PDA

View Full Version : Corrupt A Wish Game


Pages : [1] 2 3 4 5 6

czyre
09.09.15, 08:19 AM
Found this sa ibang forum...

It's simple...

1. Corrupt the wish of the last poster
2. Make your own original wish

example.

Last post: I wish for an umbrella

Next post: You're wish granted pero kasinglaki ito ng payong ng fishball vendor!

Let the corruptions begin!

Sana makauwi ako ng Baguio this weekend.

prinze
09.09.15, 08:20 AM
Your wish is granted. Pero Lalakarin mo lang mula Manila Hanggang Baguio. LOL

Sana makabili ako ng Tyros 3. hehehe.

czyre
09.09.15, 08:22 AM
Huhuhuhu...

your wish is granted...

Sira nga lang at hindi na pwedeng ayusin pa ever..LOL


Sana matanggap ako sa "starstruck"

kasparov23
09.09.15, 08:27 AM
Your wish is granted... matatanggap ka pero P.A.

Sana makapag-DOTA ko this weekend...

Tagal ko nang di naglalaro... :(

titopao
09.09.15, 10:03 AM
Your wish is granted, makakapaglaro ka ng DOTA.

Yun nga lang, sira ang network router LOL

Wish ko is sana hindi umulan today ;)

silveryellow
09.09.15, 10:50 AM
Your wish will be granted, pero kasing init naman ng sa disyerto ang araw ngayon :P

Wish ko...sana hindi ma-corrupt ang wish ko....na may manlibre ng lunch ngayon LOL

allen lucas
09.09.15, 11:00 AM
your wish is granted, may manlilibre sa iyo ng lunch yun nga lang sa turo turo lang.

wish ko sana magkaroon na ako ng mga recording gear.

czyre
09.09.15, 11:34 AM
your wish is granted. Pero after 2 minutes and 47 seconds, magpapasaakin lahat yun mwahahaha...

Wish ko sana pumayat na ako, lunch nanaman sarap ng ulam hihi...

Pam
09.09.15, 11:42 AM
your wish is granted.. pero kasing payat ka ni olive ng popeye the sailor man..hehehehe..wish ko sana makasweldo na ko ngayon..

titopao
09.09.15, 11:53 AM
Your wish is granted. Pero paglabas mo ng ATM, nakapila na yung mga inutangan mo LOL

Wish ko is sana'y hindi traffic ngayon pag-uwi ;)

Bien
09.09.15, 12:00 PM
your wish has been granted pero pag malapit ka na sa inyo ay makakatapak ka ng pupu pagbaba mo ng sasakyan.


wish ko sana na tuloy tuloy ng wala iyong boss ko kahit until next week... :)

kasparov23
09.09.15, 12:03 PM
Your wish is granted. Pero Pagbalik niya Isang linggo ring tambak ang trabaho mo ahehehe... :terrified:

Wish ko sana lumago bukid ko sa Farmtown... (salamat ke Trina ahehe)

:P

prinze
09.09.15, 04:50 PM
your wish is granted, pero ma ha hack yung account mo sa facebook. LOL

Wish ko sana bukas walang pasok sa work. :P

czyre
09.09.15, 05:55 PM
your wish is granted pero simula thursday onwards wala ka ng papasukang trabaho. LOL

wish ko sana may trabaho na ako bukas.:)

manoiskee
09.09.15, 06:20 PM
wish granted, pero ang trabaho mo isa sa mga featured sa "dirty jobs".

sana manalo ako sa lotto. lolz.

bajo
09.09.15, 06:25 PM
wish granted, pero nawala mo yung ticket.

i wish yumaman ako...

raiza
09.09.15, 07:49 PM
your wish is granted. pero dahil sa mayaman ka na pagkakaguluhan ka ng maraming tao at mauubos din ang yaman mo. :)

i wish maging masaya vigan tour namin...birthday ko pa naman.:)

kasparov23
09.09.16, 06:42 AM
you wish is granted. Pero dahil birthday mo, makikiparty ang buong Vigan sayo...

Wish ko sana di ako gabihin mamaya... :)

czyre
09.09.16, 07:30 AM
your wish is granted, uumagahin ka na mamaya.LOL

wish ko maipasa ko interview ko mamaya.

prinze
09.09.16, 10:00 AM
your wish is granted, pasado ka sa interview pero babagsak ka naman sa exam. LOL

Sana Hindi ako matraffic mamaya sa EDSA.

titopao
09.09.16, 10:09 AM
Your wish is granted...pero wala ka naman masasakyan :P

Sana maraming gulay yung ulam ko mamaya :)

silveryellow
09.09.16, 10:22 AM
Your wish will be granted, maraming gulay pero mga gulay na ayaw mo :P

Sana may magbigay sakin ng lobo :)

Bien
09.09.16, 10:24 AM
your wish is granted pero pagkabigay sa yo ng lobo ay liliparin ka nito... :)


wish ko malaro ko na iyong psp ko kasi 3 weeks ng nasa pamangkin ko

titopao
09.09.16, 10:35 AM
Your wish is granted pero sira na yung PSP :P

Makulimlim...sana hindi umulan today :)

silveryellow
09.09.16, 10:42 AM
Hindi uulan, pero aaraw hanggang gabi. Yahoo, di na tayo third world. hehe.

Thank you, that's just what I wanted, sana pag nilipad ako ng lobo, di ako mahuhulog, at isasama ko si...pgma ng nakablindfold, at itutulak ko sya LOL

manoiskee
09.09.16, 02:38 PM
wish granted, kaso paglipad ng lobo kasama ka lang dahil nakatali sa leeg mo, kasama si pgma na nakatali din sa leeg tapos magkaharap, pes tu pes en tsik tu tsik pa kayo kaya di mo rin siya maitulak para malaglag...

sana mawala na ubo ko...

Bien
09.09.16, 06:06 PM
wish granted pero sisipunin ka naman...


wish ko sana kasama ang semicon industry sa holiday this coming monday...

czyre
09.09.16, 09:01 PM
granted... pero may pasok ka sa pasko at new year.

sana wag mag-ingay yung mga nakatira sa taas para naman makatulog ako kahit hanggang 8am lang bukas.

_gitaraboy_
09.09.16, 09:27 PM
wish granted pero may battle of the bands sa tapat ng bahay nyo ngayong gabi

sana makapag bakasyon naman

kasparov23
09.09.17, 06:39 AM
wish granted... kasama din daw buong barangay at sagot mo...

