PDA

View Full Version : Activities for Holy Week


bajo
04.03.07, 06:15 AM
Any suggestions na pwede gamin ng Youth or Choir this coming Holy Week?

Alexander
04.03.08, 09:53 AM
The best thing is magkaroon ng RECOLLECTION or PILGRIMAGE

bajo
04.03.08, 12:38 PM
Thanks sir alex,

for sure meron kaming recollection or retreat...

Any other activites na ka-kaiba... yung patok sa mga parishioners.

bhoyet
04.03.08, 02:27 PM
sa amin jo yung daang krus ang parang naging patok kasi di lang taga bagong barrio ang sumasama pati na rin yung hindi sa lugar namin kasi parang naging panata na rin ng lahat ng umaattend yon. umiikot sa lugar namin ang prosisyon then may mga pagninilay bawat station meron din syempre nag a act na parang sinakulo kaya medyo modern, kasi yung topic eh adopted sa present situation. may kinatanta kami song habang naglalakad patungo sa mga station. attend ka para maexperience mo jo. ;D

Alexander
04.03.08, 03:37 PM
Why not wash each others feet kaya on Holy Thursday? ???

bajo
04.03.08, 03:45 PM
sa amin may symbolic washing of feet every holy thursday, pero naka-schedule. ngayon ay members ng Sub-PPC, last year yung PPC.


Why not wash each others feet kaya on Holy Thursday? ???

Alexander
04.03.08, 03:48 PM
Symbolic nga kase ung mga apostoles lang yun sa Misa diba? Pero kayong mga youth sa community mas maganda para malaman natin yung literal na meaning ng "servant" at "humble"

:D

bajo
04.03.08, 03:51 PM
siguro next year yun, kase isa lang mass ng Holy Thursday di ba?

Ojen_G
04.03.09, 05:53 PM
Dito sa Good Shepherd, ang station of the cross ay ginaganap sa mga araw ng monday, wednesday at friday. At sa isang araw ay isang station lang ginaganap kasi may misa after ng reenactment o drama, dito pag tapos na ang reenactment ay may application sa buhay ngayon natin kaya talagang nakakatouch. Youth din ang in charge sa drama dito tapos choir na ang bahala sa songs.

psalm_choir
04.03.12, 12:33 PM
Kami we are discouraged by Kuya Alex to sing sa mga PASION, mamamalat daw kami. Pero masarap kumanta sa passion. Nga lang pangit ang tunog kasi "TROMPA" ang speaker, mukha tuloy tunog "LATA" hyuk hyuk hyuk... :P

n8s
04.03.14, 04:56 PM
Kami naman we used to walk from Malanday, Valenzuela to Quiapo Church -- that a WHOPPING 4 hour walk. Magandang cleansing process. SARAP ng feeling pagdating mo ng Quiapo. Then the usual masses. NOW meron kaming nilalabas na poon, Sta. Veronica then the usual masses. BUt this year will be special because of BPOCC. :) hehehe

Punzi
04.03.15, 11:04 PM
Doon sa dati naming tinitirhan, walang activities for the Holy Week kasi centered lahat ng ito sa parish church naming Christ the King.

Ngayong lumipat ako sa Filinvest, meron ditong the usual na Maundy Thursday na Washing of the Feet, vigil. May pabasa pa nga raw sa Holy Wednesday.

Pero ang pinaka-ok yung sa province namin sa Laguna. Yung angkan namin may santo (San Juan). Kami ang naghihila ng karo. LIfe size yung poon tapos malaki yung karo talaga. Parang isang AUV or maliit na truck sa laki.

Ano kaya ang pupuntahan namin this year...?

regards to all :)

nheenia
04.03.27, 03:28 AM
dito nman po sa lugar nmen.. we are having a mass during maundy thursday.. dun din ung washing of the feet..then the next day which is good friday, we're having the usual seven last words..with matching interpretative dancing and stage presentations that are participated by youths.. after that, may procession of images that shows what happened from the last supper til Christ was laid in the tomb..nililibot ung procession throughout the place,

Alexander
04.03.28, 02:42 PM
Dito sa kapitbahay naming parokya e makikisawsaw kami sa 7 Last Words, kase kakanta ang BP Online Community Choir e :D

Nood kayo ha sa ANC and TFC 4PM Manila Time on Good Friday (nag promote na hehehe) :D

Ang mga speakers ay sina Fr Gerry Orbos, Fr Larry Faraon, Fr Rey Amante, Bishop Deo Yniguez, nalimutan ko yung iba e.

bajo
04.03.30, 01:49 PM
meron na kami activity...

7 last words, may konting drama ang youth.
bisita iglesia
sa easter vigil, sasayawin yung exultet at papuri.

Jon2
04.03.30, 02:34 PM
Sa amin kasi... (sigh..namiss ko na naman chapel dun) e kami kumakanta sa lahat ng activities for lent...mapaseven last words, stations of the cross, etc...
well, I guess...since I'm missing them all out dahil I'm here at Makati...bigay na lang ako reward for all the effort that the kids are doing back home...
EASTER EGG hunting siguro ang best reward ko sa kanila...para me konting saya at picnic na rin with matching kantahan pa...

june ann
04.03.31, 01:46 PM
sa amin naman po sobrang tradisyonal pa din...may Pilgrimage on Holy Wednesday then Prusisyon on Holy Thusday and Good Friday...Good Friday morning Parish Youth Ministry ang assigned to take charge ng Penitential Service sa Church..may pagbibisita sa Sto. Intiero on Good Friday night and kaming mga youth naman may TAIZE PRAYER...we will be singing chants like Jesus Remember Me When you come into your kingdom and other meditative songs. Then on Black Saturday naman may Easter Vigil sa Gabi and the usual Salubong on Easter Sunday...sumobra na ba ako? lent activities lang yata hehe..cge po...have a Blessed Holy Week to all!

