PDA

View Full Version : BPOCC in 'Sang Tinig - BPOC Choral Festival


Pages : [1] 2 3

froilan
09.08.26, 02:43 PM
ATTENTION ALL BPOCC Members, old and new: may isang reserved slot ang BPOCC sa choral festival. Magpost na lang dito ang willing magparticipate at gustong tumugtog. Read Bp onliners concert thread for more details.

Niknok, jon2, hashpipe - your assistance will be appreciated.

mayomee
09.08.26, 02:53 PM
Mayo... basahin mo dito ang tricks.
How to put several quotes in a single post (http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?t=4015)

Sige...mag-abang kami ng promo para kami ang pupunta diyan...:)

At mas lamang si Myrna kay Lean hahaha...

abc


Mas mahal naman ang pamasahe sa Australia compared sa HK e....saka may VISA pa...


Ay oo nga! Myrna, talo mo si Lean! Lean, magparamdam ka naman. :)

Alex, salamat sa tips! Ayan, kaya ko na.
Tama din si Leisl, may visa pa pag Australia. :|
Magkita na lang tayo halfway, halimbawa, sa Manila!

larry
09.08.26, 06:24 PM
ATTENTION ALL BPOCC Members, old and new: may isang reserved slot ang BPOCC sa choral festival. Magpost na lang dito ang willing magparticipate at gustong tumugtog. Read Bp onliners concert thread for more details.

Niknok, jon2, hashpipe - your assistance will be appreciated.


hi froilan.musta na? sorry po di ako makakasama sa pagkanta sa bpocc nasa ibang bansa po ako...ask ko lang for clarification...so magsasama ba yung nagseserve yung sa edsa shrine at OLP? o kung meron man bpocc sa ibang part ng pilipinas, kasama din ba sila?salamat po.

Paano ba magquote ng madami? Hindi na ako marunong! :(

Leisl, hindi na muna ako uuwi ulit this year kasi twice na ako umuwi in a span of 6 months. Baka atakihin sa puso ang boss ko at ang wallet ko.

So ibig sabihin nyan eh...:whistle:





hi mayomee...naku pareho tayo di pa makakasama sa mga service nila kung saan saan ngayong taon...kahit nga sa edsa shrine di ako nkakasamanung andyan pa ko sa manila...hayaan mo next yeak makakasama na tayo makikanta sa kanila...yahooooo,...

mayomee
09.08.26, 09:30 PM
hi mayomee...naku pareho tayo di pa makakasama sa mga service nila kung saan saan ngayong taon...kahit nga sa edsa shrine di ako nkakasamanung andyan pa ko sa manila...hayaan mo next yeak makakasama na tayo makikanta sa kanila...yahooooo,...

Saan ka na napadpad, Larry? Sumabit ka ba dun sa eroplano na dumaan sa inyo? :)

Siguro a few years from now, puwede na tayo magreunion!

Alexander
09.08.27, 07:08 AM
ATTENTION ALL BPOCC Members, old and new: may isang reserved slot ang BPOCC sa choral festival. Magpost na lang dito ang willing magparticipate at gustong tumugtog. Read Bp onliners concert thread for more details.

Niknok, jon2, hashpipe - your assistance will be appreciated.

Gusto ko lang suportahan ang panawagan ni froilan. Gusto ko rin po sabihin na ang BPOCC ay tayong lahat na nagnanais na umawit na kasama ang kapwa myembro natin sa BP Online Community, samakatwid, saan ka man sa Pilipinas (or abroad kung ikaw ay makakasama), kumakanta ka man sa EDSA Shrine o OLP... luma ka man o bago.... isang malaking karangalan na sumama bilang BPOCC at umawit bilang ISANG TINIG :)

Sama-sama, mas marami, mas masaya....

Post nyo lang ang pangalan tulad ng nasabi ni froilan, sa mga nagnanais na kumanta para sa BPOC Choral Festival 2009.


@Larry, saan ka na napadpad ngayon?

@mayomee.... agree ako, meet halfway na lang, mas mura pa :)

Punzi
09.08.27, 02:16 PM
Amen, Alex!

Eyes on the ball mga kaibigan! Serbisyo sa Diyos at bayan!

regards to all :)

Alexander
09.08.27, 02:21 PM
Go BPOCC... something BIG is brewing.... ika nga ni Punzi... eyes on the ball ;)

larry
09.08.27, 04:09 PM
@Larry, saan ka na napadpad ngayon?

:)


kuya alex bakasyon po ako sa inglatera ng anim na buwan..

mayomee..di ako nkasabay sa mga eroplano na dumadaan sa lugar namin bawal kasi...bwahahahahaha...

knightdom
09.08.27, 04:16 PM
hi, gusto ko mang sumali e next year pa ako pwede umuwi ng pinas. sayang. :(

Alexander
09.08.27, 04:40 PM
Sarap naman ng bakasyon mo Larry....

mayomee
09.08.27, 06:09 PM
kuya alex bakasyon po ako sa inglatera ng anim na buwan..

mayomee..di ako nkasabay sa mga eroplano na dumadaan sa lugar namin bawal kasi...bwahahahahaha...

Ang soshal nga ng bakasyon mo, Larry! :) Paki-hello kay QE for me. Matagal na kami di nagkikita eh. :)

Lean
09.08.27, 09:53 PM
Ay oo nga! Myrna, talo mo si Lean! Lean, magparamdam ka naman. :)



Hi mayo, bihira kasi ako dito mapadpad sa board (mas madalas kasi kami EB...he he)..kaya newbie pa din ako(dyaje)... pag pumunta ba kami Hk pwede kumanta jan?..hmmm...

hi ate myrns..

Emerald
09.08.28, 03:46 PM
mga guys ganda ng pag.kakanta nila view na sa youtube.com

NikNoK
09.08.29, 05:39 AM
Wow.. Larry ha.. paingla-inglatera ka na lang ha.. sobrang crisis yan hahah! Ingat na lang po jan and hope to see you in the next service when you return HOME SWEET HOME. God bless! :)

Alexander
09.08.31, 09:39 AM
ATTENTION ALL BPOCC Members, old and new: may isang reserved slot ang BPOCC sa choral festival. Magpost na lang dito ang willing magparticipate at gustong tumugtog. Read Bp onliners concert thread for more details.

Niknok, jon2, hashpipe - your assistance will be appreciated.

Gusto ko lang suportahan ang panawagan ni froilan. Gusto ko rin po sabihin na ang BPOCC ay tayong lahat na nagnanais na umawit na kasama ang kapwa myembro natin sa BP Online Community, samakatwid, saan ka man sa Pilipinas (or abroad kung ikaw ay makakasama), kumakanta ka man sa EDSA Shrine o OLP... luma ka man o bago.... isang malaking karangalan na sumama bilang BPOCC at umawit bilang ISANG TINIG :)

Sama-sama, mas marami, mas masaya....

Post nyo lang ang pangalan tulad ng nasabi ni froilan, sa mga nagnanais na kumanta para sa BPOC Choral Festival 2009.


Taas ko lang po ito.... BPOCC's Old and New... Paramdam kayo dito by posting your name ha.... Merong isang reserved na slot para sa BPOCC.... or anyone from BPOC na interested to sing with BPOCC sa Choral fest.... post nyo lang names dito ha.

jefflyceum
09.08.31, 10:01 AM
kuya alex, kailan at saan gaganapin ang choral festival?

Alexander
09.08.31, 10:06 AM
St. John Bosco Parish Makati
November 27, 2009 (Friday)
7:30PM (Open House); 8:00PM (Program Proper)


For more details, please follow this thread
BP Onliners Concert (http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?t=3559)

froilan
09.09.01, 12:07 AM
Maraming salamat Alex sa pagpapaalala ng nasabing festival.

Alexander
09.09.01, 07:01 AM
You're welcome Froilan...

markjeff
09.10.05, 02:08 PM
Taas ko lang po ito.... BPOCC's Old and New... Paramdam kayo dito by posting your name ha.... Merong isang reserved na slot para sa BPOCC.... or anyone from BPOC na interested to sing with BPOCC sa Choral fest.... post nyo lang names dito ha.

ano po ang kakantahin? meron na po bang scheduled rehearsal date? pag pwede ako join ako.

kasparov23
09.10.05, 02:31 PM
Were still waiting for updates kina Kuya Froi... PM Kita...

:)

Monching
09.10.05, 03:07 PM
Kasparov23 meron na bang piyesa na gagamitin sa concert? Pag di conflict sa schedule ko yung rehearsal o mga practices, hopefully makakajoin ako sa inyo... Ill be waiting sa mga update...

kasparov23
09.10.05, 03:11 PM
Sina Kuya Froilan po ang nagfa-finalize ng mga bagay na ito... We're still waiting for it.... Stay tuned lang po.... Pag me updates i-roroll out agad dito sa board...

Cheers! :)

froilan
09.10.05, 06:45 PM
ALL, mag post ako dito sa board ng schedule ng practice kapag nacontact ko na ang iba pang mga members, malamang weekend. Paki pm sakin ng celphone numbers nyo at email add para masabi ko ang details.

Sa lahat ng gusto pa magjoin, paki pm nyo ako or magpost dito sa board. Thanks and God bless!

allen lucas
09.10.05, 11:46 PM
kuya froi, nasabi na sa akin ni trina yung part ko sa festival natin, wait ko lang ang sked natin at gagawan ko ito ng paraan, kung kailangang umabsent sa work gagawin ko.