Sana kayanin ng budget ko ang gastos sa Pasko...

:D

czyre
09.09.17, 07:35 AM
wish granted, pero di mo kakayanin ang bidget sa bagong taon.

sana matapos na lahat ng exams ko at interviews ngayong araw na ito. AT siyempre sana maipasa ko rin.

titopao
09.09.17, 10:23 AM
Your wish is granted. Bukas na bukas din, magrereport ka sa trabaho mo. Yun nga lang...sa janitor's room LOL

Sana wag na tumakbo si Bayani at si Noli :P

silveryellow
09.09.17, 10:44 AM
Your wish will be granted, di na si Bayani or si Noli...si Chavit na lang LOL
Sana pumayag si Noynoy magpa-makeover :P

czyre
09.09.17, 02:16 PM
your wish is granted. after ng makeover, mas maganda na siya kay kristeta. (sister na siya!!!LOL)

sana tumigil na ulan... takot ako sa kulog...

titopao
09.09.17, 02:37 PM
Your wish is granted. Pero puro kidlat naman ang kapalit :P

Sana masasarap ang choices ng merienda mamaya galing sa nagtitinda ng pagkain ;)

manoiskee
09.09.17, 03:40 PM
wish granted, kaso wala kang pambili kasi nadukutan ka ng wallet...

sana mawala agad tigyawat ko sa ilong...

czyre
09.09.17, 03:49 PM
wish granted, lilipat tigyawat mo sa puwet at magiging pigsa.

sana ok lang baby ko, miss ko na siya.:(

raiza
09.09.17, 11:06 PM
your wish is granted. pero di ka namimiss ng baby mo dahil may ligaw na siya. :)

i wish tumaba na ko.

prinze
09.09.18, 12:10 AM
your wish is granted pero tataba ka katulad nito. LOL

http://www.weird-websites.info/Real-or-Fake/Real-or-Fake-Pictures/fattest-woman-in-world.jpg


Sana makapunta ako sa concert ng bukaspalad. :)

kasparov23
09.09.18, 06:57 AM
Wish granted... Kaso pagdating mo tapos nah... LOL

Wish ko sana maganda laro namin mamaya...
(Defense of the Ancients Battle Royale)

Ahehe... :D

czyre
09.09.18, 09:59 AM
Wish granted, pero isang computer lang ang gagamitin ninyong lahat. (kung paanp, go figure!)

Sana wag naman ako tumaba gaya nung nasa picture... scary!!!

titopao
09.09.18, 10:06 AM
Your wish is granted...papayat ka. Kasing-payat ng mga nagugutom sa Ethiopia :P

Sana makita ko yung hinahanap kong libro :P

Coolwaters
09.09.18, 10:28 AM
Your wish is granted... makikita mo siya pero papak na ng anay.... :)

Sana di umulan mamaya, may shoot kasi kami... :)

silveryellow
09.09.18, 11:17 AM
Your wish will be granted, di uulan ngayon, pero hindi din available yong venue/subject ng shoot nyo :P
Sana hindi manalo si Mayweather :P

Bien
09.09.18, 11:26 AM
your wish is granted pero bugbod sarado naman iyong makakalaban nya.


i wish na sana makuha ko iyong pera ko sa pcso mamya... :)

casper89
09.09.18, 12:05 PM
Your Wish is granted...Kaya lang barya lahat na tig sisingko na may butas...

Sana hindi kami mag quiz mamaya...

titopao
09.09.18, 12:23 PM
Your wish is granted...pero meron kayong sampung term papers na may minimum of 30 pages each. Due in 5 minutes LOL

Sana walang masyadong mag-ingay ngayong lunchtime ;)

silveryellow
09.09.18, 02:16 PM
Your wish will be granted, walang magiingay...dahil naguwian na mga tao :P
Sana makahanap ako caramel popcorn.

czyre
09.09.18, 03:49 PM
Granted, pero sunog.

Sana 5pm na...

titopao
09.09.18, 04:14 PM
Your wish is granted...pero 5pm pa rin hanggang mamaya pagtulog mo :P

Sana walang nasaktan sa lindol sa Mindoro...

silveryellow
09.09.18, 04:59 PM
Your wish is granted, walang taong nasaktan, mga puno lang :P
Sana huwag bumaha ngayon.

sjclc
09.09.18, 05:00 PM
granted, kaso nasunog ang tv kaya 'di mo nalaman kung ano nangyari

manoiskee
09.09.18, 05:42 PM
Your wish is granted, walang taong nasaktan, mga puno lang :P
Sana huwag bumaha ngayon.
wish granted, mamaya pa babaha, hindi ngayon...

sana mawala na sa uso yung mga maiingay na tambutso sa motorsiklo...

prinze
09.09.18, 06:30 PM
wish granted, pero sa kotse naman mauuso. LOL

Sana bumilis ng 2 mbps yung speed ng internet connection ko. hehehe

sjclc
09.09.18, 06:39 PM
let me try this again...
wish granted, kaso one second lang sabay drop ulit sa 0.034kbps.

sana makapili na ko kung uuwi ba ako o hindi.

_gitaraboy_
09.09.18, 07:25 PM
wish granted makakapili ka na pero maguguluhan ka pa rin LOL

sana walang mangcorrupt ng wish kong magkaron ng bagong pc

casper89
09.09.18, 08:45 PM
wish granted kaya lang mawawalan kayo ng kuryente...

Sana magbayad na lahat ng nagpaload sa akin...hehe

czyre
09.09.20, 05:04 PM
wish granted pero tatawagan ka ng bestfriend mo at manguutang ng bonggang bongga.

wishing for food, pizza and coke float!!!

casper89
09.09.20, 07:16 PM
Wish Granted...Nya lang panis ang ibibigay nila sa iyo...

Sana wala ng magkakasunod na power interuption,,,

sjclc
09.09.20, 09:18 PM
wish granted, putol putol lang.

sana may magregalo sakin ng 2 damit na bagay s kin.

kasparov23
09.09.21, 06:47 AM
Wish granted... kaso di kasya sa'yo... :P

Wish ko sana makahabol ako mamaya sa SJB... Me pasok ako eh huhuhu...

:D

czyre
09.09.21, 11:20 AM
wish granted pero bukas di ka makakahabol sa pasok mo kasi nasa SJB ka pa rin hahaha...

sana may OT si bryann mamaya hahaha...

kasparov23
09.09.21, 11:54 AM
Wish Granted kasi ka-chat si Trina at di rin nakapunta nyahahaha...

