PDA

View Full Version : BP, ano ang pina-practice niyo ngayon?


J O J I T
09.06.19, 10:37 PM
Hi mga BP! Maitanong lang po sana namin kung ano ang song na inaaral nyo ngayon saka gaano kadalas niyo balikan ang mga old song nyo para i-practice.

Salamat po

jhung
09.06.19, 11:32 PM
Sa ngayon is No greater love at saka I Love you lord yan ang bago naming naipractice..taz yong mga old songs is only two sunday mass lang namin kakantahin o kaya depende rin kung ang mga nagsisimba is di pa nila kabisado yong kanta or related pa rin sa mga gospel..yon lang..:)

J O J I T
09.06.20, 05:58 AM
Thanks Jhun. Wait na din natin sagot ng Bukas Palad. :)

Alexander
09.06.21, 01:57 PM
Tama jhung... kasi the question is for the BukasPalad members, yung para sa BP online community, meron din specific thread (http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?t=854&highlight=para+saan)

titopao
09.06.22, 07:47 AM
Kung di ako nagkakamali, malamang na ang next na pa-rractice-in ng BP ay ang mga songs para sa kanilang next album. Katatapos lang ng planning session for the next album (http://twitter.com/BukasPalad/status/2223644342), so the songs will be prepared and, of course, rehearsals for the recording may start soon (though wala pang nilalagay na specific update ang BP about this :P )

mykhel_DCV
09.06.23, 11:02 AM
Ano po ang latest album nyo ngayon? :)
I want you to know na andito po ako sa malaysia ngayon, somwhere in Sarawak.. We have mission here with the native people called Eban.. and I'm planning to teach them our filipino mass songs specially the jesuits music, bukaspalad, etc. Please pray for us... :)

Bok
09.06.24, 12:23 AM
tama si tito pao. we just had our evaluation and planning sessions. ang fiscal year kasi ng bukas palad ay tulad ng sa eskuwela na nagsisimula ng hunyo. bahagi ng pinaplano ay ang nasabing bagong album na ilalabas by the end of the year na puro chants ang laman. nagsisimula na ring maghanda ang bp sa 25th anniversary nito sa 2011.

tungkol sa pag-eensayo ng mga kanta, depende sa kanta at sa pinaghahandaang okasyon ang itinatagal ng pag-aaral at pag-eensayo sa mga ito. usually, pagmay concert ang bukas palad, mga 4 to 6 weeks din ang paghahanda ng grupo, kasama na riyan ang paglapat ng kilos at sayaw.

dahil na rin sa maraming mga bagong miyembro ang bp sa kasalukuyan, mas kinakailangan ang mas mahabang panahon para sa pag-aaral sa piyesa. kailangan talaga mag-ensayo para mas maging buo ang tunog at mag-blend ang mga boses ng mga miyembro ng koro. ika nga nila, practice makes perfect! :)

pagmay mga updates pa tungkol sa mga susunod na proyekto ng bukas palad, babalitaan ko kayo kaagad! salamat! :)

NikNoK
09.06.25, 12:35 AM
Bok, thank you sa mga updates ha.. We really appreciate it.

Good luck sa inyong mga practices and upcoming performances.. and God bless.


Umh.. parang medyo corny itong sasabihin ko pero i cant help eh... WE LOVE YOU BP... MWAHH...

P.S. nagloloko yung keyboard ko eh... hindi gumagana yung exclamation point ko.. heheh.

Bok
09.06.28, 12:52 AM
maraming maraming salamat sa walang sawa ninyong suporta sa bukas palad. hanggang ngayong, manghang-mangha pa rin kami, sa bukas palad, sa pagkilos ng biyaya ng Panginoon upang pagbuklurin tayong lahat dito sa ating on-line community. patuloy tayong lahat sa pag-awit para sa Panginoon! :)

J O J I T
09.08.19, 06:50 PM
Kailan naman kayo magpa-practice para sa Australian Tour niyo? Alex, ready ka na ba?? :D

Alexander
09.08.20, 08:10 AM
We'll cross the bridge when we get there :P
Palakihin pa natin ang network...

vinageronimo
10.02.13, 12:20 AM
Hello!

Kung interesado po kayong malaman kung anong pina-practice namin ngayon... heto po. :)

(Katatapos lang ng isang fundraising concert sa Novaliches noong February 6, kaya't tapos na rin ang pag-eensayo namin para rito.) Ngayong papalapit na ang Kuwaresma, inihahanda na namin ang aming Lenten repertoire. Ang mga nakalinyang kanta ay para sa mga misang aming kakantahan, lalong lalo na para sa BP Online Community RECOLLECTION!

Kaya't sana, maraming makadalo sa inyo sa recollection! Kita kita tayo dun ha!

J O J I T
10.02.13, 09:42 PM
Thanks Ate V. :) Sana nandyan kami ni Alex para maka-attend ng recollection. :(

angel
10.02.13, 10:57 PM
sana nga andito kayo ni Kuya Alex and Weng! :)

At tama si Vina. :) Lenten repertoire na talaga...

marysuzane
12.01.05, 05:12 PM
pls nmn email nyo nmn po ako mga animation songs gagamitin ko po for BEC congress this jan.08,2012:(

marlo_27
12.01.05, 06:10 PM
Hello po Brod, sa malaysia ka pala, akala ko sa Cebu ka pa. Brod do you have there scan pdf about a simple song of The Lords Prayer o yung traditional na kinakanta/ C: