PDA

View Full Version : Music Ministry/Choir - Problems and Organizing


deejay
02.12.05, 01:04 PM
hi po :)

sana po makatulong ang bawat isa sa atin sa ganitong klaseng problema :)

Alexander
02.12.06, 06:48 AM
I'll be willing to help but, can you be a little more specific on what problem? Ganyan din kasi kami whem we were starting way back 1984 (Tanda ko na ba?) like ligawan sa choir (na kapag may tampuhan, parehong absent), inggitan sa sked with other choir (lalo na if the have an ax to grind against you), yung mga tamad sa practice (at gusto kumanta sa sked)...sarisari yan eh and it needs different actions.

Maybe somebody from BP will contribute a great advice like Norman, Palan, Ali, etc....

Cheers ....:)

J O J I T
02.12.06, 08:55 AM
same here. just like you (siguro), bago palang choir namin. daming conflicts, just like what alexander said, merong minsan kulang members during practice, minsan may tampuhan, minsan tampo yung iba pag gusto nila yung song tapos sa iba mo pinakanta yung solo part. maganda siguro kung may kasama ka na gustong ayusin ung problem ng group. dapat tulungan. mahirap kasi kung isa ka lang gustong gumawa ng paraan. pag hindi willing yung iba, hindi maaayos yung problem kahit ano pa gawin mo. sa practice kung hindi sila serious sa service, talagang mahirap kasama yun. kaya sa amin, bago sila makasali, kailangan ng approval ng lahat ng members. kahit na bata kailangan gusto ka nya para lang maging part ng group. kasi kailangan makita namin na iisa purpose natin sa group.

rinoah
02.12.10, 05:15 PM
hi deejay...wala lang po.....may problema ka ba sa choir???

n8s
02.12.11, 11:03 PM
:)Hi! I'm very new here. But have been a fan of BP since time immemorial. I guess all choirs have problems. Our choir is 16 yrs old and based here in valenzuela and we have had our share of problem. Some were trivial and some were very heavy. But if you put your service to GOD above all else, no problem is big enough to part people who have a common vision and goal. And I'm glad the current members of our choir have the same attitude.

deejay
02.12.17, 09:44 AM
Thank You for your replies. Maraming-maraming salamay po talaga. :) :) :)

lionel
03.01.03, 07:46 PM
1. makakatulong kung may officers ang choir nyo. at ELECTED na head. That way authority is granted by the members and not dictated by one figure.

2. lead by example. esp. if you are an officer. Be on time. Be respectful of the Mass and other choirs. nomatter how the others may treat you.

3. Remind your choir why the choir exists. to serve. to assist the congregation in prayer.
hindi para maging barkada.

4. when problems occur, have the officers come up with a decision. and ask the others to respect it.

5. pray..... a LOT. a choir that doesnt pray is PERFORMING not SERVING.

6. form strong bonds with your members. spend time with them. and not just the people you like. even the people you can't stand.

7. finally, and this is purely my personal point of view: remember that it is

better to have 25 out-of-tune singers who have the right attitude towards serving in Mass and towards practices

rather

than 25 perfect singers who can't be bothered to respect the Mass and end up showing off when they sing.






cheers,
lionel

jcsantos
03.01.04, 02:37 PM
to your questions. Paano ba harapin ang problema sa choir?

One way in solving problem's in our group was. first we talk about all the issues(seniors) then, iniisa isa namin mga problem then or inisa isa namin kung cno yung me mga problema, we say the probable cause then we create a possible or whether it's a temporary or a permanent solution? ussuall ganyan din mga problem namin ...mga choir na d interesado kumanta. mga choir na interesado kumanta pero d responsible enough to do his duty.. after this we would tell this to our music ministry head to confront,

the second one is we get time to held a meeting of all choir and then we make open discussion ... yung parang say what you want. and kung pwede i release mo lahat ng anger ng kung anuman yung nararamdaman mo ...para dun mapag usapan na yung dapat gawin ...

and the third i think is pag me nakitang mali .... pipinpoint kaagad namin yung mali ng mga fellow members namin ... respecting what they say ....

Sana makatulong sa mga nakakabasa pang iba

J O J I T
03.01.04, 04:01 PM
treat your group members not just a co-members but as a family. una, mas madali kausap second mas madaling makapag-bonding 3rd, mas masaya mag-serve. tama sir lionel, mas maganda kasama yung willing to serve kahit na hindi magaling kumanta kesa sa magaling kumanta na walang paki-alam sa group and sya pa nagsisimula ng gulo sa group. take it from me. madami kami experience nyan.

budz
03.01.04, 07:58 PM
mahirap talaga pag may mga professional singers sa isang choral group,just like our choir here in seoul korea.we have members who are singing in some hotels here.ang hirap since kung kelan lang nila gustong kumanta saka lang sila susulpot.and isa pa masyadong mapagmalaki,madalas they wouldn't follow the usual arrangements.nagcrecreate sila ng sariling boses.wala na rin kaming magawa since gusto din nilang kumanta at magserve.kaya mahirap talagang mawala ang VIP attitude or star complex to some choir members!

lionel
03.01.06, 02:10 AM
mahirap talaga pag may mga professional singers sa isang choral group,just like our choir here in seoul korea.madalas they wouldn't follow the usual arrangements.nagcrecreate sila ng sariling boses.


make do with what you have, di ba?

pero napangiti ako nung iniisip ko ang "pag-aalaala" sung with Mariah Carey kulot-kulot sa vocals.

:)

smile lang diyan!

J O J I T
03.01.06, 02:34 PM
meron din ako kilalang ganyan. ama namin and take and receive ala bryan mcknight. hehehe puro kulot ang boses kalbo naman.. bad ko talaga. :)

deejay
03.01.06, 05:32 PM
thank you po ulit sa inyong lahat!!! ;) ;) ;)

soul guardian
03.01.28, 05:37 PM
7. finally, and this is purely my personal point of view: remember that it is

better to have 25 out-of-tune singers who have the right attitude towards serving in Mass and towards practices

rather

than 25 perfect singers who can't be bothered to respect the Mass and end up showing off when they sing.






cheers,
lionel



how true! some members in our choir are not that good in singing pero lagi mo talaga silang maasahan sa kahit anong assignment, kahit pagod or puyat or maraming ginagawa.

yung isa kasing choir sa amin, ang gagaling nga ng mga members nila. in fact, they're too good na feeling ata nila utang na loob pa ng Parish sa kanila na kumakanta sila for the choir. kaya ayun! kapag hindi pwede sa schedule nila, basta na lang hindi aattend. kaya tuloy madalas kaming nagiging sub para lang may mag-choir during mass. kahit tuloy hindi pa ayos yung lineup ng songs, sige pa rin kami kesa naman maiwanang walang choir yung misa.

not being bitter about it of course. syempre mas nahahasa kami nun. ;)

J O J I T
03.01.29, 12:56 PM
am happy for your group soul. ;)

J O J I T
03.01.30, 07:38 AM
1. How do you tell someone that he or she has to leave the group?

meron po kasi kaming member na walang ginawa kung hindi gamitin ang group para awayin yung kabilang group. pag practice hindi sya umaattend, pag sa mass gusto nya laging may solo part, sanabi nya na walang maasahan sa group namin (nag set po kasi sya ng engagement na hindi alam ng lahat ng members).

2. what would you guys do if yung parish priest nyo hindi mahilig sa music and everytime na may mass "ama namin", "communion", "entrance" and "final" lang pinapakanta nya ang gusto nya short songs lang.

3. ok lang po sa group na magligawan and minsan affected ang group pag may tampuhan yung mag bf/gf? ano po gagawin sa kanila? madali po kasing sabihan pero mahirap i-convince na makinig.

thank you po.

soul guardian
03.01.30, 09:18 AM
1. Siguro before you ask that person to leave the group, kausapin nyo muna to let him (assuming it's a guy we're talking about) know na may issues kayo sa attitude nya. I'm sure nauubusan na kayo ng pasensya sa kanya pero you have to give him the chance to know why you want to let him go. It's a good idea na isa or dalawang tao lang ang kumausap privately para naman hindi nya ma-feel na pinagkakaisahan nyo sya.

If he's still stubborn enough not to listen, then it's time you tell him na hindi helpful sa group yung attitude nya.

2. Wala kayong magagawa kundi sumunod kasi sya yung Pari e. If you really want to sing some new songs, then maybe you can sing it before the start of the Mass to set the mood for the congregation. Or set a mini-concert or presentation in the Parish during Christmas and Marian season. There are a lot of chances for you to sing outside the Mass and still serve the Parish at the same time.

3. Hmm.. constant problem lalo na sa choir with young members. When we were in our teens, problema din namin yan kasi hindi pa mature yung mga members to keep their personal problems out of the choir. Pero as we grew and became more matured, we learned how to handle our feelings para hindi madamay yung choir. I'm not really sure how to answer your question. Perhaps yung medyo elder sa inyo ang dapat kumausap sa kanila. Someone who can remind them of their purpose in the group.

Hope this helps, good luck sa inyo.

J O J I T
03.01.30, 12:45 PM
thanks sa advice. ;D

Alexander
03.01.31, 06:23 AM
1. How do you tell someone that he or she has to leave the group?

meron po kasi kaming member na walang ginawa kung hindi gamitin ang group para awayin yung kabilang group. pag practice hindi sya umaattend, pag sa mass gusto nya laging may solo part, sanabi nya na walang maasahan sa group namin (nag set po kasi sya ng engagement na hindi alam ng lahat ng members).


This is a classic example of self interest lalo na yung iko-commit ang grupo without informing the choir. Tama yung sabi ni Jan, kausapin mo or dalawa sa leaders ng grupo. Sabihin nyo na kung may gusto siya, sabihin ny in the proper forum para maayos at walang napapahiya diba.

Tunggkol naman sa ginagamit nya ang grupo para awayin ang ibang grupo, tell him/her na it's not healthy to use people to hurt other people. It will eventually land on hurting them both kapag nag-aaway na at maapektuhan pati ang service ng grupo.


2. what would you guys do if yung parish priest nyo hindi mahilig sa music and everytime na may mass "ama namin", "communion", "entrance" and "final" lang pinapakanta nya ang gusto nya short songs lang.


Well, alam ko nasabi mo na dati na maraming mass sa inyo kaya laging nagmamadali ang pari nyo diba. Well to satisfy your love to sing, always give it your best lalo na sa Communion diba? Im sure naman marami ang nagko-communion sa mass so you can sing at least two pag Sundays. :)


3. ok lang po sa group na magligawan and minsan affected ang group pag may tampuhan yung mag bf/gf? ano po gagawin sa kanila? madali po kasing sabihan pero mahirap i-convince na makinig.

thank you po.


Na discuss ko na rin dati sa ibang thread tungkol sa mga problema sa Choir. Naging problema ko rin dati yan sa mga previous choir na hinawakan ko e. Lessons learned, you cannot avoid the situation na may magliligawan and eventually ay mag-aasawa. Di bale sana kung after all ay pareho pa rin silang magse-serve. Pero worst is what you said at apektado ang choir KUNG sila lang ang inaasahan mo. Solution, dapat ay tuluy-tuloy ang recruitment para you will not depend on a "Few Good Men", marami diyan na iba at huwag mo ipaparamdam na the Choir cannot move on without them, mae-enslave lang ang grupo diba. I hope na nakatulong

J O J I T
03.02.01, 10:37 AM
thanks sir alex. but to reply on your comments, let's see....

on number 1. not all people are willing to listen and willing to accept his/her mistakes. meron taong sinasadya manggulo and mang asar. and she's one of them. hindi kayang kausapin ng maayos. once kinausap namin, sya pa ang matapang and talagang galit na galit. pati mga batang members naasar na. anyways, pagdadasal nalang namin sya.

on number 2. never pa kami kumanta ng dalawang communion. konti lang tao pag afternoon mass eh. pero don't worry, kahit isang kanta lang, laging bigay todo kami. :)

jeromz
03.02.01, 12:36 PM
on number 3.

sa choir namin, laging pinapaalala ng choirmaster namin na bawal magligawan sa choir kasi nga pag nagkatampuhan, hindi na aatend yung isa. pero hindi pa rin napigilan. dalawa na ang incident sa choir namin na naapektuhan ang attendance sa choir dahil sa bf/gf. yung isa pinatigil dahil tutol ang parents niya sa bf niya at yung isa pinatigil din sa pagkanta dahil ayaw ng nanay niya sa gf niya.

rinoah
03.02.01, 05:03 PM
1. pagusapan ninyong lahat yan....kung sa palagay ninyo eh kelangan na talaga niya umalis, e di sabihin nyo nnag mahinahon at sa paraan na sa tingin ninyo ay maiintindihan nya....