Sana ganito kaluwag ang traffic all throughout the week...

:D

casper89
09.09.22, 11:21 AM
...wish granted kaya lang masisira lahat ng sasakyan kaya kailangan mong maglakad...hehe

...sana maayos ko na yung notebook na pinapagawa sa akin...

czyre
09.09.22, 02:30 PM
wish granted pero ikaw naman ang masisiraan ng bait sa inayos mong notebook.

sana matapos ko na 'tong mga requirements na kailangan.

Coolwaters
09.09.22, 02:35 PM
(dito na muna ako, para marelax... LOL nosebleed ako dun sa kabilang thread...)

wish granted,pero may mga maling info at ipapaulit sa yo...

sana di umulan at bumaha mamaya (makulimlim kasi)

czyre
09.09.22, 02:42 PM
wish granted, hindi uulan at babaha mamaya, pero bukas na bukas babagyo ng malakas.

sana merienda na hehehe... gusto ko rin ng halo-halo!!!

kasparov23
09.09.22, 03:01 PM
Wish granted... Pero dahil malamig, di na daw lalagyan ng yelo...

Sana mawala na sipon ko... :sick:

prinze
09.09.22, 10:40 PM
Wish granted, pero ubo naman. LOL

Sana walang pasok bukas.

alvin24
09.09.22, 11:17 PM
wish granted pero may pasok sa sunday.. ahahaha..

sana magkalaman ako ng konti..a hehe

casper89
09.09.23, 11:42 AM
Wish granted kaya lang after 5 min magigising ka na... in your dreams hehe

Sana magkapera at makabili na kami ng equipments ng choir namin...

czyre
09.09.23, 01:52 PM
granted. pero in your dreams din! LOL

sana maiksi na yung pila sa NBI pagbalik ko mamaya.

alvin24
09.09.23, 03:26 PM
granted.. pero maikli na ang pila kasi last 10 person na lang at pang 11 ka.. ahehe

sana makapunta na ko ng new zealand

kasparov23
09.09.24, 06:45 AM
Wish granted... Pero bangka gagamitin mo papunta...

Sana makapagsimba ko bukas...

:)

casper89
09.09.24, 02:06 PM
wish granted kaya lang aabutan mo yung go in peace to love and serve the Lord...Thanks be to God...

Sana mapanood ko ng maayos ang Hunter X Hunter ng maayos...

czyre
09.09.24, 02:28 PM
granted... pero in ten years mo pa to mapapanood.

sana makauwi ako this weekend.

Bien
09.09.24, 04:43 PM
Wish is granted pero aabutin ng 16 hours iyong byahe mo pauwi.


Wish ko na wala ulit iyong boss ko next week.

...uy natupad iyong wish ko last week, wala boss ko this week eh :)

czyre
09.09.25, 08:20 AM
Wish granted Kuya Bien, pero 24/7 ka niyang tatawagan sa cellphone mo para utusan kang magtrabaho.

Sana hindi traffic paglabas ko mamaya.

alvin24
09.09.25, 12:10 PM
wish granted pero wala ka naman masasakyan kasi walang public vehicle pag uwi mo.. ahehe..

kuya casper sa animeseason po may kumpletong hunterx hunter with greed island..

sana magkalaptop na ako.. ung maganda.. ahehe..:)

czyre
09.09.25, 02:14 PM
wish granted. magkakalaptop ka na. yung maganda... yung magandang sirain kasi DOS lang ang kayang patakbuhin nito. LOL

Sana 4:30 na, tagal ni Bryann...

Bien
09.09.25, 04:50 PM
wish granted kasi 4:44pm na...kaso ibang Bryann ang darating. :)



wish ko na sana bumilis ng internet namin dito sa work...ang bagal kasi.

raiza
09.09.26, 06:19 PM
wish granted..bibilis ang internet..pero masisira naman ang pc/laptop mo..:)




sana mawala na ang bagyo...:(

Emerald
09.09.28, 10:46 AM
wish granted mawawala na ang bagyo!! pero mawawala din ung tubig nyo hehe

i wish i have a psr 3000 keyboard

Bonnie
09.09.28, 04:02 PM
wish granted, nawala na ang bagyo pero me parating na namang bago.

raiza
09.09.28, 10:24 PM
@ emerald... wish granted, pero tunog lata naman...ano daw??hehe

@ kuya bonnie...ano ba wish mo? wala tuloy akong macorrupt..:)




sana hindi na masuspend klase namin sa wednesday...

prinze
09.09.29, 12:07 AM
wish granted, pero suspended ulit ng Thursday at Friday.

Sana makahanap na ako ng ibang work. :(

Bonnie
09.09.29, 01:45 AM
waaaaaaaaaa, hehehe halatang di ko kabisado to, hehe

kasparov23
09.09.29, 06:49 AM
wish granted, pero suspended ulit ng Thursday at Friday.

Sana makahanap na ako ng ibang work. :(

Wish granted... Pero sa Babuyan Islands ka maaassign...

Sana di ako antukin ngayon... Ho-hummm... :)

czyre
09.09.29, 08:38 AM
Wish granted pero mahahigh blood ka kakainom mo ng kape

Sana tumigil na anak ko kakatanong nga BAKIT (aaaargh!!! may sanib!!!)

Bien
09.09.29, 09:40 AM
titigil nga sya sa kakatanung ng BAKIT, papalitan nya lang ng ANO? ANO ???!!! hehe


wish ko lang ulit na wala ang boss kong makulit this week

casper89
09.09.29, 11:39 AM
Wish granted...pero pag-uwi mo nasa inyo siya kaya pala wala sa office...

Sana naman maging maayos na ang lagay ng mga nasalanta ng bagyo..

manoiskee
09.09.29, 06:36 PM
wish granted, kaso maiinis muna sila kasi delayed yung relief goods dahil nilalagyan pa ng stickers na may logo at slogan ng mga aspiring politicians...

sana umayos na andar ng dsl ko... hayz...

Bonnie
09.09.29, 08:16 PM
Wish granted, kaso nawalan naman ng ilaw, pano ka pa mag iinternet.

Wish ko makabili ng 19inches na laptop.

alvin24
09.09.29, 09:28 PM
wish granted pero malulubog lang sa basa kaya di mo rin magagamit..

sana magkaron kami ng bahay na may 5th floor

Bonnie
09.09.29, 09:37 PM
Wish granted, pero below sea level parin, kaya ayan, binaha parin.

