PDA

View Full Version : You Know Your A Kid of the 80's When...


Pages : 1 [2]

titopao
09.07.22, 11:36 AM
@silveryellow: That's what most people think the title is. The real title of that song is, well, "Nothing's Gonna Stop Me Now" ;)

silveryellow
09.07.22, 11:43 AM
Or maybe I'm referring to a different song :P

I would have said Ally McBeal, but 90s na ata yon. Nasa RPN pala magagandang shows noon.

titopao
09.07.22, 11:55 AM
Nasa RPN pala magagandang shows noon.

Oo nga, Harry Gasser was also at his prime then :P

One TV show I also kept watching at RPN 9 was Rescue 911, which premiered in 1989. Walang sinabi kay William Shatner si Arnold Clavio sa "Emergency" (now defunct) ;)

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/9/91/Rescue_911.jpg/250px-Rescue_911.jpg

Kasabayan ding nag-premiere ng Baywatch at ng Rescue 911 noong 1989 ay ang Doogie Howser, MD, the boy genius who became a doctor. That's Neil Patrick Harris in the middle, by the way ;)

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/7/7b/Doogie_Howser_Cast_Photo.gif

Hmm...bakit yata maraming magagandang palabas na na-premiere noong 1989? ;) Here are samplers:

* America's Funniest Home Videos
* American Gladiators
* Chip 'n Dale Rescue Rangers
* Dragon Ball Z
* GI Joe
* Quantum Leap
* MTV Unplugged
* Seinfeld
* The Simpsons
* Super Mario TV shows

ryanestandarte
09.07.22, 11:59 AM
Ui, speaking of Baywatch, may gusto akong girl doon. Si Yasmin Bleeth.

Ito siya during Baywatch: :wow:
http://a.getbackimages.com/uri/w514_h676_cfalse_K0221020534/yasmine-bleeth-in-baywatch-/image/4/0/5/6/4056036.jpg

Kaya lang e noong nakita ko siya e hindi na siya ganun ka-hot. Like, sabog na siya.

Ito na siya ngayon: :terrified:
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/d/d7/Yasmine_Bleeth_mugshot.jpg

ryanestandarte
09.07.22, 12:13 PM
Intro ng Perfect Strangers. Naalala ko lang.
<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/8vbnLYROCj8&hl=en&fs=1"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/8vbnLYROCj8&hl=en&fs=1" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

silveryellow
09.07.22, 12:13 PM
Oo, Doogie Howser, M.D.! Hehe. Eh Beverly Hills 90210? Ibang channel ata yon.

allen lucas
09.07.22, 12:17 PM
Iba talaga ang feel ng mga 80's tv series.

titopao
09.07.22, 12:20 PM
Sadly, no, Beverly Hills 90210 doesn't qualify :( That's because it premiered in 1990.

Alexander
09.07.22, 12:22 PM
Kasabayan ding nag-premiere ng Baywatch at ng Rescue 911 noong 1989 ay ang Doogie Howser, MD, the boy genius who became a doctor. That's Neil Patrick Harris in the middle, by the way ;)

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/7/7b/Doogie_Howser_Cast_Photo.gif



Trivia: Yung Boy Doctor na si Doogie Howser, MD... sya rin yung isa sa mga stars ng How I Met Your Mother (http://en.wikipedia.org/wiki/Neil_Patrick_Harris) si Niel Patrick Harris.

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2c/Neil_Patrick_Harris_2008.jpg/220px-Neil_Patrick_Harris_2008.jpg (http://en.wikipedia.org/wiki/File:Neil_Patrick_Harris_2008.jpg)

value

E yung palabas na CHiPs... it actually started late 70's tapos nag end yata ang season nito early 80s (1983 to be precise)

What about Knight Rider (http://en.wikipedia.org/wiki/Knight_Rider_(1982_TV_series))? Mork and Mindy (http://en.wikipedia.org/wiki/Mork_&_Mindy) (nanu-nanu)? Greatest American Hero (http://en.wikipedia.org/wiki/The_Greatest_American_Hero)? Pati pala... Lovingly Yours, Helen (http://en.wikipedia.org/wiki/Lovingly_Yours,_Helen)....

