PDA

View Full Version : [TV] Pinoy Big Brother Celebrity Edition


jemo
06.02.07, 12:56 PM
http://celeb1.pinoybigbrother.com/Portals/3/week1/celeblogo.jpg

Hello everyone? Nahumaling ba kayo sa PBB Season 1? Eh dito sa PBB Celebrity Edition, nahuhumaling ba kayo ngayon?

Ako...medyo! :) Hahaha....inaabangan ko dun puro boys(john prats, rico robles & christian vasquez). hahaha! Although medyo na-weirdohan ako kasi andun si Rustom & si Tatay Rudy Fernandez na disabled. Hmmm...paano kaya siya gagawa ng taskS?
http://celeb1.pinoybigbrother.com/Portals/3/week1/PBBcelebedition.jpg

NikNoK
06.02.07, 12:57 PM
Hayyy... may bago na naman akong aabangan gabi-gabi!
I love PBB!!! ADIK! Hehehehe!!! :)

bouie
06.02.08, 06:43 PM
Yay! Natuloy din. Dahil sa kakulitan ng tita ko, Sunday night (after ng service ng choir namin) kumain kami sa Jay-J's at Icebergs then tumuloy kami sa PBB House. Dami tao, ayun, nagtititili ang mga tita ko kahit wala pang artista. Dumaan naman sina Kris Lawrence (of SSM Season 2) at Jay-R. Ewan ko nga kung bakit. Nagpacute lang yata. lol ^_^

I'm rooting for Bianca Gonzales. I've been reading her blog for a long time na, and have seen her na din in person. I really, really like her even if she's with Direk Lito Cayetano. Sana siya manalo. ^_^ Although, it is TOO early to really root for someone.

Jon2
06.02.09, 03:21 PM
sigh... :(

ako di makakapanuod nito dahil asa office ng mga oras na air ito... kahit yung uplate ni mariel di ko naabutan

so weekends lang..

pero naaaliw ako ke keanna... heheheh...

(hi jemo)

jemo
06.02.09, 05:11 PM
@ bouie: nakapunta na rin ako sa harap ng bahay ni Kuya! hahaha..nakatutuwa! gusto ko makapasokkkkkkkkk!

I love Kris Lawrence (side comment! hehehe) Kumanta siya w/ KC Montero sa Baywalk sa opening ng PBB Celebrity Edition e.
trivia: si Kris Lawrence & Jay-R ay childhood friends! No wonder they have the same inclination to a certain type of music, RnB. They live together (not in a gay/homosexual kind of way!) kaya siguro magkasama sila.

I'm not yet rooting for a single person...but I really enjoy watching Budoy (na UP Cebu, Major in Fine Arts graduate pala!) & Keanna. Sobrang nakatutuwa!

Kahapon, napanood ko conversation ni Keanna & Rico Robles: (from what I remember)

Keanna: Ang dami kong bakokang!
Rico: What did you say? What's bakokang? *laughs..a lot!*
Keanna: marami akong pimples! bakokang is an insect.(f.y.i. sa cebu, ang bakokang: beatle!)
Rico: ah...thanks keanna! You made my day. I was kinda sad...
Keanna: Bakit ka naman depressed?
Rico: ha? Well...
Keanna: Nasa iyo naman ang lahat ah? Gwapo ka..may career..ano bang kulang?
Rico: Love life? ehhhhhh...
Keanna: Alam mo, kapag depressed ako, iniisip ko yung mga nasa I.C.U. (sa hospital)..Yung may mga screen sa heart *draws a square on the air then draws wavy lines* tapos nag-aantay lang ng tooot! sa too-toot!

bentang benta sa akin to! hahahaha...wala lang :) super simple..pero nakakagaan ng buhay. hahaha..

hi jon2!

bouie
06.02.09, 11:31 PM
to jemo: Nakapasok na ako before, nung first season. I was curious kasi madaming nagpapapicture eh, hehe... Napagtripan lang namin ng mga pinsan ko after I went to Belo then. And yeah, they are HS friends nga daw; there's also a possibility that they are now sharing the same manager. ;D

to jon: hindi ko na rin siya naaabutan. kasi pasaway yung ugnayan leaders namin, hindi na kami nirerecognize, wala tuloy kami lugar for practice. i offered my place. the consequence of that nga lang is that i cannot go out of the practice session to watch pbbce. wawa naman tayo...

NikNoK
06.02.10, 11:19 AM
Yeah, its too early to bet.
.. pero Budoy and Keanna makes my PBB watching - very entertaining! :)

bouie
06.02.12, 11:53 PM
The challenges last Saturday noon were funny. Ang kulit nung pangalawang challenge, yung may kasamang kiamoy :D I miss eating those tuloy.

Btw, sino gusto ninyo unang matanggal? Si Rico, Keanna, at Mang Rudy yung nominated, right?

jemo
06.02.13, 09:36 PM
hehehe..syempre addicted ako..to the point na kahit nasa daraga, albay ako (for an ecotour w/ my orgmates) e talagang nanood ako ng 24/7 (kasi available siya sa inn na tinulugan namin) & 1st nomination night.

funny rin yung challenge na pina-scoop kina john prats, rustom padilla & mich -nalimutan ko surname- yung tae nung baka! hahaha..tapos biglang pinatugtog yung PBB Celeb Ed. na song! hahahaha :p sumasayaw silang 3, may hawak na tae...pero bigay na bigay pa rin si john! hehehe

i don't want rico to go! definitely...Nasasad nga ako na nanominate siya. Pero w/ tatay rudy, torn ako between letting him go & letting him stay...w/ keanna..fun siya e! hehehehe :) i dunno..i guess we'll see!

NikNoK
06.02.13, 10:57 PM
i don't want rico to go! definitely...Nasasad nga ako na nanominate siya. Pero w/ tatay rudy, torn ako between letting him go & letting him stay...w/ keanna..fun siya e! hehehehe :) i dunno..i guess we'll see!

Eksakto! ganitong ganito rin Jemo ang nafi-feel ko dun sa 3 nominee.
Sad ako na isa ang mawawala at kailangang ma-evict. :(

nargalzius
06.02.15, 10:19 AM
Speaking of being "torn" ako naman si Mich Dulce, kse benchmate ko siya sa college... pero tama lahat ng naririnig ninyo tungkol sa kanya, medyo mahirap sakyan ang pagkatao niya (even I could only take her in small doses)

So on the one hand, I want her out immediately, but on the other, she IS a friend so I should support her di ba?