Das_Sein
04.04.01, 11:46 PM
tanong lang po.
meron po bang napipintong TV presentation ang Jescom this holy week? may nakakaalam po kaya ng schedule, kung what time and channel (if there is/are)?
i am expecting their mtvs and some concert clips. mas maganda manood ng tv pag holy week kase di lang sign-on and sign-off ang pakita ng JMM mtvs. :)

manongroy
04.04.02, 09:54 AM
As far as I know, there will be no telecasts from Jescom this Holy Week. It's unfortunate since four new documentaries have been produced, under the title ASIN AT LIWANAG, TINAPAY AT ALAK. Oh well.

Das_Sein
04.04.05, 12:29 AM
Awww, oh well... thanks for the information sir.
and have a meaningful holy week to everyone. :)

psalm_choir
04.04.12, 04:55 PM
Kami nag BISITA IGLESIA :D kakapagod, umulan pa nga e :D

bajo
04.04.12, 05:24 PM
Kami rin, nag-bisita iglesia nung thursday night.

Grabe sched namin last Holy Week, practice ng choir, drama, sayaw. May mga mass service pa. whew.

namiss ko na agad yung mga activities.

c0rix
07.01.08, 03:46 AM
Sino po sa inyo ang may guidelines ng Siete Palabras (7 Last Words)??
<celebrated during Good Fridays>

kahit yung mga readings lang po.....
yun bang topic ng mga speakers.....

we borrowed lang kasi last year.. and binawi din right after the event....

and this year... di ko na po nakakausap yung taong nakakaalam tungkol sa mga readings...

inagahan ko na ang paghingi ng tulong kasi baka makalimutan ko na sa mga susunod na araw hanggang sa hindi ko mamalayan na maghoholy week na pala...

:)

Freddie
07.03.07, 08:01 AM
Magtatanong lang po... meron kasing project ang youth namin dito para sa palm sunday. gusto nilang mag-present ng drama tungkol sa PIETA. Baka po may lumang materials kayo na pwede nyong i-share (Script or any ideas na makakatulong)...

Thanks... kung pwede po pa send sa email ko freddielayco(at)yahoo(dot)com

ed noel
07.03.08, 12:25 AM
Before Holy Week, our parish celebrates every Friday of Lent with a soup (no-meat Fridays) supper and a discussion of the bible for about two hours in the evening, followed by the 'stations of the cross'. The soup is provided by the different ministry. The Filipino ministry would bring the soup for Mar 16. Everyone is always looking forward pagka-toka na nang mga Filipino, dahil masarap and mga variety nang soups at busog-na-busog sila.

After the Palm Sunday Mass, where the 'Passion of Christ' is read is the start of the Holy Week. For our exit hymn after the mass... we have Silence, no exit hymns. After the priest said, " The Mass is ended.." there is quiet and the priest leaves the altar and out of the church in complete silence. This marks the start of the Holy Week. Does anyone else do it this way? It gives emphasis on the reverence of the Holy week.

We have the station of the cross every day for the Holy week and the usual 'washing of the feet' for Maundy Thursday. Our 3 priests wash the feet of the volunteers' representing the different ministries in our parish. This is followed by a processing of the Blessed Sacrament to our Parish Hall whic is across a main/busy street, so we have the police stop the traffic. These are the few times where the Catholic celebrations are noticed by the public. The Blessed Sacrament is exposed at our parish hall for as long as there are people visiting. We have the Good Friday service and then the Easter Vigil late Sat night where all the choirs from the different masses (6 choirs) combine for the Easter vigil celebration. it is also common practice here where there are no masses on the afternoon or evening of Easter Sunday for all the Catholic churches.

Niyelskie
07.03.28, 12:12 PM
Sa amin, I'm making sure na at least there's a certain week within the holy week na magseserve ang choir namin bukod pa sa palm and easter sunday. This is to have an opportunity for us to meditate on Christ's sacrifice for us and I want it na lahat kami ay gagawin un thru our songs. Nakaasign kmi ngaun this year on Good Friday (Veneration of the Cross)

xpophr85
07.03.28, 01:06 PM
Our parish will have Fr. Thomas Green SJ from the U.S. giving a 3-day Lenten recollection to the parishioners of Sacred Heart Parish here in Cebu. From Holy Thursday to Black Saturday for several hours, Fr. Green will give talks and reflections. How I want to join this recollection, but my family and I will be leaving for Davao during the holidays. :-( I'll be back after Easter!
There's the usual Stations of the Cross every Friday of Lent.

jose
07.03.28, 04:40 PM
dito sa min wala kaming ibang lenten activity kundi mass lang at stations of the cross sa mga bahay-bahay. bawal kasi. hindi pa namin alam kung may magmamagandang loob na mag-hold ng vigil sa bahay nya. pero share ko lang yung last holy week activity na nasalihan ko nung nandyan pa ko sa pinas. nag-hold kami ng live stations of the cross dun sa community namin (meaning yung setting ng bawat stations is reenacted). actually ginawa na yun several times dun sa community namin kaya lang that year we took the word "live" up a notch. i played the role of Jesus and i carried the cross from station to station kasabay ng mga tao. ang hirap pala! and ang bigat nung cross! but it was worth it. buti na lang game yung mga actors namin, they were crying (or acting crying) the whole time. we're glad we did it kasi we were somehow able to let the parishioners feel the passion of our Lord. since we were acting in the procession, nakita ng mga tao somehow yung paghihirap ni Christ. and kaming mga involved sa act, "naexperience" namin somehow yung pinagdaanan Niya. after the procession, the actors talked about the experience and we were all satisfied. we were in awe actually at hindi namin ramdam yung pagod nung natapos. for me it was an experience i'll never forget. parang lalo akong na-attach sa passion Niya after nun.