Speaking of Lovingly Yours, Helen.... madalas naming pag-talunan ng mga ka-choir ko ito dati... kasi Mass namin 6PM, practice namin everyweek... mga 2-4PM para fresh sa memory lagi ang kanta... lagi ba namang late, you know what the excuse is? You've gess it, nanood pa ng Lovingly Yours, Helen LOL

silveryellow
09.07.22, 12:30 PM
na guwapo sana, ngunit... :P

Jon2
09.07.22, 12:42 PM
Lol! Yeah, surprised when I heard all about it.
abc
Here's a game I am sooo addicted to lalo na at alam kong addicted ang tatay ko. Unahan makamit ang highest score.

http://www.videogamecritic.net/images/7800/galaga.png

Di pa kasi uso ang cable nun.

ryanestandarte
09.07.22, 01:08 PM
Diba may atari version nito noon?

Alexander
09.07.22, 01:26 PM
Kami sa arcade at Atari naglalaro nito noon.

@jon2... siguro parang kami ngayon ng anak ko, pag naglalaro kami ng PS2 ..LOL

Sa Game and Watch naman... eto mga games ko noon

http://www.magicketchup.com/blog_pic/gw_octopus_card.jpg

http://www.geocities.com/tedjamo/blog/popeye.jpg
http://p-edge.nl/parachuter/images/stories/pics_articles/game_watch_mickey_mouse.jpg

Octupus (http://www.tucows.com/preview/32095), Popeye (http://www.tucows.com/preview/32102), Egg (MickeyMouse yata yun)

Me bonus na links para sa PC simulator... experience the fun :)

ryanestandarte
09.07.22, 02:07 PM
Hahaha!!! Oo nga. Meron nga nito dati sa harap ng school namin. :D

Jon2
09.07.22, 03:38 PM
Diba may atari version nito noon?

Meron ata, ryanestandarte. Wala akong atari noon at nakikilaro lang sa mga pinsan pero wala akong maalalang ganitong game doon. Sa NES lang pero that was late 80's na.
abc
Kuya Alex,

Alam ko yang game na yan. Hahahah..Yung Octopus na humahaba ang tentacles at kailangan mong iwasan sa pagkuha mo ng treasure, di ba?

Teka, sabi sa thread e Kid of 80's hindi... :D
abc
Don't you find it weird na during those times e pwede ka pang uminom ng tubig out of the faucet without thinking na magkakasakit ka?

yenzephyr
09.07.22, 03:45 PM
Don't you find it weird na during those times e pwede ka pang uminom ng tubig out of the faucet without thinking na magkakasakit ka?

hindi pa sikat noon ang mineral at distilled water. dati nung gradeschool kami, pag bumibili kami dun sa labas ng school ng sago't gulaman, hindi namin alam saan galing yung tubig pero kiyems lang kasi suki naman. pero nung bumili ako kay suki nung college na ako, bongga, naka mineral water sila at may nakadikit pang resibo kung saan at kelan binili yung mineral water ng sago't gulaman nila.

silveryellow
09.07.22, 04:27 PM
Naaalala nyo pa ba ang inyong panonood tuwing Kapaskuhan sa itaas ng COD?
Eh ang kumain ng waffle at hotdog sa Fiesta Carnival?
Ang magpapicture gamit ang inyong 110 film camera sa Magnolia House?
Nakita nyo rin ba ang ilang libong sapatos noon sa Malacaņang?

Kung madaming magagandang palabas noon sa RPN, naging pangunahing pasyalan naman ang Cubao ;)

Bien
09.07.23, 08:34 AM
Di ko makakalimutan iyong tv series of the 80's like airwolf, the greatest american hero, voyagers, a-team, knight rider :)

ryanestandarte
09.07.23, 10:36 AM
Don't you find it weird na during those times e pwede ka pang uminom ng tubig out of the faucet without thinking na magkakasakit ka?

