General Discussions
Here you can talk about anything under the sun.
Reply
(3/7):  1  2  3  4  5   Last »
Thread Tools  
titopao
titopao's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Posts: 5,014
Excellent points, Coolwaters I like the feedback. Ako man, hindi ako sang-ayon sa pangingibang-bansa ng mga nurses o kaya ng kahit na anong grupo ng mga manggagawa (depende kung ano yung napapanahon). Mangyari pa, mas dapat pa ngang pinagbawalan ng gobyerno ang pagbubukas ng mga nursing schools sa mga wala naman talagang expertise, experience o means para magtayo ng nursing school (ang mga graduate ng AMA at STI na tamaan nito...ay mangyaring pumunta sa pinakamalapit na clinic o ER para magpagamot ng sugat hehehehehe)

Dadagdagan ko lang ang sinabi mo: hindi sapat na umasa lang tayo na kelangang magbago ang gobyerno lang para umunlad ang Pinas. Kung gayon, para tayong mga customer ng gym na nagrereklamo dahil wala namang ginagawa yung trainer nila: lahat na lang ng tao nireklamo kung bakit hindi sya pumapayat pero yung sarili hindi kumikilos, hindi nageexercise at nagdi-diet ng maayos.

We want everything else to be responsible for our own sake...except for ourselves. Unless we learn to become responsible to our selves, for our own actions, we will never mature as people, we will never move forward as a nation.

Medyo me pagka-idealistic itong sinabi ko, pero sa tingin ko hindi naman kelangan na tayong lahat ay gumawa ng malalaking hakbang dito. Maski sa mga maliliit na bagay lang, magsimula tayo. Huwag mag-jaywalking, sumakay lang sa tamang tawiran, sumunod tayo sa pila (bawal ang singit...dagukan ang barker na nagpapasingit ng kakilala ), maging masunurin sa batas-trapiko. Itapon sa wastong lugar ang basura, huwag magtatapon sa ilog, linisin natin ang ating mga bakuran at mga tahanan. Pumasok ng maaga, magsikap sa trabaho, huwag masyadong maging sabik sa mga holidays. Magbayad ng tamang buwis, mag-report ng krimen sa pulis kahit gaano kaliit o kalaki, bumoto ng tama at isumbong lahat ng mga paglabag sa eleksyon, umattend sa mga public hearings ng mga public utilities at government units (kung maari). At marami pang iba. Mga "no-brainers" ito, kung tutuusin. Unti-unti, marami itong magagawa para sa ating bayan. Lilikha ito ng isang kapaligiran o environment kung saan walang puwang ang korapsyon at ang mababang pagtingin sa ating sarili (as in, bawal ang "p'wede na 'yan"). Kung dumating sa puntong lahat tayo ay maayos ang ating mga sarili, mas lalong mag-iisip ng mabuti ang mga pulitiko bago sila tumakbo.

Higit sa lahat, manindigan at makialam sa nangyayari sa iyong kapaligiran. Ang kawalan ng pakialam, hindi ang korapsyon o palakasan, ang s'yang nag-iisang malakas na dahilan kung bakit nalampasan ni Gloria ang "Hello Garci". Huwag nating bigyan ng lakas ng loob ang mga !@@%$#%@ng pulitiko.

(Lilinawin ko lang: wala talaga akong balak tumakbo sa kahit na anong halalan. Thanks but no thanks, it's not my cup of tea )
We have little to no culture of healthy polemics in the country, as any attempt to consider fault is taken as a personal attack. Rare are those that are able to deal with it properly. --- Alex Tioseco (1981-2009), critic

DISSENT IS LIBERATION; NO DEMOCRACY WITHOUT DISSENT
CRITICISM IS DISCOURSE, DIALECTIC AND EDUCATION
Reply With Quote
titopao
titopao's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Posts: 5,014
@vic: Dapat, yung sa literacy test, hindi lang sapat yugn binbilang lang ng gobyerno yung bilang ng nakakapagbasa at nakakapagsulat. Dapat pag pinabasa mo sa kanila ang isang dyaryo o magazine, may kasunod kaagad na reading comprehension test hehehe
We have little to no culture of healthy polemics in the country, as any attempt to consider fault is taken as a personal attack. Rare are those that are able to deal with it properly. --- Alex Tioseco (1981-2009), critic

DISSENT IS LIBERATION; NO DEMOCRACY WITHOUT DISSENT
CRITICISM IS DISCOURSE, DIALECTIC AND EDUCATION
Reply With Quote
Bien
Bien's Avatar
Board Elder

Join Date: Oct 2006
Location: Muntinlupa
Posts: 1,421
may power ba tayo or may magagawa ba tayo para umahon, sumulong at umunlad ang pinas? i think yan ang dapat natin itanong sa mga sarili natin, kung kelan ba ay mahabang proseso nga yan at panahon ang ilalaan, ipagdasal na lang natin na maging maayos ang pagpili sa magiging leader/s ng bansa sa 2010..ako mismo, ako ang simula.
Reply With Quote
Bonnie
Bonnie's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Location: Jeddah, K.S.A.
Posts: 3,306
Tama ka Bien at Titopao, sa sarili ko dapat magsimula ang pagbabago, di ko na dapat antaying pang magbago ang iba, dapat makiisa ako sa pagbabago tungo sa ikabubuti ng lahing Pilipino.
___________ "SONG OF MARY" ____________
Sing my Soul....
the greatness of the Lord...

