PDA

View Full Version : Rotational Brownouts in Metro Manila


titopao
09.10.08, 01:14 PM
Heads up po sa mga hindi pa nakakaalam nito: magkakaroon ng panaka-nakang brownouts sa Metro Manila sa mga darating na araw (http://abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/10/08/09/rotating-brownouts-easter-metro-after-transformer-fire).

Ang rason: may nasunog na transformer sa isang NAPOCOR substation sa Taytay kahapon. (Kung nakaranas kayo ng brownout kahapon, ito yung dahilan.) Tatagal daw ng mga tig-tatlong oras kada brownout, at 2x a day din daw mangyayari ito.

Eto ang isang blog post ng isang empleyado ng Meralco (http://www.bulagspot.com/2009/10/manila-emergency-brownouts.html), in layman's term. Ayon sa kanya, ang mga sumusunod na lugar ay siguradong maaapektuhan:

Portions of:

* Cubao
* Marikina
* Santolan, Pasig
* Cainta, Rizal
* Manggahan, Pasig
* Dolores, Rizal
* Kamuning
* Ortigas, Pasig
* Mandaluyong
* Makati
* Quezon City

Mag-handa na kayo ng reserbang flashlights at batteries ('yan ay kung meron pa kayong mabibiling batteries...kahit saan ako magpunta, ang hirap makabili ng size D na battery, yung para sa malaking flashlights :P )

nlim
09.10.08, 01:30 PM
Ibig sabihin, threre are no spare power to divert or contengency plans ang MERALCO and NPC. Malaking transformer ang bumigay to affect certin areas kaya nagkaroon ng load shedding. Dont know if NPC hasnsuch thing as spare transformer of spare capacity to supply.
Thanks for the info titopao. Sana wag nman nilang idamay ang mga hospitals at evacuation centers.:)

titopao
09.10.08, 01:38 PM
Ayon dun sa Meralco employee na nag-blog about this (see link in the first post), meron daw sana na isa pang available back-up transformer. Unfortunately, lubog pa rin daw ito sa baha :( kaya obviously delikadong gamitin.

Tatlo daw ang transformer units dun sa nasunugan na area, pero since karga-karga nito ang napakalaking area, kelangan nilang mag-alternate ng pagbubukas para hindi bumigay ang buong electrical grid. Ika nga n'ya, kung gusto daw natin i-insist na naka-on sya pareho para walang brownout, gusto daw ba natin sumabog ang buong Luzon? :P

Kasinglaki daw ng isang townhouse ang bawat isang transformer unit, btw. Nagkakahalaga daw na P300 million ang bawat isa, kaya siguradong hindi ganon kadali ito palitan. Maski na may pambili, hindi naman maiinstall ito kaagad sa loob ng isang araw.

There you go :P

Bonnie
09.10.08, 05:48 PM
Dagdag na namang pahirap to sa mga taga Manila lalot kadaraan pa lang ng sakuna, ay yay yay. Sana me solar technology na tayong nagagamit dito sa Pinas, kung mura sana ang technology na to, siguro mas magaan ang buhay natin dahil kaya na nating mag produce ng sariling enerhiya sa bawat tahanan. Sana dumating ang panahon na maging self sustainable na tayo using this techonology. Kaso mahal daw ito kaya di magamit ng ordinaryong Pilipino, at kakulangan ng kaalaman ng tao kung pano ito magagamit.

manoiskee
09.10.08, 06:34 PM
ROFLMAO natawa naman ako sa post nya sa bulagspot. jologs. lolz.

silveryellow
09.10.08, 10:51 PM
... Sana me solar technology na tayong nagagamit dito sa Pinas,...

Eh di brownout pa rin... sa gabi LOL hindi na lang rotational kung gayon, magiging regular na yon :P


Affected din pala maging MRT kanina, pero buti na lang at sandali lang din. Huwag lang sanang matyempo sa rush hours.

Okay lang din siguro ito dahil tig-tatlong oras lang naman at staggered naman ang schedule. Isa pa, dahil tag-ulan, di naman na mainit, makakatulog pa rin sa gabi. At sana lang huwag na ulit babagyo. :)

Bonnie
09.10.09, 08:26 AM
Eh di brownout pa rin... sa gabi LOL hindi na lang rotational kung gayon, magiging regular na yon :P



Dyan papasok ang energy storage, kasi kung depedent ka lang sa solar energy which u can get during daytime, at di mo store ang power sa storage devices like sa batteries, wala ka talagang kuryente sa gabi. Masyado pa kasing mahal ang ganitong techonology, pero sa ibang bansa, a combination of wind, solar and other sources of electricity is used para ma achieved ang 100% power generation or power storage.:P:)

titopao
09.10.09, 08:59 AM
@silveryellow, Bonnie: Ang alam ko, may kasama naman ding rechargable batteries ang solar-powered energy. That is, kapag araw, dalawa ang trabaho ng solar energy cell: nagbibigay ng kuryente sa nangangailangan nito at nagchacharge din ng battery. Kaya maski sa gabi, may kuryente pa rin :)

titopao
09.10.09, 09:04 AM
Got this one from Punzi, though di din n'ya masabi kung authentic yung schedule na nakalagay dito:

http://docs.google.com/fileview?id=0Bz77T_SHg4h6Yjk2Mzg3MjgtOGNkZC00YjljL WFkMDMtODFlNTYxMDE5YmM1&hl=en

Sa mga tatamaan ng brownouts sa mga lugar na nakasaad doon sa document, puwede ba ninyong ma-confirm later or tomorrow kung tumama nga yung mga sked ng brownouts? ;)

Bien
09.10.09, 12:25 PM
Ok sana iyong solar energy. Meron na ding solar energy manufacturing company dito sa pinas, isa sa st. rosa at isa sa batangas kaso magsasara na ata. Kung dito lang sana din magiinvest ang gobyerno natin sa mga alternative power solution ok sana kaso napupunta lang sa bulsa nila iyong dapat ay para sa mamamayan nila inilalaan. >:(

titopao
09.10.09, 12:28 PM
@Bien: Maganda nga sanang suggestion, pero looking at things, sa tingin ko hindi rin magiging madali sa gobyerno natin na mag-invest pa sa alternative energy.