True! Dati noong gradeschool ako, kung puno yung mga drinking fountain namin after ng isang soccer game e diretso kami sa faucet para uminom e. LOL

Aaah!!! I miss those times. :D

ryanestandarte
09.07.23, 11:07 AM
Di ko makakalimutan iyong tv series of the 80's like airwolf, the greatest american hero, voyagers, a-team, knight rider :)

Speaking of Knight rider, napanood ko yung latest na knight rider and I find it cool talaga. Kaya lang, isang season lang siya e. :(

Malamang, hindi bumenta. :(

Alexander
09.07.23, 12:45 PM
Di ko makakalimutan iyong tv series of the 80's like airwolf, the greatest american hero, voyagers, a-team, knight rider :)

Favourite ko rin ang Voyagers (adik sa time travel fictions)

Speaking of Voyagers.... parang pareho ito ng concept ng Quantum Leap (Scott Bacula) in the late 80s, itinatama nila yung mali sa history.

Voyagers (http://en.wikipedia.org/wiki/Voyagers!)

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/Mm-o_7AGJRQ&hl=en&fs=1&rel=0"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/Mm-o_7AGJRQ&hl=en&fs=1&rel=0" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Quantum Leap (http://en.wikipedia.org/wiki/Quantum_Leap_(TV_series))

http://www.youtube.com/watch?v=iJzVS_5XHr0

Magkaiba nga lang sila ng way of travelling... sa voyagers me controller sila while quantum leap ay meron lang syang guide na hologram.

ryanestandarte
09.07.23, 03:09 PM
Isama mo pa yung "Murder, She wrote".
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/3/33/Mswss.jpg

yenzephyr
09.07.23, 04:16 PM
murder she wrote...

wahaha, oo naalala ko pa siya, at naiimagine ko siyang nagba-bike

siyempre andyan na rin yung beauty and the beast! sina linda hamilton at ron perlman

http://www.blogcdn.com/www.tvsquad.com/media/2006/11/beauty.jpg

jeffoy
09.07.23, 09:20 PM
Favourite ko rin ang Voyagers (adik sa time travel fictions)



Ay oo gustong-gusto ko rin yan! Di ba sa channel 2 ang Voyagers?


Ang naalala ko naman sa Beauty and the Beast ay ang theme song nito na "The First Time I Loved Forever"... ganda!

Bien
09.07.24, 08:53 AM
Significant ang theme na airwolf,knight rider, a-team ,meron nga akong midi nito lalo na iyong sumikat na song ng the greatest american hero which is "believe or not...i'm walking on air i never thought i could feel so free, flying away on a wing and a prayer, who could it be, believe it or not it's me"...:) hehe ayos!

nasubaybayan ko din yang beauty and the beast...ganda din yan.

Bien
09.07.25, 02:19 PM
Isama ko na din pala iyong Street Hawk and My Secret Identity sa tv series of the 80's.

familia singles
09.07.27, 09:47 AM
Favorite ko itong theme song from The Greatest American Hero. Di ko nga alam yung TV series na ito pero hinanap ko ito sa mga songhits dati... Ang saya kasi kantahin ng song na ito...

Alexander
09.07.31, 10:19 AM
Nasimulan mo ang release ng People's Journal...

Mahilig ka magbasa ng Tacio and Patok...

Sa magazine ng Sunday Express naman (forgot the name) ... hinahanap nyo si Larry Alcala sa kanyang cartoon na "Slice of Life"

At fan ka rin ng Ikabod Bubuwit ni Nonoy Marcelo :)

yenzephyr
09.07.31, 04:58 PM
80's ba ang funny komiks?

yung andon si niknok? (hindi si mod ha)
tsaka yung planet of the apes

silveryellow
09.07.31, 05:07 PM
Na kasabay ng ibang komiks na puro drama ang kuwento? Tapos itutuloy?

