PDA

View Full Version : Estudyante Blues... What's on your mind?


paolo_romeo
10.02.18, 06:44 AM
lots of pressure coming from in and out of schools but we should always be cool and level minded in approaching each challenges

casper89
10.02.18, 01:01 PM
LAlo na ngayon palapit na ng palapit ang finals week...hay ang daming task na dapat gawin...

Avel
10.02.18, 01:37 PM
You'll all be fine. :)


Been there. The climb is hard, but the view is great :)
(Hannah Montana)

Emerald
10.02.18, 02:46 PM
malapit na final defense ko sana palarin po

felamsen
10.02.19, 05:37 PM
malapit na final defense ko sana palarin po

Good luck! kaya mo yan :yes:

Emerald
10.02.19, 06:50 PM
prelim defense ko kanina ang dami revision..huhu kakayanin ko pa kaya?

holychef
10.02.22, 05:58 PM
tinatablan na ako ng severe SENIORitis...nyahahahahhaha

sjclc
10.02.22, 06:23 PM
tinatablan na ako ng severe SENIORitis...nyahahahahhaha

pagnandiyan ka na parang excited ka gumraduate, pag graduate mo, gusto mo sana high school na lang habambuhay.

on topic: 100 pages for a 10 item quiz... how is that cool?

holychef
10.02.23, 11:33 PM
onga eh...mamimiss ko barkada ko :|

felamsen
10.02.24, 12:20 PM
I agree sjclc, ganun talga siguro ang mentalidad ng marami sa atin. :)

sjclc
10.02.24, 08:09 PM
wow. di ko alam kung pano pa ko nakakasurvive. dire diretsong quizzes. day 2 naman bukas.

deathkill00008
10.02.24, 08:45 PM
uu nga finals week lapit na huhuhu... kaya yan! hehe. yung libro ko sa circuit analysis inanay nakakainis. parte talaga ng buhay estudyante!hehe (hindi kasi binabasa haha)
ang best part syempre ang lakawtsa, next kapag nagulat ka sa quiz mo na akala mo mababa yun pala mataas score mo! (Praise God!)

Yari pag may surprise quiz (grabe talaga yun matrix.. 8 by 8... nakakatakot!!)
=)

-albert
>kaya pag summer na, ang boring na ulit. iba talaga pag sa school... kahit stressed, blessed naman with friends!

holychef
10.02.24, 09:09 PM
meron pa pala ako :P

hanggang ngayon di pa ako makadecide kung Accounting sa DLSU ba or Culinary Arts sa CSB :worried: ang layo kasi ng pinagpipilian eh :| magkalapit nga yung campus, milya-milya naman ang layo nung course

fhayeobra
10.02.24, 11:43 PM
iniisip ko ngayon kung san ako kukuha ng kontrata na hinihingi sa'min ng prof namin.. huhu.. pahirap talaga.. :worried::worried::worried:

felamsen
10.02.25, 06:37 PM
Kelan kaya ako makakabisita sa school?

Emerald
10.02.25, 06:41 PM
kelan ko kaya mabibili keyboard ko?

Coolwaters
10.02.26, 08:01 AM
@ Felamsen, ako mga 7 years nang hindi nakakapunta sa university ko... :)
Mas madalas pa ako sa high school campus ko... :)

Mas close kasi ako sa mga high school classmates than my college classmates. The best ang high school life... :)


-----
Emerald, OT na post mo... LOL

felamsen
10.02.26, 11:45 AM
@ Felamsen, ako mga 7 years nang hindi nakakapunta sa university ko... :)
Mas madalas pa ako sa high school campus ko... :)

Mas close kasi ako sa mga high school classmates than my college classmates. The best ang high school life... :)


-----
Emerald, OT na post mo... LOL


I agree Coolwaters, feeling ko kasi bumabata ako kapag nasa high school campus. ;)

czyre
10.02.26, 11:57 AM
Naalala ko nung student pa ako, sobrang inaantok ako sa Biology class ko, nakaupo ako sa front seat (malabo kasi mata ko) sa harap ng teacher's desk... Nagdi-dictate ng notes yung teacher ko sa antok ko habang nagsusulat nabibitawan ko palagi yung ballpen ko. Biglang tumayo yung teacher, surprise quiz daw kasi may natutulog daw (tingin ako sa likod... "sinong natutulog ha?!" LOL) binigyan naman kami ng 5 minutes para mag-review... ang problema.. dahil sa antok ko, ala akong maintindihan sa notebook ko... puro bilog bilog ang naisulat ko ROFLMAO Siyempre, bagsak ako HAH! LOL

Coolwaters
10.02.26, 01:31 PM
@ Czyre, palusot ka pa ha!!! LOL

Hindi pa ako nakaranas na matulog sa klase noong high school... Di pwede kasi sobrang stiff ng competition...

Kaya noong college, hindi na ako nakakatulog sa klase... :)

paolo_romeo
10.02.26, 08:17 PM
sa UST puyatan to the max! pwede nga rin di matulog eh!
yung iba samin nakakatulog, na sa klase!
na experience ko na wah! :P

czyre
10.03.01, 03:48 AM
I just hate science so much coolwaters kaya ganun. Ipa-solve mo sa akin lahat ng math problems o kaya gawin mo akong cleaner everyday... wag mo lang ako pag-aralin ng Biology. Lalung-lalo na Chemistry. Bopols ako diyan LOL

fhayeobra
10.03.01, 01:18 PM
I just hate science so much coolwaters kaya ganun. Ipa-solve mo sa akin lahat ng math problems o kaya gawin mo akong cleaner everyday... wag mo lang ako pag-aralin ng Biology. Lalung-lalo na Chemistry. Bopols ako diyan LOL



ate trina, sige ba.. so 'pag may problem ako regarding math.. sa'yo ko na lang papasolve ah.. este, papatulong pala ako.. hehe.. :):):)

felamsen
10.03.01, 01:59 PM
wow, anggagaling nyo naman. Ordinaryong nilalang lang kasi ako pagdating sa ganyang usapan. ;D

czyre
10.03.02, 09:37 AM
ate trina, sige ba.. so 'pag may problem ako regarding math.. sa'yo ko na lang papasolve ah.. este, papatulong pala ako.. hehe.. :):):)

Sureness Fhaye, basta dalhin mo rin notes mo para maalala ko dahil nilunod na ng mga nota lahat ng numbers sa utak ko. If you know what I mean LOL

titopao
10.03.02, 09:59 AM
Ang nami-miss ko lang nung estudyante pa ako, yung free time ko kapag may exams. Nakakalabas ako ng room sa loob lang ng 15-30 minutes ng isang two-hour exams. Tapos, bibili ako ng merienda sa canteen, pinapayagan naman ako. Pagbalik ko ng room after an hour, wala pa ring lumalabas sa mga classmates ko LOL

felamsen
10.03.02, 11:04 AM
Ang nami-miss ko lang nung estudyante pa ako, yung free time ko kapag may exams. Nakakalabas ako ng room sa loob lang ng 15-30 minutes ng isang two-hour exams. Tapos, bibili ako ng merienda sa canteen, pinapayagan naman ako. Pagbalik ko ng room after an hour, wala pa ring lumalabas sa mga classmates ko LOL

Meron na bang promil nun titopao? Siguro un ang gatas mo, hehehehe. Galing mo naman :D

titopao
10.03.02, 11:20 AM
@felamsen: No, hindi pa ata uso ang Promil nung bata pa ako :P

The secret is simple...it's just constant reading :) Wala pang gastos yun, di na kelangang payamanin pa ang gumawa ng Promil LOL

felamsen
10.03.02, 11:47 AM
@felamsen: No, hindi pa ata uso ang Promil nung bata pa ako :P

The secret is simple...it's just constant reading :) Wala pang gastos yun, di na kelangang payamanin pa ang gumawa ng Promil LOL

hehehe, ayos ka talaga titopao. I mean, it just manifest na hindi ka ordinariong nilalang (Super Saiyan) kaya ko nasabi un.