I'll give you three words: Shell, Petron and Caltex. Appetizer pa lang 'yan :P

manoiskee
09.10.09, 12:33 PM
kakatapos lang mag-brownout dito sa pasay, around 10am hanggang 12nn.

akala ko tuloy nagbago ng scope yung listahan, ala naman pagtingin ko ngayon.

hayz.

Bien
09.10.09, 01:34 PM
@Bien: Maganda nga sanang suggestion, pero looking at things, sa tingin ko hindi rin magiging madali sa gobyerno natin na mag-invest pa sa alternative energy.

I'll give you three words: Shell, Petron and Caltex. Appetizer pa lang 'yan :P

@titotapo, sinabi mo pa. Sino ba iyong pinoy na nakaimbento ng water-powered car engine? asan na ba sya ngayon? ano na nagyari sa imbensyon nya?...balita ko nabayaran sya ng isa or ng big 3 na yan. :(

titopao
09.10.09, 01:43 PM
Hindi ko na maalala yung pangalan n'ya (must ask Google :P ). Pero sa tingin ko, for now, hangga't hindi pa s'ya uli sumusulpot, mainam na i-suspend muna ang balita (tsismis?) na baka binayaran s'ya. Mahirap na, baka it turns out pala na may ibang reasons pala s'ya kung bakit hindi natuloy.

Hard sell talaga ang mag-present ng renewable energy. Ang nakikita ko, halimbawa mang willing naman ang gobyerno at maging ang mga energy business owners, baka mas malaking pera pa yung kailanganin para mag-convert sa renewable energy. We've come to a point where we're torn between a rock and hard place: we need to find safer alternative energy sources, but it's also nearly impossible to do so :(

ernanibaetiong
09.10.09, 02:32 PM
Si Mr. Dingel titopao, hahaha nagpapirma ko dati ng autograph dun eh nung nakasabay ko sya kumain sa mcdo sa sucat hehehe, nakita ko yung kotse nya na tubig lumalabas sa exhaust :P

Bien
09.10.09, 04:27 PM
Ayos nga iyong sasakyan nya, ok lang na tubig at least hindi na usok na makadagdag ng pollution. Sorry sa ginamit ko na word kanina.

manoiskee
09.10.09, 06:36 PM
diba scammer yun?

Bonnie
09.10.09, 09:50 PM
Me mga nagrereklamo na nga sa rational brownouts sa Metro Manila, di nga nasusunod ang pinalabas na schedule, according sa news kanina, out of 4 transformer na nasira, sisikapin ng Napocor na maayos atleast ang 2 transformer this week para mabawasan ang brownouts na na eexperience ng mga taga Manila ngayon.

familia singles
09.10.10, 12:33 AM
Dito sa amin sa Marikina ay every 3 hours yung brownout pero nagbabago ngayon kung gaano kadalas. grabe:(

Bonnie
09.10.10, 12:53 PM
Ganyan din ang ngyayari dito samin sa Bicol pag me mga kalamidad na dumarating, pero ngayon lang ata yan ngyari dyan sa Manila, kami expected na namin na pag me pumasok na Bagyo sa amin at malakas, expect na namin 1 week 2 weeks or malamang 1 month pawawala wala ang ilaw or totally walang ilaw.. Terrible ang idinudulot ng kalamidad dito satin, sa ibang bansa, bumabagyo na tulad ng Taiwan, di man lang natitinag ang kuryente at iba nilang facilities, naka tago kasi sa mga tunnel sa baba ang mga facilities nila pati na ang mga kuryente, tubig, cable, telephone lines at iba pa.

velpastrana
10.03.24, 04:51 PM
mag bro brownouts daw..baka naman in preparation lang para sa elksyon????:worried:

felamsen
10.03.24, 07:07 PM
possible na may kinalaman, hay naku... pulitika talga :(

markjeff
10.03.25, 03:53 AM
kung minsa talaga hindi ko maintindihan ang mga power genetion companies na yan. bakit kaya ngayon kung kelan election lang may power shortage? para nakakapagtaka naman yan.

Alexander
10.03.25, 07:36 AM
Eto lang ang sagot diyan:

Power Demand >> Supply
Power Demand = High Population Consumption and Usage
Under Estimated Demand (or POOR PLANNING) = Less investment on Power Production and Generation

Maari na naman ma drag sa equation ang Population, Population Control at Responsible Parenthood, but that's another topic to discuss...

In short, it's the Law of Supply and Demand!

In addition, kaya din tumataas ang presyo ng Langis (at kuryente) kasi ito ang Primary Fuel ng major power generation plants sa Pilipinas, dapat talaga na magkaroon ng mga bagong planta para me surplus na energy lalo na pag sobrang peak ang demand... ang masakit lang, pag sobra naman ang reserve energy sinisingil pa rin sa tao ang cost nito.

Kaya Join kayo sa EARTH HOUR para makabawas man lang sa kakulangan ng energy ang Pilipinas kahit isang oras and that is tantamount to X amount of Kilowatts per household na mase-save...

My two cents.




Notes:

>> - much greater
= - equal to