's from God natural lang na ibalik ang gift to the giver by sharing the giftedness to others.

simpatico
09.02.12, 01:40 PM
talaga... ano kaya kalalabasan ng songs kung hindi dibdiban ang pagkanta mo....? sana makita yan ng mga member di ba...:)

masyado naman OA kung dibdiban. TH na ang dating nun at saka isa pa,wala tayong mga boobs! hahahaha.

Hindi ba dapat i-enjoy mo lang yung moment. Pakiramdaman mo lang. Hindi dapat pilit..

_gitaraboy_
09.08.23, 04:32 AM
being a musician takes a lot of sacrifices
marami kang makakalaban pero
marami kang magiging kakampi
maraming may gusto sayo pero
minsan mas marami ang ayaw
nasa iyo kung tatanggapin mo ang hamon
o basta na lang sumuko
basta music ang nagpapakumpleto sayo
bakit ka mangangamba?
tuloy lang sa pagtugtog
tuloy lang sa pagkanta
basta lahat laging iaalay sa Kanya

knightdom
09.08.24, 04:11 AM
being a catholic musician...
M-aking yourself an instrument to convey His message.
U-sing not just your time but also your talent and other abilities.
S-inging would be the most basic but playing
I-nstruments would be a plus!
C-hoosing this path might not be easy but I am certain
I-t is all worth it!
A-ll for the Glory of God
N-ow and forever! Amen. :)

covenant
09.11.02, 04:40 AM
being a musician for the LORD means that we submit ourselves as vessels and instruments for his wonderful plan and purpose... it is not about "us" anymore but about "HIM".
it also requires us to focus and dedicate ourselves in honing what is given to us to a more higher level... but in doing so let us not forget that it is not a Duty or obligation but rather do it out of love and keeping in mind always that it is a privilege given to us though we are not worthy at all...thanks to the Grace of God!

Sing to him a new song; play skillfully, and shout for joy. Psalm 33:3

mike2121
09.11.05, 10:49 PM
being a musician is a great service for God...through music we can praise, give thanks, ask for pardon and blessings..I love You Lord.

covenant
09.11.06, 01:15 PM
Iba talaga pag tumutugtog sa Misa.. you get a sense na you are part of something Grand and also it makes you Humble..

red100K
09.11.08, 09:59 AM
It's a gift from God...Bihira lang ang may gift na ito...If it's from God natural lang na ibalik ang gift to the giver by sharing the giftedness to others.

i agree, show gratitude for the gift by using it in serving Him.

simpatico
09.11.08, 01:28 PM
Being a Musician(pasintabi sa mga pekeng musician...) Ang totoong musician, hindi sakim. Hindi nanalalamang ng kapwa... yun na! hehehe

seventh string
09.11.08, 10:10 PM
nagpapasalamat ako sa diyos at binigyan nyah ako nang talent na ganito...
I love music.. walang saysay ang buhay ko pag wala ito..kaya nman being a musician..ay nako..napakaganda..kung ginagamit molang ito sa mabuting paraan..atsaka una talaga sa lahat ang diyos kasi cyah ang dahilan nito..
sa tuwing tutugtug ako sa simbahan, aking ilalagay ang aking pagkatao sa bawat nota na binibitawan koh sa aking pagtugtug..tama sila na being a musician, hindi ka dapat maging sakim at hindi manglalamang nang kapwa..
you need to have great sacrifices and let the power of music flow into your life..

simpatico
09.11.09, 06:37 AM

korek! tumpak.

being a musician takes a lot of sacrifices
marami kang makakalaban pero
marami kang magiging kakampi
maraming may gusto sayo pero
minsan mas marami ang ayaw
nasa iyo kung tatanggapin mo ang hamon
o basta na lang sumuko
basta music ang nagpapakumpleto sayo
bakit ka mangangamba?
tuloy lang sa pagtugtog
tuloy lang sa pagkanta
basta lahat laging iaalay sa Kanya

korek ka rin gitaraboy...

