PDA

View Full Version : Willie Revillame on Cory's Funeral


czyre
09.08.08, 10:52 AM
Ano naman say niyo sa sinabi ni Willie Revillame sa show niyang Wowowee? Maybe this should be another topic... But anyway, sa mga hindi pa nakakaalam watch this

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/bxhnMQZEAgs&hl=en&fs=1&"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/bxhnMQZEAgs&hl=en&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

bajo
09.08.08, 11:17 AM
sobrang dami na ng nagreact dito. dami na online na petition / signatures against willie.

ang sa akin lang, may point naman si willie, medyo hindi nga lang maganda yung banat nya. at isa pa sa pagkakamali nya, nagpakita sya ng galit / inis, sana kung hindi na lang.

Kung ako naman sa ABS, tutal may utang na loob naman sila sa mga Aquino at todo suporta nila, hindi na lang sana sila nag air ng wowowee at mag full coverage na lang sila doon kay tita cory.

jeval
09.08.08, 04:17 PM
i understand willie, awkward nga naman... His show is for entertainment tapos naglalabas ng live feed about sa cortege (tama ba? hehehe) siguro ang pagkaka mali lang niya is the delivery of what he said or the way or how he said it... Medyo mamimis understood ng iba yun lalo na that time medyo mataas ang emotions ng mga tao...

if i am not mistaken nag apology naman ata na siya... Pwede na cguro yun so we can all move forward...

herald
09.08.08, 09:54 PM
may point si willie, mali nga lang ang approach nya, parang bosing ang dating eh, live tv yon, maraming nakakapanood, eh itong mga audience naman palakpakan. Maganda man ang intensyon kung mali naman ang banat as bajo said, wala din

Ang willie, nag apologized tapos ang sabi nya kung may mali syang ginawa mag-re-resign sya (palagi na lang). E di dapat nagresign na sya dahil mali nga yung reaksyon nya...(though tama yung katwiran nya :P)

BTW, before 2010 ends may bago na tayong P500 peso bill (kasama na si Pres. Cory), panalo!!!

allen lucas
09.08.09, 12:34 AM
Para sa akin tama yung point ni willie ang hanga ako sa sinabi niya, medyo makitid lang ang isip nung iba at d inintindi yung point ni willie.

msselda
09.08.09, 07:39 AM
mahirap yong naging katayuan ni willie. naipit siya sa trabaho niya at sa issue ng oras na yon.. nakita ko ang respeto nya kay president cory..

sa paglisan ni tita cory muling nanariwa ang halaga ng kalayaan. kapayapaan, mabuting pamamalakad sa pamahalaan at pananampalataya sa Dios..

Sa pananariwang ito sana ay magkaroon ng pagbabago sa ating bansang minamahal.

Tito Cory naging instrumento ka ng kapayapaan at kalayaan sa ating bansa..

Nawa'y gantimpalaan ka ng Dios ng kapayapaan at kalayaang walang hanggan!

manoiskee
09.08.09, 11:05 AM
masyado kasing nagpaka-gahaman ang ABS-CBN, lamang na lamang na nga sila kung tutuusin kasi mas pabor sa kanila yung coverage ng memorial ni Cory pero ipinilit pa rin nilang ipalabas ang Wowowee, palibhasa masyadong nanghinayang sa "donasyon" ng TFC subrscribers, ganid amf.

tama ang point ni willie, kasayahan na nga isiniksik pa rin yung funeral procession. dapat di na lang nila ipinalabas ang Wowowee at tumutok na lang kay Cory o kaya eh Wowowee na lang tapos walang nakasiksik na inset video nung cortege.

ang problema lang talaga kaya nadidiin si willie eh dapat nagpaka-pro sya, dapat off-cam nya talaga sinabi na alisin yung video ng procession para di lumabas na parang nag-flex lang sya ng muscle.

edit: dagdag ko lang, di ako kapamilya/kapuso, pareho lang na gahaman ang mga kumpanyang yan, this time mas nagpaka-ganid lang ang ABS-CBN.

familia singles
09.08.10, 06:25 AM
Tita Cory should be afforded every respect in every manner because she is the mother of our democracy... Sana matapos na itong gulo with Willie kasi ayaw din ni Tita Cory ng ganyan...

titopao
09.08.10, 08:58 AM
Well...Ricky Lo texted Kris Aquino (http://beta2.philstar.com/Article.aspx?articleId=494099&publicationSubCategoryId=70) and asked her about her take on the issue::

I texted Kris Aquino yesterday for her reaction and she texted back, “I spoke at length with Willie last night.”