casper89
10.03.02, 02:07 PM
Ako @titopao pareho tayo ang masama nga lang napagbintangan akong nagkodigo daw dahil sa akong nauuna kaya ayun kahit tapos na ako kunwari nagbabasa ako para hindi mahalata at maghihintay ako ng magpapass muna bag ako amgpass.

titopao
10.03.02, 02:09 PM
@casper89: Yun din ang problema ko. Napagbintangan na rin ako minsan na nangongodigo. Ang sinasagot ko lang, i-explain n'yo sa akin kung paano nakakapangodigo gayong ang dala ko lang sa klase sa araw na iyon ay ballpen lang at yellow paper, walang notes :P

Ako kasi, kung talagang okay na ako sa sagot ko, di ko na nakikita yung point na mag-stay kung pupwede at kung papayagan naman akong umalis agad. Mahirap na, baka may magtangkang mangopya sa akin LOL

Coolwaters
10.03.02, 03:33 PM
When I was in high school, although I studied in one of the biggests public schools in Neg. Occ., 26 lang kami sa section namin (special science class, dunno kung meron pa nito ngayon)... Grabe ang competition. Issue sa amin ang cheating, to the point na tuwing exam or quiz, iniiwan kami ng proctors namin...

When I went to college, na-culture shock ako nang halos lahat ng classmates ko were very tolerant of cheating... :(

Nakakainis minsan na may iba akong mga classmates na mas mataas ang scores sa karamihan dahil nagcheat, at proud pa sila sa "cheating arrangement" nila! :(

At dahil ayaw ko ring magpakopya, I sit close to the professor's table and I am usually the first to submit my paper during quizzes and exams... Hanggang sa naging sikat ako na "maramot" sa klase. :)

This is one of the many reasons why hindi ako masyadong close sa block section ko during college, compared sa high school...

titopao
10.03.02, 04:33 PM
Marami din akong nakaaway...kasi hindi rin ako nagpapakopya :)

Noong graduating student ako sa high school, naging malaking issue ito sa section ko dahil hindi napabilang sa listahan ng mga graduates ang sampu--yes, ten---sa mga kaklase ko. Yung isa doon ay kabarkada ko at siya ang isa sa tatlo kong kaklase (out of the infamous ten) na napabilang sa mga magre-repeat ng 4th year (dahil may failing average sa tatlo o higit pang subject). (The rest of the ten students had to take remedial summer classes and were not permitted to join the graduation rites.) About a third of my classmates, on the other hand, almost didn't make itto graduation because of a subject (usually, Physics) that was a little over the pass mark.

Noong time na pumutok ito bilang isyu sa klase three weeks before graduation, maraming naglabas ng sama ng loob sa akin o sa ibang tao na dapat daw ay tinutulungan ko sila. And by that, they mean I should have helped them cheat, I should have let them copy my papers, I should have helped them answer their homework. Hindi pa ako ganoon katatas makipag-usap sa ibang tao kaya hindi ko sila masagot ng harapan, pero na-confide ko sa ilang mga malalapit kaibigan na pinaninindigan ko ang hindi pagpapakopya dahil labag ito sa prinsipyo ko at, higit sa lahat, mahirap dahil sa kalagayan ko noon (teacher ang nanay ko in the same school, among others). Pero siyempre, kung hindi nila maunawaan (or kung ayaw nilang unawain) ang kalagayan ko, wala akong magagawa...just imagine how hard it is to walk in your own classroom as the only outcast with almost nobody wanting to talk to you.

To cut the story short...a day before graduation rehearsals were to begin, kinausap ako ng kabarkada ko na kailangang mag-repeat ng 4th year. Na-realize daw niya na dapat sa kanya mismo manggaling ang pagbabago, na dapat magsikap siya at hindi umasa sa ibang tao para sa kanyang pag-aaral. He made amends and apologized for all the bad feelings he had in the past few days, to me and to the rest of my classmates. Tinanggap naman nila yung apology ng kabarkada ko, and then they were all more understanding of my predicament.

And that was the last I, or any of my classmates, have ever heard of him. Wala nang nakakaalam kung nasaan na siya ngayon ???

fhayeobra
10.03.02, 07:59 PM
opo ate trina.. hahaha!


speaking of estudyante blues...
this is the worst day ever for me..
nalunod ang utak ko sa mga nangyari sa skul namin kanina.. gusto ko na lang mag-unwind.. hays.. sana matapos na.. :(:(:(

deathkill00008
10.03.02, 08:01 PM
nakakainis nung nakaraang contest (nitong nakaraang araw) di kami nakapasok ng group ko sa elims dahil sa isa naming sagot. And tanong: Anung cell daw sa katawang ang naaapektuhan ng HIV
Ang sagot namin: lymphocytes
Ang sagot: T helper cells or T cells

eh ang T Helper cells ay parang variants ng lymphocytes sayang hindi man lang kinonsider. kulit kasi ng kapartner ko eh, T cells una naming sagot, ayun pinabago niya, akala ko rin naman kasi parehas lang yung dalawa. huhuhu sayang.

ayun, di kami nakapasok sa finals. sayang hehe

<na ishare lang hehe>

sjclc
10.03.02, 10:05 PM
naalala ko bigla yung commercial dati ng lucky me supreme. nag-eedit kasi ako ng video taping (feeling artista kami kanina) kanina. tapos di ko pa nasisimulan yung activity sheets at accreditation ng college namin bukas. wee.

czyre
10.03.03, 08:49 AM
@DK, nosebleed!!! headache!!! aaargh!!! science!!! LOL

Isa lang ang kabisado ko sa science... digestive system lang... doon pumupunta kinakain kong almusal ngayon hehe... tiyan ba ang tawag don? haha...

titopao
10.03.03, 10:22 AM
@Albert: That's why I never believe quiz bees and any other similar contests should always be held as an individual competition, not as a group competition :)

First, kung iisa o iilan lang ang nagdadala sa team, the other members of the team didn't deserve to be there in the first place. Tapos, ipagmamalaki niyang kasama sya sa team ng mga magagaling, hence magaling din sya. Isa lang syang manggagamit, nakikisakay lang sila sa galing ng ibang tao :P

Second, katulad ng sa situation mo...pag may nagbigay ng maling sagot, nandadamay pa ng ibang tao yung nagsabi ng sagot na yun. Pag narinig nyo yung tamang sagot and it turns out that the team rejected in favor of the correct answer, magsisisihan din kayo. (And then someone will say the stupidest things like, "hayaan n'yo na, next year tayo naman mananalo" o kaya "okay lang yun, (insert lame excuse here)". Everyone in the team goes home unhappy :P

Kaya kung ako sa 'yo, next time, tumanggi ka kapag inalok kang sumali sa group quiz bee, para wala nang hard feelings between you and any classmate LOL

Sa tinagal-tagal kong nag-aral, minsan lang ako sumali sa isang group quiz bee contest...and we won first place (pero 'yan ay dahil ako rin yung nagdala sa team, hehehe :P ). Kalaban ko that time yung teams ng class valedictorian, ng nag-uwi ng "Best in Math" (sa graduation) at ng nag-uwi ng "Best in Science" medals sa batch namin 8)

deathkill00008
10.03.04, 08:56 PM
@ate trina: masarap din mag aral ng biology tsaka sciences lalo na physics, tapos yung theory ni einstein bout relativity. nakakacurious kung panu niya na isip yun, at kinonsider niya pa ang time as one of the dimensions ng universe, parang sa mga theory niya, kung buhay pa siya, baka nakagawa na siya ng time machine (but of course, sa future lang pwede mapunta, hindi pede sa past, dahil hindi pa rin considered ang negative value ng time, ewan ko lang ngayun). Pero magaling ka aman sa math ate trina ee, keri keri ang science, application lang yun. isipin mo nalang yung calculus na nahaluan ng application, yung Fourier series, naaapply sa signals and circuit analyses, pati taylor series, yung mga multiple integration pati differentiation sa madaming fields. natatandaan ko tuloy nung 2nd year college ako (pariwara na ako nito, hinahaluan ko na ang buhay ko ng studies sa music theory), bout ata dun sa L'hosptals rule ba yun, para makuha mu yung value like kunwari makakuha ka ng result na 0/0 sa direct substitution, parang ganun. grabe bagsak ako dun, muntik nang ma L'hospital! hahaha. Ang math naman kasi ay napaka arbitrary haaayyy... tulad ng quiz namin kanina. numerical methods. lagpak. haha (muntik makatulog habang nag eexam dahil walang matandaan haha)
parang <its all in the mind.> haha