3. dapt siguro di nila dinadala nag tampuhan sa mga rehearsals diba??

rainiermarquez
03.02.02, 01:28 PM
2. what would you guys do if yung parish priest nyo hindi mahilig sa music and everytime na may mass "ama namin", "communion", "entrance" and "final" lang pinapakanta nya ang gusto nya short songs lang.


Hi! I just recently changed my name to Rainier (instead of Rafael)

Tama yung sinabi ni sir jojit. wala tayong magagawa kasi siya ang presider ng misa. siya ang may control sa liturgy. masakit din minsan ang mga ganyang cases (lalo na pag pinapagalitan ka ng pari).
Pero, ang maiaadvice ko lang is that pagpasensiyahan nyo na ang paring iyan. iba-iba kasi ang ugali ng mga pari (lalo na yung aged!)

Hope this helps!

J O J I T
03.02.03, 12:42 PM
paano po kung hindi kaya ng mahinahon na usapan? hindi ko naman kayang sabihing wag ka na aalis? tama bang wag nalang sya inform pag may practice? or maybe ilipat nalang ang practice sa lugar na hindi sya makakapunta, like sa house namin. ;) in any case, nakakahinayang pa rin kasi magaling syang kumanta, mabilis matuto and veteran na pag dating sa choir. too bad, hindi service ang dahilan nya sa pagkanta. tsk, tsk, tsk.

J O J I T
03.02.03, 12:48 PM
1. paano po ba mag-recruit ng member? ok lang po ba magpunta sa school and mag pa-audition? or mag-post kaya sa church? or pwede bang mag-invite ng member ng ibang choir? like in the case of sir monchu, member ng BP at the same time member ng hangad. hindi po ba lalabas na nanunulot ako ng member?

2. ok lang din po bang merong "probationary" period bago maging "regular" member na ang isang recruit?

3. palagay nyo po, anong age ang adviseable na i-recruit? ok lang po ba high school or elementary? problem po kasi pag gabi ang practice minsan hindi pinapayagan ng parents. kayo po sa bukas palad, anong age usually ang na-iinvite nyo sumali?

thanks :)

Alexander
03.02.04, 12:40 PM
1. paano po ba mag-recruit ng member? ok lang po ba magpunta sa school and mag pa-audition? or mag-post kaya sa church? or pwede bang mag-invite ng member ng ibang choir? like in the case of sir monchu, member ng BP at the same time member ng hangad. hindi po ba lalabas na nanunulot ako ng member?


Jojit,
unlike before, madali magrecruit ng members, marami kasi ang mahilig kumanta, lalo sa mga highschool. ngayon nawiwili sa ibang bagay ang generation ngayon. Yun nga lang youth choir na hawak ko sa parish namin, minsan dadami, minsan anim lang sila. Maganda siguro, i-announce nyo sa Mass nag recruitment, tried and tested ko na yun. Siguro namn, pag narinig nila kayong kumanta e maeenganyo silang sumali. Mahirap yata mag comment tungkol sa panunulot, kasi d ko pa naranasan, pero parang di maganda.


2. ok lang din po bang merong "probationary" period bago maging "regular" member na ang isang recruit?


Tungkol sa probationary, meron kami nyan, kasi dito mo malalaman kung talagang dedicated ang isang recruit sa paglilingkod. Dati, 1 month lang sa amin, ngayon, ginawa namin na 3-months para talagang maranasan nila na mahirap maging regular member and they will cherish it at di basta aalis.


3. palagay nyo po, anong age ang adviseable na i-recruit? ok lang po ba high school or elementary? problem po kasi pag gabi ang practice minsan hindi pinapayagan ng parents. kayo po sa bukas palad, anong age usually ang na-iinvite nyo sumali?

thanks :)


Kami sa regular choir namin, palibhasa ay required to attend PREX before makapag-serve sa Parish, minimum age namin ay 18. Sa youth choir naman namin ay 13 to 18 at sa Childrens choir naman ay 9 to 13

Di ko lang alam yung sa BP (syempre) ;D Di pa kasi ako nag-a-apply e (or na-iinvite ) ;D ;D :o

J O J I T
03.02.04, 12:51 PM
sige, try namin mag-announce before the mass. :) thank you sir.

Koenji
03.02.07, 04:58 PM
Ipagpaumanhin n'yo kung muli kong bubuhayin ang usaping ito. Damdam ko lang na may kaunti akong maibabahagi para sa ikabubuti ng ating tugon sa tawag Niya. Medyo matagal-tagal na rin akong nagsisilbi sa Kanya bilang isang choir member, kaya sana'y tanggapin ninyo ito bilang isang paalaala o payo na nanggagaling sa isang nakakatandang kapatid.


1. How do you tell someone that he or she has to leave the group?

Masakit man gawin, pero di dapat natin paalisin ang isang isang taong naglilingkod sa Kanya, gaano man kaliit o kapos ang kanyang ambag sa pagtugon, o kahit na s'ya'y nagkasala sa samahan. Bagkos, ang dapat nating sabihin ay "tanggap ka pa ri namin sa kabila ng lahat ng iyong kahinaan".
Puna ko lang, sa tagal ng aking pagko-choir, mayroon talagang mga kasapi na nagiging balakid sa ministry.
Pero minsan naiisip ko, sila 'yung parang sumusubok at bagkos humahasa sa katatagan ng ating pagtugon.
Para sa akin, ang pinakamabigat na hamon sa pagko-choir
at hindi 'yung matagalang paggugol natin ng panahon upang matutunan at mapaganda ang isang kanta o anupa mang sakripisyo na nakaakibat duon, kundi ang paulit-ulit na katanungan na "Kapag ginawa ko ito sa aking kapwa, ako'y ba'y nagiging tapat sa mga mensahe ng ng mga awit na aking inihahayag.

2. what would you guys do if yung parish priest nyo hindi mahilig sa music and everytime na may mass "ama namin", "communion", "entrance" and "final" lang pinapakanta nya ang gusto nya short songs lang.

Nakakahinayang talaga kung hindi natin nagagamit ang lahat ng mga kantang ating natutunan. Lalo na't naniniwala tayo na kailangan gamitin ang mga ito, hindi dahil ibig nating ipaalam sa iba na marami tayong alam na kanta o magaling tayong kumanta, kundi ibig lang nating humayo't ihayag ang mga magagandang aral na nakapaloob sa mga awiting ito.
Kaya nga ang suggestion ko ay: Maaari ninyong palawakin ang horizon ng inyong pagsisilibi. Maraming tao sa ating palagid na lubos nating matutulungan sa pamamagitan ng ating mga awiting pamsimbahan. Tulad halimbawa ng mga pasyente sa ospital, mga bilanggo, o di kaya naman sa mga charity concerts. Ipagpatuloy n'yo ang inyong pakikipag-ugnayan sa ibang grupo o choir sa ibang parokya nang sa ganun kung mayroon silang charity concert ay maaari kayong tumulong.

3. ok lang po sa group na magligawan and minsan affected ang group pag may tampuhan yung mag bf/gf? ano po gagawin sa kanila? madali po kasing sabihan pero mahirap i-convince na makinig.

Bilang kasapi o pinuno, hindi na natin saklaw ang karapatan ng dalawang kasapi kung sila ma'y nagkaka-ibigan. Ang kailangan lamang ay ang patuloy na pagpapaalala na may nakaakibat na "risk" kung sila man ay nagkakatampuhan o di nagkatuluyan. S'yempre kadalasan
hindi na dadalo ang isa o silang dalawa dahil nga siguro nagkakahiyaan. Pero, hindi ba maganda kung ang ating grupo ay naging instrumental sa isang wagas na pag-iibigan. Tulad halimbawa ko, nakilala ko ang aking napangasawa sa choir. At dahil pareho kaming naniniwala sa kabutihang idinudulot ng choir, ay patuloy pa rin kaming nagko-choir hanggang ngayon.
Sa choir namin ay di bawal mag-ligawan, kaya nga marami na kaming kinantahan na kasal ng kasapi namin. Positively, ang advantage ngayon ay pagdumadating sila sa practice o misa ay hindi na paisa-isa lang, kundi padaladalawa na ;).
Ewan ko nga ba pero nagkataon lang siguro na sa choir namin ay mas lamang ang members na "couples". Kaya nga kung minsan kapag nagkakabiruan, ang tawag namin sa choir namin ay "Couples for Choir"! ;D ;D ;D

lionel
03.02.07, 08:58 PM
jojit,

1. announce mo sa masses na kelangan nyo ng members.
2. lagay kayo ng sign-up sheet sa parish office.
3. maglagay ng poster (kahit xerox lang) na nag-iimbita ng tao sa mga bulletin boards sa parish.

**BONUS: 4. Pakinggan nyo ang mga umuupo na malapit sa choir. minsan ang mga umuupo sa paligid ninyo ay may interest na kaagad, otherwise why would they sit there? kung maganda ang boses, imbitahin on the spot. (kaya nai-imbita ako sumali paminsan-minsan sa ibang parishes dahil gusto kong umupo sa may choir. para di nakakahiyang kumanta na todo-bigay.)


probationary period? good idea. para di kayo taken for granted.

age requirement? college level sana, para di masyado hassle sa paalam sa magulang.



ang pinaka-importante : if the person has a strong desire to serve, find a spot for them in the church, even if he/she doesnt fit in the choir.

yan kasi ang kulang ng simbahang katoliko natin dito sa pilipinas: personal care and concern. sa dami kasi ng nagsisimba, nagiging anonymous ka tuloy.

subukan mong mag-attend ng Baptist service. they really make you feel welcome!

teka, nao-off topic na naman ako.
hayyyyyyyyyy

J O J I T
03.02.11, 12:51 PM
on number 1. pwede kayang sa ibang paraan nalang sya maglingkod? dun sa wala syang makakaaway? :)

J O J I T
03.02.11, 12:53 PM
ok yung bonus sir. ;D maraming salamat

rainiermarquez
03.02.13, 04:01 PM
Paano nga ho bang mag-form ng isang music ministry?

In my case as a seminarian, paano po?

Thank you and More Power to all! :)

Koenji
03.02.13, 04:52 PM
Rainer


Basically, mag-form ka lang ng choir
that can sing in a Mass, Music Ministry na 'yon.

rainiermarquez
03.02.15, 03:02 PM
Then, papaano mo sisimulang mag-form ng isang music ministry o ng choir.......?

Just like the BP na by invitation nagsimula...... ::)

budz
03.02.15, 04:33 PM
i think koenji is right.you have to form a small choir first then pag nag-prosper into a bigger one pwede nang matawag na music ministry.
but in my own knowledge a music ministry is composed of diff. choirs sa isang parish,particularly in manila na ang bawat misa ay may kanya-kanyang choir.so kung isa o dalawang choir lang kayo sa parish nyo-your choirs will be known as your parish music ministry.

himig
03.02.15, 10:03 PM
Rainier,

If you are really after the very basic of forming a choir or a music ministry, maybe you should first check if there is a mass where you can sing in . ;D

I think you should also consult your formator first before you do something that would involve you working outside the seminary. (since you are a seminarian) ;)

rainiermarquez
03.02.16, 02:52 PM
I think you should also consult your formator first before you do something that would involve you working outside the seminary. (since you are a seminarian) ;)


I think it does not need a consultation from a formator kasi the seminarians have the so-called apostolate especially during summer. That would be a perfect opportunity na magtatag ako ng isang music ministry.

