(1/8) 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 75

Thread: Choir Uniform

  1. #1
    Join Date
    Apr 2003
    Location
    Marilao, Bulacan
    Posts
    1,045

    Default Choir Uniform

    Ano ang magandang uniform for choirs? Any suggestions?

  2. #2
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    286

    Default Choir Uniform

    kami jo ang uniform namin sa choir eh yung uniform namin noong kumanta kami ng quadricentenial mass last world youth day binago lang namin yung parang lace ginawa naming blue color ng lourdes. ganon pwede.....

  3. #3

    Default Choir Uniform

    kami may 3 uniforn. polo for the guys tapos blouse for the girls. simple lang uniform namin. tapos kapag may special na mass naka barong kami ang naka-poncho ang girls. pero mukhang mas maganda kung naka choir gown po kayo.

  4. #4
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    286

    Default Choir Uniform

    meron nga pala kaming bagong uniform kaya lang unofficial palang kasi yung mga nag wowork palang ang meron, barong sa lalaki na mayshade ng blue (color ng lourdes ofcourse) at sa girls naman parang filipiniana ang style pero hindi (di ko madiscribe pero maganda) ....

  5. #5
    Join Date
    Nov 2002
    Location
    Sydney AU
    Posts
    1,263

    Default Choir Uniform

    kami pang bata uniform namin. off white na pants, parang katcha tapos orange na polo. girls naman orange na skirt (parang BP sa TNB album) tapos offwhite na blouse. baligtad. tapos kanta kami sa wedding pinagawan kami ng polo shirt nung kakasal. dagdag uniform na yun.

  6. #6
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    286

    Default Choir Uniform

    pinaka simple jojo yung choir gown tapos lagyan na lang ng shade like sa lourdes color blue..

  7. #7

    Default Choir Uniform

    Kami for regular mass, meron kaming isinusuot, either white shirt and pans or blue shirt for the boys and gold shirt for the girls with printed parish logo, color sya ng parish namin...and for especial ocassion we wear barong for the boys and black gown with kimona for the girls....

    then last week meron naman kaming bagong uniform...masyado kasing ang support ng parish priest namin...

  8. Default Choir Uniform

    Sa Bukas Palad, marami na kaming pinagdaanang 'uniform'. I can remember at least 12 sets of clothes we've worn over the past 8 years. Actually, costume na talaga yung sa amin, kasi madalas, sa concert ginagamit. Ako yung nag-design sa ilang costume namin, at marami na rin akong natutuhan tungkol sa paggawa ng damit para sa choir over the years.

    Here are some considerations you should think about when making choral costumes:

    1. Maganda kung mukhang 'pasadya'. Kung mukhang pang-araw-araw na damit lang ang uniform, may ilang problema. Una, baka gamitin ng member na pamasyal/pang-party, at maluma agad ang damit. (Nangyari na ito sa ilang costume ng BP. ) Ikalawa, ang silbi ng uniporme, hindi lang para pare-pareho ang suot, kundi para bigyang pansin ang papel ng koro sa Misa, sa concert, et cetera. So dapat, medyo kakaiba at angat sa karaniwan ang disenyo at kulay.

    2. Pagpili ng tela/design, siguraduhin, matibay, hindi madaling maluma, at madaling alagaan ang costume. OK ang costume na hindi dumihin, madaling labahan, mabilis matuyo, at hindi na kailangang plantsahin masyado.

    3. Dapat medyo generic. Iba-iba ang pangangatawan ng magsusuot. Dapat pumili ng style na bagay sa lahat. At dapat, pumili ng style na hindi mawawala sa uso. Classic dapat. At pagbili ng tela, dapat, yung hindi mahirap hanapin. Kasi, kung kailangan ninyo ng bagong uniporme, baka hindi na ninyo mahanapan ng tela kung masyadong exotic.

    4. Dapat komportable at madaling gumalaw. Kasi, kahit super ganda ng costume, pag hindi komportable, makakasagabal lang sa pagkanta/pagsayaw.