@titopao: pero ok lang din kasi may nacontribute din ako sa kapartner ko na mali yung sagot ko ee.. eto yung tanung:
Q: Anu daw yung instrument na nagmemeasure ng speed ng wind

tinanong ko siya di niya matandaan,
eh alam ko naaral namin yun nung grade six pa at lageng pinapagawang project sa school
Sagot namen: Annometer
Sagot: Anemometer

bwahaha

siya din may mali sa spelling eh
Q: anu daw yung nag memeasure ng specific gravity ng isang object
syempre di ko alam
pero alam daw niya
Sagot namen: Hygrometer
Sagot: Hydrometer

Ay! pinakamalas na contest ko na yun. nagreview pa aman akong maigi para sa finals, pero nung nanuod ako nung finals na realize ko din na wala rin kaming pag-asa, puro physics inaral ko ee, puro chemsitry lumabas (molarity, molality, empirical formula, organic compounds, pati yung mga rules sa chemical reaction at kung chemical structures) haaay. ang hirap

nasabi ko nalang sa sarili ko: di kasya sa utak ko lahat ng kailangang malaman dito sa mundo.

Totoo naman. ehehehe

-albert
<haggard sa quiz kanina>

sjclc
10.03.04, 09:07 PM
Nakakatakot basahin 'yung post sa baba. No offense po ke kuya Albert. First year college pa lang kasi ako, secondary education, MAJOR IN MATH. Parang magpapalit na ata ako ng major. Hahaha.

deathkill00008
10.03.04, 09:22 PM
major in math!!! wow!!! =) ang galing mu naman. ako di ko naisip na magtake ng course na ganyan kahirap. mas mahirap pa ata sa inaaral namin. more on proving, may logical thinking pang kasama. =)

nahilig lang ako sa science at kaunti sa math nung high school days at nung bandang 1st year college. ngayun, sa music na ako interesado. <kaya inanay na yung isa kong libro sa circuit anaysis dahil di nagagamit ehhehehe>

^^, galingan natin sa mga courses natin!! hehe

God bless us all!!

at sa mga nahihirapang estudyante (gaya ko), nararapat lang yan sa inyo!!! (sa atin!!) wahaha, isipin nalang natin, practice na to sa true life, pasalamat pa kayo sa prof niyo dahil mabait pa ang prof. hintayin niyong magkaroon kayo ng sobrang sungit na boss sa trabaho, mas mahirap yun. walang excuse letters. haha. walang make-up classes at examinations. at may overtime pa kahit di mo gusto (yan ang sabi ng ate ko. haha)

-albert

Coolwaters
10.03.05, 08:48 AM
@ Albert,
Aba, may L'Hopital's Rule kang namention (the method of determining the limit of a fractional function which gives a 0/0 or infinity/infinity result by direct substitution, done by taking the derivative of both numerator and denominator) ... Anong engineering course ka?

Congrats na rin kahit paano sa pagkasali mo sa quiz bee... :)
Magandang experience yan... Naging milking cow ko ang pagsali dyan dati while in college (tokens, gift certificates, freebies and chocolates mostly)... Noong high school naman, nalibot ko ang buong region 6 at nakapag-escapade sa Bora dahil sa mga contests na kagaya nito...

Naalala ko, I was vying for a slot sa top 5 ng Academic Excellence contest ng Rotary Club noon sa aming province during high school... I have one classmate na nakapasok na sa top 5 so pressured ako. I had to undergo a tie-breaking question with the top student from the top Chinese school in the city...

The question was: What is considered as communism's bible?

CW: (Panicking, trying to pick between two books of Karl Marx, Communist Manifesto or Das Kapital... I said I'm going to choose the seemingly obvious.) Communist Manifesto.

Ang correct answer pala ay Das Kapital... Hay... LOL Di ako nakapasok... Pang number 6 lang ako...

At yung top student na yun became my classmate in college... :)


@ sjclc: Aba, mathinik ka pala! Wag matakot, makibaka, er, kaya mo yan! LOL

deathkill00008
10.03.06, 09:44 PM
wow. ako locally lang ako nag eexcel, never pa ata ako nanalo ng regionals. hindi kasi ako ganun ka focus, at feeling ko yung mga may "Science" high schools ay above samin. hehe. Pagdating ng college, kulelat... unti unti akong nawawala sa landas. nung dati nasa dean's list pa ako, ngayon nganga nalang. hehe, parang tamang makapasa na, maligaya na ako. That time, nasabi ko na naging "normal" na estudyante na ako, less ang expectations from friends and society. haha. BSECE po course ko, third year palang. fourth year this coming sem.

Pero astig pa rin mag aral ng sciences!! nung nagreview ako sa contest, I feel like buying so many books about biology,physics (ito rin kasi naging problem ng school nung nasa high school pa ako, limited ang materials, lalo na sa mga book <mga inaalikabok na books>). At marami, ang ayaw ko lang na subject, economics, about acounting, law, haaayyy. yaw ko rin ng history (Philippines at yung sa world history).

Natatawa tuloy ako, dati kasi pangarap kong maging astronomer, kaya nagpursige talaga akong mag aral ng physics (and other subjects related dito), ngayon mas gusto ko nang maging musician. Ano na kaya ang magiging pangarap ko bukas? hehe.

titopao
10.03.08, 08:11 AM
@Albert: Matatawa ka sa akink, pero yhung ibang mga "hard" concepts sa college, naintindihan ko lang nung nagtatrabaho na ako. Mas nakakuha ako ng extra insight na nakatulong para mas maintindihan ko sila.

Kaya minsan, naiisip ko, iyun ba ay dahil sa kulang pa ako sa karanasan, o kaya ay may kulang sa istayl ng pagtuturo ng mga titser ko LOL

fhayeobra
10.03.09, 04:23 PM
speaking of estudyante blues..

lagapak ata ako ngayon sa dalawang subj ko.. ayoko ng maglaylo.. eto pala ung pakiramdam.. ang hirap.. hindi ko alam kung pa'no at ano ung gagawin ko..

grabe din naman kasi.. ang malas ata ng section namin.. out of 6 profs.. 1 lang dun ang matino.. ung natitirang 5, nanghuhula na lang ng grade! ang nakakainis pa, ung isa kong classmate, 'di naman siya pumapasok lagi.. ilan lang mga quizzes niya, pero may class card na siya.. may grade pa! eh, ako.. wala.. mag-eexam pa ulit ako! eh lagi naman akong present tsaka may mga exam naman ako.. pakiramdam ko tuloy, nadadaya ako.. sana pala 'di na lang din ako pumapasok.. nakakainis lang kasi lahat ng pinaghirapan ko, napupunta lang sa wala! :(:(:(

titopao
10.03.09, 04:42 PM
@fhayeobra: If you don't mind me asking, since very consistent ka sa mga recent posts mo...anong year mo na sa college and what is your degree/major? I have the impression that you're having a student's worst nightmare :P

fhayeobra
10.03.09, 05:19 PM
@fhayeobra: If you don't mind me asking, since very consistent ka sa mga recent posts mo...anong year mo na sa college and what is your degree/major? I have the impression that you're having a student's worst nightmare :P


@titopau: 3rd yr college na po ako ngayon.. major in marketing management.. nakakapanghinayang po kasi, ang ganda ng course ko pero may mga prof. nagbababoy nito.. naturingan pa naman silang propesor.. ayaw nilang tanggapin ung opinyon namin.. 'di porket prof sila, sila na lang lagi ang nasa tama.. may mga pagkakataon din naman po kasi na mali sila pero sa tingin nila tama pa rin sila.. hays.. nakakapanghina lang po.. :(:(:(

casper89
10.03.10, 01:15 PM
Ayan na papalapit na ng papalapit ang finals week.... Ang daming gagawin (demo teaching, written reports, 10-day lesson plan) pero as ussual sa mga estudyante (estudyante blues nga) gustong ginagawa yung requirements kapag mamatay matay na sa puyat, stress, pressure and many more. hay, matatapos din ito...haha

Coolwaters
10.03.11, 04:47 PM
... unti unti akong nawawala sa landas. nung dati nasa dean's list pa ako, ngayon nganga nalang. hehe, parang tamang makapasa na, maligaya na ako. That time, nasabi ko na naging "normal" na estudyante na ako, less ang expectations from friends and society. haha. BSECE po course ko, third year palang. fourth year this coming sem.