czyre
09.11.09, 09:56 AM
Tanong, what if hindi ka naman musikero pero you love music? Musikero na rin ba tawag sa'yo? Alam kong hindi pero ganun kasi ako... Not really a musician but like everybody else, nagsimula na ring umikot ang mundo ko sa musika.:)

simpatico
09.11.09, 01:19 PM

Ate Trina, sa pagkakaintindi ko, iba naman kasi pag sinasabi nating WE LOVE MUSIC kesa sa MUSICIAN. Sa akin kasi as a musician, pinaglalaban mo ang pagiging musikero mo. You always find time to share the BEST and only the BEST. Kapag kasi MUSIC LOVER ka, you just like to listen but you don't get into the core of what really music is.. ganon.. opinion ko lang.. heheh. I missed you Ate Trina... :)

kasparov23
09.11.09, 01:27 PM
Ako naman I always see to it na I give 100% of my abilities every time I perform. For me I think it's my way of giving back to God the talent he bestowed me. Regardless kung saan at ano mang okasyon yan (maski sa videoke), Whenever I sing or play an instrument eh all-out talaga... And I always share it with everyone who needs it. I might not have that much of an education in terms of music pero as long as people want me to share it to them, then I'll do it to the best of my abilities. Kung ayaw nila di wag... :P

Bien
09.11.10, 10:51 AM
@sim...bakit kelangan ipaglaban iyong pagiging musikero? hinay lang, kakagulat iyong comments mo, pang-pulitiko na ata yan. Hehe...

Ganito ata simple formula nyan:
MUSIC LOVER = likes or loves MUSIC (any genre)
MUSICIAN = MUSIC lover + INSTRUMENTALIST (can play an instrument)
SINGER/VOCALIST/Choir Member = MUSIC LOVER + Can or able to SING

Parang sabi sa spiderman ---> with great powers comes with great responsibility.
Pano pag musician or vocalist ka ---> do great talents come also with great responsibility? (tayo na sa sarili natin ang makakasagot nyan).

simpatico
09.11.10, 11:11 AM
@sim...bakit kelangan ipaglaban iyong pagiging musikero? hinay lang, kakagulat iyong comments mo, pang-pulitiko na ata yan. Hehe...

korek brod. emotional talaga ako kasi I only do not consider myself as a musician(tunay talaga at hindi peke), I also am an artist. Pasensya na po pero minsan hindi ko nakokontrol yung sarili ko lalo na pag alam kong inaapakan na ang mga karapatan ko at ang pagiging musikero ko... anyways, medyo ok na ako ngayon.. salamat sa lahat ng sumiSIMpatiya sa nararamdaman ko.. ganito lang talaga ako. Higit akong mabait pero higit din akong sira pag sinasaktan ako.. peace.. cheers.. tagay muna dyaan. ehhehehe:)

Bien
09.11.10, 11:26 AM
@sim...ok lang yun.

teka baguhin at dagdagan ko iyong formula kanina:

MUSIC LOVER = likes or loves MUSIC (any genre)
INSTRUMENTALIST = MUSIC lover + can play instrument/s
SINGER/VOCALIST/Choir Member = MUSIC LOVER + Can or able to SING
COMPOSER = MUSIC LOVER + writes/creates a song or music
ARRANGER = MUSIC LOVER + arranges a particular song (whether vocal or accompaniment arrangements)
MUSICIAN = music lover + combination of all of the above

may common denominator ang lahat...MUSIC lover ka dapat, ito ata ang tama.

covenant
09.11.10, 02:43 PM
@sim...bakit kelangan ipaglaban iyong pagiging musikero? hinay lang, kakagulat iyong comments mo, pang-pulitiko na ata yan. Hehe...

Ganito ata simple formula nyan:
MUSIC LOVER = likes or loves MUSIC (any genre)
MUSICIAN = MUSIC lover + INSTRUMENTALIST (can play an instrument)
SINGER/VOCALIST/Choir Member = MUSIC LOVER + Can or able to SING

Parang sabi sa spiderman ---> with great powers comes with great responsibility.
Pano pag musician or vocalist ka ---> do great talents come also with great responsibility? (tayo na sa sarili natin ang makakasagot nyan).

correct!

pero meron din tlaga yung mga tinatawag na mga "posers" na nkikiride lang sa uso...

Alexander
09.11.10, 04:22 PM
Nice insights Bien....