    5. Mix and match. Matagal ko nang gustong gawin ito sa BP, pero hindi pa natutuloy. Magandang uniporme yung puwedeng iba-iba ang kombinasyon ng pagsuot. Example: May 2 pantalon, 2 polo, pero puwedeng iba-ibahin ang terno. O di kaya, may accessory tulad ng vest na puwedeng isuot o tanggalin.

    6. Dapat angkop sa choir. Use colors associated with your parish/school/patron. Use designs which will look good on you, and which are appropriate for your purpose. Hindi yata puwedeng maong kung formal ang uniform. Hindi rin yata angkop ang jusi barong sa casual...

    Yun na lang muna. Sana nakatulong.

    Oo nga pala. Tungkol sa choir gowns. Gusto ko yung hitsura ng choir gown, pero sa Pilipinas, parang hindi bagay, kasi ang init dito. Tapos, bihira ang gumagamit ng choir gown dito. So I'm not sure if it's appropriate.

    Tapos, kung wala kayong uniform, o gusto lang ninyong maiba, pick certain colors, tapos yun ang ipasuot ninyo. Sa BP, favorite 'uniform' ko yung all-white namin. Actually, nagpagawa kami ng costume na all-white dati. Pero mas maganda yung kanya-kanyang pili at suot, basta all white. Gusto ko rin yung Yellow and White 'costume' ng Hangad. Kanya kanya lang sila ng suot, pero dilaw at puti lang ang puwede.

  9. #9
    Join Date
    Apr 2003
    Location
    Marilao, Bulacan
    Posts
    1,045

    Default Choir Uniform

    Salamat sa mga suggestions nyo, dami ko nakuha idea. Dito kase sa amin Parish, poor yung mga choir. mahirap din maghanap ng sponsor dito sa province. Yung choir namin, nag-ipon lang dun sa mga bayad sa kasal. Pero yung mga bago namin wala pa. Ipon ulit kami.

    Pagwala pa uniform yung choir, policy namin yung mga guys ay mag-susuot ng t-shirt with colar, bawal ang, maong. sa mga ladies naman, bawal pantalon, dapat skirt.

    Any more suggestions para sa mga choir na wala unifrom?

  10. #10
    Join Date
    Nov 2002
    Location
    Sydney AU
    Posts
    1,263

    Default Choir Uniform

    sa amin naman basta presentable ok lang. hindi naman bawal ang maong kasi un ang pinaka-comfortable sa lahat eh. sa girls naman ok lang din kahit naka-pants. i think my members are matured enough para mamili ng appropriate na damit sa church. pag walang uniform, pwedeng maging parepareho nalang color. parang nung concert ng hangad lahat sila merong touch of yellow (a capella concert) kami minsan pag sunday lahat kami naka-white na pang taas. mhirap talaga pag walang budget eh. lalo na pag wala ding pera members. sa amin mga students or wala pang work.

Similar Threads

  1. Choir Problems - An Out Of Tune Member Of The Choir
    By BatusaiX in forum Choirs and the Church
    Replies: 120
    Last Post: 13.06.14, 06:20 PM
  2. Choir Problems - Members Joining Another Choir
    By J O J I T in forum Choirs and the Church
    Replies: 173
    Last Post: 13.03.07, 10:26 AM
  3. Choir Problems - Dealing With Choir Couples
    By Alexander in forum Choirs and the Church
    Replies: 94
    Last Post: 12.06.07, 03:30 PM
  4. 36 International Choir Festival - OLOMOUC CHOIR PENTATHLON 2008
    By simba in forum General Musical Discussions
    Replies: 0
    Last Post: 08.01.16, 04:16 PM
  5. PERPETUAL HELP CHOIR, CANTICLE OF MARY or TRINITY CHOIR
    By jmark in forum General Musical Discussions
    Replies: 0
    Last Post: 07.12.19, 01:44 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •