PDA

View Full Version : Sinong BESPREN mo doon?


NikNoK
10.03.30, 02:59 PM
Marami kang mga kaibigan.. pero meron ka bang itinuturing na BESTFRIEND sa lahat ng mga naging kaibigan mo?

Hayan, i started this thread para if anyone feel like sharing stories on his/her bestfriend.. this should be the right thread.

deathkill00008
10.03.30, 03:12 PM
bestfriend? sad to say wala. pero i want to have one, pero wala talaga ee.. yaan mu na. yung iba diyan!! share nio naman stories ninyong magbestfriends!! hehehe

dhenzv
10.03.30, 04:25 PM
kami usapan namin ng wife ko and mga kids ko.. kami-kami ang magbe-bestfriend.. ung iba friend lang kahit gaano mo pa ka close.. :)

yuanbautista
10.03.30, 04:33 PM
I would like to consider this girl friend of mine as my bestfriend kasi sa kanya ko nasasabi mga "secrets" ko. At kahit matagal kaming hindi nagkikita, nandun pa rin yung concern namin sa isa't isa. I wish hindi mawala yung cherished friendship namin. :)

NikNoK
10.03.30, 06:48 PM
yuan.. girl best friend? buti hindi ka nafo-fall sa kanya? marami akong kilala na girl best friend tapos.. naglelevel up, bukas makalawa malalaman ko na sila na pala.

koajep
10.03.30, 11:25 PM
bestfriend utol koy si Kerby (poginglameg)..

yan talaga ang bestfriend sa lahat ng bestfriend! hehehe ;)

yun naman! hahahaa..

mgkasama kmi sa simbahan nyan as sakristan ;D

actually sobrang dami na nming napagsamahan nyan..

gudtyms and BAD.. :(

many to mention and I dont want to elaborate more on that! (baka patayin ako ni kerby! hahaha joke! LOL)

http://www.facebook.com/photo.php?pid=66777&id=1705417679

isa pang sharing eh pag dating nmn sa BESTFRIEND in terms ng TROAPAHAN.. :P

syempre ang tropang KOA M2! walang iwanana yan khit ano mangyari..

kahit anu pang mga pgbabago ang dumaan at dadaan pa..

kakayanin at kakayanin yan..

basta para sa pagkakaibigan,paggiging magkakapatid, pagmamahalan, at syempre para sa Diyos. ;):)

http://www.facebook.com/photo.php?pid=66329&id=1705417679#!/photo.php?pid=66329&id=1705417679&fbid=1034013946348

Paulus_Magnus
10.03.31, 12:17 AM
sa iba't ibang SEKTOR ng aking buhay, may mga itinuring akong bestfriends:

SCHOOL:

a. Jay-ar Reboja -- First bestfriend ko. Grade School kami nun at pareho kaming Legion of Mary. Actually, si Jay-Ar ang nag-recruit sakin sa Legion, and it turned out that it merited for him a very very good place in heaven. Bakit kanyo? Eh kasi sa kanya ako unang na-expose sa gawain sa simbahan. We communicated last week after seven years of "silence" (lumipat siya ng school ng walang pasabe nung grade five ako)

b. Rap-rap Rojas -- He was introduced to me by my classmates sa school ko nung first year HS. Transferee ako nun at transferee sa kabilang school si Rap-Rap. Sabi daw nila magkamukha kami, di naman totoo. Second year, lumipat ako sa school kung saan sya lumipat nung first year sya. we became classmates until third year. Recruit ko sya sa Knights of the Altar. Ako ang sumagot ng mga pangangailangang materyal niya (di sya nagsasabe sa parents niya until I taught him how), and he in turn stayed by my side, through thick and thin.

c. John Jhussein Zaldivar -- Bestfriend ko sa College. Hanggang ngayon we still talk to eac other. Nasa akin yung surplice niya, hiniram ko. ganun siya ka-bait.



CHURCH:

a. Sis. Norma Penaranda -- She was the leadr of the Legion of Mary nung first time akong ni-recruit ni Jay-Ar sa Legion. She became my mentor, and a model for me in living the holy life. Pero nung mga pagkakataong tinitira sya ng mga kaaway niya, at lahat ng kaibigan niya ay nalagas, ako lang ang nandun. She supported me in every endeavor I did, parang nanay ko na rin si Sis. Norma.


