PDA

View Full Version : Bagong Awit - Question


J O J I T
03.01.03, 12:55 PM
Hi to all the BP members. meron po bang isang body or council na nag-sasabi kung pwedeng kantahin ang isang bagong awit sa misa? sino din po ang nagsasabi kung san parte ng misa pwede ito awitin?

maraming salamat po.

jojit

Alexander
03.01.04, 06:35 AM
Ang alam ko Jojit e by Diocese or Archdiocese yan e, dito sa Manila e "Archdiocesan Commission on Liturgical Music", ipadadala mo doon for approval and use in Liturgy. Sa inyo sa Diocese of Malolos siguro ka magtanong.

Siguro, ganun ang ginagawa nila Fr. Manoling para magamit ang new songs ng BukasPalad.... :)

manoling
03.01.19, 03:31 AM
actually BP, Hnagad, HH and JMM do not submit our new songs to any liturgical commission for approval. we simply write and record. mabuti ngayon our CD jackets include anotations kung saan sa Misa nababagay ang bawat awitin.

some dioceses have liturgical commissions that come up with a list of songs approved for the liturgy. many of our (BP) songs actually are black-listed, dahil ginamit raw as a movie theme or dahil ginagamit madalas sa kasal o masyadong pop ang dating, etc.

ideally, such commissions give guidelines to help parish choirs decide among the music available kung ano ang pupuwede sa Misa and for which aprt of the liturgy such a song m might be used.

kaso, malayo pa tayo roon. we hardly educate our pastoral musicians. so kung anu-ano ang kinakanta sa mga Misa--silver bells for offertory, rudolf the red nosed reindeer for communion. kung kaya naman some liturgical commissions have to post in black and white kung anong mga kanata ang permissible at ano naman ang hindi.

maganda nga itong website para may forum for parish musicians. so that we can learn from one another.

the more educated parish choirs and directors are, the less liturgical commissions will have to intervene in our choice of songs.

ingat
manoling

Alexander
03.01.20, 12:34 PM
Palagay ko nga Fr. Manoling totoo yung sinasabi mo na black listed yung ibang songs dahil nga nagagamit sa mga movies, tulad na lang ng guidelines namin sa committee on sacred music sa KALMANA District, pero may na-sight silang isang kanta, yung composition nyo na "Hindi Kita Malilimutan", though there were many versions used and sung na may commercial impact, their point in allowing the song, they said, it was originally intended for church use. I think, the same must apply to "Tanging Yaman", "Sa 'Yo Lamang" and the like.

One time nga po may nag-lecture sa amin na taga Archdiocese, (though naikwento ko na ito sa ibang thread and I think nasagot na rin po ninyo.), they suggest that the "Paghahandog ng Sarili" is not appropriate for offertory. They were saying na "hindi porke pay salitang "Pag-aalay" or Paghahandog" or "offer" ay tama na sa Presentation of the Gifts. The reason for it ay dapat daw the song pertains to Christ as the perfect offering and not ourselves.

Isa pa sa comment nila, yung mga tono ng "Ama Namin". Most of the errors daw ng mga composition na nagbibigay ng Psychological Impact sa kumakanta ay, yung word na "lupa" ay mataas ang note while sa "langit" naman ay pababa. Tapos yung melody daw ng 1st part daw ng prayer should end at the ''...para ng sa langit", then take off ulit sa "Bigyan mo kami...." classic example daw e yung old arrangement ni Fr. Hontiveros.

Can you comment on these Fr. Manoling. Thanks.... :)

J O J I T
03.01.20, 12:47 PM
teka, hindi naman nyo kasalanan kung gamitin sa movie songs nyo ah. dapat yata magkaroon ng natinal convention for liturgical songs tapos sumama lahat ng mga taga-JMM para maturuan mga taong konti kaalaman na, sad to say, nasa position pag dating sa kung ano ang pwedeng kantahin at hindi. basta kami, tuloy po ang pagtuturo namin sa tao ng mga new songs. hindi ko lang maintindihan kasi kung bakit ipapagbawal yung song kahit na ipinapakita nito ang kadakilaan ng Diyos at ang kanyang pagmamahal.