Alexander
07.04.09, 09:16 AM
This season was over for this year and will be locked for the time being. You can still view this thread but you cannot post.

THREAD LOCKED

Jon2
09.02.24, 04:15 PM
And we're re-opening it...

Lent starts tomorrow (Ash Wednesday). Everyone is encouraged to share their ideas regarding activities for the Holy Week.

nlim
09.02.26, 08:28 PM
Wel noong ako pa ang presidente ng choir, we have our auditions agada after Ash Wed para sa mga angels na kakanta sa Hossana sa mga kubol 4 groups sila at sila ang kakanta sa simbahan sa entrance at sa communion. Bukod pa doon ang praktis nila ng Regina Coeli para sa salubong after Easter Vigil. Halus araw-araw ang praktis nila pati hanggang Saturday. Sabado de Gloria is when we announce the solo voice na angel na isasabit.
Meanwhile ang mga members ng choir ang gumagawa ng mga pakpak. Sabay pa noong ang praktis para sa Holy Week. Maundy Thursday,ay tumutulon sa paggayak ng Blessed Sacrament, maghapon iyun at uuwi kami 2pm para lang maligo at magbihis para sa mass, then sa gabi Visitas Iglesias at paguwi susuyurin pa ang kalbaryo para makakanta naman ng pasyon kahit kaunti. Good Friday - umaga ginagawa ngayun ang Station of the Cross, ayaw mainitan ang pari. Pero noong una maganda talaga ang 12pm talagang fulfilling pati yung init,kaya nga sakripisyo. Maikling part lang ng misa sa hapon, pag uwi kain at ligo para naman sa procession, sabay sa Sto Intiero para makakanta ng Stabat Mater. Sabado preparation sa mga angels para sa salubong at gayak sa simbahan at practice. Makakauwi kami 5pm na at 7pm ang pagbasbas ng apoy tuloy na ang Easter Vigil at Salubong. Masmaganda ang activities sa mahal na araw dahil maraming sakripisyo at masaya ka kahit pagud ka. Hindi magastos like Christmas di kailangang naka bago at maraming pagkain sa kalbaryo at nagdodonate pag nagaayus sa simbahan.:)

bluemurdock
09.02.26, 10:58 PM
Sa parish namin dito sa angeles city.. dirediretso ang activities ng maundy thursday until early dawn ng good friday.. after the exposition of the blessed sac.. vigil starts.. then it ends at midnight.. then people prepare for the Yapak ng Maestro.. it starts immediately after the vigil.. yep!.. 12 midnight ang Yapak ng Maestro namin dito.. ahehhe..

Paulus_Magnus
09.02.28, 12:02 PM
Guys, para po sa mga walang masyadong gagawin sa holy week, I invite you to experience the Holy Week - Sevilliana style! Magkakaron po ng live coverage ng mga prusisyon sa Seville Spain (na worth watching talaga) over TVE (TV Espanol sa cable and sa net). Post more infos sometime. :)

dangpogi
09.03.01, 11:21 AM
samin..(Salitran,Cavite) magkakaroon ng live performance ng syete palabras..from 12 nn to 3 pm...

blueforgetmenot
09.03.22, 10:09 PM
Samin, nakablock na ang Maundy Thursday para sa activity ng PYM namen, lahat ng organization samin yun ang pinaka main activity pag Holy week, ang "KUBOL at KALBARYO".
Ginagawa namin yung Images sa station of the cross in creative way using the recycling materials. Yung iba, dahil syempre may pera sila at gusto talaga nila ng maganda ang station na na-assign sa kanila, di lang pagod at oras ang nilalaan nila, pati pera na rin pero kapag nakita mo talaga namang napaka ARTISTIC ng lahat at lahat mapapansin mo. Pero ang PInaka Activity namen talaga ay pagkatapos ng washing of the feet, meron kaming TAIZE, pagkatapos nun pupunta kami sa venue nung KUBOL at KALBARYO namen at ipapabless namen kay Father, at saka kami magi-station of the cross lahat ng Youth organization. Marami kami nahahatak na mga kabataan dito, pati yung mga nagbibisita iglesia dumadaan sila dito. Ito rin ang activity na nagkakasama-sama ang lahat ng youth sa parokya namen at nagkakakilala ang lahat ng di magkakilala.
Sa ngayon, hindi ko pa sigurado kung matitigil ito ngayong taon, dahil may mga issue na nakikipagkompetensya daw kami sa simbahan. Nahahati daw ang tao kapag Maundy Thursday imbes na nagvivigil daw ang mga tao ay nagpupunta sa amin. hehe Gusto nila ipalipat ito ng Good friday. Nakakalungkot lang. :(

titopao
09.03.23, 08:09 AM
Sa ngayon, hindi ko pa sigurado kung matitigil ito ngayong taon, dahil may mga issue na nakikipagkompetensya daw kami sa simbahan. Nahahati daw ang tao kapag Maundy Thursday imbes na nagvivigil daw ang mga tao ay nagpupunta sa amin. hehe

In other words, naiinggit lang sila sa inyo kasi kaya n'yong gumawa ng isang activity na nakakaakit ng mga tao, whereas yung ibang taong simbahan sa inyo ay BORING!!! Nyehehehehe LOL

Paulus_Magnus
09.03.23, 09:46 PM
In other words, naiinggit lang sila sa inyo kasi kaya n'yong gumawa ng isang activity na nakakaakit ng mga tao, whereas yung ibang taong simbahan sa inyo ay BORING!!! Nyehehehehe LOL

Hahaha! Korek, titopao! Ganyan talaga ang mga jutanter cats and lightning very very frighting na yan, di marunong umintindi kung ano ang BORING! LOL

reksuyah
09.03.23, 10:11 PM
Guys, para po sa mga walang masyadong gagawin sa holy week, I invite you to experience the Holy Week - Sevilliana style! Magkakaron po ng live coverage ng mga prusisyon sa Seville Spain (na worth watching talaga) over TVE (TV Espanol sa cable and sa net). Post more infos sometime. :)

ito ba yung prusisyon na yung mga participants ay naka-costume ng parang medieval period, may mga lalaking naka purple robe na hooded na takip ang mukha? may napanood akong ganitong procession sa TV kaso ndi ko alam kung san yun.