Eto naman ang insights ko, a musician does not boast of who he/she is and not boasts on what he/she has accomplished. He/She need not do anything to defend his/her work from critiques but take those criticism on board for his/her improvement. He/she also does not say anything bad to other musician and gives criticism if asked to give one. He earns respect by doing so.

At the end of the day, it is the people who listens, appreciates and judge his/her work of art if it is worth buying, listening to or not...

My two cents.

czyre
09.11.10, 07:29 PM
Marami akong nakilalang musikero dito sa board... pero mangilan-ilan lang sa kanila ang hinahangaan ko. Bakit? Isasagot ko ang sinabi ni tatay.

Mas naa-appreciate ko mga taong magagaling pero tahimik lang. To name a few, andiyan si Yenzephyr at Prinze wala akong masabi sa pagtugtog nila ng piano at organ. Si mike1314 na napakatahimik at napaka-humble, walang nakakaalam kung ano at sino siya. Si Prof. Simba na naglilibot ng Pilipinas at nagbibigay ng libreng workshops. Si theusII na natutulog sa lansangan kasama ng mga streetchildren at nagsisikap na mapag-aral ang mga batang ito. At marami pang iba (pasensiya na sa mga hindi ko nabanggit)... Gusto kong maging tulad nila.

Tumutugtog ako. Kumakanta ako. And I love music. Pero hindi ko alam kung bakit di ko maconsider sarili kong musikero. Probably because I know na marami pa akong kakaining bigas. Malayo pa ang lalakbayin ko.:)

sjclc
09.11.10, 08:13 PM
I can sing (?), and play. Pero parang may kulang pa rin. God knows what, because I feel that it's something only He can fulfill.

nlim
09.11.10, 10:42 PM
Re: Being A Musician, Posted 2 Hours Ago 08:13 PM
I can sing (?), and play. Pero parang may kulang pa rin. God knows what, because I feel that it's something only He can fulfill.
baka naman kulang lang sa inspiraton at dagdagan pa ng meditation? suggestion lang
czyre, baka madala ka sa ospital, nagse-serious ka!
Oo nga naman maraming serious musicians na tahimik lang.
Sa akin lang naman hobby lang pero serious pag nakikinig, pero hindi ko ginawang career, walang pera sa ganito pag nag showbiz ka eh.:)
Sa simbahan mo na lang ialay ang oras mo at kaunting nalalaman at nakapagserbisyo ka pa, basta may pagkakataon.:)

Bien
09.11.11, 08:34 AM
May naging musikero(organist) kami sa parish na lumaki ang ulo pero infairness napakagaling nya, hindi mo alam kung pano sya nakakapag create ng bass line na gamit ang "dalawang" paa. Lumaki ulo meaning yumabang masyado. Matagal na panahon na iyon. Nawala na din sya sa parish.

May nakilala ako sa yahoo groups dati, si "george bato"...hindi ko sya kilala pero maganda mga areglo nya.

Bien
09.11.11, 08:40 AM
Marami akong nakilalang musikero dito sa board... pero mangilan-ilan lang sa kanila ang hinahangaan ko. Bakit? Isasagot ko ang sinabi ni tatay.

Mas naa-appreciate ko mga taong magagaling pero tahimik lang. To name a few, andiyan si Yenzephyr at Prinze wala akong masabi sa pagtugtog nila ng piano at organ. Si mike1314 na napakatahimik at napaka-humble, walang nakakaalam kung ano at sino siya. Si Prof. Simba na naglilibot ng Pilipinas at nagbibigay ng libreng workshops. Si theusII na natutulog sa lansangan kasama ng mga streetchildren at nagsisikap na mapag-aral ang mga batang ito. At marami pang iba (pasensiya na sa mga hindi ko nabanggit)... Gusto kong maging tulad nila.

Tumutugtog ako. Kumakanta ako. And I love music. Pero hindi ko alam kung bakit di ko maconsider sarili kong musikero. Probably because I know na marami pa akong kakaining bigas. Malayo pa ang lalakbayin ko.:)

touching...nice trina!, pag myembro ka ng isang band (brass band), iyong natugtog pag mga fiesta, musikero ang tawag sa kanila. I think you are more than a musician sa sinabi mo, ano pa ang pagiging musician natin kung wala naman tayong puso ng kagaya ni Kristo? it will be just like an ordinary talent or skill.

