PDA

View Full Version : Unbelievable Pinay in Dubai


manoiskee
09.09.28, 12:11 AM
got this from another forum:
http://i654.photobucket.com/albums/uu266/genermorada/10635_289544440079_523060079_910754.jpg

http://i654.photobucket.com/albums/uu266/genermorada/7835_1238606286939_1282733075_30706.jpg

http://i654.photobucket.com/albums/uu266/genermorada/7021_140263262790_511067790_3098877.jpg

nakakalungkot na may ganitong klaseng mga tao na nakadapo lang sa ibang bansa eh ganito na ang tingin sa kapwa pinoy. hayz.

allen lucas
09.09.28, 12:26 AM
sana lang hindi naranasan ng family nya dito sa pinas ang sinapit ng mga kababayan natin, natungtong lang ng Dubai kala mo kung sino. this girl deserve to be consider as "Persona Non Grata" (http://en.wikipedia.org/wiki/Persona_non_grata) by the Philippine Government

nlim
09.09.28, 08:24 AM
May mga taong ganyan. Mababaw yan akala narating na nya ang rurok ng tagumpay nya; just wait and see, the higher they fly, the harder they fall.
Nasa Dubai pa lang yan ganyan na. Yan ang isang sign ng backwardness ng ibang taong nagkakaroon ng chance, kumukitid ang isip at naka focus sa sarili, self-centered.Sa halip na maging humble - ham-bog! She will have her day, just wait and see. Nakakainis lang makabasa ng mga comment na ganyan, though I know may pagkakataon na dapat you should not speak your mind too open lalu na sa panahon ngayon sa Internet, she should just shut her mouth and just comment it generally - one of her weakness probably is English which she is trying to improve but got her into disaster, imagine she is still responding using those SMS English - product of her texting mentality.:)

jeffoy
09.09.28, 09:33 AM
Shame on her!! Ayokong mag-curse ng tao pero pag ganitong tao na may ganyang kakitid na pag-iisip baka hindi mo lang sya isumpa... #@#$5642#$#@@!^&*()!!!!

Bahala na ang Diyos sa sa kanya!

ernanibaetiong
09.09.28, 09:37 AM
I heard na excuse daw nitong "tao" na ito ay na-hack ang kanyang facebook account at hindi sya ang nagco-comment ng ganito. Yeah right, ginamit na ding excuse sa kin yan once, a convenient escape for those who cannot own up to their stupid behavior/remarks.

Wala pa sigurong panahon ang gobyerno sa ngayon dahil busy pa ito sa pagtugon sa problema, pero personally I would suggest that the passport of this "tao" or whatever this multi-cellular organism is, be revoked with finality. Tutal hindi naman na yata nya matanggap ang pagka-Pilipino nya, aba'y tanggalin na ang pasaporte at iparanas sa kanya ang pagiging stateless person.

manoiskee
09.09.28, 09:38 AM
pinagpipyestahan na sya ngayon ng mga pinoy sa internet, yung multiply account nya (http://starfishbuang.multiply.com/) punong-puno na ng messages from angry pinoys all around the world.

manoiskee
09.09.28, 09:45 AM
eto, unbelievable pinay in the philippines:

GMA used P800-million emergency fund for foreign trips (http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=496123)

ernanibaetiong
09.09.28, 09:45 AM
manoiskee, bagay na bagay sa kanya ang pangalan ng account nya ah, ahehe

Star nga sya ngayon at sikat na sikat-dahil sa kanyang pagiging buang LOL

sjclc
09.09.28, 09:55 AM
"...starfishes have no brain...maybe that's why i'm like this..." *cough*

allen lucas
09.09.28, 09:57 AM
sana sampahan ng kaso ng Government natin itong babae na ito at mabigyan ng lesson, sana mawala ang working visa niya sa Dubai ng d na siya makapag trabaho dun at bumalik sa kanya lahat ng sinabi niya.

Emerald
09.09.28, 10:00 AM
what a mentality.. nakatungtung lang sa ibang bansa feeling mayaman na siya.. kung may taong deserving to be beheaded in dubai siya lang ang karapatdapat

sjclc
09.09.28, 10:05 AM
May gumawa pala sa kaniya ng wikipedia article... Kaso nadelete 'din within a few hours.

Coolwaters
09.09.28, 10:07 AM
Nakita ko rin ito kagabi sa FB... Nanggagalaiti ako sa galit... buti na lang di ko nasira ang keyboard ng laptop ko sa lakas ng tipa... LOL

Stupid, stupid, stupid!