Paulus_Magnus
09.03.23, 10:16 PM
ito ba yung prusisyon na yung mga participants ay naka-costume ng parang medieval period, may mga lalaking naka purple robe na hooded na takip ang mukha? may napanood akong ganitong procession sa TV kaso ndi ko alam kung san yun.

Yes kuya, yun na nga. Sa Seville, Spain po yun. Actually, inadapt lang nila yung mga traditional church vestments noon (Like the dalmatica and all that). Try to watch sa http://www.pasionensevilla.tv/ and see what the Holy week in Seville has to offer. :)

reksuyah
09.03.23, 10:27 PM
ah ok. one thing i noticed in that procession was that the people were in a prayerful mood, tahimik, walang maingay, may drum beat lang para i-pace ang lakad ng mga tao. well organized at nagkakasundo sa tiempo ng lakad pati yung nagbubuhat ng andas synchronized ang lakad. yun nga lang medyo mabagal. unlike dito sa atin na medyo rowdy and prusisyon - may mga nagdadaldalan, tapos yung mga nagbubuhat at nagtutulak ng karosa maiingay at sumisigaw pa - "Oy, oy yung mga paa nyo! Oh tabi tabi kayo baka maipit! Hep hep hep!" ang daming commotion.

Paulus_Magnus
09.03.24, 10:25 AM
ah ok. one thing i noticed in that procession was that the people were in a prayerful mood, tahimik, walang maingay, may drum beat lang para i-pace ang lakad ng mga tao. well organized at nagkakasundo sa tiempo ng lakad pati yung nagbubuhat ng andas synchronized ang lakad. yun nga lang medyo mabagal. unlike dito sa atin na medyo rowdy and prusisyon - may mga nagdadaldalan, tapos yung mga nagbubuhat at nagtutulak ng karosa maiingay at sumisigaw pa - "Oy, oy yung mga paa nyo! Oh tabi tabi kayo baka maipit! Hep hep hep!" ang daming commotion.

Well... Medyo may festive mood pa rin ang Semana Santa sa Seville. Ganito kasy yun: Bawat Cofradia o hemrnadad (mga lay associations na nangangalaga sa dalawang santo na pinuprusisyon sa Seville) ay may kanya-kanyang santo na naka-toka sa kanila. Pag dumadaan ang Paso (Andas na buhat-buhat ng mga kasapi ng hermandad), kailangan tumahimik ang lahat, in a prayerful state. Pero pag daan ng imahen ng Mahal na birhen eh usually, nagpapalakpakan ang mga tao at sumisigaw ng Viva La Virgen! (Mabuhay ang Birhen!) o kaya ay guapa! virgen guapa! (Maganda! birheng maganda!) o Viva La reina de sevilla! (Mabuhay ang reyna ng Seville!). Yung mga sumisigaw sa harap ng andas ay tinatawag na catapaz, sila din ag nagbibigay ng instructions sa mga costaleros (yung nagbubuhat ng Paso) using keywords such as Listo! apunten! alto!

here's a Video of the Hermandad de Monte-Sion passing in a procession
(http://www.youtube.com/watch?v=08lt5yc7DcA&feature=channel_page)

blueforgetmenot
09.03.25, 12:02 AM
In other words, naiinggit lang sila sa inyo kasi kaya n'yong gumawa ng isang activity na nakakaakit ng mga tao, whereas yung ibang taong simbahan sa inyo ay BORING!!! Nyehehehehe LOL


haay naku titopao, sinabi mo pa. totoo naman na BORING talaga..sila.. wahehehe kaya nga ginawa namen yun kasi para yung mga youth di naboboring. Imagine gusto nila gawin nlng daw namen ng Good Friday, dying na si Jesus sa cross ng 3pm sa simbahan, samin, nagsisimula palang ang paghihirap nya. haayy may pupunta pa kaya nun samin
aaayyy kakalungkot. . :(


paulus parang ang ganda ng tawag mo sakanila ah jutanter cats hehehe

reksuyah
09.03.25, 01:25 AM
Samin, nakablock na ang Maundy Thursday para sa activity ng PYM namen, lahat ng organization samin yun ang pinaka main activity pag Holy week, ang "KUBOL at KALBARYO".
Ginagawa namin yung Images sa station of the cross in creative way using the recycling materials. Yung iba, dahil syempre may pera sila at gusto talaga nila ng maganda ang station na na-assign sa kanila, di lang pagod at oras ang nilalaan nila, pati pera na rin pero kapag nakita mo talaga namang napaka ARTISTIC ng lahat at lahat mapapansin mo. Pero ang PInaka Activity namen talaga ay pagkatapos ng washing of the feet, meron kaming TAIZE, pagkatapos nun pupunta kami sa venue nung KUBOL at KALBARYO namen at ipapabless namen kay Father, at saka kami magi-station of the cross lahat ng Youth organization. Marami kami nahahatak na mga kabataan dito, pati yung mga nagbibisita iglesia dumadaan sila dito. Ito rin ang activity na nagkakasama-sama ang lahat ng youth sa parokya namen at nagkakakilala ang lahat ng di magkakilala.
Sa ngayon, hindi ko pa sigurado kung matitigil ito ngayong taon, dahil may mga issue na nakikipagkompetensya daw kami sa simbahan. Nahahati daw ang tao kapag Maundy Thursday imbes na nagvivigil daw ang mga tao ay nagpupunta sa amin. hehe Gusto nila ipalipat ito ng Good friday. Nakakalungkot lang. :(