Alexander
09.11.11, 08:51 AM
pag myembro ka ng isang band (brass band), iyong natugtog pag mga fiesta, musikero ang tawag sa kanila. I think you are more than a musician sa sinabi mo, ano pa ang pagiging musician natin kung wala naman tayong puso ng kagaya ni Kristo? it will be just like an ordinary talent or skill.

You mean yung term na musikero, applies only to the brass band... marami akong kaibigan na myembro dati nito, pati yung kasama kong tumutugtog ng clarinet sa church dati rin sya sa brass band.

I like the one you mentioned below... very inspiring.

Bien
09.11.11, 09:21 AM

thank you ,alex...yes, musikero tawag or yun ang pilipino na term na gamit sa kanila. Pero pag member ka ng isang orchestra, kung ano iyong hawak mo na instrument (for example, violin) ay violist ang tawag sa yo, hindi musikero na term ang gamit nila.

czyre
09.11.11, 09:34 AM
Maiba lang ako... tinanong ako dati ng student ko eh... nanood daw siya ng concert at nagtataka kung pare-pareho lang daw ba ang mga kinikita ng mga tumutugtog sa orchestra. like yung pianista na buong score tumutugtog, pareho ba sila ng kikitahin ng triangle lang ang hawak?

Naisip ko rin, ke triangle o piano o cymbals (na madalas once lang sa buong piyesa mo maririnig) ang hawak mo sa orchestra, musikero pa rin naman ang tawag sa inyo. pantay-pantay lang.:)

Alexander
09.11.11, 09:35 AM
thank you ,alex...yes, musikero tawag or yun ang pilipino na term na gamit sa kanila. Pero pag member ka ng isang orchestra, kung ano iyong hawak mo na instrument (for example, violin) ay violist ang tawag sa yo, hindi musikero na term ang gamit nila.

Ah.... salamat sa paglilinaw.... ngayon maliwanag na maliwanag na sa akin... isa akong guitarist :) (organist din paminsan minsan)

Berry
09.11.11, 09:36 AM
Maiba lang ako... tinanong ako dati ng student ko eh... nanood daw siya ng concert at nagtataka kung pare-pareho lang daw ba ang mga kinikita ng mga tumutugtog sa orchestra. like yung pianista na buong score tumutugtog, pareho ba sila ng kikitahin ng triangle lang ang hawak?

Naisip ko rin, ke triangle o piano o cymbals (na madalas once lang sa buong piyesa mo maririnig) ang hawak mo sa orchestra, musikero pa rin naman ang tawag sa inyo. pantay-pantay lang.:)

sabi sa akin before, pianist ang highest paid musician...

Alexander
09.11.11, 09:38 AM
Paano yung conductor? Mas malaki yata ang bayad dun.

ernanibaetiong
09.11.11, 09:45 AM
Mga kapatid the proper term is musiko, hindi po tama ang term na musikero. It applies not only to brass band members, it includes all musicians.

@Trina-the pay varies depending on your rank, the principal (the lead for any instrument) and soloists receive a bigger chunk. Pero syempre the Musical Director/Conductor gets the biggest chunk. That is aside from the manager cum owner, pero in many cases yung conductor na rin ang may-ari sa grupo. Examples dito ay ang mga San Jose ng Cardona Rizal, Matias ng Bulacan and the Nogoys of Cabiao NE.

czyre
09.11.11, 09:49 AM
Nani! Pwedeng pakitagalog!LOL Joke lang... Dumudugo na kasi ilong ko kaka-english sa office hehehe... Thanks ha, may matututunan din naman pala ako sa'yo eh.:P

@Berry, nice to see you posting again, haven't seen you lately.:) (English!!!LOL)

prinze
09.11.11, 09:59 AM
Marami akong nakilalang musikero dito sa board... pero mangilan-ilan lang sa kanila ang hinahangaan ko. Bakit? Isasagot ko ang sinabi ni tatay.

