PDA

View Full Version : Panuluyan


jeffoy
04.11.12, 03:54 PM
Tuwing Christmas Eve at bago ang Christmas Eve mass karaniwang ginagwa ang Traditional Panuluyan. sa Inyong Parish papano to ginagawa? Inaawit nyo ba ang buong panuluyan? Sa ming parish kse, ginagamit namin ang Panuluyan sa book ni Fr. Hontiveros na Magsiawit sa Panginoon..

Meron ba kayong mga suggestions o pwedeng idagdag dito para mapaganda pa ang panuluyan?

herald
04.11.12, 04:21 PM
sa amin naalala ko...sa madaling araw ginagawa at sa labas kakatok sa bahay bahay din , re-enactment talaga and we use the songs ni Fr. Hontiveros... pero ngayon di na ginagawa...

Alexander
04.11.14, 08:06 AM
Kami noon, isang beses lang ginawa ang PANULUYAN...di pa kami aware sa songs ni Fr Honti noon kaya talagang dula ang ginawa namin, tapos ang pinaka BELEN noon ay sa KAPILYA where we all celebrate the MASS after the PANULUYAN.... :D

SaTrIaNi
04.11.15, 04:14 PM
sa amin po sa parish namin ginagawa po siya tuwing 24th ng december isinasama po siya sa mass, yung kay Fr. Honti Songbook din po ang ginagamit namin talagang classic na po itong songbook na ito, ang akala ko nga po ay c father manoling francisco ang composer sa panunuluyan songs, ka-surname lang po pala niya :D

chan arizala
04.11.17, 02:06 PM
kmi ginagawa namin noon dula lang, ngayon gagawin naming musical. mga 1 hour bago mass namin gagawin. sisimulan namin kay isaias ung kakantahin nya ung emmanuel, annunciation kakantahin n gabriel part ng aba ginoong...heswita, pagdalaw k sabel, aba gnoong maria ibang tono, ang puso ko'y nagppuri ni maria, panunuluyan proper, "gumising" -anghel, isang sanggol- pastol, den nativityw/ background music ng pasko na! basically ganun ung sa amin. teatro para kay kristo grupo namin pero kumakanta kami. sa chapel lng namin gagawin kc bc masyado parokya namin- St. peter parish, comm. ave.

jeffoy
04.11.17, 03:22 PM
Welcome sa board Chan! glad 2 hear that :)

Wow i think maganda ang musical play nyo. Sa min kse start from 2 angels narrating about the panuluyan then sing o come let us adore him, tpos Ang Pagdalaw ni Maria kay Sabel (singing Pagdalaw), Panuluyan proper, little angel bring baby jesus to the manger, Pagdating ng 3 wise men tapos ang katapusan offering ng mga bata..
It is also musical :)

Keep posting ha..

bhoyet
04.11.17, 03:46 PM
sa parish din namin ginawa na yung panuluyan unfortunately di ko matandaan yung line up ng song actually para syang play basta ang natatandaan ko lang ako si joseph at yung mary yung girlfriend na asawa ko na ngayon. parang katulad rin ng kila chan..

welcome nga pala chan.. ;D

NikNoK
04.11.18, 10:53 PM
WELCOME CHAN!

Teatro para kay Kristo? ok yun ha! sounds interesting... and kumakanta rin kayo? galing naman...

herald
04.11.19, 11:54 AM
welcome chan!!!!... ok yan ah..

chan arizala
04.11.19, 12:11 PM
salamat po sa pagwelcome nyo, invite ko kyo kung skali alm ko maganda play namin, baka kc mapahiya kmi. hehehe. sna available kyo. tnx uli

chitto
04.11.19, 12:14 PM
Hi Chan! ok ka b chan? :)

chan arizala
04.11.19, 04:11 PM
ok lang....
may problem din ako sa panunuluyan. kc d po maganda sound system namin s chapel (mike & ampli). gus2 nga po namin namagkroon ng boom mike meron po b kyong alam na mbbilhan na mura lang? o kaya pwede kaya kming makahiram kung meron kyo? isa kcng option namin ay idubbed ang play (kaya lang baka maging parang chinese movies n translated s english n d nagsasabay ang buka ng bibig).
o kaya kung meron po kayong mga suggestions....

jeffoy
04.11.20, 12:27 AM
i think mahal pa rin ang boom mic ngayon e. nung magtanong ako nasa 5-6thou ang pinkamurang boom mic ngayon, mahinang klase pa yun :) ok ding i-dubbed ang buong panuluyan yun nga lang wala na ang dating nya na live talaga at saka parang kulang ang pinapanuod ng mga tao. mas ok pa na ang background music na lang ang recorded para walang aberya sa pagkakasunod-sunod ng tugtog at mabawasan ang mga tech problems ng sound system :)

bryce
07.10.24, 11:24 AM
hi! musta po? ask ko lang po meron po bang available na tape ng panunuluyan ni Fr. Honti? yung nasa "magsiawit sa panginoon " na song book? tnx po..

