PDA

View Full Version : You Know Your A Kid of the 80's When...


Pages : [1] 2

jeffoy
05.09.05, 01:11 PM
katuwaan lang po, madami akong mga magagandang naaalala nung dekada 80, eto ang iba...

1. nauso ang Bagets nina Aga, Herbert, JC, Raymond at William..
pagsusuot ng magkaibang sapatos na chuck taylor, damit na ibat-ibang color, long sleeves na papatungan mo ng chaleko, at sasayaw ka ng Just Got Lucky, Telefone, etc..

kasunod na ang mga movie na: bagets 2, Ninja Kids, Hotshots...

2. pagsusuot ng spadrelle (tama ba?)
3. nung 80's din nauso ang topsider
4. nung 80's din nauso ang breakdancing, strutt, punk

At siempre pwede ba nating di makalimutan na nung 1986 nagsimula at umusbong ang mga awitin ng Bukas Palad...

Madami pang mga nauso at mga pangyayari ang mga nangyari nung Dekada 80.. Kayo na ang bahalang magbigay ng iba pa... share nyo na...

Jon2
05.09.05, 01:34 PM
heheheh... tumatanda na tayo kuya jeffoy... hehehe..

di ba 80's din nung meron pang ka-"party line" ang phone (na di mo magamit pag nakalimutang ibaba ng kabilang linya)?

nun di sikat na sikat ang mga cartoons na tulad ng transformers, voltron, my little pony, carebears at rainbow brite.

and don't forget, it was the 80's when we pinoys were freed from a tyrant :)

really showed the world what UNITY and PEACE can do...

jeffoy
05.09.05, 01:45 PM
heheheh... tumatanda na tayo kuya jeffoy... hehehe..




hahaha! masarap lang balikan ang 80's kse d2 ko lumaki. :)

Tanong mo sa mga teenagers ngayon ang partyline di nila alam yun hehehe

Alexander
05.09.05, 09:18 PM
Sikat na dancegroup... Auto Mechanix which eventually turned to Octo Mechanix... tapos yung KNAPSAX.... pati yung MANUEVERS....

mike1314
05.09.05, 09:19 PM
;DHeheh... Mukhang para lang sa mga tumatanda ito ah! (Kasama na ako dito ;D) Noong mid 80's, piso lang baon ko pero marami na itong mabibili.
Share ko na lang iyong iba next time, isip pa ko. ;)

jeffoy
05.09.05, 10:54 PM
;DHeheh... Mukhang para lang sa mga tumatanda ito ah! (Kasama na ako dito ;D) Noong mid 80's, piso lang baon ko pero marami na itong mabibili.
Share ko na lang iyong iba next time, isip pa ko. ;)


Mike di lang to sa mga tumatanda pati na rin sa mga na-late na ipinanganak.. :) dun nman sa mga na-late ipinanganak tanong na lang kayo sa mga kuya at ate nyo :)

Ang alam ko 80's sumikat ang grupong Hagibis dahil sikat din sa US ang Village People..

Punzi
05.09.06, 06:57 AM
Computer ko non: Commodore VIC-20

specifications:

5k RAM
20k ROM
Cassette Tape Drive (d pa uso floppy disk non)
Uni-directional dot-matrix printer (less than 1 ppm)
Monitor (nakakabit pa sa color TV namin)

pero pagpinindot mo yung "on" hindi mo na kailangan magkape muna... hindi pa uso ang booting non...

jeffoy
05.09.06, 02:48 PM
Naalala nyo pa ba ang That's Entertainment ni kuya Germs?

Jon2
05.09.06, 03:39 PM
wow! mike piso baon mo?? ako limampiso pero dahil me dala akong baon (lunch at snack). ang naalala ko e ang coke e P1.50 pa lang nun then naging P2.50. heheheh...

****
ako comp namin nun e apple. tapos nagsimula silang magturo sa school ng comp subjects when i was in grade 3.. kulay green pa nun ang lumalabas na characters sa monitor. just like the old calculator.

****
lol! kuya jeffoy, ako nanunuod noon pero weekends lang.. bawal sa amin tv pag pasukan e.

bouie
05.09.06, 04:52 PM
you wore baston na pantalon then! LOL

Nung 80's ba yung Universal Motion Dancers? O ha, di ba, anong say mo? ;D

jeffoy
05.09.06, 07:59 PM
lol! kuya jeffoy, ako nanunuod noon pero weekends lang.. bawal sa amin tv pag pasukan e.


ako din weekend ko lang napapanuod yun, mas ok kse pag weekend may presentation bawat group...

Alexander
05.09.07, 07:39 AM
Panahon na sumikat ng husto ang EAT BULAGA sa RPN 9...

Usong Video Games sa PC... PACMAN... DIGGER....

Wala pang PLAYSTATION NOON... meron pa lang ATARI :D

Ang MODEM... ilalagay mo ang HANDSET ng TELEPONO mo sa ibabaw...

Grabe PUNZI.... meron pa ngang TAPE DRIVE noon... naalala ko... pero meron na ring FLOPPY in the MID to LATE 80's yung 5 1/4" na pag single sided 360KB lang... sa APPLE naman me DOUBLE SIDED na noon.... 720KB yata... Pero pag HD (High Density) ... 1.2MB na ang Capacity...

Tapos meron na ring kaming PC dati noon... ang memory dati, isa-isang maliliit na chips na nakadikit sa Motherboard...hahaha.... ang lalaki pa ng PIXELS kasi GREEN pa ang MONITOR (dipa uso ang VGA...hahaha :D)


Sa Fashion.... nauso ang GEL and HAIRSPRAY (AQUANET)

jeffoy
05.09.07, 08:26 AM
Nauso ang NEW WAVE... sumikat ang Duran Duran, Spandau Ballet, Tears for Fears, A-ha, etc..

Kuya Alex naalala mo dami gumaya sa buhok ng Spandau Ballet? :)

Alexander
05.09.07, 12:13 PM
Uso din yung me ZIPPER ang laylayan ng pantalon... sa sobrang sikip talagang kailangan para pumasok ang paa mo....

Tapos uso din ang mga STRETCHED na jeans....

At since uso ang BAGETS at MICHAEL JACKSON... uso yung patong patong na damit or minsan iba-ibang color ang suot... plus the sleeveless Jackets....

Uso ang THRILLER dance contest sa EAT BULAGA....

Doon din nauso ang mga MTV nila CYNDI LAUPER, MADONNA, MJ, TEARS FOR FEARS, BOY GEORGE, SPANDAU BALLET (You're right Jeff --hairstyle)....

DOON DIN NAUSO ang sakit na AIDS!!! Kaya nagkaroon ng USA FOR AFRICA at BAND AID (LIVE AID)

jeffoy
05.09.07, 12:48 PM
Eto ang malupit, kilala nyo pa ba si Johnny Midnight and his magical TONING? :) nausuhan nito ang tatay ko hehehe.. tapos after ng toning prayer na english at translated sa tagalog, tutugtugin na ang Bulaklak (Bulaklak kay bango ng bulaklak, kay bango ng bulaklak....)

bouie
05.09.07, 08:12 PM
Kapag nakakasabay sa radyo habang pinapatugtog ang mga kanta ng MENUDO ;D hehehe... Yun ang sabi ni Ahia ko.

devorack214
05.09.08, 04:37 PM
Remember the TV series "Knight Rider" and "Airwolf" 8)

mike1314
05.09.08, 10:02 PM
Isama na rin natin dito ang TV series na "The A team", Misfits of Science at Blue Thunder. ;)

jeffoy
05.09.08, 10:53 PM
sa tagalog naman nandyan ang Iskul Bukol, Todas (sitcom)
Flordeluna, Annalisa (teledrama)
Kulit Bulilit, Batibot (Pambata)
Penthouse Live (late nite program)

bajo
05.09.09, 12:53 AM
80's din ba yung game and watch? naalala ko pa yung mga games na man hole, octupus, popeye, parachute, etc.


Usong Video Games sa PC... PACMAN... DIGGER....
Wala pang PLAYSTATION NOON... meron pa lang ATARI :D

jeffoy
05.09.09, 08:12 AM
80's din ba yung game and watch? naalala ko pa yung mga games na man hole, octupus, popeye, parachute, etc.


yup 80's yun, paborito ko ang popeye.. :)

bouie
05.09.10, 01:27 PM
80's ba yung BIONIC SIX, HE-MAN, SHE-RA, CAREBEARS, THUNDERCATS? Thanks ^_^

jeffoy
05.09.10, 09:02 PM
80's ba yung BIONIC SIX, HE-MAN, SHE-RA, CAREBEARS, THUNDERCATS? Thanks ^_^


Oo Bouie 80's yan, napapaghalata na talga ako dito na matanda hahaha.. its ok, proud Kid 80 ako :)

Isama mo na sa listahan mo ang Smurf, Alf, Perfect Strangers, etc..

bajo
05.09.11, 05:54 AM
favorite namin at inaabangan yung macgyver.... 80's ba yun?

bouie
05.09.11, 10:11 AM
Asteeg yang si McGayver! Pinapanood sya nung elementary math teacher ko palagi. Frustration nyang maging girl coutnerpart nya kasi, hehe... ^_^

mike1314
05.09.12, 05:55 AM
sa tagalog naman nandyan ang Iskul Bukol, Todas (sitcom)
Flordeluna, Annalisa (teledrama)
Kulit Bulilit, Batibot (Pambata)
Penthouse Live (late nite program)


Favorite ko yang batibot!!! ;D
*******
Eto pa, Lovingly yours Helen at Mga Batang Yagit? ;D

jeffoy
05.09.12, 11:03 AM
Di ba 80's din sumikat ang 21 Jump Street, A Team, Miami Vice...


Late 80's nung sumikat c Francis Magalona.. tapos cnundan ni Andrew E, Michael V, etc..

mike1314
05.09.15, 01:38 AM
Naaalala ko pa kapag bago mag-start ang program sa isang TV station, pinapatugtog iyong Hallelujah Chorus ni Handel. :)

jeffoy
05.09.15, 11:56 PM
nagbabasa ka ng Funny Komiks...

at kilala mo sina Niknok, Haring Matsutsu (yun nga ba?), Dagul, etc. ng Planet op di eyps, Supercat, Bing, Bang, Bum.

paborito ko kse tong komiks nun e...

NikNoK
05.09.16, 10:32 AM
nagbabasa ka ng Funny Komiks...

at kilala mo sina Niknok....

Huh?!? ako ba 'to? ;D :P

jeffoy
05.09.16, 11:44 PM
Huh?!? ako ba 'to? ;D :P


hehehe Niknok nagbabasa ka cgurado ng funny komiks...

bouie
05.09.17, 10:48 AM
nagbabasa ka ng Funny Komiks...

at kilala mo sina Niknok, Haring Matsutsu (yun nga ba?), Dagul, etc. ng Planet op di eyps, Supercat, Bing, Bang, Bum.

paborito ko kse tong komiks nun e...


Tapos si Niknok naging Eknok, di ba? Tapos nagkaroon ng Tinay Pinay, Combatron, at iba pa. ;D

jeffoy
05.09.25, 12:41 AM
ang sikat pa ring mall nun ay SM pa rin.. pero nag-iisa pa lang na malaki nun ay yung sa SM City.....