Wish ko makapasyal ko ng Davao this year.

czyre
09.09.30, 09:56 AM
Wish granted. At hindi lang yan, makakapagbakasyon ka pa... Sa Davao... Davao St., Quezon City.LOL

Sana may magregalo sakin ng payong!

Bonnie
09.09.30, 10:01 AM
Wish granted, at hindi lang basta basta payong, yon ay polka dot na payong, nagkabutas butas dahil sa nagdaang bagyo....:)

I wish matuto akong magpiano.

casper89
09.09.30, 02:31 PM
wish granted.... kaya lang yung pianong ipeplay mo walang lalabas na tunog..

Sana mag-over all champion kaming educ department sa Intrams...

Bonnie
09.09.30, 05:41 PM
Wish granted, naging overall champion kayo kasi walang pasok, win by default

Wish ko dumating na ang laptop ko.

czyre
09.10.01, 12:13 AM
Wish granted. Dadating laptop mo after 3,879,256 days.

Sana bukas, 10am na ako magising para sulit ang tulog! :wow:

kasparov23
09.10.01, 06:56 AM
Wish granted... Pero masakit naman ulo mo kasi di na sanay katawan mo...

Wish ko sana magkaron ako ng pasensya sa mangyayari sa opisina bukas...

:)

Bonnie
09.10.01, 07:05 AM
wish granted, kaso walang pasok bukas dahil dahil pista official na naman.

Wish ko mabawasan ang pasaway ng member ko sa choir.

czyre
09.10.01, 09:58 AM
Wish granted... Ang matitira nalang sa choir ikaw asi lahat sila pasaway.

Sana maging level 33 na ako sa farm town!

casper89
09.10.01, 12:19 PM
Wish granted...kaya lang mawawalan ng power ng buong week kaya di mo maeenjoy...

Sana matuloy na yung lecture-meeting namin sa school publication...

Bonnie
09.10.01, 03:24 PM
Wish granted, kaya lang ikaw lang ang dadalo at walang tao sa campus.

Wish ko di matuloy ang bagyong pepeng dito sa bicol.

czyre
09.10.13, 06:46 PM
wish granted, ibang lugar ang nasalanta ng bagyong pepeng.:(

Sana sweldo na sa work. Hehehe... (2 days palang ako hihihi...)

fred18_malanum
09.10.13, 06:56 PM
wish granted, pero ang suweldo n'yo i-palilibre n'yo sa'kin. :)

wish ko, magkaron ng time para maka-jam ang barkada!

czyre
09.10.13, 07:01 PM
Wish granted. Pero di ka makakasama sa jamming kasi ililibre kita Haha...

Sana matapos ko niya mga trina-transcribe ko.

Bonnie
09.10.14, 02:26 AM
Wish granted pero brownout kaya bale wala lahat na encode mo.

Wish ko makapunta ng Manila sa friday.

rolandp43
09.10.14, 02:56 AM
Wish granted pero yung ipapamasahe mo papuntang Manila eh ipambabayad mo pala sa kuryente, telepono at sa DSL...

Wish ko, umulan dito sa saudi ng tulad sa pinas.

kasparov23
09.10.14, 06:50 AM
Wish Granted. Kaso hindi sanay ang mga tao at dahil diyan, magtataas lahat ng presyo ng bilihin...

Wish ko sana makauwi ako ng maaga para makapagonline naman sa facebook after 48 years... :P

czyre
09.10.14, 11:31 AM
Granted, dail magfa-file muna ako ng leave sa bukirin mo (di ko na kaya friend! anyway level 20 ka naman na heheh)

Sana 3pm na nang makauwi na, bitin ako sa tulog.

kasparov23
09.10.14, 12:19 PM
Wish Granted kaso 2 hours early daw pasok mo bukas...

Wish ko matapos ko forecasting report within the day... Hayyyy...

lalala

Salamat Trina ahehehe... :P

Bonnie
09.10.14, 03:45 PM
wish granted, kasama ng pagkatapos ng report mo, me dumaang ipo ipo daladala ito sa himpapawid.

wish ko, matuto na akong magluto.

rolandp43
09.10.15, 04:39 AM
wish granted, kaya lang walang kumain ng niluto mo...

wish ko, kumain ng lechong galing cebu...

kasparov23
09.10.15, 07:17 AM
Wish Granted. kaso walang balat...

Wish ko sana hindi bumaha samin... Lakas pa naman ng ulan kanina...

:)

Bonnie
09.10.15, 08:09 AM
Wish granted, kaso putik ang bumaha.

Wish ko matuto ng mag sightreading ng score ang mga choir members ko.

rolandp43
09.10.17, 07:31 PM
wish granted, pero lumabo mata ng mga members mo kababasa ng nota...

wish ko, wala ng bagyong dumating sa pinas ngayong taon...

kasparov23
09.10.19, 09:04 AM
Wish granted... Ang babagyo naman eh mga campaign ads mula sa mga buwayang politiko...

Wish ko sana mangyari yung iniisip ko... (labo noh? ???)

Ahehehe :P

czyre
09.10.19, 09:18 AM
Granted, pero malabo talagang mangyari yun hihihi... (alam ko yan!!!)

Sana, dumami ng limpak limpak coins ko sa farmville

kasparov23
09.10.19, 09:38 AM
Argh!~!~!~!~!

Wish Granted... Bangkarote naman yung Farmtown moh...

Wish ko parin mangyari... Libreng mangarap. Hmpf! :P

rolandp43
09.10.19, 01:34 PM
wish granted pero nagka-amnesia ka, hindi mo na naalala kung ano yung pangarap mo...

wish ko wala ng heavy-traffic (bumper to bumper) sa EDSA

czyre
09.10.19, 03:35 PM
Granted, lumipat ang traffic diyan sa KSA kung nasaan ka ngayon

Wish ko, sana makabisado ko lahat ng mga pyesang kakantahin namin for the next two dami months... ang dami huhuhu

@Kasparov23, wala talagang ni-corrupt wish mo... in other words, mangarap ka! in english, in your dreams!ROFLMAO peace!LOL

kasparov23
09.10.20, 06:46 AM
Wish granted... Mapapaos ka naman sa kakapraktis kaya di mo rin makakanta...