In other words, naiinggit lang sila sa inyo kasi kaya n'yong gumawa ng isang activity na nakakaakit ng mga tao, whereas yung ibang taong simbahan sa inyo ay BORING!!! Nyehehehehe LOL

haay naku titopao, sinabi mo pa. totoo naman na BORING talaga..sila.. wahehehe kaya nga ginawa namen yun kasi para yung mga youth di naboboring. Imagine gusto nila gawin nlng daw namen ng Good Friday, dying na si Jesus sa cross ng 3pm sa simbahan, samin, nagsisimula palang ang paghihirap nya. haayy may pupunta pa kaya nun samin
aaayyy kakalungkot. . :(


paulus parang ang ganda ng tawag mo sakanila ah jutanter cats hehehe

Hahaha! Korek, titopao! Ganyan talaga ang mga jutanter cats and lightning very very frighting na yan, di marunong umintindi kung ano ang BORING! LOL

There is a parish or place in Makati that has the same tradition of having "Kubols" and "Kalbaryo" during Maundy Thursday so I'm familiar with such activity. Ang gaganda talaga ng mga stations at one year talaga ang planning. pa bonggahan talaga ang bawat street. Maraming private individuals kasi sa lugar na yon ang nagmamay-ari ng mga life size na Santo. But in contrast with the case of blueforgetmenot, that one has the blessing of the Parish (but i heard there were parish priests in the past that frowned on such tradition).

Now in my opinion, parang may mali nga sa tradisyong ito. Yes, it is competing with the Church activity and that activity is non other than the Adoration of the Blessed Sacrament. This is the time when the whole Church is in unison in adorating Christ in the Blessed Sacrament and silence is really required so other people, maybe, find it boring to sit or to keep vigil there for hours.

but the faithful is encouraged to visit the altar of repose. Na-explain ito ni Randy Bayaua dun sa blog (http://randytherese.multiply.com/journal/item/21/Holy_Maundy_Thursday) niya. This is the reason why the images of the saints, the blessed mother and even the crucifix are covered or hidden so that the object of veneration and adoration will just be the Blessed Sacrament. in our parish, pati yung station of the cross sa loob ng simbahan ay nakatakip at may mga simbahan pa ngang may naka paskil na hindi dapat ginagawa ang estasyon ng krus habang ang banal na sakramento ay nasa Altar of Repose. The emphasis of Maundy Thursday is the institution of the eucharist and not Christ's passion.

Dun sa Parish na sinasabi ko, the Blessed Sacrament is transfered to the plaza in front of the Church. pero sa paligid ligid ay nandun na yung mga kalbaryo na may mga imahen at altar na kadalasan ay mas maganda pa talaga kaysa sa gayak ng Altar of Repose. SO yung mga tao, lalo na iyong hindi nakakaintindi, they think that the Altar of Repose was just like the other "kubols." At siyempre hindi na maiwasan na maging festive ang mood dahil maraming tao especially mga kabataan ang naglalakad para tumingin sa mga kalbaryo.

Sa parish namin dito sa angeles city.. dirediretso ang activities ng maundy thursday until early dawn ng good friday.. after the exposition of the blessed sac.. vigil starts.. then it ends at midnight.. then people prepare for the Yapak ng Maestro.. it starts immediately after the vigil.. yep!.. 12 midnight ang Yapak ng Maestro namin dito.. ahehhe..
Upon reading Randy's blog post, i think this is a more appropriate activity. Time, he said, is important in the Triduum. Vigil should end by 12 midnight, and so if this tradition retraces the steps of Jesus after his agony in the garden, then the time is very apt. In the "kalbaryo" that im referring to has these "stations" na wala sa way of the cross like "the scouraging" and some even extra-Biblical like the one called "pamamaalam" when Jesus bid goodbye to his mother na nasa pasyon daw. So ito yung mga scenes after ng Last Supper and before the Crucifixion na siguro ay mas angkop na alalahanin pagkatapos ng araw ng Huwebes.

so siguro blueforgetmenot ito yung pwede niyong i-compromise sa parish, to start opening the lights or unveiling the Kalbaryo's and the Kubol's for veneration after 12 midnight when the adoration of the blessed sacrament is over.

titopao
09.03.25, 07:55 AM
@reksuyah: Interesting point you made about the Blessed Sacrament. In our parish, there is a parish committee tasked to dress up the station where the Blessed Sacrament is to be venerated on Maundy Thursday. As in mas maganda pa sa pinakamagagandang karo yung gayak n'ya, even if only for one night. No problems with that since may mga dumadayo rin naman sa mga nagbi-visita iglesia sa parish namin. In fact, sa lahat ng mga parokyang nadadalaw ko kapag Visita Iglesia, palaging maringal ang pagkakagayak ng pinaglalagyan ng Santisimo Sakramento. So in a way, regardless of the traditions ni the different parishes, only one thing is consistent: may extra-special place na inilalaan para sa Blessed Sacrament, hindi pa rin ito pinababayaan.

On a related note, gayon din ang ginagawa ng host chapel sa amin tuwing Christ the King. In fact, yung chapel kung saan ako tumutugtog ngayon ay nagu-undergo ng isang major renovation (as in, complete renovation talaga) para lang mapaganda ito sa Kristo Rey. That's just for the chapel, hindi pa pinag-uusapan doon yung magiging ayos niya para sa Christ the King, kung saan inilalagak ang Santisimo Sakramento sa altar ng kapilya bago ito dalhin sa parokya :P

Re pagtatakip ng mga poon: this is actually a universal practice throughout Catholicism. You can expect the icons to be covered and the altar to be laid bare from Maundy Thursday to Good Friday. (In fact, meron pa ngang nakalaang seremonyas/gesture para sa "paghuhubad" ("stripping") ng altar after the Maundy Thursday liturgies :) )

Sa amin, hindi kami nagkakaroon ng activity na katulad ng vigil for Good Friday, but for a practical reason. Mayroon kasing stations of the cross from the chapels to the parish, and karamihan ng potential na dadalo sa vigil ay sila ring mga pupunta sa stations of the cross.