Alexander
05.10.01, 10:13 PM
I remember the BACK TO THE FUTURE SERIES sa 80s pati ang ROCKY SERIES....

herald
05.10.05, 06:36 PM
di ako maka relate.. he he he

spitfire
05.10.06, 10:06 AM
;Dit's nice to be back here posting again...dami na palang discussion na bago dito :) :)well, i vividly remember mga 80's cartoon very much...Voltron, Voltes V, Thundercats and Transformers..saka ung mga unang chi-novela like Shaider, Bioman (hanggang ngaun pala-isipan pa rin sa kin ung gender ni PIBO..ung cyborg-cum-alalay ng mga Bioman)..heehee..oo nga pala..goodnews sa lahat ng fans ng Voltron..Newline Cinema (producers ng LOTR) bought the rights of Voltron so expect a live-action movie within 3 yeras...and also a live-action Transformers directed by Michael Bay!!! :D

NikNoK
05.10.06, 10:31 AM
di ako maka relate.. he he he


wahehe! talaga lang ha? well, pwede ka namang mag start ng thread ng 70's eh... joke, joke, joke!!!

Welcome back, bro! tagal mong di nag-post ah? mukhang busy ang department of Budgeting and finance?!? hmmmm... ;)

jeffoy
05.10.07, 10:07 PM
Sino-sinong singer ba ang nag hit nung dekada 80?

Madonna, Boy George, Wham, Cindy Lauper, Spandau Ballet, Debbie Gibson, Duran Duran, U2, Gary V., Martin N., Pops, Sharon, Zsa Zsa, Kuh, Jojo Alejar hehehe, etc..

Alexander
05.10.08, 12:00 PM
Lea Salonga, Manilyn Reynes, Dingdong Avanzado, Janno Gibbs....

14 K, Smokey Mountain

Nauso din ang Stars on 45 at na revive ang mga BEATLES songs dahil sa pagkamatay ni John Lennon

Das_Sein
05.10.09, 01:59 AM
alala ko pa yung COD department store na may display of toys pag pasko. my folks would bring me and my bro there pag sunday, tapos kakain sa jollibee na orange and white pa ang baso, hehehehe.
my memory clearly holds cheezels and chikadees, yung mga junkies na may freebies na pinagbawal sa school canteen kase baka may drugs daw yung free toys. ganun din yung cheez-it, pee wee and richie where i am most deprived. sandwich, milo/ovaltine kase ang regular kong baon na nakalagay sa square na lunchbox na rainbowbrite (o carebears ata). hehehehe.

jeffoy
05.10.10, 02:26 PM
Speaking of School.... natatandaan nyo pa ba ang Nutriban? hehehe!! busog lagi ako nun dito e. nirarasyon sa mga public schools.

bouie
05.10.10, 06:18 PM
natatandaan nyo pa ba ang Nutriban?


Yun ba yung tinapay? ??? Heard it from my mom. She was born decades before the 80s. Hanggang nung 80s pala meron nun. hehe... Ignoramus <- ;D

spitfire
05.10.11, 08:34 AM
;DI remember watching Knight Rider and Tonight with Dick and Carmi everynyt...and pagpasok ko naman sa scul eh yung endless soundtrack namin by Madonna na pinapatugtog sa loudspeaker tuwing exercise time tuwing 6:30..and to think i was enrolled in a catholic school..i also remember vividly ung shake na may halong Brown Cow na liquid choco.. ;D

Alexander
05.10.11, 08:48 AM
The BEST lovesongs are from the 80's....

Take Me Now by David Gates (pangligaw kong kanta nung 3rd yr HS.)
Nothings Gonna Change My Love for You by George Benson(themesong namin ni Misis... hehehe)
Keeping the Love Alive by Air Supply
Think I'm In Love Again by Paul Anka

Iba pang OPM Lovesongs
Never Ever Say Goodbye
Till I Met You
Be My Lady

bhoyet
05.10.11, 02:54 PM
Sino-sinong singer ba ang nag hit nung dekada 80?

Madonna, Boy George, Wham, Cindy Lauper, Spandau Ballet, Debbie Gibson, Duran Duran, U2, Gary V., Martin N., Pops, Sharon, Zsa Zsa, Kuh, Jojo Alejar hehehe, etc..


New Wave...

The Clash, The Cure, The Care, Pseudo Echo, Echo and the Bunnymen, Depache Mode

Alexander
05.10.12, 05:50 AM
Fra Lippo Lippi..... Light and Shades, Beauty and Madness :D
The Jets.... Make it Real

spitfire
05.10.12, 07:28 AM
;DBad hair day..psychedelic clothes..bodacious make-up..cold war..reagan..gorbachev.. :ohow i miss the 80's ;D

Das_Sein
05.10.12, 10:36 AM
..i also remember vividly ung shake na may halong Brown Cow na liquid choco.. ;D


is that the pink one? scramble ba yun?
deprived din ako dun! :D

spitfire
05.10.12, 10:44 AM
yep..dats the world famous scramble topped with brown cow..if i remember it ryt, it cost about 2 pesos nung panahon ko eh ;D i can't seem to find it anywhere na!!! :-\

jeffoy
05.10.13, 01:24 AM
Meron pa nyn sa min sa batangas....

spitfire
05.10.13, 08:14 AM
;Dsimple things like pink scramble makes me smile eh :)kung dun pa ko pupunta ng batangas para tumikim ng scramble e baka sumimangot ako ???ang layo eh...kung alam ko lng gumawa nun.... :'(

Alexander
05.10.13, 04:22 PM
You know what KHUMB MELA and ACE is.... :D

spitfire
05.10.13, 10:30 PM
You know what KHUMB MELA and ACE is.... :D
:oPlease refresh my memory kuya alex..what exactly khumb mela is.. :Pbut i vividly remember that i will chomp down any food that gets in my way nung bata ako... :Pbrand ba ng canduy un??

Alexander
05.10.14, 08:10 AM
KHUMB MELA... is the popular brand of BACKPACKS (or Knapsacks then kaya merong dance group dati na KNAPSACKS, they dance with their BACKPACKS)... nowadays its... JanSport / Dickies / Hawk, etc.

ACE naman, nauso kasi ng early eightiies ang leather schoolbags na merong sling, kaya lahat halos nun naka shoulder bag.... hehehe :D

spitfire
05.10.14, 10:48 PM
KHUMB MELA... is the popular brand of BACKPACKS (or Knapsacks then kaya merong dance group dati na KNAPSACKS, they dance with their BACKPACKS)... nowadays its... JanSport / [d!ck]ies / Hawk, etc.

ACE naman, nauso kasi ng early eightiies ang leather schoolbags na merong sling, kaya lahat halos nun naka shoulder bag.... hehehe :D
Ay!!!i remember now!!!i think i have a worn down Khumb Mela backpack sa bodega..i think i may have used it when i was in grade 3-5..thanks for reminding me..but i don't think i remember ung sinasabi mo na dance group of the same name...mukhang frontrunner ata un ng Universal Motion? ;D

Alexander
05.10.17, 01:01 PM
Kasabay ng KNAPSAX ang OCTO MECHANIX, ang specialty ng KNAPSAX ang BREAKDANCE and sa OCTO MECHANIX naman ang STRUT....

Wala pa nun ang STREETBOYS at MANOUVERS, in between nun ang UMD :)

spitfire
05.10.18, 02:36 PM
;D I was probably locked up by my parents sa dungeon ng bahay namin nung panahon na un kc i've never heard of them ::) god, i miss the 80's 8)

anya
05.11.07, 09:45 AM
One of my fondest memories of 80's was the family computer. I could still vividly remember spending an entire summer playing with my four cousins plus ate Len. ;)

And our greatest achievements were conquering Super Mario and Battle City, which remain to be my favorite. :D

I still recall waking up to the sound of the Mario jingle and spending the whole day in front of the TV. The only break we had was to eat and it was back to the console for us. :)

jeffoy
05.11.08, 01:43 PM
:D Im still playing battle city in my PC here in my office kapag free time, nakakatuwa, di ko pa rin pinagsasawaan laruin. :)

bajo
05.11.08, 10:54 PM
80s din nga pala ang PANDAY

jeffoy
05.11.09, 07:43 AM
Actually nag start ang Panday ng 70's pero mas nakilala sya ng dekada 80 :)

Alexander
05.11.09, 07:49 AM
Batibot.... started in the 80s diba Kuya Bodjie... Pong, Kiko, Manang Bola, ;D

mayomee
05.11.09, 10:55 AM
Batibot.... started in the 80s diba Kuya Bodjie... Pong, Kiko, Manang Bola, ;D


Batang Batibot ako, Alex! And to complete my experience, naging professor ko pa si Ate Siena (Olaso) nung college! ;D

Alexander
05.11.09, 12:39 PM
Yap... I was trying to think of the name ng partner ni Kuya Bodgie.... Si Ate Siena nga....

Kapitbahay naman namin noon sa PETA si Kuya Bodgie :-X

SaTrIaNi
05.11.16, 10:20 PM
ang naaalala ko is yung DST or yung Daylight Savings Time bakit kaya di na gingawa sa atin ngayon ito?? sa ibang countries pinapraktis pa rin ito magandang way ito para maconserve ang energy natin, heheheeh

bouie
05.11.17, 06:53 PM
I remember na medyo maayos pa ang mga LRT stations noon. Gumagapang ako pataas at pinagtatawanan ng family ko kasi takot ako sa heights. Up to know I still have butterflies in my stomach whenever I'm in a high place. Ngii... lol ^_^

anya
06.05.26, 01:51 PM
So – chessy – they’re actually – cool lines “ you’re nothing but a second – rate, trying hard copy cat… “From 80s tagalog flicks.:)

jeffoy
06.05.30, 04:37 PM
“ you’re nothing but a second – rate, trying hard copy cat… “From 80s tagalog flicks.:)

Di ba sa Movie na Bituing Walang Ningning yun? hehehe ang Jologs ko!

Jon2
06.05.31, 12:34 PM
uy, gustung-gusto ko yang movie na yan. hehehe... maka-sharon ba? heheheh..

hmm, ano ba naalala ko nung 80's...

well, yung 8 oz coke e P 1.50 then naging P3.50.

busog na busog ka na nun pag me P5 ka.

Das_Sein
06.06.02, 12:34 PM
pag nanonood ka ng uncle bob's lucky seven club, flying house and superbook.

jeffoy
06.06.05, 09:25 AM
Hintay ko lagi sa hapon ang Three Stooges. Si Curly, Moe and Larry :)

Alexander
06.07.06, 05:43 AM
I just bought a DVD collection ng KARATE KID.... sarap panoorin, 80s na 80s

herald
06.07.07, 11:08 PM
natatawa ako sa mga nababasa ko, it seems na the best decade ang dekada 80...

nalala ko pa nun din sa batibot na nag karoon pa ng signature cmpaign para di mawala sina kiko matsing at pong pagong...

ang sarap pa ring kantahin ang "alagang alaga namin si puti" at "tinapang bangos"

Alexander
06.07.14, 07:29 AM
Speaking of your AVATAR... herald :)

Christopher Reeve played SUPERMAN in the 80's and did 4 Movies :)
Specially the theme na CAN YOU READ MY MIND.... I am happy it was still used in the movie SUPERMAN RETURNS

herald
06.07.20, 10:22 PM
kuya alex, yung superman 1978 po ginawa (he he he)..

Alexander
06.07.21, 06:49 AM
??? Ganun ba... but I think some of the Superman movies were in the 80's already.... thank you

tara
06.08.18, 10:56 PM
Every 80s -kids hero was shaider. Isang police pangkalawakan at ang babaeng kaniyang tinaguriang sidekick ay si Annie.namiss ko talaga eto tuwing linggo ng hapon kaysaya maging bata ulit .