Monching
09.10.06, 08:52 AM
Kuya Froilan di ako makapag PM puno na po yung message box nyo.

froilan
09.10.06, 11:54 AM
pascuarc33, ok na...

allen, sige asahan ko yan, salamat!

czyre
09.10.06, 12:00 PM
To all interested, kindly PM me your email add so I could send you the scores for the concert. Thanks!

allen lucas
09.10.06, 04:23 PM
pascuarc33, ok na...

allen, sige asahan ko yan, salamat!

kuya froi, ito ang isang commitment na di papalagpasin. maasahan mo ako dito. kaso ang hirap nung part namin ni robert, pakilagyan nga po ng chords para po magawan ko ng guitar parts.

Alexander
09.10.06, 06:00 PM
To all interested, kindly PM me your email add so I could send you the scores for the concert. Thanks!

Ako.... padala mo sa akin.... malay mo :P

Bonnie
09.10.06, 07:07 PM
Hahahahaha, baka umuwi si Alex para lang mag intermission sa concert, cge Trina, sali ako send mo sa email ko. dapat atleast 1 day before the concert ma practice natin, hehehe.

eduserusan
09.10.06, 08:46 PM
ako po...gusto ko pong sumali...:)

rolandp43
09.10.06, 10:43 PM
ako po, manunuod na lang po sa inyo...Nov. 26 po flight ko from riyadh..hehehe...

Bonnie
09.10.07, 05:39 AM
Baka pwede kang sumali Roland, di naman kaialangang perfect na perfect ang performance, importante, makasali ka lang... Kahit sa likod lang tayo ng BPOCC hehehe, saling pusa, makasama lang.

czyre
09.10.07, 11:46 AM
So far ang mga nag-volunteer po na sumali e sina

-Isiahmarion26
-Michael (Friend ni Isiah)
-Dangpogi
-Pam
-Anne2406
-Markjeff
-Eduserusan
-Allen Lucas
-Prinze
-Kasparov23
-Czyre
-Bonnie
-Alexander (Uuuouy... Uuwi siya...LOL)
-Blazinghands
-Batutz
-BPOCC Edsa Shrine

Pag may nakalimutan po akong ilista please call my attention (memory gap hehehe...)

Kindly confirm your voice sections para po malaman natin kung balanced. Thank you!

Monching
09.10.07, 11:51 AM
Czyre ako po nasa Bass Section ako

kasparov23
09.10.07, 11:52 AM
Puro lalake ata toh ilan lang ang babae ahehehe.... Ladies of BPOCC... Sali nah! :D

czyre
09.10.07, 11:58 AM
Ahihi...Oo nga pala... Nakalimutan kita.

So eto po uli list of names ng mga sumali and their respective voice sections.

Soprano
-Pam

Alto
-Czyre

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz

Bass
-Michael (Friend ni Isiah)
-Dangpogi
-Pascuar33

Instrumentalists
-Allen Lucas
-Prinze


-Anne2406
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie
-Alexander
-BPOCC Edsa Shrine

Ginagawa po natin 'to para di mahirapan si kuya Froi. Sa mga interesado pa pong sumali, just PM me with your name, email add, voice section and your contact number. Thanks!

jefflyceum
09.10.07, 12:02 PM
WOW! Ang daming sasama. Wish I could have the time to join you guys and gals..

rolandp43
09.10.07, 01:01 PM
Baka pwede kang sumali Roland, di naman kaialangang perfect na perfect ang performance, importante, makasali ka lang... Kahit sa likod lang tayo ng BPOCC hehehe, saling pusa, makasama lang.

kakahiya naman po sa mga kasama, hindi po ako makakapag-practice...hehehe...

pero sana may piyesa din po ako ng ipe-perform...

madami na po ata lalaki...kelangan ng super balance ng mga lalaki sa concert...:D

pero kung pwede nga lang po na sa likod lang kami ni kuya bonnie sige po, kung pwede po?? :nice:

eduserusan
09.10.07, 01:13 PM
hahaha...Nakaka-excite naman to. Tenor po ako pero pwede ring magbass kung kinakailangan.

Sali na yung mga Girls jan! :)

Bonnie
09.10.07, 04:55 PM
hahaha, oo nga, sa likod lang kami, hehehe, Tenor din ako, pwede ring mag Soprano, joke, hehehe. Sayang Roland, pagkakataon ng makasali kung pasasalihin tayo, hehehe.

ernanibaetiong
09.10.07, 08:51 PM
So eto po uli list of names ng mga sumali and their respective voice sections.

Teh count me in, kahit san wag lang choreo nyehehe LOL

Alexander
09.10.08, 06:34 AM
-Alexander (Uuuouy... Uuwi siya...LOL)


Bass ako, at guitar... pero di pa ako uuwi e :(

eduserusan
09.10.08, 08:24 AM
@kuya alex

Hahaha...uwi ka na po kasi para makasali ka :)

OT: kuya alex, may e-mail po ulit ako sayo..

czyre
09.10.08, 10:57 AM
Update ko lang po. Ito po mga nagconfirm aside from BPOCC Edsa Shrine...

Soprano
-Pam
-Cinderella
-Joshpl23

Alto
-Czyre
-Anne2406

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie

Bass
-Karl Jansen Zandoval
-Dangpogi
-Pascuar33
-Alexander (Uuwi siya...)

Instrumentalists
-Allen Lucas
-Prinze


-Rolandp43

Sa mga gusto pa pong sumali PM lang po kayo with your complete name, email address, voice section and contact number. Thanks!

markjeff
09.10.08, 01:16 PM
ate Czyre paki check nyo po email nyo meron po ako mga queries regarding the repertoire. thanks!

blazinghands
09.10.08, 02:56 PM
ang dami na palang tenors. pwede bang mag-countertenor na lang? joke hehehe

btw, pwede naman sigurong magpiyesa, no? dami ko nang mine-memorize eh.

czyre
09.10.08, 05:49 PM
Uhm... nasisiraan ako ng bait sa kaka-ate niyo ampf...LOL

For the scores po, I'm currently transcribing them in Finale, I'll try to finish them until tomorrow and will resend the scores (in pdf and finale) and midis. Pa-wait nalang po ng konti. :)

@Blazinghands, kaw pa! Galeng mo eh...

prinze
09.10.08, 05:54 PM
thanks ate. antayin namin yan in pdf ate ha. mejo malabo kze yung score ate eh. salamat ulit ate trina. LOL

czyre
09.10.08, 05:59 PM
Isa ka pa! Ampf...

Update uli...

Soprano
-Pam
-Cinderella
-Joshpl23

Alto
-Czyre
-Anne2406

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie
-Rolandp43

Bass
-Karl Jansen Zandoval
-Dangpogi
-Pascuar33
-Alexander (Uuwi siya...)

Instrumentalists
-Allen Lucas
-Prinze

Interpreter
-ErnanibaetiongLOL

Joke... Nani, Tenor ka di ba? Pwede po bang mag-alto nalang muna yung ibang tenor? Hehehe...

krishtianne
09.10.08, 06:38 PM
ganun talaga, ok pero may discount pa po ba yung ticket for the poor like us, kc walang pera kami nila aboy

czyre
09.10.08, 08:15 PM
Mamakrish, I have a better idea, bakit di nalang kayo makikanta ni Aboy. Libre pa ang ticket niyo. :)

sjclc
09.10.08, 08:23 PM
adik sa recruitment si zaido oh.

czyre
09.10.08, 08:28 PM
Kumanta ka na rin kaya? Parinig natin your love mo pang-audition.:P

sjclc
09.10.08, 08:35 PM
wag po! maawa ka naman sa napakaraming personal computers sa buong mundo. di ko kasi alam kung ano ang voice group ko eh

saxcruz
09.10.09, 05:34 AM
Hello poh, pwede rin po bang sumali sa concert. Instrumentalist po ako. I play the flute and the alto saxophone. Just tell me if you need one. tnx po.:)

kasparov23
09.10.09, 07:14 AM
Ate Trina! Spokesperson ka na pala ngayon wahehehe... Antayin ko rin po yung Finale ah wahehe.... Oist! Ang mga deadline wag kakalimutan... Nyahahahaha!!! :)

P.S. = Anung status nung huli kong tinext sau kahapon?

:P

Monching
09.10.09, 08:23 AM
For the scores po, I'm currently transcribing them in Finale, I'll try to finish them until tomorrow and will resend the scores (in pdf and finale) and midis. Pa-wait nalang po ng konti. :)



Czyre kung sakaling matapos mo na ngayon itranscribe sa finale at magawan ng midi file pakisend na lang. I Hope per vocal section yung pagkakagawa sa finale at midi para mas madaling aralin kahit mag-isa...

czyre
09.10.09, 08:33 AM
@saxcruz, may PM po ako sa inyo

@kasparov23, hu u? LOL

@pascuar33, actually yun nga ang purpose kung bakit po ako gumagawa ng finale hehe... i'll let you know po pag oks na.:)

kasparov23
09.10.09, 08:49 AM
@ Trina = Weh? Ampf! :P

Got your text... Oist send-an mo ko ah... Lam mo naman... Newbie ahehehe....

allen lucas
09.10.09, 09:03 AM
thanks ate. antayin namin yan in pdf ate ha. mejo malabo kze yung score ate eh. salamat ulit ate trina. LOL

prinze, puwede mo bang lagyan ng chord progression yung mga piyesa na tutugtugin natin? baka kase magkaiba tayo ng analysis eh, wag mo ng lagyan ng chords yung Stella Maris, ok na yun, yung ibang songs na lang. baka kase masabon tayo ni prof simba at lester. pag nangyari yun magdadala ako ng pangbanlaw natin para d tayo umuwi ng mga sabon LOL

Alexander
09.10.09, 10:03 AM
Bass
-Alexander (Uuwi siya...)