Wish ko sana maraming pumunta mamaya sa meeting...

lalala

Ampf ka! Hmpf! :no: Basta... nuninuninuninu... :P

czyre
09.10.20, 09:12 AM
wish granted, pero lahat sila mainit ang ulo.

wish ko lang... mabawasan ako ng load... if you guys kow what i mean...

titopao
09.10.20, 09:29 AM
Wish granted...pero mago-overtime ka ng anim na oras mamaya LOL

Sana hindi umulan mamaya :P

kasparov23
09.10.20, 12:04 PM
Wish granted. Traffic naman dahil nagkalat ang sale sa Metro.

Wish ko sana maraming umattend sa rehersal sa Saturday.

lalala

@Trina - Wag kang mag-alala... kargahin kita pag di mo na kayang buhatin ahehe... :P

czyre
09.10.21, 09:15 AM
Wish granted... peroibang rehearsal ito... hindi yung rehearsal na pupuntahan mo.LOL (kontrabida talaga noh)

Wish ko makatulog ako ng 10 hours mamayang gabi... So tired... :(

@Kasparov23, dapat pala sinabi kong pagod na ako kahapon para binuhat mo ako sa glorietta LOL)

Bonnie
09.10.21, 10:28 AM
Wish granted, kaso naging x 2 kaya imbis 10 hours, sa pagod mo naging 20 hours, hehehe.

Wish ko lumiwanag isip ko kung talagang bibili ako ng Porta-keyboard or hindi. I need signs, hehehe.

czyre
09.10.21, 11:34 AM
Granted... Bibili ka na ng keyboard, pero wala ka namang pera pambili.

Sana paguwi ko gising anak ko. Playtime.:)

rolandp43
09.10.21, 03:52 PM
wish granted, pero hindi ka nakilala ng anak mo...

wish ko, hindi magparamdam si bagyong ramil sa pinas...

Bonnie
09.10.21, 08:19 PM
wish granted, lumipat sa riyadh ang bagyo, hahahaha.

Wish ko makauwi na bukas, waaaaaaaaaa, nakakamiss na mag internet ng one to sawa.

kasparov23
09.10.22, 07:09 AM
Wish Granted... Kaso brown out pag uwi mo...

Wish ko sana ndi mabulok pananim ko sa FarmTown...

:)

czyre
09.10.22, 09:04 AM
wish granted kasi ihaharvest ko at babasahin ko lahat ng message sa inbox mo mwahahahaha

wish ko, sana ma-master ko na lahat ng piyesang hawak ko...

kasparov23
09.10.22, 09:22 AM
Wish granted... Kaso na-scrap yung line-up at pinalitan ng bago...

Wish ko sana di traffic bukas papuntang Cavite...

:)

casper89
09.10.22, 12:09 PM
..Wish granted kaya lang under construction yung daan so hindi siya accesible...

Sana mataas makuha kong grades, hehe

czyre
09.10.22, 01:30 PM
Wish granted... mataas ang grades na makukuha mo sa minor subjects mo pero bagsak lahat ng major subjects mo.

Sana Friday na.:(

ernanibaetiong
09.10.22, 02:27 PM
Wish granted, Friday na, Friday the 13th LOL

Wish ko sana sweldo na ulet hehe

deathkill00008
09.10.22, 02:46 PM
wish granted... kaso 50% ang kaltas sa sweldo... hehe

wish ko, sana mabenta na lahat ng tickets huhuhu...

rolandp43
09.10.22, 03:17 PM
wish granted, pero nadagdagan yung tickets na ibebenta...

wish ko, magkaroon ng sariling eroplano, para anytime maka-uwi ako ng pinas at makabalik dito sa riyadh...

casper89
09.10.22, 04:13 PM
Wish granted kaso walang pakpak ang eroplano...hahaha

sana sunday na...

kasparov23
09.10.23, 09:22 AM
Wish granted dahil buong Friday at Saturday nkahiga ka lang dahil me sakit...

Sana tuloy lakad namin mamaya...

:)

czyre
09.10.23, 10:03 AM
Granted, tuloy na tuloy ang lakad... pero walang sisipot.

Sana wag na akong kulitin sa 2316 ko...

deathkill00008
09.10.24, 01:10 PM
wish granted... mawawala 2316 mo... hehe

wish ko, sana yumaman na ako. hehe

kasparov23
09.10.25, 11:45 AM
wish granted... pero mas mayaman sayo lahat ng tao...

Sana hindi traffic mamaya papuntang UN...

:)

czyre
09.10.25, 11:53 AM
Granted, pero traffic pabalik galing UN hehehe...

Sana, pumayat na ako yiheeeee... (oi Bryann wag mo i-corrupt toh! :P)

deathkill00008
09.10.25, 12:03 PM
wish granted... papayat ka buto buto. hehe peace!

wish ko... sana hindi matuloy test ko sa nov 8.

prinze
09.10.25, 12:56 PM
wish granted, na move ng nov 9 test mo. LOL

wish ko sana mas madaming umattend next BPOCC practice.

czyre
09.10.25, 01:11 PM
pwede bang ang sagot "wish mo lang!" ahehehe...

wish ko, sana nga madagdagan pa mga kakanta sa bpocc...:(

ernanibaetiong
09.10.25, 11:43 PM
Wish granted, marami nang mga taga-province ang sasali sa bpocc, pero lahat sila walang pamasahe para lumuwas LOL

Wish ko sana matapos kong ituro yung lalalalala agad:(

kasparov23
09.10.26, 06:38 AM
Wish granted... Pero yung lalalala lang hindi yung lyrics... :)

Sana me time kami ni Trina para makapag choir visit... ~sighs~

Ahehe... :P

czyre
09.10.26, 11:08 AM
Wish granted, pero ililibre mo siya ng pamasahe at pakakainin mo na rin.:)

Sana may mag-load sa akin ng 300 hehehe...

kasparov23
09.10.26, 11:58 AM
Wish granted... Pero doble ang singil....:P

Wish ako ulit.... Hmmmmmmm.... Ang gulo noh? Wahehehe.... Basta yun na un... Bahala na kayong mag-corrupt hahaha...

:P

czyre
09.10.26, 02:06 PM
simple lang yan... kahit magpagulong gulong ka pa... di matutupad yun... kung anuman yun hahaha...

sana holiday kami sa monday.:)

kasparov23
09.10.26, 02:55 PM
Oi Trina! Wag ka panira trip! Wahehehehe....