Well, actually, what I have in my mind now is that a music ministry that has a ministry (or apostolate) itself. It will be composed of people who would promote liturgy through music, a team that would introduce songs in liturgy and would give a fresh songs that will help in the latter.,

CHEERS!!!! ;D 8)

nargalzius
03.02.17, 02:33 PM
Agree ako na di kelangan ng paalam (permission), pero ok ipaalam (inform) for future support kse siyempre ang point ng ministry is to evangelize di ba? So dapat me support kahit papaano.

Guilty ako for not knowing the BP history down pat pero alam ko nagsimula lang yung BP as a wedding singing group na inofferan irecord yung mga kanta. Maybe sina Norms, Jands and Mano could clarify their intentions upon the first [unnamed] group's conception.

Malay mo nadala lang ng panahon at ng pangyayari kaya naging serious music ministry tong BP hehehe pero don't quote me on that. But if it's true, then it's one of the pleasant developments that can happen to any other choir di ba?

lionel
03.02.17, 11:27 PM
as far as i know, carlo, ganun nga nagsimula ang BP. they were just invited to sing for their friend's wedding. and later on were asked to record.

rainier,
i have a suggestion: if you really want to create a music ministry, make it official. tell your formator.
ask for help so that you can find resource people to train your music ministry. and most importantly : have a clear target apostolate. who will benefit from these new songs?

in fact i would strongly suggest you go to a different parish in urban poor areas every month and train guitarists and choirs to play these new songs. provide them with the chordbooks, the music sheets, the materials.

rotate to a diff parish every month or so para may 3 weeks ka of training, with 1 for follow-up.

hook up with the diff. choir heads and diff. parish priests, or choral groups in these areas so you can network where to go next month.

make it an apostolate of liturgical music teaching.


i would love to see that happen.


good luck.

give a holler if you need help.



lionel

J O J I T
03.02.18, 07:36 AM
tama sir sir lionel. nagkataon na ganun ang purpose ng group namin. bumuo kami ng group para makakanta sa mga liblib na lugar ng bulacan na walang choir and up to now naka-tape pa din ang mga luma nilang kanta. introduce namin mga new songs ang invite namin yung mga youth na sumali sa practice namin ang kami magpo-provide ng minus one (kung wala kami ma-train na instrumentalist). :)

sa mga nagpa-planong gawin din ito, masarap po gawin. nakakagaan ng kalooban. :)

lionel
03.02.18, 11:31 PM
naku sobrang kelangan nga nyan sa ibang lugar.
(tulad ng QC)


kaya, good luck and God bless.

empowerment din yan, kahit papa'no.


:)

soul guardian
03.03.10, 12:09 PM
I wanted to start a new topic pero I decided na mag-post na lang to this existing one para hindi redundant...

My question is, as opposed to the original question, How do you maintain a music ministry?

Kaka-establish lang kasi ng formal music ministry sa parish namin and I am privileged to have been appointed as the coordinator. We have 5 choirs in the parish (including one guest choir CFC) and I'm supposed to organize ??? them into a music ministry (not sure what they mean by organize though... :-\)

I think it would have been easier kung I had to start from scratch. The thing is, we have been a parish for 7 years now, and some of the choirs are older than that na, although bagong batch of members na rin. Age range is also wide, from kiddie choir to elders choir.

My problem is, how do I start? Marami akong observations, but I don't know if I should deal with them or let them be.

1. Different choirs, different lineup, even responses like Alleluia, Kordero, Santo, even Papuri. Should I at least move to establish a common response lineup between choirds?

2. Liturgical vs. inspirational songs, what's the difference? Can worship songs be sung during the Mass, i.e. for Communion?

3. How feasible is a grand choir during special occassions such as Fiesta or Easter? Should I include all members or only a select few?

4. How about regular meetings, at least for choir masters?

5. How do I setup a Psalmist Guild? I believe we need this one.

I'd appreciate any suggestions to any of the questions above. Sana po matulungan nyo ko. :)

Alexander
03.03.11, 03:34 PM
1. Mas maganda kung pag-usapan nyo ang line up including mass responses. Syempre mas maganda yung uniform ang kanta nyo para yung tao di malilito. Set aside the indifference (sa kanta).

2. Malaki ang pagkakaiba (you may read Musicam Sacram, ask your parish priest) kasi from the word pa lang like sa District namin, may rules sa pag-awit ng liturgical songs, thoug allowed din ang inspirational songs but you have to observe the teaching in the song kung hindi against sa Catholic Doctrine.

3. Mas maganda nga yung may "Grand Choir" kasi at least sa mga special occasion like waht you said, plus Pastoral Visits, etc.

4. Mas maganda talaga ang me regular meeting, at least dun kayo nakakapag discuss ng different matters. Specially schedule sa mass, song line up. At least siguro once a month.

5. Kailangan nyo sa Psalmist (if not assigned to the lector) ay kumakanta rin. Dapad din ay meron kayong arranger para sa mga Psalm if your not using traditionally arranged Psalms.

MUSICMAN
03.03.18, 03:12 PM
do you believe on imposing sanctions sa mga choir members lalo na kapag wala silang respeto sa mga leaders nila?

kasi yung choir master namin at saka ako, wala naman kaming degree sa music, but we try our best para turuan ang mga members namin. pero marunong naman kaming magbasa ng piyesa.

they feel, wala kaming "K" na magturo. what can you suggest?

>:(

LouGrant
03.03.18, 04:13 PM
"Sanctions" might be too strong a word to use. The leaders of the group should have been designated or appointed as leaders because the group agreed to have them there to provide guidance and overall direction.

In Bukas Palad (BP), for example, we have created a structure where there is an overall coordinator that provides the final decision and makes all the judgment calls. Then, we created subcommittees to be responsible for specific areas of concern, like Music, Logistics, Finance, etc. In relation to the area of concern you mentioned, we have a musical director (who heads the Music subcommittee), and some other BP members who work closely with him to teach us songs, correct our style of singing, etc. Remember, a degree in music does not secure the right for a person to teach music.

Therefore, I suggest that you meet with the whole choir for a planning session. There should not be ill-feelings within the group. Create a framework where you allow the group to dialogue with the leaders. As leaders, you should not impose on the group, you should simply make sure that the group is working towards a common and agreed objective. Remember, it's important that you don't appear as a 'dictator' to the rest of the choir.

Pag-usapan ninyo muna. Mahalagang naiintindihan ninyo ang isa't isa. Kung pakiramdam nilang wala kayong 'k' magturo, itanong ninyo sa kanila kung bakit, at alamin ninyo kung sino ang sa tingin nilang may 'k' na magturo. Mahalaga ang pagkakaisa sa isang choir.

Good luck!

MUSICMAN
03.03.18, 05:19 PM
salamat sa reply. but you know, our choir master was appointed by our parish priest several years ago. hindi naman lahat ng members ay ayaw sa kanya, may mangilan-ngilan lang naman ang walang respect sa kanya.

marami nang mga dialogues and meetings ang nangyari, even recollections and retreats, pero wala pa rin.

they feel na magaling sila. may pagka sarcastic pa sila pag nagtuturo kami. this has been happening for years now and yet, we call ourselves music ministers.
:-[

Alexander
03.03.18, 10:56 PM
Hi Music Man,
Alam mo ang mga ganyang tao, marahil they envy the blessing given by your Parish Priest, they feel they deserve the post. Pero what you can do, if they still not respect you and your MD, pray for them or better yet, ask your Parish Priest to talk to these people. Maybe as a father to his fold, they will listen, else, they've shown their true colors and are not worthy to be leaders. Pray for them.

cheers.... :)

Koenji
03.03.19, 02:02 PM
Hi music man :)

Welcome!

For me lang naman 'to:

Try to look at it on another perspective by asking yourselves these questions: Is your music ministry liturgically effective? 'Yun bang pagkumakanta kayo sa misa'y damdam n'yo na nagiging meaningful ito at ang congregation ay nakakasunod naman sa mga kanta n'yo. At wala namang nagko-complain tungkol sa selection ng mga songs n'yo. If you're answer is "yes", then sa area ng music, walang big change na dapat baguhin and just continue improving it for the betterment of your ministry.

On the other hand, if your answer is "no", then it's time to "open the window of diplomacy", ika 'nga. Try to listen to their suggestions and strive to work toward working as a team. Baka sakali lang naman na nale-left-out sila. In short, share the responsibilities. But then also try to evaluate their motivations. This is to ensure that they are doing it for the sake of the ministry and not for their personal ratification lang. Show good example to your members. Someday, they will be leaders,too.

Lastly, although music is an integral part of our ministry, it is not everything when we try to fulfil it. There are still friendship, commitment, acceptance, PATIENCE, prayer,and all the values we share when we sing our beautiful songs. So,"practice" what we sing.

I think,one BP song is appropriate here::"Kung 'Yong Nanaisin".
Listen to it repeatedly. I believe the answer is there. ;)

J O J I T
03.03.20, 07:33 AM
alam mo music man, marami talagang tao ang mahirap i-please. kahit ano gawin mo, kahit kausapin mo, kahit maganda ginagawa mo, bwisit talaga. sorry at medyo str8 ako, pero talagang ganun. mahirap i-please lahat, lalo na kung iba intention nila. subukan nyo kausapin ng diretso. ask them, ano ba purpose nila, pag sinabi nilang mag-serve, sabihin mo gawin nila at wag silang kontra ng kontra. napaka-dami ng kontrahan sa mundo dinadagdagan pa nila. kung madami sila ayaw, pagusapan nyo. kung gusto nila pumalit sa MD, sabihin mo, sila magsabi sa parish priest. kung kaya nila sabihin, bahala na parish priest mag-decide. kung talagang mahirap sila kausapin, ask them to leave and form their own group. last resort na 'to. mahirap talaga magsama pag hindi iisa purpose and objective nyo. ;)

bajo
03.04.25, 01:33 PM
Any suggestions?


Out numbered ang mga lalaki namin sa choir. Kahit ilang beses pa kami magpa-audition ay puro babae ang sumasali. Ano kaya ang pwede gimik para may sumali sa amin na lalaki. Kulang kasi kami ng male members eh.


Tnx.

Alexander
03.04.25, 03:38 PM
Well, ako naman ang naiinggit sa yu dahil sa amin, out numbered and babae sa lalaki, I have only 2 or 3 regular sopranos and 2 regular altos. The rest of the ladies are either irregular and attendance or not a reliable singer. Pero ang Tenor ko na 3 to 4 ay ok na dahil malakas naman pero ang Bass ko ay minsan Sampu, pinaka konti na dun mga anim.

Sa amin kasi mas marami ang Guys na mahilig kumanta, di mo ng mapapansin kung my absent e. Or minsan pag absent pa ang nga Soprano, nag me-male choir kami.

The secret is, meron kaming mga monthly formation program (PREX) with out former parish priest at marami kaming nare-recruit from there.

One tip I got from this forum (i think si Lionel), was to look for people na madalas lumapit sa choir during mass, chances are, gusto nun sumali, wala lang nagyayaya or nahihiya.

Try that one...... ;D

bajo
03.04.25, 05:18 PM
Kuya Salamat, Magandang Idea Yun. Dito kase sa amin maraming choirs, every barrio meron. mahirap na maghanap ng ibang mahilig sa music.



Well, ako naman ang naiinggit sa yu dahil sa amin, out numbered and babae sa lalaki, I have only 2 or 3 regular sopranos and 2 regular altos. The rest of the ladies are either irregular and attendance or not a reliable singer. Pero ang Tenor ko na 3 to 4 ay ok na dahil malakas naman pero ang Bass ko ay minsan Sampu, pinaka konti na dun mga anim.

Sa amin kasi mas marami ang Guys na mahilig kumanta, di mo ng mapapansin kung my absent e. Or minsan pag absent pa ang nga Soprano, nag me-male choir kami.

The secret is, meron kaming mga monthly formation program (PREX) with out former parish priest at marami kaming nare-recruit from there.