Alexander
06.08.23, 05:29 AM
tara,

curious lang ako kung saan k dun sa dalawang lady sa avatar mo? Siguro yung nasa right side. Am I right

jeffoy
06.08.24, 11:10 PM
ganda nila kuya alex no? :D

herald
06.09.18, 08:40 PM
??? Ganun ba... but I think some of the Superman movies were in the 80's already.... thank you

Superman lang ang 70's the other 3 80's nga

ballgolfer
07.01.12, 01:30 PM
80's The best...Do you remember Dance10 hosted by Ryan Cayabyab and Mike Monserat? Started in Philippine Village Disco and Skatetown Ali Mall.
Putok na putok ito sa mga funky-funky boys...
Mid-80's pumutok namam yung ZIG-ZAG and Rumors disco house because of Francis Magallona and Jon Robinson.
oh men, those were the days. if only there's button push to go back to those days huh!!!

tara
07.01.13, 02:25 AM
I don’t know if there are things that people don’t know of, but there are few realizations that are apparent when looking back 80s. Here are few differences off the top of my head:

-Traffic was almost non-existent.
-We survived without the Internet and mobile phones
-Kids weren’t easily bored. They did not have such a short attention span, compared to the iPod click happy generation of today
-There was a lot more interaction within the family unit, and families did things together and a lot more then.
-Celebrities were naturally born beautiful, and plastic surgery wasn’t even introduced.

spitfire
07.01.14, 10:23 AM
That's Entertainment Tuesday Edition..Caselyn Francisco at Chuckie Dreyfuss(Chuckie who???),Fiesta Carnival, Texas at Tarzan Bubble Gum, Shake na kulay pink na may Brown Cow sa ibabaw...scary hair do's..Platoon ni Oliver Stone..predecessor ni Judy-Ann na si Julie Vega..Mr.T..hahaha..daming memories..getting always busted sa Principal's office nung grade school ako..hehehe...first crush ko si MONICA HERRERA..2.50 lang ung hotdog on a bun..1.50 lang jeepney fare mula Binan, Laguna hanggang Muntinlupa..Chickadees na chichiria..and the best of all: ISKUL BUKOL at T.O.D.A.S!!!

at hindi kumpleto ang 80's pag walang BIOMAN at SHAIDER!!!

jeffoy
07.01.15, 10:01 AM
ang magkaribal dati si Madonna at Cindy Lauper

jose
07.01.15, 11:38 AM
hahaha...ansayasaya!

kung may nutriban, meron ding klim.

25cents pa ang pamasahe sa tricycle noon.

naalala nyo pa ba si mighty kid? e ang boy scout na si smokey manaloto kasama ang japanese na si jonee gamboa (ano nga bang title ng soap na to? ang naalala ko bago mag-heredero to e).

80's pa ba si kidlat ???

"magkaisa (may pag-asa pang matatanaw) at magsama (bagong umaga, bagong araw)..."

"di na ko papayag, mawala pang muli; di na ko papayag na muling mabawi..."

jon2406
07.01.16, 01:32 PM
Football field palang ang Robinson Galeria. at puro talahib palang ang pinagtatayuan ng SM Megamall. Ang mall lamang sa may bandang Crossing ay ang Edsa Central.

esmeralda E. medina
07.01.16, 02:03 PM
>>>>when you know and use SPRAY NET, AQUA NET...diba, matitigas na buhok and big hairdo....lol.

>>>>when you are fond of using chaleko...

>>>>na ang alam mong bubble gum na sikat at mahirap nguyain ay BAZOOKA na may Komiks pa!!! in fairness, di ka lugi sa bazooka, malapad kasi...

>>>>sikat na sikat na para sayo ang ALIMALL at HARRISON PLAZA...

>>>> ISA PA PALA -- pinakauso dati eh yung high-waist na tucked-in pa!!!



Esmeralda,

paki edit na lang po ng post if you want to add something.... I know you are new here, but please observe the rules.... 2nd time na ako nag comment sa iyo ha.... Moderator Alexander

unbreakable
08.02.06, 03:24 AM
wajejejejeje... naaliw naman daw ako sa thread na ito...

halos nabanggit na nila lahat ng naaalala ko sa dekadang ito...

Karaoke pa non uso... ung tipong multiplex.

hmmmm.... try to think other additions pa...

ay nga pala dito sa dekadang ito din ba ung mga dance steps ni maricel soriano tulad ng shake body body dancer among others? he he he.... di ko kasi sure eh.
:D

BP_fan23
08.02.07, 04:19 PM
kung mahilig ka pa sumayaw kumanta ng mga hits ng "Menudo" or yung fave movie mo ng 80's yung bagets hehehe

Nikolo De Solo
08.02.07, 04:48 PM
Isa pang sikat noong 80's ay si Astro Boy!

MALOY
08.02.08, 05:28 PM
... tatlong bente-singko lang ang kailangan para sa red na payphone :) If I remember it right, parang naabutan ko pa na apat na dyes ang kailangan.

mazel
08.02.08, 07:08 PM
sinong hindi 80's kid ang hindi nakakaalala sa That's Entertainment? :)

Alexander
08.02.11, 07:09 AM
sinong hindi 80's kid ang hindi nakakaalala sa That's Entertainment? :)

That's Entertainment.... I remember that... more information here... pati mga dating members.... http://www.answers.com/topic/that-s-entertainment-tv-series

Nikolo De Solo
08.02.11, 07:16 PM
Kung napanuod mo ang "Clash of Titans" at iba pang movies sa Betamax!

MALOY
08.02.12, 09:16 AM
you remember - Mazinger Z, Mekanda Robot, Balatak

tuts
08.02.12, 11:50 AM
uhm bow biters...kaypee...mighty kid...hahaha

reagan
08.02.13, 09:00 AM
P1.50 lang yung pamasahe sa jeep noon! hehe....

batutz
08.02.13, 10:42 AM
one thing great bout d 80's is new wave music :)

anya
08.02.20, 01:29 PM
Hi is this thread still alive? Since it's been a couple of years yata since the last time I post here, I’d like to recall the Navotas where I was born and raised having lots of trees of various species which my little nephew and nieces don’t even know about now because they are species rarely seen – the duhat, Mulawin, mabolo, caimito, aratelis trees which lined our compound. I remember running after dragonflies or tutubing karayom and colorful butterflies after lunch before my strict bicolana ate would put me to sleep for my afternoon when I was young.

Naalala ko rin dati yung 1987 meron huge sampaloc tree kung saan yung mga pinsan ko at ako would imagine seeing a kapre or ogre at night:wow:, only to scare ourselves before we went home to our respective houses. There’s something about 80’s that makes me look back at my formative memories mostly happy and pleasant. I'm fixing many 80’s pics and videos now for event next month.:)

thenonhacker
08.02.20, 04:32 PM
THE EIGHTIES LOLZ!!!

- Shaider
- Bioman
- Kapwa Ko Mahal Ko
- Lotlot and Friends
- Channel 14 (Clark Channel)

chamchamsd7
08.02.23, 12:51 AM
I remember during the eighties, lagi kong sinusubaybayan ko sa GMA 7 ang mga cartoons nila, like Flying House, Superbook, Dennis the Menace, at kapag Sabado, ang "Uncle Bob's Lucky Seven Club" tapos sa ABS-CBN, ung "The Real Ghosbusters", at Doogie Howser, MD.,

Minsan din pagprimetime, ginagaya ko sa TV ang Miami Vice, 21 Jumpstreet, at sa RPN 9 naman ang "MacGyver"!

michaela
08.02.26, 03:13 AM
... tatlong bente-singko lang ang kailangan para sa red na payphone :)
According to my nanay my father was just too lazy to line up at the big red PLDT public phone, drop 3 - 25 centavo coins to get a dial tone.

stanleyejr_ph
08.03.06, 10:05 PM
Royco Alphabeth Soup :D

stanleyejr_ph
08.03.06, 10:11 PM
ang mga action movies ni Weng Weng! :)

redsuns25
08.03.08, 03:27 AM
Nanonood ng "Super Inday and the Golden Bibe" at "Kummander Bawang" naalala ko nakuha ko yung Family Computer ko as a B-day gift noong 1987 may kasama pang Super Mario

bluemurdock
08.03.08, 01:26 PM
hmmm... merong chichiriya noon.. Chikidee.. meron libreng laruan sa loob.. sikat pa ang Channel 13.. (life begins at thirteen.. ) whaahaha nyahahahaha.. kapamilya at kapuso.. weh!!.. wala pa yan! bata pako nun.. takot na takot ako sa pinoy thriller kahit commercial lang (hakatakam takaaaam! wahahahha) astro boy at lunch date.. ahahaha..

redsuns25
08.03.08, 01:32 PM
Pag nakikita mo si Harry Gasser sa Evening News ng Channel 9, Si Ate Sienna, Kuya Bodgie, Kuya Ching at Kuya Dwight sa Batibot(OLD SKOOL).

bluemurdock
08.03.08, 01:40 PM
unga nuh! si harry gasser.. nasan na yun?

redsuns25
08.03.08, 01:51 PM
Dunno baka kasama ni Flora Gasser yung asawa na artista, speaking of reporters, naalala ko pa sina Frankie Evangelista, Angelique Lazo, Vice Prez Noli, Korina Sanchez sa TV Patrol. Ang Alam ko lang sa Channel 7 si Tina Monzon Palma.

SA Batibot si Ning ning at Ging ging at Manang Bola, at saka yung kantang "isa, dalawa, tatlo...anim na butiki gumapang sa dilim". :)

bluemurdock
08.03.08, 03:52 PM
movie lines, songs, scenes.. etc.. that remind us of the 80's...

*Isda-da da isda! Isda-da da isda! isda, isda, isdaaa isda.. isda isda isda.. aheheh

*Alagang- alaga namin si putiii.. bakang mataba.. bakang maputi..

*irmadaldal, ging-ging and ning-ning

*Perlas na bilooogg, huwag tutulog tulooog.. sabihin sa akin ang sagot.. ba be biii bo buuuuu...

*sina tito, vic at joey... si aiza at si conneeey.. (2nd version ng eat bulaga theme)

*inday bote, petrang kabayo and barbie (ganda babae..)

*kaya jooohn. magsumikap kaaaaaaaaaaaa!! nang ang buhay mo naman ay umasensooo...

*Dely atayatayan... hudaasss, baraabass, hestass!!

*Aawitaaaan kitaaa... aaawitaaan kitaaa. (armida sigeon reyna wearing a funny looking filipinana dress sa dalampasigan while singing like a mermaid.. palikpik na lang kulang)

*shake body body dancer! shake body body dancer.. shake body body dancer..

*tony tony bobony banana kana popony, pi piay momony.. tony!

*hindi ko na alam kung makakakaya ko pa.. di bale na lang kayaaa... ngunit mahal ko syaaaaa.. di bale na lang.. di bale na lang...

*(do this first: open your palm fold your middle and ring fingers.. place it beside your ear, palm facing forward.. creating an I Love You sign)

Mr. dreambooooyyy.. mr. dreambooy... ako kaya ang nasa isip moo.. mr. dreambooy, mr. dreambooyy.. nyahahahaha

*Eeeeeeyyyeeee to eeeeyyyeeee... saranghamidabo.. (diko alam spell)

*I guess people would agree to this:

"Aswang"... the last part from the trilogy of SHake, Rattle and Roll 2.. Manilyn Reynes slowly crawling down the ladder frm the house.. trying to escape.. while watching Richard Gomez being chopped to pieces.. UGh.. still gives me the creeps..

*chicks to chicks... Nova Villa and Freddie Webb's tandem.. simply a classic.. (honey... shower na tayooo.. ) ahehehe

*Uncle Bob's Lucky Seven Club.. the kiddie show that causes frustration to poor children who cant afford to buy the toys (super duper expensive then!) theyre advertising is another classic..