Reply With Quote
sjclc
sjclc's Avatar
Board Elder

Join Date: Sep 2007
Location: Olongapo City Manila
Posts: 1,652
Isa pa. Reklamo tayo nang reklamo, pero hanggang dun na lang. Reklamo. Kung may paraan man, 'yun ay mag-nursing at mangibang bansa. At grabe nga talaga yung pag-iidolo ng kabataan ngayon sa mga bagay na banyaga. (Bilangin mo kung ilang bata sa kalsada ang may saksakan ng laking t-shirt, ball cap na nakatalikod na may tatak na malaki, at gayang gaya ang rap ng mga sikat na gangster. Isama mo na rin yung mga taong naniniwalang kailangan maging astigin ka para magkaron ng boses sa lipunan)

My blog: http://azwc.blogspot.com/ | http://eowpo.multiply.com/
Blog currently inactive. It's a little messy with my random thoughts, but if you can bear the madness, please comment, or at least, follow :D
Reply With Quote
vic_romero
Bonafide Boardmember

Join Date: Sep 2003
Posts: 605
Quote:
Originally Posted by sjclc View Post
Isa pa. Reklamo tayo nang reklamo, pero hanggang dun na lang. Reklamo. Kung may paraan man, 'yun ay mag-nursing at mangibang bansa. At grabe nga talaga yung pag-iidolo ng kabataan ngayon sa mga bagay na banyaga. (Bilangin mo kung ilang bata sa kalsada ang may saksakan ng laking t-shirt, ball cap na nakatalikod na may tatak na malaki, at gayang gaya ang rap ng mga sikat na gangster. Isama mo na rin yung mga taong naniniwalang kailangan maging astigin ka para magkaron ng boses sa lipunan)
Kailangan ng kabataang Pilipino ang idolo o bayani.

Dahil hindi hanga ang mga bata sa mga idolong linikha ng media sa Pilipinas (pelikula, TV, radyo, pahayagan, magasin), sa ibayong dagat tumitingin at nakakatagpo ng idolo.

Tayo ba ay itim? Tayo ba ay puti?
Tayo ay kayumanggi.
Di na alam ng mga kabataan kung sino tayo.
Nakiki-isa sa mga itim o sa mga puti.
Resulta: identity crisis.
Patutunguhan: wala.

Paano magpapanggap na agila ang bibi? Ni hindi makalipad.
Paano magpapanggap na tamaraw ang baboy? Ni hindi makatakbo nang matulin.

Paano magpapanggap na itim o puti ang kayumanggi?

Aksyon: Marami tayong mga idolo o bayani sa ating katutubong kalinangan o kultura.
Mga iyon dapat ang isaharap ng media para makilala ng kabataan at gayahin.
Reply With Quote
rolandp43
rolandp43's Avatar
Board Elder

Join Date: Sep 2009
Location: sa disyerto/Dasma, Cavite/Pasay
Posts: 1,676
share ko lang po sa inyo essay ng isang korean na nag-aaral sa pinas...

MY SHORT ESSAY ABOUT THE PHILIPPINES
Jaeyoun Kim

Filipinos always complain about the corruption in the Philippines.
Do you really think the corruption is the problem of the Philippines?
I do not think so. I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines.

Let me first talk about my country, Korea .
It might help you understand my point.
After the Korean War, South Korea was one
of the poorest countries in the world.
Koreans had to start from scratch because entire country was
destroyed after the Korean War, and we had no natural resources.

Koreans used to talk about the Philippines , for
Filipinos were very rich in Asia . We envy Filipinos.
Koreans really wanted to be well off like Filipinos.
Many Koreans died of famine. My father & brother also died
because of famine.
Korean government was very corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism.

Koreans did not work just for themselves but also
for their neighborhood and country. Education inspired
young men with the
spirit of patriotism.

40 years ago, President Park took over the
government to reform Korea . He tried to
borrow money from other countries, but it was not possible to get a
loan and attract a foreign investment because the
economic situation of South Korea was so bad. Korea had
only three factories. So, President Park sent many mine
workers and nurses to Germany so that
they could send money to Korea to build a factory.
They had to go through horrible experience.

In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the President Park . They asked to him, "President, when can we be well off?" That was the only question
everyone asked to him. President Park cried with
them and promised them that Korea would be well
off if everyone works hard for Korea , and the
President of Germany got the strong impression on them
and lent money to Korea . So, President Park was
able to build many factories in Korea . He always
asked Koreans to love their country from their heart.

Many Korean scientists and engineers in the USA
came back to Korea to help developing country
because they wanted their country to be well off.
Though they received very small salary, they did their
best for Korea . They always
hoped that their children
would live in well off country.