Yehey papautangin ako ni ate trina ng pamasahe :P

czyre
09.10.09, 11:02 AM
prinze, puwede mo bang lagyan ng chord progression yung mga piyesa na tutugtugin natin? baka kase magkaiba tayo ng analysis eh, wag mo ng lagyan ng chords yung Stella Maris, ok na yun, yung ibang songs na lang. baka kase masabon tayo ni prof simba at lester. pag nangyari yun magdadala ako ng pangbanlaw natin para d tayo umuwi ng mga sabon LOL

kuya Allen, clarify ko lang ha... Ang part po na tutugtugan ninyo eh yung sa BPOCC lang po unless kausapin po kayo ni Sir Lester na tumugtog sa festival songs.

krishtianne
09.10.09, 11:09 AM
hehehehhee, mahirap kayang makikanta sa inyo po eh.......... magaggaling na kayo masiyado.....:)

kuya Allen, clarify ko lang ha... Ang part po na tutugtugan ninyo eh yung sa BPOCC lang po unless kausapin po kayo ni Sir Lester na tumugtog sa festival songs.

ganun, madam di namin yata alam po ibang somngs nyo e? ang gaggaling pa ng mga instrumentalist ninyo? wow what a concert cguro yan.

sjclc
09.10.09, 06:35 PM
oo nga. ang gagaling niyo eh. lalo na yung isa diyan. :D

rolandp43
09.10.09, 07:07 PM
wow, sino kaya yung isa na yun???

malalaman sa concert...

Bonnie
09.10.10, 01:00 PM
Sjclc, basta kami ni Roland sa likod lang, hehehehe....

froilan
09.10.10, 02:25 PM
Bpocc (including lahat ng sasali sa choral festival), practices will be held ALL saturdays of October starting this Saturday, October 17. Kung sinong pwedeng mag offer ng venue, magpost lang dito sa board, kung maari sana yung accessible sa lahat kasi manggagaling pa sa iba't ibang lugar.

Pakiself study this week yung mga scores na sinend ni trina. Magsend din si abi dun sa mga di pa nakareceive thru email.

Salamat nga pala sa lahat ng magjoin sa choralfest with bpocc. Paki pm sakin ang cellphone numbers nyo at email address.

Hope to see you all! God bless!

@trina, salamat sa pag gather ng information. hope you're ok, asa baguio ka pa yata.

eduserusan
09.10.10, 04:48 PM
Hello kuya froilan! Nagsend po ako sayo ng pm containing yung mga hiningi mo. Wala pa nga lang akong maaral na mga piyesa kasi hindi pa po yata nasesend ni ate trina yung mga scores.

Nyway, excited na po ako... hehehe! Kita-kits!

Nga po pala, please don't forget to indicate the time of the practice ha? thanks po! :)

markjeff
09.10.12, 03:09 AM
yes ako din po hindi pa nakastart nung sas bpoc lang na songs. hindi pa ata tapos transcribe. pwede po ba i send na lng kahit hindi transcribed pieces while waiting? tia!

czyre
09.10.12, 05:10 AM
I sent everyone the scores in pdf... Wondering why everyone is saying na wala silang natanggap, nasa sent items ko naman at may attachment naman... ???

edit: I sent everyone yung mga scores uli. Kindly check your mail, just PM me pag wala pa rin.

@Nani, argh, di kita ma-PM... buzz mo ko may sasabihin ako hehehe...

Monching
09.10.12, 07:52 AM
narecieved ko na po yung scores, wait ko na lang yung transcribed finale scores

Alexander
09.10.12, 08:35 AM
Natanggap ko na rin :), Magsesend ka rin ba ng Finale czyre?

ernanibaetiong
09.10.12, 10:40 AM
@Nani, argh, di kita ma-PM... buzz mo ko may sasabihin ako hehehe...

Neng natanggap ko na mga pyesa, enabled na ulit PMs ko just for you *wink wink* ;)

Di ako maka-YM eh secret muna kung baket LOL

Thanks po sa pyesa, may I review mode muna me :)

czyre
09.10.12, 11:59 AM
I could send you the finale file but the problem po kasi, sa mac po ako nagtra-transcribe kaya there's a big chance na di niyo mabuksan yung file sa windows pc. Kaya po ang binigay ko sa inyo yung xml file para po import niyo nalang sa finale ninyo. I'm still working on the other two scores. I'll send them to you all as soon as I finish them. I hope you all understand. :)

Monching
09.10.12, 12:19 PM
I could send you the finale file but the problem po kasi, sa mac po ako nagtra-transcribe kaya there's a big chance na di niyo mabuksan yung file sa windows pc. Kaya po ang binigay ko sa inyo yung xml file para po import niyo nalang sa finale ninyo. I'm still working on the other two scores. I'll send them to you all as soon as I finish them. I hope you all understand. :)

Naimport ko na yung XML file and it works fine naman, wait ko ulit yung iba pa... kelangan ba imemorize yung lyrics? o meron bang nakaproject na lyrics habang kumakanta tayo sa concert?

czyre
09.10.12, 12:25 PM
Ahm... Si kuya Froi na po ang sasagot niyan pero para sa akin, mas magandang imemorize natin lahat kasi concert na 'to. Ibang level na toh hehehe...

Monching
09.10.12, 12:31 PM
Ahm... Si kuya Froi na po ang sasagot niyan pero para sa akin, mas magandang imemorize natin lahat kasi concert na 'to. Ibang level na toh hehehe...

Kelangan pala bumili na ako ng memoplus mamaya... sabi nga nila eh lamang ang may Good Memory :) aaralin ko na yung piyesa mamayang gabi. Meron bang Midi Accompaniment nito o Minus one?

rolandp43
09.10.12, 01:06 PM
Ms. Czyre,

na-receive ko na po...maraming salamat po...

czyre
09.10.12, 03:55 PM
Welcome po sir!:)

markjeff
09.10.12, 04:47 PM
yes ako din na receive q na thanks po czyre!

sorry about the earlier post. :)

anne2406
09.10.12, 05:55 PM
Czyre, nareceive ko na po. Maraming Salamat

allen lucas
09.10.12, 06:08 PM
Czyre salamat sa piyesa, sana maaral ko na ito, loaded ako ng mga irerecord na minus one. wait ko yung analysis ni prinze sa mga chords, sana wag itong conflict sa magiging work ko, kase kung may conflict sa work ko yari ako.

prinze
09.10.12, 10:50 PM
Salamat din czyre.
Cge Allen. Lagyan ko din ng chords. Sana nde mag conflict sa work mo.
Sa work ko kze conflict din eh, pero nag file na ako ng leave dahil minsan lang naman yung ganitong event. Suporta na din sa BPOC. :)

kasparov23
09.10.13, 06:59 AM
Nakuha ko na din (ata). :P Maraming Salamat! Mag-file na kayo ng leave... Minsan lang naman ito... At the same time ang alam ko Holiday ang November 27. Read this article:

November 27 - Festival of Eid'l Adha ( http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=479318#)

Tama si Prinze... Suportahan ang sariling atin ahehe...

:)

Pam
09.10.13, 09:08 AM
naaral na po namin ung piece.. polishing nalang para sa practice di na kami maging pasaway..hehehe..

yahoo..muka ngang walang pasok sa nov 27..hehehe..ang saya..

allen lucas
09.10.13, 10:31 AM
Salamat din czyre.
Cge Allen. Lagyan ko din ng chords. Sana nde mag conflict sa work mo.
Sa work ko kze conflict din eh, pero nag file na ako ng leave dahil minsan lang naman yung ganitong event. Suporta na din sa BPOC. :)

prinze salamat, wait ko na lang ang PM mo, sana nga makapunta ako, kse sa isang mall sa greenhills yung magiging work ko, sana payagan ako ni Bro na makapunta dito sa festival natin. kukulitin ko si Bro para dito.

czyre
09.10.14, 05:36 AM
Meron po tayong update, kindly check your email.:)

kasparov23
09.10.14, 06:57 AM
Nasa YG din ba ung update? Ahehehe... :P

czyre
09.10.14, 03:45 PM
@Kasparov23, pampam ka ampf.. :PLOL

to everyone, baka po meron sa inyo gusto mag-offer ng place for our practice this coming saturday. di po daw kasi pwede kina kuya bingo. pm lang po kayo kung pwede sa inyo. thanks!:)

NikNoK
09.10.14, 04:02 PM
Hindi po ba pwede sa Edsa Shrine?

czyre
09.10.14, 04:15 PM
Tatnungin ko nga rin po sana kayo kung pwede doon hihihi... Was about to PM you.

Monching
09.10.14, 04:35 PM
Mas Okey po kung sa EDSA Shrine gawin yung praktis mas accessible para sa akin dito ako nagwowork sa may Quezon Avenue and sa San Mateo ako natira. Anong Oras po ba yung Praktis sa Saturday?

kasparov23
09.10.15, 07:31 AM
Agree din ako sa Edsa Shrine... Medyo accessible sa lahat... Post niyo lang po kung saan para masabihan lahat... Pati na rin yung oras... Thanks!

@Trina - Churi naman... lam mo naman firewall dito sa office eh... Ahehe :P

czyre
09.10.15, 11:10 AM
Ayon po sa text ni kuya Froi, 8am po sa Saturday. But again, wala pa pong venue.