Wish Granted... Pero me training pa din daw kayo sa sementeryo gagawin...

Wish ko sana hindi na KJ si Trina (2 lang di na nadagdagan... Anubayun???)

Wahehehe... :P

Bonnie
09.10.27, 05:40 AM
Wish granted, di na kj si trina, trip nya na kasing mang-inis ngayon, hehehe.

Wish ko, matapos ko ang general maintenance ko ngayon.

kasparov23
09.10.27, 06:48 AM
Wish granted... Dahil mabilis ka, bukas 10 ang i me-maintain moh... Hehe...

Sana di ako makatulog dito sa office... Huhuhu... :P

czyre
09.10.27, 09:52 AM
Wish granted... tutulugan ka naman na ng mga kasama mo hehehe...

Sana makatulog na ako... huhuhu...

Bonnie
09.10.27, 11:19 PM
Wish granted, kaso magigising ka sa masamang panaginip, nanalo ka daw sa lotto, wahehehehe.

wish ko matuloy na ang pag put up ng branch ng shop ko.

kasparov23
09.10.28, 06:52 AM
Wish granted. Sa Tawi-Tawi nga lang... :P

Wish ko sa babaan naman ang tax bracket ko!!! :D

czyre
09.10.28, 09:06 AM
Granted, bababaan ang sweldo ng 80% para mangyari yan. (Iba na talaga ang malaki kumita hehehe)

Wish ko makumpleto ko 8 hours na tulog nagyon.

deathkill00008
09.10.29, 12:30 PM
wish granted... akso 8 araw kang di makakatulog... hehe

wish ko... sana makakain ulit ako ng masarap na spaghetti!!

bajo
09.10.29, 01:01 PM
granted, pero wala ka namang panulak na tubig or softdrink.

wish ko, sana lumihis palayo ng Pilipinas ang bagyong Santi.

rolandp43
09.10.29, 08:47 PM
wish granted, kaya lang ang pilipinas ang lumalapit sa bagyo...

wish ko, wala ng Computer Virus...

deathkill00008
09.10.29, 09:48 PM
granted... mawawala lahat ng computer sa mundo!!

wish ko... sana pumayat na ako... hehe

Bonnie
09.10.29, 10:40 PM
granted, kaso ikaw na lang ang payat na matitira, nauso kasi ang patabaa, hehehe.

Wish ko ma burn ko na lahat ng files ko sa mga dvds ko...

recoletomusic
09.10.29, 10:40 PM
wish granted, pero tataba ka ulit.. hehehe

wish ko sana magbati na kami ng ano ko... :(

kasparov23
09.10.30, 06:48 AM
Wish granted... Sangkaterbang frends mo naman ang makakagalit mo...

Wish ko sana hindi maging disastrous si Santi...

:)

deathkill00008
09.10.31, 10:53 PM
wish granted, kaso after ni santi, tatlong 240kph ang maximum winds na bagyo ang dadaan sa philippines, sa luzon, visayas at mindanao (sabay... hehe)

wish ko... sana makabili na ako ng book...

rolandp43
09.11.01, 02:06 AM
wish granted, kaya lang coloring book ang nabili mo...

wish ko, wala ng giyera sa buong mundo...

czyre
09.11.01, 06:50 PM
Wish granted, asawa mo nalang ang ge-giyera sayo hehehe...

Sana, matapos na namin lahat ng kanta bukas sa bpocc...

rolandp43
09.11.02, 08:11 PM
wish granted...pero puro ending walang intro...hehehe (wala pa po me asawa)

wish ko, makahanap ng asawa...

recoletomusic
09.11.02, 08:31 PM
wish granted.. makakahanap ka.. pero hindi ikaw ang hinahanap nung mahahanap mo.. hahaha.

wish ko maging maayos sa akin ang darating na 2nd semester..

sjclc
09.11.02, 08:41 PM
granted, pero biglang magpapalit ng curriculum at magkakaron ng differential at integral calculus ang lahat ng majors xD


sana magkalaman ako ng konti..a hehe
pedeng manggaya ng wish? hehe

rolandp43
09.11.02, 09:12 PM
wish granted, pero ginawa kang palaman...

wish ko, pumogi ako...

czyre
09.11.03, 03:37 AM
granted, pero tatawa muna ako ng bonggang bongga LOL

sana pasko na!!! :yes:

kasparov23
09.11.03, 07:35 AM
Wish granted... Bukas nakapila na mga inaanak mo...

Naka-move ng 1 hour shift namin because of DST. Sana di traffic mamaya pag-uwi...

:)

czyre
09.11.03, 08:23 AM
granted, pero araw-araw, pagpasok mo sa trabaho palaging traffic

sana payagan ako ni _ _ _ (wala lang... LOL)

kasparov23
09.11.03, 08:52 AM
OT: Nino? Hmmmmmmmmmm....:glare: Ahehehe...

Wish granted... Pero may kapalit.... :P

Sana ma-benta lahat ng tickets... (Bili nah!!! :P)

rolandp43
09.11.03, 12:30 PM
wish granted...pero lahat utang...

wish ko...may mag regalo sa akin ng car yung red...

sjclc
09.11.03, 03:03 PM
wish granted... laruan lang.

wish ko may gumanda sa kin physically.

recoletomusic
09.11.05, 11:32 PM
wish granted. pero hindi ka na aayos mentally. hehehe

sana mai-add ko yung isang natitirang subject ko kahit overload na ako..

prinze
09.11.06, 01:10 AM
wish granted, pero bagsak ka sa lahat ng subject mo.

Sana maayos na lahat... (bitin ba LOL)

kasparov23
09.11.06, 08:07 AM
Wish granted... Kasi me mga bagong darating na sigalot hehe... :)

Sana hindi magbago... (bitin din hehehe :))

czyre
09.11.06, 05:55 PM
granted, hindi magbabago ang waist line mo... 38 ba yun? nyahahaha...

sana matapos na tong pinapanood kong telenovela...

rolandp43
09.11.07, 11:49 AM
wish granted kaya lang may book 2

wish ko, lahat ng mga BPOCC abroad magkita-kita sa concert...

kasparov23
09.11.09, 07:39 AM
Wish granted pero magkikita kita sila dito sa Pilipinas at doble ang pamasahe...

Wish ko sana di ako makatulog ngayon sa shift (puyat na naman,...)