Dapat lang talagang kanselahin ang passport ng babaeng ito!
Kung si Hayden Kho, may mga "cases" ng persona non grata declarations, mas dapat ang babaeng ito... Dapat buong Pilipinas! Grrrrr....

Emerald
09.09.28, 10:08 AM
ganun ba kuya alam mo galit na galit ako ngayon!! if pwede lang sana mag.mura dito

Emerald
09.09.28, 10:10 AM
sana e.exile sa o e.banned dito sa atin bansa!

sjclc
09.09.28, 10:17 AM
UPDATE: The Brother’s Official Statement
ok! it all started sa Friendster last year 2008, my sister told me that her account was hacked by someone mad at her prolly inggit or may galit… she really doesn’t know or what’s the reason why she has been hacked, of corse she’s pissed off because this person keeps messing up her friendster profile. So, hinayaan lang ng sister ko yun, since wala nmn xang alam sa social networking or kung ano man, she’s a working woman na at wala xang panahon magfriendster.

Ngayon naman this issue has been spreading about her posting such harsh words:
“buti n lg am hir in dubai maybe so many sinners bak der!so year deerving wat happend!”

Ang ate ko hindi ganyan kung magenglish, edukada sister ko at nag graduate sa UP. We came from a PROVINCE and part of a political family. Hindi basta basta si ate jack magpopost na magsisira sa family name namin. Dumaan din kami sa hirap, at for your information binagyo din ang lugar namin, TATLONG BESES. Why in the world will my ate as a filipino disgrace our family and citizen, sana po wag muna kayo manghusga.

Hintayin lang po sana ung explaination, for she doesn’t have internet nor load right now, its around 3am-4am at dubai, and I have hard times contacting her myself.

Kung sino ka man gumagamit ng pangalan ng ate ko, mahahannap ka din ng mga bermejo.

http://chikamuna.com/jacque-bermejo-her-brothers-official-statement/
Not sure if the source is credible though.

Edit ko na lang, 'yoko magsayang ng post count. Interested ako kung anong magiging reaction ni titopao dito, and I know kayo din :)

Emerald
09.09.28, 10:20 AM
sana nga totoo yong statement ng brother niya!

Coolwaters
09.09.28, 10:23 AM
One thing though, if they want to claim credibility, they should have added verifiable facts to this so-called "official statement"... Eh, maski nga ang official statement nila, ni hindi ginawa properly... Yan ba ang may pinag-aralan?

O, baka naman i-claim uli nila na hacker din yung gumawa ng "official statement"? Grrrrrrrrrr....

Emerald
09.09.28, 10:24 AM
oo nga ate diba graduate siya ng UP imposible rin kung hindi siya marunong na mga social networking sites?

jeffoy
09.09.28, 10:38 AM
I don't buy that statement.. how come maha-hack ang account nya e nakakapag-upload sya ng mga pics at kung tingnan nga natin kung ang ip address ng pinanggalingan ng nag comment nun ay hindi sa dubai nagsasabi sya ng totoo pero kung nagsisinungaling sya nagdagdag lang sya ng kasalanan nya...

Emerald
09.09.28, 10:41 AM
sana mapatunayan na siya yung may sala at sana wag siya magkakamali na umuwi sa pinas

Bonnie
09.09.28, 04:09 PM
Unbelievable nga talaga to, ala akong masabi... ay yay yay....>:(

tiger shark
09.09.28, 06:04 PM
Bakit ninyo pinag kaka abalahan ang taong ito? She is a waste of time.

Ang dapat nyong pag usapan ay kung ano ang maitutulong natin sa ating mga kababayang apektado ng baha.

casper89
09.09.29, 12:12 PM
Bakit ninyo pinag kaka abalahan ang taong ito? She is a waste of time.

Ang dapat nyong pag usapan ay kung ano ang maitutulong natin sa ating mga kababayang apektado ng baha.

Ate TS...Ok lang naman po siya sigurong pag-usapan sa thread na ito dahil as a filipino na apektado ng matinding hagupit ni Ondoy na maging kami ay hindi nakaligtas, it is natural for us to be mad at her lalu na kung totoo man ang mga pinagsasabi niya...Anyway di po ba may thread naman na talagang made for the purpose of helping...