Alexander
09.08.05, 10:16 AM
You've witnessed Cory in her campaign, Presidency, struggles against Coup's, and her death.... so sad, I'm away and cannot join the masses on her funeral :(

familia singles
09.08.05, 04:11 PM
you know how much Tita Cory shared to all Filipinos to gain the freedom we are enjoying at this time... :love::love::love:

Alexander
10.01.22, 11:16 AM
Nasusubaybayan mo ang PINOY THRILLER (http://arcibald.blogspot.com/2009/05/80s-pinoy-thriller.html) with the famous opening lines... Sa Channel 13 dati

ano ang nasa dako paroon
bunga ng malikot na pagiisip
likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan
di kayang maipaliwanag ngunit alam mong magaganap...


Sa ibang channel naman yung REGAL SHOCKERS

Coolwaters
10.01.22, 11:42 AM
Hahahaha! LOL

Takot na takot ako dati dito... :)

Nang tumamlay ito, naging uso din dati yung Regal Presents sa ABS noong late eighties... Monday nights, 8PM... :)

Emerald
10.01.22, 12:54 PM
pasensya na po.. di ko pa na abutan tong mga taong to hehe:)

herald
10.01.22, 04:18 PM
Hahahaha! LOL

Takot na takot ako dati dito... :)

Nang tumamlay ito, naging uso din dati yung Regal Presents sa ABS noong late eighties... Monday nights, 8PM... :)

di ba ito yung "ANo ang nasa dako pa roon, bunga nang malikot na pag-iisip..."?

rolandp43
10.01.23, 08:17 PM
mas inaabangan ko din dati yung Magandang Gabi Bayan ni Noli de Castro kapag malapit na Nov. 1, halos lahat kaming magpipinsan nanunuod nito tapos magtatakutan, sabay papagalitan kami ng mga magulang namin... hehehe 80's din pala ako...

Emerald
10.01.24, 11:36 AM
i agree with you naabutan ko pa magandang gabi bayan.. kami lahat magkakapatid talagang nakatotok tuwing haloween specials na ng magandang gabi bayan

dangpogi
10.01.25, 04:42 PM
uhmm..xmpre makaklimutan ba ung Voltez Five..:) Hmmmm..#1 hit na anime nung 80's..walng makakapantay dito..hehehe;)

rolandp43
10.01.25, 05:05 PM
eh yung mazinger z... ay 70's ata ito...

nlim
10.01.25, 08:43 PM
When you can hear the noise barage at the Liwasang Bonifacio protesting abut the government. THough college na ako noon, we can hear it during the night at the South Bldg at Mapua.
JD Liner sa MetroManila na maitim ang usok at first launching ng LRT;
Saka nga pala ang Love Bus at ang sikat na mall na Harisson Plaza:)

czyre
10.01.30, 08:44 PM
eh yung mazinger z... ay 70's ata ito...

Pinagpipilitan kasi ang sarili sa 80's LOL

Nung 80's uso ang "star rice" - rice na hinaluan ng star margarine... Pampatangkad daw. Hindi to totoo... almusal ko noon laging "star rice" tsk tsk...

rolandp43
10.01.30, 09:47 PM
eh kasi naman, himala na ata ang kelangan...

Alexander
10.02.01, 06:36 AM
Nung 80's uso ang "star rice" - rice na hinaluan ng star margarine... Pampatangkad daw. Hindi to totoo... almusal ko noon laging "star rice" tsk tsk...

Totoo yun czyre, ginagawa namin ito dati :)

Bigla ko tuloy na-alala yung commercial ni Nino Muhlach tapos tumatakbo sya sa commercial na ang background music ay "Grow Tall Little Man", nakakatawa kasi ang final line is "you've got a lot of growing to do".... LOL

Teka ??? 80's ba yun? LOL

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/pCaydRcrSSo&hl=en_US&fs=1&"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/pCaydRcrSSo&hl=en_US&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

rolandp43
10.02.01, 02:45 PM
kuya alex, mukhang hindi ko ito napanuod ah...

jeffoy
10.02.03, 09:23 AM
kuya Alex kahit ngayon ang anak ko gustong gusto nilalagyan ng margarine ang kanin nya pag kumakain ng tilapia fillet :)

dhenzv
10.02.03, 09:43 AM
you're watching BATIBOT...

naalala ko tuloy si Manang Bola and Luningning.. pati si sitsiritsit and alibangbang

Coolwaters
10.02.03, 05:02 PM
Ah, idagdag mo pa sina Kuya Bodjie, Pong Pagong, Kiko Matsing, Irma at Direk, at Ate Sienna...

