PDA

View Full Version : Icons: Unang Alay


NikNoK
08.10.07, 06:48 PM
Yes!!!!

The awaited "ICONS: Unang Alay" songbook is now available in St Pauls outlet...

Ito po yung compilations ng arrangement ni Fr. Rey Magnaye... matagal din nating hinintay na mapublish ito.. so pwede niyo nang bilhin ulit..

It costs P350.00 including the CD.

Again, poor me.. di ko ulit nabili.. wala akong dalang money.. haaaayyy... d2 ko siya sa St. Paul sa gateway sa cubao nakita....

I promize... babalikan din kita..heheh!:)

bingo
08.10.07, 06:53 PM
meron pa nito sa st paul SM ung malapit sa manila city hall... nakabili ako last week...

titopao
08.10.07, 06:55 PM
Hmm...ano ang itsura ng songbook? Ano ang binding nito, and meron bang mga new songs na wala dun sa original na songbook nito? ???

bingo
08.10.07, 09:00 PM
may free cd na kasama sa package... parang mula sa 'yo songbook ni wilgen

allen lucas
08.10.08, 12:43 AM
ang alam ko titoapo walang bagong song dun sa book, check ko minsan yung libro at baka bumili din ako para collection, sayang d ako nakabili nung launching 250 lang daw ito nung launching niya sa malolos.

bingo
08.10.08, 02:44 AM
250pesos nga lang po ang bili ko...

NikNoK
08.10.08, 09:07 AM
Oooopps... teka sana mali lang ang dinig ko ha... bigla tuloy ako nalito.

Ang pagkakarinig ko kasi nung tinanong ko ay P350.00 yung songbook pero may kasama na kasing CD yun.. pero sana nga mali yung dinig ko.. baka nga P250.00. Sa St. Paul sa Gateway po ako nag inquire eh..

Color Yellow yung songbook sa pagkakatanda ko - maaliwalas ang kulay.. hay tama ba yung adjective ko.. hehe..

Yung binding niya eh.. katulad ng binding dun sa "Magsiawit kayo sa Panginoon" na songbook.. SOFTBIND yata ang tawag dun.. basta hindi siya ringbinded na katulad nung mga jescom songbooks.

Allen, would you happen to know kung saan kaya sa Diocese ng Bulacan makakabili ng mga ganito?

allen lucas
08.10.08, 09:55 AM
ang alam ko sa malolos cathedral merong songbook at cd nito.

titopao
08.10.08, 09:57 AM
Yung binding niya eh.. katulad ng binding dun sa "Magsiawit kayo sa Panginoon" na songbook.. SOFTBIND yata ang tawag dun.. basta hindi siya ringbinded na katulad nung mga jescom songbooks.

The correct term is paperbound/paperback :) (hence, the Beatles' "Paperback Writer" :D) Ang ibang lasa non would be hardbound. Another variant is ring-/spiralbound, and the cover would then either be in card stock (ata) or yung mas makapal na parang sa hardbound.

Hmm....kung pareho din lang pala ng number of songs as the cassette, I'd be better off not buying the CD and the songbook na lang, I'd rather spend the P250/350 (ano ba talaga? :P) on a call card, mas mapapakinabangan ko pa yon sa unlimited texting LOL

nasserpellas
08.10.08, 02:05 PM
check this site and look under the christian catholic songs for front cover meron ako http://tambolicious.multiply.com

silveryellow
08.11.15, 08:55 PM
Songbook and cd cost P350.00 :P
At meron nga nito sa mga St Paul's na nasa SM.

allen lucas
08.11.16, 12:06 AM
nakita ko na yung book at cd nito sa st.paul, pansin ko lang walang pinag kaiba ito sa icons na nasa akin, pinalaki lang nila yung size, kala ko may bagong arrangement.

titopao
08.11.17, 08:07 AM
Ay, ganon? Parang nagdadalawang-isip tuloy ako kun bibilihin ko ito, wala naman pala talagang pinagkaiba sa original na version na nakuha ko.