Cheers...

manoiskee
09.09.29, 11:38 PM
latest update:
OFW 'abused' after mistaken Facebook post on Ondoy (http://www.abs-cbnnews.com/pinoy-migration/09/29/09/ofw-dubai-draws-flak-over-facebook-remark)

knightdom
09.09.30, 03:00 AM
i pray na sana kung sino man ang nagsabi ng mga napaka-insensitive na salita e kilabutan sa kanyang ginawa regardless kung yung babaeng nabanggit or kung sino pa man ang nasa likod ng account na yun.

herald
09.09.30, 01:11 PM
Jacque Bermejo's Official Statement

http://blogpipiatbingi.com/jacque-bermejo-official-statement/

manoiskee
09.09.30, 02:34 PM
di ko lang ma-gets kung di sya talaga yung nag-post bakit pa sya naging defensive dun sa sumunod na comment nya:
cuz of u dnt understand!!!judge me sige!!!kya ala kayong asenso.even nature now is making statement big time!!!
tingin ko tama yung sinabi nung Kenneth, it may be a "last-minute desperate act to clear her name."

titopao
09.09.30, 03:39 PM
@sjclc: At talagang kelangan ako pa? :P hehehe. Okay, eto'ng sa 'yo... ;)

Personally, nung una kong nakita ito, parang gusto kong maniwala. Pero nang lumabas ang interview sa tunay na Jacque Bermejo (in person), nagkaroon ako ng mga alinlangan. (Read on...)

*

@manoiskee: I would have agreed with you, except that I know of someone who has had a similar experience.

About two years ago, may dati akong officemate sa call center na na-hack ang personal email address at Friendster account n'ya. Hindi lang maka-log-in yung officemate ko, nagpost pa ng kung ano-ano yung nang-agaw ng account at pinagmukha pa s'yang masama.

It turns out na ang nang-hack---or nagpa-hack---ng naturang Friendster account ay dating girlfriend ng boyfriend (now fiancee) n'ya, na naghahabol pa rin dun sa lalaki.

Ang kaibahan lang sa kasong ito ay nasabihan kaming lahat (via Multiply and text message) na ganoon nga yung nangyari sa mga accounts nya bago ang mga naturang offensive na posts. On top of it all, ni-confront ng officemate ko at ng boyfriend-fiancee nya yung babae para matapos na ang isyu once and for all. (Di ko na alam kung ano ang nangyari after that, though :P)

So, yes, it is possible that someone else may have hacked into Jacque's account and made those posts to make it look that the real Jacque Bermejo posted those things. Kung may pag-aalinlangan tungkol dito, madali lang naman ang kasagutan: malalaman at malalaman ito ng Facebook. And for the record: part ng trabaho ko dati sa call center ay tulungan ang mga customers na makapasok uli sa online account nila. Almost 50% ng mga naencounter ko noon sa ganitong mga situation ay mga na-hack na accounts...and, yes, malalaman at malalaman namin kung na-hack nga talaga ang isang account. Maswerte pa nga si Jacque Bermejo kung tutuusin (kung totoong na-hack ang account nya) kasi ganito lang ang inabot nya. Yung ibang mga nahawakan ko dati sa call center, ninakawan na nga ng account, naloko pa ng higit sa $10,000! (Alam n'yo na, yung mga e-mail "Hello, I am Gen. ___ from the Central Bank of Nigeria..." :P)

Kung yung hacker ang gumawa ng nasabing status message, e di malamang na yung reply na "cuz of u dnt understand!!!judge me sige!!!..." ay galing din sa hacker...atm malamang hindi talaga yung tunay na Jacque yung nagco-"cover up" dahil, syempre, hindi s'ya yung nagpost nun---at lalong hindi makakapagpost yung tunay na Jacque Bermejo. (Sige nga, sabihin n'yo sa 'kin, kung na-hack ang Facebook account n'yo at pinalitan ng hacker ang email address, secret question at password n'yo, paano pa kayo maglo-log-in dun sa mismong account na 'yun para sabihin na na-hack kayo? :P) Kaya ipamumukha talaga ng hacker na kunwari si Jacque yung naging defensive para, syempre, si Jacque yung magmukhang masama. Granting na totoong na-hack yung account, sobrang magiging unfair na bansagan si Jacque na nagco-cover up. Hindi na nga mapasok ni Jacque yung Facebook account n'ya, pagbibintangan pa natin na pinagtatakpan n'ya ang sarili n'ya...parang napaka-fair naman yata natin ah :P (Again, of course, Facebook ang makakapagsabi na hindi totoong na-hack ang account n'ya. I'd assume that she may have reported this to Facebook, so let them work on it.)

So...do not count out the possibility that Jacque Bermejo's account may have been hacked. Posible 'yun...at posibleng mangyari din yun sa inyo. Let's give her the benefit of the doubt, given her statement. (Buti nga may Multiply at Friendster pa s'ya para pasinungalingan yung mga nakalagay sa Facebook.)