Asked what they talked about, Kris replied, “Tito Ricky, may I just keep my conversation with Willie private? We are friends; he has always gone out of his way to be good to my kids, Josh especially. Nag-sorry siya to all of us. For me, end of story na.”

So, there you go. As far as the Aquinos are concerned, tapos na ang usapan :P

eduserusan
09.08.10, 10:55 AM
I think Willie made his point already, kahit na medyo hindi maganda yung naging way niya of delivery.

Personally for me, nung humingi na ng dispensa si Willie, I think that's enough already.

Sana lang, wag na sila masyadong mag-fuss sa mga controversies involving anything about Tita Cory. Let's give the Aquino family some peace naman.

"Bakit tayong mga tao di natin gayahin ang mga bata na pag nag-away, maya2x lang ay bati na?"

Di ba?:(

Alexander
09.08.10, 11:12 AM
"Bakit tayong mga tao di natin gayahin ang mga bata na pag nag-away, maya2x lang ay bati na?"

Di ba?:(

I like this.... ginawa bang Facebook LOL

ryanestandarte
09.08.10, 01:48 PM
Share ko lang ito sa inyo. Kayo na ang bahala kung tama o mali. Galing ito sa US.

<object width="384" height="313"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/uNEa2YeVgHg&hl=en&fs=1"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/uNEa2YeVgHg&hl=en&fs=1" type="application/x-shockwave-flash" width="384" height="313" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true"></embed></object>

Alexander
09.08.10, 03:05 PM
I don't think the message is good to be published here.

ka Paul
09.08.10, 03:16 PM
awts, sana ginawang private talk na lang willie with the management... nangayari na... all i can do is to pray for both of them...

nlim
09.08.10, 07:06 PM
I a sense, we are a free country and we have the right to voice our own opinion sabi nga nila. May katwiran is Revillame para nga naman syan Hypocrtite na nagpapasaya ka ng tao through entertainment tapus may naka flash na nililibing or tungkol sa patay. Parang nga namang nililito mo ang manonood. Tapusin na natin ito at yung mga taon involve tinapos na nila para na lang tayong nakikisawsaw sa pangyayaring tapus na. Wala tayong karapatang humsga at wala tayo sa katayuan nila noong nangyari at nagkasundo naman ang magkabilang panig.:)

eduserusan
09.08.10, 10:44 PM
@nlim: True.

prinze
09.08.10, 11:28 PM
Yeah, right. Tama si Willie. Mali lang yung approach niya. Nag apologize na siya about it, tinanggap naman ng pamilya Aquino.

So Next time, Willie, be careful ha. ;) hahahaha.

allen lucas
09.08.11, 01:04 AM
pero bakit naka "Indefinite Leave" siya ngayon ayon sa balita.

titopao
09.08.11, 11:07 AM
@nlim: Agree, couldn't have said it better :yes:

Nagsalita si Kris sa SNN last night and, once and for all, sinabi n'ya na nakausap naman na ni Willie hindi lang si Kris kundi maging sina Pinky at Ballsy. They accepted the apology naman na. And, again, Kris said that as far as they are concerned, it's the end of the story. (Though in-acknowledge ni Ballsy na ang mali lang siguro ni Willie is yung pamamaraan ng pagsabi n'ya. But they weren't offended daw sa pagpapatanggal ni Willie ng live coverage ng funeral procession.)

Interesting thing is hindi lang yung mga kapatid ni Kris ang tumanggap ng "sorry" ni Willie. Maski yung panganay na apo ni Tita Cory ay nagsalita na rin (http://twitter.com/jiggycruz/status/3225538822), via Twitter. Same sentiment, their family's OK with Willie's apology :)

Ewan ko lang kung ano ang balak ni MTRCB Chairman Consoliza Laguardia. Baka naman pumapapel lang para tumakbo sa halalan :P

yenzephyr
09.08.11, 11:35 AM
to start with, i am a certified kapuso (har har). but still i understand willie's reason. and gaya ng sinabi nila dito sa thread na ito, ang naging problema lang was his manner of saying it.

imagine, noontime show tapos may live feed na cortege? it's one way or the other. can't do both.

