PDA

View Full Version : Sunday Mass Experience


Jon2
04.03.26, 06:44 PM
Nainspire lang ako last sunday mass sa greenbelt chapel.

The priest said something about the gospel- The Prodigal Son...

Our level of understanding shoudn't be compared to God's.... his LOVE for us s infinite. Tayo pag me kagalit we say the worst of things, but with Him, accepts us with open arms.

Then the priest sang " I will be here..." (tama ba Gian?) then all sang with him...ang galing...although medyo old na style na ito, it's still enlightening when singing together a song na nakakarelate ka...

Then after homily, what really touched me was the singing of "Ama Namin" part... never have I sung this song na parang naiiyak ako...sounds mushy but it's true....

Pretty funny since this kind of experience should have been felt often pero kakaiba....I admit that during mass e minsan di ako focused an sometimes e ala pa sa loob ko magsimba...heheheh...

I think I need more spiritual guidance.... ;)

This is His way of showing how good it is to be with Him.....

hashpipe
04.03.27, 01:01 AM
Amazing Grace yung kanta, Jon2. Haha! ;)

anya
04.11.22, 04:09 PM
Yesterday celebrated the liturgical year,the solemnity of christ the king expresses our faith in the universal lordship of jesus christ and our longing for full realization of God's kingdom of justice and peace. Our faith in christ the king challenges us to evaluate our attitudes to power and authority. But we cannot feel the impact of this challenge unless we understand the meaning of christ's kingship. ;)

vannie
04.12.06, 11:32 AM
Tama ka ate Anya. Since this year is Liturgical year, we have to restore our faith in our church. Tayong mga nag se serve kay Lord ay may malaking responsibility especially sa Liturgical celebration. I love LIturgical celebration. I cherish every part of it, lalo na yung consecration.

Jon2
05.02.10, 04:19 PM
it happened again...this time singing the songs: Huwag Kang Mangamba and Kordero ng Diyos (francisco)

di nga lang sunday mass ito. kahapon lang: ash wednesday

hiya nga ako dahil medyo bumirit ako sa songs na ito... 3 of us were singing the suddenly I felt such emotion that I can't explain... I was singing the melody part while the remaining 2 did the voicings. kundi lang nakakahiya e baka napaluha ako... heheheh...

place maybe coz' it's sacred

pressure maybe dahil andun me ari ng chapel, pinaka-strict na pari sa gbelt, my officemates, friends and people whom i don't know.

stress maybe dahil puyat from work at 3 straight services that day kaya sabi ng katawan ko to give it all out.

subconsciousness maybe dahil it's for Him...

hashpipe
05.02.10, 06:57 PM
Hehe...si Christian Bautista at Erik Santos kumanta sa Kordero ng Diyos at Huwag Kang Mangamba! Hehe...

raphael
05.02.14, 10:55 AM
maganda yan jon2. atleast you feel something about the song. kaysa naman ala kng mafeel. Holy spirit yan!

mike1314
05.04.10, 08:49 PM
Nag-choir kami kaninang 5:30am Mass singing Lead Me Lord sa communion at Prayer of St. Francis sa recessional, mabuti nakapag-vocalise pa kami before nag-start ang Mass dahil matataas ang pitch ng mga kantang ito.. Masaya kami dahil nagandahan sila sa pagkanta namin. :) Deo gratias!

Alexander
05.04.12, 12:32 PM
Nag-choir kami kaninang 5:30am Mass singing Lead Me Lord sa communion at Prayer of St. Francis sa recessional, mabuti nakapag-vocalise pa kami before nag-start ang Mass dahil matataas ang pitch ng mga kantang ito..


Buti allowed sa inyo kantahin ang LEAD ME LORD sa Liturgy, sa aming Diocese me specific na BAN sa mga commercially recorded songs kahit na "sacred" ang contents pero if the purpose is for RADIO and Commercial consumption, di allowed to be sang in LITURGY.

Ang tataas ng ng kanta nyo :) Eh di nakanganga na lahat yung nakikinig :) (hehehe)


.. Masaya kami dahil nagandahan sila sa pagkanta namin. :) Deo gratias!