*Commercials of 3D electiric fans and rice-o-matic of nova villa..

*Seiko seiko wallet.. ang wallet na maswerte.. balat nitu ay ginuayn (genuine).. international pa ang mga design..

*if I am not mistaken.. The Dawn became a hit..
- Salamat...
- Enveloped Ideas

*radio.. radio romance.. radio.. radio romance...

*Electric Youth!.. diko na alam lyrics..

*Susy and Geno's Campus Tour: giving away free button pins and tin can coin banks.. (FAct: *Geno accidentally stepped on my foot and part of my ankle when I was in kindergarten... this started this werid phobia i have on Mascots... ha ha! funny... stop laughin!!)

*Before Boy Abunda.. there was Nap Gutierrez.. Movie MAgazine.. ch. 7..

*I dont know if people remeber this.. Alam ba ninyo yung balitog (Chichacorn) na Sharon and Gaby.. at Maricel and William? ahahah..

*Ice Ice beybeeee.. Nu nu nu nunununu... Nu nu nu nunununu..

*Billy jeaan.. stap mai laab..

*Añejo Rum 65 vs. Purefoods (Jaworski and Patrimonio domnated the PBA hardcourt)

*Yoyo craze of coca-cola.. nauso ang paglalaro sa school.. papalit ka ng tansan.. may libreng yoyo ka na..

*I thought "TOnight with Dick and CArmi" was a variety show televised from a prostitute Night Club.. Im sooorrryy.. I was a kid? give me a break...!

*Mayroon pang mga amerikano dito sa Angeles noon.. so marami ang Spam, Milky way at AIDS (diumano..wahahaha )

*Rene Requiestas

*Kris at 18 and LUv ko si Kris.. (Shows where Kris Aquino was featured.. she couldn't act then... Didnt improve much after 15 years either)...

*80's Movie: The cast would think of going to the beach.. then they dance to cheesy tunes while extras dance along with the cast.. Lots of ballons, confetti and beachballs.. then the villains suddenly think of going to the same beach and then the chase starts again.. (admit it.. we found this normal back then!!)

*Sarsi Manuel, Pepsi Paloma and Mirinda *sumthin.. (LAte 70's to early 80's I heard)

*Betamax.. a must in every household..

*Kuya Germs judges the Tuesday Group as the winner.. almost every saturdays in That's Entertainment... (Im sure yung mga fanatics talaga nina Tina PAner, Sheryl Cruz, Isabel Granda, etc.. kokotra nito.. )

*Julie VEga.. though I wasnt really aware yet of her existence since I was too young.. I remember our maid crying over sumthin she read in the newspaper.. baka yun... nyahahaha

*Together Forever.. and ever ...

*Lotlot and Friends was a show that showcases striving stars back then.. who ended up portraying Mother roles at present..

*Carebears countdown.. 5 4 3 2 1..

*NIckelodeon.. Pinwheel.. You cant do that on Television, Double Dare, Finders Keepers, Mr. Wizard's World (yung may mga scietific experiments?)

*The common mode of transport.. the Love Bus.. (meron pa ba nito?)

*Bazooka bubble gum.. may libre comics sa loob... Big Boy, TExas and Caramel...

*La nako maisip..a hehehehe

manoiskee
08.03.09, 12:00 AM
wVHJ0Xs3Fcc

Sugarhigh
08.03.12, 12:52 PM
Thanks for the video, manoiskee - any chance you know where there is one of the Voltes V intro?? Ayan yung tunay na kid of the 80's!!! :D

Alexander
09.07.09, 09:46 AM
For sure you have witnessed the Michael Jackson Era

herald
09.07.10, 12:42 PM
http://images.chiepascual.multiply.com/image/1/photos/83/1200x1200/19/IMG-5551.JPG?et=ssPxG8K%2Cpw6IIit3RCYDCg&nmid=249024787

Alexander
09.07.10, 01:23 PM
Napanood nyo dati ang mga spoof ng video ng King of Pop

http://www.youtube.com/watch?v=fqz1ojIQTBk
http://www.youtube.com/watch?v=HyfcOriVKBM

reksuyah
09.07.13, 12:24 AM
hmmm... merong chichiriya noon.. Chikidee.. meron libreng laruan sa loob...


chikadee ata yun... ibaibang toys makukuha sa loob. naalala ko yung rubber toys na nagstretch at dumudikit sa wall..

movie lines, songs, scenes.. etc.. that remind us of the 80's...

*Isda-da da isda! Isda-da da isda! isda, isda, isdaaa isda.. isda isda isda.. aheheh

*Alagang- alaga namin si putiii.. bakang mataba.. bakang maputi..

*irmadaldal, ging-ging and ning-ning

*Perlas na bilooogg, huwag tutulog tulooog.. sabihin sa akin ang sagot.. ba be biii bo buuuuu...



"Ako ang kapitbahay, kapitbahay niyo, laging handang tumulong sa inyo..."

"Alin, alin, alin ang naiba?, isipin kung alin ang naiba"

Siyempre ang opening song "Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot, sa Batibot"

i miss Batibot...

movie lines, songs, scenes.. etc.. that remind us of the 80's...

*Sarsi Manuel, Pepsi Paloma and Mirinda *sumthin.. (LAte 70's to early 80's I heard)


hoy BM, "i heard" ka pa dyan ah, hahahah...

czyre
09.07.13, 06:38 AM
Pag alam mong mag-running man - step ng "Mga Kababayan Ko" ni Francis M. Hehe...

"Ako ang kapitbahay, kapitbahay niyo, laging handang tumulong sa inyo..."

"Alin, alin, alin ang naiba?, isipin kung alin ang naiba"

Siyempre ang opening song "Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot, sa Batibot"

i miss Batibot...

Meron din yung,"Pagsama-samahin ang pare-pareho. Ang magkakatulad ay ating i-grupo." :P

kasparov23
09.07.13, 12:34 PM
Pag alam mong mag-running man - step ng "Mga Kababayan Ko" ni Francis M. Hehe...

Waaahhh!!! Me song and dance number ako nung 8 yrs. old sa family reunion namin dati... Mga Kababayan Ko at may step na running man!!!

Tumatanda na tayo!!!! :P

Bien
09.07.13, 05:42 PM
80's?...new wave songs! yan ang inspirations ko in arranging mass songs :) in my opinion, mas maganda and unique ang mga areglo ng 80's songs compare nowadays.

czyre
09.07.13, 08:39 PM
Waaahhh!!! Me song and dance number ako nung 8 yrs. old sa family reunion namin dati... Mga Kababayan Ko at may step na running man!!!

Tumatanda na tayo!!!! :P

Nyahaha... Ako rin! Mga ganung age din ako noon. Sa buong chorus nung kanta running man lang ang step namin LOL tapos dun sa part na rap may show-down, ang tinurong step sa akin yung "scissors" LOL Yung parents ko naman tuwang-tuwa ahahaha...

kasparov23
09.07.14, 08:26 AM
Nyahaha... Ako rin! Mga ganung age din ako noon. Sa buong chorus nung kanta running man lang ang step namin LOL tapos dun sa part na rap may show-down, ang tinurong step sa akin yung "scissors" LOL Yung parents ko naman tuwang-tuwa ahahaha...

Alam ko din yan hahaha... Yan yung pati kamay mo eh kasama sa step na parang nagugupit lang hahahaha... Hayyy... How time flies talaga...

:)

czyre
09.07.14, 08:49 AM
ROFLMAO Oo yun nga yun! Hahaha... May ka-era pala ako dito ahihi... So malamang naabutan mo din yung "Ice, ice baby!" :P

Coolwaters
09.07.14, 09:01 AM
Naabutan ko yun Czyre... :)

kasparov23
09.07.14, 09:06 AM
ROFLMAO Oo yun nga yun! Hahaha... May ka-era pala ako dito ahihi... So malamang naabutan mo din yung "Ice, ice baby!" :P

Vanilla Ice!!! Oo naman hahaha... pati get up nun dati ginaya pa namin ng mga barkada ko nung elementary habang kumakanta ng "All right stop collaborate and listen..." Hahaha...

Ayos na yun kesa naman "Grease Days" diba hahahaha...

:D

czyre
09.07.14, 09:15 AM
Naabutan ko yun Czyre... :)

Ikaw rin?! LOL

Naalala ko rin, noong bata pa ako madalas panoorin ng mga katulong namin yun "Panday" kami ng mga kapatid ko walang choice kelangan din namin makinood. Sikat din noon yung cartoons na "Smurfs"

O siya tama na, masyado ng obvious edad natin. Nakakahiya naman sa mga mas-bata LOL

Coolwaters
09.07.14, 09:45 AM
Smurfs!!! Hahaha!!! Isama mo na ang "Time space warp, ngayon din!"
At saka He-man at Shera... LOL

Alexander
09.07.14, 11:03 AM
Tsaka alam mo rin na dalawa ang grupong Milli Vanilli...
Isang nagli-lipsync (http://en.wikipedia.org/wiki/Milli_Vanilli)at isang yung totoong kumakanta (http://en.wikipedia.org/wiki/The_Real_Milli_Vanilli)....

Teka 90's na yata yun.... tama ba?

Edit:
Tama, nagsimula nga sila ng late 80s
http://en.wikipedia.org/wiki/Milli_Vanilli

czyre
09.07.14, 11:25 AM
Smurfs!!! Hahaha!!! Isama mo na ang "Time space warp, ngayon din!"
At saka He-man at Shera... LOL

Shaider! Hahaha... Palagi namin nilalaro yan ng mga kapatid ko, ako si Annie at dapat palaging naka-mini skirt na yellow.LOL Pero mas gusto ko yung BIOMAN. Ako naman si Pink 5 Ahehehe...

allen lucas
09.07.14, 11:54 AM
Nagkakabistuhan na talaga ng edad dito, ako ang naalala ko ay yung voltron lion at voltron vehicles and dont forget the animated version ng Transformers.

czyre
09.07.14, 12:02 PM
Siyempre kuya Allen, pinapanood ko din yan noon. Tatlo kaya kapatid kong lalake kaya wala akong choice hahaha... Akala nga ng nanay ko magiging tomboy ako eh kasi pati sa mga kapitbahay puro lalake mga kalaro ko. PERO, naglalaro kaming lahat ng lutu-lutuan. Kunwari may carinderia ako tapos sila bibili sa akin, ang pera namin noon candy wrappers. Pag STORCK (green) P5.00, pag VIVA (brown) P10.00, pag WHITE RABBIT (blue print) P2.00 (binabenta pa ba yang mga candy na yan ngayon?). Papel pa ang dos noon tapos nasundan nung hexagon na coin.

allen lucas
09.07.14, 12:06 PM
Naalala ko din yung mga pera na yun gamit ang mga candy wrappers.

Coolwaters
09.07.14, 12:16 PM
...ang pera namin noon candy wrappers. Pag STORCK (green) P5.00, pag VIVA (brown) P10.00, pag WHITE RABBIT (blue print) P2.00 (binabenta pa ba yang mga candy na yan ngayon?). Papel pa ang dos noon tapos nasundan nung hexagon na coin.

Parang WHITE RABBIT na lang yata... ang VIVA di ko na nakikita... Ang STORCK pinalitan yata ang pangalan noong late 90s dahil sa issue ng lead poisoning...

mahilig akong mangolekta ng dos na hexagon noon... hehehe...

kasparov23
09.07.14, 12:51 PM
Bistuhan na ito!!! Ang naka-adikan ko namang laruan noon eh tex (tama ba spelling?) Yung small cards na minsan mga scenes sa komiks ang nakadrawing... Minsan naman scenes sa sikat na pelikula (Darna, Dyesebel, Oro, Plata, Mata). Marami ako nun... Kahon-kahon... Pwede mo pa ibenta ng dos isang dangkal wahahaha... At syempre avid fan ng Pinoy Komiks featuring Astrobal, Boyoyoy, Captain Barbell atbp. Syempre pati na rin Funny Komiks na pinakikita ang pakikipagsapalaran ni Astrokat at ang masayahing si Niknok hahahaha....