NikNoK
06.02.15, 10:37 AM
Ok naman si Mich sa akin... gusto ko yung presence ng personality as "LA FASHIONISTA". Maganda yung presence niya para sa Chemistry ng mga Housemates... I mean, whether her chemistry with other housemates seems to click or collapse with.. whether for good or not... nakakatulong iyon sa kabuuan sa tingin ko.

... Although medyo may clash na kaagad siya with other housemates like Angela and Christian early at this stage, she seems to learn her lesson naman.

... I remember the time when she cried into confession room.. Sabi niya nahihirapan raw siyang mag-adjust kasi na-"split" yung personality niya as an "ARTIST" and as "real person"... naglalaban yung "left side" and "right side" ng brain niya... :)

bouie
06.02.15, 02:15 PM
Araw-araw po ba yung Celebrity Challenge ng PBBCE? Kasi feeling ko iyon ang ipinalit muna nila temporarily sa Wowowee while they're conceptualizing another noon time show for that slot. Hindi naman kasi forever na may PBBCE.

Anyways, I think Mitch is okay naman, may pagkaextreme nga lang kung minsan. hehe... :)

NikNoK
06.02.15, 02:35 PM
Tama Bouie, everyday yung PBB CHallenge at 1pm until makapag-conceptualize na uli ng bagong noontime show or until makabalik na uli ang Wowowee.

Enjoy the show!

jemo
06.02.16, 10:35 PM
in fairness to mich..nagustuhan ko siya lalo after ng clash nila ni angela! hahahahaha...ok naman siya, may tendency lang maging mashadong emotional..pero ok ok pa naman. nagkaron sila ng disagreement ni christian vasquez the other day kasi mapang-asar raw si christian.

OMG! nasuspend na yung nomination! voluntary exit si Angela! niloob kasi yung bahay nila (sa cebu ata..) tapos daughter lang niya nandun..walang kasama. buti na lang unharmed yung daughter niya, pero ninakawan sila ng gamit. i heard binutas yung bubong nila para makapasok!!!!!

NikNoK
06.02.16, 10:55 PM
Paalam, ex-housemates Angela!
Mami-miss ka namin...

bouie
06.02.17, 01:38 PM
Binutas ang bubong nila? Oh my... Glad Angela's daughter isn't harmed. Now I know why siya umalis kasi nakita ko lang sa TV Patrol kagabi na umalis daw siya but I did not see the whole news about it. Akala ko kasi nainis na siya sa bahay ni Kuya.

Tanong ko lang: kung umalis si Angela, forfeited na ba ang nomination nila Mang Rudy, Keanna, at Rico and magkakaroon ng panibagong nominations for eviction? Or tuloy pa din yung dati? Thanks po :)

jemo
06.02.17, 03:14 PM
syempre sagot agad ako...

the fact that angela did a voluntary exit forfeits the nomination/eviction thingie for this week. supposed to be, may ma-eevict but because of her decision, safe na sina rico, tatay rudy & keanna. Big Brother announced the other day na suspended na ang eviction, pero may lalabas sa bahay.

in the succeeding weeks, magkakaroon ng eviction & unlike before na 1 housemate lang ang lalabas, 2 housemates na ang lalabas, yung bottom 2 out of the 3 na manonominate. 50+ days lang kasi sila tapos 14 housemates, kaya ganoon ang gagawin :)

bouie
06.02.17, 03:53 PM
syempre reply din ako...

Thanks Ate Jemo ^_^ Tama lang yung time frame kasi PBB Teens na sa May 2005, dami na nga eligible for being a housemate. Last two months yata sila nagscreening sa ABS sabi nung friend ko na nagwowork na dun. Pinadalhan pa nga kami ng notification sa egroups about it, sali daw kami (eh halos over 20 and 21 na yung iba, lol).

Ang hirap malaman kung sino ulit ang manonominate. Gosh... :)

anya
06.02.17, 05:15 PM
hay naku masasabi ko lang go2x superbianca marie gonzales,yun lang, at syempre sama ko na rin c john prats,tatay rudy & Karate Chick,have a nice afternoon to everyone!!!!

NikNoK
06.02.17, 10:52 PM
in the succeeding weeks, magkakaroon ng eviction & unlike before na 1 housemate lang ang lalabas, 2 housemates na ang lalabas, yung bottom 2 out of the 3 na manonominate. 50+ days lang kasi sila tapos 14 housemates, kaya ganoon ang gagawin :)

ang dinig ko eh parang isa isa lang muna ang mae-evict then, after the 4th week, eh saka pa lang magiging 2 ang mae-evict.. heheh! exciting ito! :)

herald
06.02.17, 10:56 PM
medyo nawalan ako ng interest dito.. di kasi ako napasali.... he he

NikNoK
06.02.18, 01:55 PM
Uy, Herald! musta na? long time no hear from you ah, nice to hear from you again... balita ko nasa showbiz ka na raw, ano na nga title nung telenovela na pinagbidahan mo? heheh! :)

and ang balita ko kaya ka raw di napasali sa PBB celeb edition ngayon eh di ka pinayagan ng talent manager mo, dahil busy ka raw sa mga upcoming movie mo... wahehe! wag ka na malungkot! :)

Kanina nanood ako ng Game ka na ba.. studio player si Luis Manzano and Toni Gonzaga.. Tinanong ni Kris kung may mae-evict daw ngayong sabado, sabi ni Toni.. wala raw, save daw yung tatlo pero may nomination ulit and accordingly pero hindi pa raw confirmed pero.... "THERE MIGHT BE A NEW HOUSEMATE!"

jemo
06.02.20, 12:24 AM
ang dinig ko eh parang isa isa lang muna ang mae-evict then, after the 4th week, eh saka pa lang magiging 2 ang mae-evict.. heheh! exciting ito! :)
oo nga...ganito nga ata..hehehe..

syempre reply din ako...