Alexander
09.10.15, 01:18 PM
Make sure na gagamitin nyo yung time na naka-allot sa BPOCC :)

Monching
09.10.15, 02:08 PM
this is to inform you in advance na pwede po tayong mag-final rehearsal sa Nov. 27 ng umaga before the night of the concert

declared na po yung November 27 - 28 na holiday

see attached image...

froilan
09.10.16, 12:16 AM
Ayon po sa text ni kuya Froi, 8am po sa Saturday. But again, wala pa pong venue.

8-10am lang ang slot natin sa EDSA Shrine. Saan tayo pwede magpractice 10am onwards? Malapit na to, kung pwede sana ay whole day ang practice. Sino ang pwede mag offer ng place?

Salamat nga pala sa lahat ng nagself study na ng mga pyesa.

Yun pong may mga tickets na, pakidala na lang sa saturday ang payment. Yung wala pang tickets, may sobra pa sakin at ang alam ko may darating pa na additional tickets.

Yung hindi pa nagp-pm ng contact details (esp cellphone number), paki pm sakin para matext brigade kayo.

Thank you for all your support! God bless us all! See you on Saturday.

kasparov23
09.10.16, 07:03 AM
I'll be there Kuya Froi. See you all! :)

Monching
09.10.16, 10:17 AM
Soprano
-Pam
-Cinderella
-Joshpl23

Alto
-Czyre
-Anne2406

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie
-Rolandp43

Bass
-Karl Jansen Zandoval
-Dangpogi
-Pascuar33
-Alexander (Uuwi siya...)

Instrumentalists
-Allen Lucas
-Prinze




Eto na po ba yung mga sure na makakasama sa practice bukas o meron pang-iba? Si Classmate niknok di ba siya kasili?


See you guys tommorrow sa EDSA Shrine

markjeff
09.10.16, 03:55 PM
see you all tom! sana madagdagan yung sop at altos :)

czyre
09.10.17, 09:33 PM
Nice to meet all those who attended the practice kanina (Kuya Froi, Royal Haggardness, Kasparov23, sjclc, Pascuar33, Anne2406, Markjeff, Ernanibaetiong).:) Hanggang ngayon naloloka pa rin ako sa picture taking natin (ay naigalaw ko yata? ROFLMAO)

Thanks to sjclc for coming (pinilit ko lang siya hihi pero naman, laking pakinabang sa rehearsals). Thank you rin kay kasparov23 for hosting (sa Malabon kami nag-practice super walking distance from Edsa Shrine ehe...)

Wish ko lang ha... As in wish ko lang talaga... Next time kayo rin naman ang mag-commute. hmpf. LOL

markjeff
09.10.17, 10:21 PM
Nice to see you all as well, see you all on our next rehearsal. yung mga iba sana maka attend na next rehearsal. hindi q ma attach yung pix naten malaki file size >:( paki tingnan na lang sa facebook q. thanks!!!!

http://www.facebook.com/album.php?aid=39232&id=1252322752&l=84488db281

pwede ba ito mods paki inform me kung hindi pwede mag lagay ng external link d2. tia!

czyre
09.10.19, 06:49 AM
Thanks sa pictures makjeff... Next week nag-alok si Prinze na sa San Roque tayo, hintayin natin confirmation niya.

Alexander
09.10.19, 10:25 AM
Thank you rin kay kasparov23 for hosting (sa Malabon kami nag-practice super walking distance from Edsa Shrine ehe...)


Wow, sa Malabon? Buti hindi baha, naka ready si Trina :P

Monching
09.10.19, 12:24 PM
thanks kasparov23 for hosting our practice sa chapel nyo. nakakamangha talaga ako sa chapel nyo dyan sa malabon kumpleto parang bahay:)

sjclc
09.10.19, 12:57 PM
Oo nga eh. May sarili pang pastoral council at organizations. Pwede nang maging parish haha.

Good luck po sa inyo next week. :p

kasparov23
09.10.19, 01:22 PM
Welcome po... And thanks din sa lahat ng umattend.... Wag kakalimutan ang lalala ha at magtutuos tuos tayo sa Sabado ulit ahehehe... :P

Wish ko lang ha... As in wish ko lang talaga... Next time kayo rin naman ang mag-commute. hmpf. LOL

Oist nagpunta naman kami ng Edsa Shrine noh! Namasahe din ako ahehe :P... Sana sa malapit ulit samin ung praktis nyahahaha... LOL

czyre
09.10.19, 03:29 PM
Wow, sa Malabon? Buti hindi baha, naka ready si Trina :P

actually, di niyo lang napansin pero may bangka sa loob ng bag ko LOL

ernanibaetiong
09.10.19, 03:38 PM
nakakamangha talaga ako sa chapel nyo dyan sa malabon kumpleto parang bahay:)

honga kasparov23 very nice yung chapel, thanks for hosting :)

Thanks sa lahat ng nagpunta, mga first time kong na-meet at sa mga nakasama na minsan :)

@Trina-tara sabayan mo ko, la la la la LOL

sjclc
09.10.19, 03:40 PM
actually, di niyo lang napansin pero may bangka sa loob ng bag ko LOL

may bag ka pala nun?
dahil wala ako, malamang sa bahay na lang ako maglalalala

rolandp43
09.10.19, 03:40 PM
acapella ba yang lalala na yan???

czyre
09.10.19, 03:59 PM
@Trina-tara sabayan mo ko, la la la la LOL

LAlala LAlala LAlala

may bag ka pala nun?
dahil wala ako, malamang sa bahay na lang ako maglalalala

Ayan kasi, palagi kang nakayuko o kaya nakaharap sa pader. Ampf... LOL

acapella ba yang lalala na yan???

Magpi-PM po ako sa inyo hehehe...

froilan
09.10.19, 05:33 PM
Bpocc, thank you sa mga umattend nung saturday 1st practice!

anne2406
09.10.19, 06:03 PM
waaahhhh di ako nakasama sa pictorial di bale ok lang ...

@ kasparov23 - salamat sa kagandahang loob. Buti pa sa chapel ninyo kumpleto sa gamit.

@ sjclc - layo ng mararating mo bata... napag-isipan mo na ba? just PM me.

@ kuya froi - sensya na po di pa naaral ng husto ang kanta.

@ royal haggardness - you're so pretty ( di po natin favorite ang pink di bah.. hihihi) salamat sa warm welcome.

@ czyre - salamat , sobrang naappreciate ko ang tiyaga at sipag sa pakikipagcoordinate sa amin.

@ markjeff - salamat sa ride

@ kina kuya nani at pascuarc33 - sana marunong din ako tumugtog ng keyboard tulad ninyo..

Kagalakan ang makilala kayong lahat ....sa sabado ba magtutuos-tuos hihihi..

czyre
09.10.19, 07:14 PM
The pleasure is mine Anne2406... (etchos! LOL)

markjeff
09.10.20, 02:38 AM
hello anne oo nga after pa kasi ng rehearsal naisipan nagkuha ng pix di bale next rehearsal for sure meron ka na :)

@prinze - kaw na magconfirm kay daddy mo kung pwede tayo sa san roque sa sat. sana matuloy para naka attend muna ako ng grand choir (630am) sa st theresa's college.

ako din nag la-la-la-la-la-la even while sleeping hahahah

prinze
09.10.20, 04:48 AM
Sure Markjeff. Sana wala lang kasabay sa venue. Ask ko bukas sa parish office kung may naka sched sa dun this sat. I post ko kagad dito para sa san roque na lang yung practice. :)

Sana mas madaming pumunta next practice.

kasparov23
09.10.20, 06:52 AM
Salamat po sa lahat ulit... No Problem.... Tinatanong nga nung mga katandaan samin kung sino daw ung mga kasama ko.... Ang gagaling niyo daw... partida la la la pa lang yun ah nyahahahaha... :P

See you next practice! Sana kumpleto instrumentalist para patok na patok! :)

Monching
09.10.20, 08:07 AM
Excited na ako next week sana maraming makapunta.

@Prinze looking forward to meet you in person...

@Czyre ask ko lang natapos mo i-encode sa finale yung ibang piyesa :)

czyre
09.10.20, 09:08 AM
I-pressure ba talaga ako sa finale? :(

Monching
09.10.20, 10:07 AM
I-pressure ba talaga ako sa finale? :(

Di naman baka kelangan mo na ng tulong:)

kasparov23
09.10.20, 10:18 AM
Medyo busy ata si Trin-Trin ahehe...Kung sino man ang pwede ding mag encode, encode nio nah... Finorward naman na ni Trina yung mga pyesa eh... Kanya kanyang sikap muna for the meantime ahehe.... Yung Filipino na song na lang naman ang kelangan nating i mano mano so madali na yun... No pressure Trins. Pag me time ako encode ko din... :)

czyre
09.10.20, 11:50 AM
Di naman baka kelangan mo na ng tulong:)

toinks! sana noon ka pa nag-offer ng tulong devah ampf...

tapos ko na po LAHAT, salamat kay sjclc for helping me out. huwag niyo lang po ako kulitin please... tao lang po ako...

kasparov23
09.10.20, 11:54 AM
Thank you Trins at sjclc! Oist maya ah... Text na lang kita hehe... :D

blazinghands
09.10.20, 05:15 PM
hala! taranteyted na tuloy si trina. lagot kayo...

anne2406
09.10.20, 09:17 PM
hello anne oo nga after pa kasi ng rehearsal naisipan nagkuha ng pix di bale next rehearsal for sure meron ka na :)

@prinze - kaw na magconfirm kay daddy mo kung pwede tayo sa san roque sa sat. sana matuloy para naka attend muna ako ng grand choir (630am) sa st theresa's college.

ako din nag la-la-la-la-la-la even while sleeping hahahah


ok lang po yun, kayang kaya po yan ng adobe hehehe.. hingi na lang po ng copy... remembrance.... (kung ok lang)

maglalalala na din ako ....

czyre
09.10.21, 06:08 AM
Update ko lang po uli

Soprano
-Pam
-Cinderella
-Joshpl23

Alto
-Czyre
-Anne2406
-Zara (c/o Isiah)

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie
-Rolandp43

Bass
-Karl Jansen Zandoval
-Dangpogi
-Pascuar33
-Alexander

PLUS: BPOCC and Choir c/o Ernani

Instrumentalists
-Allen Lucas
-Ernanibaetiong
-Prinze
-Sax_cruz

May nakalimutan ba akong ilista? ???