Mas naa-appreciate ko mga taong magagaling pero tahimik lang. To name a few, andiyan si Yenzephyr at Prinze wala akong masabi sa pagtugtog nila ng piano at organ. Si mike1314 na napakatahimik at napaka-humble, walang nakakaalam kung ano at sino siya. Si Prof. Simba na naglilibot ng Pilipinas at nagbibigay ng libreng workshops. Si theusII na natutulog sa lansangan kasama ng mga streetchildren at nagsisikap na mapag-aral ang mga batang ito. At marami pang iba (pasensiya na sa mga hindi ko nabanggit)... Gusto kong maging tulad nila.

Tumutugtog ako. Kumakanta ako. And I love music. Pero hindi ko alam kung bakit di ko maconsider sarili kong musikero. Probably because I know na marami pa akong kakaining bigas. Malayo pa ang lalakbayin ko.:)

nakakaiyak naman ito. masyadong serious :)

titopao
09.11.11, 10:10 AM
From what I know:

Soloists (i.e. singers, concert pianists, violinists, flutists) - mileage may vary. Kung ikaw ay isang A-lister, siguradong malaki ang bayad sa iyo. Di ko sure kung gaano kalaki yung kay Cecile Licad, pero yung mga internationally acclaimed pianists na katulad nila Lang Lang, Li Yundi, Martha Argerich, Maurizio Pollini at Vladimir Ashkenazy ay paniguradong mahal ang bayad. It was also rumored that Andrea Bocelli received a pay of at least PhP 5M when he sang in Manila.

Kung hindi ka naman A-list, depende sa ilang mga factors ang bayad (like location, experience, etc.). Merong iba na nabubuhay sa mga concerts lang, samantalang may iba na suma-sideline pa ng pagtuturo para madagdagan ang kita.

Conductor - sa orchestra, siya ang may pinakamalaking bayad. Pero kung sya rin ang musical/artistic director ng grupo o ng isang opera house, mas malaki ang bayad kesa sa ibang mga conductors with the same level and experience (examples: si Placido Domingo, na director ng isang opera house sa California [sa San Francisco yata], at si Lorin Maazel, na principal conductor ng New York Philharmonic at artistic director din nito).

Mas malaki ba sa isang solo pianist ang bayad n'ya? Again, depende siguro kung sino yung pianist.

Orchestra players - Kung kabilang ka sa isang section (e.g. violins, cellos), mas malaki ang bayad mo kung ikaw ang principal player. Mas malaki rin yata ang bayad ng concertmaster (i.e. the leader of the First Violins) kesa sa ibang mga principals. (Kelangan ko muna i-research kung pare-pareho lang ang bayad ng halos lahat ng mga orchestra players, or kung nagdedepende ito sa kung ano ang instrumentong tinutugtog mo.)

Kung kulang sa players ang orchestra, kumukuha din sila ng guest players. So I heard, iisa lang ang tumutugtog ng harp para sa PPO, MPO at maging sa San Miguel Orchestra, at binabayaran s'ya on a guest player basis which, so I was told, mas malaki daw kesa sa regular na bayad ng mga regulars.

Di ko alam kung gaano ito katotoo sa lahat ng (o ilan sa) mga orchestra, pero hiwalay ang bayad sa pag-attend lang ng rehearsal at sa mismong araw ng concert. (The members of the now-defunct San Miguel Philharmonic Orchestra and Master Chorale are said to have received pays just by practicing.) So...no practice, no pay. That's why there's a greater incentive for them to perform well.

Meron ding mga paid positions sa orchestra katulad ng rehearsal pianist (na puro piano reductions ang tinutugtog...normally, kung opera o ballet ang production), repetiteur (i.e. tagapindot ng nota :P pero minsan ito rin ang role ng rehearsal pianist o ang concertmaster), copyist (taga-reproduce ng mga pyesa---example, tagagawa ng individual copies ng parts ng mga sections), librarian (taga-ingat at punong naghihigpit sa mga pyesa), at music researcher (na tumutulong magbuo ng concert program). Kung minsan, nagha-hire din ng mga coach at consultants ang mga orchestras, at ang ginagawa lang ng mga coach/consultants na ito ay magbigay ng tips sa pagpapaganda ng performance. Note na ang mga ito ay nangangailangan din ng kaalaman sa music, kaya hindi kelangan na nasa stage ka para maging part ka ng orchestra 8)

Nagdedepende din ang bayad kung nasaan yung orchestra member or soloist. Buhay na buhay ang classical music scene sa Europe at America, kaya mas may chance na malaki ang bayad sa mga performers doon kesa sa mga musicians dito sa Pinas. Minsan, depende din kung saang grupo ka nabibilang: mas malaki ang bayad ng isang percussionist na taga-New York Philharmonic Orchestra kesa sa conductor ng isang orchestra sa Middle East (for example).