Paulus_Magnus
09.03.25, 07:28 PM
Another tradition pag good friday morning is the Tinieblas (or sounds like this, also called Tenebrae). Eto yung parang siete palabras na may seven candles sa altar tapos per word spoken, isang kandila ang ineextinguish then after nun, may malakas na bang ng church portal then yung mga tao sa side ng simbahan lalabas... usually, umaga po ito ginagawa. In the Philippines, medyo may kabihiraan po ito pero sa mga european countries (Like Italy, Spain, France, Switzerland, Germany, etc.) eh ginagawa po ito.

blueforgetmenot
09.03.25, 09:55 PM
Upon reading Randy's blog post, i think this is a more appropriate activity. Time, he said, is important in the Triduum. Vigil should end by 12 midnight, and so if this tradition retraces the steps of Jesus after his agony in the garden, then the time is very apt. In the "kalbaryo" that im referring to has these "stations" na wala sa way of the cross like "the scouraging" and some even extra-Biblical like the one called "pamamaalam" when Jesus bid goodbye to his mother na nasa pasyon daw. So ito yung mga scenes after ng Last Supper and before the Crucifixion na siguro ay mas angkop na alalahanin pagkatapos ng araw ng Huwebes.

so siguro blueforgetmenot ito yung pwede niyong i-compromise sa parish, to start opening the lights or unveiling the Kalbaryo's and the Kubol's for veneration after 12 midnight when the adoration of the blessed sacrament is over.

@reksuyah.
Nakuha ko po ang point mo,
isasuggest ko yan sa pym namen. Ang problema ko lang dito eh baka di na kami payagan ng mahal nameng pari dahil ayaw nya na nagstay pa kami ng late sa simbahan.
Haayy sana maayos ko ito ngayong Linggo

Paulus_Magnus
09.03.26, 07:56 AM
@reksuyah.
Ang problema ko lang dito eh baka di na kami payagan ng mahal nameng pari dahil ayaw nya na nagstay pa kami ng late sa simbahan.

I don't think it is right for the priest to deprive the youth Parish workers the right to serve the Parish in the wee hours of the night... regardless of their parents' confrontation to the parish or not. Kami nga po sa parish namin sa Biņan, makikita niyo pag holy Thursday evening hanggang 12 midnight na ire-repose na yung Santisimo Sacramento eh nandun pa rin sila. It's a nice bonding experience din yun for the youth and the parish.

titopao
09.03.26, 08:12 AM
@Paulus magnus: Ang problem kasi is the Canon Law empowers the parish priest to do as he please. Kung sa ayaw ng pari na magstay til midnight ang mga kabataan, prerogative n'ya yun, notwithstanding the fact that his fellow parish priests in other parishes permit similar activities.

So, reality check, in the end, it still boils down to convincing the parish priest to get what you want. The only other option where the parish priest can't do as he pleases is if the bishop intervenes :P

Paulus_Magnus
09.03.26, 11:15 AM
@Paulus magnus: Ang problem kasi is the Canon Law empowers the parish priest to do as he please. Kung sa ayaw ng pari na magstay til midnight ang mga kabataan, prerogative n'ya yun, notwithstanding the fact that his fellow parish priests in other parishes permit similar activities.

So, reality check, in the end, it still boils down to convincing the parish priest to get what you want. The only other option where the parish priest can't do as he pleases is if the bishop intervenes :P

Kung sa bagay, titopao... Yan ang ayaw ko sa mga parish priests eh... they use their powers to get what they want... ok lang.

blueforgetmenot
09.03.27, 12:04 AM
I don't think it is right for the priest to deprive the youth Parish workers the right to serve the Parish in the wee hours of the night... regardless of their parents' confrontation to the parish or not. Kami nga po sa parish namin sa Biñan, makikita niyo pag holy Thursday evening hanggang 12 midnight na ire-repose na yung Santisimo Sacramento eh nandun pa rin sila. It's a nice bonding experience din yun for the youth and the parish.

oo nga po diba? hindi pa kasi nya nararanasan makipagbonding sa youths namen, almost 2 years na sya samin, kaya di na rin ako magtataka kung bigla nalang sila magdesisyon about our activity this holy week, di nya kasi naiintindihan siguro kung ano ang nakukuha namen dito kasi nga di naman samen sya sumasama madalas sa mga matatanda sya sumasama.. Naiintindihan ko ang point kung bakit dapat nga siguro ilipat pero hindi kasi iyon naging maliwanag sa aming lahat. DITO ko nga lang naintindihan ng mabuti.hehehe thanks

reksuyah
09.03.27, 01:00 AM
siguro ipaliwanag nyo rin kay father why the activity is important to the youth. and then present alternatives kagaya nga nung kina bluemurdock na 12 midnight nagsisimula ang activity related to Christ's passion. or kaya sa umaga ng friday. minsan dito sa amin youth activity yung Stations of the Cross sa umaga ng Good Friday. Kaso pangit naman ata na umaga yung Kalbaryo nyo kasi maliwanag at limited ang creativity dahil walang effect ang lightings and other pa-effect di ba? yung iba kasi may fog machine pa kong nakita.

Kailangan ba talaga ng blessing ni father to do such an activity? pwede naman siguro "outside" the parish activities yung kalbaryo niyo in case na feeling nyo na talagang hindi papayag si father na mag stay kayo ng late. parang barangay activity na lang yung Kalbaryo. kasi dito sa nearby parish na sinasabi ko, nakakaabot yung kalbaryo sa at least 2 pang karatig parokya at yung 2 parokya na yun ay wala nang pakialam dun sa mga kubol na yun. parang pabasa, hindi naman kailangan may pahintulot ng parish kung magpapabasa ang isang barangay. parang private devotion kumbaga.. kaso, alam mo na, it may create conflict pa pag inichepwera nyo si father.

