General Discussions
Here you can talk about anything under the sun.
Reply
(1/7):  1  2  3   Last »
Thread Tools  
vic_romero
Bonafide Boardmember

Join Date: Sep 2003
Posts: 605
Paano at kailán kayâ aahon, susulong, uunlád ang Pilipinas?

Anó sa palagáy ninyó?
Reply With Quote
Bonnie
Bonnie's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Location: Jeddah, K.S.A.
Posts: 3,307
Kaialangan ang malaking pagbabago mula sa mamayan at hangang sa mga nakaupo sa lipunan, nakakalungkot isipin na kapwa natin Pilipinong nakaupo at me posisyon ang naglulugmok satin sa kahirapan. Kung pareho paring mga pulitiko ang uupo sa Malacanang, Senado at Kamara, wala akong nakikitang magandang pagbabago. Aasa na lang siguro ako sa sarili ko para mabago ang antas ng buhay ko kesa isipin pa kung pano tayo aangat tulad ng ibang bansa. nakaka dismaya talaga.

Sana nga Vic, magkaroon ng pababago para sa ikabubuti ng pangkalahatang Pilipino, nasaan man tayo sa mundo.
___________ "SONG OF MARY" ____________
Sing my Soul....
the greatness of the Lord...

Reply With Quote
Coolwaters
Coolwaters's Avatar
Board Elder

Join Date: May 2006
Location: Mactan Island
Posts: 1,290
This is one topic I am passionate about as I am a firm believer that our children and our children's children deserve a better Philippines... We may not have it now, but let it be a legacy to the future generation...

A nation cannot rise above the level of consciousness of its people.

Our problems will continue to have elusive solutions if we remain in the same state of mind when those problems arose... And we have tons and tons of problems...

Pero marami kaming naniniwala na para umangat tayo, we need to start in ourselves with a very basic act: we need to love our country more...

This we also need to inculcate to the young... We can start this by showing to them our rich history. It is surprising that the generations of today know less of the Philippine heroes than American fictional superheroes... It is highly probable that a kid in the elementary school will know more of Wolverine than perhaps Emilio Jacinto....

Today, we are known as the country where everyone wants to be a nurse... As this provides a near-sure exit out of the Philippines...

Another thing, to quote from an essay of Barth Suretsky, an American ex-pat who, after several visits in the Philippines since 1982 and immersing himself in the history and culture of the archipelago, decided to live permanently in the country in 1998 as he fell in love with the country. He died in 2001 and left a lamenting article about his thoughts on the root cause of the problems in our country:
Quote:
Filipinos tend to worship, almost slavishly, everything foreign. If it comes from Italy or France it has to be better than anything made here. If the idea is American or German it has to be superior to anything that Filipinos can think up for themselves. Foreigners are looked up to and idolized. Foreigners can go anywhere without question. In my own personal experience I remember attending recently an affair at a major museum here. I had forgotten to bring my invitation. But while Filipinos entering the museum were checked for invitations, I was simply waived through. This sort of thing happens so often here that it just accepted routine.
We simply have no true pride as Filipinos... That is why as I said in another thread, the Ondoy tragedy has perhaps, despite the havoc and devastation it brought, has given us another good, it reminded us how great we are as a people with our deep seated faith in the Almighty and our innate heroism...

The change we all dream starts with love of country, and from it stems the pride of being brown...
Reply With Quote
_gitaraboy_
_gitaraboy_'s Avatar
Senior Member

Join Date: Jan 2008
Posts: 262
Nakakalungkot na mismo sa ating mga pilipino nanggaling ang salitang hindi na uunlad ang pilipinas, KANYA-KANYA NA ANG BUHAY SA PINAS

Uunlad siguro ang pinas pag wala nang kurakot sa gobyerno.
Kung lahat ng pilipino ay hindi na nabibili ang boto
at sa kalaunan ay isisi ang miserableng buhay sa gobyerno
Kung tatangkilikin natin ang sariling atin
Kung lahat ay may trabaho
Kung tama ang mga batas na ipapatupad ng gobyerno
Kung lahat ng naipasang batas ay gagawin o iaaply ayon sa pagkasulat nito
Kung lahat ay susunod sa batas na ito
Kung lahat ay disiplinado.
Kung lahat ang nasa isip ay negosyo
Kung pagtutuunan ng pansin ang edukasyon at kabataan
Kung hindi magmimindset ang media at di magpaapekto ang pinoy sa media

at syempre Kung lahat ay may takot sa Dios

Laus Deo Semper

Not because of who i am, but because of what You've done.
Not because of what i've done, but because of who You are.