Bien
09.11.11, 10:28 AM
General term iyong musician...dito lang ata sa pinas naiiba or nahahati yong pagtawag ng musikero. Usually kasi pag pianist ka, hindi ka natatawag as musikero kundi plain na pianist. Nasa nakasanayang lang ng terminology dito sa pinas, nakagawian lang na tawag ng mga lolo't lola natin.

ernanibaetiong
09.11.11, 10:30 AM
Nani! ...Thanks ha, may matututunan din naman pala ako sa'yo eh.:P

Weehhhhh, nakalimutan mo na ba neng na sa kin mo natutunan na ang colgate ay mainam na panlinis...ng flute? Di ba? Di ba? nyehehe LOL

At nga pala teh, wala namang member ng orchestra na triangle lang ang hawak ehehehe. I even know of bands na gumagamit ng kanyon pag tinutugtog ang 1812 Overture at mga pistola sa ilang marhes ni Sousa at ang assigned dun ay yung may hawak ng triangle na yun hehe :P

kasparov23
09.11.11, 10:58 AM
I had a friend and kasama sa church who plays the violin for the San Miguel Orchestra (when they were still active). 2nd to the principal na ata siya and she was getting a whooping amount every time they play... Akala ko pa naman noon wala talagang pera sa ganitong larangan. Pero siguro, given the right skill set, education and credentials pwede mo ring careerin ika nga... hehe... :P

Bien
09.11.11, 11:05 AM
Hindi lang iyong orchestra, kasama na iyong San Miguel Chorale...napulitika sila ng mga empleyado ng San Miguel, karamihan ng mga orchestra at choral members ay nag-invest na ng mga house and lot, mga sasakyan tapos aalisin din sila agad. Napulitika sila kasi mas matataas pa daw ata sweldo nila sa mga matatagal ng empleyado ng san miguel.

kasparov23
09.11.11, 11:13 AM
Yun nga din ang kwento niya eh... Nakakalungkot lang... Para kasi sakin eh hindi ka naman malalagay sa kinalalagyan mo if you're not really that good. Especially in terms of being a musician... Talento ang isa sa mga batayan and you just don't get them anywhere kaya deserving naman sila to get that compensation dahil magagaling naman talaga... Mabuti pa yung mga ibang bansa they really put importance in honing the skills of those who like to enhance their talents in music. Sa atin kung wala kang pera eh malabo... Sa scholarship naman, pahirapan dahil madami kayong magco-compete...

blazinghands
09.11.11, 11:31 AM
being a musician is part of what i am. tanong nyo pa kay czyre hehehe

titopao
09.11.11, 11:38 AM
@kasparov23, Bien: So...ibig sabihin, pulitika ang isa sa mga reasons kung bakit binuwag ni Danding Cojuangco ang SMPO/SMCC? ???

Alexander
09.11.11, 11:43 AM
Napulitika sila kasi mas matataas pa daw ata sweldo nila sa mga matatagal ng empleyado ng san miguel.

Maybe not Pulitika as in Philippine Politics (Danding is Chairman Emiritus of NPC)... Maybe, politika within San Miguel dahil sa sweldo ;)

blazinghands
09.11.11, 11:44 AM
ayon sa aking mga bubwit na dating nasa smmc, meron daw yata kasing mga smmc members na pinag-usapan yung sweldo nila sa elevator. eh may mga nakarinig na ibang san miguel employees. ayun, nagsimula silang umalma.

Bien
09.11.11, 12:41 PM
napulitika internally...
nakita or nasilip ata iyong payslip kaya ayun nadala iyong isyu sa unyon.