:)

czyre
09.11.09, 09:12 AM
Wish granted, pero mahihirapan kang labanan antok mo dahil wala ng kape sa pantry hanggang matapos ang shift mo (ano nanaman kasi pinaggagawa mo hmmmm)

Sana tumahimik na yung mga batang 5 oras na yatang nag-iiyakan sa kabilang bahay.

red100K
09.11.09, 10:56 AM
wish granted, pero ikaw ang pinakiusapang mag-babysit sa kanila :)

i wish ma-record ko na ang mga compositions ko...

sjclc
09.11.09, 10:38 PM
wish granted, nasira 'yung plaka.

Sana macorrupt ang wish na 'to. LOL

kasparov23
09.11.10, 07:52 AM
Wish granted... Corrupt na corrupt na... LOL

Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako... (kumanta?) ROFLMAO

czyre
09.11.10, 07:56 AM
Wish granted, hinding-hindi ka makakalimutan ng mga inaanak mo, manghihingi ng pamasko at mas malaki pa sa tax mo ang gagastusin mo.LOL

Sana, may 13th month pay din kami.

kasparov23
09.11.10, 07:59 AM
Wish granted... Pero dahil prorated, sakto lang pantaxi...

Sana wag masyadong malayo ang venue sa Sabado...

Inaanak talaga... Ampf! :P

czyre
09.11.10, 08:02 AM
Wish granted, pero ikaw lang ang makakapunta harhar...

Sana pumasa ako sa exams namin mamaya.

sjclc
09.11.10, 10:26 AM
wish granted, kaso biglang binawi 'yung one point, kaya bumagsak ka rin pagtapos irecheck.

sana 9am start ng klase bukas

czyre
09.11.10, 02:38 PM
Granted... pero mga 1 am na matatapos klase niyo

Sana payagan akong mag-leave sa 27.

rolandp43
09.11.10, 02:49 PM
wish granted pero january 27 yung approved leave mo...

wish ko lahat ng wish magka-totoo...

casper89
09.11.10, 03:29 PM
Wish granted pero nananaginip ka lang pala...

Wish ko sana di macorrupt tong wish na to...

sjclc
09.11.10, 03:41 PM
wish granted, kaso nacorrupt yung wish ko na magrant yung wish mo.

sana tama ginawa kong desisyon

Bien
09.11.10, 06:37 PM
wish granted kaso magkakaroon ng isa pang problema kaya kelangan mo ulit mag desisyon...

wish ko ay makabili ako ng RC helicopter.

czyre
09.11.10, 07:11 PM
igra-grant ko sana wish mo kaya lang hindi ko alam kung ano yun kaya toinks...

sana kumustahin ako ng crushness ko sa fb... i need inspiration weeee!!!

rolandp43
09.11.10, 07:51 PM
granted, kakamustahin ka nga, kasi mangungutang lang pala siya sa yo...

wish ko..makabili din ng RC Boat naman...

haeroman
09.11.10, 08:07 PM
Granted ... kaso kailangan mo pa rin sumakay sa boat at mag-sagwan para lang gumalaw ito. Yung remote ay para lang sa direction :)

Wish ko sumakay sa space shuttle para makita ang Earth ng buong-buo :)

prinze
09.11.10, 08:43 PM
Wish granted, kaya lang hindi ka na makakabalik sa Earth.

wish ko, makabili sana ako ng bagong monitor. huhuhuhu . :(

rolandp43
09.11.10, 08:52 PM
wish granted kaya lang yung paper white monitor ang nabili mo...

wish ko, bakasyon ko na...

raiza
09.11.10, 11:04 PM
wish granted. makakapagbakasyon ka..pero sa office ninyo.


sana monday na..para may back to school na.

kasparov23
09.11.11, 07:41 AM
Wish granted. Pero pagbalik mo, long quiz agad...

Sana hindi tambak ang trabaho ko gang weekend... :P

Bien
09.11.11, 08:09 AM
wish granted pero sa lunes 10x iyong dami ng trabaho mo...

sana makapag renew na agad ako ng passport next week.

prinze
09.11.11, 10:25 AM
wish granted, kaya lang sa RECTO LOL

Wish ko, sana bukod sa 13th month, may 14th month at 15th month pa. hehehe.

kasparov23
09.11.11, 10:28 AM
Wish granted... Kaso ikakaltas sa sahod mo next year...

Sana makagawa kami ng paraan bukas... :)

Bien
09.11.11, 10:41 AM
wish granted pero hindi yun matutuloy bukas kundi sa isang buwan pa

wish ko na mabili ko iyong compilation ng "blackest night" saga sa comic quest.

Coolwaters
09.11.11, 11:06 AM
wish granted... mabibili mo pero ang kopyang makukuha mo, literally, puro black... LOL

wish ko sana umulan mamayang dapithapon...

Bien
09.11.11, 12:13 PM
wish granted pero uulan lang sya ng limang patak ng ulan tapos hinto na...

wish ko na makakuha ako ng "gotham knights" DVD kahit pirated...hehe

rolandp43
09.11.11, 12:51 PM
wish granted, pero isa ka sa huhulihin ng OMB...

wish ko, december na...

Bien
09.11.11, 01:20 PM
wish granted kaso pagkagising mo bukas ng umaga ay november 12 pa lang pala.

wish ko na manalo sana si pacman versus cotto

Coolwaters
09.11.11, 06:59 PM
wish granted... pero bugbog sarado naman siya... (pasintabi po!)

Wish ko na sana gumaling siya agad paglabas niya mismo ng ring (LOL sabay bawi, kailangan na ng magic kasi may concert pa siya LOL)...

(Napansin ko lang, parang walang gustong magcorrupt ng wish mo Bien... Hinintay ko talaga kung may sasagot... Hehehe...)

czyre
09.11.11, 07:08 PM
Granted pero walang manonood ng concert niya

Wish ko na sana walang pasok mamaya!!! Waaaa! Ayoko na ng graveyard!!!

Bien
09.11.11, 07:10 PM
wish granted na walang pasok mamya pero starting bukas lagi ka ng nasa graveyard shift.

wish ko hindi off-line ang ATM mamya.




@ coolwaters pede ganito sagot, "wish granted pero mamaga lang ng konti ang braso nya".

czyre
09.11.11, 07:15 PM
Granted kuya Bien, on-line lahat ng ATM machines sa buong Pilipinas, pero walang lamang pera ang ATM mo.