Kumbaga, misleading na sabihin nilang "new edition" (kasi it should imply na may binago sa arrangement ng karamihan ng kanta), mas angkop na sabihing ito ay isang "reissue" lang :P

allen lucas
08.11.17, 11:56 AM
kala ko nga titopao may bagong arrangements sa loob, pero nung iscan ko yung book nakita ko na lahat ng songs dun ay yung sa original book.

poknat20
08.11.17, 12:42 PM
nangangati nmn kamay ni mod niknok.. hehe..

NikNoK
08.11.17, 01:52 PM
hahah! poknat20, nakabili na po ako nito at na-add ko na sa collection ko.. mayroon na akong photocopy nung unang edition eh.. pero iba pa rin yung meron talaga songbook at cd nito...


pero sana nga no magkaroon ng new edition instead of reissue lang.. kung magkarron ng bagong edition.. BIBILHIN ko pa rin.. hehe!

silveryellow
08.11.17, 02:48 PM
ang difference daw between the tape and the new cd is that the cd has this additional track - Unang alay: Salmo 23(?) Medley, parang ganon ata yong title :P

poknat20
08.11.18, 09:45 AM
hahah! poknat20, nakabili na po ako nito at na-add ko na sa collection ko.. mayroon na akong photocopy nung unang edition eh.. pero iba pa rin yung meron talaga songbook at cd nito...


pero sana nga no magkaroon ng new edition instead of reissue lang.. kung magkarron ng bagong edition.. BIBILHIN ko pa rin.. hehe!

Mod, obsession ba tawag jan? hehe.. I hope I can grab my copy soon.. can you tell us more about the book>? SATB lahat? :)

NikNoK
08.11.18, 10:08 AM
Hello, poknat20!

Obsession? hahah! ewan ko... kung yun nga ang tamang term.. siguro nga.. ah basta.. pag nadadagdagan yung songbook collection ko.. maligayang maligaya ang puso ko. :)

Sige para sa request mo, here are some details of the book:

ICONS: - UNANG ALAY
Mga awiting pangsamba na nilikha o isinaayos ni Fr. Rey Magnaye

1. Awit ng Papuri - SATB
Ito ay awiting nagpupuri sa manlilikha sa lahat ng mga bagay na Kanyang ipinagkaloob; dulot ay tigib ng pag-ibig at pagmamahal sa bayan na Kanyang hinirang. Ang awiting ito ay angkop bilang pambungad na awit sa banal na misa.

2. Panginoon, Kaawaan mo kami - unison
Maliban sa Misa, maaaring awitin ito sa mga paunang bahagi ng mga litanya, sa mga banal na pagsasanay, lalong lalo na sa mga panahon ng Adbyento at Kwaresma.

3. Salmo 27 - unison
(Ang Panginoon ang Aking Tanglaw) Maliban sa salmong tugunan, ito'y angkop na awitin habang nagninilay o nananalangin pagkakomunyon sa Misa, o sa mga banal na pagsasanay.

4. Kredo - Mostly unison, may 2nd voice sa chorus
Maliban sa bahaging ito ng misa, maaaring awitin ito habang nagwiwisik ng tubig sa pagbabasbas ng mga tao katulad ng mga Misa sa Linggo ng pagkabuhay. Maaaring awitin sa pagtatalaga sa mga kasapi ng mga samahang pangsimbahan.

5. Panalangin ng Bayan - SATB
Hango sa aklat ng mga panalangin ng bayan ni Fr. Ruperto Santos ng San Carlos Seminary, maaaring awitin sa bahagi ng panalanging pangkalahatan.

6. Unang Alay - 3 voices
Bunga ng 30-day retreat; Inaawit sa Misa (pag-aalay/komunyon); sa mga banal na pagsasanay; lalo na sa pag-oordena ng mga pari at diakono, o sa pagtatalaga ng mga madre, seminarista at iba pang layko.

7. Santo - 3 voices
Ito ay aklamasyon ng papuri ng sambayanan kaisa ng mga banal sa kalangitan.

8. Korder ng Diyos - unison
Ito ay isang awiting litanya kasabay ng paghahati-hati ng tinapay bilang paghahanda sa pagtanggap ng banal na Komunyon.