Reply With Quote
nlim
nlim's Avatar
Bonafide Boardmember

Join Date: Dec 2008
Location: Philippines
Posts: 857
Pag lahat ay disiplinado tulad ng pag nasa ibang lugar na sumusunod naman..
Una dapat ang public servant. Kung lahat ay titingnan nila as black and white hindi mayaman o mahirap.
Pag tumigil na ang mga tao na magsiksik sa Maynila.
Pag lahat ng batas na ginawa sa kongreso at sa senado ay pnatupad lahat.
Kung ang botohan sana ay taasan ng kamay at wala nang balota, harapan walang papel na gagamitin (dami sigurong ayaw nito)
lahat ng munisipyo hanggang Malacanang ay gawa sa glass at lahat may CCTV camera at microphone at nappanood anumang oras sa internet.Yun siguro ay very transparent he he he- reality TV
Yun lang.... uusad na tayo kahit unit-unti
Reply With Quote
_gitaraboy_
_gitaraboy_'s Avatar
Senior Member

Join Date: Jan 2008
Posts: 262
Quote:
Originally Posted by nlim View Post
Pag lahat ay disiplinado tulad ng pag nasa ibang lugar na sumusunod naman..
Una dapat ang public servant. Kung lahat ay titingnan nila as black and white hindi mayaman o mahirap.
tama sana wala ng diskriminasyon
Quote:
Pag tumigil na ang mga tao na magsiksik sa Maynila.
Pag lahat ng batas na ginawa sa kongreso at sa senado ay pnatupad lahat.
Kung ang botohan sana ay taasan ng kamay at wala nang balota, harapan walang papel na gagamitin (dami sigurong ayaw nito)
baka 2010 ang eleksyon 2011 pa matapos ang bilangan
[/QUOTE]

Quote:
lahat ng munisipyo hanggang Malacanang ay gawa sa glass at lahat may CCTV camera at microphone at nappanood anumang oras sa internet.Yun siguro ay very transparent he he he- reality TV
Yun lang.... uusad na tayo kahit unit-unti
may live streaming sa internet ng mga opisina sa gobyerno para malaman ng tao kung lahat ay nagtratrabaho at hindi natutulog sa pansitan, naglalako ng beauty products, nanonood ng movies sa laptop o nakikipagtsismisan lang kung ano ano na ang nangyari sa talenovela

Laus Deo Semper

Not because of who i am, but because of what You've done.
Not because of what i've done, but because of who You are.


Reply With Quote
titopao
titopao's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Posts: 5,015
@gitaraboy: Kung halimbawang wala man ang opisyales o kawani ng gobyerno sa opisina nya at ito ay nakunan ng CCTV, ang kaya lang nitong sabihin ay wala lang doon ang nasabing opisyales o kawani. Walang labis, walang kulang.

Ngunit mahirap mag-conclude na s'ya ay nasa parlor, nasa mall o kaya'y hindi gumagawa ng kanyang tungkulin at niwawaldas ang pera ng taumbayan: halimbawa, paano kung nakatanggap s'ya ng tawag at kelangang tumakbo sa ospital dahil sa isinugod ang kanyang tatay dahil sa atake sa puso? O kaya kung halimbawang nagkasakit talaga ang naturang tao? Hindi komo hindi mo nakikita yung taga-gobyerno ay makakapag-conclude ka kaagad na nagpapabaya s'ya sa trabaho; hindi mo pa mang pinakikinggan yung panig n'ya, hinuhusgahan mo na s'ya. Parang hindi yata tama na humihingi ka ng transparency sa gubyerno pero ikaw mismo wala nito

Siguro, ang mainam, huwag umasa sa CCTV lamang, kelangan may kakambal ito na mga security and auditing measures para mabigyan ng tamang pagbasa ang mga lumalabas sa mga CCTV monitor.

(Naisip ko tuloy...ilang bilyong piso ang kelangan para magkabit ng mga CCTV cameras at monitor? Ilang tao ang kakailanganin para doon? Umpisa pa lang 'yan ng mga naisip ko. Hmm....)
We have little to no culture of healthy polemics in the country, as any attempt to consider fault is taken as a personal attack. Rare are those that are able to deal with it properly. --- Alex Tioseco (1981-2009), critic

DISSENT IS LIBERATION; NO DEMOCRACY WITHOUT DISSENT
CRITICISM IS DISCOURSE, DIALECTIC AND EDUCATION
Reply With Quote
_gitaraboy_
_gitaraboy_'s Avatar
Senior Member

Join Date: Jan 2008
Posts: 262
medyo mahal nga yun noh? pero di kaya mas malaki ang mawawala kung wala yun ?
di naman sa pagjujudge kaya lang kahit siguro paslit alam ito
at di ko naman pinipilit na magkaroon talga kasi naisip ko rin baka maulit ang zte ,isa pa pwede rin nila yung ihack diba?nonsense lang lOL siguro maging honest na lang kaya lang SALN nga lang pinagdadamot na eh yun pa kayang pakialaman ang trabaho nila,

Laus Deo Semper

Not because of who i am, but because of what You've done.
Not because of what i've done, but because of who You are.


Reply With Quote
Bonnie
Bonnie's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Location: Jeddah, K.S.A.
Posts: 3,307
Kung may takot ang tao sa Dios, siguro uusad na tayo, Hindi lang pulitiko pati na rin ang ordinaryong mamamayang Pilipino. Ang pagnanakaw sa Gobyerno, ang kawalan ng Disiplina ng tao, ang pagiging matigas na ulo at kawalan ng malasakit ng ibang tao at kahirapan ang nagtutulak para di umusad ang buhay natin.