:D

allen lucas
09.07.14, 12:54 PM
nakakamiss yung Funny Komiks, marami din ako nun dati.

ryanestandarte
09.07.14, 02:15 PM
Naalala ko nung 80s yung WWF na sobrang napaniwala akong namatay si Ultimate Warrior dahil sa mga tali sa braso. LOL

80s din nauso yung Play Doh Fun Factory na sobrang kong hinahangad na magkaroon. :(

Alexander
09.07.14, 02:39 PM
Hindi nga ba namatay? Diba news yun talaga?

Coolwaters
09.07.14, 02:53 PM
Buhay pa po siya! :)

Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Ultimate_Warrior

Alexander
09.07.14, 02:54 PM
Dami kasing ka dramaha sa WWE / WWF.. tsaka wala pa yatang google at wikipedia noon. :P

Coolwaters
09.07.14, 03:04 PM
Oo nga... Natatandaan ko dati noong grade 2 ako may dalawa akong kaklaseng nagsuntukan dahil nagtalo sila kung totoo ba ang mga laban sa wrestling noon o hindi... LOL

Ako naman, hindi makarelate kasi wala kaming kuryente noon from grade 2 - 3, grade 4 na ako noong nagkakuryente kami... :)

czyre
09.07.15, 06:20 AM
Speaking of kuryente... Hindi related sa kuryente sasabihin ko.LOL

Black and white pa ang TV namin noon saka walang remote... de-ikot pag ililipat yung channel.

Tay, pinaalala mo sa akin kahapon, yung OKAY KA FAIRY KO, madalas anmin panoorin noon.

Coolwaters, naabutan mo rin ba yung 1 centavo na square? hehehe... Si lapu-lapu yata yung andun e.

Coolwaters
09.07.15, 07:39 AM
Oo naabutan ko yun! Pero di na siya masyadong ginagamit noon. Natatandaan ko di na siya tinatanggap sa mga sari-sari noon...

Ang pinakanatandaan ko ay yung 10 centavo coin na puti at masyadong magaan... Parang Pandaka pygmaea yata ang isda doon... :D

czyre
09.07.15, 08:09 AM
Meron din yung 5 centavos, si Melchora Aquino yata yun.

Ang candy noon 10 cents lang, ang coke P2.50 lang. Pamasahe sa jeep naabutan ko yung P1.00 hehehe...

kasparov23
09.07.15, 08:14 AM
Meron din yung 5 centavos, si Melchora Aquino yata yun.

Ang candy noon 10 cents lang, ang coke P2.50 lang. Pamasahe sa jeep naabutan ko yung P1.00 hehehe...

Yung candy naabutan ko Kkso parang ang coke noon 5 pesos na ata... P1.50 na rin ang naabutan kong pamasahe hehehe...

:D

rammstein
09.07.15, 08:15 AM
nakakamiss yung Funny Komiks, marami din ako nun dati.

hehehe. favorite ko si Niknok na mahilig sa manok, saka Planet Opdi Eyps. LOL

czyre
09.07.15, 08:17 AM
Hahaha... so mas matanda ako ganon?!LOL Oh well, ang baon ko lang saschool noon P5.00 hehe... Nakakatuwa naman 'to... Reminiscing is always good. Nakakawala ng pagod.

kasparov23
09.07.15, 08:56 AM
Hahaha... so mas matanda ako ganon?!LOL Oh well, ang baon ko lang saschool noon P5.00 hehe... Nakakatuwa naman 'to... Reminiscing is always good. Nakakawala ng pagod.

Di naman po ahehehe :P Nung bata kasi ako naka service ako papasok... High school na ako natutong mamasahe kaya cguro 1.50 na naabutan ko ahehe... Nakaka-miss lang tlaga especially highschool days... Masaya noon... Yun nga lang andami parating nag-rarally... People Power time.. Aw nabuking ata edad ko hahahaha....

:D

allen lucas
09.07.15, 10:03 AM
Speaking of kuryente... Hindi related sa kuryente sasabihin ko.

Black and white pa ang TV namin noon saka walang remote... de-ikot pag ililipat yung channel.

Tay, pinaalala mo sa akin kahapon, yung OKAY KA FAIRY KO, madalas anmin panoorin noon.


At wag iikot ng pacounter clock wise yung pihitan ng tv, baka masira, gawain ko kase yun nung bata ako at palagi akong napapagalitan. "Prinsipe K asan ka" hehehe biglan ko tuloy naala ang "Okay ka Fairy ko" crush ko pa nga si Faye nun eh :heart:

titopao
09.07.15, 10:05 AM
at wag iikot ng pacounter clock wise yung pihitan ng tv, baka masira, gawain ko kase yun nung bata ako at palagi akong napapagalitan. "Prinsipe K asan ka" hehehe biglan ko tuloy naala ang "Okay ka Fairy ko" crush ko pa nga si Faye nun eh :heart:

Sinong Faye, si Alice Dixson o si Tweety de Leon? :P

@kasparov: Naabutan ko rin yung P1.50 na pamasahe sa jeep, at malaki pa ang piso noon. Pero nasa grade school pa lang yata ako noon :P

allen lucas
09.07.15, 10:09 AM
Si Alice Dixson yun pao.

czyre
09.07.15, 10:13 AM
At wag iikot ng pacounter clock wise yung pihitan ng tv, baka masira, gawain ko kase yun nung bata ako at palagi akong napapagalitan. "Prinsipe K asan ka" hehehe biglan ko tuloy naala ang "Okay ka Fairy ko" crush ko pa nga si Faye nun eh :heart:

Parang may pagkakahawig kayo ni prinsipe K kuya allen... Yung mahabang tenga nalang ata ang kulang.LOL Makahanap nga sa google hehehe...

titopao
09.07.15, 10:17 AM
Hehehe...I have to agree, sobrang memorable yung time na si Alice Dixson pa yung gumaganap na Faye. Wala pa ring tatalo sa original cast members ;) Kristine Hermosa as Faye in the new movie versions just doesn't cut it, she's struggling under the shadow of her predecessor/s. Yun lang talaga ang pitfalls ng remakes/sequels.

Isa pang 80's moment ay si Rick Astley. Hindi pwedeng mawala sa airwaves yung mga kanta n'ya ("Never Gonna Give You Up" at saka "Together Forever").

Soudntrack na rin lang pinag-uusapan...New Wave!!! 8)

Coolwaters
09.07.15, 10:39 AM
Hehehe... 80's music... We Built This City at saka Together in Electric Dreams... at ang isa sa mga pinakaunang English songs na namemorize ko: Nothing's Gonna Change My Love for You...

At sikat na sikat din noon yung theme ng 1988 Seoul Olympics.. Hand in Hand...

titopao
09.07.15, 10:44 AM
At sikat na sikat din noon yung theme ng 1988 Seoul Olympics.. Hand in Hand...

LOL Oo nga...all together now ;)

Hand in hand we stand
All across the land
We can make this world a better place in which to live
Hand in hand we stand
Start to understand
Breaking down the walls that come between us for all time
Ari Rang

;)

czyre
09.07.15, 10:46 AM
Di ba 80's din anuso yung From a Distance saka If We Hold On Together? Kasi parang yun lang ang natatandaan kong kinakanta ko nung bata pa ako.

kasparov23
09.07.15, 11:40 AM
Kami naman eto ang madalas... Me song and dance number pa ang section namin nito nung Grade 3... (di ko nga lang sure kung 80's talaga ang song na ito)

YESTERDAY'S DREAM

We are the children of yesterday's dream
We are the promise of the future we bring
Waving the banner of love to all
To every nation the rich and the poor

We are the world of the restless and young
And we need a hand to guide us
Helping each other, build each other
As long as we're together you and me

For together we stand, divided we fall
Together we climb to the top of the world
We can be what we want for the world to see
That we are the children of yesterday's dream

We have the yearning to do what is best
Be someone special from all of the rest
Nation and brothers in unity
Building tomorrow for you and for me

Iba iba pa ang costume namin niyan... Me doktor, abogado, engineer, atbp. Ako astronaut... Nag-rent pa talaga kami dahil kung hindi eh maglulupasay ako sa sahig hahaha... :D

czyre
09.07.15, 11:45 AM
Kinanta din anmin 'to. Ganyang-ganyan din ginawa namin sa school noon. Pero ang suot namin e costume ng iba-ibang bansa. Ang costume ko noon baro't saya. Hehe...

Coolwaters
09.07.15, 11:50 AM
Hehehe... Jolina! Member dati ng 14K... At si Von Arroyo... Yung Diction teacher sa PDA... LOL

silveryellow
09.07.15, 12:42 PM
Hmm, di na yata 80's yon?

ryanestandarte
09.07.15, 03:02 PM
Hindi nga ba namatay? Diba news yun talaga?

I know. Tsaka imposible na mangyari yun noh. Hahaha!!!

Speaking of Alice Dixon, naalala ba ninyo yung TV Show dati ni Alma Moreno na nagsasasayaw siya? Hehehe!!!

silveryellow
09.07.15, 03:25 PM
Loveli-Ness or Lovely Ness? yong lagi syang naka...?
Diba si Alice Dixson, unang lumabas sa I can feel it shampoo commercial? :P

ryanestandarte
09.07.15, 05:22 PM
yun nga yun. hahaha!!! ang ganda nga niya noon.

silveryellow
09.07.15, 05:44 PM
si Alma o si Alice? :P

titopao
09.07.15, 05:47 PM
Baka naman pareho :P hehehe

Meron akong naalalang commercial ng Jollibee na may jingle. Hanggang ngayon kabisado ko pa rin yung lyrics and melody n'ya:

Ang hirap namang umakyat ng ligaw,
Parang gusto ko na'ng ma-ice cream at matunaw.
Ang nanay, ang tatay, lahat nagbabantay.
Hinding-hindi ko mahipo ang dulo ng kamay!

Tapos yung gumanap yata na tatay dun sa commercial ay si Pocholo Montes, yung character actor na palaging gumaganap na abugado, judge, lolo or schoolteacher :P

Di ko matandaan kung 80's yung Jollibee commercial na "Jennifer". (You know, "Nasaan si Jennifer?!?" :P )

silveryellow
09.07.15, 05:58 PM
Jollibee ba yong Jennifer?? Yon ba yong may Bulak? :P

ryanestandarte
09.07.15, 06:01 PM
si Alma o si Alice? :P

Si Alice e pretty niya talaga. Iba naman yung kay Alma. Hahaha!!!


Di ko matandaan kung 80's yung Jollibee commercial na "Jennifer". (You know, "Nasaan si Jennifer?!?" :P )


80's din yun. Hahahaha!!! Yung manika noh?