Advice lang, sana the feeling is more inwards than outwards...
Thanking God because the people liked your song is self edifying... dapat its more of thanking God for giving your group the talents and the oppurtunity of having served HIM :)

hashpipe
05.04.12, 06:12 PM
Oo nga, buti at medyo maluwag diyan sa inyo, mike1314. Nagkaroon sa amin ng incident na yung isang magaling na choir eh nag-all acappella lineup sa misa. Though super ganda ng songs at ng pagkanta nila (as in...ako nga sobrang natuwa eh), na-reprimand sila for the reason that it became more of a (concert-like) PERFORMANCE than LEADING the congregation to sing. Kaya ayun, ngayon eh toned-down na ang mga kanta nila at hindi na puro acappella. :)

mike1314
05.04.12, 09:29 PM
Mostly dito sa Diocese ng Pangasinan gustong-gusto nila iyong mga kantang iyon like LEAD ME LORD at PRAYER OF ST. FRANCIS, a seminarian approached me that time at sinabi nyang tinuturo din sa kanila ang mga ito.
Thank you so much sa advice nyo kuya Alex! :) Kelangan ko din ang advice nyo para maitama ko din iyong mga pagkakamali ko. :)

doods
08.04.14, 12:34 AM
Maganda ang pagkaka awit namin ngayong lingong ito sa misa,simula entrance hanggang exit song,lalong lalo na itong inawit namin sa communion na "gandang sinauna at sariwa"talagang nakakadala ng damdamin,pati narin ang mga nagsisipag simba,at saka masarap pakiramdam mo,kung alam mong maganda ang pag kakaawit ninyo sa misa...:)

ednavaliente
08.05.20, 03:56 PM
these past 3 sundays, nag-absent ang organist namin kaya napilitan kaming manghiram ng organist sa kabilang parish.since hindi naman nakapagpa-alam ng maaga ang aming organist, ang inawit na lang namin ay kung ano ang alam tugtugin ng alternate organist. resulta, hindi masyadong na fit sa respective solemnities ang songs namin. but at least naawit naman naming maayos ang mga songs.

Yna Suello
08.05.20, 06:16 PM
The whole Sunday ang nasa isip ko ay 7:45 PM ang serve ng choir namin. Kaya by 6:15 petiks ako. Nung pumasok sa parish office (where I work) yun head ng choir namin, di pa ako nakabihis. Petiks nga e.

Sabay sabi sa akin, "Bakit hindi ka pa nakabihis?" 6:30 PM ang kanta natin ano!"

HA!! :terrified:

Looking back last Sunday (05/11), kaya lang pala kami 7:45 PM dahil exchange of assignment. Ang talaga nga namang sked namin ay 6:30 PM for the month of May.

I have to be more aware of my schedule... Hehehe. :D

empauls
08.05.22, 12:41 PM
Sa Parokya namin, 1 Sunday Mass, nagsisimba ako pero hindi ko choir yung mga kumakanta. Lahat ng members ng choir e elder na. Sa kalagitnaan ng Mass, biglaan nagsigawan yung mga choir, dalawa kasi sa members nila (parehong babae) nagsampalan. Personal na away. Hindi ata nila napigilan ang galit nila sa isa't isa. After the Mass kinausap sila ng Pari. Grabe... Tragic...

kenmuyot
08.05.23, 02:20 AM
ang pinakamaganda kong sunday experience ay noong nagsimba ako one time sa ibang parokya... kinanta nila yung prayer of st. francis... yung arrangement ni robert delgado ba yun? basta yun... talagang napafocus ako sa pagsisimba at never ako naging ganoon ka-senti sa simbahan na para ngang gusto kong maiyak... hehehe

grabe naman yung nangyari sa parish ninyo empauls! as in talagang nag away ba? hehe

empauls
08.05.23, 02:15 PM
ang pinakamaganda kong sunday experience ay noong nagsimba ako one time sa ibang parokya... kinanta nila yung prayer of st. francis... yung arrangement ni robert delgado ba yun? basta yun... talagang napafocus ako sa pagsisimba at never ako naging ganoon ka-senti sa simbahan na para ngang gusto kong maiyak... hehehe

grabe naman yung nangyari sa parish ninyo empauls! as in talagang nag away ba? hehe

Oo away talaga. grabe... tragic..

rhuihanazawa05
10.04.24, 04:37 PM
Dito po ay pwede niyo i share kung ano ang mga nangyari sa last mass service niyo. Bloopers, Achievements and even yung line up niyo. You can also rate your performance.

Kami, last service namin masaya! 2new songs ang kinanta namin..Glory to God (tnb) at humayo't ihayag! ang communion songs naman namin, ride thr morning winds at diyos ay pag ibig!