Personally for me, nung humingi na ng dispensa si Willie, I think that's enough already.

i agree. plus the apology was accepted naman.

I a sense, we are a free country and we have the right to voice our own opinion sabi nga nila. May katwiran is Revillame para nga naman syan Hypocrtite na nagpapasaya ka ng tao through entertainment tapus may naka flash na nililibing or tungkol sa patay. Parang nga namang nililito mo ang manonood. Tapusin na natin ito at yung mga taon involve tinapos na nila para na lang tayong nakikisawsaw sa pangyayaring tapus na. Wala tayong karapatang humsga at wala tayo sa katayuan nila noong nangyari at nagkasundo naman ang magkabilang panig.:)

para tayong si sisa pag ganon.

pero bakit naka "Indefinite Leave" siya ngayon ayon sa balita.

heard thru the grapevine, kasi daw pag hindi pinag leave si willie, it will just prove na "malakas" si willie sa management. yung tipong "untouchable" ang dating. tsuk.

@nlim: Agree, couldn't have said it better :yes:

Nagsalita si Kris sa SNN last night and, once and for all, sinabi n'ya na nakausap naman na ni Willie hindi lang si Kris kundi maging sina Pinky at Ballsy. They accepted the apology naman na. And, again, Kris said that as far as they are concerned, it's the end of the story. (Though in-acknowledge ni Ballsy na ang mali lang siguro ni Willie is yung pamamaraan ng pagsabi n'ya. But they weren't offended daw sa pagpapatanggal ni Willie ng live coverage ng funeral procession.)

Interesting thing is hindi lang yung mga kapatid ni Kris ang tumanggap ng "sorry" ni Willie. Maski yung panganay na apo ni Tita Cory ay nagsalita na rin (http://twitter.com/jiggycruz/status/3225538822), via Twitter. Same sentiment, their family's OK with Willie's apology :)

Ewan ko lang kung ano ang balak ni MTRCB Chairman Consoliza Laguardia. Baka naman pumapapel lang para tumakbo sa halalan :P

i smell something fishy nyahaha

bajo
09.08.11, 12:10 PM
Syempre hindi makukumpleto kung walang patutsada si lolo Joey sa EB. at yesterday daw sa column nya sa Phil Star, gumawa sya ng tula:

source: pep.ph
http://www.pep.ph/news/22780/Joey-de-Leon-writes-satiric-ballad-against-Willie-Revillame


The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturally

Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
Ako'y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa 'kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko'y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa 'yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika'y parang nabastos sa isang TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa'y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
"Sandali, meron akong ano... sa'ting ano...
Hindi naman sa ano," nagkaanu-ano!
Ayon sa Internet, meron pa s'yang nasambit,
"Sana pakitanggal muna 'yan sa'ting traffic..."
At 'di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
"I don't think na dapat n'yong ipakita iyan..."
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa'y pag-ingatan.

At 'di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n'ya ay tama raw,
Mga nakarinig 'di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la'y napa-wow!

"... Pero ako, totoo 'ko eh ... ", sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya't wala na rin mga paliwanag mo.

"Kung ganyan, pakita na lang 'yan!", ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-"lang - lang" lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n'ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s'ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
"On camera" baga sa TV ang tawag d'yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.

titopao
09.08.11, 12:19 PM
Hehehe...what can we expect anyway? :P

Palibhasa, may pagka-utak kriminal. Pasalamat si Joey at pumayag si Pepsi Paloma na makipag-ayos sa kanya. Kung hindi, baka mas malala pa sa mga nangyari noon kay Willie yung inabot ni Joey :P

Coolwaters
09.08.11, 01:08 PM
Hmmm.... Willie has a point but I'm sharing the same sentiments by Joey, especially on the last paragraph of his poem...

my two cents...

ernanibaetiong
09.08.11, 03:52 PM
The family has forgiven Willie.

Ironically the least of issues here is the burial of the former president,

I think focus should be given to how Willie treats the people he works with, even the people he works for. Palaging may nangyayaring ganito na during the show biglang pagagalitan si ganito si ganyan on air, and I'd have to agree with a comment I saw online na however rich Willie gets, he would never be able to buy decency and good breeding for himself.