One tip I got from this forum (i think si Lionel), was to look for people na madalas lumapit sa choir during mass, chances are, gusto nun sumali, wala lang nagyayaya or nahihiya.

Try that one...... ;D

Koenji
03.04.26, 12:29 AM
Hi JOJO http://home.hpo.net/christmas/koenji/rolling.gif

Just in case you haven't tried this one:
Next time na mag-announce kayo ng audition, emphasize n'yo na your choir is it need of new members preferably bass and tenors.

O di kaya naman 'yung mga female members n'yo baka naman meron silang mga male friends or relatives na interesadong mag-choir. Maybe their brothers, boyfriends, suitors, pwede na rin siguro 'yung tatay nila hahaha (joke lang). http://home.hpo.net/christmas/koenji/rotating.gif

Good luck,

Serving God through Music. http://home.hpo.net/christmas/koenji/harp.gif

J O J I T
03.04.29, 02:57 PM
nice suggestment keonji. meron din akong isang suggestion. actually pareho kami ng alex ng problem. kulang ako sa soprano and alto. 4 lang soprano ko, buntis pa yung isa (misis ko yun) tapos 5 ang alto pero mga bago sa choir kaya hirap pang mag-isa (unlike trin of hangad, super galing) anyways, dapat kasi malaman natin ang nature ng lalaki. pa-macho effect yang mga yan. ayaw makikitang nagsisimba, kung magsisimba man kasi may kasamang chick or kung magsisimba, usually nasa labas at pumoporma lang. meron akong isang way, hindi ko alam kung effective sa yo pero so far ok. sabihin mo, na kaya kailangan nila kumanta kasi madami na sila kasalanan at pang offset man lang yung pagserve sa church. hehehe

alam mo bang nakapag-buo ako ng choir sa office namin, all boys, around 11 kami and most of them, hindi talaga nagsisimba. yung iba, mas trip pang mag yosi sa labas kesa mag simba every lunch time. alam mo bang madaming naiyak at kinilabutan nung makitang ang mga siga ng company e kumakanta ng one more gift, pagbabasbas, ama namin, kordero etc. to think majority dun sa group, walang kaalam alam sa mga church songs. :) try mo lang, minsan kasi nare-realize nila na sobrang nakalimutan na nila ang mag-serve sa Kanya.

;)

angelchoir
03.04.30, 04:02 PM
pano magrecruit ng members esp boys

kc nga kulang din po kami sa boys........... pag minsan nga tinatanong ko an parish priest kung pano manghikayat ng boys para dumami eh sagot nya cguro daw alang alam gawin ang mga boys sa lugar namin kundi magsabong...... imagine 2 lng tenor ngpapakabase pa ung isa......3 lang bases absent pa lagi ung 2...pano na yan?... to think na 10 altos and 7 sopranos ang meron kami........eh di di na maririnig ang boys kahit anong tutok nila sa mic..... :o

bajo
03.05.05, 05:10 PM
Siguro madami na nakukulitan sa akin dahil ang dami ko na ask na question dito sa Message Board ng BP.

Pero kailangan ko ito itanong:

Paano ko sasabihin in the right manner at hindi makaka-offend sa nag-audition na hindi siya pasado para maging choir member? Ang hirap kasi, willing silang magserver pero hindi sila pwede sa choir. Baka kasi masaktan sila.

Meron kasi maganda kumanta pero hindi sanay mag-voicing. Yung iba naman sanay kumuha ng tono pero hindi maganda ang boses.

Any technique sa pagtuturo ng Choir?

J O J I T
03.05.06, 09:06 AM
one way is after the audition, tell everyone that tatawagan nyo nalang sila. tapos tawagan nyo nalang yung pasado.

dun naman sa question mo, madami kami nyan. meron din kaming magaling kumanta pero nawawala sa tono at hindi pwede sa acapella. meron kami hindi magaling kumanta pero malakas loob (pero marunong naman kumanta), meron din kami as in super galing kumanta, meron din sa amin hindi makakanta pag walang kasama, meron din maganda boses pero mahina. yung mga ganung bagay hindi nalang namin napapansin madalas kasi tanggap namin sila kung ano man kakayahan nila. meron sa amin hindi masyado magaling pero sya gumagawa ng lyric sheets namin. meron isa laging nagpapakain pag may practice ;D. nakakabawi kung baga.

Alexander
03.05.06, 11:55 AM
Siguro madami na nakukulitan sa akin dahil ang dami ko na ask na question dito sa Message Board ng BP.

Pero kailangan ko ito itanong:

Paano ko sasabihin in the right manner at hindi makaka-offend sa nag-audition na hindi siya pasado para maging choir member? Ang hirap kasi, willing silang magserver pero hindi sila pwede sa choir. Baka kasi masaktan sila.

Meron kasi maganda kumanta pero hindi sanay mag-voicing. Yung iba naman sanay kumuha ng tono pero hindi maganda ang boses.

Any technique sa pagtuturo ng Choir?


Para di nakaka-offend, do the audition in a casual way, wag masyadong formal para kung hindi pasado, medyo madadaan mo sa kaunting joke. (Maghanda ka na rin ng GONG ;D). Pero seriously speaking, suggestion ko na meron kayo at least 3 people to judge in the audition para di burden lang sa iisang tao.

Be thruthful, kung talagang hindi pasado sa choir, pero gusto nya magserve sa music ministry, you can ask kung tumutugtog siya (piano or guitar, percussions, etc), or kung ano pa ang pwede nya i-contribute, pero kung wala talaga, wag mo paasahin.

One more thing, kung di talaga pasado pero me potential na matuto, give him/her a chance mga 1 month to learn para di naman ma dissapoint, pero tell that person ie-evaluate sya ulit after that trial period. Pag pumasa, ok n, pero pag hindi pa rin, tsaka mo na sabihin na hindi talaga pwede.

wheew.... haba ah ;D

jeromz
03.05.06, 01:02 PM
sa choir namin, wala kaming nire-reject na nag-audition. para sa choirmaster namin, mas mahalaga ang commitment. marami kaming naging members na walang wala talaga pero nakikita namin na nagsisiskap naman sila mag-aral ng pyesa at lagi sila nandyan pag may practices ok na yun. may naging member nga daw dati na wala talaga sa tono pero nakapag-concert siya.

sa panahon din ngayon, mahirap na maghanap ng members ng choir kasi iba na ang hilig ng mga kabataan. hirap na hirap kami maghanap ng members. kahit i-announce sa mass wala pa rin effect. hindi na nga kami umaabot sa 20.

:)

J O J I T
03.05.06, 08:27 PM
kami naman, hindi nagpapa-audition. basta kami, mag-invite tapos pakakantahin para lang malaman voice range nya. :) mahirap lang talaga maghanap.

bajo
03.05.06, 08:40 PM
Tama kayo pareho, napakahirap maghanap ng member ng choir ngayon. Lahat na yata ng tao ay busy. Yung ibang members ko nga ay member din ng ibang choir. Gusto kasi nila malaman yung mga ibang songs na kinakanta namin.

Kami rin hindi na umabot ng 20. Dati madami kami sa grupo, pero isa-isang nawala, mga nag-asawa, nag-abroad at nalayo ng work.

Salamat sa inyo.

Alexander
03.05.06, 11:24 PM
Ginawa na rin namin yubg di nag rereject, pero dumadami man kami, naaapektohan naman ang quality ng service, tuloy yung iba tinatamad na dahil humahaba ang oras ng praktis pag di marunong pumik-up.

Kaya kami, tulad nila Jojit siguro, membership by invitation na rin (hindi dahil paimportante kami ah) we just wanted to control also the membership kasi apektado ung iba pag natatagalan din kami, so we have to balance it also with quality.

At tulad ng lagi kong sinasabi, we train kids and youth for the future of our music ministry, kaya we address the issue of future choir members.

Sana nakatulong ang suggestion ko. ;D

bhoyet
03.05.22, 11:10 AM
kami nagpapa audition inaannounce after ng mass tapos sympre sinasala rin namin meron kaming probitionary stage after one year meron kaming recognition ng bagong member, nirerecognized sila sa mass tapos syempre meron kaming parang orientation about sa group yung aming constitution and by laws yung aming scheduled activities and seminar.

bajo
03.10.20, 10:35 AM
Ok lang ba yun?

Same Parish kayo, member ka ng 2 different choir organization?

Any comments?

Sa aming choir kase, parang nagiging grand choir yung group namin. May members kami na member ng ibang group. At may nag-aaply na member din ng ibang group. Na gets nyo?
Medyo nagkaroon kami ng problem about that.

hashpipe
03.10.20, 11:25 AM
Ako member ako ng 2 choir under the same parish; Divine Mercy Choir and Koro San Lorenzo Ruiz. Yung DMC, may girls. Yung Koro, all-male lang. Sumasali yung ibang member ng Koro sa DMC. Yung boys naman ng DMC eh sumasali sa Koro. It's a good thing what happened kase both groups lack members. Kaya ayun...nasalo nila ang isa't-isa. :)

mango
03.10.20, 11:43 AM
I personally think it's okay. It's your service to God and nobody can stop you from doing that diba? And i think that it's gonna help the choir even more kase yung mga tao are coming from different choirs din. And for sure marami silang macocontribute.

Alexander
03.10.20, 12:14 PM
I agree, as long as service at pagtutulungan ang purpose, wala naman sigurong problema. Wag lang me kagalit o tampo siya sa dati nyang choir at sasali sa inyo, medyo di maganda ang dating. Impression pa e nagkakanlong tayo ng "ex". hehehe.... kung meron mang reason for leaving the former and joining a new one, dapat ironed out before you accept.

Ang pangit lang, wag kayong mamimirata ha. ;D

bajo
03.10.20, 12:22 PM
salamat sa mga opinions nyo. Dito rin kase sa amin ay may mga group na kulang ng members, kaya malaki rin ang tulong sa iba na sasali dun sa kulang. Tama tulungan naman talaga ang dapat. Katulad sa amin, may members kami na kaya sumali ay para matuto ng mga songs at voicing para ma-ituro sa kanilang choirs.
Ang problema lang ay may time na conflict yung mga schedules ng 2 group. Sigurado may magsu-suffer na isa. Dun na nagkakaroon ng "tampuhan."

mango
03.10.20, 01:56 PM
wala namang mawawala kung pag-uusapan ang lahat! God bless jojo. sana maayos na ang problema...

apiOng-YPG
03.10.20, 04:55 PM
Dapat talaga okay lang... but in our parish hindi pwede. Kung talagang maiiwasan, iwasan. The "reason" daw is to focus on your group...kaya yun... hindi pwede sa amin ang members ng dalawang choir.

Another reason kasi is maraming choir ang gusto kumanta sa parish... para to give chance to other choirs... Gets nyo? D ko lam kung pano i-explain further eh.

soul guardian
04.03.06, 10:27 PM
How do you go about starting a new choir? I plan to organize a new one this summer. Tutal bakasyon naman, target ko is highschool or college level.

How do you actually start recruiting members? What are the common pitfalls I should avoid? Nakapag-organize nako ng children's choir pero ngayon pa lang ako mag-aattempt mag-start ng youth choir. Pa-share naman ng experiences nyo, kayong mga matatagal nang choir masters dyan! ;D I'd really appreciate your help.

nihon_sensei
04.03.08, 09:18 AM
depende kasi yung kung anong choir ba ang itatayo mo, kung liturgical choir ba o ibang type ng choir. at first syempre dapat bukal sa puso nila ang pagsali. hindi yung may crush sila dun sa group kaya sila sumali. pag wala na yung crush nila aalis na rin sila. kung litugical choir naman pwede mo i-annoounce sa mass after communion or post ka ng poster para sa gustong sumali. sa group ko kasi di ako nagpapa-audition.open sa lahat kung sino ang gustong sumali.kasi ang prinsipyo namin this is his/her own way of serving our Lord. yung training na nila syempre ang susunod. dun na sila natututo ng tamang pagkanta. syempre may mga trial na haharapin kyo ng grupo pero kung intact na yung bonding nyo at iisa ang goal nyo na to serve the Lord, malalagpasan nyo yan.

