PDA

View Full Version : Concert! Is it possible?


mike1314
04.11.03, 09:07 PM
Hello sa inyong lahat! Actually, this is my first tme to post. Anyway, gusto ko sanang humingi ng suggestions. Kasi gusto kong tulungan ang isang choral group na makaroon din sila ng concert. Kaso ang problema is hindi sila connected sa isang school or sa church. Ang reason is ibat-ibang school ang pinag-aaralan nila at iyong iba graduate na rin at may mga trabaho na. kung sa church naman sila kakanta, hindi rin pwede dahil hindi catholic iyong iba. pagdating sa pagtuturo ng religious songs medyo limited din tinuturo ko dahil baka ma-offend iyong iba. Pero mga songs din nating mga Catholic ang tinuturo ko.
Nabuo sila bec. of friendship at gusto nilang i-share iyong talent nila sa iba. Kaya anong kelangan naming gawin kung sakaling pwede kaming mag-concert? Please help us.

aRJedi
04.11.04, 12:45 AM
May following na ba sila? Kasi I think that's the first step. Lalo kung wala silang regular na kinakantahan, kelangan at least ng konting following para mag-spread ng word about them.

Ojen_G
04.11.04, 04:20 AM
I suggest na ituro mo sa kanila ay yung mga classical songs. For sure, di affected ang religion nila pag nagkaroon kayo ng concert. Another is by arranging some pop songs for it to have a 4 voices style. Kumukuha lang ako ng mga classical songs sa UP college of music. Yun nga lang, di pa ako nagrenew ng ID ngayon sa library. Every year kc ang renewal ng ID doon eh. :)

vannie
04.11.04, 12:07 PM
Kuya Ojen Musta na? me classical pieces ka pala. Pahingi naman tulad nung mga Old Filipino Songs. At saka pahingi na rin ng pyesa ng nga X mas song kuya Ojen. Sorry po off topic. hehehe

devorack214
04.11.04, 01:00 PM
thru my experience, may choral group na kumakanta sa parish namin na ang iba sa kanila ay hindi naman Catholic, pero dahil gusto nilang ma-maintain ung quality nila sa pagkanta, nag-request sila ng slot sa music min. coordinator namin, then dahil sa pagkanta nila nakilala sila, after that saka nila ini-lanch ung concert nila, with the help pa ng ibang choral group, kaya lang after the concert hindi na sila kumanta sa parish, frankly speaking ginamit lang nila ang parish namin for advertising.

Alam ko na naman hindi ito gagawin ng group ninyo... ;)

NikNoK
04.11.04, 01:55 PM
May following na ba sila? Kasi I think that's the first step. Lalo kung wala silang regular na kinakantahan, kelangan at least ng konting following para mag-spread ng word about them.


Sensya.. ano po ba yung "following"?
[hr]
WELCOME PO, MIKE1314!
[hr]

aRJedi
04.11.04, 02:02 PM
Following. Simply put, "fans". Kumbaga, mga nag-aantay for their performance. Mga bilib na dun sa grupo at willing na mag-spread ng word tungkol sa kanila.

herald
04.11.04, 02:55 PM
welcome sa iyo mike1314

jeffoy
04.11.04, 10:07 PM
First thing to do is, kelangan siguro makaipon muna kayo ng mga choral piece na alam para meron kayong pagpipilian. tama si Ojen_g, aral kayo ng mga choral pieces na classic at popular. pwede nyo kseng hatiin sa 2 parts ang concert, pwede sa unang part ay religious, madrigals tapos sa 2nd part naman ay pop songs and OPM. masarap kantahin at pakinggan ang mga classic na OPM at kelangan din na lagyan nyo ng mga songs na novelty kse baka antukin lang manunuod. :) and like arjay said dapat nga may followers na kayo, iba rin kse yung meron manunuod sa inyo.. at masarap pakinggan na meron pumapalakpak sa inyo. kung meron na kayong mga napili at madaming pyesang alam.. i would suggest na sa mga free venues na meron nanunuod ang target-in nyong pagdausan ng concert.. like paco park (concert at the park) though mahirap magpa-book dito sa dami ng gustong magconcert pero who knows bka swertehin kayo.. at maganda pa dito, after a week, nasa tv na concert nyo, pwede nyo na ipagyabang sa mga kakilala nyo.

goodluck sa group nyo at sana matuloy ang mga balak nyo, more powers and welcome sa board.. sana naka2long ako.. :)

mike1314
04.11.06, 06:06 PM
Maraming salamat po sa inyo! :) Sigurado pong makakalulong ng malaki iyong mga suggastions nyo. Actually, meron na kaming repertoire for the concert at refinement na lang po siguro ang kulang. Gaya po ng sinabi nyo, merong din pong variation iyong mga kakantahin nila para di antukin iyong mga manonood. Ang isa pa pong malaking problema is iyong magiging name ng group. Kasi po nung nag-resign ako as a conductor dito sa isang University sa Pangasinan(not to mention the name), nag-resign din po silang lahat at ngayon kasama ko pa rin sila sa pagkanta. Our group love to sing "a capella" from classical to pop, syempre kasama iyong mga religious songs. Any suggestion po? Thank you po ulit! :)

jeffoy
04.11.06, 09:19 PM
ay gus2 ko yang magbigay ng name :D
wala pa gumagamit ng REBEL CHOIR (hahaha!) joke lang po. dito sa board dami pwede magsuggest ...
ano bang name gus2 nyo, tagalog o english?