Koenji
09.11.11, 12:46 PM
If you ask me, they represent what true musicians are, symbolically that is. :)
-qRDg9WS7fk

What a commitment to their music and to each other. :)
9vz4xHW8_6k

The last part of this video reveals something unique of a true musician. :)
GmDl8B0BSSU

d0d0fer
09.11.11, 01:30 PM
Mga kapatid the proper term is musiko, hindi po tama ang term na musikero. It applies not only to brass band members, it includes all musicians.

Matagal ko na rin nga gusto banggitin ito. Hindi "musikero" ang tawag sa musician. Tama ka, dapat "musiko". :)

Bien
09.11.11, 01:41 PM
Matagal ko na rin nga gusto banggitin ito. Hindi "musikero" ang tawag sa musician. Tama ka, dapat "musiko". :)

Pagkaalam ko ang "musiko" ay pertaining sa isang group of musicians (ex. brass band), musikero pag isang tao lang...anyway, musician na lang para madali :)

d0d0fer
09.11.11, 01:55 PM
"Musician" in Spanish: "Musico" pag singular, "Musicos" pag plural.

Bien
09.11.11, 02:05 PM
"Musician" in Spanish: "Musico" pag singular, "Musicos" pag plural.

@dodofer...galing! salamat sa info...spanish word nga pala yun, san kaya nag originate iyong word na "musikero"?

titopao
09.11.11, 02:11 PM
@Bien: Naisip ko lang, baka nakasanayan lang nating mga Pinoy kasi na ang mga Spanish loanwords ("mga hiram na salita") na patungkol sa mga trabaho o katungkulan ay nagtatapos sa "-ero". As in, minero, barbero, heredero (tagapagmana), asendero (may-ari ng hacienda), hardinero, kutsero (driver), kusinero, kartero (mailman), basurero (pero hindi Kastila ang "basura", Tagalog ito :P ) etc.

Madalang kasi sa mga Spanish loanwords natin ang nagtatapos sa "-co/-ca" katulad ng "musico" :)

d0d0fer
09.11.11, 02:14 PM
Ang first time ko yata narinig ang term na "musikero" ay nung late 70s sa kanta "Buhay Musikero" ni Mike Hanapol.

d0d0fer
09.11.11, 03:06 PM
OT:

basurero (pero hindi Kastila ang "basura", Tagalog ito

"Garbage" or "Trash" in Spanish is "Basura" also. :)

titopao
09.11.11, 03:19 PM
Uy, interesting, loanword din pala sa Spanish ang "basura". Thanks for the heads up :)

Bien
09.11.11, 03:30 PM
@titopao...oo nga, modified na spanish word nga yun na nakasanayan na lang natin.

@dodofer...iniisip ko nga yung kanta na yan na baka dyan nag-originate iyong word na yan, parang iyong isang kanta na may word na "pinoy" na ginawa ni florante or ni heber bartolome ba?

d0d0fer
09.11.11, 04:49 PM
parang iyong isang kanta na may word na "pinoy" na ginawa ni florante or ni heber bartolome ba?

Parang yung isang kanta rin ni Florante noong 1970s, "Musika".
:)

aTThjvuXBH4

Ang buhay ay sisigla sa himig ng tugtugin,
tugtuging pag binigyang pansin limot ang suliranin
Himig na tinutugtog, kinakanta na kahit sa ibang bansang wika'y iba
buong mundo'y may musika

Musika ay puwedeng daan tungo sa kapayapaan,
huwag sanang hahadlangan, kung puwede pa'y tulungan
Ang mga musikero ang siyang tulay na sana'y gamitin niyong maging daan
tungo sa kapayapaan

(adlib)

Musika ay puwedeng daan tungo sa kapayapaan,
huwag sanang hahadlangan, kung puwede pa'y tulungan
Ang mga musikero ang siyang tulay na sana'y gamitin nyong maging daan
tungo sa kapayapaan

Himig na tinutugtog, kinakanta na kahit sa ibang bansang wika'y iba
buong mundo'y may musika

titopao
09.11.11, 05:06 PM
Ngayon ko lang na-encounter yung kantang "Musika" ni Florante. Maganda pala ang message n'ya, at meron din s'yang statement sa kung ano ang layunin ng isang musikero [sic]: Ang mga musikero ang siyang tulay na sana'y gamitin niyong maging daan
tungo sa kapayapaan :D