Sa Social networking sites meron din!

FLICKR:

a. Neil Christian Sator -- Fellow relic custodian ko. we share addresses of postulators and congregations na pwedeng paghingan ng relics. Kahit bawal, ginagawa namin. Hahahaha!!!

b. PatPat De La Merced -- that's not her (his sya actually) real name pero regardless, I still love him as my friend. Nagkakilala kami sa FLickr, at nagkita sa prusisyon ng Santa Ana. kapwa magsasanto.

many to mention sa Flickr eh...

BPOC:

Lahat naman eh kaibigan ko... pero eto yung mga taong nakagawa ng impact sa buhay ko dito sa boards:

titopao -- I learned a lot from him, nung medyo bagu-bago pa ako dito sa boards. I remember the conversations we used to have sa boards, that's when I replenish my feeble mind with the light of holy wisdom (naks!).

Mod Alex -- dahil sa kanya, naging disiplinado akong internet savvy.

Sir Kumintang -- Il maestro ko sa paggawa ng scores and MID files ng mga kantang gusto kong matutunan pero walang keyboard para tugtugin yun... Natuto rin akong manindigan sa kung ano ang dapat (nung issue about Sir Kumintang's deletion, that's a big part of my life here in BPOC)

Ate Trina (czyre [tama ba spelling??] -- Kalaro ko ng mga forum games, at perfect definition ng salitang kwela.

ate fhayeobra -- kausapusap ko, kumbaga sa mga visionaries at mystics gaya nina Therese Neumann, Theresa of Avila and the Medjugorge kids, sya ang confidant soul ko.

Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang ito. Wala na akong mahihiling pa... meron siguro: na sila ay patnubayan ng Diyos, at kapag ako ay namatay, ako nawa ay makagawa ng mga tanda at himala sa ngalan ng Diyos para sa kanilang buhay-pananampalataya.

fhayeobra
10.03.31, 12:30 AM
ate fhayeobra -- kausapusap ko, kumbaga sa mga visionaries at mystics gaya nina Therese Neumann, Theresa of Avila and the Medjugorge kids, sya ang confidant soul ko.




super thanks paulus! sobrang na-touch ako.. :):):):)

yuanbautista
10.03.31, 07:39 AM
yuan.. girl best friend? buti hindi ka nafo-fall sa kanya? marami akong kilala na girl best friend tapos.. naglelevel up, bukas makalawa malalaman ko na sila na pala.

Hindi pwede may asawa na yun. Pinagselosan nga ako nung asawa. hehe..

Bien
10.03.31, 08:46 AM
bespren ko from my two previous companies he is a "born-again" christian...pareho kaming instrumentalist, guitar hawak (while ako keyboard), tumutugtog kami pag may party sa office nooon. Nagkausap lang kami ulit this week sa facebook, nasa taiwan sya matagal na. Iyong highschool bespren ko naman nasa "dating daan", minsan nagpupunta sa haus, kwentuhan lang.

but we never talk about religion or bible na possible at pede naming pagtalunan.

para kaming sina magneto and prof-x ng X-MEN, bestfriend sila pero they have their own principle in life na pinaglalaban but still they remain friends.

fhayeobra
10.03.31, 11:01 PM
bigla ko tuloy na-miss ung best friend ko.. :(

may best friend ako nung hayskul, sobrang close kami.. same as kuya yuan.. opposite sex kasi.. hehe.. naalala ko nun, lagi kaming nagshesharing ng feelings namin sa mga tao sa paligid namin.. sobrang care kami sa isa't isa.. kaso, bigla kaming nawalan ng communication.. nakakalungkot nga lang, hindi na rin kami nagkikita..