9. Salmo 23 - SATB
(Ang Panginoon ang Aking Pastol) Maliban sa pagiging salmong tugunan, maaaring awitin ito sa komunyon o sa iba pang sandali ng pagninilay at pananalangin, katulad ng mga banal na pagsasanay, prusisyon, paglalakbay sa banal na lugar (peregrinasyon).

10. Kristo, Daan ng Buhay - unison
Maaaring awitin sa Komunyon sa Misa; Gayundin, angkop na awitin sa binyag habang binubuhusan ng tubig ang bata o habang isinusuot ang damit pambinyag at sinisindihan ang kandila ng mga magulang, ninong at ninang.

11. Panalangin ng Mag-anak/Pamilya - unison
Inaawit sa Komunyon. Maaaring awitin sa mga banal na pagsasanay at mga prayer meetings ng iba't ibang grupo sa parokya. Angkop sa marriage encounter at youth encounter, Sons and Daughters Encounter groups dahil sa pagpapahalaga sa pamilya.

12. Dakila Ka, O Panginoon - unison
Maaaring awitin sa pagkokomunyon. Angkop din para sa binyag. Isang awit ng papuri na madaling matutunan ng prayer groups; makabuluhang awitin pagkatapos makapagkumpisal ng grupo o di kaya'y pagtatalagan/panunumpa pagsasariwa ng sinumpaan sa haran ng Panginoong diyos.

13. Awit ng Renew - SATB
Inaawit sa komunyon o sa pangwakas na awit ng Misa. Magandang gamitin sa prayer meeting o group sharing sessions dahil sa dala nitong tema ng pagbabago at pagpapanibago ng buhay. Angko ding ituro sa pagpapakumpisal, o sa mga penitential services, o isama sa mga awitin ng misa sa mga panahon ng Adbiyento at Kuwaresma.

poknat20
08.11.19, 11:00 AM
Kumpletong kumpleto mod a? hehe.. obsession nga tawag jan... haha..

mike1314
08.11.20, 01:39 PM
Wala pa ako nito. Hope makabili na rin ako...

NikNoK
08.11.24, 10:20 AM
ang difference daw between the tape and the new cd is that the cd has this additional track - Unang alay: Salmo 23(?) Medley, parang ganon ata yong title


SOURCE: http://www.dclmmalolos.com/index.html


FR. REY MAGNAYE’S ICONS UNANG ALAY CD & SONGBOOK LAUNCHING

ICONS Unang Alay Album, a collection of liturgical and inspirational songs composed and arranged by the late Fr. Bienvenido Rey Emmanuel C. Magnaye is set to be launched on August 24, 2008, Sunday with a mass to be celebrated at 3 pm at the Immaculate Conception School for Boys Chapel. This day marks also his 46th birthday. ICONS Unang Alay is now in audio cd format, with songs very much known by heart to many of us like “Ang Panginoon ang aking Pastol”,and “Unang Alay”. This digitally remastered album includes two new additional tracks: Awit ng Papuri and Unang Alay-Salmo 23 Medley.

princejaxen
08.11.24, 07:58 PM
wala pa ko nian aah???

silveryellow
08.11.25, 08:40 AM
SOURCE: http://www.dclmmalolos.com/index.html


FR. REY MAGNAYE’S ICONS UNANG ALAY CD & SONGBOOK LAUNCHING

ICONS Unang Alay Album, a collection of liturgical and inspirational songs composed and arranged by the late Fr. Bienvenido Rey Emmanuel C. Magnaye is set to be launched on August 24, 2008, Sunday with a mass to be celebrated at 3 pm at the Immaculate Conception School for Boys Chapel. This day marks also his 46th birthday. ICONS Unang Alay is now in audio cd format, with songs very much known by heart to many of us like “Ang Panginoon ang aking Pastol”,and “Unang Alay”. This digitally remastered album includes two new additional tracks: Awit ng Papuri and Unang Alay-Salmo 23 Medley.