Thanks Ate Jemo ^_^ Tama lang yung time frame kasi PBB Teens na sa May 2005, dami na nga eligible for being a housemate. Last two months yata sila nagscreening sa ABS sabi nung friend ko na nagwowork na dun. Pinadalhan pa nga kami ng notification sa egroups about it, sali daw kami (eh halos over 20 and 21 na yung iba, lol)


hindi pa ako ate!!! ate na ba ako?! 19 pa lang akoooo!
oo nga, PBB teens na sa May...16-18 lang ang maaaring sumali! feel ko may mga cutie patootie dun na isasali! hahahaha :) On going na ang auditions e! hihihihi ;)

ang sad...nanominate nanaman sina rico, keanna & tatay rudy! iccarry over yung votes from last week. di ko napanood yung nomination night kagabi kasi may induction ball kami sa org e...

can anybody enlighten me? nagpa-nominate ba ulit & yun ulit ang lumabas o si big brother nagdecide na sila pa rin? feel ko kasi kung housemates ang nagnominate ulit, hindi siya reflective ng nangyayari sa bahay ni kuya...ang daming nangyayaring away between mich & others...or keanna & others e....;)

NikNoK
06.02.20, 12:35 PM
can anybody enlighten me? nagpa-nominate ba ulit & yun ulit ang lumabas o si big brother nagdecide na sila pa rin? feel ko kasi kung housemates ang nagnominate ulit, hindi siya reflective ng nangyayari sa bahay ni kuya...ang daming nangyayaring away between mich & others...or keanna & others e....;)

Jemo, bali nag-decide na lang uli si Kuya na yung 3 na lang uli ang mga nominees so wala nang naganap na 2nd nomination among the housemates... ibig sabihin carry over yung mga votes last week... Pero fair naman yun sa tingin ko eh... :)

jemo
06.02.20, 01:55 PM
hmmm...siguro nga fair yun..although feeling ko, by now nag-iba na ang feelings nila towards each other.

newsflash: si aleck parang gusto magvoluntary exit...hmmm..sana naman hindi nya ituloy.

for more news, click here (http://www.pinoybigbrother.com)

bouie
06.02.20, 08:52 PM
I just checked my mail a while ago and I thought that it would be fun to share this with you guys. Aliw siya sobra! :D Disclaimer: Hindi ko po layunin na i-down ang pagkatao ni Keanna dito po sa post na ito. Baka kasi may magviolent reaction sa atin.


Some excerpts from Pinoy Big Brother and Keanna Reeves.

You can just love her for being herself.


Keanna: "Di ko alam na pinag-uusapan ako kasi ba't naman ako nila
paguusapan? di ko naman bertdey"
__________________________________________________ ____

Keanna: "Andami kong pimples wala kasing moisturizer eh"
Rico: "Ano ?"
Keanna: " Bakukang..andami kong bakukang( pertaining to her
pimples)"
Rico: " Anong bakukang?"
Keanna: "Insekto..(tapos sabay hipo sa mukha niya)"
__________________________________________________ _

Keanna" "Buti na lang pinaligo na tayo, akala ko kasi sa Sabado pa
puwedeng maligo. Paano kaya sila matutulog non?"
( now, i dont get this. tayo tapos sila?)

__________________________________________________ _

Keanna to Koya: (About not taking bath) Pakiramdam ko po kasi hindi
na ako FRESH.

__________________________________________________ _

Keanna: "Rustrum!!"
Roxie: "Rustom hindi Rustrum!"
Keanna: *deadma mode" pakealam mo? mayaman ako sa letter R!
__________________________________________________ _

Keanna: (habang nagwawalis) "Hindi ako makatulog na madumi ang bahay
kasi. tapos mahilig pa kayong magkape. gusto ko tuloy kayong paluin"
__________________________________________________ _

Keanna: Ang hirap kaya mag-dishwasher
__________________________________________________ _

Keanna ay nagpa-fashion show sa harap ng mga housemates
habang nagpo-pose:

Keanna - "Dapat pala ay mag-pouch ako"
Housemates - "Pout hindi pouch( tapos halakhakan)"
Keanna - "Eh ano yung pouch past tense"
__________________________________________________ _

RULE: Bawal galawin ang furnitures ng wala akong pahintulot
Keanna: edi bawal pala gamitin yung rocking chair? kasi gagalaw yun
__________________________________________________ _

Keanna: "John Prats! John Prats! Kunin mo nga yung chicken."
(hahhahahahh! Full name talaga? )
__________________________________________________ __

Keanna: (from the rule book) si big bra.. brother ang magbibigay sa
inyo ng mga kakailanganing gamit...(thinks)... e bat di natin makita
ung kamay ni

big bradir eh sya pla magbibigay( sbay twa sila..)
__________________________________________________ ___

ZANJOE: Yung kapatid ko ZANDRO...
KEANNA: Lahat kayo start sa 'S'??
__________________________________________________ ___

Keanna: "Ay naku wala na pag-asa tayo mag-modern times. Ito pa din
ang toothbrush...Talagang back to BISIKS tayo
__________________________________________________ __

Keanna - "Streppers ako" (stripper)

NikNoK
06.02.21, 08:45 AM
Naku, may problema ang housemate nating si Gretchen. Nag-AWOL daw siya sa AFP kaya may summon letter tuloy siya asking her to report today for the investigation. Pinayagan naman siya ni Big Brother on 2 conditions. Hindi siya pwedeng makisalamuha kaninuman maliban sa mga investigator and pag hindi siya makabalik within 24 hour, ay hindi na siya pwedeng bumalik sa bahay ni kuya kailanman... hayyyy.. sad! :(

Jon2
06.02.21, 02:29 PM
plot!

ala lang, kasi alam naman nating lahat na meron silang "background check" and they're celebrities in their own ways.

hehehe...

bouie
06.02.21, 10:42 PM
Oo nga 'no Kuya Jon2... Baka naman joke lang itong pag-alis ni Gretch. Hemingways, I likey-like yung weekly task nila dun sa mynah (tama ba?) bird. :)

jemo
06.02.21, 11:58 PM
myna bird nga ang task nila this week...

hahaha..kanina lang, nakabalik na agad si gretchen. classified info raw iyong pinag-usapan. medyo magdududa ka rin nga kung true! investigation in a few hours lang? hmmmm...let's give them the benefit of the daw! hahahahaha...

buti naman at nakabalik siya...

naaawa na ako kay rico..lagi na lang siyang tinu-turn down ni roxy! :(

Alexander
06.02.22, 12:05 AM
DJ Rico (RX 93.1) is from Malabon

jowi
06.02.22, 01:02 AM
well, you see, guys, i've always had weird taste. dati, love ko si jayson. pero ngayon, ako lang ba ang na cu-cutan kay john prats? ;)

jemo
06.02.22, 10:18 AM
si rico pinapakinggan ko lagi sa rx noon! hehehe..

jowiiiiiii! cute si john prats! kaya lang maliit lang talaga siya..pero cute siya! kahit noon pa...hehehe..parang adonis! walang bad angle..hehehehe :)

jowi
06.02.22, 01:40 PM
no, but, like, REALLY cute. in lab na ata ako eh. hahahaha. sarap niya humirit at saka pag nag o-OA siya sumayaw. yung awkward pero hindi awkward. hehehe. :)

mayomee
06.02.22, 02:37 PM
Cute nga si John Pratts. I would have to agree [like a grade-schooler; wahahah! :D] Pero...ang bansot niya no? Heehee. ;D

jemo
06.02.23, 10:10 AM
hmmm..sino kaya yung 2 girl housemates na pumayag magpakalbo in exchange for 100,000 Php for their loved one? interesting!