Hay ang hirap magisip hahaha. Di ko alam kung pano, pero sana, magbago na sana ang buhay nating mga Pilipino at sana unti unti ng umusad ang buhay ng bawat isa satin.
___________ "SONG OF MARY" ____________
Sing my Soul....
the greatness of the Lord...

Reply With Quote
titopao
titopao's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Posts: 5,015
Let me give you a good estimate: merong mga 30 departments under the Office of the President more or less. Ang isang CCTV system na may 4 cameras ay nagkakahalaga ng humigit kumulang sa 15000-25000. Just imagine kung ilan ang ikakabit mo sa Offices of the Secretary ng mga nasabing departamento? At sa Office of the Secretary pa lang 'yun, hindi pa kasama yung buong main office ng departamento at ang mga regional, provincial and city offices

I'm less concerned with hacking of these systems---kung tutuusin, madali lang (somewhat) ang lunas sa computer security problems---than with acquisitions. Kung sa ZTE Broadband scandal pa nga lang, malaking gulo na ang inabot, paano pa kaya kung sa mga mas malalaking projects pa?

So---and here's my first suggestion---linisin at ayusin ang sistema ng bidding and procurement sa gobyerno natin.

Bago mag-implement ng proyekto, siguruhing malinis ang pagpo-propose ng mga proyekto, walang daya sa pagbi-bid ng mga contractors, walang lagayan na involved ang mga pulitiko at ang kanilang mga suking contractors, walang nawawala sa perang nakalaan sa proyekto, at siguruhing natutupad ng maayos ang mga kontrata.

Ie-emphasize ko lang ang last point. Hindi sapat na maaprubahan ng maayos ang project, kelangan sinisiguro talagang ginagawa ng tama ang proyekto. For example, siguruhing hindi inferior materials ang hinahalo sa mga kalyeng ginagawa. Siguruhing hindi lumalampas sa nakatakdang time table ang project. Siguruhing yung mga ina-approve na pabahay ay talagang doon sa na-aprubahang lugar talaga itinayo (hindi katulad ng naitawag-pansin kamakailan lang, na maraming nag-aapply sa pagpapagawa ng mga subdivision, pero doon pala itinatayo sa mas malawak na lupain ngunit nakakapagdulot naman ng baha...marami daw developers ang gumawa ng ganitong paglabag).

Pangalawa, at kaakibat nito---kelangan magkaroon ng batas na bawal ilagay ang mga pangit na pagmumukha ng mga pulitiko---mula Presidente hanggang baranggay tanod---sa mga karatula ng mga projects. At kelangan may provision din kung gaano kalaki lang yung lettering ng mga pangalan nila. Yung karatula, requirement talaga yun ng COA for reporting purposes, so wala tayong magagawa doon. Ang kelangan na lang, bawasan ang oportunidad na makapamulitika ng "legal" ang mga nakaupo sa puwesto. Wala namang mali na sinasabi ng mga nahalal na ito yung ginagawang project nila (let's face it, at least, ginagawa nila yung trabaho nilam, kesa naman sa wala silang proyekto)...yun nga lang, kelangan pigilan yung pagkakataon na ipamudmod nila sa mga tao yung mga pagmumukha nila nang hindi naman kailangan.

Pangatlo, at related pa rin sa mga naunang puntos---kelangan magkaroon tayo sa Pilipinas ng isang batas at sistema na katulad ng sa America. Yung katumbas ng kanilang Freedom of Information Act (FOIA). Sa mga hindi pamilyar sa FOIA, ito yung sistema kung saan maaring hilingin---correction, maaring i-demand ng kahit na sinong mamamayan ang mga rekord ng pamahalaan (maliban sa mga sobrang sensitibo gaya ng, uh, passwords na pang-launch ng mga nuclear bombs )sa kahit na anong legal at acceptable na dahilan. Wala dapat itinatago sa atin ang ating pamahalaan. Kung nag-imbento ng gawa-gawang contractor ang congressman ninyo para makapagnakaw ng perang dapat ay para sa pagpapagawa ng bagong eskwelahan, hindi ito dapat itago ng gobyerno, kelangan may access kayo sa records ng naturang proyekto. (Ito sa ngayon ang isa sa pinakamalaking problema sa pagsugpo ng korapsyon).

Marami pa akong ideas, yung iba sobrang controversial, pero hanggand dito muna ako
We have little to no culture of healthy polemics in the country, as any attempt to consider fault is taken as a personal attack. Rare are those that are able to deal with it properly. --- Alex Tioseco (1981-2009), critic

DISSENT IS LIBERATION; NO DEMOCRACY WITHOUT DISSENT
CRITICISM IS DISCOURSE, DIALECTIC AND EDUCATION
Reply With Quote
Currently Active Users Viewing This Thread: 1 (0 members and 1 guests)
 
Thread Tools
Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump:
Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
The Funniest Thread There Is! Koenji General Discussions 981 12.06.01 04:21 PM
Forum Game: The 5 Word Story sjclc General Discussions 2584 09.06.03 07:40 AM

All times are GMT +8. The time now is 06:03 AM.