Pauwi Na

(For all our dear departed)

KORO
Pauwi na sa tahanan Mo.
Pabalik na sa Iyo.
Tanggapin at kupkupin,
Kapatid namin sa 'Yong piling.

Kami ma'y nalulumbay,
Siya ngayo'y naglalakbay.
Mga anghel ang gagabay
Tungo sa Iyong kamay. (koro)

Ang lungkot, 'Yong pawiin.
Ang pait, 'Yong paghilumin.
Sa aming magkawalay,
Pag-ibig Mo ang tutulay. (koro)

Pagkukulang, patawarin.
Kabutihan, huwag limutin.
Sa kamatayan, siya'y hanguin.
Buhay niya'y 'Yong ganapin. (koro)


As we commend our dear departed to the Lord's care, we ask for healing and wholeness, accompanied by the hope and promise that we will meet again when we at last go home to God.

ALBUM(S)