:-\

Alexander
03.01.20, 12:58 PM
ideally, such commissions give guidelines to help parish choirs decide among the music available kung ano ang pupuwede sa Misa and for which aprt of the liturgy such a song m might be used.

kaso, malayo pa tayo roon. we hardly educate our pastoral musicians. so kung anu-ano ang kinakanta sa mga Misa--silver bells for offertory, rudolf the red nosed reindeer for communion. kung kaya naman some liturgical commissions have to post in black and white kung anong mga kanata ang permissible at ano naman ang hindi.

maganda nga itong website para may forum for parish musicians. so that we can learn from one another.

the more educated parish choirs and directors are, the less liturgical commissions will have to intervene in our choice of songs.

ingat
manoling



Jojit,
I thing tama yung point ni Fr. Manoling kasi nga marami sa mga Liturgical Music Ministers e hindi nga appropriate yung kanta for use in the mass, particularly yung mga sinabi ni Fr. Manoling na mga Silver Bells at Rudolph the rednose,

Agree din ako sa yo dahin hindi nga nila kasalanan kung ginamit sa Movie kasi nga it was intended for the church before it was used in the movies.

The bottomline nga is "EDUCATION" para sa mga liturgical musicians para hindi na-ba-ban yung mga songs.

Cheers.... :)

J O J I T
03.01.20, 01:01 PM
tama ka sir. education. problem is, sa mga batang katulad natin (Fr. Manoling, ikaw, ako. ;D), mahihirapan tayo mapakinggan ng mga matatanda sa parish. dahil alam nila sila tama and sarado isip ng mga iba sa mga bagong awit. anyways, hintayin nalang siguro nating tumanda tayo at tayo magbago sa maling naka-ugalian. :)

bajo
03.04.28, 04:18 PM
Tama po kayo dyan, Dito sa Diocese of Malolos (Bulacan) ay nagstart na kaming gumawa ng list and probably songbook na pwede sa Misa. Mayroon na kaming committee on that, Mga Pari sa Commission on Liturgy.



actually BP, Hnagad, HH and JMM do not submit our new songs to any liturgical commission for approval. we simply write and record. mabuti ngayon our CD jackets include anotations kung saan sa Misa nababagay ang bawat awitin.

some dioceses have liturgical commissions that come up with a list of songs approved for the liturgy. many of our (BP) songs actually are black-listed, dahil ginamit raw as a movie theme or dahil ginagamit madalas sa kasal o masyadong pop ang dating, etc.

ideally, such commissions give guidelines to help parish choirs decide among the music available kung ano ang pupuwede sa Misa and for which aprt of the liturgy such a song m might be used.

kaso, malayo pa tayo roon. we hardly educate our pastoral musicians. so kung anu-ano ang kinakanta sa mga Misa--silver bells for offertory, rudolf the red nosed reindeer for communion. kung kaya naman some liturgical commissions have to post in black and white kung anong mga kanata ang permissible at ano naman ang hindi.

maganda nga itong website para may forum for parish musicians. so that we can learn from one another.

the more educated parish choirs and directors are, the less liturgical commissions will have to intervene in our choice of songs.

ingat
manoling

J O J I T
03.04.29, 02:28 PM
i suggest also na attend tayo ng workshop on May 17 para hindi tayo limited sa mga old songs. madami kasing songs na hindi nakakanta or even naririnig pa sa diocese natin kasi hindi pinapakanta. meron namang mga guide sa mga songbook ng JMM kung saan appropriate yung mga songs na yun eh. i guess hindi tayo dapat strict sa pag-kanta ng mga bagong awit pero dapat marunong din tayo mamili ng angkop.

suggest ko din po na mag-update ang mga members ng committee on liturgy para lumawak ang pananaw nila sa mga bagong kanta.

btw, pwede mo ba ako padalan ng guidelines ng diocese sa pag-pili ng mga kanta. wala kasi kaming guide. para na rin makapag-suggest. thanks.

bajo
03.04.29, 04:43 PM
Kuya,

May list na binigay ang Commission on Liturgy ng Diocese na Titles ng songs na pwede kantahin sa Mass. According sa Part ng mass at kung saan source makikita. Karamihan dun ay Jesuits compositions.

Regarding sa pagkanta ng mga bagong Awitin, Pabor din ako dun. Actually yung Parochial Vicar namin dito sa Paombong, Si Fr. Gboi (kilala mo ba siya?) isa rin siyang composer ay hinihikayat din kaming kumanta ng bagong songs.