We need to make a final headcount for BPOCC. Yung mga gusto pa pong sumali please PM me (or post). Thanks!

All Finale files in XML have been sent to your emails already. Thanks!

saxcruz
09.10.21, 06:16 AM
ok poh. Czyre, where po ang ating venue this coming saturday??? what instrument po ang gagamitin ko sa festival???

doods
09.10.21, 06:28 AM
Sir Alexander...kita ko pangalan mo dito ah,tutuo ba to?...buti ka pa makaka join sa choral festival...at pati si pareng bonnie hihihi...astig....

markjeff
09.10.21, 06:28 AM
Update ko lang po uli


May nakalimutan ba akong ilista? ???

We need to make a final headcount for BPOCC. Yung mga gusto pa pong sumali please PM me (or post). Thanks!

All Finale files in XML have been sent to your emails already. Thanks!

si sjlc ata nawala sa list. :)

Alexander
09.10.21, 06:38 AM
Sir Alexander...kita ko pangalan mo dito ah,tutuo ba to?...buti ka pa makaka join sa choral festival...at pati si pareng bonnie hihihi...astig....

Sinama lang ako ni Czyre, kasi nagrequest ako ng copy... yun lang....

kasparov23
09.10.21, 07:17 AM
Update ko lang po uli

May nakalimutan ba akong ilista? ???

We need to make a final headcount for BPOCC. Yung mga gusto pa pong sumali please PM me (or post). Thanks!

All Finale files in XML have been sent to your emails already. Thanks!

Thanks Trina! Effort ah wahehehe... About dun sa offer mo kagabi medyo malabo ako... Di ko na talaga alam kung san isisiksik eh.... Dun sa itinerary naman natin for the visitation next week natin gawin... Hatakin ko rin si Randy ahehe... Whatchathink?

Ako na mag-eeffort dun sa Cavite... Para pagluwas nila ok nah... :)

prinze
09.10.21, 08:41 AM
Sa amin na lang tayo next practice kung ok sa lahat. San Roque Cathedral, Caloocan City. In front of Caloocan City Hall. Sana mga 2:00 PM.

OT: Magdadala ako ng dalawang keyboard para sa practice ng choir at instrumentalists.

@saxcruz, dala ka ng flute.

@Allen, Try mong pumunta.

@BPOCC, sana mas madaming pumunta. :)

kasparov23
09.10.21, 08:49 AM
Thanks Prinze! Actually inaantay namin kagabi yung sagot mo sa venue. Sana nga ok sila... 2pm ok... Di ba pwedeng 1 para mas mahaba haba? Ahehe.... Antay natin sagot nung iba pa...

Thanks ulit! :)

prinze
09.10.21, 08:53 AM
OK lang din kahit 1:00, sigurado kzeng yung 1:00 magiging 2:00 at yung 2:00 magiging 3:00. LOL. Sana madaming umattend. :)

Pwede din tayong mag serve sa mass after ng practice. :)

kasparov23
09.10.21, 09:07 AM
Aus yun... Agree ako dian hehe... Malapit kasi wahehehehe... Anyways sana nga madaming pumunta... Antayin natin ang iba...

:)

czyre
09.10.21, 09:08 AM
Thanks Prinze! Gain na nating 1:00 pero sana maging punctual lahat para walang oras na nasasayang.

@Saxcruz, Flute po ang gamitin niyo.

How can I forget sjclc... Sorry dear...

Soprano
-Pam
-Cinderella
-Joshpl23

Alto
-Czyre
-Anne2406
-Zara (c/o Isiah)

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie
-Rolandp43

Bass
-Karl Jansen Zandoval
-Dangpogi
-Pascuar33
-Alexander
-Sjclc

PLUS: BPOCC and Choir c/o Ernani

Instrumentalists
-Allen Lucas
-Ernanibaetiong
-Prinze
-Sax_cruz

allen lucas
09.10.21, 11:52 AM
.

@Allen, Try mong pumunta.



prinze may problema nga ako eh, hanggang sunday ang pasok ko sa work ko, every monday ang off ko, d ko nga alam kung pano ako makakasama sa practice, try ko magdrop by sa shrine sa Saturday morning kung dun ang practice, sa Greenhills lang naman ako nag wowork, pacencya na kayo.

Alexander
09.10.21, 12:13 PM
OK lang din kahit 1:00, sigurado kzeng yung 1:00 magiging 2:00 at yung 2:00 magiging 3:00. LOL. Sana madaming umattend. :)

Pwede din tayong mag serve sa mass after ng practice. :)

Wahhhh! Sayang talaga at wala ako dyan for the practice...
Be Punctual team BPOCC.... 1PM is 1PM not 2PM okay!

sjclc
09.10.21, 01:21 PM
si sjlc ata nawala sa list. :)

Thanks Prinze! Gain na nating 1:00 pero sana maging punctual lahat para walang oras na nasasayang.

How can I forget sjclc... Sorry dear...


wah kala ko special guest lang ako ni trina nung araw na un :D

rolandp43
09.10.21, 01:34 PM
na-receive ko na po czyre...thanks....

poknat20
09.10.21, 01:34 PM
Thanks Prinze! Gain na nating 1:00 pero sana maging punctual lahat para walang oras na nasasayang.

@Saxcruz, Flute po ang gamitin niyo.

How can I forget sjclc... Sorry dear...

Soprano
-Pam
-Cinderella
-Joshpl23

Alto
-Czyre
-Anne2406
-Zara (c/o Isiah)

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie
-Rolandp43

Bass
-Karl Jansen Zandoval
-Dangpogi
-Pascuar33
-Alexander
-Sjclc

PLUS: BPOCC and Choir c/o Ernani

Instrumentalists
-Allen Lucas
-Ernanibaetiong
-Prinze
-Sax_cruz

PLUS: EPAL - POKNAT! haha

kasparov23
09.10.21, 01:46 PM
Diba Bass 3 ka Randy? Wahehehe...:P

Monching
09.10.21, 02:44 PM
Sana po Merong Magdala ng Camcorder or Video Recorder (High Quality) para mairecord yung Performance natin at para ma-assess natin progress natin.

ernanibaetiong
09.10.21, 05:03 PM
@Prinze-thanks at sa cathedral ang venue this saturday, looking forward to meeting you :)

@Trina-thanks sa pag-encode, in spite and despite having a full time job you manage to do all this for us, we're eternally thankful wink wink ;)

Everybody now-la lalala lalala LOL

prinze
09.10.21, 07:43 PM
see you bro. :)

saxcruz
09.10.21, 08:59 PM
Guys, question lang poh. Pano poh pumunta sa san roque, caloocan.? Manggagaling po ako dito sa Bulacan. Sa Monumento poh ba ang daan???Marami pong salamat.

prinze
09.10.22, 03:03 AM
Bro saxcruz, from Monumento sakay ka ng Letre or Bayan, tapos baba ka na Sangandaan. From Sangandaan naman, sakay ka ng Divisoria/Pajo/Tutuban... sabihin mo ibaba ka lang sa may City hall o San Roque. :)

See you on Sat bro.

saxcruz
09.10.22, 05:19 AM
Tnx po ng marami:)

Monching
09.10.23, 07:24 AM
from Monumento sakay ka ng Letre or Bayan, tapos baba ka na Sangandaan. From Sangandaan naman, sakay ka ng Divisoria/Pajo/Tutuban... sabihin mo ibaba ka lang sa may City hall o San Roque. :)

See you on Sat bro.

Eto po ba yung exact location ng San Roque Parish tabi ng La Consolacion College...


http://wikimapia.org/#lat=14.6516398&lon=120.9720737&z=18&l=0&m=b&search=san%20roque%20parish

prinze
09.10.23, 08:29 AM
yan nga bro pascuarc33. see you tom bro. :)

Monching
09.10.23, 08:38 AM
Ok see you there

froilan
09.10.23, 12:23 PM
SALAMAT ulit sa mga nakarating last practice: Trina, anne, abi, bryan, nani, markjeff, monching at dale.

Bpocc, since meron na tayong venue for tomorrow, sana lahat makarating on time, before 1pm sa parish nina prinze. Dahil konti lang ang oras ng magiging practice natin, sana andun tayo at least 15-30 minutes before 1pm para makapagpahinga at makapag vocalize.

Prinze, salamat sa pag offer ng place. ok lang ba na andun ang members before 1pm? paki pm sakin ng cellphone number mo.

Trina, salamat sa pag encode ng mga pyesa kahit sobra busy mo.

Kasparov, salamat ulit last week.