Oo nga... most of those people I knew na napagod sa pagiging achiever nag lie low noong college at naging "normal"... Ako naman, di pwede... I had an academic scholarship to maintain... Hay... :( Kaya sunog kilay parati... BSECE din ako, nasa test engineering, pero ang line ng work ko is that of a statistician... :)

... ang ayaw ko lang na subject, economics, about acounting, law, haaayyy. yaw ko rin ng history (Philippines at yung sa world history).

Ako naman history freak, hanggang ngayon... :) Magandang pag-aralan ang history... Kung magpursige kang magbasa, you will realize that history can explain our country's condition. And surprisingly, history has a lot of lessons and perhaps solutions to offer... Kaya nga kailangan natin itong pag-aralan, otherwise we will be bound to make the same mistakes those who have gone ahead of us made...

Nagugulat parati ang mga personnel sa library namin kasi mahilig akong manghiram ng history books and commentaries along with books on calculus and physics... Unusual for an engineering guy... :)

prinze
10.03.19, 02:10 AM
Mag cut ng classes kze may harang sa kasal. Tsk. LOL

sweetieprincess
10.03.19, 03:59 AM
Kickback pag bayaran na ng tuition...hahaha:) pero bad un ha... wag gayahin...

felamsen
10.03.19, 04:36 PM
Maka-attend nga ng graduation(High School Campus) this march... :D

sjclc
10.03.19, 08:35 PM
Anlakas ng fireworks sa may labas. Mga 15 minutes na din siguro. Malapit kasi ako sa UST. Baccalaureate Mass ng graduating students nila. Haha sana makarating din kami dun nang hindi napapalayas sa mahal naming pamantasan. ;p

deathkill00008
10.03.19, 08:57 PM
haaayyy namimiss ko high school life. mas masaya di tulad ngayung college.. nung first year college masaya pa, ngayun hindi na ako natutuwa. hehe

fhayeobra
10.03.19, 10:02 PM
haaayyy namimiss ko high school life. mas masaya di tulad ngayung college.. nung first year college masaya pa, ngayun hindi na ako natutuwa. hehe

aww.. oo nga.. kamiss ang hayskul.. iba pa rin talaga.. :(:(

deathkill00008
10.03.19, 11:21 PM
mga classmates ko puro mga GC eeh, di ako makasabay hehe. mas maganda trip nung hayskul... kopyahan, jamming sessions... haaayyy... tapos may mga eksenang away bati, ligawan. walang ganyan sa college.

sjclc
10.03.19, 11:32 PM
may away bati at ligawan naman sa college. :p

nakakatakot mga taong GC. ok lang sana kung GC sila na talagang todo aral. eh may isa sa 'min ibang klase eh. dahil hindi na niya mapataas ang grade niya, binababa niya yung ibang walang kamalay malay para mukha siyang mataas. gets?

fhayeobra
10.03.19, 11:49 PM
may away bati at ligawan naman sa college. :p

nakakatakot mga taong GC. ok lang sana kung GC sila na talagang todo aral. eh may isa sa 'min ibang klase eh. dahil hindi na niya mapataas ang grade niya, binababa niya yung ibang walang kamalay malay para mukha siyang mataas. gets?


aww.. crab mentality?? mahirap 'yan.. dapat sa mga ganyan, sinisipa sa labas ng room.. binibitin patiwarik.. haha! LOLLOL

sjclc
10.03.20, 12:03 AM
sana nga pwede siyang sipain palabas ng room at ibitin patiwarik. maraming mapapasaya kapag nangyari yun sa kanya. mga 60-80 din naman ang nababadtrip sa kanya. yung iba hindi pa siya kilala. haha.

fhayeobra
10.03.20, 12:33 AM
'yaan mo na lang siya.. makakarma din siya.. babalik lahat ng masamang ginawa niya..

basta ikaw, magfocus ka lang sa studies mo.. :):):)

rhuihanazawa05
10.03.20, 05:33 AM
iniisip ko pa din kung ano na naman ang gagawing paraan nila mama at dade para bayaran ang tuition ko lalo ma next sem tataas ng 200 per unit.
sus mahirap lang kami kaya nga state u ako pumasok eh.tapos gigipitin din kami..
sana lang member si "tandang guevarra" dito para mabasa niya saloobin ko..

PUP under protest...

deathkill00008
10.03.20, 09:19 PM
sa college mga kaklase ko GC, as in ang lalakas magsikopya. grabe.

sjclc
10.03.20, 09:26 PM
ok lang mangopya. lahat naman kayo tataas eh. haha. iba na kasi kapag ang pagtaas niya eh nakukuha niya sa pagbaba sa iba. crab mentality.

anyway itong si kuyang masarap ibitin na itatago natin sa pangalang "Krissy" (straight siya diumano) eh isang paragraph kung sumagot ng yes or no question. as in yes or no lang talaga ang sagot pero hindi ko alam kung san niya napupulot yung mga iba niyang sinasabi.

deathkill00008
10.03.20, 09:48 PM
I'm sorry if I beg to disagree!! kahit na tumaas lahat im against pa rin sa cheating on any form.. lahat ng kaklase namin pati ibang section galit samin dahil sa principle na ito. para sakin kasi form of corruption na rin ang cheating sa school, yaw ko itolerate, kahit pa sabihin natin lahat makikinabang, after all, mali talaga ang pa checheat.

Coolwaters
10.03.22, 08:20 AM
From what I read in the news and saw on tv, di naman affected ang old students eh...

Incoming freshmen students lang...

Nagulat lang talaga ako sa reaction na ginawa ng mga estudyante sa PUP...

Leads me to question sometimes the kind of leadership that we will have in the future... Opinyon lang po...:)


... next sem tataas ng 200 per unit.
... PUP under protest...

titopao
10.03.22, 09:07 AM
Diyaskeng mga batang ito o LOL

@Coolwaters: Ang sabi ng pinsan ko, ganyan nga daw talaga sa mga State Colleges and Universities (SCUs), hindi lang sa UP o PUP (for the record, "don't care" siya pagdating sa mga ganung bagay kasi he was under a scholarship, kaya hindi siya affected ng mga tuition increase).

Sa case niya (PNU), magtataas lang ng piso yung tuition fee, may kasunod na kaagad na rally the next day. Mind you, PISO lang yung tinaas, may nag-welga na!!! :P

@deathkill: I understand where you're coming from. Let me just say napagdaanan ko na rin 'yan :P

Napagdaananan ko na rin yung sinasabi ni sjclc tungkol sa kaklase niya na halos buong klase ayaw sa kanya. In my case, laging nangyayari yun kapag tumatayo na ako para magpasa ng test papers at magmeryenda sa labas LOL


@sjclc: Sana lang kung kinokondena niya yung mga nagtataasang grades danil sa pangongopya. Cheating can never be condoned, because it sets a bad precedent that will affect how a student become a professional or worker. I won't elaborate because I'd rather you experience what I mean by this.