Bien
09.11.11, 06:15 PM
Haha ayos!...after all, pede pa din palang tawaging "musikero" kasi iyong word na "musico" ay from a spanish word.

czyre
09.11.11, 07:54 PM
being a musician is part of what i am. tanong nyo pa kay czyre hehehe

ikaw ang pinaka-adik na taong nakilala ko kaya LOL

dami ko nanamang natutunan... musiko... basura... basurero... :)

prinze
09.11.11, 07:57 PM
amp! LOL. ano tawag sa mahilig kumanta? nyahahahaha.

para sa akin, kung ano man yung merong talento na ibinigay sa akin ay pinagkaloob ng maykapal at marapat lamang na pinagyayaman at buong pusong ibabalik sa kanya.
Kaya nga everytime na tumutugtog ako every Sunday, Nagpapasalamat ako na binigyan niya na naman ako ng isang araw ng linggo para makapaglingkod sa kanya.

Kaya lang gusto kong kumanta kaya lang, Natutulog ata ako nung nag bigay ng talento si Lord sa pagkanta. Hahahahaha. :)

markjeff
09.11.13, 10:06 AM
ang alam ko sa filipino pag sinabing musikero sila yung mga taong musika ang kabuhayan. so malaking field din ito.

ernanibaetiong
09.11.13, 02:21 PM
ano tawag sa mahilig kumanta? nyahahahaha

brod gusto mo ba talaga malaman sagot? nyahaha LOL

Kaya lang gusto kong kumanta kaya lang, Natutulog ata ako nung nag bigay ng talento si Lord sa pagkanta. Hahahahaha. :)

Ako man brod sa pakiwari ko'y nagpipilit lang nyehehe :P

Alala ko noong parish organist pa ko sa Our Lady of Grace, may mga times na hindi dumarating ang choir halimbawa may bagyo, etc. Ako na ang organist, ako pa singer, at ako na rin operator ng OHP para makakanta ang mga tao kasabay ko. At yun ay dahil mahal ko ang musika at ang paglilingkod ko. Yun nga lang syempre ang musiko sa loob natin ay hindi nasisiyahan sa quality kahit kailan. Ito naman sa palagay ko ay blessing sa atin sapagkat dahil dito nagsisikap pa tayong maging mas mabuting artista at lingkod:)

Tahan na Prinze baka lumuluha ka na dyan nyehehe LOL

YuTA
09.11.20, 02:45 PM
Interesting thread. But what about being a musician? There are a lot of them out there (baka nga rin kayong nagbabasa nito ngayon hehehe). My ten cent: it's a very beautiful gift. And I admire all kinds of musicians... and artists (whether you're a solo or a choir artist(s)). Sugo kayo ng Diyos! :)

powerbruc
09.11.21, 08:22 PM
That's true! Music is a gift not all people are blessed with. Musicians should use their talent for God's glory, not for personal fame.

alex
09.11.23, 06:46 AM
Tama. Kaya mas malaki ang responsibilidad ng mga may ganitong talent. :)

vinevolution
09.11.23, 03:05 PM
Having such a gift is something that you should take care of and explore...

fouriertransform
09.11.27, 04:07 PM
I do not believe talent is gift. Some musicians not inborn with talent, they work hard to be good musicians. They are better.

They work hard for making good talent for self, they are greater musicians, bec. they take care of talent better than "inborn" musicians.

Alexander
09.11.30, 09:51 AM
If talent is not a gift, how would you even learn? As the capacity to learn is a gift.

I guess you're confusing TALENT with SKILL.

People who study to learn the craft is called skill but there are people who do not study but has the ability to do the craft is called "talent".

Lastly, it's better if we do not compare who's better between the two because not everyone will agree. I would rather be skilled or talented but not boastful.

fhayeobra
10.03.02, 10:14 PM
Having such a gift is something that you should take care of and explore...

agree po ako sa'yo vinevolution.. hindi nga naman lahat ng tao, eh nabibiyayaaan ng ganitong talento.. at kung meron ka man, hindi natin ito dapat na ipagmayabang sa ibang tao.. dapat gamitin natin ito sa wastong pamamaraan.. lalo na kapag inabuso natin ang paggamit dito, maaring bukas makalawa, bawiin sa'tin 'to.. :):):)