Alam mo ba yung Seminaryo sa Guiguinto? Marami na rin silang compositions at magaganda lahat. Si Fr. gboi din ay marami ng kanta, kung gusto mo at kung may time ka punta ka dito sa aming parish at makilala mo si Fr. gboi.

Yung sa Misal nati ay isa ako sa mga gumawa ng line-up ng mga kanta. Sa August I think yung sa akin. Kung mapapansin mo atleast 2 yung songs na nandun. Isa luma at isa ay bago. usually ganun ang ginagawa namin para may ma kanta naman yung mga choir ng matatanda (hehehe). Maglalabas na ring ng mga bagong songs sa Misal natin in the future.




i suggest also na attend tayo ng workshop on May 17 para hindi tayo limited sa mga old songs. madami kasing songs na hindi nakakanta or even naririnig pa sa diocese natin kasi hindi pinapakanta. meron namang mga guide sa mga songbook ng JMM kung saan appropriate yung mga songs na yun eh. i guess hindi tayo dapat strict sa pag-kanta ng mga bagong awit pero dapat marunong din tayo mamili ng angkop.

suggest ko din po na mag-update ang mga members ng committee on liturgy para lumawak ang pananaw nila sa mga bagong kanta.

btw, pwede mo ba ako padalan ng guidelines ng diocese sa pag-pili ng mga kanta. wala kasi kaming guide. para na rin makapag-suggest. thanks.

J O J I T
03.04.30, 08:01 AM
narinig ko na si Fr. Gboi but hindi ko pa sya nakikita. basically kasi nag-rely lang ako sa paggawa ng lineup namin based on the lyrics of the song. kung angkop sya sa okasyon. am sure magaganda lahat ng compositions ni Fr. Gboi. ang panalangin ko lang, sana hindi masyado mahigpit sa pagpili ng mga awit. actually since nasa committee ka, pwede nyo siguro tulungan ang mga parish na wala pang music ministry. kasi pag walang ministry sa isang parish, watak watak ang mga choir. magulo schedule, at madaming nangyayaring hindi dapat. nawa'y matulungan nyo kami. ang goal kasi ng group namin (bago palang kami) is to sing sa mga chapel or parish na walang choir. ito na service namin. to introduce new songs for people to hear. :)

bajo
03.04.30, 08:53 AM
Yun nga ang objective ng Committee sa Music. Magkaroon ng Music Ministry lahat ng parish at magkaroon ng standard na mga kanta at mag-introduce ng bagong awit.

Dito sa Parish namin ay pinipilit din namin magkaroon ng choir lahat ng Chapels. Ang mahirap ay walang instrumentalist.

Hope to see you in the future para mkapagshare tayo ng iba't-ibang nalalalaman natin.-----



narinig ko na si Fr. Gboi but hindi ko pa sya nakikita. basically kasi nag-rely lang ako sa paggawa ng lineup namin based on the lyrics of the song. kung angkop sya sa okasyon. am sure magaganda lahat ng compositions ni Fr. Gboi. ang panalangin ko lang, sana hindi masyado mahigpit sa pagpili ng mga awit. actually since nasa committee ka, pwede nyo siguro tulungan ang mga parish na wala pang music ministry. kasi pag walang ministry sa isang parish, watak watak ang mga choir. magulo schedule, at madaming nangyayaring hindi dapat. nawa'y matulungan nyo kami. ang goal kasi ng group namin (bago palang kami) is to sing sa mga chapel or parish na walang choir. ito na service namin. to introduce new songs for people to hear. :)

J O J I T
03.04.30, 01:20 PM
sure, kamusta mo nalang ako kay pareng joel. :)

btw, when you say standard ang lahat ng kanta, ano ibig mo sabihin? ::)

katulad ba sa isang paring sa baliuag na dapat ang kinakanta sa 5am na mass, yun din ang kakantahin hanggang sa 7pm na mass? ganun kasi dun eh. ayaw nilang ibang songs although iba-ibang choirs ang kumakanta.

example, yung Si kristo di pwedeng palitan ng we remember? or pag Papuri sa Diyos dapat pare-pareho?

send mo naman sa akin yung guidelines. :)

thanks