Sa mga onliners na gusto pang sumali, magpost na lang dito sa board or magpm sa kahit sinong member na kasama sa choralfest. Kailangan pa natin ng mga soprano.

See you tomorrow and God bless us all!

LALALALA-LALALA!!!

czyre
09.10.23, 12:31 PM
Prinze, salamat sa pag offer ng place. ok lang ba na andun ang members before 1pm? paki pm sakin ng cellphone number mo.

Wahehehe... Once a year lang naka-on cp ni Prinze ahehehe... Joke...

See you all!

Monching
09.10.23, 03:16 PM
Practice muna habang nag-bebreak time...

LAlalala LAlalala LAlalala....:listening:

allen lucas
09.10.24, 12:09 AM
ang LAKI ng problema ko, pano ako makakapunta sa mga rehearsal, may pasok ako palagi, sorry sa inyo ha, pilitin kong pumunta sa festival natin, sana payagan ako ng sked ko na makapanood man lang.

blazinghands
09.10.24, 01:46 AM
haayyy... ako rin. may pasok kasi ako pag sabado. altho memorized ko na naman yung isa saka naaral na namin para sa 1st ccp choir competition yung isa pa.

may reh ba ng oct. 31? walang pasok nun kaya pwede ako hehe

czyre
09.10.24, 07:17 AM
every saturday naman po ang rehearsals ng bpocc so sa 31 malamang meron uli yung venue lang naman ang hindi sure. ask ko sila mamaya tapos sabihan kita.

may pm ako sayo kuya hehe...

blazinghands
09.10.24, 11:16 AM
okey na, trina. sana konti lang ang nakabasa hehehe

sjclc
09.10.24, 11:59 PM
Dito kayo sa gapo sa 31. Haha.

czyre
09.10.25, 12:18 AM
@Blazinghands, thanks kuya!^^ Sa 31 dapat meron ka na ha?

@Sjclc, sagot mo pamasahe namin? :P

@Markjeff, ikaw nalang uli magpost ng pics hehehe...

Sana kina Prinze uli next week, tapos service after ng practice.^^

ernanibaetiong
09.10.25, 12:26 AM
Oist Trina adik haha, naunahan pa natin mag-post mga tropang gising LOL

Salamat sa inyong lahat, mas productive pa sanang rehearsal next week :)

Prinze salamat sa venue, kakanta ba tayo ulit next week :P

allen lucas
09.10.25, 01:04 AM
sayang d ako nakasama, sorry sa inyong lahat

markjeff
09.10.25, 10:57 AM
hello! thanks sa mga naka attend yesterday sa san roque cathedral. pics already uploaded on my facebook

http://www.facebook.com/home.php#/photo.php?pid=770075&id=1252322752

may album na tayo dun! :)

prinze thanks for coordinating the venue. sana pwede ulit sa 31oct.

czyre
09.10.25, 11:35 AM
Thanks markjeff! Tagged everyone.:)

edit: Thanks nga pala sa inyo ni ernani sa merienda hehehe...

kasparov23
09.10.25, 11:53 AM
Salamat po sa lahat ng umattend... Sa mga Cavite peeps salamat at pinaunlakan niyong mag praktis tyo... Me ebidensya ako! wahehehe...

Prinze thanks for the hospitality and to Nani and Markjeff for the merienda...

See you all again next week!!! :)

royal haggardness
09.10.25, 12:04 PM
Thanks ulit sa lahat ng umattend (prinze, markjeff, bryan, nani, monching, sax, honey ko, trina and anne)!

Prinze, thanks sa pag host ng practice at sa pag invite magserve sa mass. Nakakatuwa ka pala talaga tumugtog sa mass! hehehe... idol na kita mula ngayon... pag pinagsawaan mo na yung isa ha, amin na lang hahaha.

Sana next time mabuo na tayo lahat para masubukan na...

Anne, di nako nakareply kagabi, nyorloks na agad pagdating namin ng house.

Saan na practice natin ngayong saturday?

And sa mga onliners na dumalaw sa practice, nice meeting you (misxioanne, dark villegas, abi and rafael).

prinze
09.10.25, 12:48 PM
salamat din po sa pagkanta... markjeff, bryan, nani, monching, sax, abbie and Froi, trina and anne...

OK lang na dito ulit yung venue. practice and service ulit next week. hehehehe. thanks again.

@abbie ang Froi, next time wag niyo ng ikutin ang metro manila. LRT na lang papuntang monumento. :) LOL

@sax, galing mong mag flute. sana sumama ka sa service, d bale may next time pa. hehehe. :)

@bryan, galing pang cavite yan. salamat bro.

@monching, ang layo ng pinangalingan mo bro, San Mateo pero nauna ka pa sa akin. LOL thanks bro.

@annie, nice meeting you.

@markjeff, nakailang misa ka kahapon? mula 6:30 am hanggang 7:00pm. salamat sa pix.

@nani, wag kakalimutan ang lysol? LOL hahahahaha. nakakatuwa kang kasama bro. thanks. LOL

@trina, relaks ka lang lagi, kaya lumalabas ang wrinkles eh. LOL. buti naman nakauwi ka ng bahay. hahahaha. LOL

czyre
09.10.25, 01:13 PM
Wahehehe.. Nakaidlip kaya ako sa banyo nung sabi kong maliligo ako LOL Ui, baka pwedeng dun nalng uli tayo s ainyo next week.. ganda ng tunog natin sa classroom promise... Sana sa classroom nalang tayo magconcert hehehe..

sjclc
09.10.25, 02:15 PM
Kaya niyo yan... 200 lang naman pamasahe eh (papunta). Pero sana nga makapunta kayo dito sa 'min kahit once lang.

czyre
09.10.25, 05:58 PM
Go kami sjclc, basta sagot mo pamasahe namin... Saka rehearsal dapat ginagawa natin hindi mag-tour LOL (Pagkatapos sa inyo dun naman tayo sa Baguio LOL)

Rolling BPOCC... Why not?:P

anne2406
09.10.25, 10:46 PM
salamat po sa lahat ng umattend

@ prinze - nice meeting you too... salamat sa paghost sa practice, first time ko magpunta sa parish ninyo, nakapagserve pa ako... salamat sa pag-invite... my next time pa ba hehehe.

@ kuya nani and markjeff - salamat sa snacks.,,, markjeff thanks sa pics. ( di na ako mag-aadobe hihi)

@ ate abbie at kuya froi - ok lang po yun... ako rin tulog agad pag-uwi.

@ Kasparov23 - sipag talaga wala ako ma say galing pang cavite yan..

@ saxcruz - galing mo po magflute. (pede mag paturo hehehe mabubulok na flute ko sa bahay di nagagamit.)

@ kuya mon - maraming salamat ha ...

@ czyre - sis. wat time ka nakauwi? Salamat sa copy.

@ sjclc - bakit absent ka kahapon sa practice? di ka tuloy nakapaglalalala hehehe....

Sa ibang onliner na dumalaw po sa practice, nice meeting you guys...

markjeff
09.10.25, 11:40 PM
Thanks markjeff! Tagged everyone.:)

edit: Thanks nga pala sa inyo ni ernani sa merienda hehehe...

thanks sa tags trina and welcome!!!!

salamat din po sa pagkanta... markjeff, bryan, nani, monching, sax, abbie and Froi, trina and anne...

OK lang na dito ulit yung venue. practice and service ulit next week. hehehehe. thanks again.

@markjeff, nakailang misa ka kahapon? mula 6:30 am hanggang 7:00pm. salamat sa pix.


@prinze 2 lng 6PM at 7PM kasi hindi ako naka attend nung 630am sa St Theresa's College nag half day sa work.

salamat po sa lahat ng umattend

@ kuya nani and markjeff - salamat sa snacks.,,, markjeff thanks sa pics. ( di na ako mag-aadobe hihi)



Sa ibang onliner na dumalaw po sa practice, nice meeting you guys...

@anne welcome. add mo na lang ako sa fb. :)

saxcruz
09.10.25, 11:43 PM
Mark, sa STC ka ba work??/ sa may banawe???

markjeff
09.10.25, 11:55 PM
Mark, sa STC ka ba work??/ sa may banawe???

hello sax nope dito din ako work sa caloocan.

Monching
09.10.26, 12:28 PM
salamat din po sa pagkanta... markjeff, bryan, nani, monching, sax, abbie and Froi, trina and anne...

OK lang na dito ulit yung venue. practice and service ulit next week. hehehehe. thanks again.



Thanks Prinze for hosting the venue of our practice. Para sa akin mas OK dyan sa parish nyo tayo magpractice tapos diretso tayo magserve sa misa ulit :)

Bilib talaga ako sayo your a one man orchestra ang LUPIT!!!!:ecstatic:

czyre
09.10.26, 02:13 PM
idol na kita mula ngayon...


Bilib talaga ako sayo your a one man orchestra ang LUPIT!!!!:ecstatic:

@prinze, ayan, nadagdagan na fans mo, pag nagreklamo ka pa na walang naga-appreciate sa'yo ewan ko nalang.


@ czyre - sis. wat time ka nakauwi? Salamat sa copy.


you're welcome sis, past 11 na ko nakauwi, nasiraan kasi yung bus na sinakyan namin ni nani pauwi.:) thanks for asking.:)

sjclc
09.10.26, 04:12 PM
Nu ba yan di ko napanuod si mr. one-man-orchestra.

@Anne: Sembreak kasi, kaya umuwi ako dito sa malayong siyudad ng Olongapo.

@Trina: Sino ba dito ang nagtatrabaho? :D

Hoping to see everyone sa tour. Este rehearsals.