ah, dalawa pala yong additional tracks :P
Thanks for the info, NikNoK.

saxcruz
08.11.25, 09:02 AM
Try nyo po ang mga songs dito. They are really beautiful and also yung pagkakakanta ng kenosis. thumbs up guys!!!

titopao
08.11.25, 09:04 AM
Teka, ibig sabihin yung "Awit ng Papuri" ay yung version ng Kenosis? Then that would mean na hindi talaga bagong recording itong reissue ng "Unang Alay"..."Awit ng Papuri" appeared in the album "Minamahal, Nagmamahal" and, I think, was included here to collate the complete works of Fr. Rey :P

bluemurdock
09.03.13, 01:33 AM
grabe.. todo research about this book mod ah?.. galing! :P

ryudo05
09.04.02, 06:48 PM
No luck finding copies of this songbook. Sana meron sa other branches.

Saan pa pong store meron nito?:(

chad9380
09.05.26, 03:09 PM
Sinuwerte akong makabili sa St. Pauls. 1 item na lang, kaya di na ako nagdalwang isip na bilhin ito last Friday.:)

hannie
09.07.29, 02:30 PM
Madami po stocks ng songbook na yan sa Mater Dei, Malolos, Bulacan. 50php lng po. =)

NikNoK
09.07.29, 06:19 PM
Hi, Hannie! talaga? as in P50 lang? Sa St. Paul kasi mahal eh nasa 200 plus yata o 300.

pero anong itsura nung P50?

Alexander
09.07.30, 07:40 AM
Meron ako nito... libre kang kasi Gift sa akin ng isang BP Onliner from Bulacan...

Paper bound lang yata ito Niknok

silveryellow
09.07.30, 08:44 AM
Hi, Hannie! talaga? as in P50 lang? Sa St. Paul kasi mahal eh nasa 200 plus yata o 300.

pero anong itsura nung P50?

Kasi diba may kasamang cd yong sa St. Paul?

allen lucas
09.07.30, 11:29 AM
yung tig 50 pesos yata ay yung unang edition ng ICONS, halos ganun din yung 2nd edition, yung cd lang yata ang nadagdag at yung dalawang bagong kanta.

knightdom
09.08.24, 04:43 AM
sayang di ako nakabili. sa pag-uwi ko next year hanapin ko yan. :)

aramis_215
09.09.07, 03:46 PM
50 pesos lang. Sana makabili rin ako nyang tig 50 lang.

NikNoK
09.09.07, 11:04 PM
Talaga bang may P50 na ganito sa Bulacan, Allen?
Anyone from Bulacan who have seen this/purchased this?
Thanks!

kazziiee
11.03.17, 01:30 AM
Punta nga ako agad sa St. Pauls... excited na ako bumili ng mga songbooks:)

Kuya G.
11.04.07, 04:05 PM
Bro. Niknok, Oo Php50 lang yung songbook na ito sa Bulacan. Nakisuyo kasi akong makibili dun sa isang taga-Bulacan. :)

Talaga bang may P50 na ganito sa Bulacan, Allen?
Anyone from Bulacan who have seen this/purchased this?
Thanks!

koro_si_jason
11.04.07, 04:17 PM
Saan po ba exactly sa Bulacan mabibili ito?

titopao
11.04.07, 08:18 PM
Saan po ba exactly sa Bulacan mabibili ito?

Most publications of the Diocese of Malolos can be purchased at the Diocesan Chancery at the Basilica Minore of the Immaculate Conception (the diocesan basilica). Its shop is near the parking lot in front of the basilica.

Kung wala doon...just ask the Chancery all the same, siguradong masasagot nila kung saan pa pupwedeng makabili. Or, all the same, kung saan/kanino makakahingi ng pyesa :)

koro_si_jason
11.04.07, 09:34 PM
@titopao: Salamat po ng marami! :-) :-) :-)

Though hindi naman po me nagagawi ng Bulacan, at least I know na kung saan po pupunta to buy a copy.

God bless!


:-)