OT ng konti...

May nabasa ako sa isang blog (http://espiritista.blogspot.com/2005/05/short-shorts-number-1-batibot.html) (although unverified po ito) na noong makatapos daw ng college si Ate Sienna, nagturo siya sa UST at nagagalit daw siya kapag tinatawag siyang Ate Sienna (from students who knew her in her Batibot days) instead of Miss Olazo... :)

Edit:

Para lang maging lubos ang ating pananariwa... :)

CMB2Zgor3mg

felamsen
10.02.03, 07:11 PM
Hmmm... naalala ko bigla ang Henny Penny...
Pero, not sure kung pang 80s yun. hehehehe LOL

rolandp43
10.02.03, 09:01 PM
naalala ko, mag-saranggola na may bubog, tapos patintero, tumbang preso, siyato, jolen, palara ng sigarilyo na tinupi tapos ilalaban sa kalog tansan...

yung bazooka collection ng classmate ko, lapis, lunch box, stationery, at iba...

yung taxi na gemini ang model...

nung ginagawa pa yung LRT, malapit kasi sa amin yung garahe, may trolley kami na ang gulong pang riles, tapos sasakyan namin yun, sa dulo yung ilog, hindi pa kasi tapos... sabay break... hehehehe...

czyre
10.02.04, 03:43 AM
Nung 80's uso yung pencil case na may mini-piano na mary had a little lamb lang ang pwede mong itugtog hehe...

Late 80's naman nauso rin yung bag na may wallclock.

felamsen
10.02.04, 12:59 PM
naalala ko, mag-saranggola na may bubog, tapos patintero, tumbang preso, siyato, jolen, palara ng sigarilyo na tinupi tapos ilalaban sa kalog tansan...

yung bazooka collection ng classmate ko, lapis, lunch box, stationery, at iba...

yung taxi na gemini ang model...

nung ginagawa pa yung LRT, malapit kasi sa amin yung garahe, may trolley kami na ang gulong pang riles, tapos sasakyan namin yun, sa dulo yung ilog, hindi pa kasi tapos... sabay break... hehehehe...

rolandp43, batang 80s ka nga :yes:

Coolwaters
10.02.04, 01:19 PM
80's yun... Hehehe...

Binabasa namin yun noong grade 1 ako... :)


Hmmm... naalala ko bigla ang Henny Penny...
Pero, not sure kung pang 80s yun. hehehehe LOL

Bien
10.02.04, 02:39 PM
Iskul Bukol nila Tito, Vic and Joey...80's yun di ba? ???

rolandp43
10.02.04, 05:26 PM
rolandp43, batang 80s ka nga :yes:

hehehe...


yung mga estero ng 80's malilinis pa, may part na nakakaligo pa kaming mga mgkakabarkada at nanghuhuli ng isda at talangka... pero ngayon... yung talangka nakapatong na sa yellow submarine... o wala nang talangka...

felamsen
10.02.04, 06:15 PM
Iskul Bukol nila Tito, Vic and Joey...80's yun di ba? ???