Btw, what ever happened doon sa girl na yun? Just wondered lang. :D

rammstein
09.07.15, 06:31 PM
Jollibee ba yong Jennifer?? Yon ba yong may Bulak? :P

90's na yata yan, silveryellow and ryanestandarte. it was 1992 when i first joined a choir outside school. may ka-choir kami na jennifer, yan ang pang-asar namin, hehehe. the commercial was still fresh then. :D

ryanestandarte
09.07.15, 06:42 PM
90's na yata yan, silveryellow and ryanestandarte. it was 1992 when i first joined a choir outside school. may ka-choir kami na jennifer, yan ang pang-asar namin, hehehe. the commercial was still fresh then. :D

Ganun? Baka mga late 80's or early 90's I guess. Hehehe!

silveryellow
09.07.16, 05:48 PM
@ ryanestandarte: Di na siguro kelangan itanong kung napanood mo ang launching movie nya... ni Alice :P

ryanestandarte
09.07.16, 06:14 PM
Mukhang hindi ko na maalala.

familia singles
09.07.16, 07:23 PM
Ewan ko kung naaalala nyo pa yung singing group na Menudo. Diyan nagsimula si Ricky Martin... Meron pa ngang couple of songs sila ni Lea Salonga before she made it big in London's West End. Grabe talaga ang 80s. Da Bes!

ernanibaetiong
09.07.17, 03:17 PM
Takot ka sa gatas dahil sa Chernobyl LOL

czyre
09.07.17, 04:15 PM
Oist nani! Anong Chernobyl? Nakikita mo ba yung title ng thread na to? Kid of the 80's sabi... Gawa ka ng thread mo na pang 60's di ka pwede dito! ROFLMAO Joke... Di nga, ano yung Chernobyl? Hehe...

titopao
09.07.17, 04:39 PM
Di nga, ano yung Chernobyl? Hehe...

It was one of the worst and deadliest nuclear explosions in history (http://en.wikipedia.org/wiki/Chernobyl_disaster). Nangyari ito noong April 1986...siguro, lango pa rin sa People Power ang mga Pinoy, kaya hindi ito masyadong napansin sa Pinas.

Kung di ako nagkakamali, sa sobrang grabe ng aksidenteng ito, nage-emit pa rin ng radiation ang sumabog na nuclear power plant hanggang sa ngayon :worried:

czyre
09.07.17, 04:45 PM
1986? Ah... Di pa yata ako nag-aaral nun. Kaya naman pala si Nani lang ang nakakaalala LOL

ryanestandarte
09.07.17, 05:01 PM
ako e hindi ko na maalala. hehehe!!!

ernanibaetiong
09.07.17, 05:02 PM
Hahaha LOL

Napansin ko lang pag di ako naka-login nayayari ako ah LOL

silveryellow
09.07.17, 05:11 PM
Mukhang hindi ko na maalala.

Yong sirena sya :P

Jon2
09.07.17, 05:21 PM
Speaking of Alice, di ba sya yung napabalitang muntik nang kinain ng sawa sa isang mall?

silveryellow
09.07.17, 05:33 PM
na paninira lang ng kalaban na mall...

allen lucas
09.07.17, 08:09 PM
ang paborito nating mga bata nung 80's

http://www.slashfilm.com/wp/wp-content/images/zz2365a7b2.jpg

rammstein
09.07.18, 03:24 AM
ako binibili ko yung mga red na generic chewing gum balls... saka yung lala chocolates! hehehe.

and who would forget starkist... cheezels and chikadees... chocolait na nasa glass bottles... :D

ryanestandarte
09.07.18, 11:34 AM
Yong sirena sya :P

Diyesibel yata yun. :D

kasparov23
09.07.18, 12:12 PM
ang paborito nating mga bata nung 80's

http://www.slashfilm.com/wp/wp-content/images/zz2365a7b2.jpg

Ang Bubble Gum na kahit ilang oras mo nang nginunguya lumolobo pa rin... Me free comics pa sa loob!!! Hahaha...

:D

titopao
09.07.18, 12:28 PM
I miss Bazooka Bubble Gum :p sayang wala na yata ngayon n'yan sa mga supermarkets :(

Alexander
09.07.18, 01:52 PM
Me contest pa nga nito noon sa Eat Bulaga... palakihan ng baloon sa bazooka bubble gum.

prinze
09.07.18, 02:03 PM
hahahaha. may comics pa yan sa loob eh.

czyre
09.07.18, 08:23 PM
Ay... may kaklase ako noon dinikit yung bazooka sa buhok ko. E ang buhok ko noon hanggang bewang, yung bubble gum malapit na sa anit ko. Kung anu-ano nilagay ng nanay ko sa buhok ko para matanggal - shampoo, langis, gaas pero di natanggal kaya ginupit nalang yung buhok ko. Kaya parang tinubuan ako ng bangs sa likod ng ulo ko noon.LOL May nakikita pa akong bazooka sa stores, iba na nga lang ang packaging nila. Naalala ko noon, pag wala ng lasa yung bazooka ko, sinasawsaw ko sa asukal para magkalasa ule LOL

Bubble gum na rin lang ang pinag-uusapan, meron din yung BIG BOY. (Small, Big and Big Big hehe..) Kaya lang, yun yung gum na pag wala ng tamis matigas na rin.

PEPSODENT. Yun ang toothpaste namin noon.Di ko alam kung bakit biglang nagdisappear yun pero mas mabenta yun noon kesa Colgate. Meron din yung shampoo na ALOE VERA na si Alice Dixson ang model. Yung "I swear! Kumapala ang buhok ko!"LOL

allen lucas
09.07.18, 09:04 PM
Me contest pa nga nito noon sa Eat Bulaga... palakihan ng baloon sa bazooka bubble gum.

naalala ko din na may kakaibang panukat ang eat bulaga para lang sa lang sa contest na yun.

ernanibaetiong
09.07.18, 10:49 PM
"I swear! Kumapal ang buhok ko!"LOL

I'm sure natatandaan mo rin ang Gee, your hair smells terrific. Sobrang bango talagang shampoo ito, sobrang bango nagkaroon ng joke tungkol dito which involved a midget in an elevator LOL

Ipares mo na rin ang sabong Irish Spring na hinihiwa ng swiss knife-kung bakit nga ba eh hindi ko na matandaan LOL

rammstein
09.07.19, 02:00 AM
...Ipares mo na rin ang sabong Irish Spring na hinihiwa ng swiss knife-kung bakit nga ba eh hindi ko na matandaan LOL

LOL grabe, naaalala ko pa rin ang commercial na ito! LOL
kaya raw hinihiwa ng knife yung soap, eh para ipakita na yung striped colors nung soap eh hanggang loob, na hindi lang sya coloring sa ibabaw... :D

teka, parang ang tanda ko na, ah... kuwento lang ito ng nanay ko. hehehe. :D

ernanibaetiong
09.07.19, 07:05 AM
ram umamin ka na kasi, kunwari tayo-tayo lang nakakabasa LOL

marami pa akong naaalala na parang dun lang namayagpag sa panahong yun, aqua net, padded shoulders sa girls, mighty kid. yung Subas naalala nyo pa ba? yung snack na pahaba 2 sa isang balot? ahehehe

and dun sa mga junkfood na may prize sa loob, ang pinaka-jologs ay yung E.T., 25 cents lang ang isa LOL

czyre
09.07.19, 04:28 PM
Ang naalala kong junk food na may prize yung ZOOM ZOOM, nakakuha ako noon ng piso sa loob hahaha... Nani Ang naabutan ko na presyo noon piso, hindi mo talaga era ang 80's. Magbuo kayo ng thread ni rammstein na 60's LOL Wala lang...

ernanibaetiong
09.07.19, 08:43 PM
oi neng di nga, totoo yun noh 25 cents lang talaga. pamasahe nga sa jeep naabutan ko pa yung 50 cents eh. naging piso nung may major oil crisis tapos bumaba sa 75 bago naging piso ulit. 80's kaya yun...ahahaha defensive LOL

Sa halagang piso rin nun mabibili mo na ang softdrinks mong pop, cheers at sarsi. hahaha natatandaan ko dahil tambay ako sa tindahan ng lola ko nun.

And mind you nung yumao sya nung 2006, di pala sya nagtaas sa paupa nya sa bahay mula nung early 80's, kaya may umuupa pala sa kanya dati ng lumang bungalow na yari sa kahoy sa halagang Php 75.00 lang kada buwan LOL

rammstein
09.07.20, 02:04 AM
...pamasahe nga sa jeep naabutan ko pa yung 50 cents eh. naging piso nung may major oil crisis tapos bumaba sa 75 bago naging piso ulit...
naalala ko nga yan! hehehe. ganyan pamasahe ko papasok ng school... LOL

Sa halagang piso rin nun mabibili mo na ang softdrinks mong pop, cheers at sarsi....
don't forget yung iba-ibang flavors ng Fanta. :D

prinze
09.07.20, 07:28 AM
Naku, nagkakabistuhan nah. 1.50 na yung inabot kong pamasahe eh. :D

Coolwaters
09.07.20, 08:11 AM
Ngayong umaga, napatugtog sa jeep yung High Energy na kanta... Mr. Google said na si Evelyn Thomas ang kumanta...

Naalala ko bago naging uso ang mga birit songs ni Regine in the 90's yung High Energy ang isa sa palaging kinakanta sa mga singing contest noon sa barangay namin... :)

Alexander
09.07.20, 09:19 AM
oi neng di nga, totoo yun noh 25 cents lang talaga. pamasahe nga sa jeep naabutan ko pa yung 50 cents eh. naging piso nung may major oil crisis tapos bumaba sa 75 bago naging piso ulit. 80's kaya yun...ahahaha defensive LOL




Nani... mukhang magka age yata tayo :)

ernanibaetiong
09.07.20, 09:53 AM
So kaka-18th birthday mo lang din kuya? LOL

1234

@prinze-sige, kunwari naniniwala ako...hahahaLOL

Alexander
09.07.20, 10:00 AM
Pang ilang 18th ba ang tanong... hehehehe LOL
Actually, pamangkin ko ang 18th ngayon, debut nya ;)

Eto pa.... nung 80's ang jeep noon animan lang ang isang side? Max na yun, kasi ang mga jeep noon, limahan lang yata.

titopao
09.07.20, 10:05 AM
Meron pa din yatang mga ganong jeep, pero nakikita ko na lang sa ilang mga provinces. Dito sa Metro Manila, considered maliit na yung jeep kapag waluhan lang sa magkabila ang kayang isakay :P

Alexander
09.07.20, 10:36 AM
Grabe lang kasi minsan waluhan or sampuan na yung jeep, nagpapasabit pa sa estribo ang mga driver. Kawawa naman ang me ari ng jeep.

Minsan kawawa din ang mga Mayor at MMDA, kasi dahil sa sobrang overloaded na ang mga sasakyan (for the benefit of the non technical; meaning yung axle load o yung timbang ng isang pares ng gulong ng jeep ay sobrang laki na) at nasisira na ang mga kalsada at mga tulay.


Tsaka noon in the 80's pag nagbayad ang isang pasahero... Mama bayad po... ipinapasa ng mga mas malapit sa driver... ngayon nagtutulugtulugan para di maipasa sa kanya LOL

Isa pa, in the 80's nauso din yung pagandahan ng design ng interior ng jeep... ceiling / sound system, tapos me jalousie pang window at disco lights LOL

titopao
09.07.20, 10:40 AM
And speaking of the 80's...wala pang MMDA noon, ang meron lang ay ang Metro Manila Commission (est. 1975 by Apo Macoy) kung saan si Imelda Marcos ang s'yang pinakaunang Governor of Metro Manila :P

1995 pa nagkaroon ng MMDA sa ilalim ng panunungkulan ni El Tabako. Bago nito, nilikha naman ni Tita Cory ang Metro Manila Authority na s'yang ipinalit n'ya sa MMC :)

ryanestandarte
09.07.20, 10:57 AM
Di ba 80s din na nagkaroon ng double decker na bus? Namiss ko bigla yun everytime na may napapanood ako mga movies na may bus na double decker. :D

titopao
09.07.20, 11:00 AM
Tapos yung ibang double-decker na buses, painted blue at meron pang mga designs na "I (heart) Bus" ;)

Alexander
09.07.20, 11:03 AM
MMTC Buses yata yun... Yung Love Bus?

titopao
09.07.20, 11:06 AM
Yon, mismo, Love Buses ;)

Alexander
09.07.20, 11:09 AM
Mahal ng ticket sa Love Bus, yun pa lang kasi yata ang airconditioned bus noon e.