NikNoK
06.02.23, 02:37 PM
FEARLESS FORECAST: hula ko lang ha? si Aleck and si Gretchen? nasa personality nung 2 eh...

teka, ano ba ang height ni John Pratts? di ko naman pansin yung height niya kasi sa tv eh.. ?

jowi
06.02.24, 01:13 AM
well, nakasalubong ko si john and camille prats sa eastwood months ago at, oo, considerably maliit nga siya. ok lang, dala naman niya, though. hula ko mga 5' siya. hehehe. but don't trust me too much on estimates. mahina ako diyan.

:)

mayomee
06.02.24, 01:21 AM
like i said, malakas ang boyish appeal ni john pratts. i saw him a couple of times sa morato sa starbucks and sa figaro dati. i wanted to pat his shoulder and say "O, hijo, kamusta na?" Heehee! :D

Jon2
06.02.24, 10:13 AM
nakita ko rin si camille.. sa pages ng fhm nga lang. ;)

bilib ako kina aleck at rico dahil nagpakalbo lalo na ke rico dahil di naman sya talaga dapat pero go pa rin.

bayani!

bouie
06.02.24, 12:53 PM
Yep, yep! Bayani si Rico. :) He saved Mitch from the pakalbo session. Ganun pala katagal humaba yung buhok ni Mitch--12 years?! Asteeg! Sabi nung tita ko kagabi baka naman daw kaya din ginawa ni Rico iyon eh para makuha ang simpatya ng tao at 'di siya tanggalin sa PBB house. Pero siyempre hindi siguro iyon yung main purpose niya. Ano kaya yung sakit ni Rico na sinasabi ng parents niya? Hindi ko kasi nagets kagabi yung nanay habang nagsasalita eh.

Btw, parang hindi maayos yung pagkakalbo kay Aleck kagabi. :( Sana man lang inayos nung nagkalbo kay Aleck. Mas pulido pa kasi tignan yung pagkakalbo ng ginawa ni Roxy kay Rico. :) Although may inayos din ng kaunti si Rico malapit sa patilya niya.

NikNoK
06.02.24, 02:03 PM
I come across this article from pbb website.. just wanna share..

The Big Fight: Keanna vs. Mich

Emotions ran high after last night's ‘kalbuhan” session when a major confrontation erupted between Keanna and her "anak-anakan," Mich. The shouting match between the two close friends started when Mich felt insulted with Keanna's comments on her decision to back out from last night's kalbuhan session.


Keanna earned the ire of the la fashionista when she commented "Maganda yung hindi umiiyak kapag nagpapakalbo." After hearing what Keanna said, Mich was obviously irritated and refused to speak to anyone. Moments later, she confronted Keanna regarding the matter, which led to their big fight.

Keanna, who was also seemingly annoyed with Mich didn't let the incident pass without getting back at the la fashionista. "Wala akong pakialam sa'yo...Opinyon ko naman yun! Ano ako robot? Didiktahan mo ako? Iiyak-iyakan mo lang ako? Lahat naman kasi sa'yo big deal! lahat big deal! Ang gusto mo ikaw na lang parating iintindihin ng lahat! lahat na lang nakakaaway mo!" Keanna said while shouting at Mich. The controversial sexy star also told Mich how much she hated her unpredictable mood swings.

http://celeb1.pinoybigbrother.com/Portals/3/week3/keanna_away5.jpgKeanna was unstoppable as she fumed in anger. The la fashionista couldn't interrupt Keanna. Moments later, Kilabot ng Senado went ballistic and started banging kitchenwares. The othere celebrity housemates remained silent as they watched Keanna, apparently stunned to see the person who always makes them laugh, showing extreme anger.

At the climax of last night's confrontation, everybody laughed when Keanna mistakenly labeled Mich as "KFC" instead of "KSP" or "Kulang Sa Pansin."

John also got very dismayed with Mich when she shoved him away as he tried to calm her down in the middle of last night's controversial confrontation.

Confession after the fight

http://celeb1.pinoybigbrother.com/Portals/3/week3/keanna_away1.jpg"Na-offend ako sa sinabi niya na 'maganda yung hindi umiiyak, pag nagpapakalbo.' Naramdaman ko na pinapatamaan niya yun sa akin. Even if hindi niya ginawa yun on purpose, nasaktan ako. Hindi ko na-expect na pati sa akin, magiging tackless siya." Mich said when Big Brother asked her sentiments about what happened between her and her so-called Mommy Keanna.

Mich also said that fight really affected her friendship with Keanna. "Na realize ko the fact that she can say something like that to me, wala palang anything to consider as friendship from the start," la fashionista added.

During Keanna's confession, the Kilabot ng Senado stressed that she really got fed up with Mich's unpredictable mood swings that's why she was not able to control herself from criticizing the la fashionista. "Napasigaw ako kasi sobra na siya, yung nakaraan, iyak siya ng iyak nang walang dahilan, kung sino na lang yung na-mi-miss niya tapos bigla na lang sisigaw at magta-tawa-tawa. minsan hindi kami papansinin lahat, yung wala siya sa mood wala siyang pakialam."

Although Keanna believes that she and Mich can still be friends, she knows that because of last night's confrontation, it would be very hard for them to patch things up again and bring back the closeness that they had before.

jowi
06.02.24, 11:13 PM
...i wanted to pat his shoulder and say "O, hijo, kamusta na?" Heehee! :D

hahahahaha!

jemo
06.02.25, 07:17 PM
Yep, yep! Bayani si Rico. :) He saved Mitch from the pakalbo session. Ganun pala katagal humaba yung buhok ni Mitch--12 years?! Asteeg! Sabi nung tita ko kagabi baka naman daw kaya din ginawa ni Rico iyon eh para makuha ang simpatya ng tao at 'di siya tanggalin sa PBB house. Pero siyempre hindi siguro iyon yung main purpose niya. Ano kaya yung sakit ni Rico na sinasabi ng parents niya? Hindi ko kasi nagets kagabi yung nanay habang nagsasalita eh.

Btw, parang hindi maayos yung pagkakalbo kay Aleck kagabi. :( Sana man lang inayos nung nagkalbo kay Aleck. Mas pulido pa kasi tignan yung pagkakalbo ng ginawa ni Roxy kay Rico. :) Although may inayos din ng kaunti si Rico malapit sa patilya niya.


Rico saved Mich. Pero naging masama ang tingin kay Mich kasi it appeared na hindi niya pinanindigan. Matagal humaba buhok ni Mich kasi kulot :) Agree ang dad ko sa sinabi ng tita mo! Kinakaawaan na si Rico & people sympathize w/ everything he experiences - from the pakalbo to Roxy. Pero I felt his sincerity naman.