At samahan mo pa ng Bioman at Shaider ::)

dhenzv
10.02.15, 04:46 PM
you are watching YAGIT and ALAGAD NI KALANTSAW (tama ba spelling?)

rolandp43
10.02.15, 04:51 PM
naalala ko nga yang alagad ng kalantsaw, kapag may nakikita ako tubo o kahay na katulad ng hawak nila, iniisip ko yung palabas nila... sabaw sigaw... Alagad ng Kalantyaw !

ernanibaetiong
10.02.15, 10:03 PM
You're a kid of the 80's kung pinilit ka din ng magulang mo mag-audition sa Kulit Bulilit LOL

Paborito ko ring palabas dati tuwing hapon yung Edison Twins :)

ronyu02
10.02.15, 11:33 PM
... naranasan mong hipan yung bala ng Family Computer para gumana.

dhenzv
10.02.16, 05:03 PM
actually ginagawa ko pa rin yan sa mga bala ng DSi eh.. :)

rolandp43
10.02.17, 12:50 PM
gustong-gusto kong laruin nun yung baril-barilang kahoy na may nakataling tansan na may goma, tapos pipilipitin yung tansan sabay ire-release ng gatilyo ayun....

tska yung sumpit, na may balang munggo... baranggay namin, versus kabilang baranggay, kapag naubusan ng munggo, mamumulot, huhugasan... sabay lagay ulit sa kahon ng posporo na nakatali din sa sumpit... pero hindi naman ako nagka-hepa...

bajo
10.02.17, 12:56 PM
hahaha! i remember sumpit, also tirador (slingshot). naalala ko pa may puno ng bayabas sa amin, pinuputol namin yung sanga na hugis "Y" at iyon ang ginagawa naming tirador.:)

gustong-gusto kong laruin nun yung baril-barilang kahoy na may nakataling tansan na may goma, tapos pipilipitin yung tansan sabay ire-release ng gatilyo ayun....

tska yung sumpit, na may balang munggo... baranggay namin, versus kabilang baranggay, kapag naubusan ng munggo, mamumulot, huhugasan... sabay lagay ulit sa kahon nga posporo na nakatali din sa sumpit... pero hidi naman ako nagka-hepa...

manoiskee
10.02.26, 08:48 PM
miss ko na a&w rootbeer float at yung branch nila noon sa likod ng greenbelt...

carlomagno80
10.02.28, 12:45 PM
i used to play "PS PS I love you! Mahal mo ba si Gabby YES or NO? ! ! Spell NO N _ O Aaaalliiisss! ! !

felamsen
10.03.01, 02:05 PM
Nakikita mo pa ung train ng PNR na patungong northern Luzon :nice:

rolandp43
10.03.01, 03:10 PM
ang paboritong pasyalan nung 80's ang Harrisson Plaza...(tama ba spelling ko?)

Coolwaters
10.03.02, 08:00 AM
Hahahaha! Natawa ako dito... Oo nga, may ganitong game noon... LOL

May "Langit, Lupa, Impiyerno" din... :yes:


i used to play "PS PS I love you! Mahal mo ba si Gabby YES or NO? ! ! Spell NO N _ O Aaaalliiisss! ! !

felamsen
10.03.02, 11:06 AM
Dagdagan nyo pa ng "Cross-Mary-Shake" hehehe LOL

bajo
10.03.02, 11:34 AM
Paborito kong Juice yung Sunny Orange. na nasa bote

Sunny Orange, i love you
Lemon, grape, and strawberry
Sunny Orange tasty drink
Sunny Orange super quality

rolandp43
10.03.02, 03:00 PM
another game is:

Tagu-taguan,
maliwanag ang buwan
masarap maglaro
sa dilim-diliman...
isa.. dalawa... tatlo...sampu!

tska yung game sa kamay tapos itutupi pagkatapos ng kantang:

pen-pen de sarapen
de kutsilyo de almasen
haw, haw de karabaw
de batutin...
sipit namimilipit
ginto't pilak namumulakla
sa tabi ng dagat...

dangpogi
10.03.08, 12:58 PM
hehehe..samin naman ung piniping tansan tapos lalagyan ng tali at ilalagay sa magkabilang hinlalaki at papaikutin..tapos aun labanana na..ang unang maputol ang tali talo..awoooo..nakakmis un..di ko nga lang alam tawag dun..:)

felamsen
10.03.08, 01:13 PM
Kung nkita mong naglalaro sa PBA sina Fernandez at Sam Boy Lim

tama ba spelling ko sa "Sam Boy Lim"? ??? hehehe

rolandp43
10.03.08, 03:17 PM
yung sikat pa ang PBA tska may mga stickers bawat player... tska yun yung time na nauso ang ending bet ng basketball...


