Nariyan Ka
Lyrics
KORO:
Saan man ako magpunta
Nariyan Ka, nariyan Ka
Anumang kahihinatnan
Buhay ko'y 'Yong tangan
Nariyan Ka, nariyan Ka
Matatakasan ba
Ang yakap Mong lingap-aba
Abutin man ang karimlan
Tiyak kong nariyan Ka (KORO)
Bawat kilos ko
Bawat tibok ng puso ko
Batid Mo na'ng lahat
Pagkat sa 'Yo nagmumula (KORO)
Di matatarok
Kadakilaan Mo, Ama
Higit pa sa bilang ng talaga
Ang Iyong himala (KORO)
Di lingin sa 'Yo
Ang kahinaa't sala ko
Ituro Mo'ng wastong daan
Tungo sa 'Yong tahanan (KORO)