Pero weird lang talaga yung pinagawa ni Big Bro. Siya may pakana nung palit palit e!

Tabingi ang pagkakalbo kay Aleck. Kapag tiningnan mo, may makapal na part. hahaha..Pero ung kay Roxy, inayos pa ni rico..hindi rin kasi pantay. hahaha ;)

i love keanna! sobrang totoong tao..hahaha..benta yung "KFC"! hahahaha! ang dami nang naiinis kay Mich...makabalik kaya siya sa bahay ni kuya w/in 24 hours?

bouie
06.02.25, 11:41 PM
It's sad that Tatay Rudy had to leave early. Sana wala na lang natanggal tutal si Mitch hindi na naman makakabalik pa eh... :(

jemo
06.02.26, 05:45 PM
mapopostpone lang ang isang eviction kapag may nagvoluntary exit...just like what happened sa PBB season 1. kung may forced eviction, may possibility ng new housemate...based on PBB 1 ulit. Di ako sure sa rules e...pero parang ganun ata. Kasi nung si Bob napalabas by forced eviction, e nagkaroon ng pagkakataon para makapasok si Sam Milby.

Jon2
06.02.26, 11:38 PM
rico jut got nominated again... with a whooping 12pts vote.

bouie
06.02.27, 12:43 AM
Second time na ni Rico. Mag-aala Racquel ba siya? :)

Anyways, nakatutuwa yung game (was it?) that you'll speak a particular language in the different parts of the house. I kinda like Keanna and John Pratts together, hehe... ^_^

NikNoK
06.02.27, 02:21 PM
.. Di ako sure sa rules e...pero parang ganun ata. Kasi nung si Bob napalabas by forced eviction, e nagkaroon ng pagkakataon para makapasok si Sam Milby.

Hi, Jemo! Ang pagkatanda ko nung nag-voluntary exit si Jenny because of his father's condition, dun yung chance na nakapasok si Sam Milby. And yung pagkaforce-evict naman ni Bob due to his health condition led to a special rule of Big brother which was called "Big Switch" kung saan yung mga evicted ex-housemates tulad ni Racquel, Rico, JB and yung (voluntary exit) Jenny ay binigyan ng chance na makabalik sa bahay ni Kuya kapalit ni Bob via Peoples voting thru text.. And since maganda ang record ni Jenny ng pag-alis, people favored on her and she was able to come back to Kuya's house. :)

jeffoy
06.02.27, 04:18 PM
Napaka KFC nyahahaha!!! aliw yun, napanuod ko, nakahiga na ko sa kama, napapatawa pa ko :) nyehehehe

bouie
06.02.27, 11:48 PM
Is it true that Rico wanted to have an "issue" with Roxie habang nasa bahay ni Kuya???? Kasi yun yung pagkarinig ko kanina sa revelation nung parents ni Roxie while being interviewed by Toni.

NikNoK
06.02.28, 04:29 PM
Nung una, ok pa sana sa akin si Rico eh... medyo tampa pa yung timpla ng pagpapa-cute niya kay Roxie kahit medyo underdog at mukhang kawawa siya.. lalo na pa yung sinalo niya yung sacrifice ni mitch.. Kaya rin siguro siya ang may pinakamataas na vote from text. Pero itong the past few days.. medyo foul na yung ginagawa at sinasabi niya kay Roxie.. medyo over na.. hindi ko na gusto yung ginagawa niya! tsk, tsk, tsk.. i can smell his eviction this saturday! :(

herald
06.03.01, 02:23 AM
para sa kin.. tama yung sinabi ni keanna.. na ayusin nila yung problema nila outside sa houe , walang camera walang makakakita and hindi nadadamay ang mga parents and other people... it's better nga siguro si rico na ma vote out eh...

kanina.. may revelation si Rustom

NikNoK
06.03.01, 10:01 AM
kanina.. may revelation si Rustom

napanood nyo ba yung PBB episode last night... "Ang senyales ng Mariposa"? na-amaze ako dun sa ginawa ng butterfly, nung dumapo ito sa paa ni Rustom and gumapang unti-unti hanggang sa kamay hanggang sa mukha ni Rustom na tila ba binasbasan siya? ang weird? akala mo'y nauutusan yung butterfly o amo niya si Rus? naisip ko nga na pakana ni Big brother yun kasi parang imposible? at panong nagkaroon ng mariposa sa bahay ni Kuya, diba sa province lang may mariposa?

http://celeb1.pinoybigbrother.com/Portals/3/week4/rustom_secret1.JPG http://celeb1.pinoybigbrother.com/DesktopModules/DnnForge%20-%20NewsArticles/Templates/BigBrotherNews/Images/redArrow.gif

Butterfly gives Rustom a sign; Keanna heeds the call of nature

While comforting Keanna on her many angst, it was Rustom’s turn to tell his secret. Taking a cue from a butterfly that landed in his hands, Rustom realized that the flying insect signified a new lease on life.

He sighed and then finally asked Keanna, “ Kapag napapalabas na ko sa Sabado ano ang gusto mong itanong sa kin?”

Keanna asked him if he’s happy with his life. “Yes”, came Rustom’s quick reply.

Rustom then coaxed Keanna to ask him since they both agreed that they are already good friends.

“May gusto akong itanong pero baka hindi mo kayang sagutin sa harap ng camera?”, Keanna began and then finally she asked why he broke up with his erstwhile wife, Carmina Villaroel.

“Napaka simple ng dahilan ng break up namin ni Carmina. Nawala lang”, Rustom explained.

“Parang na dead sya, ganun”, Keanna clarified.

“Mahal ko si Carmina. Wala akong ibang hangad kung hindi mag succeed ang marriage naming pero sya lang ang unang naka-realize siguro kung hindi sya nauna baka ako rin eventually.”, Rustom further explained.

“Kung gusto mong itanong kung may ibang dahilan, hindi yun ang dahilan… Dumating ako sa punto sa buhay ko na kinilala kong mabuti ang sarili ko….. May iba ang akong personalidad,”, Rustom volunteered.

He then recounted his sad childhood experience where he once dressed up as a girl and his father beat him up so badly and his lola saved him. He cried while telling Keanna that his very own mother told him to stop crying.

He was at the verge of confiding his big secret when Keanna stood up and kissed him on the cheek and informed him casually that she had to pee. At the next shot, we see Keanna squatting among the palm fronds and relieving herself and a once distraught Rustom, laughing himself silly.