And I won't blame him if he was being subjected to peer pressure ("magpakopya ka naman! Share your blessing to others!") After all, responsi (Besides, yung ganong "magpakpya ka naman!" attitude ang isang breeding ground ng graft and corruption and also ng isang society na nagco-condone ng katiwalian. Some food for your thoughts :) )

May I ask what specifically were the criticisms levelled by that of your, uh, special classmate? Minsan kasi, kelangan nating tumingin beyond the personality of that person, baka naman may laman din yung criticisms niya. Sometimes, we Pinoys need to accept criticism . Hindi yun napipikon kaagad at ang sasabihin lang dun sa namimintas na utak talangka siya. Kung totoo mang may laman yung sinasabi niya ang tamang hakbang ay harapin ang kritisismong ito at makipag-diyalogo, paano ba ito maaayos? O kaya kung di naman totoo, makipag-dayalogo pa rin, liwanagin ang maling pag-iisip ng taong iyon. In other words, to face criticisms like a real person ("bilang tunay na lalake" sa kaso nating mga lalaki) at hindi katulad ni Manny Villar na nagwo-walk out dahil naduduwag humarap sa kanyang mga kritiko LOL

Per siyempre, ibang usapan na iyon kapag siya ang nakikinabang sa gawa ng ibang tao tapos siya pa yung me ganang maging ganon LOL

@fhayeobra: Kapag gumraduate ka na ng college, mami-miss mong maging estudyante, regardless of whether that means college, high school or both :P

rolandp43
10.03.22, 11:49 AM
ako nung college, kahit hindi po ako member ng any fraternity nakikinabang po ako sa mga kodigo na bigay ng kanilang masters lalo na kapag departmental exam... eh siyempre, mga masters nila mga prof din namin...

reagan
10.03.22, 02:55 PM
Ang alam ko, yung nangongopya sa klase namin sa college, di nakapasa sa CPA Board Exams. hehe... So, therefore, honest to goodness studying does reap results.

Sa law class naman, di uubra ang mangongopya. Paano ka mangongopya eh essay lahat yung questions? Kanya kanyang kayod ang mga studyante, walang panahong mangopya at magpakopya.

For me kasi, when you're cheating (or being absent from classes), you're only cheating yourself kasi you're not getting your money's worth on your education. I realized this very well when I took up Law and I paid for my own tuition fees.

My two cents po... =)

fhayeobra
10.03.22, 04:49 PM
oo nga po eh, titopao.. :)

medyo nakarecover na'ko dun sa balita last friday about sa pag-increase ng tuition fee sa skul namin sa PUP..

un nga lang, nakakalungkot talaga ng sobra.. :(:(:(
state university kami pero ganun na lang kalaki ung gusto nilang itaas sa matrikula.. kawawa talaga ung mga freshmen at sa mga susunod pa.. hays..

velpastrana
10.03.22, 09:25 PM
oo nga po eh, titopao.. :)

medyo nakarecover na'ko dun sa balita last friday about sa pag-increase ng tuition fee sa skul namin sa PUP..

un nga lang, nakakalungkot talaga ng sobra.. :(:(:(
state university kami pero ganun na lang kalaki ung gusto nilang itaas sa matrikula.. kawawa talaga ung mga freshmen at sa mga susunod pa.. hays..

napaka ironic nga ng situation di ba?imagine govt supposedly should help in the best that hey can..kaya lang parang walang saysay na tawaging government kasi parang hindi na nakaka tulong..nakaka pagpahirap pa..hmp

fhayeobra
10.03.23, 12:06 AM
ok lang naman po sanang magtaas ng matrikula pero hindi ganun kalaki.. binigla nila kaming mga estudyante.. :(:(:(

reksuyah
10.03.23, 01:00 AM
so magkano na tuition sa PUP?

kakainggit pa din kayo kahit papano. naalala ko... P10 per unit lang sa PUP, sa UP P300 per unit na.

at ngayun P1K per unit na sa UP, so kaya siguro pinapataas na ang PUP. Ang balita kasi, sa liit ng budget na binibigay para sa PUP, at sa baba ng tuition ay nakakapag balik pa ito ng unused funds. so panong hihirit ang UP sa karagdagang budget, kung ang PUP nabubuhay naman sa kakarampot na budget... yun lang narinig ko.

rhuihanazawa05
10.03.23, 12:41 PM
nung nakaraan ipinakita sa balita na more or less 40% ang itinaas ng budget for state universities and colleges sa pilipinas.
from P18B to P24B kaya hanggang sa ngayon ay patuloy parin na kinwkwestyon ng Commission on Higher Education ang dahilan ng pagtaas ng tuition fee..

Napanood ko sa Bandila:

"Tatlong taon na hindi nagtaas ng tuition fee ang PUP, so wala kaming magagawa"
-President Guevarra, Fee You Fee

Kitams..walang sinusunod gumagawa ng sariling desisyon..
sapat bang dahilan ang hindi pagtaas ng tuition fee ng tatlong taon para itaas nila ng 2000% ang tuition fee..

although the incoming first year lang ang tatamaan ng 20Php per unit, kasali din kami,,20% increase sa tuition fee namin..
Kahit na ganun kaliit ay malaki parin iyon para sa aming mga MAHIHIRAP lang!

Coolwaters
10.03.23, 01:16 PM
Noong panahon ko, P250 yata ang unit sa La Salle Bacolod, that was in the late 90's and early 2000's. Socialized tuition scheme na rin kami...

Ngayon, lumobo na rin siguro... Pero di ako affected nun kasi full academic scholar ako...

---

I have no qualms kung magrally ang mga students due to the increase... My concern basically is on the violence of their reaction... Nakita ko sa tv na merong isang napalaking pile ng mga silya at mesa na hinuhulog ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga classrooms.

Para sa akin, it is illogical to question the tuition fee increase along with the destruction of the school property...

Another thing, masyado nang gasgas at patronizing ang paggamit ng financial status - dahil "mahihirap kami"... Poverty should not be an excuse and much more be made the reason to justify a demand... And I am saying this despite the fact that I come from a very poor family.

By all means use the protests and the rallies to create leverage for a proper discussion. But not with all that violence... Saan naman kukunin yung replacement dun sa mga properties na nasira? And furthermore, saan ba kinukuha ang funding for state colleges?

And to use the same lame argument, kawawa din naman kaming mga mahihirap na taxpayers, na tumutulong sa pag-aaral ng mga estudyanteng nasa state universities... :P

sjclc
10.03.23, 07:27 PM
Diyaskeng mga batang ito o LOL

Napagdaananan ko na rin yung sinasabi ni sjclc tungkol sa kaklase niya na halos buong klase ayaw sa kanya. In my case, laging nangyayari yun kapag tumatayo na ako para magpasa ng test papers at magmeryenda sa labas LOL


@sjclc: Sana lang kung kinokondena niya yung mga nagtataasang grades danil sa pangongopya. Cheating can never be condoned, because it sets a bad precedent that will affect how a student become a professional or worker. I won't elaborate because I'd rather you experience what I mean by this.