Alexander
04.03.08, 12:12 PM
Youth Choir is one of the most difficult one to organize, karamihan dyan e magkakabarkada, pag sumali e, by bulk, pag umalis naman, sabay sabay din.

Pangalawa, me sariling mundo na ngayon ang mga youth, di katulad ng time namin ( ::)) madaling mag recruit ng youth.

All of these were based sa church choir syempre, tama si nihon, kung iba ang function or purpose, it may vary.

So ingat sa pag recruit ng magkakabarkada. You may ask your parish priest to have it announced sa masses, just make it sound very interesting para lang me curiosity factor sa pag recruit. ;D

soul guardian
04.03.08, 12:13 PM
salamat sa reply nihon_sensei!

my plan is to organize a liturgical youth choir kasi my na-disband na choir sa parish namin kaya i have to create a new one dahil mukhang wala nang balak bumalik nung nawalang choir. :(

similar to your case, ang plano ko rin is to open the membership to anyone who is willing and able to serve the Parish as choir member. kahit hindi sobrang magaling kumanta basta nakakasunod naman, ok lang, tutal naman pare-pareho lang silang mga baguhan kaya walang maiiwanan o mababagalan sa progress nung new choir.

it's a good idea to announce during the mass (after communion) yung plan to create a new choir. feeling ko naman kasi maraming gustong sumali dyan kaso nahihiya lalo na kung yung mga existing choirs e magagaling na. salamat sa suggestion!

soul guardian
04.03.08, 04:30 PM
salamat din alex sa warnings :)

nangyari na rin sa choir namin dati yung barkadahan na may pagka-musketeers (all for one, one for all ) :D problema nga minsan pag ganyan kasi sabay-sabay nawawala.

i agree, pinakamahirap nga atang mag-organize ng youth choir kasi andyan yung iba't ibang factors na kailangan mong i-balance para ma-maintain mo yung interest level nila. on the other hand, i think a youth choir has the most potential. i'm sure medyo mas mahihirapan ako pero i know the effort will be worth it, at yun naman ang mahalaga diba? ;)

n8s
04.03.11, 12:38 PM
Tama ka Jan when you said na maraming gustong sumali nahihiya lang. Sa choir namin maraming gustong sumali kaso nai-intimidate dahil may reputation na yung choir. We have been a choir for 18 years now and we sing for two parishes regularly. So understandable yung feeling nila. You just have to reach out to those who you see are interested. Minsan kailangan lang ng konting motivation. Pansinin mo pag kumakanta ang choir yung mga taong umuupo near the choir and who sing. Yun ang mga taong most likely gusto sumali.

Beware din kasi sometimes parang gustong gusto sumali pero pag dumating na yung mga difficult moments e and bilis ding nawawala. Kami ang dami na naming na experience na ganyan. Di pa sila ready mag-commit to a life of service to God.

Ojen_G
04.03.11, 06:15 PM
Suggest ko lang.
Mas madali kang makakakuha ng choir kung ang bawat area na under ng parish ninyo ay irerequired mong magbigay ng representative na kahit 3 sa isang sitio. Dapat ang kukunin mo rin ay wala pang experience sa choir singing. Kasi mahirap pag may alam na ang isinali mo mahirap nang turuan kasi matigas na ang ulo at kung ano ang nakasanayan nilang way ng pagkanta ay yun na ang gusto nila at ayaw na nila ang proper singing. Mas maganda pa ang walang experience kasi talagang susunod sa iyo. Isa pang reminders ay dapat lagay mo sa rule na bawal ang mag GF or BF sa group ng choir na iyon para di maabala ang buong grupo. Kung di talaga kayang iwasan ay dapat alam nila na kapag ang grupo ang kasama ay walang munang relasyon.

bajo
04.03.12, 06:20 AM
Walang GF or BF? Mahirap yata yun? hehehe


Isa pang reminders ay dapat lagay mo sa rule na bawal ang mag GF or BF sa group ng choir na iyon para di maabala ang buong grupo. Kung di talaga kayang iwasan ay dapat alam nila na kapag ang grupo ang kasama ay walang munang relasyon.

Alexander
04.03.12, 08:01 AM
Naku ha. BF at GF na naman, debatable talaga yan at nadiscuss na sa mga previous thread yan wag nyo na ulitin dito. hehehe

n8s
04.03.12, 08:08 AM
That is really debatable. Sa akin, although hindi ko na experience yan -- my wife and I got married before I became active sa choir -- , my view point is this kung God-centered ang relationship niyo and being in one org helps you better your relationship then why not. PERO and that is a big PERO kung ginagamit lang ang choir as a venue to pick up girls or boys or as a venue para makapagsama then THAT IS ANOTHER THING.

Basta tama lang ang priorites ok lang yun.

soul guardian
04.03.12, 11:52 AM
maraming salamat sa lahat ng suggestions nyo. :D

Hay naku! Mahabang discussion nga yan kapag relationships within the choir, or in any church group for that matter, ang pinag-usapan. May point si ojen_g na dapat may priorities na kailangang sundin to make sure na ma-minimize ang anumang gulo sa loob ng choir.

May point din naman si jojo na medyo drastic measures ang ipagbawal ang relationships sa loob ng choir. Don't worry alex, hindi ko binubuhay itong topic na ito dito. My point really is, God can use even the most selfish of motivations to call His chosen.

Personal experience lang po, nag-join ako dati sa choir kasi may crush ako sa loob (nakakahiya mang aminin :-[) pero years have passed at andito pa rin ako sa choir. At eto nga, trying to form new choirs in service of the Parish. O diba?! ;)

God is able to purify our intentions. It's a risk we must take because the fruits will be worth it.

Alexander
04.03.12, 12:28 PM
Don't worry alex, hindi ko binubuhay itong topic na ito dito. My point really is, God can use even the most selfish of motivations to call His chosen.

Personal experience lang po, nag-join ako dati sa choir kasi may crush ako sa loob (nakakahiya mang aminin :-[) pero years have passed at andito pa rin ako sa choir. At eto nga, trying to form new choirs in service of the Parish. O diba?! ;)

God is able to purify our intentions. It's a risk we must take because the fruits will be worth it.


Nothing wrong with the topic naman, yun lang discussion about the BF and GF that will really repeat the discussion on previous thread.

Pero okey yung point mo ah, God really moved on that "crush" of yours kaya nandyan ka ngayon serving Him.

:D

psalm_choir
04.03.12, 12:36 PM
wag lang me tampuhan ang mag BF, kase pareho absent or pareho nga nandun, di naman makakanta.

Sorry kuya Alex, di maiwasang pag-usapan e :D

nihon_sensei
04.03.12, 01:55 PM
sa amin naman naging mag bf/gf kami nung nasa choir kami hanggang ngayon.alam namin kung kailan kumilos tama.hindi namin dinadamay ang grupo.kung may alitan man kami inaayos na namin bago pa magpractise.hindi namin dinadamay ang grupo kasi naapaektuhan yung service ng bawat isa at hindi bukal sa kalooban mo ang magserve kasi may galit na nandyan sa puso.kaya naman i-control yun basta marunong lang magparaya ang bawat isa.

n8s
04.03.14, 04:49 PM
come to think of it kaming mag-asawa we always try to resolve our issues before a practice. para ngang lumalabas pag may problema kami ang nagiging solusyon yung practice namin and of course yung service. talagang maganda kung God-centered ang relationship. Para ngang PEACE Zone namin yung choir. hehehe :)

psalm_choir
04.03.17, 04:51 PM
Sana nga lahat ng mag BF at GF ganun ka mature kapag sumasali sa isang Koro.

Jon2
04.03.18, 06:47 PM
Hey...sumagi lang sa isip ko...how about handling choir funds?

Thanks!

Alexander
04.03.19, 09:51 AM
Dapat funds should be handled by the treasurer, mas maganda kung me joint account na 3 ang signatories required to withdraw or deposit diba

In the end dapat me audited report na copy furnished ang lahat ng members pati ang Priest (if your a parish choir)

herald
04.04.11, 01:53 PM
i just want to ask, pano ko kya makukumbinsi and leaders ng chapel namin to form a new choir kc almost a year na ng mawala ang mga members namin, lumipat ng ibang chapel. I want to form a new one kc as of now we just rely on the choirs from different chapel para kumanta. i was member of that choir for 9 years na ako na lang ata natirang original, kya totoo nga nahirap pag magkakabarkada. tnx.

Alexander
04.04.12, 07:49 AM
herald,

WELCOME SA BOARD !!!

Mahirap talaga ang magkakabarkada, pag umalis ang isa alis silang lahat, ofcourse thats true kung di mature ang isang taong naglilingkod dahil sabay lang siya sa agos without making his own decision.

Madali lang naman i-convince ang leaders to form a new choir e, in the first place bakit kelangan silang i-convince to form a new one e di naman sila yung kakanta diba, even you yourself can recruit a form a new choir.

Yung choirs from other chapel, binabayaran ba sila to sing sa Chapel nyo? If yes mas madali silang ma-convince to form a choir para sa Kapilya nyo, Im sure marami naman na nagnanais na mag serve sa inyo.

Tanong lang, bakit ba lumipat ang mga members ng choir nyo? Meron ba silang di nagustuhan sa chapel nyo or has it something to do with your leaders? Just asking.

:D

psalm_choir
04.04.12, 04:53 PM
Welcome Kuya Herald..... :D

Regie
04.04.27, 10:45 AM
hi guys. i was wondering if you could refer me to any related readings on this topic (i.e. the role of music/choir in the liturgy). many thanks. :)

Alexander
04.04.27, 12:12 PM
hi guys. i was wondering if you could refer me to any related readings on this topic (i.e. the role of music/choir in the liturgy). many thanks. :)


Try mo DITO (http://www.bukaspalad.com/board/index.php?board=19;action=display;threadid=402)

Alexander
05.04.03, 03:40 PM
I heard from a friend that in some DIOCESE (I dont want to mention which), they said that the JESUIT Songs are not allowed any more since these are not approved for use in LITURGY.... but I have to see yet the instructrion, dissapproving the said songs...

Maybe as a suggestion, (and what was suggested dun sa ASK BUKAS PALAD thread) all the songs released by JMM ( Hangad, Himig Heswita, Bukas Palad, etc.) should seek the Bishiops approval and marked with IMPRIMATUR and NIHIL OBSTAT, or whatever approval is required just to clear the clouds of doubt....

Sabi nga nila natatakot na sila na kumanta ng JESUIT MUSIC e

mike1314
05.04.10, 09:13 PM
Meron din palang isang Parish dito sa Pangasinan ( not to mention the name) na hindi na nagiging strict pagdating sa kinakanta ng choir. Ang nagiging problema ay iyong interpretation nila sa kanta, hindi na siya himig pang-misa.

clavinova
05.04.12, 03:54 PM
Meron din palang isang Parish dito sa Pangasinan ( not to mention the name) na hindi na nagiging strict pagdating sa kinakanta ng choir. Ang nagiging problema ay iyong interpretation nila sa kanta, hindi na siya himig pang-misa.


What do you mean po sir mike? Yun po bang solemn na kanta ginagawang pop or rock? o di kaya mga pop songs kinakanta especially during weddings? just asking...... :)

mike1314
05.04.12, 09:36 PM
What do you mean po sir mike? Yun po bang solemn na kanta ginagawang pop or rock? o di kaya mga pop songs kinakanta especially during weddings? just asking...... :)

I mean iyong mga solemn na kanta na ginagawang pop or rock.
*****
Ok lang po ba ang ganitong klaseng music sa liturgy na ginagawang rock ang isang solemn na kanta? Para kasi sa akin hindi ko na ma-fefeel ang solemnity ng Mass pag ganitong klaseng music ang ginagamit. Any suggestions or advice from the onliners?

anya
05.04.13, 07:43 PM
:) Before the problem of our church was only few choirs who served the mass and the worst scenario no available choir would sing for the mass. Now the good news plenty of new choir starting to boom and actively participating in our parishes the problem arise, when one of the newbie choir start competing with us, which is totally nonsense. My reaction to this is "hello" this is not a contest, and we're not competing to anyone. As our choir principles we're here to serve for the glory of God and be thankful for the gift of voice that we have and eventually we could contribute for the better of our community. We don't make patol to those things going on, kasi wala naman problema sila lang gumagawa ng problema. As Kuya Archie (choir conductor) always telling us that attitude is not something that can be learned. It should be inherent in you. :)

mike1314
05.04.14, 01:04 AM
Same problem here in Pangasinan. Maraming parishes dito na parang ginagawang competition ang pagkanta sa church, I mean pabonggahan sila ng kanta, kung minsan pati schedule ng services nila pinagtatalunan pa lalo na kapag mga special occassions.