Bien
09.10.26, 06:28 PM
Kahit hindi ako kasama sa praktis nyo or sa event next month, kahit hindi ko pa nakikita si prinze tumugtog eh alam ko na magaling yan. :)

czyre
09.10.26, 07:26 PM
@Trina: Sino ba dito ang nagtatrabaho? :D

di ko gets ???

sjclc
09.10.26, 08:15 PM
Ay ang s**w naman. Joke lang.

Rephrase ko: Sino ba sa 'tin ang nagtatrabaho?

saxcruz
09.10.26, 09:55 PM
Ako po, nagtratrabaho poh. Sa school po ako nagtuturo.

prinze
09.10.26, 10:08 PM
Manlibre daw ng pamasahe papuntang Olongapo yung may mga work. hehehehe. :)

markjeff
09.10.26, 10:32 PM
Manlibre daw ng pamasahe papuntang Olongapo yung may mga work. hehehehe. :)

hehehe ano yan rehearsal sabay outing king sjlc? :D

allen lucas
09.10.26, 10:53 PM
sana makapunta ako sa isa sa mga practice nyo, monday lang kase ang rest day ko eh, sana a festival makapanood ako. sorry sa inyo d ako nakakasama.

eduserusan
09.10.26, 11:36 PM
Hmm...finally, pwede na akong umattend ng practice...

Can I still attend? or di na po pwede? :(

Thanks po! God Bless!

prinze
09.10.27, 02:24 AM
pwedeng pwede pa eduserusan. wait mo yung details ng next practice at aralin mo na din yung piyesa. :)

prinze
09.10.27, 04:02 AM
Thanks Prinze for hosting the venue of our practice. Para sa akin mas OK dyan sa parish nyo tayo magpractice tapos diretso tayo magserve sa misa ulit :)
:

Bilib ako sa iyo bro, kahit malayo nakakapunta ka, at mas maaga pa sa amin.

@prinze, ayan, nadagdagan na fans mo, pag nagreklamo ka pa na walang naga-appreciate sa'yo ewan ko nalang.


Amp! emo bah? LOL

Monching
09.10.27, 07:53 AM
Hmm...finally, pwede na akong umattend ng practice...

Can I still attend? or di na po pwede? :(

Thanks po! God Bless!


Yes pwede pa po pls. PM na lang yung Cell. No. and your E-mail Address para mabigyan ka namin ng piyesa. Saang Vocal Section po kayo?

czyre
09.10.27, 08:33 AM
actually, kung babasahin niyo po old posts nasa list na natin siya.:)

@eduserusan, no need to send those details coz i have them naman na. meron ka na rin naman pong scores di ba (i sent you copies) so kabisaduhin niyo nalang po voice niyo para makahabol. basa-basa nalang po kayo dito kung kelan at saan ang next practice natin.:)

so far... ito ang mga nagpra-practice at siguradong makiki-join...

Soprano
-Royal Haggardness
-Pam

Alto
-Czyre
-Anne2406
-Zara (c/o Isiah)

Tenor
-Isiahmarion26
-Blazinghands
-Kasparov23
-Batutz
-Markjeff
-Eduserusan
-Bonnie
-Rolandp43

Bass
-Karl Jansen Zandoval (c/o Isiah)
-Dangpogi
-Pascuar33
-Sjclc
-Sax_cruz
-Ernanibaetiong
-Reagan

PLUS: Choir c/o Ernani

Instrumentalists
-Ernanibaetiong
-Prinze
-Sax_cruz

eduserusan
09.10.27, 08:42 AM
ok po.salamat! actually pinag-aaralan ko na din po siya ask ko lang po in particular kung ano na yung mga natapos ninyong kanta and kung ano yung irerehearse natin sa saturday.

:)

czyre
09.10.27, 09:17 AM
nadaanan na po namin lahat. basta practice niyo nalang po lahat kuya. :) see you next saturday!

Pam
09.10.27, 11:39 AM
lapit na festival..katuwa.. :)

simba
09.10.28, 02:02 PM
Thanks to those who submitted their scores for the festival. This are only for the Music Director's evaluation so I suggest that the materials submitted to the yahoo groups be moderated.

kasparov23
09.10.28, 03:01 PM
Thanks for the heads up Prof. Noted po... :)

saxcruz
09.10.29, 05:15 AM
guys, saan po ang venue natin this week???

czyre
09.10.29, 05:37 AM
For the venue, still waiting for confirmation from Prinze kung okay sa kanila. We have another option, kina kasparov23 sa Malabon and nag-offer din po si saxcruz, pwede po daw tayo sa parish nila sa Bulacan anytime (naku sjclc, bumalik ka na dito at mamamasyal kami hehehe...)

Meron pong mga onliners from Balintawak na gustong sumali pero problem kasi nila ang mag-commute, mga students po kasi.

@saxcruz, thanks for the offer ha, we'll update you asap.:)

kasparov23
09.10.29, 06:54 AM
Ok lang samin basta let me know early pag di ubra kina Prinze ah... Para maipagpaalam ko... Tour ba ito? Ahehe... :P

Monching
09.10.30, 07:37 AM
Guys saan ang final venue bukas sa practice?

czyre
09.10.30, 08:26 AM
Sabi po ni prinze kahapon sa kanila nalang daw. Wait niyo nalang po confirmation niya kasi magpapaalam pa siya sa parish office nila. If not, kina Bryann uli tayo.:)

kasparov23
09.10.30, 08:54 AM
Cge cge... Thanks... Antayin namin yan... Txt txt tayo bukas Trina hehe... :)

sjclc
09.10.30, 12:48 PM
Oi seryoso ako nung sinabi kong Gapo na lang. Tagal pa balik ko 2 weeks pa haha. Good luck po ulit sa rehearsals niyo sa sabado.

prinze
09.10.30, 01:54 PM
Sabi po ni prinze kahapon sa kanila nalang daw. Wait niyo nalang po confirmation niya kasi magpapaalam pa siya sa parish office nila. If not, kina Bryann uli tayo.:)

Yup. Same time, same place, same channel. hehehehe. dun pa din tayo.

pero i-ready na din natin yung place nila Brian, just in case. :)

kasparov23
09.10.30, 02:06 PM
Copy that. Thanks Prinze! :) See you all tomorrow! :D

prinze
09.10.30, 02:17 PM
you're welcome brian. :)

After ng practice, serve ulit tayo sa mass.

Sana mas madami tayo tom. Sa may gustong pumunta...

Venue: San Roque Catheral, Caloocan City (In front of Caloocan City Hall)
Time: 1:00 PM

ciao!

Monching
09.10.30, 02:29 PM
I Hope on time po lahat bukas!!!

froilan
09.10.30, 04:09 PM
Bpocc, kailangan ng umattend ng mga ininvite nyo sa practice. Gawan na natin ng paraan at kaunti na lang ang araw para magractice.

ernani, pde na bang umattend ang choir mo bukas?

kasparov, ung mga taga cavite pde ba bukas sumama sa practice?

trina, ung mga soprano na sinabi mong gustong sumali pde ba bukas?

czyre
09.10.30, 06:04 PM
thanks Prinze...

kuya Froi, still waiting for confirmation from them pero sabi nila pupunta sila.

Wala ng tulugan ito :(

ernanibaetiong
09.10.30, 06:16 PM
Guys not sure po about tomorrow, w/ fever po kasi but will try my best to make it pu :(

czyre
09.10.30, 06:19 PM
magsanib pwersa tayo nani, ako kagagaling sa sakit, tapos manggagaling sa work... tapos wala ng tulugan... uminom ka maraming lysol nani hihihi...

markjeff
09.10.30, 09:06 PM
ok sana walang pacific ocean d2 samin bukas para maka attend me. see you tom!

saxcruz
09.10.30, 10:09 PM
guys, bka hindi muna ako makapunta tomorrow ha.malakas na ang ulan at hangin dito sa bulacan ngayon. mya daw umaga daan ng bagyo dito. censya na po. pagtumila yung ulan, pilitin kong lumuwas dyan:(

czyre
09.10.31, 03:32 AM
I think i-move nalang natin yung rehearsal natin... Signal number 3 na pala tayo. It's not safe for everyoe to go out, ang layo pa naman ng panggagalingan ng iba.

Text ko si Froi and will ask him, i'll update everyone here and via sms kung ano sasabihin niya.

prinze
09.10.31, 03:53 AM
I agree. I move na lang natin ng ibang date. Madami ding hindi makakapunta. :)

czyre
09.10.31, 08:54 AM
Confirmed na po, I texted everyone na rin... Nagtext po kuya Froi, cancel na po muna practice today. Holiday sa Monday di ba? Baka naman pwede kayo sa day na yun?

krishtianne
09.10.31, 02:02 PM
thanks for the info madam, i hope na makabisita kami po, san ba venue for practice kila sir prinze?

kasparov23
09.10.31, 02:05 PM
I'm ok on Monday... Just let me know kung tuloy... I'll ask din mga taga-Cavite if they could sing with us sa rehersal...

:)

markjeff
09.10.31, 06:00 PM
yup holiday sa monday sana ma schedule na agad if ever para hindi na makagawa ng ibang lakad. :)

czyre
09.10.31, 09:45 PM
Sino pa po pwede ng Monday morning? Kindly post here.

@Mamakrish, PM mo naman sa akin number mo. Punta kayo sa Monday ha, text ko sina Aboy kung saan.:)

blazinghands
09.10.31, 11:13 PM
pwede ako ng monday morning to afternoon

czyre
09.11.01, 02:34 PM
Rehearsal po bukas, November 2, Monday at 1 pm kina Kasparov23 (Bryann) sa Malabon.