*

Bakit hindi kaagad naireport ni Jacque Bermejo na fake o na-hack yung account na 'yun?

Para sa karamihan sa atin na mahilig mag-online, nag-eexpect tayo kaagad na magiging masigasig ang ibang tao na mag-report ng mga ganoong kaso sa mga kakilala nila. (Lalo na kung nasa Amerika ka.)

Fact is, hindi lahat ng mga Pinoy ay ganoon ang iniisip with regard sa mga online accounts nila, hindi nila sineseryoso masyado ang Internet. Unang-una, hindi lahat ng may Facebook account o email addresss ay palaging nag-oonline. Yung iba, weekends lang. Yung iba nga, once a month pa.

Para sa ibang tao, hindi "big deal" ang pagi-Internet, kaya kung minsan pinalalampas na lang nila yung mga insidenteng katulad nito. Sa tingin nila kasi, hindi naman nila "duty" na i-check ang account nila every now and then. (Mas totoo ito dun sa mga taong magalang ang paggamit ng computer sa trabaho o kaya'y walang computer sa bahay. In the Philippines, that's 90% of the population yata.) Papansinin lang uli ang account nila kung trip lang nila o---sa kasong ito---kapag mas malala yung kinahinatnan ng pagpapabaya nila.

Sa opinion ko, hindi pa talaga ganoon ka-computer literate ang mga Pinoy. Marami pa tayong kakaining bigas pagdating sa IT, at maling-mali ang mga priorities natin (gobyerno + citizens) pag mga computers at IT ang pinag-uusapan. (Hanggang dun na lang muna ang sasabihin ko tungkol don, hindi ko na ieelaborate, OT na yun.)

Kaya hindi maiiwasan na may mga taong "don't care" lang sa kung ano na ang nangyayari sa kanilang mga email accounts o social networking accounts. Malamang na napansin lang (uli) ni Jacque Bermejo ang isyung ito nang lumaki ito nang hindi niya nalalaman. (Ngayon siguro, natuto na rin sya na maging maingat sa mga online accounts nya. Sana nga. At sana tayong lahat din.)

*

Another scenario: May taong galit sa kanya, o kaya'y may lihim na galit sa kanya. Kaya madali lang ang plano: gumawa ng isang fake na account sa Facebook, Friendster o Multiply at mag-pose na kunwari ikaw yung taong kagalit n'ya. Kung meron syang mga litrato ng nasabing tao, i-upload lang, para mapaniwala yung ibang tao na s'ya yung real thing. Syempre, sa mga taong walang kamuwang-muwang, madali silang mapaniwala na sya nga ang tunay na ina-add nila.

Example na hindi tungkol sa "kagalit" o "hacking": marami noong mga fans account sa Facebook na may taglay na pangalan na "Philippine Madrigal Singers". Sa sobrang dami ng nagtatanong sa Madz ng kanilang Facebook account, kinailangan nilang maglabas ng statement noon (sa kanilang Multiply account) na wala silang "official" Facebook account, maski na lahat ng impormasyon sa mga nasabing account ay mga totoong detalye at larawan ng Madz. (But not anymore...nitong huli lang sila nagkaroon ng totoong Facebook account. Hanapin n'yo na lang sa Facebook :P hehehe)

Sa Friendster, marami ring ganyan na mga fake na account. E kahit nga si "Jesus Christ" (http://profiles.friendster.com/82460387) nga may mga Friendster account. (And ayun sa account ni "JC", s'ya daw ay married and 42 years old. Hmm... :P ) Sa tingin ninyo, nabuhay/bumalik si Kristo sa piling natin para lang gumawa ng account na iyon? :P

Kaya naniniwala din ako na posibleng kung hindi nga kay Jacque Bermejo ang nasabing account, malamang na may galit/inggit sa kanya ang gumawa noon. (Tapos, baka isa pa s'ya sa nasa friends list ni Jacque sa Friendster, Multiply o Facebook...) Kung may kakilala kayo na hindi naniwalang posible 'yun, sabihin ninyo i-add nila si "Adolf Hitler" (http://profiles.friendster.com/37543724) sa Friendster :P

*

And one more thing: go easy on those blog comments katulad nung sa Kenneth na 'yun. Lalo na yung puro angas yung blog comments. Ang pag-iisip ng ilang mga nagco-comment (kung di man lahat) sa mga blogs ng mga Pinoy ay kasingbulok ng burak na lumitaw noon sa baha, at kasingkitid ng mga utak ng karamihan sa mga nakikita kong mga posts sa Pinoyexchange.com. Not worth your time, not even worth a second look 8)