Sa Tingin Mo

Lyrics

Sa tingin Mo, nakita ko ang tunay na makauunawa
ng aking naiisip at nadarama, nakita ko sa tingin Mo.

Sa tingin Mo ay natanto, kung paanong dapat isabuhay
Ang isang pananampalataya, natanto sa tingin Mo.

REFRAIN
Sa tingin Mo, nakita ko! Sa tingin Mo ay natanto!
Sa tingin Mo ay nadama! Sa tingin Mo, naniwala!

Sa tingin Mo ay nadama, dakila Mong pagmamahal,
At wagas na kadakilaan, nadama sa tingin Mo.

BRIDGE
At doo'y natanggap ko rin, walang ibang dapat gawin
Kundi ang ipaubaya sa Iyo ang takbo ng aking puso,
At ng aking isip, damdamin at lahat ng alalahanin.

Nang sa gayon, tunay nga ako ay magiging karapat-dapat.
Nang sa gayon, tunay nga ako ay magiging karapat-dapat. (REFRAIN)