Para Lang Sa 'Yo

Lyrics

Kahit na ano pa ang iatas,
Kahit na madawag ang landas,
'Di kami titigil sa aming pagtahak
Nang kami’y maging tapat sa 'Yo.

Kahit na ano pa ang sapitin,
Kahit na ginhawa ay hingin,
'Di kami titinag sa aming naisin
Na ialay ang lahat sa 'Yo.

CHORUS
Para lang sa 'Yo!
Para lang sa 'Yo ang aming puso
At kalul'wang nagbubunyi!
Ang aming buhay
ay nilalaan para lang sa 'Yo!

Kahit na ano pa ang magbago,
Kahit na magunaw ang mundo,
'Di kami lilimot sa aming pangako
Na manatiling tapat sa 'Yo. CHORUS

Bridge:
Ikaw lang ang daan,
Ikaw lang ang buhay,
Ikaw ang katotohanan! CHORUS

CODA
Para lang sa 'Yo! Sa ‘Yo!

Information

Music: Norman Agatep
Lyrics: Lui Morano
Arrangement: Gino Torres
Featuring: Jason Villaroman