Alexander
07.10.29, 05:14 AM
Matagal na yun ah.... baka sa JMM meron, kaya lang since its not in circulation anymore, baka pwede ka mag request ng kopya.

itanyag
07.11.05, 05:51 PM
sa amin ginaganap ito mga bandang hapon ng 24th ng Dec. parang re-enactment, pipili ng bahay na tatapatan, dun aawit sina Maria at Jose, at sasagot ang maybahay, saka matatapos sya sa simbahan kung san nman gaganapin ang Misa. Matagal na ito ginagawa sa amin, hanggang ngayon, parang naging tradition na ng choir namin, at sinusuportahan nman ng mga nagiging pari namin.

my_heidi82
08.10.19, 05:29 PM
hello po. ggwa mo kase kmi ng musical panuluyan this yr sa parish namin...may copy na po ako ng piano piece ng songs sa panuluyan, kya lng gs2 ko po sana kng may ibang sources pa po pra macompare ko ung reference ko. i got the copy from UST music library 5 yrs ago and ndi ko na po nkuha ung composers. hehe. thank you po!

vengie_vidal
08.10.19, 09:48 PM
Hi Heidi... tlgang meron kang piano piece ng songs s panuluyan... sana ma ishare mo rin sa akin hehehehhe... para magamit namin sa parish din namin...

salamat and God bless!!!!

my_heidi82
08.10.19, 10:17 PM
okie lng po.:)
kaya lang wla po akong soft copy.okie lng din mail ko po sa inyo. photocopy lng un e.
:-)
wala na po kyo alam na ibang source?
thank you. :-)

jeffoy
08.10.20, 12:39 AM
hello heidi tagal na din akong hanap ng ibang version ng panuluyan, ang ginagamit kse namin ay yung version na gawa ni Fr. Honti sa book na Magsiawit sa Panginoon.

my_heidi82
08.10.20, 07:38 AM
available pa po ba un sa mga bookstore?
salamat po!

nasserpellas
08.10.20, 02:30 PM
meron akong copy ng panuluyan here

coroangelicus15
08.10.21, 12:47 AM
May tanong lang po ako...

Ang Panunuluyan po ba ay ginaganap sa entablado parang senakulo o pwede po siyang gawin na parang live station of the cross kung saan inaawitan naman dito ang bawat bahay na madadaanan ng mga nanunuluyan?

Pwede niyo po ba akong bigyan ng ideya tungkol dito?

coroangelicus15

my_heidi82
08.10.21, 02:03 AM
pwde po makahiram? thank you po. :-)

my_heidi82
08.10.21, 02:06 AM
hello heidi tagal na din akong hanap ng ibang version ng panuluyan, ang ginagamit kse namin ay yung version na gawa ni Fr. Honti sa book na Magsiawit sa Panginoon.

ok po. salamat! :)

titopao
08.10.21, 08:04 AM
It's your call :) Usually, kung ano yung nakagawian n'yo sa inyong lugar ang typical na susundin ninyo.

Sa aming parokya, depende sa namamahala ng Panuluyan kung ano ang kursunada nilang gawin :P

sjclc
08.10.21, 08:44 AM
kung habol niyo na mas makulay at realistic ang panunuluyan, mas ok yung live. Though sa 'min sa may altar lang ng simbahan ginagawa bago ang Christmas eve mass. Ang script? Yung nasa tape ni Fr. Hontiveros.

holychef
08.10.21, 10:52 PM
Sa amin sa Baliwag, ginagawa ito during the mass. Instead of just reading the gospel, iniincorporate na yung panunuluyan dun. Ang alam ko, may nakahanda na sa misal na galing sa diocese about this. Kung baga, naka-arrange na; nakalagay kung kailan maglalakad si Mary and Joseph sa altar, tapos gospel verse, tapos may action na naka-indicate ulit, etc...Matagal nang hindi ito ginagawa sa Parish namin. Sa vicariate ginagawa pa ata to (San Agustin Church) kasi may sariling Teatro yung Church. Pati dun pa sa isang parish kaso sobrang haba. Ang ginawa kasi nila the regular panunuluyan play, ang kaso nga incorporated sa mass, so sobrang nagtagal yung mass.

chad9380
08.10.30, 07:58 AM
Wow, sana magkaroon din kami nyan sa parish namin.

Naalala ko pa nung bata pa ako, play lang ng panuluyan sa loob ng simbahan before the midnight mass, tapos 'yung pananapatan sa bahay gamit ung musika ni hontiveros. Pero ngayon wala na.

Gumawa kami dati ng modernong panuluyan, pero di na pinagpatuloy, kasi wala na makaganap na kabataan sa amin.

Pangarap ko na buhayin ang panuluyan sa parish namin

:)

ivangelima
12.11.14, 08:36 PM
meron akong copy ng panuluyan here

Good day po! im from Saint Joseph The Worker Parish of Makati and our Parish Priest Msgr. Espenilla requested for a Tagalog Panunuluyan and this will be our first time to do it, it will be of great help to our parish if you can lend us your valuable script, God bless you and your family.


Personal email and contact number removed. Please send PM to ivangelima if you wish to communicate - Alexander

pewee1993
12.12.04, 05:47 PM
hi everyone,

pwede po bang makahingi ng lyrics/ pyesa ng panunuluya? balak po kasi namin gawin ito sa parish namen
PLEASE GUYS, parang awa nyo na po

Maraming Salamat po! :)
Godbless :D

knightdom
13.07.08, 05:16 PM
meron akong copy ng panuluyan here

may script po ba ikaw na copy brod? penge naman ako ^_^