gandang name yung maganda sa pandinig at may dating at madaling tandaan..teka isip ako.. post ko na lang :)

mike1314
04.11.07, 06:09 PM
Hello po kuya jeffoy! Tagalog or english will do. Hintay ko po sagot nyo ha. Thank you! :D

jeffoy
04.11.11, 11:50 PM
eto mga suggestions ko, di ko sure kung magugus2han mo ha... isip pa ko iba..

One Voice Choir
Koro Isang Himig (tinagalog lang)
TunogTinig
Bagong Tunog
SangTinig

ano pa ba? isip pa ko..

NikNoK
04.11.12, 12:48 AM
eto mga suggestions ko, di ko sure kung magugus2han mo ha... isip pa ko iba..

One Voice Choir...

ano pa ba? isip pa ko..


Ooooooppssssss!!! Jepoy, may kasama tayong onliner na si OVC, remember? OVC stands for one voice choir.. which is the name of his choir already. ;D

jeffoy
04.11.12, 08:57 AM
A oo nga pla... wag mo na sama yun mike.. taken na.:)

Tnx nik. :)

Buti hingi na rin tayo 2long sa BP Onliners, dami alam mga to... mga kapatid sa pananampalataya, 2long po! tnx :D

NikNoK
04.11.12, 09:12 AM
Hi, MIKE!

May napili na ba kayong name ng choir niyo?
Medyo may naisip na rin ako eh..
Kaso as much as I would like to suggest name for your choir, I recommend that you decide among yourselves kung ano ang gusto ninyong itawag sa choir niyo.. though patok din sa akin yung mga suggestion ni Jepoy if you still want to consider it.. Mas may personal touch kasi sana kung manggagaling sa inyo yung name ng choir niyo than from other people.. and mas mamahalin niyo yung pangalan na iyon.. kasi nga galing mismo sa inyo at kayo ang nakaisip..

Siguro pwede kayong magpa-contest among yourselves... tapos magbobotohan kung sino ang mas maganda... The choir name could be related to your common interests, common goal, or anything that is common denominator to you guys.. or for example pwede niyong i-consider kung paano ba nabuo yung choir niyo.. there must be a common denominator i believe.. Just my 2 cents!

Back to the topic... Concert? yes IT IS POSSIBLE... again find the common denominator and from there work out the plan... you can DOH it! :P

Good luck sa group niyo! We hope to hear your songs as well! God Bless!

jeffoy
04.11.12, 03:41 PM
Yeah i agree with Nik, idea lang binibigay namin pero mas ok kung sa inyo mismo manggagaling ang name ng group nyo, kayo mismo ang magiging proud sa mabubuo nyong name :) Pwede nyong kunin ang name sa songs na fav nyo, sa fav food nyo, interest nyo, anong gusto nyong mga symbols sa music, initials nyo dami pwedeng i-consider... suggestion lang po..:)

herald
04.11.12, 04:29 PM
tama!! magbotohan kayo.. tapos ang mananalo mag treat.. he he he!!!!

mike1314
04.11.23, 10:41 PM
:)Maraming salamat po dun sa mga sugestions nyo concerning dun sa ipapangalan sa choir namin. Tama po kayo, sa amin nga dapat manggagaling iyong magiging pangalan ng group kaya eto po iyong napili naming name ng choir, "Himig a Capella". Ok lang po ba? :-\ Baka po kasi may exsisting na ganyang pangalan.

herald
04.11.24, 10:18 AM
sounds good... question: puro a Capella lang ba kakantahin nyo????..

NikNoK
04.11.24, 11:32 AM
Himig a Capella! wow.. may dating ah! tunog professional... acapella fanatic pa naman ako..
so acapella choir pala ang style niyo.. sana marinig namin kayo minsan.. good luck sa Choir niyo!

God bless!

jeffoy
04.11.24, 12:45 PM
OK yan!!! wala pa ko alam na choir name na ganyan :) kung puro a capella nga mga songs nyo :) sana nga marinig namin kayo..