If you really want to know what Rustom’s big secret really is, watch tomorrow’s episode of Pinoy Big Brother at 9 p.m.! You'll regret it if you miss the next episode!

Alexander
06.03.01, 12:11 PM
Quote from KEANNA....
NAPAKA KFC MO ROFLMAO :ecstatic:

jemo
06.03.01, 09:51 PM
Is it true that Rico wanted to have an "issue" with Roxie habang nasa bahay ni Kuya???? Kasi yun yung pagkarinig ko kanina sa revelation nung parents ni Roxie while being interviewed by Toni.


from what i know...Nagkwento si Rico about Roxie...para magkaroon/malaman na may issue between them..

and i think...nagtagumpay siya! dahil gusto ng abs ng chikka! hahahaha :)

mayomee
06.03.02, 01:22 AM
Inamin na ni Rustom na gay siya.


Okay, there goes another one [*sigh*}
:( ???

bouie
06.03.02, 04:55 AM
Okay, there goes another one [*sigh*} :( ???

Ate May, crush ninyo po ba si Rustom?

mayomee
06.03.02, 12:18 PM
Bouie, hindi ko crush si Rustom. Once upon a time, naguwapuhan ako sa kanya. Once lang yun ha.

What I meant to say was that all the guwapo men either turn out to be gays or married. Haaaay!
:(

Jon2
06.03.02, 02:26 PM
lol! parang sign of "desperation" na yan mayomee a? :nice:

kakagulat nga yang revelation pero at some level, was expected.

ate ko nga nagtext sa akin at kinukulit ako about that. sabi pa nga nya e hintayin na lang daw nya umamin si... si... tut-tut!

bilib talaga ako ke keanna... parang lahat ng "action-packed" scenes e kasama sya.

bwahahahahah!

bouie
06.03.03, 12:17 AM
Lol ROFLMAO Si Keanna talaga ang kulit. Gusto asawahin si Rustom ^_^

Btw, lahat kaya sila nagundergo sa lie detector test? Feeling ko may tinanong kay Bianca tungkol kay Zanjoe kaya sya ganun... ???

Alexander
06.03.08, 08:13 AM
Ako...medyo! :) Hahaha....inaabangan ko dun puro boys(john prats, rico robles & christian vasquez).

Evicted na si CV

bouie
06.03.13, 01:27 AM
Wala na si Aleck... huhuhu... :(

jemo
06.03.13, 09:19 PM
nakakainis...i though roxy was the one na ma-eevict soon...but nooooo!

bouie
06.03.13, 11:40 PM
..i though roxy was the one na ma-eevict soon..but nooo!

lol ROFLMAO ako din akala ko si Roxy na. Sana siya na lang... :)

Si John nakakatuwa kanina habang wina-wax yung mga hairy parts niya. Tanong lang, kasama ba pubes? Kasi 'di ko masyado napanood, inaayos ko yung channels kanina, nawala kasi yung Cartoon Network namin.

NikNoK
06.03.14, 12:49 PM
Si John nakakatuwa kanina habang wina-wax yung mga hairy parts niya. Tanong lang, kasama ba pubes?

hehehe... di kasama yun Bouie.. ang sakit naman nun sobra pag pati iyon eh sinama ni Big Bro ipa-wax! di papayag si John nun.. hahah!

bilib ako kay John.. pero kainis si Big Brother.. parang ginigipit masyado yung mga housemates.. tsk, tsk, tsk..

ako rin.. sana si Roxie ma-out na.

jemo
06.03.14, 01:06 PM
sinu-sino bang nominated this week?

bouie
06.03.14, 01:31 PM
Si Gege, John, Rico, at Zanjoe yung mga nominated. Tapos eviction na on Wednesday and Saturday (yata, or Sunday). :) Sana si Roxie na lang yung ninominate. hehehe....

raes100
06.03.22, 12:15 AM
bat parating nakabalot buhok ni "bisaya man" (i dunno his name)?..nagaalaga ata ng kuto..hehe...

bouie
06.03.23, 03:13 PM
Raes100,

I think Budoy (the Bisaya man you're referring to) always wraps his hair kasi he kinda embraced the culture associated with the type of music he makes. I'm not sure but I have seen him sa Fete with his band. Siguro motto din niya ito: You've got to dress for whatever part it is that you're playing.

Anyways, bakit po naka-cage si Keanna the other other day? ???Di kasi ako nakakapanood na eh, sinabay kasi sa Kim Sam Soon. :(

raes100
06.03.24, 11:07 AM
maka reggae ba sila? parang si bob marley..diba plaging nakadreadlock yun.. waa..gusto kong makitang walang balot yung buhok nya..sana may mag dare sakanyang paliguan ang buhok nya. :p
btw ang cute ng avatar at sig mo.. sang anime yan galing? parang familiar eh..

jemo
06.03.28, 02:52 PM
yes, maka-reggae si budoy. pudong ang tawag sa head piece niya. if you want more info on budoy, you can visit www.pinoybigbrother.com for his profile. hehehe...


omg! grabeeeee...big 4 na?! sino kaya mananalo? hmmm....

bouie
06.03.28, 07:55 PM
Excited na din ako for the Big Four, Jemo! Yay! Pasok si Bianca :wow: Pero sayang si Budoy. I was rooting for him to be with Bianca during the eviction night kaso biglang sinabi ni Luis na pasok si Zanjoe. Darn...

Btw, Raes, it's from Azumanga Daioh. :)

jemo
06.03.28, 11:52 PM
Akala ko talaga ang big 4 Rustom, Keanna, Budoy & Bianca or some random person...based on observations lang sa mga gusto ng mga tao...

pero sa turnout ng events, kaya siguro nagkaganun. feeling ko hindi naman matatanggal si Rustom e! but anyway, i admire his reasons naman for doing so.

sayang, wala ako this weekend! may eval seminar kasi kami! hindi ko mapapanood ang BIG NIGHT!

raes100
06.04.03, 10:36 AM
as wat lola have said nanalo ang malaki ang deredes..hehehe

bouie
06.04.03, 01:07 PM
Yay! Nanalo si Keanna! ^_^

Natawa ako nung binara niya si Lucky ROFLMAO

Jon2
06.04.03, 10:55 PM
oo nga. heheheh...

speaking of the big night... bakit di ininterview si camille nung inintroduce john's family? dahil baka sabahin nya na ang kapatid nya ay tunay na kapuso?

bwahahahah!!!

pero i have to say they've got better production numbers than the last one.

jemo
06.04.04, 12:13 PM
pero sobrang tagal ng big night no? nakakatulog ako in between the announcement of the winners. i really think keanna deserves to win! hehehe :)

hemingways, well...intriga ako kina zanjoe't bianca! hehehehe..gusto ko maging sila..soon! hehehe :)

hmmm..excited na rin ako for the teen edition...

bouie
06.04.04, 05:32 PM
Likey-like ko na din lumabas yung Teen Edition ng PBB!