Alexander
05.04.15, 10:29 AM
Competition is okey as long as its not taken personally.... healthy pa siya in a sense dahil, it will make you STRIVE for perfection...

I agree though with ANYA na dapat di mawawala yung ESSENCE ng SERVICE...

Wag lang din umabot sa puntong para makapagpasikat ka lang against sa ibang choir e, mawawala na yung "Active Participation" ng congregation dahil mukhang CONCERT na yung Mass :)

chitto
05.04.15, 11:56 AM
I mean iyong mga solemn na kanta na ginagawang pop or rock.
*****
Ok lang po ba ang ganitong klaseng music sa liturgy na ginagawang rock ang isang solemn na kanta? Para kasi sa akin hindi ko na ma-fefeel ang solemnity ng Mass pag ganitong klaseng music ang ginagamit. Any suggestions or advice from the onliners?


personal opinion.

depende. kung youth mass, for me ok lang. mas makakarelate ang youth kung ia-adjust mo sa type of melody na gusto ng youth ngaun, just like dun sa principle na ginawa sa sister act para mahatak ang tao na magsimba and simbang tutuo hindi ung pumunta lang ng simbahan pero nakatambay lang naman...wag lang sobrang rock na cgawan na ha :) (narinig nyo na b ung mga songs ng sixpence na pangmisa?) and kailangan din iconsider ang iba-ibang mood sa isang Mass, like in Kyrie or Agnus Dei, the melody can still be rock type pero slow rock :)

actually not only sa songs, some priests are adjusting narin, charismatic na kasi mas active ang participation ng congregation.

mababawasan ang solemnity ng Mass? as long as there is an active participation ng congregation which is dapat talagang mangyari, i think hindi nababawasan ang solemnity ng Mass. depende na lang cguro kung pano natin i-define ang solemnity ng Mass. d naman kasi lahat ng Mass na tahimik e solemn, some are tahimik kasi boring ung naging "celebration" cguro dahil sa pari or sa choir or sa sound system, etc. :)

suggestion regarding solemn celebration...go back to basics...research/review again the parts of the Mass. Disect every part and alamin kung ano ang ibig sabihin or logic behind y ginagawa, and alamin din, as part of the congregation attending a particular Mass, whether a member of a choir or hindi, ano b dapat ang participation natin para maging ang isang Mass ay tunay na selebrasyon :) I assure you, mae-enjoy mo bawat Misa, truly a wonderful celebration. Even ung service ng Good Friday, hindi na "lungkot" ang term ng feeling mo or mood ng service - "very grateful" na :)

Now as members of Liturgical Music Ministry, kahit anong type ng music ang gamitin natin be it pop, classical, rock, gregorian, our biggest challenge is kung naihahatid ba natin sa ibang tao ang mensahe ng kinakanta natin? or kahit sa sarili na natin habang kinakanta natin...for sure, merong mga pumuri na sa mga grupo natin na ang galing ng grupo, hindi lang harmonized kundi well blended pa ang sound, but naintindihan kaya nila ung message nung kinanta natin? kac kung hindi... :'(

again, personal opinion lang po.

Dear Saint Cecilia, one thing we know for certain about you is that you became a heroic martyr in fidelity to your divine Bridegroom. We do not know that you were a musician but we are told that you heard Angels sing. Inspire musicians to gladden the hearts of people by filling the air with God's gift of music and reminding them of the divine Musician who created all beauty. Amen.

clavinova
05.04.15, 05:03 PM
ESSENCE ng SERVICE
ACTIVE PARTICIPATION

Tama po kayo dito.

For me..dapat din po siguro na matuto ng ibang kanta ang mga tao, para po di sila ma-confine sa iisang set ng kanta. Once in a while the choir should also introduce new songs na maaaring sa unang pagdinig ay mukhang nag-co-concert nga sila (kasi nga po bago yung kanta), eventually matututunan din nila yung song ...that builds active participation.

regarding competition or relationship with other choir groups: i also agree with the previous reply that COMPETITION IS GOOD as long as the motive is to strive for perfection. Masama po pag pinalaki na yung issue. Sometimes the issue can be like both choir sings same arrangement of songs but different interpretation...siyempre lalabas dun yun kung sino ang mas maganda ang pagkakakanta. Instead of thinking na "ganun pala dapat ang pagkanta" sad to say, negative ang impression...hayun na ang masamang competition. Or even to the extent na YES, they strive to be better but their intention is para "pabagsakin yung isang grupo".

regarding naman po dun sa pinag-awayan ang schedules ng pagkanta like during special occasions: I think it's the organizers or the celebrant's prerogative to choose who will assist during the mass...not unless the case is nag-pupumilit yung isang grupo.

Napaka dami pang sitwasyon na nangyayari within and outside each group. But there is only one reason kung bakit may problema.. ayaw ni "Taning" ng masaya, nagmamahalan at nagkaka-isang mga tao na nagmamahal, nananampalataya, nagbibigay galang at sumasamba sa Dios.

Solution: Wag padadala sa mga ganitong "panunukso" ni Taning. Siyempre masaya siya pag madami nag-aaway,nagkakagulo,nagkakasakitan kaya dapat ang iisipin natin ay we are all serving for the greater glory of God not because of anyone else.

Then we choose: Sino ba dapat ang masaya? Ang Diyos at tayong kanyang mga anak o si "Taning"?

GOD BLESS US ALL! :)

raphael
05.04.15, 05:16 PM
we are trying really hard para maging solemn ung mass.

mike1314
05.04.15, 07:57 PM
Thanks for the opinion onliners. I'm a former seminarian kasi under the vatican council 1, 10 years ago. Kaya kapag nakikita ko ngayon ang New Order of The Mass (Novus Ordo Misae), hindi ko maiwasang magtanong.

Alexander
05.04.16, 01:48 AM
You can learn more by reading MUSICAM SACRAM (http://www.adoremus.org/MusicamSacram.html)]



ESSENCE ng SERVICE
ACTIVE PARTICIPATION

Tama po kayo dito.

For me..dapat din po siguro na matuto ng ibang kanta ang mga tao, para po di sila ma-confine sa iisang set ng kanta. Once in a while the choir should also introduce new songs na maaaring sa unang pagdinig ay mukhang nag-co-concert nga sila (kasi nga po bago yung kanta), eventually matututunan din nila yung song ...that builds active participation.




Musicam Sacram or the INSTRUCTION ON MUSIC IN THE LITURGY #16c says....

"Some of the people's song, however, especially if the faithful have not yet been sufficiently instructed, or if musical settings for several voices are used, can be handed over to the choir alone , provided that the people are not excluded from the parts that concern them. But the usage of entrusting to the choir alone the entire singing of the whole Proper and of the whole Ordinary, to the complete exclusion of the people's participation in the singing, is to be deprecated"

Meaning, di porke bago ang kanta, we will just let them listen and not participate.... for me just like what BP did during the TNB Launch... they taught all the songs before the start of the Mass, so the Mass Proper was a classic example of "ACTIVE PARTICIPATION" because it was taught well before the mass

My two cents :)

clavinova
05.04.16, 10:41 AM
thanks po sa info sir alexander.............

raphael
05.04.17, 11:04 AM
May prob din dito ngaun.cguro maaaring d prob. pero, calasiao lang ang nabibigyan ng chance na kumanta when it comes to special occasions.

Jon2
05.04.17, 07:53 PM
speaking of "competition", share lang ako sa mga problem dito sa amin:

1) our group has been receiving numerous (as in a lot) invitations to sing-weddings, anniversaries, etc. pero sa registrar pa lang e helded back na kami. we are not really a group under the church org here at obviously, priority nila na ibigay ang schedule sa mga choir groups under them. well, we've been receiving feedbacks from the people inviting us na we can't sing for them simply because our group sings "love songs" daw ??? i am wondering though kasi we have NEVER sung a love song (non-liturgical) during sa mass. not under my watch. ang naalala ko lang incident nun e yung song na panunumpa which we sang after the mass where this other choir head goes to us saying, di ba kanta ni carol banawa yan? DUH! bigyan ko kaya sya ng songbook?

as far as i am concerned, rules being imposed by the parish e sinusunod naman namin like no other words for the gospel acclamation except alleluia or no singing a "solo" part.

2) because of re-assigning other groups other than our group, we, sometimes, have to deal with somewhat angry parties dahil bakit daw ang pangit ng service nagbayad naman daw sila, bakit late.. or get this, bakit dawi walang kumanta? people are really expecting pero dahil di inallow ng parish, kami tuloy ang nasisi... sometimes when we go there, another group's already making the preparations and telling us to leave na lang... heto naman ang worst, we get invited, parish org assigns another group, we go there same as the other group. other group gets the money and eats at the reception area pero we get to do the singing and not them. hahahah... well, it's a long story.

3) i really look at competition as a driving force to make full use of our talents and not the negative way pero kung away ang gusto nila e magkita-kita kami sa korte... hahahah... j/k!

i am very eager to introduce jesuit music dito and from the looks of things, we've been hearing the songs na rin which is good. however, some groups tend to "copy" the songs in the wrong way. ayun, instead na maganda ang kinalalabasan, they ended up singing in flats or walang-wala talaga. not me telling this but chuchgoers. they could ask for chords/pieces naman kaso natatakot ata sa akin :P pero i do admire their creativity for picking up the chords.

ayoko lang e yung pipiratahin yung mga members na other group or having one join the other group i'm helping by teaching some songs. then saka ako makakarinig ng words around na mas magaling sila and so on... tsismis dito, tsismis doon... sigh... kids!

4) and what's with the elder thingy? the parish org keeps on assiging an elder for the other group i'm helping-out pero no show naman. i don't even know kung me kilala sya ng mga bata. then again, this so-called elder gives out requests like prayer meetings (which are held during nighttime), special services like seminars, lectures and bonding activities through a note. e ang problema, weekdays ang mga ito (hello, school?) and malalayo pa bahay ng mga bata. punishment for not attending this would be elimination ng service nila sa church.

o well.... if i could just kick their sorry butts para matauhan... bwahahahah!

devorack214
05.04.18, 09:57 AM
thansks sa share fr. jon. :)

NikNoK
05.04.18, 10:35 AM
MGA KAPATID.. COMMERCIAL PO MUNA TAYO...