And I won't blame him if he was being subjected to peer pressure ("magpakopya ka naman! Share your blessing to others!") After all, responsi (Besides, yung ganong "magpakpya ka naman!" attitude ang isang breeding ground ng graft and corruption and also ng isang society na nagco-condone ng katiwalian. Some food for your thoughts :) )

May I ask what specifically were the criticisms levelled by that of your, uh, special classmate? Minsan kasi, kelangan nating tumingin beyond the personality of that person, baka naman may laman din yung criticisms niya. Sometimes, we Pinoys need to accept criticism . Hindi yun napipikon kaagad at ang sasabihin lang dun sa namimintas na utak talangka siya. Kung totoo mang may laman yung sinasabi niya ang tamang hakbang ay harapin ang kritisismong ito at makipag-diyalogo, paano ba ito maaayos? O kaya kung di naman totoo, makipag-dayalogo pa rin, liwanagin ang maling pag-iisip ng taong iyon. In other words, to face criticisms like a real person ("bilang tunay na lalake" sa kaso nating mga lalaki) at hindi katulad ni Manny Villar na nagwo-walk out dahil naduduwag humarap sa kanyang mga kritiko LOL

Per siyempre, ibang usapan na iyon kapag siya ang nakikinabang sa gawa ng ibang tao tapos siya pa yung me ganang maging ganon LOL


hindi naman ganun ung case. at hindi ako yung kinamumuhian. siya yung sinusuka ng college namin. at i mean isang semester din namin iniisip kung may iba ba siyang reasons or talagang may problema lang siya sa ugali. give up na lang kami na baguhin siya.

ganto kasi ugali niya (what I meant sa "pagbaba ng iba"): tinatransmute kasi ng isang professor namin ang recitation grades based sa rule na 10=75 at ang highest=100. sa sobrang gahaman niya (take note dumating na sa point minsan na talagang hinaharangan niya yung mukha ng tao sa likod niya para siya ang matawag), ang score niya ngayon eh 35, at ang kasunod eh 25. siyempre kung halimbawa 27 yung highest eh mas mataas ang value ng 25 sa transmutation. pero kung malayo na, paano pa kaya yung mga nagiistruggle na mapaabot ng 15 man lang? line of 7 pa rin ang lalabas dahil ang layo niya na sa buong klase? at take note din po, nagtataas kaming lahat, masyado lang malaki yung kamay at ulo niya kaya inaagaw niya lahat ng literal-level questions. yung mahabang yes or no na answer niya, pinapakinggan ko rin po yun. as in hindi naman maraming palabok yung sagot niya na may sense. as in puro additional words lang. example: "i like that question ma'am, particularly if we ask... (repeats question), the particular and most useful answer would be a yes/no" kaya humahaba ang sagot niya at nauubos ang oras ng iba para makapagrecite. hindi kasi siya nakakasagot kapag inferential level na yung tanong. kaya lahat ng literal eh pinaghahahakot na niya.

to be put simply in the words of our professor: (Education po kami)

ITO ANG TAONG MAGPAPAHIRAP SA MGA ESTUDYANTE NIYA BALANG ARAW. (at tuwang tuwa naman siya sa comment na to)

fhayeobra
10.03.24, 01:07 AM
I have no qualms kung magrally ang mga students due to the increase... My concern basically is on the violence of their reaction... Nakita ko sa tv na merong isang napalaking pile ng mga silya at mesa na hinuhulog ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga classrooms.

Para sa akin, it is illogical to question the tuition fee increase along with the destruction of the school property...

may point ka po kuya coolwaters.. kahit ako napaisip din dun.. pero siguro, kinalampag nila ang administrasyong guevarra sa pamamagitan nun.. madalas po kasi, hindi na nadadaan sa maayos na usapan.. :P

rolandp43
10.03.26, 08:41 PM
wala na daw tuition fee increase ang PUP pero may kaso naman yung 5 student leader at baka mapatalsik pa sila sa eskwelahan...

fhayeobra
10.03.27, 12:24 AM
oo nga po.. thank God.. hehe..
bigat naman po kasi ng kaso nung 5 estudyante..
nakakalungkot nga lang.. :(:(

rhuihanazawa05
10.03.27, 01:09 PM
sa di kasamaang palad,,kasama ang kaibigan ko dun!
si kuya abrielle
kung may nakita kayo sa balita na naka tshirt na blue with kabataan partylist..
sya yun!
tsk tsk tsk...

rolandp43
10.03.27, 11:28 PM
ganun talaga, kailangang may magsakrispiyo para sa ikabubuti ng marami... bayani sila ng mga bagong estudyante ng PUP hindi sa mga ginawa nila kundi sa prinsipyong ipinaglalaban nila...

sjclc
10.03.28, 12:09 AM
kung may like sana ang bpoc parang status updates sa facebook eh ilalike ko talaga yung sinabi ni kuya roland sa baba.

fhayeobra
10.03.28, 12:22 AM
@kuya roland: nakakalungkot isipin.. na kailangan talagang magsakripisyo para lang sa ikabubuti ng lahat.. :(:(:(

bakit ganun.. hays..???

titopao
10.03.29, 09:51 AM
I beg to strongly disagree with this:

ganun talaga, kailangang may magsakrispiyo para sa ikabubuti ng marami... bayani sila ng mga bagong estudyante ng PUP hindi sa mga ginawa nila kundi sa prinsipyong ipinaglalaban nila...

Pupwede ba ninyong ipaliwanag sa akin kung anong mabuting halimbawa ang ipinapakita na ang pagsira sa ari-arian ng ibang tao ay isang LEHITIMONG paraan ng pagpapalabas ng mga hinaing?

Unang-una...kahit na sinong estudyante, kapag pumasok sa eskwelahan, ay itinuturing na tinanggap ang kahit na anong code of conduct sa loob ng isang eskwelahan. Even if the students didn't sign any specific paper, they will be deemed legally bound by such code of conduct (because of the provisions of the Education Code or, in the case of some public colleges/universities) their university charters. And if such provision includes destruction of school property (and it IS normally punishable by most schools' discipline codes), the school has the legal right to impose any such legal sanctions...which may include expulsion. E sa kasong ito, wala silang kawala, covered pa nga ng media yung ginawa ng limang estudyante na ito, so they cannot later sue the administration of PUP and claim that the school administration doesn't have any sufficient evidence to mete out disciplinary action.

Second, destruction of property that is not your own is a crime. Let me repeat, it is a crime. Ignorance of the law excuses no one, but since not everyone is familiar with the specific laws, so...I Googled the Penal Code and found the following provisions which may apply to those 5 students (I haven't read the news, though, so I can't say which of these crimes will they be charged with):

Art. 324. Crimes involving destruction. Any person who shall cause destruction by means of explosion, discharge of electric current, inundation, sinking or stranding of a vessel, intentional damaging of the engine of said vessel, taking up the rails from a railway track, maliciously changing railway signals for the safety of moving trains, destroying telegraph wires and telegraph posts, or those of any other system, and, in general, by using any other agency or means of destruction as effective as those above enumerated, shall be punished by reclusion temporal if the commission has endangered the safety of any person, otherwise, the penalty of prision mayor shall be imposed.

Art. 327. Who are liable for malicious mischief. Any person who shall deliberately cause the property of another any damage not falling within the terms of the next preceding chapter shall be guilty of malicious mischief.

In addition, those chairs were government property. Destruction of government property, especially willful destruction of government property, is also punishable as a crime, although I can't remember the exact law that says so (I think it's the same Batas Pambansa or Presidential Decree that is written at the bottom of those "Bawal Tumawid Nakamamatay" signs :P ). And as far as I can remember, hindi magiging acceptable defense yung "itataas kasi nila yung tuition fee naming mga mahihirap, nadala kami sa gailt ng damdamin kaya namin nagawa iyon". Yes, they are just students, but they committed something that is clearly wrong, and now they must suffer the consequences of their actions and learn their lessons very well.

Naalala ko tuloy yung pasaring ni Sen. Mar Roxas kay Sen. Loren Legarda sa "Harapan" debate patungkol sa pagsabat ni Loren sa oras ng pagsagot ni Mar: kung sa simpleng mga patakaran lang ay di ka makasunod, paano ka magiging isang mahusay na pinuno? Next thing you know, some of these activists might even run as party list representatives. Anong klaseng leadership ang ibibigay ng mga katulad nila sa atin pagdating ng panahon?

Those studying in public schools., colleges and universities should also understand that WE TAXPAYERS are paying for YOUR tuition and for YOUR school/college/university. Galit man kami sa kasalukuyang gobyerno at manggalaiti man kami sa laki ng kinakaltas sa aming sweldo, hindi maiiwasan na may katungkulan kaming magbayad ng buwis sapagkat, provided gawin ng gobyerno ng tama ang trabaho nito (and let's face it, there are some honest employees and bureaus in the government), tayong lahat din naman ang makikinabang.