Bukas ay linggo, share niyo din yung sa inyo ah!
Happy posting!

:) :) :)

naz 08
10.04.24, 07:28 PM
last sunday nangarag kami kasi dalawa magkasunod mass namin..6am at 7:30am..graveh,ang aga ng pari kaya ayun kumanta kami kahit apat lang at accapella pa..

pagkatapos ng 6am ay 7:30am..doon kami bumawi..nasabi namin sa sarili namin na parang praktis lang yung 6am..nabigla kasi kami talaga..hahaha...:):):)

markjeff
10.05.04, 12:05 AM
hmmm. nung sunday kinanta namin yung i have a plan (to love and serve) at yung children of light and of the morning (easter journeys). masaya ako dahil nakanta naman namin ng maayos. :)

next sunday we will sing i have a plan for our recessional and kapayapaan for the communion.

Berry
10.05.06, 10:20 AM
last sunday, late na nagsabi yung accompanist na baka hindi siya makakatugtog :( one hour before the mass lang naman. buti na lang may pumayag tumugtog kahit less than 30 minutes notice lang ang binigay.

cruzcarlo17
10.05.10, 11:17 PM
Praise God for the past services of our group have been really great! Hearing good words from the parishoners and some of them approaching to commend the group were very fulfilling. Being able to touch and inspire people through our music are truly uplifting for us. Yesterday, it was our first time to sing Arnel de Pano's Shine on Me for Communion followed by Chris Borela's arrangement of Awit ng Paghahangad.

yenzephyr
10.05.11, 10:34 AM
Medyo weird yung naging ending kasi nasa amin yung relic ng St. Therese. Ayaw pakantahin ng recessional yung choir namin nung organist ng St. Therese... May dala pa silang (yung taga St. Therese) sariling organ. During the pahalik, sabi ng mga taga St. Therese, pang high mass daw dapat ang background music. Kaya hindi rin nila pinakanta ng Panalangin sa Pagiging Bukas Palad yung choir namin. Tinawanan pa nila (taga St. Therese) yung song. Tinugtog ng organist ng St. Therese yung Panis Angelicus at The Frayer, i mean, The Prayer :)

Umuwi na kami. Hindi ko na alam ang nangyari after...

Monching
10.12.06, 12:17 PM
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, sa 4 years kong pagtugtog sa misa ngayon lang nawala ako sa focus sa Order ng Mass, kung bakit sa AMEN part na ng misa eh ACCLAMATION (Si kristo ay Gunitain) yung tinugtog ko :(. buti na lang kinanta naman choir namin yung AMEN kaya lang semplang semplang yung tugtog ko sa kakahabol sa Tono ayun natawa yung mga parishioner sa harapan. bumawi na lang ako sa PATER NOSTER hanggang RECESSIONAL... :)

Carlaisle
10.12.06, 01:38 PM
asar ako kahapon 3pm ang call time ko for the 5pm mass, so we could still run down on our line up..aba nman nagsidating ng mga 4:30-4:45pm isa isa ko silang sinimangutan..nagpavocalize agad ako but to my dismay inuna pa nila ang beso beso at chikahan while vocalizing in between..pinasadahan ko ang lahat ng songs without paying attention to them so nagkanda-palpak palpak..(nakakakanta lang sila ng maayos kapag kumukumpas ako eh) after that sinabihan ko sila na hahayaan ko silang pumalpak ngayong mass so they will learn their lesson>>thay figured di ko sila kukumpasan so one of them initiated to review the songs with the group and I heard them singing (practising) softly while waiting for the mass to begin..(which is a good thing btw.)

hirap ng senior citizens ang hawak dko sila mapagalitan ng husto, super careful sa words at lalo pa't palagi silang may dalang treats for me..like that day after the mass one of them handed me a cake..kaya nawala agad ang init ng ulo ko..waaah

I'm thinking it was because they depended on me so much at palagi silang pinupuri after every mass akala nila oks na oks na sila..hayst!

Ms.Jonalyn
11.04.26, 11:47 PM
ang experience namin sa choir namin every sunday?hmm,ang kwento ng choir namin ay parang pangteleserye,,evry sunday may mga nangyayari,,kadalasan ay puro sama ng loob...hehehe

smooth
11.04.29, 10:25 AM
my sunday mass experience palaging nagtatapos sa kainan. practice starts at 3pm, mass ends around 7pm so gutom na. kain agad ang nasa isip after ng service hehe.