:aktion031: :bounce: :bounce: :happy: :happy: :badhairday: :badhairday: :book: :book: :clapper: :clapper: :kitty: :kitty: :rofl: :rofl: :walksmil: :walksmil: :smartass: :lips: :clapper: :clapper:: :wiggle2: :wiggle2: :smiliedisco1: :smiliedisco1: :ok: :ok: :cheeky: :cheeky: :approve: :approve: :goofy: :inlove: :rolleyes: :shy: :shy: :saint: :saint: :bounce: :bounce: :happy: :xmassmiley: :xmassmiley: :smiliedisco1:

herald
05.04.18, 11:49 AM
Nik.. ikaw talaga...
Nice to be back...

i symphatized with you jon2...

mike1314
05.04.21, 08:20 PM
Gets ko yang sinasabi mo jon2. I agree with you. :)

rhythm
05.09.04, 04:23 AM
elow po..

choir directress po ako dito sa min church
ang hinahawakan ko po e female voices
nahihirapan po ako kc po pakonte ng pakonte ang ang menbers po ng choir ko
all female lang po kaya 2 to 3 voices lang...
minsan melody nalang lahat kc konti lang
(mga 9 lang po kaming active members)
(minsan 3 lang kami kumakanta)
ok lang dito sa aming church kumanta kc hindi namng gaanong malaki church namin
minsan gumagamit kami ng mic
kaya lang minsan useless kc hindi namn sila lumalapit sa mic
pag merong practis namn hindi lahat pabor sa sinasabi ko
gusto ko na sanang iwan ang grupong to at bumuo ng childrené─˘s choir
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko...........

actually grand choir kami dati
SATB
kaya lang yong choir master namin kc lalaki at mahilig sa inuman
mga lalaki namin ang mga kainuman nya
habang nagiinuman, nagprapractice sila
marami na silang kanta at halos lahat magaganda
maraming male boses ang nagagawa nila
and den 1 tym nagulat nalang kami nang sabihin nyang alternale na ang kakanta every sunday
pag may okasyon, sila kakanta
amin lang ang 9 days masses
amin din funerals masses, ect
may mga imbitasyon na rin silang natatnggap
hindi naman po kami nagrereklamo
kaya lang panay po tukso samin ng ibang mga male choiré─Â

ako po nakaasign humawak sa SA voices
pano ko ba sila madedevelop?
17 lang ako
marami sa kanila mas matanda sakin....
iba naman kabarkada ko
kaya minsan nakakalimutan nila kung ano ako inside the org

patulong naman o....

vannie
05.09.04, 07:46 AM
Wow All girls choir!!!! Maganda yan. Actually di pa ako nakakakita at nakakarinig ng All female choir... Kasi ako nakapag SATB na ako at ngayon, may All male choir....

Well walang madali sa pagsisilbi sa Panginoon... Maraming pagsubok lalo na sa paghawak ng music ministry... Ang masasabi ko sa yo ay wag kang sumuko.... Wag kang matakot kung kakaunti lang kayo.... Kahit 3 lang kayo sa pagkanta ninyo, makakausad pa rin kayo. Well Kami nga eh dati madami pero ngayon kokonti lang kaming kumakanta sa Sunday masses.... Ang mahalaga sigurong idevelop mo muna sa sarili mo before sa choir mo is yung commitment. Bakit Commitment??? Dahil nasa commitment mo makikita ang pagmamahal mo sa ibinigay sa yong responsibilidad. Bakit ka lilipat sa pagtuturo sa childrens choir kung ang mga tuturuan mo ay nandiyan lang sa tabi mo??

Well kahit lumipat ka at magturo ng iba't ibang choir, kung wala kang commitment sa ginagawa mo, magsasawa't magsasawa ka sa tinuturuan mo. Wag mong iwanan ang All female music ministry mo. Ang mahalaga, i develop mo sila.... Magpatuloy lang kayo kahit 3 o 9 lang kayo. Set an example lalo na sa nakakatanda sa yo. And everything will follow...


And I learned some of them are you're KABARKADAS.... Well di nga kayo uusad kung hanggang sa practice eh BARKADA pa rin ang nangyayari. Let them know (in a nice way) how to be professional whwn it comes to practices.... Wala namang masama dun diba... Para ma organize naman ang grupo.... Ipakita mong leader ka..... Ibinigay sayo ang responsibility bcoz alam nila na kaya mo

Wag kang susuko kaya mo yan. Hanga nga ako sa yo at you are directing a choir at the age of 17. Hanga ako sa yo and keep it up... Just pray and do your thing... Wag kang titigil...
8)

vannie
05.09.04, 08:00 AM
Tungkol naman sa All womens choir.... Wala akong gaanong alam per I'll try ha.... Siguro mas maganda kung kikilalanin mo ang kakayanan ng mga members mo. Kung talaga bang kumkanta sila ng boses nila (esp. S or A) ibig sabihin kung talagang kaya nila ang vocal section nila. Then, after that, sa practice wag mong kalilimutan ang warm ups.... Siguro gawin nyo yun ng mga 15 minutes kung di gahol sa oras.... Pero bago ka magkaroon ng division ng boses, make sure na maayos ang melody mo dahil sila ang iyong sasandalan sa lahat ng oras and di naman nakikinig ang tao sa puro voicings lang di ba??? ;D

Sa arrangement ng SATB, Ang S, A, At T lang ang alam natin na kayang kantahin ng babae... Well ayos yun kahit 3 voices lang..... Basta mahalaga ay yung accountability nyo pagdating sa pyesa.... Well sa Bass part, di ko alam kung kaya ng babae yun pero kung may al'octava (di ko alam kung tama ung spelling). Well ibig sabihin nun eh kayang kantahin yun 1 octave higher sa bass rage.... Yun, tapos... basta ayusin mo muna yung melodic line.... Mahalaga un. Eh ano kung unison lang??? basta ang mahalaga eh kahit konti lang kayo, tuluy tuloy lang.......

rhythm
05.09.10, 04:01 PM
hi kuya vannie
thanks for inspiringme ha....
tuloy kolang to!!

;) ;)!

Lonin27
05.10.24, 11:25 AM
Sa choir namin, problema yung mga matatandang walang ginawa kundi i-chizmax kami and yung mga namumuna. ok lang naman yung pinupuna kami coz we take this as a constructive criticism para ma-improve pa kami.
;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;)

mhygz011085
05.10.26, 10:20 AM
Regaring sa age, it doesn't matter kung 17 yrs old ka. Ako nagstart akong magturo ng choir at the age of 15. And through the years, natutunan ko kahit papaano ang maging firm sa members kahit na some of them are older than you. i-establish mo lang during rehearsals na mas mataas ka sa kanila kasi ikaw yung nagtuturo and dapat ka nilang galangin. heheh. Nagyon 20 nako, may mas matatanda pa kaysa sakin, pero ok lang naman. Naiintindihan naman nila pag rehearsals, iba ang agwat ng level namin, Basta firm lang na nasa lugar..=)

La Sinfonia de San Jose Choir
St. Joseph's Chapel Woodsite-4
PAGASA Subd., Imus, Cavite

Lonin27
05.10.26, 10:38 AM
ABOUT THE COMPETITION AMONG CHURCH CHOIRS

I started to join the choir since I was in elementary although I'm an active KOA that time. Marami na akong naranasan na ganyan. For example, that was just last year when an issue suddenly burst out that our group was competing the other senior choir, na dati ay biglang nawala dahil sa mga issues masasabi ko na rin dahil sa inggit, that was definitely wrong. We ramained calm at the issue. Lalo pang lumaki ung issue dahil sa namumuno sa kanila ay dakdak ng dakdak tungkol sa issue sa loob pa ng simbahan w/c can be classified as BLASPHEMY. Yun pa namang namumuno sa kanila eh hilaw na manugang ng kuya ko na nasa choir na 'yon. Pero di parin naman nagbago ung relationship namin ng kuya ko Until nga na humina ang kanilang serbisyo dahil sa amin DAW pero sa amin ok lang paro alam namin sa aming sarili ang totoo. Do you think that they are really serving God? Di ba isa sa principle ng isang church choir is we are not singing to the people or to impress them but we are singing for the LORD who gave us these special talents. It's His glory we are relaying or spreading to others. The relationship of our choir grew stonger and serving GOD bacame our main priority.

rhyme
05.10.27, 02:26 PM
Regaring sa age, it doesn't matter kung 17 yrs old ka. Ako nagstart akong magturo ng choir at the age of 15. And through the years, natutunan ko kahit papaano ang maging firm sa members kahit na some of them are older than you. i-establish mo lang during rehearsals na mas mataas ka sa kanila kasi ikaw yung nagtuturo and dapat ka nilang galangin. heheh. Nagyon 20 nako, may mas matatanda pa kaysa sakin, pero ok lang naman. Naiintindihan naman nila pag rehearsals, iba ang agwat ng level namin, Basta firm lang na nasa lugar..=)

La Sinfonia de San Jose Choir
St. Joseph's Chapel Woodsite-4
PAGASA Subd., Imus, Cavite


elow kuya mhygz.... (tama?)
its rhythm. nakalimutan ko kasi password ko kaya change nalang ako username.. ren-ren is my name.
first time ko palang kasing nakaexperience ng matagal na inis sa mga ginagawa ng mga choir members dito sa min (SA), i know naman na older sila sakin kaya medyo rangrang ulo ko non.. :)

first time kong nagteach ng choir at naging choir directress sa children's choir dito sa min church wen i was 14 years old. second year highschool palang ako noon. napapansin ko sa mga bata na takot sa akin. hehe, one of them kasi is my cosin whos telling me even without asking her na takot daw sakin mga ibang ka choirmates niya. napagalitan ko kasi.. :P

and then sunod sa school namin (school days, same age) mga kabatch ko some, juniors and señors ang mga members. ala namang problema. sinusunod naman nila ako so far..
dito lang siguro sa min nagkaiba sa mga older sakin kasi di pa nila ako nakitang nagalit... hehe, but ayoko nagagalit ako.... :) :)
some kasi are kasakasama ko sa mga lakad-lakad... (parang barkada) pero di na na masyado ngayon. busy na daw sa schooling... :)

hayyyyyyy...
salamat ngayon medyo ok na choir namin.
thank's to our choir director sa SATB. he inspire me a lot.
okey na kami...
bukas, 18 na ako....

reagan
07.06.26, 01:51 PM
Mga kapatid,

start na naman kasi ng school year, panahon na naman ng recruitment ng mga new members (aspirants) sa choir namin and i'd like to solicit your advise....

our choir is a VOLUNTEER group affiliated with the university's campus ministry...

dillema kasi namin yung how to get good talent who are service-oriented (not those who are talented but go only for popularity. they eventually drop out anyway) and to weed out those who have no talent at all (yung mga musically bingi kumbaga)....

as part of the campus ministry, we'd like to project that we are open to all students, but we'd like also to maintain or improve the quality of our members. time consuming kasi yung pagtuturo from scratch...

yun lang po.... sana may makatulong..... :)

bingo
07.06.26, 02:20 PM
sa choir po namin, through invitation... nagsisimba po kami sa mga kalapit ng simbahan sa amin and then kapag may napili kami eh padadalhan namin ng invitation to join our choir... wala nang audition or whatsoever...

jefflyceum
07.06.26, 03:53 PM
hmm.... try this:

let everyone in your school be informed of the recruitment. accept anyone who would like to join, to try, to invent, to improve, to share, to learn, to just anything. then, separate those who have previous choir or choral experience from the none. the NONE will be put to trainings and the regular voice lessons and exercises. set the duration of the training so that your time and resource would be allocated evenly and timely. then, divide the NONE into groups and program a recital for them to hear their talents emerge. then, you will screen them, looking out for the best of the best. hehehehe

for those who have experience, have them too do recitals and screen them.

don't forget to create standards for screening. this should be done by the officers, with your Campus Minister. let your liturgical and music ministers of your organization create the screening panel. this is for the efficient use of manpower within your organization.

jose
07.06.27, 03:40 PM
well ang ginawa namin sa previous choir namin, after every mass with the permission of the priests of course, we announced that we're open for new members, then we sing a beautiful rendition of a song. pag sa church kayo nag-announce, mas malaki ang probability na yung mga sasali e service oriented. and since maganda yung rendition na gagamitin nyo, malaki din ang probability na mahihiyang sumali yung mga gusto nyong "i-weed out". syempre kung mas kumplikado yung rendition, less yung applicants.

reagan
07.06.27, 04:09 PM
salamat po ng marami sa mga nag suggest....... :)

yuanbautista
07.06.27, 09:57 PM
During the announcements after communion, we flash an invitation for those who want to become volunteer members of the choir. Minsan yung ibang members nagdadala sila ng new recruits. Sa practice, dun ginagawa yung classification ng voices.

ejgmolina
07.06.30, 04:21 PM
usually around october, meron ng retreat/youth encounters ang mga maggraduate sa high school...doon inaannounce...

pero karamihan..friends of friends of friends ng mga members..parang ganoon

Renz
07.06.30, 09:45 PM
open sa lahat ang choir namin. pero talagang nakafocus kami sa youth

blueforgetmenot
07.06.30, 11:21 PM
madalas samin mga gusto maging member namin ang lumalapit.. and isa pa friends of friends system din.. we accept everybody and i screen their voices kasi madalas SATB ang mga kanta namin.. yun lang ang mahirap sa ganun eh dapat magtiyaga ako sa pagtuturo during practice

Alexander
07.07.01, 05:14 PM
I merged the thread HOW DO YOU RECRUIT NEW MEMBERS in this existing thread.... this thread tackles the subject as well and you may want to read the relevant posts here that may help.

