BP MEMBER LOGIN
You may login with either your assigned username or your e-mail address.
The password field is case sensitive.
Forgot Password?

Sunday, April 20 2014 9:33pm
HINDI KITA MALILIMUTAN

Requires Adobe Flash

Your rating: None Average: 4.6 (32 votes)

Hindi kita malilimutan
Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman
Sa 'king palad ang 'yong pangalan

Malilimutan ba ng ina
Ang anak na galing sa kanya?
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano niya matatalikdan

Ngunit kahit na malimutan
Ng ina ang anak niyang tangan

Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan

Sa pamamatnubay ni Mr. Pagsi, isinulat ng klaseng 1A ng Ateneo de Manila High School ang titik na batay sa Isaias 49:14-16. Tatlong estudyante ang napiling lumikha ng himig at napili ang gawa ni Manoling. Hindi raw siya inspired sa paglikha - ginawa nya habang naghihintay ng merienda. Natapos niya ang homework na iyon sa loob ng apatnapung minuto.

Ngunit tunay ngang mahiwaga ang gawa ng Panginoon. Nagwagi ang awit ng unang gantimpala sa timpalak Awit Pangmisa ng Ateneo High School. Sa mga sumunod na mga araw mag-isang kumalat ang awit sa buong Ateneo, sa buong Pilipinas, at sa bawat sulok ng mundong mayroong mga Pilipinong nagtitipon upang ipagdiwang ang pananampalataya.

Masasabing dito nagsimula ang masiglang paglikha ni Manoling ng mga awiting pansamba - na malaking ambag sa pagtubo ng Bukas Palad Music Ministry.

RELATED MEDIA
The Best of Bukas Palad volume 1 (Silver Anniversary Edition) The Best of Bukas Palad volume 1 (Silver Anniversary Edition)
2011
Your rating: None Average: 4.7 (30 votes)
The Best of Bukas Palad volume 1 The Best of Bukas Palad volume 1
1997
Your rating: None Average: 4.7 (21 votes)
The Best of Bukas Palad volume 1 The Best of Bukas Palad volume 1
1997
Your rating: None Average: 4.8 (12 votes)
Bukas Palad Bukas Palad
1986
Your rating: None Average: 4.4 (23 votes)


BP's ONLINE NEIGHBORHOOD

facebook twitter flickr youtube

www.nargalzius.com