Yun nga lang, alang naleleak na info regarding the new housemates.

Sabi ng mga tita ko, bagay daw si Zanjoe at Bianca, kasi si Bianca ubod daw ng talino, kaya kailangan ang i-partner ay medyo kulang-kulang daw. Kasi ba naman, nung big night, nung lumabas na siya, halikan daw ba sa pisngi yung lalaking may inabot sa kanya... hehehe...

raes100
06.04.05, 01:42 AM
yeeekkk..hahaha...
btw bout sa teen edition panibagong hamon nanaman to..ano nanaman kaya papagawa ni direk big brother?

bouie
06.04.08, 06:53 PM
Si pretty Bianca ang nanalo kanina sa Game K N B? ^_^ Too bad hindi niya nakuha yung answer sa last question. Sina Rustom at Kiana nakakatuwa kanina maglaro ^_^

bouie
07.10.25, 10:32 PM
Season TWO na! ^_^

Fanny
07.10.26, 09:57 AM
mabubbuhay na naman ang thread na ito..hehehehehe.. Season 2 na..!

marami pala rito ang hilig manunuod ng Pinoy Big Brother.. Isa na ako dun..!

bingo
07.10.26, 04:48 PM
sino si big brother?

let2m26
07.10.26, 06:17 PM
yan din nga tanong ko eh sino si big brother? bwahahaha


pero enjoy ako ngayon sa Pbb celebrity edition ha ang daming tiwst talaga...

Bonnie
07.10.28, 11:43 AM
Diba si Dyogi laurenti ang Pbb Big brother?

bouie
07.10.29, 02:42 AM
I'm so happy Mariel is inside the house ^_^

Buti na lang talaga pumayag pumasok sa loob ng house si Ethel. Sila ni Ruben yung nakakatuwa to the max.

Kuya Bon, I think the director's name is Laurenti po yata and Dyogi is his surname ;)

Bonnie
07.10.29, 12:42 PM
ahehehehe, oo nga ano, di ko napansin baliktad pala, salamat Bouie.

lethal_rence
07.10.29, 03:17 PM
Nung umpisa jinudge ko agd ung PBB na boring kc pro sikat ung mga hawsm8s. Pro ok dn pla. Nkk2wa nga andun c Ethel. Mrunong pla xang mkisama.

I think NEVER nila ire2veal kng cnun c Big Bro.. Dubah????

let2m26
07.10.30, 05:51 AM
bwahahaha pati si Toni nasa loob na rin ng bahay ni kuya ahihihi ako kaya kelan ROFLMAO

sjclc
07.10.30, 11:20 AM
Ang lamig ng boses ni kuya no? Choir kaya siya? Hahaha.

Pero siyempre may mga medyo magulo ring part sa bahay na yun. Like yung pairing nila... Buti sana kung lahat sila paired, eh kaso ang gulo naman kung two pairs lang ang meron. Plus maraming pang maarte at mayayabang... Magbago pa kaya sila? O talagang susugod ako doon at huhugutin ko sila palabas kawawa na yung ibang housemates?

jose
07.10.30, 11:24 AM
may nakapagsabi sa kin si kuya daw ay si banker ng deal or no deal.

simpatico
07.10.30, 12:49 PM
may nakapagsabi sa kin si kuya daw ay si banker ng deal or no deal.

Tingin ko rin.. kasi yang mga palabas na yan are both franchise from endemol so posible talaga...

sjclc
07.10.30, 02:55 PM
Hindi rin naman nila ipapakilala si Banker eh... So malabo na rin nating gawing clue yun kung sino si kuya.

herald
07.10.30, 03:01 PM
isa kong kaibigan ginaya boses ni big brother, ginaya ko rin, parehong pareho... ang secret pala eh buko... butasan ang buko, tanggalin ang sabaw at doon magsalita.. presto Big brother voice ka na....

marami sigurong buko sa bahay ni kuya...anyway...

medyo over yata ang participation ng ABS-CBN talents, na o-ovbvious tuloy na scripted...twice pa lang akong nakapanood ng edition na ito unlike the previous editions walang mintis.. I lsot interest siguro because of the turn of events...

Jon2
07.10.31, 05:47 AM
ganun ba, herald? ako e pansin ko parang mas "active" mga housemates ngayon. nakakaaliw panuorin. wag lang sanang ipakita lagi ang "iyakan".

gulat nga ako kasi parang napaka-arte ni mariel pero nakaka-aliw pagka-maarte nya. i liked her agad when she started the pbb uplate (go tropang gising) then co-hosting wowowee tapos next thing i know guest housemate na sya (against her will?).

tapos ke toni naman. o my, kitang kita mo talaga na labag sa kalooban nya. you may say "scripted" pero they're doing a great job with that.

as for ethel, ano sabi ni will sa kanya? hahaha! tawa ako ng tawa dun.

herald
07.10.31, 09:10 AM
A friend of mine told me na, there is really a script, yung pagpasok nila mariel and toni adds spices sa show pero nakakadagdag lang sa issue ng scripted daw yung show....(konti lang naman kami)

It happened kasi kay wendy sa last edition, ang dami ng sumumpa sa kanya, naging 3rd place pa and nagkaroon ng sariling show, wow... kung ako producer hindi ko na sya bibigyan ng show, malamang napangakuan na sya berfore pa lang.. anyway...

nakapanood ako last night, ha ha ha, yung wife ko kasi nanonood nung dumating ako, pag ako kasi unang dumating sa house, hindi sya nakakapanood ng PBB.
so no choice to watch and the truth is, na entertain pa rin ako, kahit nagkaroon na ng clouds sa mind ko. Isipin ko na lang hindi sya reality game show... para mag karoon uli ako ng interest...siguro isipin ko na lang hindi sya game o competition...


Tanong sino sa tingin nye mananalo??? sa last 4 editions puro babae ang nanalo and lalaki ang 2nd place, maiba kaya this time ang result? My wife were able to predict who will won sa last editions, sa start pa lang.. sabi nya sa akin kagabi malamang si Ethel ang manalo (what?, babae na naman?)

jose
07.10.31, 10:01 AM
sandale...

medyo masama daw sa loob ni mariel at ni toni yung mapasali sa loob ng bahay ni kuya kasi alam nila at nakita nila kung ano ang mga nangyayari sa loob at kung hanggang saan ang nakikita sa camera. kaya nga nung unang pasok ni mariel sabi nya agad, "ayokong magwiwi. nakikita yun!". sagot naman ng isang housemate, "magtapis ka na lang ng towel. ganun ang ginagawa ko."