Tsaka di pa bawal yung smokers sa Aircon Buses nun... kakainis, paglabas mo, amoy yosi ka na >:(

tweetit_fs97
09.07.20, 11:26 AM
natatandaan ko nung 80's... maraming magagandang songs ang naglabasan...

ryanestandarte
09.07.20, 03:57 PM
Tapos yung ibang double-decker na buses, painted blue at meron pang mga designs na "I (heart) Bus" ;)

Di ba yung love bus e single decker lang yun? Nakikita ko na lang siya lately na biyaheng FTI e.

still
09.07.20, 06:20 PM
the sun comes out tomorrow.... nananananana...

yung mga Disney cartoons like Bambi, Dumbo,... :)

Coolwaters
09.07.20, 08:07 PM
idagdag mo sa non-disney ang Smurf, Tiger Cats at Visionaries... :)

OT. @ Kuya Alex, nagulat ako sa avatar niyo... Ibang-iba na ngayon si Mang Paquito... :(

Alexander
09.07.21, 10:19 AM
Oo marami syang Pelikula noong 80's laging kasama si FPJ...
I heard he's now in Daraga, Albay. Dahil nagkasakit sya, nagka benta benta ang mga properties nya...

titopao
09.07.21, 10:23 AM
Na-interview pa nga sya sa Rated K noon. Nagkaroon ng mild stroke at na-coma ng ilang buwan. Dahil sa laki ng mga gastusin, kailangan talagang ibenta ang mga properties na pinag-ipunan ng ilang taon. Nakikitira s'ya ngayon doon sa mga kamag-anak ng kanyang maybahay sa Albay.

Ibang-iba sa nakasanayan nang itsura nya ng mga manonood noong kasikatan ng mga pelikula nya noong 70's, 80's at 90's. Wala na ang trademark na bigote, at nangangyayat na ngayon :(

Alexander
09.07.21, 10:35 AM
Kaya its best to remember him in his active days at ang kanyang contribution sa Philippine Movie Industry.

ryanestandarte
09.07.21, 10:52 AM
Kaya its best to remember him in his active days at ang kanyang contribution sa Philippine Movie Industry.

Sino ito? Si Pacquito Diaz?

Yes - Alexander

titopao
09.07.21, 10:52 AM
Mga cartoons na naaalala ko pa in the 80s:

* Rainbow Bright
* Care Bears
* He-man at She-ra (magkaibang cartoons, pero madalas na naggi-guest appearance sa bawat isa :P )
* Inspector Gadget
* Duck Tales (Disney)

ryanestandarte
09.07.21, 10:55 AM
* He-man at She-ra (magkaibang cartoons, pero madalas na naggi-guest appearance sa bawat isa :P )

...na ginawang He-ra yata before ni Joey de Leon. Nyahaha!!!

titopao
09.07.21, 10:59 AM
...na ginawang He-ra yata before ni Joey de Leon. Nyahaha!!!

Nyahahahaha LOL

And speaking of...Joey de Leon and Rene Requiestas tandems ;)

ernanibaetiong
09.07.21, 11:04 AM
Chitae! ahehehe LOL

titopao
09.07.21, 11:10 AM
LOL Naalala ko yung skit na Chitae dati sa isang kabundukan (can't remember the movie), parang ganito:

Chitae: Chitae! Chitae!
Echo: Chitae! Chitae! (e) (e) (e)
Chitae: Chitae ganda lalaki!
Echo: Sinungaling! Sinungaling! (ing) (ing) (ing)

LOL

Meron din silang tandem na ginaya nila si Elvis Presley at James Dean, ang name yata nila doon ay Elvis Presto at James Din :P

ryanestandarte
09.07.21, 11:15 AM
Classic talaga. Nyahahaha!!!

ernanibaetiong
09.07.21, 11:20 AM
Di ba si Rene Requiestas din si Tonton?

Long Ranger and Tonton ba yun? Hehehe LOL

titopao
09.07.21, 11:25 AM
Hahaha...naglabasan na mga tunay na edad ng mga tao dito LOL Yup, it was Long Ranger and Tonton.

Sayang at namayapa na si Rene Requiestas. I think namamayagpag noon ang mga pelikula n'ya noong kasikatan n'ya, parang si Dolphy lang yata ang kayang tumapat sa kanya sa takilya.

Syempre, pag may 80's, hindi rin pwedeng mawala ang TVJ---Tito Vic and Joey ;)

Sino dito ang nakakaalala pa ng TODAS? :P

ernanibaetiong
09.07.21, 11:27 AM
Hindi ko na naaalala ang TODAS titopao- Val Sotto, Maribeth Bichara, Spanky Rigor LOL

Coolwaters
09.07.21, 01:21 PM
Hehehe... Todas nga! Hehehe... Variety shows... Naalala ko "Superstar"... Di ako sure kung 80s nagstart ang "Vilma"... Kasi 90s noon, napapanood ko pa... :)

Alexander
09.07.21, 02:18 PM
Kalaban noon ng TODAS yung show nila Subas Herrero at Noel Trinidad, kung saan din na discover si Tessie Tomas (as Amanda Pineda ng PAG-A-SAA)...

Tanda nyo ba ang show?
champoy
http://www.imdb.com/title/tt0479320/

czyre
09.07.21, 02:38 PM
Ay... Bakit di ko na naiintindihan mga pinag-uusapan niyo? Hmmm... Sigurado ba kayo na sa TV pinapalabas yang mga yan noon? O talagang malaki lang mga age gap natin?LOL LUNCH DATE lang saka ano kasi yung singing contest na show nina Pilita? Pati John and Marsha. Yan lang mga naalala kong palabas na local noon.

kasparov23
09.07.21, 02:49 PM
Ay... Bakit di ko na naiintindihan mga pinag-uusapan niyo? Hmmm... Sigurado ba kayo na sa TV pinapalabas yang mga yan noon? O talagang malaki lang mga age gap natin?LOL LUNCH DATE lang saka ano kasi yung singing contest na show nina Pilita? Pati John and Marsha. Yan lang mga naalala kong palabas na local noon.

Yan na lang din naabutan ko... Kasama yung last episodes ng Iskulbukol (o baka re-run na lang yun) tsaka syempre ang idol ko nung bata... BAGETS hahaha...

:)

czyre
09.07.21, 02:52 PM
O ayan. nakakarelate na uli ako hahaha... Sabi kasi kay Nani gumawa siya ng ibang thread para sa era niya, kulet! LOL

ernanibaetiong
09.07.21, 03:34 PM
Baket hindi ka makarelate neng? 16 ka lang ba? Ako kasi 18 ngayon eh nakakrelate ako hehehe LOL

Hala sige listahan ng tv shows:

That's Entertainment
Lumang Transformers, Superfriends at Batman and Robin
Sic o clock News
Kulit Bulilit
Yagit
Flor de Luna, Anna Liza at Gulong ng Palad
Panday Cartoon

Okei mamaya ulit hehehe LOL

kasparov23
09.07.21, 03:43 PM
That's Entertainment


Eto lang ata alam ko... (O hindi ko lang napanood yung iba? Hahaha... Sa pinoy teleserye:

Annaluna
Agila
Valiente

Eto na napanood ko... Ung Mara Clara Bago bago na yun hehehe...

:D

Alexander
09.07.21, 04:30 PM
Love teams naman....

Sharon-Gabby
Maricel-William
Pops-Martin
Manilyn-Janno
Lotlot-Monching
Isabel Granada- Chucky Dreyfus
Snooky-Albert Martinez
Dina Bonnevie-Alfie Anido
Sheryl-Romnick

Shows...

Lovingly Yours, Helen
Penthouse Live
See True (Inday Badiday)

Mga sikat na Artista/Performers

Gary V (remember "Growing Up" etc)
Menudo (remember "If You're not here)
Randy Santiago (remember the song Hindi Magbabago)

Sensational Deaths

Ninoy Aquino
Alfie Anido
Lean Alejandro

Isip pa ako.... nagkakalabasan na ng edad LOL

titopao
09.07.21, 04:31 PM
Si Julie Vega nakalimutan mo :P

ryanestandarte
09.07.21, 05:48 PM
Baket hindi ka makarelate neng? 16 ka lang ba? Ako kasi 18 ngayon eh nakakrelate ako hehehe LOL

Hala sige listahan ng tv shows:

That's Entertainment
Lumang Transformers, Superfriends at Batman and Robin
Sic o clock News
Kulit Bulilit
Yagit
Flor de Luna, Anna Liza at Gulong ng Palad
Panday Cartoon

Okei mamaya ulit hehehe LOL

Isama mo pa si Mara Clara. :)

titopao
09.07.21, 05:54 PM
1992 nag-start ang Mara Clara, (http://en.wikipedia.org/wiki/Mara_Clara) so it's already considered a 90's TV show :P

Alexander
09.07.21, 06:15 PM
Si Julie Vega nakalimutan mo :P

Oo nga, it was rumoured na namatay sya after shooting a horror movie :)

titopao
09.07.22, 08:05 AM
And speaking of Julie Vega, ewan ko kung may nakakaalam ng kuwentong ito:

Isa sa mga dumalaw sa burol ni Julie Vega ay ang dakilang si Fernando Poe, Jr. May movie dati ang nakatatandang aktor at ang namayapang batang aktor. Kaya't hindi napigilan ni FPJ na mapaiyak sa harap ng maraming tao.

Naging front-page picture sa mga tabloids ang tagpong ito. Isa sa mga nakakita ng larawang ito ang noo'y nagsisimula pa lang na si Gary Valenciano. Sa sobrang pagka-touch ni Gary Valenciano ay iginawa niya ng kanta si Julie Vega, na pinamagatang "Why did you close your eyes so soon?" Iginawa niya ng kopya ng awiting ito ang mga magulang ni Julie Vega. Nangako sila sa isa't isa na hindi nila ilalabas, ever, ang kantang ito.

Fast forward to a few years later. Gumagawa si Gary V. ng bagong album, ngunit kulang pa ng isang magandang kanta. Naisip ng asawa n'yang si Angeli Pangilinan na bakit hindi na lang angkupin ang melodiya ng ginawa n'yang kanta para kay Julie Vega? Pumayag si Gary, at si Angeli mismo ang nag-volunteer na sumulat ng mga bagong titik para sa awiting ito.

Nilabas ni Gary ang awiting ito at naging sikat ito hindi lamang para sa mga naging fans ni Julie Vega o ni Gary Valenciano, kundi maging ng mga sumunod na henerasyon ng mga tagapakinig: Ni-revive ni Regine Velasquez ang kantang ito noong 90's at naging hit uli ito maski doon sa mga hindi nakakakilala kay Julie Vega.