Kung GY na ako araw-araw, sana 200% ang night differential YEY!!!

prinze
09.11.11, 07:59 PM
wish granted, pero 200% ng 10 petot lang. LOL

wish ko, sana manalo c Pacquiao sa laban niya kay kuto este Cotto pala.

kasparov23
09.11.12, 07:49 AM
Wish granted... pero si Dionisia Pacquiao ang mananalo...

Sana di pa bulok tanim ko maya... (di ako nakapagharvest huhu)

Bien
09.11.12, 08:46 AM
Granted na hindi mabubulok pero hindi mo pa din maha-harvest until next week.

Wish ko na lumamig na dito sa kwarto namin sa office.

czyre
09.11.12, 09:12 AM
Granted, magiging 2 degrees ang temperature diyan at nakalimutan mong magdala ng jacket.

Sana, iconfirm na venue ng rehearsal sa saturday (yuhu! prinze! LOL)

sjclc
09.11.12, 01:32 PM
Granted, kaso may dadaang pulitiko na nangangampanya kaya hindi rin kayo makakapagconcentrate.

Sana hindi masyadong mangain 'yung prof namin sa earth science, kahit na may history siya ng pangangain ng mga inosenteng bata.

Bien
09.11.12, 04:55 PM
Granted, hindi nga sya mangangain kasi ilalagay ka muna sa ref...hehe

sana bumilis ng server namin para naman makapag post agad ako ng mabilis haayyy

yenzephyr
09.11.12, 05:03 PM
wish granted kaso bibilis lang ang server nyo after mo makauwi

wish ko sana makagawa me ng homework tonight :(

Coolwaters
09.11.13, 10:14 AM
wish granted, pero makakalimutan mong i-submit...

wish ko sana matuloy ang shoot namin bukas... :ecstatic:

Bien
09.11.13, 12:53 PM
Wish granted pero maiiwan at hindi ka makakasama bukas kasi papasok ka sa office.

Wish ko na matapos ko iyong ginagawa kong evaluation this afternoon.

Berry
09.11.14, 12:07 PM
Wish granted kaso after mo ma-submit evaluation mo, ipapaulit sayo lahat kasi mali.

Wish ko lang mag practice sila ng piano para madali.

ryanestandarte
09.11.14, 09:57 PM
I'M BAAAAACCCCCCCKKKKKKK!!!!! First reply after many months! Hahaha!!!

Wish granted, kaya lang putol ang mga daliri nila.

Wish ko na magreply na ang Hong Kong client namin para makauwi na rin kami. Ayaw naming matulog dito sa office kasi bukas e Pacquiao-Cotto na.:)

kasparov23
09.11.14, 10:46 PM
Wish granted... Pero ang reply sayo eh mag overnight daw kayo diyan sa office ahehe...

Sana kung magpupuyat man ako mamaya eh worth it hehe... :P

rolandp43
09.11.15, 12:05 AM
wish granted, kasi ikaw ang magiging guwardiya ng kapitbahay niyo...

wish ko, mag-perform ang BP sa concert ng BPOCC...

czyre
09.11.15, 08:42 AM
ahehehe... granted, pero di mo mapapanood ang concert. nyahahaha...

wish ko lang, matapos na lahat ng ginagawa ko

bajo
09.11.15, 08:56 AM
granted, pero may kasunod pa iyang ginagawa mo.

I wish manalo ulit si Pacman laban kay Cotto

czyre
09.11.15, 11:27 AM
Granted, pero di mo mapapanood laro ni pacman...

sana di totoo lahat ng iniisip ko.

sjclc
09.11.15, 11:58 AM
Granted, pero yun pala may schizophrenia ka na.

Sana magka-*** ako. :D

rolandp43
09.11.15, 12:17 PM
wish granted...nagka-*** ka nga...pero binawi din ni Lord...

wish ko...mag boxing din si Aling Dionisia...Go...Go...Go...Pacsia...

czyre
09.11.15, 12:32 PM
ROFLMAO di ka naman nanggigigil kay aling Dionie noh?

Granted, kayong dalawa ang maglalaban sa ring go go go Rolandp43!!!LOL

Sana, mawala na sakit ng ulo ko...

ryanestandarte
09.11.15, 04:05 PM
Granted. Sa tiyan naman ang susunod sabay madumi ang mga cr na pupuntahan mo.

Sana maka-uwi ako ng maaga mamaya. :)

kasparov23
09.11.16, 07:52 AM
Wish granted. Kasi madaming uutos ang nanay mo...

Sana mapagkasya ko ang oras ko sa mga darating na linggo... :sick:

czyre
09.11.16, 07:58 AM
granted, pero wala ka ng time magtelebabad sa gabi (hehe...)

sana, tumigil ang oras pag natutulog ako...

Bien
09.11.16, 12:28 PM
wish granted pero tatakbo ulit oras pagkagising mo at malalaman mo na late ang relo mo.

wish ko na malapit lang from office iyong venue ng pre-christmas party namin this week.

Berry
09.11.16, 02:29 PM
wish granted, malapit ba gusto mo? balita ko sa canteen daw ang pre-xmas party nyo eh. ang lapit no?

wish ko sana mawala na ang sipon ko

deathkill00008
09.11.17, 01:56 PM
granted... lalagnatin ka ng isang linggo.

wish: sana maging successful concert ng BPOC (walang kokontra!!! bwahahaha)

czyre
09.11.17, 02:22 PM
Granted, pero di makakapagperform ang choir ninyo wahehehe

Sana, mabawasan ako ng load within the next two weeks... di ko na kayaaaaaa!!!!

deathkill00008
09.11.17, 02:25 PM
granted... pero next two years... magiging super busy ka... puro gawain! hahaha

wish: sana gumaling na sakit ng lalamunan ko...

kasparov23
09.11.17, 02:26 PM
Wish granted... Kasi tataba ka ng sobra di ka naman makakapaglakad wahehehe...:P

Wish ko meron akong lakas for the next two week... :)

deathkill00008
09.11.17, 02:30 PM
granted: pero next two years, mawawalan ka ng energy...

wish: sana magkaroon ako ng super powers, katulad sa Naruto (hehe animated)

Bien
09.11.17, 03:22 PM
wish granted pero sa panaginip mo lang yun mangyayari.

wish ko na matapos agad ang isang project ko this week.

czyre
09.11.17, 04:44 PM
granted, pero mapapalitan yan ng 5 pang projects na 10 times to the nth power ang pagka-komplikado

sana pumasa ako sa exams ko mamayang gabi :worried: