PDA

View Full Version : 9th sun-ray for the Philippine flag?


titopao
09.09.24, 03:15 PM
Your feedback on this is appreciated:

Binuhay ni Sen. Richard Gordon ang proposal na lagyan ng pang-siyam na sinag ang araw sa watawat ng Pilipinas. Sa kabutihang/kasamaang palad, sinuportahan ito ng Senado at ng House of Representatives, at mukhang mapapdali ang paglakad dito.

http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090924-226635/RP-flag-to-have-9th-ray-to-the-sun
http://www.mb.com.ph/articles/221893/bicam-oks-9th-ray-sun-rp-flag
http://www.bworldonline.com/BW092409/content.php?id=075

Ito nga pala ang kopya ng panukalang-batas na isinumite ni Sen. Gordon (courtesy of Manolo Quezon III (http://www.quezon.ph)):
http://www.scribd.com/doc/20148244/Gordon-bill-to-change-the-Philippine-flag

Oo nga pala...eligible pa si Sen. Gordon na tumakbo bilang senador sa 2010 :P

manoiskee
09.09.24, 03:46 PM
kalokohan. diba ang 8 rays nagre-represent sa 8 provinces na lumaban noon against the spaniards? wala namang sinabi kung anong ethnic group or religion kung sino man yung mga lumaban. kung dadaanin sa ganyan, eh di gawin na lang 10 rays para isama christian fighters. kanya-kanyang gimik talaga para lang makahakot ng boto. hayz.

bajo
09.09.24, 04:06 PM
bakit nga ba walang mindanao province? hindi ba sila nakipaglaban sa mga espanyol? di ko na maalala history natin hehehe

manoiskee
09.09.24, 04:31 PM
3 stars = luzon, visayas and mindanao

sjclc
09.09.24, 07:41 PM
'Di ko lang talaga mapigilan sarili ko na mag-react. I thought the 8 rays represent the 8 PROVINCES who fought with the Spaniards. Bali kung isasama ang mga kapatid nating Muslim eh ilang sinag ang kakailanganin? At hindi ba na buong Pilipinas ay lumaban din? Eh di bigyan na rin ng sinag ang Samar at Ilocos. At ang lahat ng iba pang probinsya (na maraming botante), at burado na ang kahalagahan ng mga sinag ng araw.

Another thing, hindi ko nabasa sa kahit anong aklat na muslim si Lapu-Lapu.

NikNoK
09.09.25, 03:41 AM
walang magawang matino.. daming dapat asikasuhin sa Pilipinas eh kung ano ano ang inuuna para sa pansirling interes.. nakakainit ng uloy! >:(

ernanibaetiong
09.09.25, 07:48 AM
Natatawa lang ako sa inis. Ini-imagine ko tuloy, baka dahil sobrang tuta rin ang gobyerno sa Amerika ay baka lagyan ng 51st star ang bandila nila para sa atin LOL

Ay ang Caloocan nga rin pala sobrang solid ang mayor kay GMA, lagyan na rin ng smiley ang flag tulad nito http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:un-ZwkHD4GqDFM:http://i91.photobucket.com/albums/k296/morta_skuld/smiley21.png

NikNoK
09.09.25, 08:47 AM
ginagawa nila tayong... *****,
eh kung talagang makakatulong yan eh bat hindi nila na-suggest dati.. ngayon lang nila naisip kung kailan malapit na ang election?

kung talagang gusto nila ng unity, dapat concrete action not just through symbolism..

my 2 cents.

titopao
09.09.25, 09:15 AM
No offense meant to those living in the provinces and who are clamoring for extra symbols on the flag to include them (as in, "kami rin, dapat nas flag din kami"), pero it only shows na ganon sila kadali makalimot ng history.

Ang disenyo ng watawat ng Pilipinas ay nbuo sa isip ni Emilio Aguinaldo (at pinatahi kay Marcella Agoncillo et. al.). Hindi maiaalis sa watawat ang ideya na ito ay simbolo ng rebolusyon (in fact, ito na lang ang buhay na artifact ng Rebolusyon na ginagamit natin sa ngayon.

Walo ang sinag ng araw dahil (umano) sa unang walong lalawigang umanib sa rebolusyon. Hindi ibig sabihin nito na puwera na yung ibang lalawigan---naitala na higit sa walo ang mga lalawigang umanib sa Katipunan. On a related side note, karaniwan nang inilalarawan ang araw na may walong sinag maski sa ibang watawat (at sa iba pang mga larawan) dahil kagaya ito ng nilalagay na "compass rose" sa mga mapa (na nakalagay ang N, E, W, S at lahat ng in-between :P )

Kasama na ang Mindanao sa watawat dahil ang tatlong bituin ay para sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kaya kung may magrereklamo pa tungkol sa disenyo ng watawat, doon kayo magreklamo kay Gen. Emilio Aguinaldo :P

Another thing, hindi ko nabasa sa kahit anong aklat na muslim si Lapu-Lapu.

Malamang na ito ay iasng hypothesis based on circumstantial evidence. Madaling naipalaganap ang Islam sa kapuluan ng Pilipinas hindi lang sa Mindanao kundi maging hanggang Luzon (remember na mga Muslim ang mga sumalubong kina Legaspi ilang taon matapos mapatay si Magellan). Although mas mainam na suportado ito ng dokumento, hindi malayong mangyari na baka Muslim nga si Lapu-lapu. Alangan namang lahat ng mga nakapaligid sa baranggay ni Lapu-lapu ay Muslim (i.e. buong Cebu), pero siya lang ang ayaw magpa-convert :P

Pero gaya nga ng sabi ko, ito ay isang hypothesis lamang. Ang safest na maisasagot natin dito ay "we don't know and we can't tell" ;)

titopao
09.09.25, 09:42 AM
Nakalimutan kong sabihin kanina, pero ihihiwalay ko na rin ng post kasi ibang concern naman ito.

The flag can only be changed through a consitutional amendment. (Kung di ako nagkakamali, sa Article XVI (Transitory Provisions) yun. Nakalagay pa nga dun yung description ng flag.)

Tapos ang sinasabi ni Richard Gordon, pag naipasa yung panukalang batas nya kelangan na raw palitan ang flag. Hindi pa yata n'ya binasa ang Constitution, o kaya'y sinadya talaga n'yang huwag basahin.

Sinu-suggest ba nya na tahasan nyang lalabagin bababuyin ang Saligang-Batas na sinumpaan nyang ipagtatangol? :rage:

manoiskee
09.09.25, 10:50 PM
titopao, i went to chanrobles.com to see article xvi, kaso it doesn't describe how many rays the flag's sun should have.

sa heraldic code lang yata na-describe kung ilan dapat.

Paulus_Magnus
09.09.27, 08:12 PM
Naging issue na rin pala noon yan... I read in the article of Ambeth Ocampo (NHI's Chair and a columnist of the PDI) na may bill na noon sa Congress na naglalayong maglagay ng 9th ray sa sun ng flag. Nasa book niya yun na "Aguinaldo's Breakfast: More Looking Back Essays". Sabi sa article, hindi nga naman daw dapat na may isa pang ray sa flag kasi history na ang nagtakda dun. Parang pinatay daw natin ang history pag ginawa natin yun.

Bonnie
09.09.28, 02:16 AM
Hehehehe, kakatuwa to, pati rays ng flag pinaguusapan pa pala sa Senado. Ay yay yay.

Emerald
09.09.30, 01:23 PM
oo nga mga walang kwentang bagay sana mas bigyan ng pansin nila yong paano maso.solve kahirapan at kawalan ng trabaho ng pinoy