I am planning to merge other "Choir Related" concerns soon

reagan
07.07.03, 07:21 PM
ah ok.... thanks for the suggestions and inputs......

kasi, practice po namin na tanggapin ang lahat ng interested, tapos i-train namin sa choral singing.... we really have to start from scratch for those who have no background in choral music....

we are contemplating on screening or conducting auditions to applicants.... is it proper to do that in a music ministry? kasi diba pag ministry, open ka sa lahat.....

bouie
07.07.04, 10:54 AM
Waah! Kuya Alex, hehe, medyo naguluhan ako ngayon dito :|

bingo
07.07.05, 01:59 AM
good luck sa pag recruit ng mga new members reagan... while it is true na open sa lahat ang ministry, kailangan pa rin i-screen/audition ang mga gustong sasali ... kung hirap talagang silang kumanta, i'm sure may mga iba pang mimistry sa parish ninyo na pwede nilang salihan na kung saan ay magagamit at mapapakinabangan talaga ang kanilang talent...

kung mapilit pa rin silang sumali sa inyo sa music ministry eh baka may projector kayo sa inyong simbahan, pwede sila doon... taga flash ng mga kanta...:ecstatic:

Alexander
07.07.05, 11:08 AM
Waah! Kuya Alex, hehe, medyo naguluhan ako ngayon dito :|


Halo halong choir problems kasi ito e.... yaan mo pag me time, i-break/split ko into multiple topics

jeval
07.07.05, 11:53 PM
well share ko lang po, samin bago pa lang na choir, we are planning to recruit at iniisip nmin na isama sa announcement namin na "good voice is not a requirement as long as you are commited to serve" kasi po we believed na natututunan po ang pagkanta at ayaw rin namin hadlangan yung gustong mag serve yun nga lang hindi rin kame ganon kagaling, as a matter of fact we came to a point na napagsabihan kame sa PPc meeting na medyo masakit sa tenga, pero giniwa naming challenge yun, awa naman ng Diyos wala ng masyadong masasakit na comments. we rely rin nga po pala sa midi files na songs kase wala pa kaming permanent na accompanist.



jeval, pansinin mo yung mga "red" font sa post mo... inedit ko kasi meron tayong RULES sa pag-gamit ng "text" lingo... sana nabasa mo na ito sa RULES - Alexander

jose
07.07.09, 03:09 PM
well, sa mga nagsisimulang choir na katulad ng sa inyo jeval, ok lang yung committed muna ang hahanapin nyo. tapos pagdating ng panahon, tsaka na lang kayo mag-impose ng "good voice a must!" hehe... pero sa katulad naming kokonte ang potential recruits, hindi kami pwedeng mamili. mas kelangan namin ngayon ang committed kesa magaling kumanta.

Alexander
07.07.10, 05:38 AM
Okey talaga ang committed, that's the best recruit... pero minsan, you really have to do some auditions just to make sure na the individual can really sing kahit melody...

I've experienced that before, at nauubos ang time ng ibang member kasi talagang hirap mag pick-up ng tamang tono....

jose
07.07.10, 10:06 AM
onga pala kuya alex, hindi nga pala pwedeng committed lang. kelangan meron man lang konteng melody sa katawan. meron nga pala ditong mga taong hindi namin ini-encourage sumali kahit nagvo-volunteer, ehehe...

Alexander
07.07.11, 09:56 AM
Actually, naitanong namin yan sa BP during our workshop.... we should be careful with people lalo na kung volunteer, para maiwasan hurting their feelings... We can accept them as part of the org or choir, but they can be fitted to other roles like, accompanist, or taga arrange and taga prepare ng OHP, or taga play ng tambourine para medyo malayo sya sa MIC... :D

reagan
07.07.11, 11:22 AM
hehe... oo nga ano, sir alex....

mas maganda yung i-assign cla sa ibang roles... kaysa i-box out cla from the microphone (parang basketball :D )

kami kasi, practice namin yung tanggapin lahat na nagvolunteer... there are those, kasi, that eventually develop themselves musically kung magtiyaga lang sumali sa mga practices.... Maganda kasi yung naka contribute yung group sa pag discover or pag develop ng talent ng isang gustong sumali sa choir....

samaritan2001
07.07.11, 01:04 PM
kami, I started with kids... sintonado lahat.. vinocalize ko lang at nagsimula kami sa unison.

After 9 years ito at mga dalaga na. Graduate na ang tatlo sa college lahat halos college na at may 4 na high school at 1 elem.(saling pusa)

Guess what! ang galing na nila. Four voices na kami at hindi na sintonado.

mabilis na ang pick up nila sa notes.

Simple lang ang recruitment namin. Sila ang kusang lumalapit kasi ang dami na namin eh. pag umalis ang isa may kapalit na dalawa. GAnun kasimple.

jacoolytes
07.07.31, 12:46 PM
Dati hindi ako kagaling kumanta. Dati akong base na inilagay sa tenor. syempre after 2 months lang ang transposition ko from poition to position. with God's help, i managed. the key is practice.

sa group namin, we believe that anyone can sing, though sometimes its very hard to find the person who is willing enough to give commitments to parctices and scheduled/unscheduled services of the group.

let us give chance to those persons who are interested in joining. malay nyo at bigla siyang mag-flourish!

PRACTICE MAKES PERMANENT!

jeval
07.07.31, 10:15 PM
Since Halo halong Choir Problems ito, puwede po bang medyo related doon sa previous topic specifically yung sa line up ng songs. Gaano po ba kaimportante yun, e every mass naman different ang congregation, saka yung mga songs dapat po diba based sa gospel, paano kung iba yung interpretation ng isang choir sa isa, kaya iba yung songs na gusto nilang kantahin? medyo nalilito lang ako

blueforgetmenot
07.08.03, 11:33 PM
Since Halo halong Choir Problems ito, puwede po bang medyo related doon sa previous topic specifically yung sa line up ng songs. Gaano po ba kaimportante yun, e every mass naman different ang congregation, saka yung mga songs dapat po diba based sa gospel, paano kung iba yung interpretation ng isang choir sa isa, kaya iba yung songs na gusto nilang kantahin? medyo nalilito lang ako


Actually ako rin nalilito..pero nakasananayan ko na rin na irelate sa gospel yung kanta.. minsan ang hirap lang talaga humanap ng song na related sa gospel kaya we sing other songs na lang.. pero as much as posible related sa gospel.. ewan ko rin kung ganun ba dapat talaga..

reagan
07.08.04, 12:34 PM
Para sa amin, as much as possible dapat related sa liturgy ang mga songs sa mass. Yan ang lagi ine-emphasize ng Campus Minsitry Director namin. And we always make it a point to choose songs that are appropriate for the season. (Advent, Lent, Easter, etc..) :)

mondi2376
07.09.05, 06:14 AM
Problem ng choir ko ngayon is attendance... dati kulang kami sa lalake... now dumami ang boys yung mga girls naman tinamad mag attend... hay... dalawa hanggang isang soprano lang ang naaasahan ko at isang alto (na dating soprano nilipat ko lang para mabuo yung voicing) tapos imagine this I have three strong tenors and two strong basses I mean they can sing really loud. So ang siste, malayo sa mic yung mga lalake (buti nga may mic pa kami) at mas malapit naman ang mga babae pero just the same pansin pa rin na kulang sa girls. Di ko na alam kung pano ko sila i-re remind all the time na mag attend. Hay. The only solution I have is to recruit new members. Anyway... just sharing my sentiments as a choir director.

Bonnie
07.09.05, 10:24 AM
Since Halo halong Choir Problems ito, puwede po bang medyo related doon sa previous topic specifically yung sa line up ng songs. Gaano po ba kaimportante yun, e every mass naman different ang congregation, saka yung mga songs dapat po diba based sa gospel, paano kung iba yung interpretation ng isang choir sa isa, kaya iba yung songs na gusto nilang kantahin? medyo nalilito lang ako

Wag kang malito, alam mo kung bakit ka nalilito? hehehe, pati problema ng ibang choir e prinoproblema mo, ganito yan, as long na related ang kanta mo sa gospel for that sunday ok na yan, bigyan mo ng chance ang ibang choir to interpret songs na naaayon at pwede nilang kantahin, maraming reasons at considerations kaya pwedeng ibang kanta ang kantahin nila compare sa lineup nyo, pwede kasi di nila alam ang kanta sa lineup nyo at pwede ring me iba silang napipisil na kantang mas appropriate para sa misa, ganon lang yon.

Ang importante e nairelate mo ang lineup nyo sa gospel, at makanta nyo ng galing sa puso, ok na yan, wag kang ma-confuse, sing with your heart and serve the lord... sapat na yon....

reagan
07.09.05, 02:41 PM
Problem ng choir ko ngayon is attendance...

Yup mondi... Attendance is, at times, a problem for choral music ministries. Just like sa choir namin. There are times na kaunti lang yung members and there are times na marami.

Sa aking palagay, it boils down to motivation of the choir members. And bonding also. To find time to enjoy each other's company. Because if choir members are motivated and happy to be with the choir, kahit may bagyo man o umaraw, pupunta sa practice or choir service ang mga members mo.. :)

jeval
07.09.06, 10:04 PM
kuya bonnie, yun nga ang point ko, kasi may songs committee kami na nag dedecide kung anong songs ang kakantahin sa buong buwan siyempre base sa gospel, kung ano yung napag sang ayunan ng komite na yun, yun lang ang dapat kantahin ng lahat ng choir kahit iba iba ang interpretasyon namin. Usually isang tagalog at english per entrance, offertory, communion at recessional at doon lang pipili.

kaya naisip ko na mas maganda siguro kung per choir na lang ang magdedecide kung ano yung gusto nilang line up syempre based pa rin sa gospel, kaso samin kasi parang tradisyon na yung ganun. Nalito lang ako kasi, akala ko sa ibang parishes may katulad rin ng sa amin na body na pumipili lang kung ano ang pwedeng kantahin.

deathkill00008
07.12.21, 04:48 PM
sa church nmin, ung choir n mismo ang pumipili ng kakantahin... oo may instructions from the church sa kung anung tipo ang kakantahin sa bwat segment ng misa, pero kmi na mismo pipili ng kanta...

hindi rin kc masisi kc ung ibah my trabho at hindi lgeng andian pra sa mga praktis... voluntary kc un.. pero kung anu ung alm nila, at anu ung pwede... un na ung kakanthin...

aku bgong sali lng me, ala kmeng praktis, on the spot nlang kme kumakanta sa simbhan... ok aman ung pgkanta, pero better kung my praktis... (prang gstoh ko tloy sumali dun sa choir n my scheduled praktis, masarap kc sa pakiramdm ung pinagagalitan ka ng ngtuturo (anu ba!!! sintunado k n nmn!, ausin mu yan!) hehe)

ronsanchez
08.01.04, 10:52 PM
our parish priest have so far given us the freedom to decide which songs we chose for the Mass, though i heard other parishes enforcing compliance on which songs to be sung. Our parish priest would "suggest" songs , and trusts the choir under his parish are responsible enough to do what is proper.

it is better to have a written directive from the concerned commitee to tell its member choir what are the appropriate songs to avoid confusion.

Alexander
08.01.06, 06:56 PM
I am closing this thread and will try to break it up to different LOGICAL topics where we can identify it as a Choir Problem, in the meantime, please start a NEW thread as you feel appropriate and following the format

Choir Problems - "Problem or Situation Here"