At 'yan...ang kasaysayan ng "Sana Maulit Muli" :P Syempre, lahat yan nangyari noong 80's 8)

ryanestandarte
09.07.22, 10:45 AM
1992 nag-start ang Mara Clara, (http://en.wikipedia.org/wiki/Mara_Clara) so it's already considered a 90's TV show :P

Waaahh!!! Yun lang. :(

Speaking of Julie Vega, ito ba siya?

http://2.bp.blogspot.com/_nxUb2kYKSvI/R3i-jO63xpI/AAAAAAAADBU/Edh87RCBRkY/s400/Julie+Vega1.jpg

Alexander
09.07.22, 10:52 AM
Tama. Yan si Julie Vega.
She died at a very tender age of 16. She could have been 41 now
ref: http://en.wikipedia.org/wiki/Julie_Vega

ryanestandarte
09.07.22, 10:54 AM
And speaking of Julie Vega, ewan ko kung may nakakaalam ng kuwentong ito:

Isa sa mga dumalaw sa burol ni Julie Vega ay ang dakilang si Fernando Poe, Jr. May movie dati ang nakatatandang aktor at ang namayapang batang aktor. Kaya't hindi napigilan ni FPJ na mapaiyak sa harap ng maraming tao.

Naging front-page picture sa mga tabloids ang tagpong ito. Isa sa mga nakakita ng larawang ito ang noo'y nagsisimula pa lang na si Gary Valenciano. Sa sobrang pagka-touch ni Gary Valenciano ay iginawa niya ng kanta si Julie Vega, na pinamagatang "Why did you close your eyes so soon?" Iginawa niya ng kopya ng awiting ito ang mga magulang ni Julie Vega. Nangako sila sa isa't isa na hindi nila ilalabas, ever, ang kantang ito.

Fast forward to a few years later. Gumagawa si Gary V. ng bagong album, ngunit kulang pa ng isang magandang kanta. Naisip ng asawa n'yang si Angeli Pangilinan na bakit hindi na lang angkupin ang melodiya ng ginawa n'yang kanta para kay Julie Vega? Pumayag si Gary, at si Angeli mismo ang nag-volunteer na sumulat ng mga bagong titik para sa awiting ito.

Nilabas ni Gary ang awiting ito at naging sikat ito hindi lamang para sa mga naging fans ni Julie Vega o ni Gary Valenciano, kundi maging ng mga sumunod na henerasyon ng mga tagapakinig: Ni-revive ni Regine Velasquez ang kantang ito noong 90's at naging hit uli ito maski doon sa mga hindi nakakakilala kay Julie Vega.

At 'yan...ang kasaysayan ng "Sana Maulit Muli" :P Syempre, lahat yan nangyari noong 80's 8)

Nice analysis. Hehehe!!! Kaya pala. :D

jeffoy
09.07.22, 11:01 AM
Naging mag bestfriend sina Julie Vega at Janice de Belen kahit ang drama TV Series nila ay rival sa ere nuon ang Annalisa ng GMA7 at Flordeluna ng RPN9 at sa bandang huli ay nagkaruon ng movie na pinamagatang AnnaLuna. Yan ha dagdag kaalaman.

Alexander
09.07.22, 11:07 AM
Ryan,

Bigla kang nagka interest ke Julie Vega a

http://tbn3.google.com/images?q=tbn:_ik7RtPVdVli4M:http://www.junmae2004.com/sitebuildercontent/sitebuilderpictures/.pond/julievega.jpg.w180h226.jpg (http://images.google.com.au/imgres?imgurl=http://www.junmae2004.com/sitebuildercontent/sitebuilderpictures/.pond/julievega.jpg.w180h226.jpg&imgrefurl=http://www.junmae2004.com/mae.html&usg=__gAwGaT0utaYZej8OHwZpw1uyafk=&h=226&w=180&sz=11&hl=en&start=57&um=1&tbnid=_ik7RtPVdVli4M:&tbnh=108&tbnw=86&prev=/images%3Fq%3DJulie%2BVega%26ndsp%3D20%26hl%3Den%26 safe%3Dactive%26rlz%3D1T4SKPB_enAU313AU313%26sa%3D N%26start%3D40%26um%3D1)http://tbn1.google.com/images?q=tbn:ycp94Y_ryLXydM:http://ep.yimg.com/ip/I/divisoria_2060_76558115 (http://images.google.com.au/imgres?imgurl=http://ep.yimg.com/ip/I/divisoria_2060_76558115&imgrefurl=http://www.divisoria.net/rovcdbjuve.html&usg=__1kZId_UcyDguCTrpXlcrfXh-YKo=&h=150&w=150&sz=16&hl=en&start=76&um=1&tbnid=ycp94Y_ryLXydM:&tbnh=96&tbnw=96&prev=/images%3Fq%3DJulie%2BVega%26ndsp%3D20%26hl%3Den%26 safe%3Dactive%26rlz%3D1T4SKPB_enAU313AU313%26sa%3D N%26start%3D60%26um%3D1)http://tbn0.google.com/images?q=tbn:ED9cpiM16i6EgM:http://www.titikpilipino.com/images/artist/julie_vega.jpg (http://images.google.com.au/imgres?imgurl=http://www.titikpilipino.com/images/artist/julie_vega.jpg&imgrefurl=http://www.titikpilipino.com/artist/index.php%3Fartistid%3D247%26offset2%3D550&usg=__nZEJC3dJlSnGGGQOsQ1uwCf2YIA=&h=292&w=200&sz=14&hl=en&start=9&um=1&tbnid=ED9cpiM16i6EgM:&tbnh=115&tbnw=79&prev=/images%3Fq%3DJulie%2BVega%26ndsp%3D20%26hl%3Den%26 safe%3Dactive%26rlz%3D1T4SKPB_enAU313AU313%26sa%3D N%26um%3D1)http://tbn2.google.com/images?q=tbn:ixSeBUN3E5tE_M:http://srv0204-02.sjc3.imeem.com/g/p/e045f8d8ea383a56b821a2c8ac598d56_web.jpg (http://images.google.com.au/imgres?imgurl=http://srv0204-02.sjc3.imeem.com/g/p/e045f8d8ea383a56b821a2c8ac598d56_web.jpg&imgrefurl=http://www.imeem.com/people/Rm-Sllz/photo/CCJqyWyU0U/&usg=__2fKMs9NIPLUWS6QAZ_qdX-9mTvc=&h=413&w=550&sz=37&hl=en&start=11&um=1&tbnid=ixSeBUN3E5tE_M:&tbnh=100&tbnw=133&prev=/images%3Fq%3DJulie%2BVega%26ndsp%3D20%26hl%3Den%26 safe%3Dactive%26rlz%3D1T4SKPB_enAU313AU313%26sa%3D N%26um%3D1)


Ang kanyang soap-opera dati ay Annaliza... sa GMA 7 (from 1979 to the 80s)

Kalaban naman noon ni Flordeluna (Janice de Belen) sa RPN 9 (also in the 80's). Tapos nagkaroon sila ng movie pareho entitled Flordeliza.

Naging mag bestfriend sina Julie Vega at Janice de Belen kahit ang drama TV Series nila ay rival sa ere nuon ang Annalisa ng GMA7 at Flordeluna ng RPN9 at sa bandang huli ay nagkaruon ng movie na pinamagatang AnnaLuna. Yan ha dagdag kaalaman.

Baka Flordeliza?

Tama best friends sila ni Janice... quote from wiki

The success of Anna Liza made Vega the chief soap opera rival of Janice De Belen, a fellow child star who also enjoyed success with Flor de Luna, the title role Vega herself previously turned down, as the two dramas rivaled each other for the attention of the television-viewing public. Yet in spite being showbiz rivals, Julie and Janice were best friends in real life.In fact, De Belen herself once mentioned, “There could be no me if Julie accepted the role as Flor de Luna.”

titopao
09.07.22, 11:10 AM
@Alex: baka naman naaalala n'ya din kasi bigla si Angelica Panganiban, na s'ya namang gumanap na Julie Vega sa isang episode ng MMK ;) Sinasabing magkamukha din daw kasi si Angelica at si Julie :P

Alexander
09.07.22, 11:16 AM
Ganun ba? Hindi ko na kasi napapanood e :D

Pero nung time na yun, pinapanood ko ang Flordeluna. Pag patak ng 6PM (or 7PM???), wala ng tao sa kalsada, bata man o matanda, kasi nanood lahat... either Flordeluna or Annaliza :)

Nung time na yun, wala pa kasing ibang libangan, kaya mga bata, maaga umuuwi, hindi nagbubulakbol. pagkatapos ng TV, sabay-sabay pa kumain mga family.... nakakatuwa.

titopao
09.07.22, 11:19 AM
Pero nung time na yun, pinapanood ko ang Flordeluna. Pag patak ng 6PM (or 7PM???), wala ng tao sa kalsada, bata man o matanda, kasi nanood lahat... either Flordeluna or Annaliza :)

Nung time na yun, wala pa kasing ibang libangan, kaya mga bata, maaga umuuwi, hindi nagbubulakbol. pagkatapos ng TV, sabay-sabay pa kumain mga family.... nakakatuwa.

E wala palang sinabi si Manny Pacquiao. Si Manny Pacquiao, once every three or four months lang kung huminto ang Pilipinas. Yung sila Julie Vega at Janice de Belen, every night kaya nilang patigilin ang buong bansa LOL

jeffoy
09.07.22, 11:20 AM
Madami talaga akong maalala basta dekada 80.. lagi akong naunuod nuon ng Three Stooges kada hapon kahit na lumang comedy show to. :)

Tuwing Sabado ng umaga lagi kong inaabangan ang Uncle Bob (pam-pa-ram-pampam!) sa GMA7 tapos ililipat ko sa channel 13 kse kasunod naman ang Kulit Bulilit

sa gabi naman sinusubaybayan ko ang mga show na ALF (Alien Life Form), Perfect Stragers na ginaya ni Redford White at Eric Quizon na Buddy en Sol, Mc Gyver, 21 Jump Street, A Team, Miami Vice, 2 + 2, TODAS, Iskul Bukol, Goin Bananas (Bad Bananas dati), Champoy.

Tuwing linggo naman pagkagaling ko ng simbahan nuod agad ako ng Video Hit Parade, ang sarap panuoring ng mga music videos ng Tears for Fears, Spandau Ballet, Duran Duran, Madonna, Cindy Lauper mga Pop Music at New Wave Songs dati.

Sarap makinig sa radyo nuon sa DWKC na pulos jokes at inaabangan lagi ang American Top 40 dito at saka sa 92.3FM MRS (Most Requested Song) na pagdating ng December 31 pinapatugtog lahat ng mga naging MRS sa buong taon.

teka isip pa ko... malinaw pa ang memorya ko hehehe

jeffoy
09.07.22, 11:22 AM
Baka Flordeliza?




Ay oo nga mas malinaw ang memorya mo kuya Alex hehehe

titopao
09.07.22, 11:23 AM
Perfect Strangers! I miss that show :)

Ang kumanta ng theme song ng "Perfect Strangers", by the way, ay si David Pomeranz, na sumikat din noong 1980s :) Ito yung may lyrics na:

It's my life, it's my dream
Nothin's gonna stop me now.

Ilan sa mga sinulat na kanta ni David Pomeranz ay ang "The Old Songs", na pinasikat din naman ni Barry Manilow, isa rin sa mga sikat na singers nong 70s hanggang 80s ;)

silveryellow
09.07.22, 11:30 AM
Yon ba yong kantang Perfect Strangers din ang title?

titopao
09.07.22, 11:35 AM
Isa pang show na nagsimula sa 80s (1989 to be exact) at sumikat hanggang sa 90s: Baywatch :D

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/6/68/Baywatch_logo.jpg/220px-Baywatch_logo.jpg

Pag may Baywatch, syempre hindi pwedeng mawala si David Hasselhoff ;)
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/3/3d/MitchBuchannon.jpg/180px-MitchBuchannon.jpg

At si Pamela Anderson :P
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/0/07/CJParker.jpg/180px-CJParker.jpg