Yes, the government does have a duty to you as subsidized students, but to begin with, their duty would not be even possible if WE TAXPAYERS are not doing our duty to pay taxes. If you students demand that the government do their duty to support you, WE TAXPAYERS are more entitled to do so. Kung tutusin, kami pa nga at hindi kayong mga estudyante ang dapat na magreklamo sa gobyerno, kasi kung tutusin KAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN ang nagpapaaral sa inyo, hindi lang ang gobyerno. (Which also reminds me...don't we also have a right to check on the students as well if they are really studying and not wasting their time on other meaningless pursuits like, say, spending too much time playing network games in nearby internet cafes instead of studying for exams? :P )

So kung sinira ng ilang mga estudyante sa isang pampublikong pamantasan ang mga kagamitan na nakapangalan sa nasabing pampublikong pampamantasan, hindi ba't may karapatan din kaming magalit sa mga nasabing estudyante sa pagsira ng mga ari-arian ng gobyerno na KAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN ang nagbayad para doon?

Tapos, ang tatawagin pa ninyong bayani ay yung mga estudyanteng sumira sa pinundar NAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN. Anong kalokohan itong tatawagin pa silang mga bayani? Hindi ba dapat ay KAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN? Dahil kung hindi kami magbabayad na buwis, e di dapat ay walang pampublikong paaralan, dapat ay walang mga silya at lamesa sa mga classrooms at, higit sa lahat, dapat ay walang mababang tuition fee. Dahil KAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN ang dahilan kung bakit mababa ang tuition fee ninyo. Bigyan n'yo naman ng konting respeto yung mga nagpapakahirap na mga nagbabayad ng buwis para may maipampaaral sa inyo...saan kayo pupulutin kung hindi kami magbabayad ng buwis?

Ang irony nga lang doon sa nangyaring pagsira sa mga nasabing silya, hinihingi ng mga estudyante na taasan ang suporta ng gobyerno sa kanila, pero dahil sa nangyaring pagkakasira ng government property, lalo pang lalaki ang gagastusin ng gobyerno sa pagbili ng mga kapalit na kagamitan. Mataas na nga ang taxes ng nagtatrabaho, binibigyan pa ng mga estudyanteng ito ng dahilan ang gobyerno na magtaas ng buwis. Tapos, itong mga estudyanteng ito, magrereklamo na lumiliit din ang baon na binigay ng mga magulang nila partly because of taxes. (Kaya nga minsan, naiisip ko, mas dapat na maranasan ng mga estudyante kahit minsan na mag-summer job, para maintindihan nila kung ano ang nararamdaman ng mga magulang nila na nagtatrabaho.)

Kung tutuusin, pupwede namang idaan sa maayos na usapan ang pagpoprotesta ng mga estudyante. See, the CHED itself stepped in and intervened, pinagbigyan naman yung mga mag-aaral ng PUP. Sana man lang, isipin ng mga "iskolar ng bayan" na ang buhay ay hindi lamang tungkol sa paninindigan sa iyong mga karapatan at pribilehiyo...kailangan ding matutuhan na manindigan para sa responsibilidad, at matutuhan ang pagsasakripisyo. Sino ba naman ang makakapagsabing walang sakripisyo sa buhay?

titopao
10.03.29, 10:07 AM
Pahabol: This just in (http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20100329-261431/PUP-chief-forgives-5-students-charged-with-stealing-chairs).

Pasalamat sila at medyo malamig ang ulo ng PUP admin, they got away with this scot-free :P hehehe

Matuto na sana dapat sila.

Coolwaters
10.03.29, 10:10 AM
Precisely my point Titopao... I strongly agree with this...
Ang sakit ng kaltas sa tax... And these students are showing every bit of ungratefulness... Hay...
:(

Those studying in public schools., colleges and universities should also understand that WE TAXPAYERS are paying for YOUR tuition and for YOUR school/college/university...

Tapos, ang tatawagin pa ninyong bayani ay yung mga estudyanteng sumira sa pinundar NAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN. Anong kalokohan itong tatawagin pa silang mga bayani? Hindi ba dapat ay KAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN? Dahil kung hindi kami magbabayad na buwis, e di dapat ay walang pampublikong paaralan, dapat ay walang mga silya at lamesa sa mga classrooms at, higit sa lahat, dapat ay walang mababang tuition fee. Dahil KAMING MGA NAGTATRABAHO AT BINUBUWISAN ang dahilan kung bakit mababa ang tuition fee ninyo. Bigyan n'yo naman ng konting respeto yung mga nagpapakahirap na mga nagbabayad ng buwis para may maipampaaral sa inyo...saan kayo pupulutin kung hindi kami magbabayad ng buwis?....

I'd still say they should have been given sanctions for them to learn...

They are not fit to become leaders.

Pahabol: This just in (http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20100329-261431/PUP-chief-forgives-5-students-charged-with-stealing-chairs).

Pasalamat sila at medyo malamig ang ulo ng PUP admin, they got away with this scot-free :P hehehe

Matuto na sana dapat sila.

titopao
10.03.29, 10:20 AM
Ako din, hindi rin ako agree doon. Dapat talaga pinatawan ng kahit na one-day suspension man lang sa darating na pasukan

Hindi kasi magandang precedent yung nangyaring ito. Okay na sana yun nag-protesta sila, wala na sanang kaso yun. Kaso me nakaisip na maghagis ng silya at sunugin pa ito. In front of news cameras pa.

rhuihanazawa05
10.03.29, 10:22 AM
haizt fhaye.usap nga tayo one time..

cluelessgirl
10.03.30, 10:59 PM
hello po..
im from PUP po..

the saying goes, hindi po natin maiintindihan ang isang tao hanggat hindi natin nararanasan kung ano ang nararanasan nila.
at first, nagulat po ako sa pagtatapon ng upuan at nakita ko po iyon sa Tv.
i was shocked by then pero nung nakita ko po sa aking dalawang mata na ang tinapon nila at sinunog nilang upuan ay mga bulok nang upuan at masasabi nating itoy basura na..
ano po bang ginagawa sa basura.. diba po tinatapon?
tinulungan lang po ng mga estudyante ang PUP na magbigay na ng mga bagong upuan
nakausap ko na po minsan ang PUP president at ok naman po ako sa pagtataas ng tuition fee. masakit po iyong isipin pero tignan din po natin ang other side..
PUP give us the chance to study at kung ipagkakait po natin sa kanila ang tuition fee nila na kaya nilang bayaran, para na po nating sinabi na hwag silang mag aral
wala naman po kasi sa facilities ng school yan nasa determinasyon po yan ng batang mag aral. katulad ko po ngayon
gagraduate na po ako ngayon because without PUP, wala po ako ngayon at hindi po ako skolar ng bayan..

sabi nga po ng professor ko nun, god gives us so many resources we just need utilize it..at ganun po kaming mga taga pup..walang mgandang facilities pero gumagawa ng paraan p..ara makapagaral mabuti


ito po ay opinyon lamang at nirer5espeto ko din po ang opinyon ninyo.
salamat po!

Coolwaters
10.03.31, 08:01 AM
Hi Cluelessgirl...

Not a very strong argument... And please do not circumvent the facts by masking them as a good act, and trying to make their motives clean... We know that they were acts of passion and NOT because they wanted new chairs.

They destroyed a portion of the school's property (ergo, a portion of the taxpayers' property), regardless of whether they were already old or they want the school to buy new ones. Period.