Paulus_Magnus
09.03.27, 08:08 AM
Kailangan ba talaga ng blessing ni father to do such an activity? pwede naman siguro "outside" the parish activities yung kalbaryo niyo in case na feeling nyo na talagang hindi papayag si father na mag stay kayo ng late. parang barangay activity na lang yung Kalbaryo. kasi dito sa nearby parish na sinasabi ko, nakakaabot yung kalbaryo sa at least 2 pang karatig parokya at yung 2 parokya na yun ay wala nang pakialam dun sa mga kubol na yun. parang pabasa, hindi naman kailangan may pahintulot ng parish kung magpapabasa ang isang barangay. parang private devotion kumbaga.. kaso, alam mo na, it may create conflict pa pag inichepwera nyo si father.

Ang major rule talaga sa pagiging servant sa Parish eh... it will all end up to the parish priest's hands. So kahit outside the parish, kelangan alam pa rin ito ng pari.

titopao
09.03.27, 08:14 AM
@reksuyah: Mahirap i-justify na magiging "private" activity sya lalo na kung ito ay gagawin pa rin ng nasabing youth ministry. Since ang youth ministry ay under ng parish, prerogative pa rin ng kura paroko na pahintulutan o pagbawalan ang kahit na anong gawain na isasakatuparan ng anumang samahang naka-attach sa parokya. It's not an issue of whether pinayagan ng ibang parokya or hindi, since wala namang pakialam doon ang kura paroko ng nasabing youth ministry.

Yung pabasa kasi is something else, it's considered a devotional (or sacramental? though parang hindi) and, katulad ng nobena, ito ay hindi na kailangan ng pahintulot ng pari PROVIDED na yung ginagamit na librito or libro ay may ecclesiastical approval gaya ng imprimator o kaya nihil obstat (in case hindi n'yo pa alam ito, may "imprimatur" na nakalimbag sa mga unang pahina ng Pasyon).

So, hindi "blessing" ng kura paroko ang kailangan, and hindi naman s'ya obligado na ibigay ang kanyng "blessing". Pupwede kasing gusto n'ya yung idea pero ipagbabawal pa rin n'ya (as in "I like the idea, kaya lang parang hindi s'ya akma sa diwa ng Kuwaresma, kaya hindi ko ito papayagan"). So, hindi blessing ng pari ang kailangan, yung pahintulot nya pa rin ang mananaig (dahil magiging accountable sya sa obispo kapag may nangyaring masama o kaya kapag may kautusang nilabag ang nasabing gawain). Magkaiba ang "blessing" sa "permission".

nlim
09.03.27, 08:33 AM
Basta yung activities ninyo or extra curricular activities ninyo ay di clash sa choir activities ng simbahan. In my opinion ang pabasa is more of a baranggay or community activity and it is a Pilipino tradition.
Baka naman ayaw lang ni Father na mapuyat kayo dahil marami pa kayung activities kinabukasan. Ususally ang pagpunta sa kalbaryo pag Holy Week is a personal thing na at di na kailangan ng blessing ng pari. Kami dito pagkayari ng Visitas Iglesias pasyal naman kami sa mga kalbaryo para kumanta ng kaunti at makikain na rin.Di naman kayu pakikialaman ng parish priest doon.
Tungkol naman sa pag stay nyo up to midnight para sa pagtatapos ng Vivita Iglesias sa parish ninyo, ang alam ko ay prerogative na ninyo iyon as a person but not as a choir dahil ang alam ko this is done in silence without singing so wala kayung part talaga sa ceremony na iyon di ba?(this is just my opinion)
:)

titopao
09.03.27, 08:52 AM
I'll have to post this separately, since I'll be quoting extensively from a source. The source is the Code of Canon Law :) Again, my usual disclaimer: I am not a priest, a seminarian or a canon law expert; anyone who's one of these is free to comment and correct any incorrect interpretation I made here.

First, let's first understand the nature of a parish priest's work. What are the basic obligations that a parish priest must fulfill?

Can. 519 The pastor (parochus) is the proper pastor (pastor) of the parish entrusted to him, exercising the pastoral care of the community committed to him under the authority of the diocesan bishop in whose ministry of Christ he has been called to share, so that for that same community he carries out the functions of teaching, sanctifying, and governing, also with the cooperation of other presbyters or deacons and with the assistance of lay members of the Christian faithful, according to the norm of law.So, basically, two things: to spread the Word of God, and to manage the parish. The authority of a parish priest comes from the bishop to whose diocese he is incardinated (i.e. officially registered to), and under this mandate, the parish priest can decide what is good and what is not for his parish (as long as it conforms to both teachings and other church laws).

Hence, the parish priest theoretically can permit certain activities as long as it fosters promotion of the faith:

Can. 528 §1. A pastor is obliged to make provision so that the word of God is proclaimed in its entirety to those living in the parish; for this reason, he is to take care that the lay members of the Christian faithful are instructed in the truths of the faith, especially by giving a homily on Sundays and holy days of obligation and by offering catechetical instruction. He is to foster works through which the spirit of the gospel is promoted, even in what pertains to social justice. He is to have particular care for the Catholic education of children and youth. He is to make every effort, even with the collaboration of the Christian faithful, so that the message of the gospel comes also to those who have ceased the practice of their religion or do not profess the true faith.The primary activity, however, that should be the focus of the priest, is still on the sacrament of the Holy Eucharist---and, in a way, also the adoration of the Blessed Sacrament.