eto naaalala mo ba yung:

Ola, ola pink na panglaba...

gentle on everyday clothes

gentle on hands ang ola...waaaaahhhh...

titopao
10.03.08, 03:26 PM
May time dati na just before a Seiko Films movie (and very family friendly pa ang lineup nila noon, mind you :) ), palaging pinapakita yung commercial ng Seiko Wallet, as in:

Seiko, Seiko Wallet
Ang wallet na maswerte.
Tatak nito ay genuine (pronounced as "ji-nu-wayn"),
International pa ang mga design.
Ang wallet na maswerte,
Seiko, Seiko Wallet,
Seiko, Seiko Wallet.

tapos sabay hahabol yung voice-over sa pagsabi ng "Seiko Wallet, ang wallet na maswerte!" bago mag-fade out yung music LOL

@felamsen: Ang alam ko, one word lang, as in "Samboy" :)

markjeff
10.03.08, 06:13 PM
kapag nakikita mu pa yung mga endorsement ng Camay soap :)

felamsen
10.03.08, 06:38 PM
at... kapag naubutan mo ang "Lovingly yours Helen" :D

rolandp43
10.03.08, 08:37 PM
tska yung palabas na Agila, at Valiente ba yun...

felamsen
10.03.08, 08:57 PM
at yung "Regal Shocker" ggrrrr... :dead:

Alexander
10.03.09, 09:17 AM
Iba sa addition na ideas, nabanggit na dati :P Hehehe, di kasi nagbaback read :D

felamsen
10.03.09, 08:37 PM
Kapag nakita mo pa ung "Pantran Co" na bus company papuntang North

charlemagne_sd7
10.03.12, 09:15 AM
Ang maalala ko nung dekada 80 2-way radio ang ginagamit noong para makipagchat. Uso din ang phone pal at snail mail. Late 80s din ba nagsimula ang mga pocketbell, easycall at beeper 150?

From Knight Rider to Airwolfe, Miami Vice, 21 Jump Street at Vilma! to The Real Ghostbusters! ! !

Halos alam ko na ang mga famous Bible stories dahil sa kapapanood ko ng Super Book at Flying House! ! ! Syempre nung bata pa ako, inaabangan ko ang Batibot, at ung mga cartoon TV programs sa GMA noon tulad ng Thundercats, Alvin & the Chipmunks, Mask, at pati din Dennis The Menace! ! ! TV addict tuloy ang tanyag sa akin ng mga magulang ko.

Paulus_Magnus
10.03.12, 10:51 AM
May time dati na just before a Seiko Films movie (and very family friendly pa ang lineup nila noon, mind you :) ), palaging pinapakita yung commercial ng Seiko Wallet, as in:

Seiko, Seiko Wallet
Ang wallet na maswerte.
Tatak nito ay genuine (pronounced as "ji-nu-wayn"),
International pa ang mga design.
Ang wallet na maswerte,
Seiko, Seiko Wallet,
Seiko, Seiko Wallet.

tapos sabay hahabol yung voice-over sa pagsabi ng "Seiko Wallet, ang wallet na maswerte!" bago mag-fade out yung music LOL

@felamsen: Ang alam ko, one word lang, as in "Samboy" :)

(makikisali ha. Although I was born during the early 90's, eh parang time capsule ang bahay namin at 80's people ang parents ko kaya nakakarelate)

Inabot ko po yan, naka-record po yan dun sa betamax ni daddy, nung nirerecord nya yung mga music videos sa VH1 nung araw. Hahaha!! Never fails to make me laugh! LOL

ereynes
10.03.12, 04:26 PM
E yung commercial ng Tamaraw yung kay Rod Navarro ata yun.