For those na hindi alam yung place eto po yung usual route na kinukuha ko whenever I go there

- get a bus na UE/LETRE tapos baba sa POTRERO (Near Malabon Zoo)
- sakay ng jeep na ACACIA tapos baba sa BAPTIST CHURCH (Pag papunta nasa left side siya tapos may kanto saka green na wall)

then we can meet you up there.

See you all! (I'm also sending an SMS to everyone)

ernanibaetiong
09.11.01, 02:57 PM
Sis pag ok na ko punta ako dun, still w/ fever eh nainuman ko naman na ito ng lysol hehehe LOL

czyre
09.11.01, 03:03 PM
ahehe... sige okay, pagaling ka pu... :)

@Prinze, yung keyboard ha? Pahiram muna.:)

kasparov23
09.11.01, 03:06 PM
I'll be there (malamang) LOL... See you all!!! :)

prinze
09.11.01, 03:09 PM
@Prinze, yung keyboard ha? Pahiram muna.:)

sure. no problem. paano ko nga pala ibibigay? hehehehe :)

czyre
09.11.01, 03:13 PM
hijo... ulyanin ka na talaga? kelangan mong lysol?LOL pasuyo nalang po kay markjeff, di ko pa nasabi sa kaniya eh.

edit: tinext ko na siya, wait ko reply niya

Alexander
09.11.01, 04:01 PM
Lapit lang sa amin nyan.... kung nandyan lang ako, nandyan din ako :(

markjeff
09.11.01, 04:14 PM
see you all tom.

@prinze nasa san roque ako mamya for the srccs 8pm mass service.

@kasparov23 ano ano ba yung exact street ng chapel nyo? hindi kaya traffic kung mag mh del pilar ako di ba may cemetery dun?

@ernaninbaetong get well sana ok ka na bukas.

czyre
09.11.01, 10:54 PM
To All: Sensiya na po, change of venue, doon po uli tayo kina Prinze sa San Roque Cathedral, Caloocan. 1 pm pa rin po.

PM or text nalang po yung mga di alam ang daan papuntang venue. Thanks!

prinze
09.11.02, 09:12 AM
may harang ako ng 10 eh. c markjeff na muna ang bahala sa inyo mamaya. sunod na lang ako. thanks. ciao.

czyre
09.11.02, 10:12 AM
harang? as in raket? yessss... may magpapakain mamaya! :yes:

Alexander
09.11.02, 12:31 PM
czyre,

Kumpleto ba ang lahat ng sections? I just wish na marami pa ang sumuporta....

How I wish (don't corrupt it ha :P) nandyan ako para tumulong.

Good luck sa practice today... hayan, ipinag racket pa kayo ni Prinze....

rolandp43
09.11.02, 02:48 PM
hindi na pala holiday sa Nov. 27 & 28, binawi ni GMA, sa ARMM na lang ang holiday...

ernanibaetiong
09.11.02, 04:49 PM
@Trina-sorry pu still down :(

czyre
09.11.02, 06:20 PM
czyre,

Kumpleto ba ang lahat ng sections? I just wish na marami pa ang sumuporta....

How I wish (don't corrupt it ha :P) nandyan ako para tumulong.

Good luck sa practice today... hayan, ipinag racket pa kayo ni Prinze....

Kanina po ang nakarating lang are the following

Alto: Czyre, Anne2406
Tenor: Blazinghands, Markjeff, Kasparov23 (na nagsosoprano na rin, can you imagine? haha)
Bass: Pascuar33
Instrumentalist: Prinze (na lulubog lilitaw, san ka ba nagpupunta? hehe)

Ang pag-asa nalang namin si Ernani... Nani, hope you're okay na. Pagaling ka na po...

Salamat po sa mga nakarating kanina lalo na kay Blazinghands, at least mas maayos na namin nakakanta repertoire natin.

:)

prinze
09.11.02, 08:10 PM
Galing mag soprano ni Brian. hahaha.
include na din natin si belle.

salamat din sa nanlibre ng donuts. hehehee. :)

markjeff
09.11.02, 11:39 PM
guys see you on the next rehearsal. thanks sa mga naka attend.

@prinze thanks for coordinating the place and for lending your keyboard. nasoli na namin sa house mu. (cencya na kay daddy mo me rehearsal sila pag dating q dun :) & thanks kamo)

@trina pag me tym ka na pa email nung req q na piesa thx!

@nani get well soon!

@blazing thanks sa inputs

@kasparov thanks sa alalay kay velle d pa nya talaga alam ung mga kanta e. pag ireading mu ulit cavite inform me baka pwede cya join dun. thx!

as usual you can check our pix at my fb

http://www.facebook.com/home.php#/photo.php?pid=792107&id=1252322752

czyre
09.11.03, 03:22 AM
@markjeff, thank you sa merienda... uli hihi... and of course thanks for the ride. :)

si kasparov23, pangdoble-kara LOL

saxcruz
09.11.03, 06:12 AM
Guys, sorry for not attending sa rehersal.. very busy lang now a days dahil mag aaudition po yung choir namin sa MBC choral competition on sunday. Sama na po ako ulit pagkatapos ng audition ng MBC. Censya na po talaga. Dadalin ko po yung buong choir ko sa festival natin para makapanuod sila.:)

kasparov23
09.11.03, 07:51 AM
Maraming salamt sa lahat ng nakadalo ng practice... See you ulit sa mga susunod na rehersals!

@markjeff - Buti na lang nahugot mo si Velle... Kung hindi nagkapatid patid na lalamunan ko dun sa Festival Piece... :P

@Trina & Prinze - Salamat :) At sana hindi na maulit! (Pagturo ko samin halos lahat ng kanta ko naka-falsetto) Wahehehe... :)

@sa mga iba pa - Nice meeting you all (again)... Kitakits on our next scheduled rehersal! :)

blazinghands
09.11.03, 11:11 AM
glad to be of help to bpocc :-)


sana nga lang mas marami pang makarating na sopranos and basses para di na kami maging schizo ni kasparov23 hehehe

royal haggardness
09.11.03, 11:43 AM
Bros and sis, pasensya na po at di ako naka attend sa practice and di masyado nakakapagtext sa inyo. Last week was a not so good week for me because we had 3 deaths in the both sides of the family.

On the other hand, thanks po sa lahat ng umattend ng practice.

markjeff
09.11.03, 11:51 AM
@markjeff, thank you sa merienda... uli hihi... and of course thanks for the ride. :)

si kasparov23, pangdoble-kara LOL

welcome! :)

markjeff
09.11.03, 11:52 AM
Bros and sis, pasensya na po at di ako naka attend sa practice and di masyado nakakapagtext sa inyo. Last week was a not so good week for me because we had 3 deaths in the both sides of the family.

On the other hand, thanks po sa lahat ng umattend ng practice.

condolence to both of you. see you soon. god bless.

froilan
09.11.03, 12:06 PM
Bpocc, sorry hindi ako naka attend kahapon dahil sa hindi inaasahang OT sa trabaho. Sana maka- attend na ang lahat ng magpaparticipate sa choral festival this coming saturday practice. Maraming salamat sa mga nagpractice kahapon kahit iilan lamang kayo.God bless us all!

Monching
09.11.03, 12:33 PM
@Blazinghands salamat sa iyong pagtulong sa amin sa practice

@markjeff makakasama na ba natin si Belle sa Concert pwede syang pomoste sa Soprano galing ng mga birit nya walang kaefort-efort. ang galing din ng analysis mo chords construction... Salamat din sa miryenda.

@Czyre thanks sa pag-aasikaso mo sa amin. salamat talaga pagnakikita nabubusog ako.


@Kuya Froilan condolence sa inyo ni Abby.

@Saxcruz hope to see you sa next rehearsal/practice

@Anne sorry ha nakalimutan ko dalhin yung installer ng finale next week na lang ulit. ano nga pala specs ng computer mo kelangan kasi at least Pentium IV yung CPU and 512 MB memory mo para mapatakbo mo mas maayos yung finale 2009.


@Prinze my idol keyboardist paturo naman pag my time ka ng techniques mo.

@Kasparov23 doble karaoke ka. ang galing!!! tenor at soprano pinagsasabay :D

@Kuya Ernani pagaling ka ha para may kasama na ko sa Bass section...

czyre
09.11.03, 04:36 PM
Remind ko lang po kayo, grand rehearsal po ng choral fest sa nov. 14 (tentative though...) Mag-one round of practice naman tayo bago nito.

Sana maka- attend na ang lahat ng magpaparticipate sa choral festival this coming saturday practice.

Actually kuya, marami pong hindi makakapunta this saturday... Kelangan sigurong i-move yung practice...


@Czyre thanks sa pag-aasikaso mo sa amin. salamat talaga pagnakikita nabubusog ako.


pag nakikita mo ako nabubusog ka?

o

pag nagkikita tayo nabubusog ka?

di bale sa susunod kami naman ang bubusugin mo LOL Akala mo joke? Totoo yan kaya mag-ipon ka na hihihi... Ako naman po eh napag-utusan lang po bumili ng meryenda... Si markjeff po ang nagpapakain hehehe...

anne2406
09.11.03, 05:33 PM
@ pascuarc33 - ok lang po yun.. sa next practice na lang po.. pwede po sa pc ko. buti na lang kakapalit lang ng memory nun. 512 mb na po. Maraming salamat ulit.