Also, since Mrs. Aquino entered politics she has become public property so the forgiveness given by the family at "face value" according to Noynoy is only half of the story. Willie needs to gain the forgiveness of the public as well, and to many forgiving Willie would be one bitter pill for so many reasons.

titopao
09.08.12, 10:07 AM
@ernani: Actually, what Kris did say on SNN is that their family accepted Willie's apology, but "wala na sa kamay namin kung ano mangyari in the future." So in a way, they leave it to the authorities and, may I surmise, to the public as well what happens afterwards. I take it that they won't mind if Willie got punished, just that they're not asking the KBP or the MTRCB any specific punishment, the Aquinos leave that to their (KBP/MTRCB) hands.

(Kumbaga, pinatawad mo yung tao dahil ginulpi ka n'ya, pero hindi ibig sabihin non ay pakikiusapan mo na rin yung judge na huwag nang ituloy yung sentensya sa tao. Kailangan din kasi n'yang pagdaanan at pagbayaran yung ginawa n'ya. What forgiveness does is to ease one pain away from the offender's heart, it will make him understand why he has to be punished.)

So in a way, forgiveness is given, but justice should still be served :P

herald
09.08.12, 10:08 AM
indefinite leave ngayon si Wiie, sinuatan na ng KBP ang ABS-CBN, what's next?

O.T. @ titopao: anong koneksyon ni pepsi paloma kay joey ???

Alexander
09.08.12, 10:21 AM
@herald.... masyado masalimuot ang istorya ng mga softdrink beauties at di bagay pag-usapan sa boards :P

Research ka na lang about the incident involving JDL and PP pati si Sen.

titopao
09.08.12, 10:29 AM
@herald: Isinakdal sina Joey de Leon, Vic Sotto at Richie D'Horsie ng panggagahasa kay Pepsi Paloma. The impression that time is that the odds were stacked against the three. What happened is that nakipag-areglo ang abugado ni Joey de Leon kay Pepsi Paloma---without her lawyer's knowledge---huwag lang matuloy ang paghahabla, which would surely have ended Joey's career. (PS. Not long after the settlement, Pepsi Paloma committed suicide.)

Joey de Leon passes himself off as being on a higher moral ground than Willie Revillame. And not just on this issue, but on various issues as well. Lahat na lang ng gawin ni Willie, nakikisawsaw si Joey as if mas marami pa s'yang alam sa lahat ng mga tao. As if nakalimutan n'yang siya mismo dumaan sa punto sa buhay n'ya na gusto ng mga tao na mabulok na rin s'ya sa bilangguan o kaya'y mabitay. Kung tutuusin, ano lang ba itong ginawa ni Willie? Kung may makaisip man na maghabla sa kanya, the most Willie will get is, I think, unjust vexation, give it one or two years and Willie will be out of jail (shorter, if he gets a pardon), makakabangon pa s'ya after. (But then again, I don't think Willie committed a crime either, gawa-gawa lang ni Laguardia yung sinasabi n'yang kulong; abugado ba s'ya para makapagbigay ng tamang pagbasa ng batas ng MTRCB?) E si Joey de Leon, saan s'ya pupulutin kung natuloy yung pagkakulong n'ya? (Kung tutuusin, nagtanda ba si Joey matapos ang lahat ng nangyari sa kanya? Look at how they treat their contestants and even some of their co-hosts as well. And also, the lyrics of some of his songs.)

Point is, hinay-hinay lang si Joey sa pagbabatikos kay Willie. He will not gain credibility by acting like a kanto boy with a bottle of gin on one hand.

herald
09.08.12, 11:24 AM
bata pa ko siguro ko nun, kaya hindi ko alam, o dahil wala pa kaming tv not until 1988.. he he he (i-research ko nga, LOL)

anyway, kontrapelo talaga yang dalawa (Joey and Willie) na yan eh. nag- babantayan ng mali.

I think medyo foul din sinabi ni Joey de leon sa Eat Bulaga ("yung kung sya kaya iparada". parang ganon)... mahaba habang usapan na naman ito, involve na NPC. KBP and MTRCB

silveryellow
09.08.12, 11:44 AM
I remember, in one of his issues, he said to EB people, something like 'kayo ang mga idol ko.' Kaya din siguro eventually naging bastos na sya.LOL Dahil hindi naman sya ganyan dati, noong naguumpisa pa lang sya.