Coolwaters
10.03.13, 01:53 AM
Sa isang forum na kinabibilangan ko, may discussion din about the 80's... Dun ko nalaman na namatay na pala ang actor na gumanap sa papel na Alexis.... Does that ring a bell?

Eh, kung Shaider kaya? :)

He died of liver cancer... Source here (http://en.wikipedia.org/wiki/Hiroshi_Tsuburaya).

Interesting to know na Catholic siya and after Shaider, he produced similar series like Ultraman...

And the beautiful Annie? Crush ko siya dati... Cute niya... :)
Pero after Shaider, she went into porn movies... Ayokong maglagay ng source at link...

Hay.... :(

Bien
10.03.17, 04:36 PM
I-revive or ipapalabas this year iyong newer version but movie ng the A-Team. Sikat ito nung 80's, every tuesday 7:30pm ata ito pinapalabas sa GMA-7 :)

velpastrana
10.03.17, 05:36 PM
as far as I remember 80"s ung Ebony and Ivory di ba?at ung Rock Lobster ?:)

Paulus_Magnus
10.03.17, 06:39 PM
Ahhh... New wave. Lagi ko silang naririnig sa 97.9 FM pag sundays. :)

Bien
10.03.18, 10:18 AM
New Wave? listen to 99.5 RT every sat-sun, dami din 80's songs sa 101.5 crossover pag weekdays...sarap makinig while driving.

Alexander
10.03.18, 10:22 AM
Cross-over, parang 90's na yan diba?

Speaking of Radio Station... anong year ba sumikat ang Magic 89.9 at ang programa ni Joe D'Mango... hmmm parang 90s na rin yata yun.

Pati ang rivalry nila ng 93.9 DWKC, kalakasan ng KC nun noon dumating ang Fra Lippo Lippi (1989 yata yun)

Bien
10.03.18, 11:06 AM
Cross-over, parang 90's na yan diba?

Speaking of Radio Station... anong year ba sumikat ang Magic 89.9 at ang programa ni Joe D'Mango... hmmm parang 90s na rin yata yun.

Pati ang rivalry nila ng 93.9 DWKC, kalakasan ng KC nun noon dumating ang Fra Lippo Lippi (1989 yata yun)


Cross-over is a mixed of 70's, 80's 90's and mga new songs now. May particular weekday na 80's.

Unang narinig lahat ng new wave songs sa NU 107...nakigaya lang ang DWKC, etc. Sa 89.9 Magic pag Friday Magic Madness (at ilang station) ay mga 80's din na kakasawa but not purely new wave songs. Hehe...

99.5 RT purely new wave songs yan pag sat-sun.

Alexander
10.03.18, 01:18 PM
I mean Bien, nung nagsimula ang Crossover, within dekada 80's ba?

DWKC I think was famous for POP MUSIC (at sa kanilang JOKES) kaya naglalabanan sila ng MAGIC 89.9 hindi sa New Wave.

markjeff
10.03.18, 04:08 PM
DWKC pa ata dati. mga new wave ang kanta.

Bien
10.03.18, 04:13 PM
@alex...siguro pero last month lang ako nakikinig sa cross-over, nung one time walang magagandang tugtog at natyempuhan ko iyong 105.1, di ko akalain na magaganda pala mga pinapatugtog dun. :)

prinze
10.03.19, 02:04 AM
Naisip ko na nga yung New Wave eh sa 80s, nde lang ako sure. :))
pati yung "strat" tama ba spelling ko. Yan yung sayaw ata noon eh. Hahahaha. LOL.

Bien
10.03.19, 08:21 AM
strut ata...saka break-dancing.

Coolwaters
10.09.27, 04:14 PM
During the 80's inaabangan namin ang replays nito sa RPN9 at nakikikanta...

akAEIW3rmvQ

vanred007
11.06.17, 06:41 PM
haha. ang cool naman. bata pa ko eh. i just find amusing ung mga nakapost dito. haha. go oldies. ;p