§2. The pastor is to see to it that the Most Holy Eucharist is the center of the parish assembly of the faithful.
He is to work so that the Christian faithful are nourished through the devout celebration of the sacraments and, in a special way, that they frequently approach the sacraments of the Most Holy Eucharist and penance. He is also to endeavor that they are led to practice prayer even as families and take part consciously and actively in the sacred liturgy which, under the authority of the diocesan bishop, the pastor must direct in his own parish and is bound to watch over so that no abuses creep in. Now, anyone who desires to serve in a formal function in the parish joins what is considered a "private society" within the church (as compared to a "public society" along the lines of, say, Focolare, Opus Dei and the like). This is where the clnicher comes in:

Can. 323 §1. Although private associations of the Christian faithful possess autonomy according to the norm of can.
321, they are subject to the vigilance of ecclesiastical authority according to the norm of can. 305 and even to the governance of the same authority.
§2. It also pertains to ecclesiastical authority, while respecting the autonomy proper to private associations, to be watchful and careful that dissipation of their energies is avoided and that their exercise of the apostolate is ordered to the common good.

What exactly is this Canon 305 all about? This:


Can. 305 §1. All associations of the Christian faithful are subject to the vigilance of competent ecclesiastical authority which is to take care that the integrity of faith and morals is preserved in them and is to watch so that abuse does not creep into ecclesiastical discipline. This authority therefore has the duty and right to inspect them according to the norm of law and the statutes. These associations are also subject to the governance of this same authority according to the prescripts of the canons which follow.
§2. Associations of any kind are subject to the vigilance of the Holy See; diocesan associations and other associations to the extent that they work in the diocese are subject to the vigilance of the local ordinary.

This answers the question of why a parish priest can disallow an activity even if the intentions are good. The parish priest can disapprove an activity on the grounds that such activity may either break, abuse or violate the liturgy. And keep in mind that the parish priest has received that mandate and authority from the bishop, under the Canons I quoted earlier. Keep this in mind if the priest disallows a choir's activity on the grounds that it doesn't fit in the liturgy or liturgical celebrations (which include the entire Holy Week program.)

And on top of it all, don't come under the illusion that "only" the parish priest can disapprove the activity of your group. Section 2 of Canon 305 clearly says that theoretically, even Pope Benedict XVI can disapprove the proposed activity of a youth ministry. There's actually a catch here, though. The bishop or the Pope himself can overturn your parish priest's objection :) The thing is...good luck na lang sa mangangahas gumawa nun (and that is not a joke, really) :P hehehehehe

Hope this clarifies things :)

Paulus_Magnus
09.03.28, 04:38 PM
Thank you titopao for the comprehensive explanation on the matter.

Addendum:

Can. 212 §1. Conscious of their own responsibility, the Christian faithful are bound to follow with Christian obedience those things which the sacred pastors, inasmuch as they represent Christ, declare as teachers of the faith or establish as rulers of the Church.

We are bound to follow the priest in whatever decision they may implement.

But...

§2. The Christian faithful are free to make known to the pastors of the Church their needs, especially spiritual ones, and their desires.

Meron naman tayong karapatang mag-express ng kung ano ang gusto natin... (I thi nk meron pa atang canon na nagsasaad na ang mga pari ay may karapatang mag-discern kung dapat ba talagang pagbigyan ang request ng parishoner at may karapatan din siyang magbawal o hindi magbigay ng pahintulot...)

sjclc
09.03.28, 06:41 PM
on good friday, meron kaming live via crucis na ilalakad sa buong sakop ng parokya namin. performed by our YM of course. live, as in acting.

velpastrana
10.03.17, 07:34 PM
Lenten Season is a busy week but after going to churc to hear mass I'll spend time at home...relaxing

markjeff
10.03.18, 03:04 AM
ganun? i'm pretty sure halos lahat ng involved sa music ministry ng respective parishes ng mga onliners e madami sila gawain sa holy week. hindi ba tayo lang friend super busy sa 7 last words at sa chrism mass. :) i'm sure sila din may kanikanilang assignments.

kung minsan napaka ironic ng ibang catholic. ginagawang lang vacation galore ang holy week wala ng time para sariwain ang hirap at pasakit ni Hesus para mailigtas tayo.

Alexander
10.03.18, 09:21 AM
vel, para namang mamamatay na ang isang tao sa title. Tsaka, napakahaba kung buong season ng Lent diba? Baka you mean the Holy Week? Tama ba?


... palitan natin kaya ng "How do you spend you Holy Week?"

Or... pwede rin, i-merge ko na lang dito: Activities for Holy Week (http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?t=364&highlight=Holy+Week)

markjeff
10.03.18, 06:26 PM
lolz. napansin nyo din pala. vel inaantok ka na ata when you made this thread :)

vouluge14
10.03.25, 08:23 AM
siguro bisita iglesia tapos kakanta sa Choir...hehee:):)

fhayeobra
10.03.25, 11:28 PM
agree vouluge14.. :):):)

siyempre, alay lakad din.. hehe..

yuanbautista
10.03.26, 10:40 AM
sana makapag-visita iglesia sa mga churches lalo na dun sa mga lumang simbahan kahit mainit ang panahon para sakripisyo na lang din.

reagan
10.03.26, 12:20 PM
Pilgrimage and Stations of the Cross at Loboc, Bohol. =)

Carlaisle
10.03.30, 12:38 AM
Attend to all masses on days of obligation, participate in praying the station of the cross, bisita iglesia,fast and abstain and do works of charity silently ;D

froilan
10.03.30, 02:01 AM
Mag visita iglesia sa batangas.

dangpogi
10.03.30, 09:23 AM
kami din visita iglesia din dito sa Cavite..hehehehe..try nyo dito magvisita iglesia sa pink sister silang..ganda dito..dito din un mabuting pastol seminary tsaka SVD..

Carlaisle
10.03.30, 10:16 AM
will volunteer as an usherette for the Seven Last Words to be aired on Friday 12noon to 3pm ABSCBN..