My parents always brought me to the places where
poor and physically handicapped people live.
They wanted me to understand their life and help them.
I also worked for Catholic Church when I was in the army.
The only thing I learned from Catholic Church was that we
have to love our neighborhood. And, I have loved my
neighborhood. . Have you cried for the
Philippines? I have cried for my country several
times.. I also cried for the Philippines because of so
many poor people. I have been to the New Bilibid
prison. What made me sad in the prison were
the prisoners who do not have any love for their country.
They go to mass and work for Church. They pray everyday.

However, they do not love the Philippines.
I talked to two prisoners at the maximum-security compound,
and both of them said that they would leave the
Philippines right after they are released from the
prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines.

Many Koreans have a great love for Korea so that
we were able to share our wealth with our neighborhood.
The owners of factory and company were distributed their
profit to their employees fairly so that employees could
buy what they needed and saved money for the
future and their children.

When I was in Korea , I had a very strong faith and
wanted to be a priest. However, when I came to the
Philippines ,
I completely lost my faith.
I was very confused when I saw many unbelievable
situations in the Philippines . Street kids always make me
sad,
and I see them everyday. The Philippines is the only
Catholic
country in Asia , but there are too many poor people
here..
People go to church every Sunday to pray, but nothing has
been changed.

My parents came to the Philippines last week and
saw this situation. They told me that Korea was much
poorer
than the pr esen t
Philippines when they were young.
They are so sorry that there are so many beggars and street
kids.
When we went to Pasangjan, I forced my parents
to take a boat because it would fun. However,
they were not happy after taking a boat. They said that
they
would not take the boat again because they were sympathized
the
boatmen, for the boatmen were very poor and had a
small frame. Most of people just took a boat and enjoyed
it.

But, my parents did not enjoy it because of love for them.

My mother who has been working for Catholic Church
since I was very young told me that if we just go to
mass without changing ourselves, we are not
Catholic indeed. Faith should come with action.
She added that I have to love Filipinos and do good things
for them because all of us are same and have received a
great
love from God. I want Filipinos to love their
neighborhood and country as much as they love
God
so that the Philippines will be well off..

I am sure that love is the keyword, which Filipinos
should remember. We cannot change the sinful structure at
once.
It should start from person. Love must start in everybody,
in a small scale and have to grow. A lot of
things happen if we open up to love. Let's put away
our prejudices and look at our worries with our new eyes.

I discover that every person is worthy to be
loved. Trust in love, because it makes changes possible.
Love changes you and me.. It changes people, contexts and
relationships. It changes the world. Please love your
neighborhood and country.

Jesus Christ said that whatever we do to others we
do to Him. In the Philippines , there is God for people
who
are abused and abandoned. There is God who is crying for
love.
If you have a child, teach them how to love the
Philippines.

Teach them why they have to love their
neighborhood and country.
You already know that God also will be very happy if you
love others..

That's all I really want to ask you Filipinos.

James 1:5
Isaiah 53:3
Jeremaih 29: 11-14
John 3:16
Eph 3:2
Reply With Quote
_gitaraboy_
_gitaraboy_'s Avatar
Senior Member

Join Date: Jan 2008
Posts: 262
@roland very inspiring

dapat mabasa ito ng lahat ng pilipino

pag my love for God,love for country everything follows

i love Philippines!!!

Laus Deo Semper

Not because of who i am, but because of what You've done.
Not because of what i've done, but because of who You are.


Reply With Quote
Bonnie
Bonnie's Avatar
Board Elder

Join Date: Feb 2007
Location: Jeddah, K.S.A.
Posts: 3,306
Buti pa ang ibang nationality, nakikita ang problema ng mga Pilipino, hay naku... Ang Pilipino di alam ang gagawin kung pano magiging maayos ang Pilipinas. Sana napaguusapan na rin lang, makagawa tayo ng hakbang para makatulong sa pagsulong at pagunlad ng Pilipinas.
___________ "SONG OF MARY" ____________
Sing my Soul....
the greatness of the Lord...

Reply With Quote
_gitaraboy_
_gitaraboy_'s Avatar
Senior Member

Join Date: Jan 2008
Posts: 262
Quote:
Originally Posted by Bonnie View Post
Buti pa ang ibang nationality, nakikita ang problema ng mga Pilipino, hay naku... Ang Pilipino di alam ang gagawin kung pano magiging maayos ang Pilipinas. Sana napaguusapan na rin lang, makagawa tayo ng hakbang para makatulong sa pagsulong at pagunlad ng Pilipinas.
parang chess yan mas magaling pa ang miron kesa nglalaro mas nakikita kasi nila yung mali,
umpisahan natin ang pagmamahal sa bayan

Laus Deo Semper

Not because of who i am, but because of what You've done.
Not because of what i've done, but because of who You are.


Reply With Quote
Reply « Previous Thread - General Discussions - Next Thread »
(3/7):  1  2  3  4  5   Last »
Currently Active Users Viewing This Thread: 1 (0 members and 1 guests)
 
Thread Tools
Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump:
Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
The Funniest Thread There Is! Koenji General Discussions 981 12.06.01 04:21 PM
Forum Game: The 5 Word Story sjclc General Discussions 2584 09.06.03 07:40 AM

All times are GMT +8. The time now is 02:41 PM.