pero ang pinaka-best friend ko sa lahat is ung ate ako.. ang dakila kong kapatid.. haha! kahit hindi ako ganun ka-open sa kanya, pipilitin niya akong mag-open up.. nakikiramdam 'yan sa'kin.. bigla na lang akong bubulungan nito kung anong problema ko, tapos nadudulas na'ko.. may mga bonding din kami na, window shopping, matagal kaming mamasyal, tapos mga fud trip namin.. ang pinakadabest talaga.. kahit nung one time na nagsigawan kami.. nagtalo talaga kami, sobrang na-touch ako kasi bago siya umalis nun sa bahay, kinausap niya ako.. aun.. dalawa lang din kasi kaming babae, so kami-kami lang din ung magkakampi.. :):):)

rhuihanazawa05
10.03.31, 11:51 PM
may bestfriend ako.. si "popo"(yakap kong unan sa gabi)
lagi ko syang sinasabihan ng mga crush ko at secrets pero wala syang imik..:(
i want a real bestfriend..
:(:(:(

fhayeobra
10.04.01, 12:27 AM
@rhui: nagpiprisinta ako.. :):):)

NikNoK
10.04.01, 06:44 AM
... umh.. i have a girl bestfriend before sobrang close namin at alam namin ang moods ng bawat isa kahit hindi pa kami nagsasalita... ganon yung level ng friendship namin.. medyo malalim na yung pinagsamahan namin eh..

... kaso, paglipas ng panahon ng aming masayang pagkakaibigan, nagising ako isang araw,.. parang mahal ko na siya!

... ayun nung nagkaroon siya ng boyfriend, naiinis ako at nagseselos pero hindi ko masyadong pinahalata sa kanya na nagseselos ako...

... ang alam ko masaya ako pag kasama ko siya at pag magkasama kami palagi..

... ang torpe ko lang, hindi ko inamin sa kanya kung ano yung naramdaman ko..

... ayun medyo naputol na yung communication namin, although we still see each other once in a while and reminisce the old days.. May asawa't anak na siya ngayon.. at xempre, ninong ako ng anak niya. hehe!

hala.. tama ba itong thread na pinasukan ko? tama naman siguro... siya ang best friend ko na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko eh.

rhuihanazawa05
10.04.01, 02:35 PM
wala akong bestfriend..
hmmp!

felamsen
10.04.02, 01:44 AM
hmm... eh di... secret na nga lang...:P

fhayeobra
10.04.02, 11:01 PM
@kuya nik: ang char naman! ang cheesy ng post mo! :D :heart: :P

rhuihanazawa05
10.04.02, 11:36 PM
@ fhaye.. oo nga eh..parang ako din parehas kme ng experience. ang pinagkaiba lang ay yung bestfriend ko dati ay wala pang asawat anak. hehe..congratz..bonafide member na sya..ayii.

fhayeobra
10.04.03, 12:29 AM
thanks rhui!
bonakid na'ko! :):):)

felamsen
10.04.03, 08:41 AM
@rhui at fhaye, puede kayong maging mag-bestfriend :D

Paulus_Magnus
10.04.04, 02:24 PM
sipag ni ate fhaye!! Bonakid na!!

fhayeobra
10.04.04, 03:44 PM
salamat paulus! :):):)

deathkill00008
10.04.04, 10:10 PM
OT: oo nga sipag ni fhay. matagal tagal din bago ako naging ganyan wahahaha. siguro may someohe who keeps her posting here. bwahahahaha. peace peace!!

ang sasaya naman ng sharings. best friends. wah!! kakainspire.. =)

rhuihanazawa05
10.04.04, 10:40 PM
@ felamsen.. oo higit pa sa bestfriend ang turing ko dyan kay fhaye.. mahal na mahal ko yang si diday!

LABYUUUUU DIDAY! :)

deathkill00008
10.04.04, 10:44 PM
wah!!!! talaga? seriously? grabe!! and sweet!1 kakatuwa aman! wah!

rhuihanazawa05
10.04.04, 10:56 PM
ganyan lang talaga kami! nu ka ba deathkill showbiz ah!
hahaha!

Paulus_Magnus
10.04.04, 11:01 PM
Que Dulce!! Nakaka-diabetes sa tamis!! LOL

rhuihanazawa05
10.04.04, 11:03 PM
ang kukulit oh!~
sumapi pa si paulus magnus!

Paulus_Magnus
10.04.04, 11:05 PM
Viva Dulcinea!!! Hahahaha!!! Naiinggit ako sa inyo!!! Hahahaha!!!! LOLLOL

fhayeobra
10.04.04, 11:47 PM
ang char char ng thread na'to.. OT na ata ang karamihan sa mga post.. haha! LOL
mga isyu kayong lahat.. haha! LOL

czyre
10.04.12, 10:36 AM
Hmmmm. Madami akong bestfriends...