...ganun?

lethal_rence
07.10.31, 10:13 AM
enjoy nmn pnuorin ang PBB kso many of us hndi mwwla sa icp na 'kaplastikan' lng ang lhat kc dey know na bun bnsa nanu2od sa knila so xmpre ppkta nila un KNWARING mgnda nilang ugali. like nun 1st evction nyt..npkaPlastik 4 me ng kiss at i love you ni Jen kay Marylaine nun inintrview cla ni Toni bgo ung dclaration ng evictee. but still,,enjoy pnuorin ang PBB.

let2m26
07.10.31, 11:25 AM
enjoy nmn pnuorin ang PBB kso many of us hndi mwwla sa icp na 'kaplastikan' lng ang lhat kc dey know na bun bnsa nanu2od sa knila so xmpre ppkta nila un KNWARING mgnda nilang ugali. like nun 1st evction nyt..npkaPlastik 4 me ng kiss at i love you ni Jen kay Marylaine nun inintrview cla ni Toni bgo ung dclaration ng evictee. but still,,enjoy pnuorin ang PBB.

OT: hey lethal_rence sira ba keyboard mo kulang kulang letters?

************************************************** ****************



haayy naku natatawa ako kay Toni noong sabihin ni kuya na house guest na siya naiihi ang pakiramdam niya pero mukhang nag eenjoy na rin naman siya..

deersay
07.11.01, 04:32 PM
hhahah sobrang natawa din ako kay toni..she's so natural

Fanny
07.11.01, 08:21 PM
walang pakialam at napaka daring sa lahat ng housemate si Ethel. . ang laki-laki ng papaya ni Ethel hehehehe..

bouie
07.11.04, 12:16 AM
I feel si Ethel din yung mananalo pero ang final five ko is Ethel, Ruben, Will, Yayo, and ang pinakamagandang babae sa mundo na si Riza. :blush:

Gusto ko sana ilagay si Mariel kaso house guest lang siya eh. Ni hindi nga ata kinonsidera yung pagkakanominate sa kanya nung unang nomination night, kung di ako nagkakamali.

Tanggal na si Zara kanina. I just wondered bakit kailangan may medalya factor kanina. Sobrang nafifeel ko ang Balik-Bahay twist in the near future.

BP_fan23
07.11.04, 04:03 PM
well am back again after a long period of Home Alone in Quezon City hehe okay then Back with pinoy Big Bropther Celebrity Edition Part II na nga pala ano?? quite fast noong una kina Sam and Say Alonzo and Nene tamayo ngayon part II ng mga celebs :)

bouie
07.11.21, 03:11 AM
Hindi ko naiintindihan! Naguguluhan ako!

Bakit may tanggalang naganap kagabi? Tapos akala ko ba si Mariel ay lalabas na ng bahay?

jose
07.11.21, 10:14 AM
mock eviction lang yung kagabi boiue, karugtong nung mock nomination nila noong sabado ba yun? para lang papaniwalain yung mga housemates na may mangyayaring eviction this week. kasi di ba hindi naman nila alam na lalabas na si mariel?

ang hindi ko naintindihan e yung binigay ni kuya na 24 hrs kina baron at donny para mag-decide kung sino sa kanila ang lalabas ng bahay. pero may script naman si toni na para lang daw ma-test yung bonding nilang magkapatid. so malamang wala pang lalabas this week bukod kay mariel.

jeng
07.11.21, 03:47 PM
hello po i'm a newbie here.. just like you guys, naaaliw din ako manood ng pbb! :)

michaela
07.11.21, 06:08 PM
Sometimes, people judge you based on your type of friends, work place, and command of English, world knowledge, and educational background. They form an immediate impression and have certain expectations of you. Then one day, you just say something that bursts their bubble.

“Hangs out at the special club, in good terms with your boss, understands the philosophical concepts behind the TV series JOURNEYMAN, came from an international school —Watches PBB?!?!?” That's a good news for me:)

Aside from the news, I make sure I catch PBB every week. Or I follow via internet .:)

***


hi jeng! :)

Jon2
07.11.21, 06:44 PM
napapanuod ko lang ito pag weekends :(

lalabas na si mariel? o man... sino kaya sasalubong sa kanya palabas?

value

hi din jeng!

bouie
07.11.21, 07:13 PM
Si Zanjoe ang sasalubong kay Ma, Kuya Jon2! Hehehe, feeling close si ako, nakiki-"Ma" yung tawag ^_^

Hi, Jeng! Welcome to the board. Make sure you stop by the Meet Market (http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?t=378) thread, aryty? ;)

jeng
07.11.22, 11:56 AM
sa palagay nyo mag-stay pa kaya si baron sa pbb house? i can't wait for the poll result in tonight's episode hehe!

thanks po sa mga nag-welcome sa kin dito! =)

bouie
07.11.22, 04:59 PM
Feeling ko pasok pa rin sa bahay si Baron. ^_^v

jeng
07.11.23, 10:18 AM
Pasok nga ulit si baron sa house pero si macoy at ethel naman lumabas... sino kaya papalit sa kanila? hmmm..

bouie
07.11.24, 03:18 AM
Feeling ko ala na papalit dun sa dalawa and the ending of the PBBCE2 would be pushed back to December 22. Kasi balita ko nung pumasok si Eth sa loob ng house, inurong yung ending date ng season to January something. Ewan ko lang if true.

BP_fan23
07.11.24, 06:52 AM
well abantan ang susunod na kabanata hehehe acytually naiinis at nalungkot ako sa ginawa ni ethel di daw nya kaya ewan ko lang ifd its because of the sacrifice na ginagawa nya hahayy mga tao di marinong magsacrifice kahit sandali lang

mark_chua
07.11.24, 01:59 PM
balita ko papasok daw si Angel Locsin kapalit ni Mariel. January daw ang end ng PBB CE.

ana_hingpit
07.11.25, 07:23 PM
ano na ba ang latest?sino ang lalabas sa bahay

sanjose440
07.12.03, 02:47 AM
this show becomes disappointing as days go by. gusto ko pa naman ito nung simula. hay...

herald
07.12.03, 07:57 PM
puro talent na ng ABS-CBN ang pumapasok, tapos may bumalik.. dissappointing talaga, pero as I've said previously. 'di ko na lang iisiping contest ito para hindi ako mainis...

pyc
08.03.19, 04:25 PM
xempre ung mga sumali dito ung mga gustong sumikat uli.. ganun naman eh.. ginagawang talent search ang pbb