Motive does not justify a bad action.

fhayeobra
10.04.05, 02:11 PM
another topic..

iniisip ko ngayon, kelan kaya namin makukuha ung class cards namin.. char! bakasyon na pero wala pa rin kaming natatanggap na balita kung kelan un makukuha.. hays.. :(

titopao
10.04.05, 02:15 PM
Naging curious tuloy ako...since simula na ng bakasyon para sa mga estudyante (at least, sa mga hindi magsa-summer classes) ilan sa mga estudyante dito ang nagbabalak mag-summer job ngayong bakasyon? Or, ano yung mga balak n'yong gawin ngayong bakasyon habang walang pasok? :)

markjeff
10.04.05, 07:55 PM
oo nga ito yung part na namimiss ko (ang summer vacation) kasi pag nag work ka na wala na. :)

onliners na may summer vacation, ano ang pinagkakaabalahan niyo ngayon?

sjclc
10.04.05, 08:09 PM
ayaw pa rin ilabas ng uste yung grades namin, pero simula na ng kuhanan ng application forms for summer class, pano namin malalaman kung may isusummer kami? D:

@titopao and markjeff: wala. as in wala. as in willing ako lumuwas ng manila for one day at maggala dun para lang may magawa.

fhayeobra
10.04.05, 08:16 PM
@sjclc: pareho tayo.. :(

@titopao, kuya markjeff: gusto ko po talagang sulitin ung bakasyon ko ngayon as much as possible.. kasi 'pag dating ng pasukan, magkakaron po kami ng seminar.. kami ung magoorganize.. tapos ojt so, parang hassle.. hehe.. :P

pat5cj
10.04.23, 05:07 PM
nkakabore pag bakasyon.. walng baon. walng lakwatsa..mas masarap parin un may pasok. un nga lang sobrang stressed and pressuredpeo at least mei ginagwa.. hehe..:)

Coolwaters
10.04.23, 05:41 PM
Naku, Pat5cj, pag nagtrabaho ka na, sem breaks and summer vacations will be highly missed... :(

Kaya naiinggit ako sa mga teachers eh... Kasi bakasyon din karamihan sa kanila kung bakasyon ang mga estudyante... :)

sjclc
10.04.23, 09:03 PM
scholarships. hindi pa rin nga ako sigurado kung meron ba ako o wala eh. haha

rhuihanazawa05
10.04.23, 10:29 PM
sana ma complete na grades ko para enrollment na ulit!
wahahaha! KICKBACK! LOL
ang bad ko! hahaha!

fhayeobra
10.04.24, 12:21 AM
namimiss ko ng pumasok! :(

kei.ee.ii.
10.04.24, 11:41 PM
first week ng 4th term sa amin. assignments kaagad.

sjclc
10.05.31, 05:29 PM
Sana makapili pa kami ng PE. 'Yung incoming freshmen daw di na pinapili ng PE course na kukunin, nakaassign din by section. Yoko pa naman ng basketball at swimming.

delrene
10.06.01, 10:55 AM
malapit na naman pasukan..sana magmukang madali yung super hirap na subjects hehe..

elainezki
10.06.02, 12:11 AM
goodluck sa another foreign language na subject at sa other major subjects..

rodalyn
10.06.02, 06:02 PM
Di ko na kakailanganin ang NoteBook at Manuals. Haha
Dahil ang kaylangan ko nalang ClearBook, Board , RED/BLUe/ Black pen and History form ng patients. For sure mamimiss ko yung may Subjects. Haha... wooohhh... Stress na naman sa Clinic. :( Wala ng gala mode. Apat na sulok nalang ng Clinic ang meron. Sabay Tulog sa Dorm.

rhuihanazawa05
10.06.02, 08:59 PM
wooh! logic na.. gen stat pa!
apat na major subjects na IT!
plus isang elective na principles of teaching!


waaaaah!

prinze
10.06.03, 12:26 AM
Hehehehe. Gusto kong magaral ulit. MBA? Pwede. :D

fhayeobra
10.06.03, 12:50 AM
1st time kong mararanasan na magkaroon ng klase 'til 9pm..
saturday pa! conflict sa choir.. amp.. :| :(
pa'no kaya?? hmm ???

kei.ee.ii.
10.06.03, 08:54 PM
@ fhaye: hala grbe naman yan 9pm. nakow.


la kami pasok bukas at sa sat. faculty congress.

pero kakanta kami dun bukas. yak! haha. makikita ako ng mga prof ko. LOL

sjclc
10.06.04, 12:19 AM
wooh! logic na.. gen stat pa!
apat na major subjects na IT!
plus isang elective na principles of teaching!


waaaaah!
principles of teaching? wow, konek.

elainezki
10.06.04, 01:00 AM
ang gulo.. hndi ko alm kung kelan ba talga ang pasok. kahit kelan ang iskwelahan namin.haha! mababaliw na ko.sana sa 15 na din!huhuhuhu....

deathkill00008
10.06.04, 02:33 PM
wah lapet na pasukan. nitatamad pa ako

deathkill00008
10.06.04, 02:34 PM
OT: si fhay board elder na grabe. naunahan pa ako hahaha

rhuihanazawa05
10.06.07, 10:35 PM
@ sjclc.. oo nga eh! basta! hahaha!

elainezki
10.06.07, 11:24 PM
FIRST DAY OF SCHOOL KANINA..... ok naman.. iniisip ko lng...kung san kukuning ina ko ang bayad sa tour ko,,hahah!!

markjeff
10.06.10, 03:43 PM
haha pwede na ako mag post dito kasi estudyante ako ngayon (kahit matanda na aheheheheh) well, mejo adjusting pa kasi sa totoo lang tinatamad na ako magbasa ng textbooks hehehehe.

sjclc
10.06.14, 08:30 PM
pasukan na ba talaga? D:

delrene
10.06.14, 09:40 PM
wew..tapos na talaga ang bakasyon..goodluck sating mga students...

holiday24_77
10.06.14, 10:51 PM
Sa lahat na mga estudyante..mag ingat palagi..maraming mapagsamantala lalo sa opening ng klase...yung mga class cards ninyo at registration form wag din kalimutan..haha!..i miss being a student..

fhayeobra
10.06.15, 03:31 PM
pasukan ko na bukas! yehey! :ecstatic:
buhay-estudyante ulit ako.. :D:D:D

abangan natin ang mga mangyayari sa akul.. haha! LOL

rhuihanazawa05
10.06.16, 12:11 PM
haiiz! pasaway ang mga prof!
indianin ba kami!
nag outfit pa man din ako! hahaha!

miguelito
10.06.17, 12:55 AM
pasukan na naten. . .hehe tag ulan na. huhu

rhuihanazawa05
10.06.17, 04:09 PM
Waah!
Mapapalaban ako sa English nito!
grabe speech com namin kanina!
OMAGAWD!

Sa retorika.. AKTIBISTA yung prof namin!
hahaha!

Cool!

LOL LOL LOL

fhayeobra
10.06.18, 01:00 AM
hindi nga namin prof ngayon ung terror na prof namin last sem..
prof pa rin naman ulit namin ung isa na sobrang babang magbigay ng grade..
ang ganda ng course subject pero wala ka talagang matututunan kasi ang layo ng sinasabi niya.. :|:(

kahit ano pa 'yan.. KAKAYANIN SIR!! :):):)
ALWAYS THINK POSITIVE!!!

elainezki
10.06.22, 12:53 AM
kamusta nman ang espanyol subject..haha..kaloka..

buenas tardes amigos y amigas..

emily
10.06.22, 05:23 PM
nakaka miss ung school days lalo na ung mga terror na professor and sangkatutak na projects and assignments. buti na lang college grad na ako. hehehe.:)

elainezki
10.06.25, 11:43 AM
i love fridays.. cooking day at school..yehey!

sjclc
10.07.02, 11:28 PM
hindi na pala "advanced algebra" ang math 201 ngayon. thesis writing 100 na. lecheng prof yan di na nagturo ng algebra puro thesis thesis pinapagawa samantalang hindi naman siya ang magiging prof namin sa totoong thesis writing. pakialamero lang. bitter eh no.

nagseatwork kami kanina sa principles of teaching 1 about multiple intelligences ni gardner. pakiramdam ko naubos na lahat ng visual-spatial intelligence na meron ako dahil puro drawing pinagawa.

fhayeobra
10.07.04, 01:29 AM
stressed out ako ngayon sa feasib ko.. ang hirap pala!
nawala rin sa isip ko na may mktg. plan din pala akong dapat asikasuhin..
tsk.tsk.tsk.. :whistle: :|:|:|

herald
10.07.05, 12:07 PM
naalala ko si Pres Noynoy, kinanta yang Estudyante Blues.. he he he