Goodluck Himig A Capella!!!

mike1314
04.11.24, 07:23 PM
:)Yup, puro a capella mga kinakanta namin. Sana magkaroon na rin ng album ang BP na puro a capella. Syempre tinuturo ko din sa kanila iyong mga nasa songbooks ng BP dahil magaganda lahat. :) Thanks to Jon2 dahil siya tumulong sa akin na magkaroon ng SB at cd's ng BP.
I'm also planning to order more songbooks para sa ibang choir dito sa Pangasinan at La Union. Hope matulungan nyo po ulit ako.
Anyway, thank you so much sa support nyo sa choir namin!!! :D

Jon2
04.11.25, 04:09 AM
bat nasama na naman ako sa usapan? heheheh...

sorry ngayon ko lang nabasa ito... alam ko pag magpapaconcert ka e kumuha ka muna ng permit...heheheh...

it's not like you can sing whenever and wherever you want... heheheh...

ganda naman ng name ng group mo... me dating...

hmm, san ba kayo nagprapractice... pwede manuod? 8)

herald
04.11.25, 09:42 AM
Hi mike... god bless sa Himig A Capella

mike1314
04.11.25, 10:40 AM
jon2, dito lang sa bahay namin ang practice. Sa Nov. 29 ulit practice namin. Always welcome ka dito. Pasyal ka minsan dahil may kasalanan pa ako sayo, heheheh....
Permit? Walang problema dun dahil iyon na ang inuna namin. Dito sa MYDC ang concert. Nood sana kayo.
Kuya Herald, thank you!!! :)

mike1314
05.03.15, 05:43 AM
Hello po sa lahat! Can you help me to decide kung anong magandang kantahin for the concert? Eto na iyong list of songs na natapos namin, refinements na lang:

Choral works of Delgado:
1. Lead Me Lord
2. Prayer of St. Francis
3. Sa'yo Lamang
4. May Ibong kakantakanta
5. Buhay ng Buhay ko
6. Bituing Walang Ningning
7. Sana'y Wala Ng Wakas
8. Bahay
Choral works of Fr. A. Zamora:
1. What Matters Most
2. Minsan lang kitang Iibigin
3. Ikaw lang ang mamahalin

Others::
1. L'impotant Cest la Rose
2. Love is the Answer
3. Tuksuhan
4. Kalesa
5. Ikaw
6. Spageti Song
7. Paru-parong Bukid
8. Rosas Pandan
9. Tagumpay Nating Lahat
Hope, familiar kayo sa mga kanta. Para sa akin kasi maganda lahat and most of tha songs kinanata na namin in our last concert. Mga 12 songs lang kakantahin namin plus 2 encore piece. Ano kayang magandang variation nito? Para maiba naman.

devorack214
05.03.15, 10:20 AM
OPM po kaya... ;) :D
Good Luck din po sa inyo............ :)

NikNoK
05.03.15, 11:29 AM
Uy, ganda ng line up niyo Mike ah? Mukhang special guest niyo si Fr. Zamorra and si R. Delgado ah? hehehe!

Pwede niyo sigurong hattin sa 3 part yung concert like for example:
1st part is Liturgical
2nd part is Love songs
3rd part is Classical/OPM/hit songs

Good luck uli sa Himig a Capella! and God bless your Choir!

bajo
05.03.15, 08:21 PM
Ganda ng selections... gud luck po sa inyo.

Di nyo ba trip yung mga ethnic songs?

clavinova
05.03.15, 09:00 PM
kailan at saan po concert sir mike?

mike1314
05.03.15, 09:35 PM
Thanks po sa suggestions devorack214 and kuya nik! We don't have songs for ethnic kuya j()J0. Thanks for the support! :D

*********
Hi po clavinova! Nice picture ha. ;) Anyway, April or early May ang target naming concert. Pinagpipilian ko pa kung sa Mangaldan, Calasiao o sa Sn. Carlos ang venue. Hopefully, matuloy ito.

NikNoK
05.03.16, 04:39 AM
...;) Anyway, April or early May ang target naming concert. Pinagpipilian ko pa kung sa Mangaldan, Calasiao o sa Sn. Carlos ang venue. Hopefully, matuloy ito.


Hey, Mike! Good luck po uli sa preparations and sa actual! lapit na rin pala.. eh kung d2 kaya sa Manila gawin para mapanood namin? hehehe!

mike1314
05.03.16, 01:13 PM
Thanks kuya nik! Hindi pa kami ready kumanta dyan sa Manila, hehehe. ;D But, we'll try in the future. :)

jeffoy
05.03.18, 06:09 PM
Hi Mike ganda nga repetoire nyo a? yup tama c niknok hatiin nyo sa ilang parts para may levels..

1. Liturgical and religious songs
2. Intenational songs o standard songs (kung meron)
3. love songs
4. folk songs and OPM

kung merong madrigal songs (o yung mga songs na usually polyphonic and imitative style from 16th-17th cent), pwedeng ilagay after liturgical songs.

mas maganda para di boring wag nyo pagsusunurin ang mga songs na nakakaantok, ilagay mo sa mga pagitan ng magagandang songs. tapos yung finale ng bawat parts ay bongga ang dating... lalo na ang grand finale.. isip na rin kayo kung ano ang kakantahin nyo sa en core, kahit walang sumigaw ng MORE! MORE! kantahin nyo pa rin :)

good luck!!

mike1314
05.03.19, 02:22 PM
Thanks kuya jeffoy! Yup, just like what we did in our last concert. May variations din para di antukin mga manonood. Thanks for the suggestions! :D