Para sa mga nagsasabing nakakabastos sya kahit ng mga katrabaho nya, eh bakit wala namang known na nagrereklamo or umaalis, except yong sa beauty queen co-host. Ibig sabihin, para sa kanila, hindi yon pambabastos. Kung ang isang manonood ay unang beses o bihirang bihira lang manood sa kanila, masasabi nga nilang pambabastos o ano pa man yon, dahil hindi sila sanay, maaaring hindi yon tama para sa kanila, pero kung yon ang norm ng show, wala na silang magagawa doon. Kung pambabastos yon, ano pa kaya ang itatawag sa mga host ng comedy bars, na ang ilan ay pag-aari din ng mismong host ng ibang shows???

ernanibaetiong
09.08.12, 12:49 PM
That may be because you don't bite the hand that feeds you, reflection ito dun sa post ni titopao sa funniest thread, in most cases pag nagreklamo ka tanggal ka sa trabaho. Lalo na if that someone is known to bring in the cold cash to the company, kahit nga management pinagsabihan nyang wag syang pagalitan eh di ba.

The silence of these people also doesn't mean that no harm was done, just something that is not talked about.

Naalala ko about 7 years ago, SM North was bombed. Hindi yun pinagusapan kahit sa networks pero ibig sabihin ba nun eh walang naganap na pambobomba? Meron, I know because I had to extract people close to me from that place.

Nakikinabang lang kasi sila sa higher-ups kaya siguro dedma na lang, kapit sa patalim. Pero if someone like me were put in that place, I assure you hinding hindi magkakaroon ng "next time."

_gitaraboy_
09.08.12, 03:33 PM
Tama naman yung sinabi ni Willie pero sana sinabi nya to off cam
or sabi nga ni Joey pag ng commercial

Willie always wanted to be a "hero" kahit minsan may natatapakan na siya.

Joey always wanted to be "idol" sisiraan ang iba makaaangat lang.

gumawa rin ako ng tula dito ko lang to pinost sa bp



pagyao ni tita cory sana'y irespeto
at wag ng gawan ng iba pang issue
pangulo'y hangad lamang ay kapayapaan
heto sila ngayo't di magkasunduan

tingin ko'y dahil ito sa kagahaman
ng istasyong si willie ay nabibilang
nanghihinayang sa kita sa tanghali
kaya pinagsabay wowowee at paglipat ng labi

kakalungkot mang isipin,
pero may mga taong sa makamundong bagay ay sakim
popularity,pera,kapangyarihan saan kayo dadalhin?
ba't di tularan ang humility ni cory?yun na lang ang isipin


ayos ba?:P

still
09.08.24, 10:36 PM
Ah, ganun pla yun mer0n plang case sina JDL...
D k0 alam yun ah...
Respect begets respect...

knightdom
09.08.25, 03:03 AM
hay life nga naman. :)

familia singles
09.08.28, 03:21 PM
korek kapatid! tama naman yung motibo pero mali lang timing... jan kailangan natin ng training at hindi lang popularidad... GMRC ba? hehehe...

bluemurdock
09.08.30, 01:53 AM
I dont know if napapansin ninyo.. pero before, noong naguumpisa ang wowowie.. medyo ok naman si willie, pero after sumikat ang wowowie eh medyo naging ugali niya na pagalitan or pagsabihan ang staff niya on-air na para bang entitled siyang gawin iyon dahil siya ang nagdadala sa wowowie. its just sad, para bang he cant wait na mag-off cam muna bago niya bagsabihan. pero kapag siya ang nagkakamali, nagpapalusot siya at dinadaan sa tawa.. at some point medyo may "kurot" kay willie siguro ang sinabi ni Chair laguardia.. "kapag nasa tugatog na .. medyo.. alam mo na".. aminin man at hindi ni willie, lumaki ang ulo niya.. my parents have been watching wowowie since its first day of airing, and napansin nga nila ang difference.. He has a good point naman, pinapaalis niya yung live coverege kasi parang nababastos ang funeral ni dating pangulong cory, eh samanatalang sumasayaw sina luningning, kaso naman.. kasi naman itong si willie eh.. parang boss kung makipagusap at magutos.. on-air pa! aheheh.. ayan tuloy.. nakarma tuloy.. aheheh

floydie15
09.09.03, 06:27 PM
Hindi makatarungan ang ginawa ni willie na pinatanggal niya ang video inset ng coverage kay dating presidenteng aquino.....