Ang super bestfriend ko is my bestfriend since fourth grade in elementrary school. We still communicate at inaanak ko dalawang anak niya. Kilala niya lahat ng mga naging boylet ko hehehe...

Then meron din akong male na bestfriend, friends kami since highschool. Dati kong suitor. Siya ang kauna-unahang lalakeng nagbigay sa akin ng flowers. Pero hindi naging kami. He goes in and out of the country now pero pag umuuwi siya ng Pinas he would always come and visit me here or in Baguio. In fact, nanood siya ng VSO concert natin. then after two days left the country again.

Sa Mcdo, kung saan ako nagwork part-time, may naging bestfriend akong guy... Worst enemy ko na siya ngayon at siya ang tatay ng anak ko. Hehe... :blush:

Dito sa board marami akong bestfriend. may bestfriend ako sa request media, bestfriend sa mga EB, bestfriend sa PM, bestfriend sa YM at FB na onliner, bestfriend sa 5 word story (madami dito hehehe... at nami-miss ko na sila)...

:)

@PM, na-touch naman ako hehehe... isa ka dun sa 5 word story. hehehe...

velpastrana
10.04.12, 10:50 AM
siguro ang bestfriend ung hindi ka iiwankahit ano pa man..kasi marami akong naging"bestfriends" pero dahil sa ibat ibang occupation nag kahiwahiwalay na kami pero the best ang bestfriend ko ngaun..laging nandyan at handa akong unawain sa aking mga kakulangan..thanks friend.wala na kong hahanapin pa:)

Berry
10.04.12, 11:10 AM
madami din akong bestfriends kasi meron akong bestfriend sa school, sa university, sa piano, sa organ, sa tropa. it so happened na ang dami ko ring barkada. at bawat barkada, meron akong isang bestfriend dun. barkada sa classroom, barkada na batch mates, barkada sa etc...

pero ang pinakamatuturing kong bestfriend ay si BISHPREN

22 years na kaming magbestfriend. at nasa ibang bansa na siya ngayon dahil nakapangasawa ng indian (ayaw nilang patawag na "bumbay").

although hindi kami nagkikita na, there is this certain feeling the two of us will be best of friends no matter what, come hell or high water. kumbaga, it will be the two of us against the world.

classmate ko siya nung elementary. nung highschool kahit magkaibang sections namin, kami pa rin ang magkasama pag recess, lunchbreak, uwian, field trips, gimikan, cutting classes. :)

(may times pa before na nagsusulatan kami kapag summer vacation. hehe... same city naman kami kaso wala kaming landline sa bahay noon)

same univesity kami nung college but different courses. nag-uusap pa rin kami during that time at nagkikita paminsan minsan kasi magkaiba ang schedules namin.

nung nagtratrabaho na, mas dumalang ang communication. but whenever we get to talk/see each other, the same feeling is there. ngayon, sa chat ko na lang siya nahahagilap. at syempre sa facebook.

of course, just like any other relationships, marami din kaming tampuhan. nagkakagalit din kami. but in the end, we respect each other.

we know our differences. sensitive siya at bratinela ako (bratatat din bibig ko). :)

i miss her tuloy :(

emily
10.06.22, 01:56 AM
nakilala ko ung bestfriend ko nung first year high skul ako. pareho kming transferee s skul n un kaya cguro nagklik kami agad. pareho kaming music lover kaya sabay din kaming pumasok ng choir. dun mas nging matatag ung relationship nmin. halos magkapatid n nga turingan namin at ng mga pamilya namin eh. pag meron ngang activity sa skul magtatanong muna parents nya kung kasama ako para payagan cya, ganun din ung parents ko pag di cya kasama d rin ako papayagan.

kahit nung nasa college kami khit magkaiba n mga barkada nmin eh d pa rin naalis n palagi kaming magkasama dahil halos araw-araw eh nasa church kami. suguro kung d kami lumipat ng family dito sa q.c. eh d un magkakaboyfriend. miss u friend...:)