PDA

View Full Version : Mayon Volcano

Bien
09.12.22, 11:24 AM
http://ph.news.yahoo.com/ap/20091222/tap-as-philippines-volcano-fe2a5de.html

Di na ata mapipigilan ang pagsabog ni Mayon ngayon Christmas week... :(

titopao
09.12.22, 11:30 AM
Oo nga. Habang tumatagal, parang lalo pa yatang lumalakas ang pagsabog ni Mayon :(

This hasn't been a good year for our country, as far as natural disasters are concerned. Marami na namang mga pamilya ang masasalanta, at baka marami rin ang magkasakit. At kung kailan malapit nang mag-Pasko... :( :( :(

Sana 'wag nating kalimutang ipagdasal ang mga kababayan natin na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Mayon. At sana, magkaroon uli ng relief campaign para sa kanila na katulad ng ginawa ng maraming organisasyon pagkatapos ng Ondoy at Peping...

May mga onliners ba dito na taga-Albay? O kaya kahit sa Bicol Region na rin. Kamusta naman ang lagay n'yo jan? :)

allen lucas
09.12.22, 12:21 PM
sana magpost dito si kuya bonnie at sana ok lang ang family niya.

familia singles
09.12.29, 11:10 PM
ingat po sa lahat ng mga ka-boards natin na nakatira malapit sa Mayon Volcano. di na po biro yung pagsabog na nangyayari recently... :(

blueforgetmenot
10.01.04, 12:39 AM
waahh Mayon, cool ka lang.
Si kuya bonnie malayo naman sila sa Mayon kaya siguradong safe sila.. yun nga lang yung ashes di ko alam kung umaabot sa kanila. Sana lang tumigil na ang pagsumpong ng Mayon, may mga taong tuwang tuwa pa na kumukuha ng mga videos at dinarayo ang Mayon pero sana magbaon din tayo ng dasal para sa mga apektado nito.

ck80
10.01.04, 06:29 AM
tourist spot na ngayon ang mayon volcano. tuwang tuwa ang mga foreigners na makita ang pagsabog nito. bakit ganun? alam kaya nila na ang kinatutuwaan nila ay may dalang pinsala sa iba?

manoiskee
10.01.04, 08:34 AM
tourist spot na ngayon ang mayon volcano. tuwang tuwa ang mga foreigners na makita ang pagsabog nito. bakit ganun? alam kaya nila na ang kinatutuwaan nila ay may dalang pinsala sa iba?
alam nila yun, isipin mo na lang at least may pumapasok na kita pa rin sa paligid ng mayon kahit na ganyan ang sitwasyon, kahit papano makakatulong pa rin yun sa mga apektado... well, sana...

pat111
10.01.05, 05:02 PM
tourist spot na ngayon ang mayon volcano. tuwang tuwa ang mga foreigners na makita ang pagsabog nito. bakit ganun? alam kaya nila na ang kinatutuwaan nila ay may dalang pinsala sa iba?

Di ba delikado yun? Pano kung sila rin ay mapinsala? :(

knightdom
10.01.08, 04:07 AM
Di ba delikado yun? Pano kung sila rin ay mapinsala? :(

ganun talaga. rare kasi makakita ng bulkan na sumasabog ng di biglaan. tsaka maganda tignan lalo na sa gabi. kahit nung mga nakaraang taon, ganun din even the locals there, pinagpipyestahan yun. i saw them with my own eyes kung papano nila pinagkaguluhan at ginawan pa ng pagkakakitaan ang pangyayari. bilib din ako sa kanila, they turned something negative into positive. tsaka after ng lahat e yayaman ang lupang nasa paligid ng bulkan na magndang taniman.

titopao
10.01.08, 09:04 AM
din even the locals there, pinagpipyestahan yun. i saw them with my own eyes kung papano nila pinagkaguluhan at ginawan pa ng pagkakakitaan ang pangyayari. bilib din ako sa kanila, they turned something negative into positive. tsaka after ng lahat e yayaman ang lupang nasa paligid ng bulkan na magndang taniman.

Hmm...napaisip tuloy ako dito.

Kapag mga dayuhang turista ang nagpunta sa Mayon habang sumasabog ito, ang tingin natin, napaka-insensitive nila, hindi nila iniisip yung mga napinsala

Pero kapag mga locals yung mga nagkakatuwaan sa Mayon, ang tingin naman natin doon, nakahanap sila ng kasiyahan sa gitna ng sakuna. Hell, we even call some of them "enterprising" ("ginawan pa ng pagkakakitaan ang pangyayari"). I'm sure ilalagay pa yung ganito sa segment ni Marc Logan sa TV Patrol.

Pero kung tutuusin, wala namang pinagkaiba kung dayuhan o mga taga-roon yung gumagawa noon. Hindi kaya't mas dapat na magalit tayo sa mga locals kasi sila na nga yung pinapa-evacuate, sila pa yung matigas na ulo na bumabalik at nananamantala?

Emerald
10.01.08, 10:47 AM

oo nga tito pao.. nakakainis isipin kahit nasa danger sila talagang matitigas parin ang ulo ng mga lokals pero wala tayonh magagawa kasi kabuhayan din nila yung masasayang .. buti if may e.oofer ang pamahalaan na ibang mapapagkakitaan..

knightdom
10.01.10, 05:06 PM
hay naku, iba talaga ang pinoy. hehehe. i remember last time also nung nasa bikol ako, may mga naglalako ng mga endangered animals sa kalsada at iniaalok sa lahat ng dumaraan. hay. dayuhan o taga-roon man e dapat mag-ingat. hindi biro ang lava, buhay ang nakataya.